Chapter 48
Luna
Kinabukasan, hindi nakapasok si Jessie. Actually nagpupumilit siya pero pinagbawalan ko siya. Hay ang kulit nun. Sabi nang magpahinga muna eh! Kung hindi lang ako nainis at nagtampo hindi pa makikinig sakin yun eh...
“Sis!!!”
“Ay kabayo!” Nagulat ako kasi bigla nalang akong tinawag ni Steff sa classroom. Umakap agad siya sakin.
“Ano bang nagyari sis?! Bakit sa bahay ka nina Jeshshshmmmm...” Tinakpan ko kaagad yung bibig niya.
“Wag ka ngang magulo Steff!” impit kong sabi sa kanya.
Inayos niya yung buhok niya at umupo sa tabi. “Sorry naman! So bakit nga? Ano ba nangyari? Or better question, MAY nangyari ba?? Mukhang pagod at puyat ka ah!”
“Ang dumi talaga ng isip mo! Walang nangyari samin! Jusko naman.. Napagod lang ako at magdamag kong binantayan si Jessie!”
“Ay ganun.. Tsk. Ang hina mo talaga sis. Walang-wala ka sa diskarte eh..” Umiling-iling pa siya. “So, ano nga nangyari? Bakit ka nagpalipas ng gabi dun sa bahay niya at binantayan mo pa siya?”
Kinamot ko yung ulo ko at sinabi yung buong pangyayari kay Steff. Yung tungkol dun kay Trixie at sa pambubugbog nung mga kasama niyang lalaki kay Jessie.
“OH MY GOD!!!” Napatakip pa sa bibig si Steff. “Ano kamo?! Sino naman ba yung umeeksenang bruha na yon ha?!”
“Ex nga ni Jessie. Eh mukhang galit sa kanya eh...” Nagbuntong hininga nalang ako.
“My God talaga sis!” Ibinagsak niya yung palad niya sa table. “Sabi na’t mukhang basagulero yung Jessie na yun eh! Madaming kaaway yun sis!”
“Uy grabe ka naman! Hindi ganun si Jessie ah! Baka me topak lang yung Trixie na yun...”
“Oh sige ipagtanggol mo pa yang lovey dovey mo, ako na kontra bida...”
Tumawa ko at itinulak yung mukha niya. “Umayos ka na nga! Hahaha. Magsisimula na yung klase eh...”
“Naku sis basta, feeling ko madami pang kababalaghang mangyayari sayo pag lagi mong kasama si Jessie..”
“So ano ibig mong sabihin? Hiwalayan ko siya? No way sis! Hindi ko kaya!!!” Umiling ako ng umiling.
“Oh sige na! Jeez... Baka maging turumpo pa yang ulo mo hahaha.”
Pagkatapos ng klase, pumunta agad ako dun sa Production Hall kung saan gaganapin yung school play. Today kasi yung first practice nila eh alam niyo naman yung nangyari ke Jessie. Sabi ko nalang sa kanila na may nantrip na mga lalaki kay Jessie kaya nasa bahay siya ngayon at nagpapahinga.
Hindi naman maiwasang mag-alala nung production set at nung ibang cast. Aalis na sana ko nang biglang may humarang sa daan ko.
“Nasan ngayon si Jessie?” Nakapamewang na sabi ni Sarah.
Parang kumulo yung dugo ko nung makita ko tong bruha na toh. Siya nga pala yung gaganap na Sleeping Beauty! Grr! Sana tuluyan nalang siyang wag magising!!! >_<
“Nasa bahay,” matipid kong sagot. Lalakad na sana ulit ako pero hinarang niya ko. “Ano ba?!” Naiinis na ko. Baka hindi ako makapagpigil at lagasin ko lahat ng buhok nito!!!
“I don’t buy your explanation. Walang basta-bastang manttrip kay Jessie. Siguro may kasalanan ka dun sa nangyari sa kanya...”
“Ano bang sinasabi mo?! Pwede ba umalis ka dyan sa dadaanan ako!”
Hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit. “Listen... I don’t like you and I will NEVER like you. Pero ako na mismo yung nagsasabi sa harapan mo ngayon na hiwalayan mo na si Jessie. Hindi lang siya matatahimik pag ikaw yung nasa tabi niya!”
Inalis ko yung braso ko. “You don’t make any sense!” At lumakad na ko paalis.
*Sarah’s POV*
Natatawa-tawa kong tiningnan si Luna habang papaalis. “Doesn’t make any sense pala ah. Then you’ll see that I do... Sooner or later... Mahahanapan din kita ng butas Luna Reyes..”
Kinuha ko yung cellphone ko at may dinial na number. Lumayo din ako sa production set at sumandar sa pader. After three rings, may sumagot na sa kabilang linya.
“Yes?”
“Ako toh...”
“Sarah?”
“Yes. Mukhang nagtagumpay kayo sa plano niya ah? Hindi kasi nakapasok si Jessie ngayon..”
Natawa ng sandali si Trixie sa kabilang linya. “Syempre. I can’t afford to fail. Thank you nga pala sa chance na binigay mo sakin para makaganti kay Jessie ah? I owe you a lot...”
*Smirk* “Don’t worry. Alam ko naman talagang kailangan mong pagbayarin si Jessie eh...”
That’s right Jessie. Akala mo ba wala akong alam tungkol sa past mo? I had you researched at interesting yung mga findings ko. Hanggang sa makita ko nga si Trixie na desperadong desperadong makaganti sayo...
“May bago na pala siyang girlfriend ngayon.. Ulet...” matabang na sabi ni Trixie.
“That’s right. And I hate her. You saw her last night didn’t you?”
“Yes. At sa tingin ko ay bumababa na talaga yung standard nung lokong lalaki na yun pagdating sa babae...”
Napangiti ako dun. “You got that right ghurl. Hindi ko rin sukat maisip na papatulan ni Jessie yung dying-hard na yun...”
“Well, in any case, wala na kong pakialam sa kanila. Nakaganti na ko kaya hindi ko na sila aabalahin pa. Thank you ulit Sarah ah...”
“Wait!” sigaw ko kasi mukhang ibababa na niya yung cellphone. Napatingin tuloy sakin yung ibang production set pero nginitian ko lang sila. Bumalik na ko sa pakikipag-usap kay Trixie. “You said you owe me right?”
“Ooh... I like the sound of that...” Nafeel ko na ngumiti siya sa kabilang linya.
Ngumiti rin ako. “I want you to do something for me... I still like Jessie, yes, but I HATE his new girlfriend...”
“Ano ba gusto mong ipagawa sakin?”
Tiningnan ko yung bagong manicure na kuko ko. “Well... let’s just say that we will set them up.”
*Luna’s POV*
Haist! Nag-aalboroto na naman yung ulo ko! Kasi naman yung Sarah na yun eh!!! Amp! >_<
Tumuloy ako agad sa bahay nina Jessie para tingnan kung okay na yung kalagayan niya. Natuwa naman ako nakakaupo na siya at nagcocomputer pa ah? Nung abutan ko siya sa kwarto niya naka-internet siya eh...
“Oh honey ko...” Ngumiti siya at inakap ako. Hinalikan niya ko sa noo. “Musta school?”
“Okay lang...” Umupo ako sa may kama niya.
“Eh ba’t parang malungkot ka?” Tumabi siya sakin. “Saka ano nga pala sabi nung production set?”
Itinaas ko yung paa ko. “Nag-aalala silang lahat sayo. Pero sabi ko magiging okay ka na rin at baka makapasok ka na bukas...”
“Ah okay... Eh bakit nga malungkot ka?” pilit niya.
“Kinausap ako ni Sarah eh...”
“Oh?” Nakita ko yung alarm sa mga mata niya. “Anong sabi sayo nun?”
Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba ke Jessie na pinagbantaan ako ni Sarah na layuan na siya? Kaso baka magkagulo pa eh... Saka wala rin namang magagawa yung bruha na yun eh! Kami na yung magkasama ni Jessie ngayon. Mahal ko siya at mahal niya rin ako...
“Eh di ayun... Tinanong lang niya kung okay ka na ba,” pagsisinungaling ko.
“Yun lang?”
“O-Oo...” Bigla akong kinabahan kasi matalas din tong si Jessie eh. Magaling din tong bumasa ng isip ko...
“Eh bakit malungkot ka kung yun lang yung sinabi niya?” Sabi na nga ba eh!!! Huhuhu (T^T)
“Eh kasi... Ano...”
Tumaas yung kilay niya. “Ano?”
“Ano kasi... Naiinis ako sa kanya.”
“Naiinis ka?”
“Oo!” Gumapang ako sa kama at dumapa. Inakap ko nalang yung malambot na unan at umasa na sana bumenta kay Jessie yung dahilan ko.
“Ayt, yung honey ko oh...” Naramdaman ko din yung bigat ng bawat gapang ni Jessie papunta sa tabi ko. “Bakit naiinis ka? Nagseselos ka ba?”
“Hindi!” Itinalukbong ko yung unan sa ulo ko at tumagilid.
“Ehe, honey ko naman...” Humiga din siya at pilit akong inakap. “Ba’t gumaganyan ka na naman? Tinotopak na naman ba yung love ko?”
“SHATTAP!” sigaw ko kasi nainis ako dun sa huling sinabi niya. “Ikaw kaya yung topakin at hindi ako!”
Tumawa siya ng mahina. “Ayan tampo na naman siya... Sorry na kasi? Hindi na kita kukulitin sige. Hug mo nalang ako dali...”
“Naku! Manigas ka dyan! Inaantok ako...”
“Eeehhh... Honey ko naman eh! Sige na harap ka na dito! Magseselos ako sa unan na yan sige!”
Napangiti ako dun sa sinabi niya. Nikikilig naman akuh. Ahihihihi.. (^o^)
“Shh! Natutulog ako!”
“Sige matulog ka at paggising mo wala ka nang damit!”
Bigla akong napaupo dun sa sinabi niya. Hala! Namumula na naman ako! (>^<)
“Kabastos mo!” Pinalo ko siya ng unan.
“Hahaha! Ikaw kasi eh! Ayaw mo kong ihug...”
Pinalo ko ulit siya ng unan. “Ano ka sinuswerte?!”
“Aray! Kung makapalo naman toh parang wala akong sugat ah!”
Aish. naguilty naman ako dun... “Churi...”
(>3<)
“Oh ngumunguso ka na naman eh!” Tinulak niya ng daliri yung nguso ko. “Mukha ka na namang suso! Hahahaha!”
“Haist! Nakakainis ka!” Sumibangot ako at tiningnan siya ng masama. Humalukipkip ako kasi naasar ako sa mga pinagsasasabi niya.
“Oh pikon ka na naman eh.. Joke lang po!” Inakap niya ko habang nakaupo kami.
“Ba’t nakangiti ka?” inis kong tanong.
“Wala. Nakangiti ba ko? Hindi naman ah?” Lalo niyang hinigpitan yung yakap sakin.
“Weh? Ayan oh nakangiti ka! Saka.. Haist! Nakapikit ka pa ah! Mukha kang ewan dyan!”
“Shh! Kaingay naman nung unan ko!”
“Unan ka dyan!” Pilit kong inaalis yung braso niya. “May natutulog kayang nakaupo!”
“Deh humiga!” Tapos nagulat ako nung hilahin niya ko pahiga. Ehe! Para namang sipit ng alimango toh kung makaakap!!!
“Eeeehhh! Jessie naman eh!” Wushu! Kunwari pa ko eh kinikilig naman talaga ko! Hahahaha >///<
“Lambot naman nung unan ko. Sarap akapin...” Ipinatong pa niya yung isang hita niya sakin! Haru ano ba toh?!! Balak nga ata akong lingkisin nito eh!!!
“Ehe hindi ako makahinga! Hoy pipikit pikit ka pa dyan ah? Dumilat ka nga!”
Dahan-dahan siyang dumilat. Natigil ako sa kakakawag nung nakita kong nakatitig yung mga mata niya sakin.
*blush*
“Oh ba’t natigil ka?” tanong niya.
Tinakpan ko yung mga mata niya. “Pikit ka nalang pala ulit...” Eh kasi naman eh! Ang ganda ng mata niya! Kinikilig tuloy ako! Hindi ko sukat akalain na nadagit ko yung ganitong kagwapong nilalang! (^o^)
Inalis niya yung kamay ko sa mata niya at tinitigan na naman ako ng malamlam. Ehe. Hindi tuloy ako makatingin ngayon. Parang nao-awkwardan na naman ako...
“Tumingin ka sakin,” mahina niyang sabi.
Jusko, kumakawala na naman yung puso ko sa dibdib ko! Tumingin ako sa kanya ng dahan-dahan. Ohmyohmyohmyohmy... Kumikislap yung mata niya! Hala! Oh baka yun lang yung tingin ko? Hay ewan!
“Ano bang nakikita mo sa harapan mo ngayon?” Mahina ulit yung boses niya at mukhang seryoso.
“Ano bang tanong yan!”
“Sagutin mo nalang kasi...”
“Eeehh... Ikaw muna...”
“Tsk daya mo naman eh. Ako unang nagtanong...”
“Sige na ikaw muna...” Nahihiya kasi ko sa posisyon at pinag-uusapan namin ngayon eh. Parang napaka heart-to-heart...
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong niya.
Tumango nalang ako. Nakikita ko yung reflection ng sarili ko dun sa mga mata niya. Grabe nakakaakit talaga yung mga mata niya. Para kong tumititig sa pinakamagandang bagay dito sa mundo..
Hinawi ni Jessie yung buhok sa noo ko at ngumiti. “Sa harapan ko ngayon, nakikita ko yung buhay ko... Pati yung hinaharap ko... Lahat ng yun nakikita ko ngayon...
Aish! Bakit ba kailangan lagi nalang niya kong pinapakilig?! (>^<)
Hinampas ko ng mahina yung dibdib niya at napangiti. “Galing mo talagang mambola...”
“Bakit, nadadala ba yung honey ko?”
“Uhm... Pwede na din...”
Kiniss niya ko sa noo. “Your turn naman! Madaya ka eh, ako pinauna mo...”
“Sige.. Uhmm...” Tiningnan ko siya sa mga mata at ngumiti. Madami kong gustong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko mapagkakasya sa isang salita o pangungusap yung nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.
“Sa harapan ko ngayon...” Tinitigan niya rin ako na para bang inaabsorb niya yung bawat letra na kumakawala sa bibig ko.
“Nakikita ko ang liwanag ng bukas ko...”
Parang medyo nawala yung kislap sa mga mata niya. “Ay, ganun? Hindi man lang forever? Hanggang bukas lang?”
Nangiti ako dun sa reaction niya. Tumango ako. “Yup... Hmm.. May tanong ako sayo...”
“Ano?” malungkot niyang sabi.
Hinawakan ko yung mukha niya. “Posible bang magkaroon ng bukas kung walang liwanag na nanggagaling sa araw?”
“Syempre hindi...”
“At nagkakaroon din ba ng forever kung walang kinabukasan?”
Natingin siya dun sa sinabi ko na yun. Sa tingin ko naintindihan na niya kung ano yung ibig kong sabihin sa kanya. Hinalikan ko yung tip ng ilong niya. “Hindi rin, di ba? Kaya nga ikaw yung liwanag ng bukas ko eh... Because your light is the one bringing life to my world... and you and I know that tomorrow will never end...”
Ngumiti siya sakin at nagtitigan kami ng matagal. Pinakiramdaman namin yung nararamdaman ng bawat isa. I felt the fast beating of his heart on my skin. And I felt his love... His deep, uncontrollable and everlasting love for me...
I love you Jessie. I love you until tomorrow...
Hinalikan niya ko sa labi. It was a long and lingering kiss. Dinama ko yung bawat bugso ng emosyon na nanggagaling sa puso niya. Hindi ko na rin alam kung pano ko masasabi sa kanya kung ano yung nararamdaman ko sa laki ng pagmamahal ko sa kanya...
Kaya sa pamamagitan nalang ng halik na yun, sa paglalapat ng mga labi namin, kusang nagsalita yung mga puso namin tungkol sa matinding pagmamahal namin para sa isa’t isa...
Chapter 49
Jessie
“Honey ko?”
“Hmm?” Nakaupo siya dun sa silya niya sa Student Council room, nagsusulat. Hay, busy na naman yung honey ko. Baka napapagod na toh...
“Di pa ba tapos yan?” tanong ko at umupo ako dun sa gilid nung table niya.
“Hindi pa eh. Ikaw na muna yung magpraktis sa sarili mo. Hindi ko pa rin naman nababasa ng buo yung script eh...” Hindi siya tumitingin sakin kasi abala siya sa pagsulat.
“Ah sige... Di ka pa ba napapagod honey ko? Maghapon ka na atang busy ah?”
“Hinde, ayos pa ko... Oo nga eh, malapit na kasi yung Thanks Giving program kaya rush yung paperworks...”
*sigh*
“Honey?”
“Oh?”
“Wag ka nang manuod ng program ah?”
Natigil siya sa pagsulat at napatingin sakin. “Bakit?”
“Eh kasi... Hindi ako makakaarte ng maayos pag andun ka... Baka bigla nalang akong mangatog dun,” pagsisinungaling ko. Hindi naman talaga yun yung dahilan eh. May kissing scene kasi sa dulo nun. Pag nakahiga na si Sleeping Beauty. Di ba yung Prince Charming niya yung gigising sa kanya sa pamamagitan ng halik?
Eh ayoko naman kasing makita pa yun ni Luna. Lalo na’t si Sarah pa yung kapartner ko. Baka magkanda-loko loko pa kami...
“Ayaw mo ba nun? Suportado kita?” sabi niya sakin.
“Hindi naman sa ganun honey ko...” Pumunta ko sa likod niya at minasahe yung balikat niya. “Nahihiya kasi kong umarte pag andun ka eh. Baka hindi ko maideliver ng maayos yung linya ko.”
“Sus! Eh kasama mo nga akong nagppraktis eh!”
“Ehh...” Hala! Nauubusan na ko ng dahilan! “Gusto mo bang makitang kaeksena ko si Sarah?”
Biglang pumait yung itsura niya. “Ayoko...”
“Eh yun naman pala eh! Kaya wag ka na manuod ng program honey ko? Please?” buong suyo kong sabi sa kanya.
“Eh di babantayan ko nalang kayo! Gusto kong manuod eh!”
Haist! Ang kulet! Kung hindi ko lang mahal toh eh... Kinamot ko yung ulo ko.. “Bahala ka nga.” Yun nalang yung nasabi ko kasi wala na kong maisip na dahilan.
“Ay, hindi nga pala ko pwede nun. May dadating kasi kong kakilala galing America eh. Baka hindi nga ako makapanuod...”
Whew! Buti naman.. Teka ano? Me dadating na kakilala? Galing America? “Sino naman yun?” tanong ko sa kanya.
“Kaibigan ko. Si Casey Montez..”
“Ahh.” Casey? Ngayon ko lang narinig yung pangalan na yun kay Luna ah? Babae ba yun? Baka babae yun. Mukhang pambabae yung pangalan eh...
*Sarah’s POV*
Nasa labas ako ng Student Council room kasi binabantayan ko yung bawat kilos nina Jessie at nung bwisit na Luna na yun. Kailangan kong mahanapan sila ng butas. I need to split them apart...
At mula sa usapan nila ngayon, parang may nabubuo na kong plano kaso hindi pa plantsado yun. May mga tanong pa eh...
Bakit ayaw papuntahin ni Jessie si Luna sa play? Hindi kaya’t may kissing scene kasi kami at baka magselos si Luna? Saka sino ba yung Casey Montez na yun? Babae ba yun? Tsk. I need to do some research.
Umuwi na ko sa bahay para gumawa ng plano. But before that, I need to know who’s that Casey Montez ba. So I opened the internet and typed his name. Hindi naman ako binigo ni Mr. Google kasi lumitaw yung pangalan niya.
Kinlick ko yung isang site for bands at nakita ko dun yung biography niya. Nung tingnan ko yung mga pictures, lalaki yung tinutukoy na Casey Montez. Pero pano kung nagkataon lang? Baka naman kapangalan lang niya toh?
Sinearch ko yung facebook ni Luna para makasigurado. Hindi ko siya friend pero naka-public yung profile niya. Good... Tiningnan ko yung list of friends niya.
“Casey, Casey, Casey... Aha!” Kinlick ko yung name na Casey Montez. Nung nag-open na yung profile niya, nangiti ako kasi hindi nga ako nagkamali. Lalaki si Casey at kasali din siya sa band named Black Scythe sa America.
And take note, gwapo siya. Lalo akong napangiti kasi it’s getting way too interesting. “My dear Casey, my dear dear Casey... You can be of really big help to me.”
Kinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number ni Trixie. “Hello? Trixie?”
“Oh Sarah! What’s up?”
“I found something interesting...”
“Really? Ano?” excited niyang tanong.
“Well, nakahanap lang naman ako ng pwede nating gawing alas laban kina Luna at Jessie.”
“Wow. You’re so tough ah. Eh sino ba siya?”
Kinlick ko yung photo ni Casey at ngumiti. “Casey Montez. Luna’s friend in America.”
“Uhm.. Tapos?”
I rolled my eyes. “You don’t need to know everything Trixie, ang kailangan ko lang ay siguraduhin mo na pupunta si Luna sa play namin ni Jessie next week. SIGURADUHIN mo yun, do you hear me?”
“Next week?” Parang nag-alangan si Trixie. “Hindi kasi ko pwede next week–”
“You owe me Trixie! Just do what I say then we’re done! Okay?!” Hindi ko na mapigilang magalit. Naiinis ako sa kanya eh. I don’t like her either, pinagttiyagaan ko lang siya kasi may pakinabang siya sakin.
“O-Okay Sarah. Ito na yung last ah?”
Binaba ko na yung cellphone at hinilot yung sintido ko. “Oh my God. She’s so stupid.” Tiningnan ko yung litrato ni Casey dun sa may screen. “What shall I do with you, huh sweetie?”
Then biglang may pumasok na idea sa ulo ko. Kung pupunta si Luna sa play at makikita yung kissing scene namin ni Jessie, siguradong aalis yun at iiyak nalang. In case na ganun nga yung mangyari, kailangan ng isang taong magpapakalma sa kanya...
At unfair naman yun kay Luna kung siya lang yung mahuhurt di ba? Dapat pati si Jessie magluksa din.
I smiled and saved Casey’s photo. Pagkatapos kong iprint yun, tinitigan ko yung picture niya at ngumiti. “Casey my dear, I just know exactly what to do with you...”
*Luna’s POV*
“Tss. Sige na kasi! Para naman kasing hacker ako!”
“Eh wag na kasi! Account ko yun eh!”
Ehe, kanina pa ko naiinis ke Jessie ah! At kanina ko pa rin hinihingi yung email add at password niya sa facebook pero ayaw pa rin niyang bumigay. Nagpustahan kasi kami ni Steff habang naglalaro ng jack stone eh natalo ko...
Haist ang eng eng ko naman kasi eh. Chess nga naipapanalo ko tapos simpleng jackstone hindi ko pa makeri??
(T^T)
Yung parusa ko ay maghanap ng bagay na pwedeng ikapahiya ni Sarah. Umayaw ako nung una pero sabi ni Steff kung hindi ko raw gagawin yun, sasabihin niya lahat ke Jessie yung ginawa kong mga kahihiyan nung bata pa kami! Huhuhu! Yan ang hirap kapag may berat kang kaibigan na kasabay mong lumaki eh! Blackmailer pa!!!
Nag-umpisa kong maghanap sa facebook pero nakaprivate yung profile niya at hindi ko pa friend kaya hindi ko matingnan. Masisira naman yung pride ko kapag inadd ko yung bruha na yun noh. Uh-uh no way...
Kaya wala akong other choice kundi magmakaawa kay Jessie kasi friend niya yun eh. Kaso ang problema ayaw bumigay huhuhuhu.. (ToT)
“Sige na please?” Nakaakap na ko sa likod niya habang nakaupo siya at nag-iinternet sa computer niya. “Please please please?”
“Ayoko...” Tuloy pa din siya sa pagcocomputer. Ehe, kasi naman eh!
“Ba’t ba kasi ayaw mong ibigay?”
“Pangatlong tanong mo na yan eh!”
(T^T)
Tss. Kung sabagay naiintindihan ko naman siya eh. Privacy niya yun eh pero kasi... Kasi naiipit ako eh! Huhuhu si Steff naman kasi eh..
“Sige na please?” ulit ko.
“Ayoko nga...”
“Please?”
*no response*
“Sige na?”
*no response*
“Honey ko?”
Natigil yung kamay niya dun sa mouse. Inikot niya yung computer chair at tumingin sakin. “Anong sabi mo?”
>///<
“H-Ha? Wala ah! May sinabi ba ko?” Ehe nakakahiya naman yun! Hindi kasi ko sanay na tawagin siyang honey ko sa harap niya eh. Psh..
“Hindi may sinabi ka eh. Parang honey ko yung narinig ko...” sabi niya sakin ng seryoso yung mukha.
Biglang namula yung pisngi ko. “Ayt! Hindi ah! Ba’t naman kita tatawaging ganun? Ang baduy kaya!”
“Okay.” Umikot na ulit siya para magcomputer. Haist! Ang hirap naman nito! Para na kong maiire sa pangungumbinsi dito sa taong toh!
“Eehh. Honey ko naman,” mapangsuyo kong sabi. Inakap ko nalang ulit siya mula sa likod at ipinatong yung baba ko sa ulo niya. Tsk! Si Steff ang malalagot pag hindi nagbunga tong kahihiyan ko na toh!
“Ayun oh, tinawag mo kong honey ko..”
“Ayaw mo ba? Sige na kasi pahiram muna ng fb account mo...”
“Bakit ba kasi?”
“Eh may titingnan lang ako...”
Tumingin siya sakin. “Ano yun hinuhuli mo ko? Hindi naman ako nambabae noh...”
“Wala akong sinasabing ganun ah! May titingnan lang talaga ko. Wala ka bang tiwala sakin?” Huhuhu sana naman tablan ka na ng pangongonsensya ko.. *cross fingers*
Nagbuntung hininga siya at umalis sa upuan. “Hay sige na nga!”
Pumalakpak ako. “Yehey!”
“Sandali lang ah?”
Umupo ako dun sa computer chair. “Yes boss!”
“Tsk kanina lang honey ko tapos ngayon yes boss na!”
“Ehe, sorry na po honey ko...” Inakap ko siya sa leeg at kiniss yunng pisngi niya. “Wag na kaw magalit? Okay?”
>///<
Waaahhh! Pati ako tinatamaan sa ginagawa ko!!!
“Tsk. Twing may kailangan ka lang sakin nanlalambing eh..” Inopen na niya yung facebook.
“Oii hindi naman syado mo... Oh ano na email add?”
“jessiewright@yahoo.com”
Tinype ko yung email add niya. “Password?”
Medyo nag-alangan ata siyang ibigay. “Huy password kako..” sabi ko ulit.
“lovekohoneyko .. Walang capslock.”
Napanganga nalang ako. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko at napatingin ako sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niyang kiniss yung lips ko. Aish! Ano yun?!! >///<
Tinakpan ko yung bibig ko tapos bigla siyang tumawa. “Nakanganga ka na naman eh! Baka pasukan ng langaw. Sinarado ko lang..”
Hinampas ko siya sa braso. “Ano ka ba! Nakakarami ka na ah! Harassment na toh!”
“Wooh. Harassment daw.. Harassment ba yun kung nag-eenjoy ka?” Tapos tumawa na naman siya.
“Aist!” Bigla siyang tumakbo dun sa pintuan.
“Oh pikon na naman? Lumayo na ko at baka kainin mo ko eh! Hahaha.. Ligo lang ako honey ko ah? Gusto mo sumabay?”
“Haist!” Balak ko na talagang ibato yung monitor sa kanya eh! Pero tumawa nalang siya at sinarado yung pintuan.
“Sabay daw. Tss. Baliw na yun.” At mukha naman akong ewan na kinakausap yung sarili ko.. Haaay. (>^<)
Tinype ko na yung password niya. Hindi ko rin maiwasang kiligin habang tinatype ko yun hihi. Ay, ang kire? Hahaha...
Nung nalog-in na, una kong tiningnan yung profile niya. Ehhh! Luna naman! Yung profile ni Sarah yung kailangan mong tingnan hindi yung mga pictures ni Jessie! Oh tukso, tukso lumayo ka sakin!
Nagsave ako ng isang picture ni Jessie sa computer at ibinluetooth yun sa cellphone ko.
*beep*
Inopen ko yung bluetooth file. Ehhh! Ang cute naman ni Jessie dito! Ba’t ba kailangan nalang niyang maging pogi kahit saang anggulo? (>^<)
Kiniss ko yung screen ng cellphone ko at ngumiti. “I love you honey ko. *kiss* Mahal na mahal kita *kiss* ..”
Ginawa ko pa ngang wallpaper yung picture niya na yun eh! Hahahaha...
*pop*
“Huh?” May nagpop out na chat sa ibaba ng screen. Kumunot yung noo ko nung makita ko na si Sarah yun.
Dostları ilə paylaş: |