Email: aileen_jiz@hotmail.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 25th, 2006 - 2:04 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Totoo ba itong mga nababasa ko? Bakit naman kayo nagkapikunan dito? Zorro mio, kay dali mo namang umayaw? Huwag init ulo, sira performance. Huwag kang padala sa mga alingasngas, intriga at pang-aasar... remember the rule noong mga bata pa tayo: ang mapikon, talo. Hayaan mo lang silang magspeculate, manghula, magduda, mangbintang at masira ang ulo sa kaiisip, they are all entitled to their own opinion. Huwag naman nating sirain ang maganda nating sinimulan...
Biruin ninyo, naburahan tayo ng forum at lahat-lahat, andito pa rin tayo. Please.... hindi tayo naghintay ng 25 years para magkapikunan lang at mag-ayawan... para tuloy lumalabas na nag-aaway na tayo dito niyan... huwag naman mga kapatid, pakiusap...
Alalahanin ninyo, this is not a private forum, this can be viewed by public, by anyone for that matter. Nababasa ito ng iba, gusto ba ninyong pagtawanan tayo ng iba dahil sa nangyayaring ito? Huwag naman sanang maapektuhan ang ating 2007 reunion.
Email: joybltzr@yahoo.com
Author Comment
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 25th, 2006 - 2:12 AM Re: Batch 82 chikahan
Kakatapos ko pa namang makipagchat kay Isidro de Guzman at nasabi niya sa aking plano niyang umuwi dito sa Pinas ngayong summer at tutulungan niya akong maghanap ng mga kabatch natin. I even invited him to login here and join us. Nakakahiya namang ito ang madatnan niya sa atin. Tsk... tsk....
And finally, for clarification purpose for Vietnam Rose’s (mis)statement , Zorro is not one and the same person as W. J. Sonita is. Zorro is right, don’t judge us because we’re just both poetic persons. Napakaraming barako akong kilala na napakamakata din. And to remind everyone, right from the start, I already made myself clear that I am not going to use any alias at all. Napasaya tayong lahat ng pag-aalyas ninyo, pero ang sabi ko nga, mas masarap makipagkwentuhan kung kilala mo ang kausap mo, so I let you do your thing, sinakyan ko kayo. Ang W. J. Sonita ay hindi isang alias, at kailanman ay hindi ko ginamit sa forum ng batch 82. Gumawa ako noon ng sariling forum dito rin sa website na ito entitled “My Journey In Life” kung saan inilathala ko ang aking mga mumunting akda. W. J. Sonita is a pseudoname (pen name) I used in writing. I hope this clarifies everything....
Email: joybltzr@yahoo.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 25th, 2006 - 2:39 AM Re: Batch 82 chikahan
Kakatapos ko pa namang maka-chat si Isidro de Guzman, Napag-usapan namin ang 2007 reunion. Uuwi daw siya ngayong summer at tutulungan niya akong maghanap ng mga kabatch natin. I even asked him to login here and join us. Nakakahiya naman sa kanya kung ito ang madadatnan niya sa atin...
Email: joybltzr@yahoo.com
Emil Arnel L. Morales
Feb 25th, 2006 - 6:51 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
classmate paki email naman sa kin ang email address ni Isidro de Guzman.
Wag na kayong mag away. Kung ayaw nyo ginagawa ng iba eh di deadma na lang.
I always read this forum daily but wala naman akong ibang masabi so hinde rin ako nag rereply.
Kung ayaw nyo ng pahula contest eh mag suggest na lang ako.
Dapat may kaakibat na premyo ang sinumang makakapag invite na iba pang batchmate natin nung 82. Tulad ng ginawa sa kin ni Joy. Hinde nagsawang magturo sa kin kung pano mag log in dito.
Puede na ba yun?
Bukod pa ito dun sa premyo ni Ms Grace na kiss sa lahat ng bagong mag log in.
Kelangan siguro Grace magdala ka ng yelo sa reunion para wag mamaga lips mo. Ha ha ha.
Hinahon lang lahat.
Bye for now and God Bless you All!
Email: emilarnelmorales@yahoo.com
Sangre Danaya
Feb 25th, 2006 - 8:04 AM Re: Batch 82 chikahan
Abesala! mga engkandado at engkandada, ipagpaumanhin ang matagal kong pagliban dahil inayos ko muna ang mga problema sa aming kaharian. Marami na palang nangyari d2 sa ating chikahan corner grabe ang bilis ng mga sagot d gaya ng dati ilan-ilan lang kami. Mutyang grace hayaan mo ipapadala ko sa mga customer mo ang maraming kaperahan para dami ka order. Joel kumusta ka na? Apektado ka ba ng snowstorm dyan? How about mher? Ok lang ba kayo dyan? Joy pakilala mo nga ako kay Zorro balita ko may date kayo, wla pa me idea kung cno cya. d kaya ng power ko hulaan cla.
Kelan kaya ang miting para sa grand reunion natin Joy? Abisuhan mo lang me sa Engkantadia para naman makaattend ako.
'til here
God Bless
.-=DARNA=-.
Feb 25th, 2006 - 12:35 PM Re: Batch 82 chikahan
KONTRABIDAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!
eheste...
DARNAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!
pala!
so ano ngayun mga sisters? gusto kasing maging bida? hayyyyyyyyyy naku whiz ka ateng magiging bida noh! well, now that zorro seems to turn his back away from the so called "game". ano ang bagong gimmick? meron ba? may naisisp na ba ang gustong maging bida? as if ka batch ka namin? dyus ko day aileen!!! wagi ang iyung statement! why don't you just keep it for yourself? and mama joy, yes korek ka jan as in everyone is entitled to their own opinion. but not to the extent that he/she humiliate someone! devah friendship valentina? matuk mong mag offer pa pala sya ng "teraphist"? as in nakaka imbudo na noh? YES! were using aliases and the likes pero hindi tayo nang insulto nor initiate one! and her statement is really offensive na noh? hindi na nakakatuwa chuva! sana kung hindi ka nakatago sa iyong alias... okay lang! we will take that as a plain ek-ek jokes. pero hindi noh? let's refrain using such offensive and deregatory remarks kung naka-alias tayo! gusto mo eksena braganza ka pero wala ka namang "K" sorry dahlin but this is reality! for 25 years you learn nothing! not even self respect? but then kung hindi ka nga namin ka batch... i even feel worst and sorry for you. may your tribe rest in peace! "SORRY SIS N BRO!" but this so "called batchmate" of ours is getting to my nerves. hayyy nawala tuloy ang poise galore ko sa kaka-emote! at ang aking maskara ay kumalat na sa aking mukha sa kaka-wipe ko ng aking mga tears galore!
o siya mag rere-touch muna ako... and am hoping that zorro will continue what he started for "US" batch 82. "NOT" other batch!
back to earth...
'-=NARDA+_'
lovingly yours,
.-=DARNA=-.
.-=DARNA=-.
Feb 25th, 2006 - 1:25 PM Re: Batch 82 chikahan
ms. bonita valdez,
good day!
i am not reffering the "other batch" to cause any trouble. doon lang po sa "pasaway".
my apology for making such statement.
Vietnam Rose
Feb 25th, 2006 - 5:29 PM Re: Re: Batch 82 chikahan
O siya siya maghunos dili na ang mga masyadong mapupula ang hasang! Huwag ninyong sabihing masyado na kayong kumakain ng maraming taba ng baboy dahil nagiging mataas na ang inyong mga presyon? O sige na nga peace na sa lahat Sabi ko na naman nuong una pa na "bato bato sa langit tamaan wag magagalit, kahit totoo lulunin nna lang ninyo". Hindi ba't kayo ang nagpasimula nito at sinasakyan ko lang ang laro ninyo.Tatahimik na nga lang ako kasi kayo etong napipikon pag-nabubuking ko. Anong magagawa ko kung magaling akong manghula? Hindi ba ang isda sa bibig nahuhuli?Peace to all
Magbabasa na lang ako sa isang tabi pero sa reunion natin ako ang hahakot ng premyo at wag ninyong kakalimutan.
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 25th, 2006 - 10:09 PM Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Okay, enough of this, people... let us all forgive & forget this thing has happened to us. Let's move on...
I certainly agree with you, Emil. Mas maganda nga yung bring back a batchmate contest. Pinakamaraming nadalang batchmates, panalo. Mareng Aileen, want to sponsor the contest? Dito mo na lang ilagay ang prize mo. Ehemmmm.... parang bigla ko ng gustong umalis at maghanap ng batchmates?
Email: joybltzr@yahoo.com
Dory Ferrer
Feb 26th, 2006 - 6:11 AM Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Hi Joy, "THANK YOU SO MUCH" for doing all this para sa reunion natin. It's not easy to organize this big event. I agree sa pa-contest na pinakamaraming invite sa reunion will win. Kung sino man ang mag sponsor ng prize dagdagan ko ang papremyo sa mananalo. A dinner with me to any restaurant na choice ng mananalo at may pasalubong pa. Ok ba yun? Also, kung sino man ang maraming ma invite to log in here will get a prize from me. Suggestion ko lang ito kung agree lahat ng members. Joel, where are you? Miss you na dito sa forum. Log in ka na. Peace to everyone!!!
Email: dflacambra@hotmail.com
crisostomo ibarra
Feb 26th, 2006 - 7:04 AM Re: Batch 82 chikahan
malugod na pagbati po sa lahat. makapagtanong na nga lang po kung inyong mamarapatin. ako po pa ay nasa tamang lugar manyari po kasi na sa huling bahagi nitong talastasan ay puro patutsada ang aking nabasa.
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 26th, 2006 - 7:34 AM Re: Batch 82 chikahan
Isang mapagpalang gabi sa iyo, Ginoong Crisostomo Ibarra! Hindi mo nabanggit kung anong batch ka kaya hindi ko alam kung anong topiko ang hinahanap mo. Kung ang hinahanap mo ay ang sa batch 82, ito yun, at maaari ka rin namang mag-umpisa ng sarili mong topiko kung may iba kang nais pag-usapan.
Nangyaring nagkaroon ng patutsadahan dito sa dahilang nagkaroon ng kaunting di-pagkakaunawaan dahil sa paggamit ng mga alyas (na napansin kong, siya mo ring ginawa). Nguni't hindi na mahalaga pa iyan, ang mahalaga'y ang pagbangon pagkatapos ng isang unos - na siya namang pilit naming ginagawa dito. Hindi ba yan ang mithiin ng lahat sa buhay? - ang makaalpas sa suliraning hinaharap sa kasalukuyan upang ipagpatuloy ang buhay? Napakaganda ng buhay para wasakin lamang natin at aksayahin sa mga walang kwentang bagay.
Kaya pakiusap ko lamang sa mga pumapasok sa topikong ito na batch 82, hinay-hinay lamang sa pagbibitaw ng inyong mga pananalita... napansin ko na mayroong iilan na bagama't idinadaan sa biro, ay masakit at maanghang pa rin ang dating ng mga salita. Huwag nating hintayin na ang inyong mensahe dito ay burahin pa... higit na kahiya-hiya iyan sa ating batch, at higit sa lahat sa ating sarili, dahil kung tayo'y gumamit ng alyas, walang sinuman ang nakakaalam niyan kundi ang sarili mo at tanging Diyos lamang. Sa bandang huli mananagot pa rin tayo kundi man sa iba, sa ating sarili.
Iyon lamang po at sana'y naunawaan ninyo ako. Labis lamang akong nalulungkot na maaaring mawala ang lahat ng pinaghirapan natin kung hindi tayo magkakaisa. Salamat sa mga nakakaunawa.
Patnubayan nawa tayo ng Panginoon at nawa'y liwanagin niya ang ating pag-iisip. At sana'y huwag panghinaan ng loob at huwag tabangan ang lahat ng nagsusumikap para sa 2007 reunion natin.
Email: joybltzr@yahoo.com
Kristala
Feb 26th, 2006 - 8:32 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Ano ba yan wala ng katapusang okrayan!!!Pero sa yo Vietnam chenez pinapatawad na kita dahil ako ay isang maunawaing ka-batch mo. Sa mga taong pumapasok dito sa forum pinapatawad ko na rin kayo kung kayo ay napipikon. gaya nga ng sabi ni Vietnam rose kung ayaw ninyo ay magbasa na lang kayo ng abante o magatanim ng kamote! Ang galing nun mare ah. Para nga lamang eto sa mga open minded at kung di ninyo feel o di ninyo ma-getz sorry na lang kayo di maghanap ng ibang gagawin sa inyo. maaaring ang katotohanan niyan ay aliw na aliw din kayo at wala kayong masabing maganda. Sabi nga ni Mama Joy magpakatotoo sa sarili........
Dory kailan ba ang uwi mo dito? Wag mong kalimutan ang pasalubong at samahan mo na rin ng Papa para makaalis na rin ako dahil di kaya ng lipad ko ang Tate.
Aileen marami akong ma-rerecruit sa reunion dahil dito na lang sa bandang amin maraming b82 na nagtatago dahil nahihiya, pero ano nga ba uli ang papremyo.
Asan na nga ba kayo Mher,Joel,Erwin, Maynard,Rodel at Arthur? Nagtatago na rin ba kayo sa mga aliases? Judith nakita kita kanina sa tapat ng bahay ninyo habang nakasakay ako sa jeep, musta ka na?Sa susunod......babu!
grace bagorio
Feb 27th, 2006 - 9:24 AM Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
ANO TO??!!!
Parang gusto kong himatayin sa mga oras na to. Bakit nauwi sa okrayan ang forum natin na dating nakakalibang bisitahin at itinuturing kong "a place to unwind"?
Mareng j0y, tumawag ka daw kanina? Sorry kung di tayo nag kausap, pinaayos ko kasi itong "daga" ko kasi nga miss na miss ko na kayong lahat...only to find out na nasa bingit ng kamatayan na pala ang pinaghirapan at pinagpuyatan nating maganda, maayos at masayang forum.
What went wrong? totoo pala ang nirereklamo sa akin ng mga batchmates natin (over the fone), na may nagaganp na kaguluhan dito. Akala ko naman very minor lang at kayang kaya laruin ng ating mga showbiz talents. Major disaster na pala, to the extent na nag pack-up na si Zorro!
Sino ang culprit? Iisa lang ang tanong sa akin ng ating mga minamahal na friendships.. SINO SI VIETNAM ROSE? In all honesty, hindi ako yun at lalong hindi ko sya kilala. Di pa nya ako tinatawagan till now.
Sa iyo Bb. vietnam rose, una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa iyo sa pagpost mo dito sa forum as newcomer. Pangalawa, gusto ko ring humingi ng paumanhin sa mga salitang bibitiwan ko sa yo ngayon. hindi namin hinangad ni joy na magkasiraan at magkagulo ang batch82 dahil lamang sa mga masasakit na salita mo. Kung mapapansin mo, (at ninyong lahat), nagsimula ang OKRAYAN AT BANGAYAN nung pumasok ka VR. (ipagpaumanhin mo, correct me if i'm wrong). Naramdaman ko na ang namimintong kaguluhan na ito nung magreact sina Darna at Valentina sa yo. Inisip ko na lang na mawawala din ito at manunumbalik ang sigla ng forum. Pero kabaligtaran ang nangyari. Our friends started calling me then, asking Who you are?
Masakit at malungkot isipin na dahil lang sa pagiging tactless, ay tuluyan nang mahihimlay ang ating samahan na pilit nating binubuong muli sa pamamagitan ng forum na ito. Napansin ko rin na medyo wala na sa tema ng hinahangad nating grand reunion ang binibitiwang mga salita dito. alalahanin natin na nababasa tayo ng buong mundo. the reputation of our alma mater is at stake kung magpapatuloy ang ganitong bangayan. Isang malaking kahihiyan ang pinamamalas natin ngaon di lamang sa ating batch kundi sa buong mundo. Ang nakakatakot, baka tuluyan na tayong i-ban ni Ms, Bonnette sa website kung di tayo mag-iingat sa ating mga pananalita.
Sa lahat ng Batch82, lalo na sa mga napilitang magpost (upang mag react sa kaguluhan), maraming salamat at nagwakas na ang inyong pananahimik at willingly ay pumindot na rin kayo. Pasensiya na at sa pagpasok nyo ay okrayan at bangayan pa ang inyong dinatnan. In behalf of Joy, humihingi kami ng taos-pusong paumanhin at nakikiusap kami na ayusin natin ang kaguluhang ito ASAP!
Lets all be PROFESSIONAL here. Isaisip natin lahat at isapuso ang ating layunin at mithiing MULING IBALIK ANG MASAYANG KAHAPON. Huwag nating hayaang magunaw at malibing sa hukay ang sinimulan nating MAAYOS AT MASAYANG samahan.
Ipagpatuloy ang pagpaparamdam, at sa pagkakataong ito, hiling namin ni joy, kung inyong mamarapatin, HUWAG NA GUMAMIT NG ALIAS.. Ilahad na ang inyong totoong pangalan sa pag post. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan natin ang gulo at maaari na rin simulan ang "head count" para sa 2007 reunion. Sana ay mapagbigyan nyo kami ni Joy sa aming kahilingan. Ibaon na natin sa LIMOT ang mga naganap na okrayan at bangayan at buhayin nating muli ang masayang chikahan dito sa forum.
Zorro, galit ka ba sa akin? Bakit naka exclamation mark ang pagbanggit mo sa pangalan ko? Inaamin ko, ako mismo ay nalito at bahagyang naniwala sa mga paratang ni VR. Pero di ko gaanong dinibdib yun, bagkus ay sumakit ang ulo ko. Buong akala ko'y katuwaan lang yon. hindi pala. Pasensiya na ha? Tiklop-tuhod akong nagsusumamo sa yo, please...please... come back to us soon.
Sa paglipas ng mga araw, alam kong hindi magagawa ng ating butihing kaibigan na si Joy, ang manlinlang ng batchmates lalo pa't siya ang pasimuno nitong makatanggal-pagod na forum. Dugo't pawis (pati na cell load at internet card) ang oinuhunan nya sa pagbuo ng ating samahan. siya pa rin ba ang mapaparatangan ng "multiple personality" na nanlilinlang sa mga sumusubaybay sa ating mga kabanata? hindi yata logical yon devah? ANG TAWAG DON AY UNFAIR. Sa kabila ng kanyang walang sawang pagkumbinsi na mag log-in at magpost, sa kanyang mga pagbati, at pagpapatawa sa atin, ito pa ang igaganti sa kanya? Huwag naman po.. utang na loob lang!
Sa mga sandaling ito, taimtim akong nananalangin na SANA... maliwanagan ang buong batch82, at huwag hayaang mabuwag ang matibay na pundasyon na itinatag di lamang ni joy kundi ng masisipag at matitiyagang chikadera at chikaderong friendships natin na sina aileen, joel, erwin,mher, gigi, dory, emil, everly, arthur, maynard, beto, zorro, darna, valentina, kristala, panday, sangre danaya at ang inyong lingkod..mutya..DAW O? (O as in okray)
Hanggang sa muli, MABUHAY ANG BATCH82!! WALANG AYAWAN, WALANG ATRASAN, WALANG ALIASAN, WALANG PIKUNAN, WALANG OKRAYAN... CHIKAHAN GALORE LANG
grace bagorio
Feb 27th, 2006 - 9:48 AM Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
AYYYYY!!!!
nag exceed na daw ako sa 5,000 characters allowed dito! Kaya pala naninigas na mga daliri ko.
Emil, saludo ako sa suggestion mo. Okay lang kahit hindi ako makakuha ng premyo. Pero pipilitin kong magbitbit ng ka-batch natin sa 2007 reunion. hindi pa rin mawawala ang pangako kong beso-beso sa lahat ng mga magpo-post. Ito ay bilang pasasalamat sa inyo sa pagpapahalaga sa forum na ito. Unahin na kita, oks?
I'm sure nagkanda duling kayo sa aking nobela. Pasensiya na ha? Talagang nangulila lang ako sa inyong lahat. Sana lang ay wag tayong mangulila kay Zorro. asahan at hintayin ka namin ha? this time, with ur true identity.
see u all the SOONEST..
Emily Tuy
Feb 26th, 2006 - 9:43 PM Hi Grace
Hi Grace,
I hope you still remember me, Emily Tuy from gradeschool in Gen. Roxas Elementary School. I have been trying to locate our old friend, Pinky Carag. I just wanted to catch up with her kasi we lost touch na eh. Please give her my e-mail : emilytuy@hotmail.com Thanks.....Kumusta ka na?
Emily
Email: emilytuy@hotmail.com
grace bagorio
Feb 27th, 2006 - 8:25 AM Re: Hi Grace
Hi Emily,
Ofcourse i remember you my dearest cute, and curly sweet friend? I'm so glad u were able to locate me. I'll give ur email add to Pinky. You can also try calling her at cell# 09193459999. I also wish u could join us in our chikahan here. Best regards to you sweetie.. Mwah..
Mercedes Ayo
Feb 27th, 2006 - 10:33 AM lets just have fun!
akala ko nasa Iraq cyberboard ako guys give love not war...lets just make our cyberboard happy,fun and healthy for everybody. I hope na hindi madala ang new comer sa mga nabasa nila at huwag humintong magparamdam...Joel nasa laot ka pa ba meron ng war dito sa cyberboard marami ka ng na-miss and Eileen told me na pagpagan kita kc baka may dala kang siyokoy i mean sirena sa aplaya.(bwahahahahaha-original from Max Alvarado )so guys please 4get everything and just have fun,kasi balak ko rin mag alias ng dalawa si Eva at Adan pero hindi na ngayon kc galit na ung iba eh...naghanda pa naman ako ng costume ko for reunion para sa aking alias..talagang saludo ako sa lahat ng mga naglo-log-in here sana huwag kayong magsawa.Rodel nagbabasa ka pa rin ba?Gees man its time naman na magparamdam ka no.Peace to all... till next babush!
Email: ajustmer@aol.com
Joel Garcesa
Feb 27th, 2006 - 12:51 PM Mabuhay sa lahat!
Hello I am back na! Wowwowowweeeee!!!!!!
Pagbaba ko pa lang ng barko kanina ay marami na ang nagsabi na may coup d'etat sa atin. Ngayon nag log-in na ako ay saka ko nalaman na talaga ngang may coup d'etat.
I had a great time and sa totoo lang namiss ko din kayo. Kaya I will send you all the pics and i have to update everyone's emails. Siempre mas maganda pa rin ang ating bansa at mas high tech tayo dahil sa atin vey accessible ang internet kahit sa boracay at kabundukan may internet cafe. sa caribbean kahit mexico hindi ganun ka easy. Nagtataka nga si Milton bakit daw nagahahanap ako ng internet cafe sa Mayan pyramids at sa laot. Siguro nasanay lang ako sa atin na akala ko ganun din sa ibang bansa.
Joy, i will answer your email at pasencia na sa delay. At marami din akong chika pero wait lang muna.
Mher, tatawagan kita mamaya at sino ba ang nanalo si Villoria? Dear kung kasama ka lang panalo tayo sa swin suit contest kung ipapahiram mo lang sa akin ang ******* mo. wag kang mag-alala ibabalik ko sa iyo after 2 days may paso paso na ng cigarillo.hehehehehehe(joke only).Miss ko na rin ang homemade wine ni Ogie. Kumusta na si Justin?
Grace, ano nga pala ang iyong email address para mapadalhan din kita ng mga pics. Alam ko bukod sa Mutya ka ng Pasig ay ikaw din daw ang Ms. Congeniality. Diba bukod sa pagiging muse ay isa ka rin Peace Cor. Use the talent dear. Ang ibig kong sabihin ang iyong pag-awit at pagsayaw.
Aileen, hindi sirena ang nasa tabi ko kundi maraming mga syokoy. malalaki at super dakota plus mga bayutiful pa kaya nga lang sayang dahil hindi puede take home. Matsalap-tsalap siguro kainin yun? Hayyyyyy
Dory, ikaw yata ang una kong nakausap as soon as i arrived. Bongga ka talaga!!!! Darating ka pala talaga dito sa new York City June 16-21 pero children tour eto. Pasenciahan mo na lang ang place ko.Tatakas tayo sa gabi para mamalengke. I will coordinate with Mher. I will try to ask for a vacation dahil June is the most fabulous month here in New York City dahil every Sun for the whole month puro parades. Excited na tuloy ako!!!!
Sa lahat kumusta na kayo, Benj,Tam, Rubie, mabel, Pinky, Judith, Elenita, maynard, Rodel, arthur,mao, jessie, at iba pa? Ringo I miss yah!! Where are u now soldier? Beto thanks for the text pero sorry hindi ako nakapanood ng laban dahil nasa trabaho ako. Sa mga super heroes kumusta na kayo? cant wait to see you all in costumes. wala bang tarzan? batman o spiderman pero dapat tights ang suot huh. basta ba kung saan ang masaya at walang nasasaktan, GO!!!! at join ako dun. Muli ako ay naliligayang maglog-in. I am very proud of all your talents and skills. Mabuhay!!!!
Joel Garcesa
Feb 27th, 2006 - 3:43 PM Re: Mabuhay sa lahat!
Hello rin sa iyo Emil nakita ko ang pics mo ng christmas party. Everly Niel, tandang tanda ko pa rin ang iyong face. Madalas pa nga yata kitang lokohin nuon out of being silly. Regards na lang sa inyong mga love ones.
Wala pa rin bang wowowowwweeeee? I am just watching now sa TFC sila Regine Velasquez and Eric santos latest music video. Ms. Palac and Ms. Ching Kumusta na rin sa inyo. See you later.Toodles.
joy trinidad panlilio-baltazar
Feb 27th, 2006 - 8:12 PM Re: Batch 82 chikahan
Hello to everyone! Welcome back my dahlin joel! And to you, too, Ms. Emily Tuy! I still remember you, inseparable nga kayong 2 ni Pinky noong elementary tayo. Ako, siguro you forgot na. You helped us also for some time in our Sto. Niño Choral Group's vocalization practice.
Yes, mareng grace, I called you up for several times yesterday, to talk sana about what is happening here in our forum. I even texted you, pero di reply ang beauty mo. Kako, baka busy ka lang o baka di mo nareceived text ko kasi nga nagkakaroon nga ng text transmission problems ngayon dito sa Pinas, dahil na rin siguro sa kaguluhang nangyayari ngayon sa ating paligid.
Tama ka, masamang-masama ang loob ko sa nangyaring ito, actually tinatabangan na nga ako at tinatamad, nagdadalawang-isip na nga ako to continue looking at the reunion matters, parang feel ko kasi, lalong nabawasan ang aatend dahil sa mga kabi-kabilang komento. Biro mo, ngayon ko lang nalaman, may pagka-engot pala ako... ako pala yung tinutukoy pa dati ni VR na multiple personality, hindi man lang ako nag-react noon... kasi naman, hindi nga ako yung mga yun kaya hindi ako na-guilty, kaya no react ang aking beauty.
Dostları ilə paylaş: |