Batch 8T2 chikahan (2006) edition


Email: joybltzr@yahoo.com joy trinidad panlilio-baltazar



Yüklə 310,37 Kb.
səhifə4/9
tarix26.08.2018
ölçüsü310,37 Kb.
#74558
1   2   3   4   5   6   7   8   9

Email: joybltzr@yahoo.com

joy trinidad panlilio-baltazar

Feb 27th, 2006 - 8:29 PM       Re: Batch 82 chikahan

Marami rin palang tumawag sa iyo tungkol sa nangyaring kaguluhan dito sa forum natin? Akala ko'y sa akin lang, halos hindi na tumigil ang pag-ring ng landline phone ko at celfon - walang tigil na reklamo, pagtatanong at pag-aalala na maapektuhan ang reunion at samahan natin dahil dito, kasama pa yung naging kahiya-hiya na raw tayo. Wala ring tigil ang paghingi ko ng paumanhin at pangangako na aayusin natin ito.

They are even asking me if it's true na ako nga si Zorro, Darna at Valentina... kung ako daw yun, napakagaling ko naman daw talaga... (wish ko lang, ako na nga sana, e di sana, nandito pa si Zorro sa piling natin). Hindi po ako yung mga iyon, kung noong mag-isa nga lang ako dito sa forum at mag-isang kinakausap ang sarili, e hindi ko naisip yang ganyang pakulo, ngayon pang marami na akong kasama na batchmates dito? Ano ba yan?!

Our batchmates are all demanding over our phone conversations, to stop using aliases and to log in true names. They also want to know who really is Vietnam Rose & Kristala, sabi ko, hindi na mahalaga pang malaman kung sino sila... forgive & forget na lang.

Kaya pakiusap ko sa lahat, tama na ito... tapusin na natin. Maglog in na lang in true names, welcome ang lahat kahit sinong nakaalyas pa dati, you don't need to say na kayo yung dating si ganitong alyas.

Come to think of it... hindi ako (at tayo) dapat na magpa-apekto sa nangyaring ito. I will try my best to forget this has ever happenned to us. Kelangang ibalik ko ang sigla ko para sa ating batch, kung hindi, paano ko kayo mae-encourage na kalimutan ang lahat at maging masigla muling paghandaan ang ating nalalapit na reunion?

Email: joybltzr@yahoo.com

grace bagorio

Feb 28th, 2006 - 1:45 AM            Re: Re: Batch 82 chikahan

Finally!!! It's over!!!

FINALLY, you're back to civilization dahlin Joel, we terribly miss u. Im sure the feeling is mutual. Sad to say i dont have an email address. But i'l try if i can use my son's. I'l talk to him 2nyt. Madami ka talaga na miss d2 sa forum, including the "just concluded coup" here in our beloved forum. I strongly believe IT'S OVER.. right guys?

The atmosphere seems quiet now. And I hope & pray, smooth sailing na once again ang ating chikahan. At this point, I'd like to personally thank all concerned, for ur utmost understanding and loving concern to our batch as well as to our alma mater. And i should say, this will make our bonding stronger now that we were able to resolve an embarassing situation. Peace on earth, and to all Batch82.

Oh no, mareng joy! dont ever give up now.. dont ever stop now.. Wag kang tatabangan, please! The show must go on, and we cant go on without you. Wag mo naman kaming iwanan sa ere. as i said, everything is okay now. Im pretty sure na enlighten na rin ang ating mga batchmates. Ceasefire na. Sa yo na rin nanggaling, lets just forgive & forget. Nangyayari talaga yon sa mga magkakaibigan.. a little misunderstanding, miscommunication, miss u, miswa...mistress! ngek!!

And you are right in saying, everybody, all batch82, are requested to log-in and post here, this time, with their true names. No more aliases. Minsan na tayong nadapa, wag na nating ulitin yon, devah? kundi, puro peklat tayo by 2007.

Once again, to all batch82 (parang ang kulit ko na noh) special mention to our newcomers "ungas", "jun batch82", "crisostomo ibarra", u are at the right place, hindi po kayo naligaw. Please feel free to post a message now. And lastly to our dearest Ms.VR, in behalf of Joy, our loving arms are wide open.. try to reach and u'l be glad to feel our warm embrace. O devah, mega drama ang mutya! Pang famas! Palakpakan naman jan!! Bwahahaha (ala Mher, yoko ky max alvarado noh, wa poise un!)



aileen "gabo"

Feb 28th, 2006 - 12:46 AM    Re: Batch 82 chikahan

okey na ba??????????
Magandang tanghali sa inyong lahat...Im backkk!

Joel..welcome back sa sibilisasyon. , sana man lang nagbibit ka nga isang syokoy ng matingnan if its really true na mahaba at matigas ang kanilang mga ahh palikpik at buntot.... baka pwedeng gawing sweet and sour para matikman kung talagang tsalap tsalap... im happy for you my friend..

Joy and Grace cge oks lang kung saan nyo gusto yong prize galore na offer ko...oks din yong suggestion ni emil na "bring all you can batch 82" and meet mickey mouse for free..

Mher.. .. pano yan hindi na tuloy si eva with adan combo sayang...you know i still remember ang pagiging kikay mo before eh ikaw ba naman platoon leader namin sa cat and kailangan laging nakaribbon ang aming hair kahit gaano man kaiigsi noh..asus...i also remember gigi punuin ng hairpin ang buhok mailagay lang ang orange and white color na pampusod..

o sya.. i hope everything is okey na... kasi sayang naman yong pagiging addict ko noh..

Zorro..were waiting for you to log-in again as in as per grace your true identity.

bye for now...

Email: aileen_jiz@hotmail.com

aileen \"gabo\"

Feb 28th, 2006 - 12:52 AM    Re: Batch 82 chikahan

ITS MEEH AGAIN!

Joel... oo nga sa inyo rin walang wowoweee..dito rin sa TFC dito walang wowoweee...akala ko dito lang...hindi pala ako nag-iisa....

Hello Dory.. cant wait to see you....pwede sama ako sa pasalubong...

to friendship darna..where are you?

bye again...........

Email: aileen_jiz@hotmail.com

grace bagorio

Feb 28th, 2006 - 2:29 AM            Re: Re: Batch 82 chikahan

NASAAN KA ZORRO???

nais kong ipabatid sa yo giliw kong kaibigan, na hanggang sa aking pagtulog, ikaw ang laman ng aking panaginip. Lubos akong nangungulila sa yong mga tinig, sa yabag ng iyong kabayo, sa talim ng iyong espada, sa iyong mala anghel na mukha (pero may maskara) at lalong lalo na sa iyong mga obra. Hanggang kailan mo kami pasasabikin sa iyong muling pagbabalik?

Mareng joy, at sa lahat ng aking friendships, pwede ba nating i-exempt si Zorro sa mga di na pwedeng mag alias, hmmmm?? there's always an exemption to the rule devah? Hehehe! Naisip ko lang kasi na baka nga tuluyan na tayong kalimutan ni Zorro kung pagpipilitan nating mag post ang lahat sa true name. Sa simula't simula pa lang ay gumamit na sya ng alias para maibahagi sa atin ang kanyang akda. Mga obra na nagpakilig to the bones sa atin. Ano ba naman yung isang maliit na pabor na maaari nating ibigay sa kanya (SYA LANG HA, no more, no less) na muling gamitin ang makapangyarihang alias ni Zorro, sa kanyang pakikipag chikahan sa atin? Tiklop-tuhod akong humihingi ng inyong PERMISO para sa mahalagang bagay na ito. Pwede ba?? Ok lang ba sa inyo??

Kung ating gugunitain, si Zorro ang nagpasimula ng temang alias. Sinundan ito ni panday at ni maria makiling. At dumating na rin sina darna, valentina, etc, etc. We were all very happy then devah? Naisip ko lang po na malaki ang posibilidad na manumbalik ang tunay na kasiyahan d2 sa ating forum kung papayagan natin si G. Zorro (i repeat, sya lang at wala ng iba pa) na patuloy na gumamit ng alias.

Lubos akong umaasa sa inyong pang unawa at umaasa din sa inyong positibong kasagutan.

Hay naku! enough for my justifications. Cge na, payagan na natin sya ha? PleasssssssssssssE


Joel Garcesa

Feb 28th, 2006 - 9:16 AM            Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Maligayang pagsasama muli! Peace to all.
Alam ko namang full of excitement talaga ang forum natin kaya i bet marami ring nagbabasa kahit hindi natin ka-batch.
Iba't ibang comment at iba't ibang reaksyon. I hope no harm meant ang pakay ng bawat manunulat kundi pawang kasiyahan lamang. So i will leave it in that way.

I have also one request lang, pls spare Joy. Let us try to remember na siya palagi ang na-oorganize ng samahan. Gaya ng sabi ni Grace, hindi madali ang magspend ng time,effort and money para lang magkasamasama tayo muli. Pls. give her that respect and to one another.Dont feel bad Joy dahil we really appreciated everything you did and tuloy ang ligaya!!!

Grace maraming salamat din sa iyong mga suporta kay Joy at sa ating forum.Talagang naniniwala na ako sa power ng mutya ng Pasig. Pls. send me your email the soonest na payagan ka ng iyong mahal na anak and send it to Dory too para sa ibang updates.

Moving on, kagagaling ko rin sa trabaho kaya log in ako dito dahil gaya ni Aileen, ay excited ako sa mga updates at ibang chika. plus eto ang aking stress releaser from work. Kaya lang talagang ingat na ingat ako sa pagtype and reply dahil baka magkamali na naman lalo na ngayon na there is no margin for error. .


Pag-uwi ko nagsnow na muli kaya baka tuloy na ang aking planong mag-relocate sa California. Hindi ko na kaya ang lamig. Tumatanda na nga yata ako.

Aileen I will try to download sa pc ko ang pics ng mga syokoy and i will send you some habang sariwa pa baka may suggestion ka sa klase ng luto. Hindi ko puede i-post yun dito dahil censor. Guaranteed ko sariwa!

Dory tuloy na tuloy na tayo sa June 16-21.Mher and I will discuss about the itineraries. Sa lahat ng puedeng sumama, you are all invited to join. Just coordinate with Dory, Mher or me.

Sa lahat, kumusta na lang sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay. Sa panahon ngayong maraming mga sakuna, dapat tayong lalong magmahalan. I miss Arnel also dahil parang kapatid ko na siya simulat sapul ganun din ang familia niya. Sa mga super heroes, enjoy the movie and have super fun!!! he he he he!



Dory Ferrer

Feb 28th, 2006 - 1:26 PM       Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Hi Joel and Mher, there's a change on my vacation dates. It will be from 6-30 till 7/8. I hope these dates are ok with you. We'll be staying at the Marriott and just meet us there. Para makapunta tayo sa palengke sa gabi di ba. Let's talk about the itinerary and confirmation ng flight ko. Pls. save those dates and we can paint the town red. Excited na ang kids ko. Looking forward to see both of you and whoever wants to join us. Hi Joy, Grace and Aileen, love your notes here, very entertaining. Keep it up and hope to encourage more batch 82 to log in and join us for our reunion. God Bless everyone!

Email: dflacambra@hotmail.com

omar

Feb 28th, 2006 - 8:00 PM       Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

ano na nangyari sayo grace why is it na para kang isip bata magsalita?is theres something wrong?if you need my help just post a message ok.....ill always here for you.

Email: omar@yahoo.com

joy trinidad panlilio-baltazar

Feb 28th, 2006 - 8:54 PM       Re: Batch 82 chikahan

Hello to everyone.... Thanks for the kind words and appreciations, muntik na akong maiyak....

I'm glad it's over...

Hello to you, RY, thanks for calling up and cheering me.

Welcome to the forum, Omar!



Email: joybltzr@yahoo.com

aileen \"gabo\"

Mar 1st, 2006 - 12:31 AM      Re: Batch 82 chikahan

ayy ang saya saya ....

Joy you see tapos na ang unos sa forum...everything will be fine as in were back in business.

Joel....wow...im so excited i just cant hide it..i dont wanna loose control but i think i like it..ohh yehhh daliiiiiiii...biliss
antay ko yan huh...dont forget! if you like padadalan pa kita ng recipe...

Grace...sige i agree...

To Mher oh where are you na..giniginaw kapa rin ba? tapos na ba fashion week??

TO Dory hello..have fun in new york...

To everyone hello and have a nice day

Email: aileen_jiz@hotmail.com

grace bagorio

Mar 1st, 2006 - 1:47 AM              Re: Re: Batch 82 chikahan

Talaga lang ha, Mr. Omar!

Would you be kind enough to include ur surname in ur next message? (Bago ako himatayin ng tuluyan)

I dont remember an "omar" in our batch. Are u from batch 80? Are u the "omar of my life" wayback 1978-1979? As in my "eX"? my "Y"? or my "Z", or all of the above?

I just hope ur not an impostor, hehe! Welcome to our forum. Definitely, there's nothing wrong with me, im sure about that. Being isip-bata? Well, i was a writer in our hiskul days (forget mo na ba? or wiz mo na knowing kasi nga naglaho ka na parang bula). We call it an Art. So, pwede akong mag-isip at magsulat ayon sa bugso ng aking damdamin (here i go again). Anyway, Sometimes lang, I just get too excited, too emotional, and most of the time moody. Alam mo yan, my dear. I'm so touched naman sa last words mo..I'LL ALWAYS BE HERE FOR YOU.. well, panindigan mo yan!

I hope u can also help us in locating our lost batchmates. Kindly inform them of our website, pati na rin our upcoming grand reunion on July 17, 2007. Invite din kita kahit di ka namin ka-batch. Im sure my friends will be glad (& surprised) to see u too. Di be Joel & Erwin? chika-chika tayo nila Mr. Lianco, o devaH?

Keep posting, musta na??



mao

Mar 1st, 2006 - 3:13 AM        Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

d2 lang po lagi, naka monitor lang po sa masayang chikahan ng batch 82. wala muna ko masyadong kwento para marami tayong pag usapan pag datng ng 2007.

regards to all!



Email: rparedes@ictsi.com

grace bagorio

Mar 1st, 2006 - 7:24 AM              Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Okay Mao,

You have a point there. (Di naman kaya abutin ng 1 week reunion natin sa haba at dami ng pagkwentuhan natin?? Hehe!) At least nagparamdam ka na. Keep on logging. Baka naman ikaw si Zorro? Regards, miss u.

Sa mga nagbabasa pa rin till now, a short message will do. Just like what Mao did. So we can start the head count for the reunion. Pindot na, now na.

Kita kits d2. Regards to everybody.



grace bagorio

Mar 1st, 2006 - 9:01 AM        Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Hi Joel, & to all batchmates,

here's my email ad: gracebagorio@yahoo.com. See u guys.



Email: gracebagorio@yahoo.com

mao

Mar 1st, 2006 - 7:02 PM         Re: Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

thanks grace. tulad ko, ndyan lang mga ka batch natin at masusing nagsusubaybay sa mga nagaganap sa ating forum. palagay ko, come 2007 punong puno ang cyberboard ng maraming messages galing sa ating mga ka kosa.

regards to all!

ps. hindi ako si zorro, baka magtampo yon sa akin pag inako ko papel nya. di ba brod?

Email: rparedes@ictsi.com

grace bagorio

Mar 1st, 2006 - 9:48 PM         Re: Re: Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Hello batchmates,

I'm so glad to know na nanjan lang kayo at nakiki-update sa mga happenings d2 sa forum. thanks Mao for the info. Umaasa ako na pagdating ng 2007 (tagal naman nun, Mao) ay totoong mapupuno ng messages ang forum natin. Meanwhile, pasyal pasyal lang muna, at log-in lang always para makibalita sa mga chikahan ng batch82.

Ok fine, if ur not Zorro, Mao. Pasasaan at makakadaupang palad din natin sya. Sayang lang at di na natin matutunghayan ang kanyang mga obra na nakakalibang dahil sa kakaibang istilo ng kanyang akda.

Oki doki. Standby lang mga kakosa. Miss u all.



Email: gracebagorio@yahoo.com

grace bagorio

Mar 2nd, 2006 - 9:01 PM       Re: Re: Re: Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

Tao Po!!

ano ba yan, march 3 na wala pa rin pumapasok d2. ayawan na ba? Yan na nga ba kinatatakutan ko eh. Nawala lang ang superfriends, nagkatamaran na rin mag post. I hope not. don't tell me busy kayo? Wala sa vocabulary nating mga adik yan, hhmmmm!

basta ako, happy and contented. Kasi tuloy pa rin ang chikahan namin ni Zorro sa aming email. Sorry to inform u guys na di na talaga sya magpaparamdam sa atin d2 sa forum. The good news is... itutuloy pa rin nya ang pagsuot ng costume (zorro) sa 2007 reunion. O devah how exciting!! Di lang yan, isasama pa nya ang kabayo na si "White Silver"!! At eto ang abangan nyo... iaangkas nya ako sa kabayo nya!! Laban kayo mga hitad sisters??!!! Imagine! si Zorro at Mutya, mangagabayo!! Waaahhh!!! Nakakaloka!! di ko na kaya to! Overflowing ang excitement sa reunion. Ang saya-saya!!! Eksena braganza!! (pahiram nito sister darna)

Ano naman ang pangako sa inyo ni Zorro, sisters Darna & Valentina, hhmmm? Pati naman ikaw mareng Joy, di pala ang totoong Zorro ang ka-date mo last monday. Di bale, makuntento na lang tayo sa ating mga email, dahil don ay nakakapiling natin sya.

Dont worry guys, i-s-share namin kung ano man ang gustong ipahatid na mensahe ni Zorro sa ating lahat. Yun naman ang gusto nya, walang dapat ilihim, kundi...
ang pagkatao nya. tuloy ang ligaya.

O sya, silipin ko muna email ko at baka nandon na ang ating mahiwagang kaibigan.

Baka din kasi masabihan na naman ako ni Mr. Batch80 na isip-bata, eh totoo naman!
. Ok lang isip-bata, wag lang "SC"...SENIOR CITIZEN! Bwahahaha! (pahiram Mher)

See u guys.



Email: gracebagorio@yahoo.com

omar

Mar 4th, 2006 - 8:33 PM        Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

grace i will leave on march 10, based na pala ako sa japan ngayon got two kids, boy and girl newly seperated ako,selosa kasi parang ikaw,,,lol..pano ba kita ma memeet?want to see you girl!!!!ano na kaya chura mo?????pano kaya tayo magkakausap?????plssssss..be formal grace ha!ayokong isip bata ka???kahit pano kasi naging part ka ng buhay ko..wait married ka na ba????tell me?????musta na lang sa mgha classmates mo ha....bye

Email: omar@yahoo.com

grace bagorio

Mar 5th, 2006 - 12:17 AM      Re: Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan

susme omar!!! kaw ba talaga yan??!!

Anong selosa pinagsasabi mo jan? Binaligtad mo pa, kaw ang super seloso noh! Hay naku, mukang mag-aaway na naman tayo! Hanggang ngayon at hanggang dito ba naman, hmmm?? So what if u'r leaving on march 10, isasama mo ba ako sa Japan becoz u'r newly separated.?? PRAKTIS LANG PO, MGA FRIENDSHIPS.

Hoy! Mr. Cornelio Enriquez, mag-usap tayo ng masinsisinan. Tapusin natin ang mga bagay na di natin natapos noon. Hehe! Joke lang po. Cge na nga, kita kits tayo... sa email. Baka late ka na naman ha??!!

Email: gracebagorio@yahoo.com

aileen \\"gabo\\"

Mar 3rd, 2006 - 1:16 AM       Re: Batch 82 chikahan

mwahhhhhhhhhhhhh !

good afternoon...batchmates.....sorry im late and im absent yesterday....im just so busy dahil nagpakain at nagpaligo pa ako ng aso..pusa...manok..ibon...isda..ohhh dibah sobrang busy non..

hello...grace...hmmmmpppppp..masama yan ikaw lang ang isasakay ni zorro sa kabayo nya....pwede angkas..

mao...wow...itoy HIMALA..bigla kang nag-log in..anong meron ... .... hmmmpppp... kung hindi ikaw si zorro...baka naman ikaw si darna or valentina ..sabi ko na eh...hinnnnnnnnnnnnn ka eh...

joy...where are you busy ka ba sa kape..you know i like your IKAW ANG KAPE KO....

joel....grabeeeeeeeeee.....ganda ng pictures nyo ahhh..pero wala yong sariwang syokoy...im still waiting..

until next time

Email: aileen_jiz@hotmail.com

grace bagorio

Mar 3rd, 2006 - 7:43 AM       Re: Re: Batch 82 chikahan

Hay salamat, nagkatao na rin..

So, tapos mo na chores mo sister aileen? Muka naman daming kahayupan jan sa kabahayan mo. make sure lang walang ahas ha, hmmmm? Pero kung anaconda ni valentina ang appear jan, ok lang, harmless yan kasi bagong relax at hot oil ang drama nila.

I have some bad news, but not so bad kasi temporary lang naman ito. Our dear friendship Joy will take a vacation leave for quite some time. Kasalukuyan siyang nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pamangkin na si Rujette Manlise, 15 years old lang (so young). Kailangan nyang alalayan at damayan ang kanyang kapatid sa masakit at malungkot na dagok ng kapalaran.

Inaanyayahan ko ang lahat, mataimtim nating idalangin ang kaluluwa ni Rujette, na naway makamtan nya ang wagas na kaligayahan at kapayapaan sa piling ng ating Dakilang Lumikha. Kung maaari, ay ipagsindi natin ng puting kandila, simbulo ng banal na panalangin na alay natin kay rujette. Maraming salamat.

Aileen, all u have to do is request our dear Zorro, pero iba naman ang hilingin mo. Kasi nga nakalaan na ang "angkas" sa akin. May email ka, so i'm sure he'll pay u a visit one of these days. Talasan lang ang iyong pandinig sa yabag ni White silver. Chuva tienes!!
Hahaha!!

Pwede na ba tayo magsabit ng streamer jan sa house mo teacher ching? Excited na talaga ako, grabe!! and i'm sure magugulat ang lahat sa gagawin kong streamer re our reunion. Abangan!!!


Email: gracebagorio@yahoo.com

Erwin
Mar 3rd, 2006 - 2:32 PM             
Kamusta na sa inyong lahat mga batchmates. I'm glad that everything is back to normal again dito sa forum. About me naman, sorry if i'm not able to log in frequently due to my time not allowing me to do it lately. Also the last time i checked it, nawala lahat ang posting.

Joy, i'm sorry for the lost of your nephew. Just think about it, he's in a better place now. And thanks again for keeping us focus.

Grace, wala akong masabi sa pagiging consistent mo dito. We really appreciate your time and effort specially the inspiration that Zorro and Omar is giving you. Keep it up girl and you never know kung ano ang susunod na kabanata.

JOel, nice to hear from you it just unfortunately malamig diyan sa NY ngayon compare sa Caribbean. I hope also that the California relocation will happen soon. Kamusta na rin sa Papa mo.

Dory, again thanks for the text and remembering me.

And to the rest of the batchmates, maraming salamat for your support to our 2007 Grand Reunion. God bless to you all and ingat palagi.

Erwin

grace bagorio

Mar 3rd, 2006 - 11:53 PM      Re: Re: Batch 82 chikahan

Hala sige, my dear Erwin, magpayaman ka ng husto jan sa work mo. I'm sure naman makikinabang din naman ang buong batch sa all-out effort mo, hehe! Go, go, go!!
But then, you also have to stop once in a while and take a good rest. I guess we all deserve it.

Natawa naman ako sa sinabi mo tungkol Zorro and Omar. But yes, i must admit, excited talaga ako sa chikahan namin ni Zorro, specially now that we have each other privately. Hehe! and ofcourse, mas lalong tumataas ang adrenalin ko re our upcoming reunion. gusto kong hilahin ang mga araw para pumatak na sa 2007 ang calendar natin. I could just imagine myself riding white silver with Zorro beside me!! For me, yun ang highlight at inspiration ko sa reunion.

ayan batang isip na naman ang gracia!! and about Omar, no comment muna. I'm not really sure kung sya nga talaga yung bumisita sa atin the other day. Maraming pwedeng mangyari at gawin dito sa forum na pwedeng magpakilig (sabi nga ni joel) or magpatayo ng balahibo sa katawan. honestly, wala pa kaming regular communication. wait na lang natin sya if he wants to join us in our chikahan. Who knows, baka bulagain nya rin tayo sa July 2007, at mahulog ako sa kabayo ni Zorro. Wa poise!! Okray ang mutya!!

By the way, nagkita ba kayo ni Dey sa wake ng mom nya? He was there for two weeks yata. Regards to Mayie.



Email: gracebagorio@yahoo.com

gigi

Mar 4th, 2006 - 10:31 AM            Re: Batch 82 chikahan

just a quick note to say hello to everyone!!! especially to ms. congeniality of pasig ;-) agree ako kay joel - hands down winner ka for that title. proud talaga ako sa'yo gracia lagi kang beauty title holder!!!

i'll try a longer entry next time - gusto ko lang magpa-check ng attendance dito ;-) take care everyone!



Yüklə 310,37 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin