Luna “WAAAHHH! AYOKO! HINDI AKO UUWI HANGGA’T HINDI KO NAKUKUHA YON!” Kumapit ako dun sa isang lamp post. Huhuhuhu. Hindi ako uuwi hangga’t hindi ko nakukuha yung dalawang singsing na yon! TToTT
“Panlimang beses mo nang sinabi yan honey ko eh! Tara na nga! Hinahanap na nila tayo!” Inakapa ako ni Jessie mula sa likod at sinubukang hinahin paalis. Pero lalo ko lang hinigpitan yung hawak ko.
“WAAAHHH! AYOKO! KUKUNIN KO YON!!!” ngawa ko. TToTT
“Haist!” Bumitaw siya at kinamot yung ulo niya. “Ibibili nalang kita ng mas maganda! Mura lang yun eh! Gusto mo yung may diamonds pa..”
Eh? Diamonds? *o*
Pero HINDE! Gusto ko yung couple ring na binili ko! Gusto ko yon at wala nang iba! >o<
“WAAAHHH! AYOKO! KAHIT SAKSAKAN PA NG DAMI NG DIAMONDS YUN AYOKO! I WANT THAT COUPLE RING! I WANT IT! I WANT IT! I WANT IT!” Para kong batang nagpupumilit bumili ng isang bagay. Eh kasi naman eh! Pinaghirapan ko kayang piliin yon! Saka kahit papano nagkasentemental value na sakin yun noh. Kahit sabihin pa nilang mura lang yon..
“Eh sino ba kasi yung nagtapon nun sa bangka?” -_-++
Natingin ako sa kanya. Nakakaasar ka ah! Ako pa talaga sisihin?? “Eh sino ba kasi may kasalanan kung bakit ko ginawa yon??!” >o<
“Bakit kasi hindi mo kinuha bago tayo bumaba! Nyemas naman eh!”
TT~TT
*sniff*
“I HATE YOU JESSIE WRIGHT!” Umalis ako sa pagkakayakap sa poste at nagsimulang maglakad.
“HONEY KO! SAN KA PUPUNTA?” sigaw niya sakin. Narinig ko rin yung mga yapak niya na sinusundan ako.
“KAHIT SAN!!!” >~<
Hinawakan niya ko sa braso. “Honey ko naman eh. Para kang bata..”
Tinitigan ko siya. Naiinis ako sa kanya. Ano ba masama kung gusto ko talaga yung couple ring na yon? Pinili ko yun ng mula sa puso ko eh! Nag-exert ako ng effort para dun kasi gusto ko siyang pasayahin! Tapos ngayon sasabihan niya na para kong bata?
Well, oo para nga talaga kong batang nagmamaktol. Pero kahit na! Hindi pa rin niya ko naiintindihan! TT_TT
Tinabig ko yung kamay niya sa braso ko. Nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya. Waahh! Naguilty ako. TToTT Sorry honey ko..
“U-Uwi na tayo.” Yun nalang nasabi ko. Feeling kasi medyo nagiging OA na ko eh. Saka tinabig ko pa yung kamay niya. Yung hand ni Jessie.. Yung smooth hand niya.. Tinabig ko.. Waaahh! I’m so bad. TT_TT
Stupid pride! >o<
Naglakad ako paalis. Hindi ko nalang siya pinapansin. Nahihiya ako eh. Feeling ko galit na naman siya sakin. Halos nasa labas na ko ng Burnham Park ng lumingon ako.. At mapansing wala si Jessie..
Huh? O_O? San nagpunta yon?
Tumingin ako sa paligid. Ang dilim. Tapos puro puno pa. Waah! May mumu kaya dito? Sabi madami daw mumu sa Baguio eh. Pero.. Hindi! That’s not true! Tinatakot ko lang sarili ko! >o<
Inikot ko yung Burnham Park. Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Shucks! Hindi ko nga pala nadala yung cellphone ko! Si Jessie kasi eh, sabi camera ko nalang yung dalin namin. Kaso bigla namang nalowbat nung nakasakay na kami sa bus papuntang Mine’s View. Ugh! Pag-inaatake ka nga naman ng malas oo. >_<
Lakad.
Lingon.
Wala.
Lakad.
Lingon.
Wala.
Hayy ilang minuto na ba ko naglalakad? O baka naman isang oras na? Nakakapagod na ah! Tapos ang lalim pa ng gabi. Delikado. Mag-isa pa naman ako. Hindi kaya.. Iniwan na niya ko? Nagalit siya tapos nauna na siyang umuwi?
Pero hindi eh! Hindi naman niya magagawa yun. Hindi kaya bumalik siya para kunin yung couple ring?
*o* Whoa! Baka nga! Weee ang sweet naman niya kung ganun. ^o^
Nagdesisyon akong bumalik dun sa boat. Umupo ako dun sa bench malapit dun para madali niya kong makita. Haist, ang konti nalang ng tao. Kung meron man mga nasa bangka. Ang romantic. Ganyan din kami kanina eh. Kaso galit na naman ata kami huhuhuhu. TT~TT
Naramdaman kong may tumabi sakin. Pagtingin ko sa gilid ko, nakita kong may nakaupong lalaki na naka black leather jacket sa tabi ko. Tumingin sin siya sakin at ngumiti. Napangiwi ako kasi ang pangit niya. Ew promise mukha siyang goon. Kaya lumayo ako hanggang nasa dulo na kong bench.
Ikinagulat ko naman nung lumapit ulit siya sakin. This time, isinampay niya yung braso niya sa sandalan at hinawakan yung balikat ko. “Hi Miss Beautiful.”
“Bitawan mo nga ako.” Tinabig ko yung kamay niya sa braso ko.
“Wag ka namang masungit, miss.” Lumingon ako sa likod at nakita kong may dalawa pang lalaking lumapit samin. Mga naka black leather jacket din sila. Bigla naman akong kinabahan. Alam ko na tong scene na toh eh. Haist! Mga manyak! Ang papangit nila! Ew ew ew! >o<
Tumayo ako pero hinatak ako nung dalawang nasa likod ko kaya napaupo ako. Nakahawak silang pareho ngayon sa balikat ko. Tapos yung lalaki naman sa tabi ko nakangisi pa din sakin. “Sabi ng bitawan niyo ko eh!”
Tumayo ako at pinilit na kumawala sa pagkakahawak nila. Wala bang guard dito??! Saka bakit ang dilim ng paligid? Ang konti lang ng ilaw! Yung mga tao nandon pa sa bangka! Haist pano nalang ako?? Marinig kaya nila pag sumigaw ako?? TT_TT
“JESSIE!” sigaw ko sa pangalan niya.
Tumawa lang silang tatlo. “Wala kang magagawa kahit sumigaw ka pa!” sabi ni guy #1
“JESS–Hmmm!” Tinakpan ni guy #2 yung bibig ko. Kinagat ko yung kamay niya kaya napaurong siya.
“ARAY!” Hawak ni guy #2 yung kamay niya. Tumingin siya sakin ng nanlilisik yung mata niya.
*ppssssshhhhhhhhhh*
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Parang umikot yung mundo ko. A-Ano yung inispray nila sakin? Pampatulog ba? Shucks ang sakit ng ulo ko.. Hinawakan nung dalawa pang lalaki yung balikat ko para maitayo pa ko. Nanghihina na kasing unti-unti yung mga tuhod ko..
Naramdaman ko yung kamay nung guy #2 sa ulo ko at mula sa likod, may ibinulong siya sa tenga ko. “May boyfriend ka na ba miss ha? Kasi pagkatapos namin sayo, hinding hindi mo na matitingnan pa ng diretso yung boyfriend mo..”
Lumakas lalo yung tibok ng puso ko. Naramdaman ko nalang na bumigay yung tuhod ko at napaupo ako sa lupa. Napapikit yung mga mata ko pero ramdam ko pa din yung pagkakahawak nung mga lalaki sakin.
I felt being lifted. Tapos itinakbo nila ako. Hindi ko alam kung san nila ko dinala kasi nahihirapan na kong dumilat. Narinid ko nalang na parang may sumaradong pinto. Pagkatapos naramdaman ko na yung lamig ng tiles sa likod ko.
Nasa CR kaya ako? Oo nasa CR nga ako. Naaaninag ko yung mga lababo at salamin..
Jessie. Isinisigaw ng isip ko yung pangalan niya..
Jessie. Help me.. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Narinig ko yung tawanan nung tatlong lalaki. I tried to sit but they just pinned my hands above my head. Binuksan nila yung jacket ko..
“J-Jessie..” Mahinang ungol nalang ng pangalan niya yung nasasabi ko. Feeling ko unti-unting bumabagsak yung katawan ko. Grabe yung hilong nararamdaman ko. Feeling ko pinupukpok ng kung ano yung ulo ko..
Naramdaman ko ding tumaas yung t-shirt ko.
Jessie.. Nagtawanan yung mga lalaki.. Pero hindi ko sila naririnig..
Jessie.. Binuksan nila yung butones ng pants ko.
Jessie. Help me.. Hindi ko alam, pero bigla akong nakarinig ng ingay. Unti-unti na kong nawawalan ng malay. Ang susunod ko nalang na naramdaman ay yung pagpatong ng katawan sakin nung isang lalaki..
Then everything went black..
*........* Dumilat yung mga mata ko. Nakakasilaw..
Pikit.
Dilat.
Pikit.
Dilat.
Teka nasan ba ko? Tumingin ako sa taas. Puting kisame? Nasa CR pa ba ko? Ano bang nangyari? Natuloy ba yung ginawa nung mga h*yop na lalaki na yon? Nagtagumpay ba sila? Nasan si Jessie?
“Ugghh..” Biglang sumakit yung ulo ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.
“SIS!”
Si Steff ba yun? Tumakbo siya papalapit sa kama ko. Bakit nandito si Steff? Teka nasa Teacher’s Camp na ba ko? Pano?
“S-Sis?” ungol ko.
“Oo sis ako toh!” Kinuha niya yung kamay ko. Naramdaman ko din na mangiyak ngiyak siya. Nung tumingin ako sa tabi niya, nakita ko sina Kevin at Rio.
“Mga walangyang holdaper yon! Babalatan ko sila ng buhay kapag nakita ko sila!!!” sigaw ng sigaw si Steff sa tabi ko.
“Ano ba babe! Kakagising lang ni Luna! Wag ka munang sumigaw,” awat ni Kevin.
“WAAHHH! I hate them! Bakit ginawa nila toh sa sis ko!!” TT0TT
Ano daw? Ako? Nahold-up? Hindi naman eh! Hindi hold-up yung balak sakin nung mga lalaking yon. Balak nila kong.. Balak nilang..
Agh! Hindi ko kayang sabihin! Naiinis ako tuwing naaalala ko yun. Hindi ko din mapigilang kaawaan yung sarili ko. Feeling ko ang dumi-dumi ko na. Hindi ko na yata kayang harapin pa si Jessie..
“Nasan si Jessie?” tanong ko sa kanila.
“Nandun siya sa tent niya. Nagpapagaling,” sabi ni Rio.
Biglang nanlaki yung mga mata ko. “ANO?! Bakit? Anong nangyari sa kanya?! Ayos lang ba siya?! ---ARAY!” Bigla ulit akong nahilo. Dahil siguro toh sa inispray nung mga lalaking manyak kagabi.
“Sis naman eh! Wag ka munang bumangon!” Hinawakan ako sa balikat ni Steff at ihiniga ulit.
“P-Pano ba ko napunta dito?” tanong ko habang hinihilot yung sintido ko.
“Bitbit ka ni Jessie kagabi. Wala kang malay tapos si Jessie naman ang daming pasa at sugat. Niligtas ka niya sa mga holdaper Luna,” sabi ni Kevin.
Napaisip ako. Hindi naman mga holdaper yun eh. Mga rapist yun. Nagawa kaya nila? O baka naman dumating si Jessie ng hindi ko lang namamalayan? I want to talk to him. I want to see him. Pero parang there’s a part of me na nag-aalangang makita siya eh. Parang.. Parang I can’t face him straight pagkatapos ng nangyari kahit hindi ako sigurado..
Tiningnan ko yung suot ko. Yung pants ko yun pa din. Pero hindi naman ito yung damit ko eh. Parang ito yung jacket ni Jessie na suot niya kahapon. Hindi ko na din naramdaman yung bra ko. Biglang parang may tumusok sa puso ko at naiyak nalang akong kabod.
Nagalaw nila ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Parang hindi ko na yata kaya pang harapin si Jessie. Nahihiya ako. Ikinahihiya ko yung sarili ko..
*After 2 hours* Umalis na sina Steff, Kevin at Rio. Tinawag na kasi sila para sa preparation ng activity ngayong araw. Gusto kong sumali pero mukhang malabo yun kasi pinagbilinan na ko ni Ma’am Terrano na wag na daw magparticipate at magpagaling nalang daw.
Halos dalawang oras na din pala kong umiiyak. Hindi ko pa din magalaw yung pagkain ko. Hindi ako nagugutom. Busog na busog ako sa kahihiyan. Parang gusto ko nang lumubog sa kinahihigaan ko ngayon..
“Luna.”
Napatingin ako dun sa may pintuan. Sumikip yung dibdib ko ng makita kong pumapasok si Jessie. May benda yung kanang kamay niya at may pasa siya sa panga. Parang may cut din siya sa kilay.
Napakagat ako sa labi ko. Hindi nga kaya iniligtas niya ko? Kaso feeling ko nahuli na siya eh. Tapos ako pa ang dahilan kung bakit ganyan yung hitsura niya ngayon. Tumingin ako sa kabilang side. Hindi ko siya kayang tingnan.
Nahihiya ako. Feeling ko parang madudurog na naman yung puso ko. Hinila ko pataas sakin yung kumot.
I don’t want you to see me like this. I’m a dirty girl now. You don’t deserve me.. Madaling nangilid yung luha ko. Naramdaman ko yung bigat ng pag-upo niya sa gilid ng kama ko. “Luna.”
Kinagat ko yung kuko ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Pinipilit kong huwag humikbi, pero nabigo ako. Bigla nalang tumulo yung luha ko. At napuno yung buong kuwarto ng puro iyak at paghikbi ko.
“Luna.” Hahawakan niya yung mukha ko pero tinabig ko yung kamay niya.
“Don’t.. Don’t touch me.. Hindi ka na d-dapat pumunta pa d-dito.. H-Hindi na ko m-malinis Jessie.. Nagalaw na nila–”
Bigla niya kong inakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya sakin para bang ayaw niya kong pakawalan. “Hindi ka nagalaw Luna. Ikaw pa din yung Luna na kilala ko.. Yung sweet at inosenteng babae na minahal ko..”
Lalo akong naluha sa sinabi niya. Inakap ko na din siya at hindi ko mapigilang humikbi. “P-Pero Jessie..”
“Shh tama na. Wag mong sisihin yung sarili mo. At mas lalong wag mong kaawaan yung sarili mo kasi hindi ka naman nila nagalaw.”
“P-Pero nakita na nila yung k-katawan ko,” nanginginig kong sabi.
Humigpit lalo yung pagkakayakap niya sakin. Hindi siya nakapagsalita ng ilang minuto. “I don’t.. I don’t care.. Kahit nagalaw ka pa nila o hindi.. I don’t care.. Mamahalin pa din kita.. Hinding hindi kita aakusahan ng kung ano.. Mananatili lang ako sa tabi mo.. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sayo yan.. Kung hindi lang sana kita iniwan non.. Kung hindi lang sana ko bumalik dun sa bangka..”
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinitigan ko siya. “B-Binalikan mo ba *sniff* talaga yon?”
May kinuha siya sa bulsa niya. At nung ilahad niya sakin yung palad niya, nakita kong nakapatong don yung couple ring na nawala ko sa bangka. Hinawakan niya yung mukha ko. “I’m sorry Luna.. Hindi ako nakapagpaalam sayo.. Bigla nalang akong umalis.. Kasalanan ko toh.. Dapat pala hindi nalang kita basta iniwan nalang don.. Ako ang may kasalanan.. Sana.. Sana naipagtanggol kita..” May pumatak na luha sa mga mata niya.
Kumirot yung puso ko ng makita kong umiiyak siya. Pinunasan ko ng daliri ko yung luha sa pisngi niya. “No Jessie.. It’s n-not your fault.”
“Wala akong k-kwenta.. I’m sorry Luna.. I’m really really sorry..” Napakalungkot ng mata niya. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganito. Feeling ko ako yung nasasaktan..
“Jessie. Please.. Wag mong sisihin yung sarili mo.. Naipagtanggol mo naman ako di ba? K-Kung hindi ka pa dumating... Siguro..”
Siguro tuluyan na kong naangkin nung mga h*yop na yon.. “Luna..” Idinikit niya yung noo niya sa noo ko. “I love you..” mahina niyang sabi sakin.
“I love you too..”
“Mahal na mahal kita.. Sa sobrang pagmamahal ko sayo montik ko na silang mapatay.. At.. God gusto ko talaga silang patayin.. Pero naalala kitang bigla.. Alam kong... Ayaw mong makagawa ako ng ganong bagay..”
Hinawakan ko ng mahigpit yung mga kamay niya. “I’m glad that you’re always there for me Jessie..”
Gumanti naman siya sa higpit ng pagkakahawak. “Hinding hindi na ulit kita iiwan Luna.. I won’t ever leave your side again.. Pangako ko yan..”
I know you won’t Jessie. I know you won’t.. But I can’t promise you the same thing.. Second day na tayo dito sa Baguio.. And God knows what will happen on the third day.. Biglang kumirot yung puso ko. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Jessie. Ayokong malayo sa kanya. Gusto ko lagi lang siyang nasa tabi ko.
Pero wala akong magagawa.. Kailangan ko siyang iwan para na rin makasama ko pa siya ng mas matagal..
I need to leave him. Without a reason. Alam kong masasaktan siya.. Magigising nalang siya kinabukasan ng wala na ko sa tabi niya.. It hurts to think about that.. It hurts to know that I’ll leave him hanging in the air and disappear without a trace.. It hurts... So much... But then again... I have no choice.. Chapter 71
“WAAHHH SIS! MAPAPATAY MO NA KO!” Nagkamot ng ulo si Steff. As in yung kamot talaga na parang gusto na niyang hugutin lahat ng buhok niya.
“Eh ba’t ba?” -__- Kumain ako ng Nova.
“KANINA PA TAYO NAG-UUTUAN DITO EH! Kakanta ka lang naman, hindi mo magawa? Nakakanta ka na nga non nung pinilit ka ni Justin di ba? Gusto mo bang sunduin ko pa siya kumanta ka lang??” >o<
(_ _”) (“_ _) (_ _) Umiling ako.
“WAAHHH! Eh ba’t ba kasi ayaw mo??!” TToTT
“Eh sa ayaw ko eh..” =_=
“Ako malalagot kay Ma’am Sungit niyan eh!!!” Kinamot na naman niya yung ulo niya. Konti nalang matatanggal na yung anit niya promise. -_-
“Eh sino ba kasi yung nagbenta ng pangalan ko?” -__-++ Tinitigan ko siya ng makahulugan.
“Tsk! Ano ka ba naman sis! Syempre ikaw yung sinuggest ko kasi bilib ako sayo!” v(^o^)v
Sumubo ulit ako ng Nova. “Eh problema mo yan..” (-o-) *chomp*
“Sis naman eh!” Umasog siya papunta sakin. Nasa loob kami ng tent ko. Malapit na ding maggabi kaya ganito nalang yung pagpilit sakin ni Steff. May bonfire kasi mamayang gabi at merong mga performance na kaechosan. Tapos ito pang dakila kong kaibigan ibinenta yung pangalan ko ng hindi ko namamalayan. How good can that be di ba?? Tss.. =_=
“Di ba ang president dapat laging nagpaparticipate?” kumbinsi pa rin niya.. ^_^
“Luma na yan..” -__-
“You look so cool when you sing sis!” *o*
“Tagal mo nang sinabi yan..” -__-
“Walang wala sayo yung mga KPOP na yan!” ^_^
“Dati ko pa nabili sa Divisoria yan..” -__-
“Siguradong lalong tutulo laway sayo ni Jessie non!” ^o^
“Kanina mo pa sinabi yan..” -__-
“Dadami fans mo sis!” *o*
*sigh* (_ _”)
TT~TT <----- Steff
“WAAAHH! AYOKO NA SIS I GIVE UP!” Gumapang siya papunta sa opening nung tent. “ANG TIGAS NG ULO MO! Iuumpog nalang kita sa bato eh!!!” >o<
“Madudurog lang yon..” =o= *chomp* Hmm.. Sarap nung Nova..
“Daig ko pa manganganak sa pamimilit sayo eh! Amp! Dyan ka na nga!” >o< Tapos tuluyan na siyang lumabas ng tent.
Bleh. Buti nga. ;b
*riiinngggg*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag.
Calling...
Mama *click*
“Hello Ma?”
“Anak? Kamusta na kayo dyan?”
Humiga ako habang patuloy na sumusubo ng Nova. “Okay lang Ma..” Liar. Well, ayoko namang sabihin yung tungkol sa nangyari sakin. Baka kasi mapaaga lang yung alis ko. Saka baka hindi na ko pabalikin pa ulit ni Mama dito pag nagkataon..
“Ang lamig siguro dyan noh? Yamo pag nasa America na tayo mas malamig pa mararanasan mo dyan.” Tumawa si Mama sa kabilang linya.
Medyo bumigat yung loob ko nung nabanggit nya yung tungkol sa pagpunta ko sa America. Bukas ng madaling-araw na yon. Iiwanan ko nalang silang lahat bigla. Hindi magsasalita si Steff kasi yun yung napagkasunduan namin. Hindi ko pa nasasabi kay Justin na bukas na alis ko..
At lalo namang masakit para sakin na bukas na yung oras na iiwanan ko si Jessie..
“Luna? Anak? Andyan ka pa ba?” tanong ni Mama.
“Uh uhm.. Yes Ma. Anong oras niyo ko susunduin dito?”
“Hmm. Mga 3 AM. Dun sa pinakamalapit na airport yung flight natin eh.”
3 AM? Tulog pa nga silang lahat nun. Walang makakaalam na aalis na ko. Hindi na ko makakapagpaalam.. At mas mainam naman kung patago nalang akong aalis.. Hindi na ko mahihirapan pa.. Ayokong magpaliwanag. Siguradong maiiba trato nila sakin pag nalaman nila yung totoong kalagayan ko..
I know, it sucks because of my stupid pride. Pero kung kayo yung nasa kalagayan ko, sasabihin niyo ba sa buong mundo na may brain disease kayo? O kaya may sakit sa puso? O may cancer? Hindi naman di ba? Because people like me know deep inside, somewhere, na parang mas makakabigat pa kung malalaman pa ng iba yung totoong kondisyon ko..
“Sige Ma. Mag-aayos ayos na din ako ng gamit.”
“Okay anak. Just wait there. At pagkatapos ng gabing ito magkakasama sama na tayo nina Teena at Kuya Waren mo..”
Ngumiti ako kahit alam ko na parang napipilitan lang ako. “I love you Ma. Bye..”
“Bye anak. Love you too..”
*too tooo tooo tooo*
Inilock ko yung cellphone ko at huminga ng malalim. Malapit na talaga... Mamayang madaling-araw na.. Malapit na...
“Luna?” Sumilip si Alyssa Marie, my classmate, sa tent ko.
“Oh?” Napaupo ako.
“Kasi..” Napatingin siya sa gilid. Parang nag-aalinlangan siya. “May naghahanap sayo.”
“Sino?” Bigla akong nacurios.
“Ehh.. Basta pumunta ka nalang daw dun sa Block 3.” Tapos umalis na agad siya.
Sa Block 3? Eh sino naman kaya yung gustong makipagkita sakin? Hindi kaya goon na naman yon? Hindi naman siguro. Mukhang kilala din ni Alyssa Marie eh. Baka classmate namin?
Ibinilot ko yung Nova at inilagay sa bag ko. Kinuha ko yung jacket at sinuot yon. Paglabas ko ng tent, nakita kong abala yung mga kaklase kong babae sa paghahanda ng snacks para sa bonfire mamaya.
Well, don’t look at me. Wala akong talent sa pagluluto. =_=
Pumunta ko ng Block 3 like what that stranger requested. Nung makarating ako dun, nakita kong may isang babaeng nakaupo dun sa bench. She looks familiar. Long dark hair. Slim figure. Creamy-white skin. And a beautiful face.
Lumingon siya sakin nung marinig niya yung mga yapak ko. “Luna.” Then she smiled at me. Medyo natigilan ako nung humarap siya sakin.
“B-Bakit nandito ka? Ikaw ba yung gustong makipagkita sakin?”
Tumayo siya at lumapit sakin. “Yes. Coz I want to talk to you about something.. About Jessie..”
Hinila niya ko papunta sa bench at umupo kaming pareho dun. Medyo nakaramdam ako ng awkwardness kasi this is the first time na magg-girl-to-girl talk kami. “Ano ba yun?” tanong ko sa kanya.
I felt nervous suddenly. Bakit naman gusto niyang pag-usapan si Jessie? Paghihiwalayin kaya niya kami? Is she jealous? Does she want me to get away from him?
Huminga ng malalim si Kat at hinawi yung buhok niya. “I know na mahal niyo ni Jessie ang isa’t isa Luna. I tried to make him love me but it didn’t work. Ikaw talaga yung mahal niya Luna.. Ikaw lang..”
Tinitigan niya ko sa mata. Somehow, I saw a flicker of sadness in her eyes. Mukhang minahal nga talaga niya si Jessie. “I want to tell you about the night when Jessie decided to go here. Di ba hindi naman talaga siya kasama? Pero bigla nalang nagbago yung isip niya. Nung paalis na siya sa bahay nila, nakita siya nung parents niya. His parents refused to let him leave but he insisted. Alam na kasi nung parents niya yung tungkol sa inyo..”
Nanlaki yung mga mata ko. “Ha? P-Pano?”
“My parents.. They have sources.. I got home crying one night, because that’s the same night when Jessie broke up with me.. My parents investigated and they found out about.. Your relationship. They’re so frustrated kasi sa totoo niyan Luna..” Tiningnan niya ko sa mata. “Jessie and I were actually engaged.”
Parang nabingi ako sa narinig ko. Gusto kong ihampas yung ulo ko sa pader para lang mawala sa isip ko yung mga sinasabi niya. Bumigat ng husto yung dibdib ko. E-Engaged? Enganged sila?
“My parents and Jessie’s parents are business partners. They arranged our marriage to ensure our companies’ future.” Tumawa siya ng mapait. “The truth is I was happy because I’ve loved Jessie from the start.. Pero iba yung nararamdaman niya.. Kaya siguro hindi nagwork out yung relationship namin even if we had tried.”
Yun siguro yung dahilan kung bakit bigla nalang akong iniwan ni Jessie sa ere non. Bigla nalang siyang lumayo at bigla namang sumulpot si Kat. He didn’t want me to know about their engagement. He didn’t want me to get hurt..
“At ang malala pa dyan, pinagbantaan si Jessie ng parents niya na mawawalan siya ng mana kapag hindi ka pa niya nilayuan at nagpakasal sakin.” Natawa na naman siya. Pero this time, nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya. “I feel like a b*tch, do you know that? Because I’m separating two people who love each other very much.”
Hinawakan ko yung kamay niya. Naramdaman kong nangingilid na din yung luha ko but I held back. “Hindi mo toh kasalanan Kat. Walang may kasalanan dito. Naiintindihan ko yung parents niyo. They’re doing this for your companies’ sake. Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit napakadamot ng kapalaran saming dalawa ni Jessie..”
At dumating na nga yung pilit kong inaayawan. May tumulong mga luha mula sa mga mata ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko. Now what? Hindi na kami pwede ni Jessie? Nang dahil sakin mawawalan siya ng mana. At maaari ding masira yung kompanya nila. Ang sama sama ko naman kapag ganun..
Pinunasan ni Kat yung luha ko. “Don’t cry. You should be happy because Jessie really loves you. Ipinagpalit niya yung buhay niya para makasama ka. I’m sure na pagkauwi niya galing dito.. Wala na siyang babalikan pa.. Ikaw nalang yung pinanghahawakan niya..”
Lalong bumigat yung dibdib ko. Walang alam si Jessie.. Hindi niya alam.. Ako na lang yung pinanghahawakan niya.. Ako na mahal niya.. Ako na bukod tanging nagbibigay ng saya at lakas ng loob sa kanya..
Ako na biglaan nalang siyang iiwanan ng walang paliwanag..
“I’m.. I’m leaving Kat.” Pinahiran ko yung luha ko.
Kumunot yung noo niya. “What?”
“I’m leaving.. Tomorrow..”
“S-San ka naman pupunta?” Nakatitig siya sa mga mata ko. But I avoided her stare and looked down.
“I’m going back to America.”
“WHAT?!!” Napatayo siya. Halata yung pagkagulat sa mukha niya. “What the heck are you talking about?! Why??!”
Napatikom yung mga kamay ko. “Because..” My tears fell on my lap. “Kasi.. Kasi.. May.. May sakit ako Kat.. And.. And I nedd to have my medication in America.”
Bigla siyang napaupo sa tabi ko. Sinapo niya yung noo niya. “God,” bulong niya. “God. God. God.”
“I know.” Tiningnan ko siya. “That’s why I can’t have him. I have to leave him no matter what. And.. And I just can’t take him with me.. Lalo na ngayon na pinepressure sya ng parents niya at ng parents mo..”
“Pero Luna.. Pano kayo? Alam ba niya na aalis ka?”
Umiling ako.
“God..” sabi ni Kat.
Natawa nalang akong bigla. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nalang itawa tong lahat. Natatawa ko sa mga nangyayari. Napakadamot talaga ng kapalaran saming dalawa. Kung kailan nagkaayos na kami saka pa nangyayari yung mga bagay na toh.
“Ayokong.. Ayokong mawalan siya ng mana Kat.. Ayokong magkanda leche leche yung buhay niya ng dahil sakin,” paliwanag ko.
“Pero pinili niya toh Luna. He wanted this. He chose you over any luxury in this world.”
“Alam ko.. Pero.. Naguiguilty ako Kat..” Pinahiran ko nalang ulit yung luha ko. Naramdaman kong bumalot sakin yung mga braso niya. Hinaplos haplos niya yung buhok ko.
“Pano naman si Jessie, Luna? Pano siya kapag iniwan mo siya?”
“He’ll get over it.. He’ll learn how to forget me.. And I’m trusting you to make it happen for me..”
Napabitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng gulat na gulat. “W-What?”
Napakagat ako sa labi ko. Sh*t. Ang sakit naman nito. Ipinapaubaya ko si Jessie sa ibang babae. Isang babae na mahal siya at hindi malayong mahalin din siya.
Sh*t.
Sh*t.
SH*T!!!
“P-Pero Luna..”
“Please Kat..” Hinawakan ko yung mga kamay niya. “Do it. For me. For Jessie..”
Hindi siya sumagot ng ilang minuto. Nanatili lang siyang nakatingin sakin at nag-iisip. Then finally, bumuntung-hininga siya. “Okay.”
Ngumiti ako kahit parang nadudurog yung puso ko. “Thank you Kat..” Inakap ko siya ng mahigpit.
“You’re doing a very big sacrifice Luna.. I adore you,” bulong niya sakin..
Kung alam mo lang Kat. Kung alam mo lang kung gano kasakit yung nararamdaman ko ngayon. Bakit ba kasi hindi nalang nila kami patahimikin ni Jessie? Bakit kailangan laging may hadlang? Ganon ba talaga kalaki yung pagkakaiba namin? Na kahit yung ibang tao ay pumapagitan na?
Hindi ba pwedeng kami nalang dalawa?
Hindi ba pwedeng ako nalang yung mahalin niya habang buhay?
Hindi ba pwedeng kami nalang yung magkasama?
Hindi ba pwedeng wag na kaming magkahiwalay pa?
Hindi ba pwedeng...
Wala nang masasaktan pa saming dalawa?