Email: aileen_jiz@hotmail.com
Emil Arnel L. Morales
Mar 15th, 2006 - 1:20 PM Re: Re: Batch 82 chikahan
Grabe! 1 day lang ako nawala dami na kagad messages dito sa forum. Inumaga na naman ako sa kababasa. 2 oras na tulog na lang aabutin ko nito at papasok na naman sa work. Pinapatulog ko muna kasi mga anak ko kaya medyo late na akong magbasa ng computer. Tapos inuuna ko emails ko and sports news.
Ikaw Mao ha. Binubuking mo ko. Naalala mo pa pala ang expression ko nuong high school tayo. Nakalimutan ko na yun.
Anyway, I'd like to take this opportunity to say sorry nga pala. Sa kakulitan natin nuong kabataan natin hinde ko na ma-control ang sarile ko. Akala ko kasi nuon pulos biro lang ang buhay. But after that one incident, i realized may hangganan pala ang pagbibiruan.
Remember nung 3rd year tayo. Apitong tayo nun di ba. Nakaupo ka sa likod ng chair natin and medyo naka inclined. Ako naman si makulit. Sinipa ko yuong paanan kaya bumagsak ka. Natakot nga ako kala ko nadisgracia ka. I know nagalit ka but you just kept quiet. Everytime na nakikita kita and nuong nalaman ko ngang nadisgracia ka in your work, that incident way back in our third year high school days kept on coming back in my mind. Napahiya din ako sa ginawa ko kaya hinde rin ako nakapag sorry that time. Kept quiet na lang. Pakiramdaman.
Wala lang, nag share lang ng experience nuong high school.
Bye for now and God Bless you all!
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 15th, 2006 - 7:45 PM Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
heheheh! muntik na akong mahimatay.... sa pagkabigla, meron pa pala sa panahong ito na marunong mag-sorry sa ginawa nila years ago.... Good deed, Emil Arnel! (Hindi ko na kalilimutan ang "Arnel" na idugtong sa Emil mo, kasi nga nung hinahanap kita noon at nalaman ko na ang telefon # mo, tumawag ako at hinanap ko nga si Emil, tanungin ba naman ang beauty ko kung sinong Emil? Yung classmate ko ho sa hi school, year 1982 kami grumadweyt, kako. E sino ngang Emil, marami pala kasi kayong Emil na magkakapatid, may mga second name pala), hehehe!
Hindi ko alam na nagawa mo pala sa mamaw ng buhay ko yang ganyan, ha? buti na lang at hindi siya napuruhan kung hindi, wala nang nang-iindiyan sa akin, hehehe! hello mamaw! pustahan tayo o... tatawagan mo ako ngayon.....
Email: joybltzr@yahoo.com
mao
Mar 16th, 2006 - 3:51 AM Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
ha ha ha, ako nagalit? ganun talaga nung bata tayo, sabi nga ni emil ay puro biruan, kaya masaya diba? di naman maaaslis yung paminsan minsang tampuhan kaya tingnan nyo tibay ng relationship natin ngayon. kahit minsanan na lang kung magkita, pagkakaibiga'y di nawala. napakahirap malimutan ang saya ng ating samahan, kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada pa rin ngayon ( kanta ng apo yan, kinanta nyo no? ).
sabi nga nila, kailangan lang marunong kang tumanggap ng mga sularanin sa buhay. wala namang trials na ibibigay sa atin na hindi natin kaya, kaya sa atin binigay.
nag mature na tayo ika nga, naging seryoso sa buhay pero hindi ibig sabihin non eh ang kakulitan at kasayahan na ating dinaanan nung tayo ay bata pa ay dapat mawala o malimutan,ito'y mananatili sa ating mga puso't isipan at.............DAPAT PA RIN NATIN GAWIN PAG NAGKITA KITA TAYONG LAHAT SA ATING GRAND REUNION............YEHEEEEY!!!!
Email: rparedes@ictsi.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 16th, 2006 - 9:16 PM Re: Batch 82 chikahan
hehehe! sabi ko na nga ba, tatawagan mo ako, Mao! kita mo naman 2 oras na naman tayong nag-usap sa phone, dalas-dalasan mo kasi ang tawag para kahit 10 minutes lang okay na. Yung promise mong ii-email mo sa akin, ha? Wait ko....
Hello to everyone! No one.....? No one is here now.... pindot naman ng konting characters, kahit h at saka i lang... = hi!
Mareng Grace.... where r u?
Email: joybltzr@yahoo.com
grace bagorio
Mar 16th, 2006 - 10:16 PM Re: Re: Batch 82 chikahan
dito lang ako....nag-eemote..
speechless from the "SHOCK OF MY LIFE"... wait ko lang report from a good friend (hacker), bago ako magpasabog ng
reminder lang po my dear batchmates... as per Ms bonnette: Pls note that IP addresses are recorded with each message and I could TRACE your LOCATION as well as your service provider.....
bato-bato sa langit, ang tamaan.... magnilay-nilay na at magconfess.
hanggang dito na lang muna mareng Joy, at di pa ko masyadong sanay mag (muscle) control... baka sumabog na [Bomb}
Email: gracebagorio@yahoo.com
aileen \\"gabo\\"
Mar 16th, 2006 - 10:25 PM Re: Batch 82 chikahan
..GOOD MORNING!
Hi! Hello! Ola! Jo San!
Ni Hao! Kumustas!
wala lang.........
Author Comment
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 16th, 2006 - 11:02 PM Re: Re: Batch 82 chikahan
Aileen, a, Chao an. Ni hao ma? Di cha be? Gua eh, be le. (O, pustahan tayo, ask ang beauty mo kung ano ibig sabihin nyan, hehehe!) Thanks nga pala Mareng Aileen, sa palaging mong pagbisita sa friendster ko, visit ko rin yung profile mo, saw your pictures as well as your kids, ang cute nila! at ang ______ mo!hehehe.... (ikaw na lang ang magdugtong.... ikaw ang may sabi niyan, hindi ako! pahiram lang kay Susan Roces ng phrase niya).
Maryosep Mareng Grace! Ano na naman ba yan?! Ano ba talaga ang natuklasan ng hacker mong frend? Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang pag-aksayahan ng oras yang pagte-trace.... sinasayang mo lang oras mo, tapos ngayon, mukhang masama ang loob mo ... bakit ano ba natuklasan mo, ako ba yun? hehehe! ayaw mo naman kasing sabihin sa akin, tapos sasama-sama ang loob mo diyan .... Pls tx or call me.... ayaw mo naman kasing sagutin ang tx & calls ko... pahirapan mo pa ako.... sige na pls., baka di ko alam ako na pala yun.... hehehe, sayang best frendship natin, noh! At sayang ang panahon mo na hindi nagla-log dito, kumakaunti na ang attendance dito....
May date nga pala ako mamaya kay Roger Yaris, magkikita kami.... y? secret.... hehehe, saka ko na lang kwento, sige na baka ma-late pa ako.
Tsai Chen!
Email: joybltzr@yahoo.com
aileen \\"gabo\\"
Mar 16th, 2006 - 11:21 PM Re: Batch 82 chikahan
oo nga Grace... ako rin txt kita eh..pero di mo ako answer..wazz up? wazz up? ba talaga...im confused..
Joy..my dear...thanks..cute talaga sila manang mana sa mommy (eh saan pa kaya) ...meron ba akong picture don????..parang wala naman ah... check ko nga ...
Email: aileen_jiz@hotmail.com
aileen \\\"gabo\\\"
Mar 16th, 2006 - 11:42 PM Re: Batch 82 chikahan
..
Grace.. thanks for your reply...hehehe
relax lang my dear...kung ano man yan pwedeng ayusin pero ang wrinkles mahal ayusin yan...
Joy...meron pala kayo dates ni Rogelio Yaris...hmmmppp.... check mo kung kulot parin buhok nya.. ..send my regards to him..oks na rin beso beso...
o sya lumalabas naman pag ka adik ko...hehehehe...
Email: aileen_jiz@hotmail.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 12:36 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
hay naku! pasalamat kayo (Joy & Aileen) devoted member ako ng K.A.C..... nakuuuu! kung di ko lang talaga kayo luvs.... ewan ko na lang.... di lang kasi ako pinanganak na PLASTIC! (balbonic lang)
Pano ko masasagot phone mareng joy, eh naka-hook nga dito sa computer at nag-aabang ng resulta. Limited din cell load ko kasi expensive pala ang budget sa mga hacker, napasubo ako... Nanghiram lang ako 30 pesos sa katulong ko para mareply ko si mareng Aileen (thanks mare sa concern, mahal nga talaga magpa botox) mwahahaha! (pahiram JB).Pero kahit maubos puhunan ko sa manok, i have to know kung sino yung nang gu-good time sa akin. for me, it's a serious matter, not "just for fun". gets nyo??
What??? kumokonti na lang attendance dito??? My gosh!!! Baka na-block or na-ban na sila???
Sir Arthur, paki ready na ang exclusive website ng Batch82. Mabuti na yung prepared tayo sa anumang pwedeng gawin ni Ms. Bonnete sa mga pasaway na nagbabalat-kayo, (eh balat ahas naman, hehe) Takot ako!!!
O sya, JB, goodluck sa date nyo ni RY (kulot) Hehehe! Aha!!! Baka magcoconfess na sya?? Careful, careful!!
Mwahahaha!! Nice laugh JB... Eto ang sa akin........ GWAHAHAHA! ang jongit!!! wa poise!!!!
p.s. sa mga gustong mag-confess, my email is gracebagorio@yahoo.com. Rest assured that it will be treated confidentially. Promise!!!
Email: gracebagorio@yahoo.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 12:59 AM Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
NGEH!!! Bakit ito ang nag-appear na resulta sa "TRACE THE IMPOSTORS" mission ko????
..."when he was packing them in their boxes, the pencilmaker told the pencils 5 important lessons..."
1st - everything you do will always leave a mark. (aray ko!!!)
2nd - you can always correct the mistakes you make. (better start now!!!)
3rd - what's important is what is inside you. (the truth hurts!)
4th - in life you will undergo painful sharpenings which will make you a better pencil. (hello! tao ako noh, hindi monggol!)
5th - to be the best pencil, you must allow yourself to be held and guided by the hand that holds you. (sino at kaninong kamay yon?!)
Lakbay-diwa lang po... para sa ating pang araw-araw na gimik sa buhay...
Email: gracebagorio@yahoo.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 1:10 AM Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Calling on Ms. Rebeca Aldea:
tayo pa ring mga mujer ang REYNA NG TAHANAN. Go Beca go!!!.... Excercise the power within!!.... Grab a chair and start keyboarding!....
if there's a will... there's a way...[log-in and post now!!!....User]
Email: gracebagorio@yahoo.com
aileen \\\"gabo\\\"
Mar 17th, 2006 - 4:49 AM Re: Batch 82 chikahan
knock..knock..
wala lang.....
Joy...anong nangyari sa date mo??? chika mo na??
saan kayo kumain? ano kinain nyo? Yummy]
Grace..oks na ba ang mutya ng cyber...hinay lang...
katatapos lang ng lahat ng RUSH work ko..oks na kaya pwede na kong petek...dadating daw kasi dito ang basketball prayer este players pala.
Lambert...you will watch ba basketball sa sunday...kita tayo...tawagan kita yon pa rin ba cell number mo?
bye for now..
Email: aileen_jiz@hotmail.com
aileen \\\\"gabo\\\\"
Mar 17th, 2006 - 4:51 AM Re: Batch 82 chikahan
ano ba yan...ako uli...
just want to share this to you... whatever you do..wherever you are!
Happy moments, PRAISE GOD.
Difficult moments, SEEK GOD.
Quiet moments, WORSHIP GOD.
Painful moments, TRUST GOD.
Every moment, THANK GOD
Email: aileen_jiz@hotmail.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 6:04 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Aha!...Aha!...Aha!... LAMBERT???!!! hmmmm, sounds family...este familiar pala!!!! Ring a bell!!!.... Isn't it mareng JB?
So surprising... and so suspense.... mareng aileen, kindly extend my warmest (actually, BOILING na nga) regards to ginoong Lambert... i'm 100% sure, he knows me kahit na he's from batch 84. "PAGBATI SA YO, KAIBIGAN!"
Email: gracebagorio@yahoo.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 17th, 2006 - 7:12 AM Re: Batch 82 chikahan
hi...hi...hi....gik...gik..gik...hikkk....MWAAHHAHAHAHAHA!!!!! (Sorry, Mareng Grace, hindi ko na napigilan.)
Ano ba yan, pumasok ka nga, para ka namang sinisilaban ng sili... sige, kayong 2 na lang ni mareng aileen ang magka-alaman...buti pa sa kanya sinabi mo na, tse! tsura ng mga aleng ito....
Kauuwi ko pa lang from my date with RY, birthday niya tomorrow, nagcelebrate na kami kanina....belaaaat .... sorry na lang kayo, hindi kayo kasama.....busog na busog kaming 2, sa chibog at sa chikahan siyempre pa.
And one more thing.... I want to thank him for starting my petty cash fund (PCF). WOW, pare, it's your big day tomorrow, imbes na kami ang magregalo sa iyo, ikaw pa ang nagbigay ng initial cash to start up my PCF, God bless you more! Nawa'y pamarisan ka ng iba pa. Harinawang makaalis ka na agad dito sa Pinas at makarating ka sa iyong paroroonan kung saan mas luntian ang damuhan. Bilisan mong umalis para makapag-stay ka doon ng isang taon na at nang pwede ka nilang payagang makauwi sa 2007 reunion natin. Ngayo'y maaari na akong magsimula sa pagme-mail sa ating mga kabatch.
Email: joybltzr@yahoo.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 9:17 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
A ganon??!!! Ang daya daya nyo naman!!! If i know nag sushi at sashimi pa kayo!!! hmmmmp!!! at 1 pang hmmmmp!!! Roger, tandaan mo ang araw na ito!!! Sa bday ko,......... wala lang, simba lang ako, tapos tulog the whole day... kinabukasan, Aug. 19 na!!! Tapos na!!
gwahahaha!!
anyway, HAPPY, HAPPY 45TH BDAY ROGER!! may you have more bday funds to share with our batch. Hehe!! I'll pray na makalipad ka na nga immediately para makabalik ka rin in time for our reunion. Kasi aasahan din namin ang funds mo para sa project for our alma mater. gwahahaha! Thank you sa cash. Kailangan talaga yan ni Joy to do the preliminaries. God bless and all the best for you. Mabuhay si Roger!!!
Mareng JB, nasa yo na ba ang mahiwagang bato?? Follow-up mo na kaya at talagang sinisilaban na ako ng sili sa sobrang suspense..... hanggang panaginip nga, binabangungot na ako sa issue na yan...... wag ka na magselos kay mareng AG, di pa nya alam ang details, ung summary lang sinabi ko.
but don't worry mareng AG, ikaw ang unang makakaalam pag na confirm na namin ni Mareng JB. Kaw pa! Ganon tayo ka-close kasi nga tayo ang TRES MUJERES ADIKTOS.
Siopao, mamaw Mao, at Apat Piso kandila Emil Arnel, (korek ba to?) don't be absent today....may ilang oras pa bago magsara ang march 17.....see you!....
Email: gracebagorio@yahoo.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 17th, 2006 - 9:28 AM Re: Batch 82 chikahan
Ano ba yang mahiwagang batong tinatanong mo naman? Baka mapagkamalan akong si Darna, sige ka, lagot ako. Cool girl... cool.
At saka hindi ko po alam na bday pala ni RY, nagkita lang kami kasi nga ibibigay niya sa akin ang kadatungan. Nung magkita na kami (siyempre matapos kong ibeso-beso si Aileen sa kanya), saka niya sinabing bday niya... Aba! Napakasuwerte ko pala ang sabi ko, may datung na, may lafang pa! hehehe! Pero hind kami nag-sushi o sashimi, mareng grace, sa ating 2 yung escapade na yun, wala kang kapantay kapartner pag dating sa kainan ng japanese food. Remember may usapan na tayong babalik sa Kimono Ken?
Mareng Aileen, thanks for the testimonial sa friendster, I'm touched! At least, nadagdagan ang fans ko, (kung meron nga... hehehe).
Email: joybltzr@yahoo.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 9:45 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Okay lang naman kung ikaw si darna, kasi di naman sya gumawa ng gulo di ba? basta wag ka lang sina.........
my dazz!!! ang muscle.... ang muscle...... CONTROL!!! gwahahaha!
kaya nga kita kinukulit sa mahiwagang bato, kasi gusto ko na nga lumafang ulit sa kimono don yata un??!! naglalaway na ako sa spicy maguro salad!!!.... or kung type mo naman, join tayo kila aileen at ginoong Lambert sa sunday daw, watch sila basketball... let's go para maiba naman venue. at the same time, maverify pa natin yung 5 IP addresses located in Hongkong. O di ba, exciting??!!!! Ihanda na ang iyong walis tingting....ako naman, swim to death ang sirena ng pasig......mareng AG, salubungin mo kami sa......... sa airport si mareng JB....... sa pantalan naman ang mutya.......gwahahaha!!! Bakit ang saya-saya ko???!!!
Parang may dadating na........whatever!!!
Email: gracebagorio@yahoo.com
Dory Ferrer
Mar 17th, 2006 - 4:53 PM Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Hello! Just saying hi. Ngayon ko lang nakita pictures namin from Las Vegas nasa website pala. I was really surprise. . Katuwa kayong 3 Joy, Grace and Aileen, talagang nakakaaliw. Thanks for keeping this forum alive. May suspense pa kayo at nakaka intriga ang messages ninyo. Sino ba talaga yun? Share naman o. Ok lang, all was said and done. Just move on and let's be happy. I tried to call Joel got his voicemail, I called Mher, she's not at work today and I tried to call Erwin also but he was in a meeting. Wala tuloy akong makausap. Wala lang. Shock lang sa pictures that's all. Ingat sa lahat.
Email: dflacambra@hotmail.com
grace bagorio
Mar 17th, 2006 - 6:40 PM Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Hi Dory,
thanks a whole lot for the pix. they're great!! Unfortunately, 9 faces lang nakita ko dun sa last pix. But i won't give up, hanapin ko pa the other 2. and the pinoy jokes...well, iba talaga ang pinoy!! Orig na orig at super kwela talaga!! I hope u haven't change your citizenship. but if u did, kakainggit ka ha! (gulo ko!) ... and the pink dress!! wow!
touched na touched talaga ako...how i wish i would meet my own guardian angel...(it's St.Uriel, according to my bday). each of us have 2 guardian angels, wish ko hombre din ung 1 para mas masaya!! Gwahahaha! Do you know that Marilyn Monroe is now a guardian angel?? I've read it in a book "HOW TO TALK TO YOUR GUARDIAN ANGEL". In as much as i wanted to send THE PINK DRESS back to you,... my dazz!!! I can't, coz i don't know how. pls forgive my ignorance to the advance technology...boba talaga ako sa computers!! Basta, with all sincerity, i'm sending the pink dress back to you. (in words na lang ha, hope u understand)
regarding the "big news", the impostor (zorro) is based here in the Phils, according to the IP address. but there's a more shocking news regarding the "aliases", (zOrrO, kristala, vietnam rose, panday, etc.) i'l share it to you ofcourse, in due time.. i have to get the permission of mareng JB first.. besides, we're still waiting for one more "blow".. i believe, everybody deserves to know bout it...konting tiis lang my friend.
got to go now... receive ko muna deliveries ko ng jolibee chicken...it's weekend, so raket to the max muna ako. take care.. have a great weekend!!
Email: gracebagorio@yahoo.com
Dory Ferrer
Mar 18th, 2006 - 3:29 AM Re: Re: Re: Re: Re: Batch 82 chikahan
Hi Grace,
Great illusions talaga no, 10 lang ang nahanap ko, I can't find the other one. I won't give up din until na makita ko rin. Minsan nga pag may mga jokes di ko mapigilan tawa ko e. Can't believe naging guardian angel si Marilyn Monroe, hmmm....Pwede kaya request kung sino ang guardian angel ko? Hombre dapat di ba para safe na safe. Sarap siguro ng tulog ko nun. Hirap yatang matulog ng mag isa.
I was reading this book called "The Purpose Driven Life" by Rick Warren. Share ko lang sa inyo pwede?
Cultivating community takes courtesy, Courtesy is respecting our differences, being considerate of each other's feelings and being patient with people who irritate us. We must bear the "burden" of being considerate of the doubts and fears of others." People should be bighearted and courteous." In every group, there is always at least one "difficult" person, usually more than one. We can call that EGR "Extra Grace Required". Sharing lang po. Back to reading uli ako, maganda ang chapter e tapusin ko muna. Enjoy your weekend. Take care everyone.
Email: dflacambra@hotmail.com
aileen \"gabo\"
Mar 17th, 2006 - 9:30 PM Re: Batch 82 chikahan
Good Morning! parang iba ang ambiance dito ngayon....
Grace...you mean yong ibang IP address from HKG...my gosh kailangan ko na yatang magtapat...
Joy...ang daya mo nag celebrate na kayo ng bday...hindi man lang kayo nagsabi...type nyo rin pala japanese food (Joy and Grace) jamming tayo..100% favorite ko yan... ...
o sya ill call you two..
Email: aileen_jiz@hotmail.com
grace bagorio
Mar 18th, 2006 - 12:43 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Hay ang ganda ng lola cyber natin!!! Very rainbow colors!!! so lively ang so sosy!!! thanks a lot Ms. Bonnete!! The best at winner ka talaga!!!
yes aileen, apparently, one of those who used an alias is based in hongkong, using 5 different IP adresses. sobrang taas nga ng kilay ni joy (kamuntik nga lumagpas sa noo nya) when she learned bout it. ang alam nya, ikaw lang ang batchmate ('82) na nasa hongkong. Meron pa palang 1, coz we are sure hindi naman ikaw yung nag-alias na yun (unless may hidden talent ka rin sa "i love my own, my pantalon")... Yun ang gusto naming maconfirm kung correct ang haka-haka namin ni Joy... abangan ang susunod na kabanata...
and yes again, love din namin ni mareng joy ang japanese lafang... o di ba, birds of the same feathers flock together... Mukang hahalughugin natin lahat ng japanese resto pag tayong 3 ang nagsama-sama. Ayan! naglalaway na naman ako...
o sya, back to my raketeering muna ako, para may mabigay ako additional funds kay joy.... hmmm, eh ano kaya kung kapapahan na lang hanapin ko...Gwahahaha!!!
Email: gracebagorio@yahoo.com
Bonette (Site Admin)
Mar 18th, 2006 - 1:15 AM amusing lingo in Chikahan
I created this forum and yet I am just a passerby cuz I really have not been reading the postings in detail. Anywayz,I've noticed the lingo you all have been using (like lafang, kadatungan and more). Honestly, the way you talk with one another amuses me. And yes, I did question myself... when was the last time I used those words?
Email: roxashi@yahoo.com
grace bagorio
Mar 18th, 2006 - 8:42 AM Re: amusing lingo in Chikahan
Good evening Mareng Bonnette,
O di ba, biglang tinawag nang mare. this is also one of the latest. before, it's "tita", then "tiang", then "sister", now its "mare". always join us in our chikahan so u'll be updated of all the salitang-kalye, salitang-bagets/forgets, salitang-parlor/bakla, etc.
I'd like to personally thank you for the "big help". thank you for your precious time...and a "big WOW" on the newly dressed cyber! Galing-galing talaga!
Regards and God bless.
Email: gracebagorio@yahoo.com
aileen "gabo"
Mar 18th, 2006 - 1:52 AM Re: Batch 82 chikahan
...hi Ms. Bonnette..thanks for the new design and color..parang tipong pang mga mujeres adiktos lang itish..(from grace..pahiram)...and as per the words were using here kasi yong ang bagong trend ng mga bagets...nakikisali lang ... ..again Ms. Bonette...THANK YOU FOR EVERYTHING..
Joy i send you message..read mo na....Grace i also send you message....read mo na rin....i suppose to call you kaya lang medyo mahal ngayon ang rate dahil weekend ... ..mega email nalang beauty me...
okey...just want to say
HAPPY WEEKEND EVERYBODY
Email: aileen_jiz@hotmail.com
joy trinidad panlilio-baltazar
Mar 18th, 2006 - 5:25 AM Re: Re: Batch 82 chikahan
Rogelio (Roger Yaris)! Many happy returns of the day.
Wow! Ang taray ng bagong make up ng forum natin, ha? Bonette, thanks for everything! At saka yung mga lingo dito na ginagamit ( coloquial languages), feel lang namin, bagets pa kami kahit ang totoo, bigats na, hehehe!
Aileen, got your message in the friendster, you've got a deal! Will email you for the details.
Dostları ilə paylaş: |