Character s



Yüklə 2,18 Mb.
səhifə16/30
tarix17.01.2019
ölçüsü2,18 Mb.
#99064
1   ...   12   13   14   15   16   17   18   19   ...   30

Sarah Vernon: Jessie. I miss you na baby.. T__T

“Baliw ba toh?! Ano ba pinagsasasabi nito! Grr!” Asar na asar na ko nun. Gusto ko nang dukutin yung bruha na yun mula sa monitor at lagasin lahat ng buhok niya sa katawan. Hindi ko nalang siya nireplyan pero nagtype ulit siya ng message...


Sarah Vernon: Anyway, nabasa mo ba yung message ko sayo? Nahihiya kasi kong sabihin sayo yun ng harapan eh. Kahit dito rin sa chat...

Kumunot yung noo ko. Anong message ba pinagsasasabi nung bruha na toh? Tss. Naiinis na talaga ko! Kinlick ko yung message button dun sa taas at biglang nag-appear yung messages ni Jessie.


Kinlick ko yung kay Sarah... Bigla nalang akong namutla habang binabasa ko yung message niya para kay Jessie...
To: Jessie Wright
Baby, miss na miss na miss na miss na kita. :( Hanggang ngayon hinihintay pa din kita. I love you baby ko. I still can’t accept our break up. How about we start over again? Hindi mo naman talaga mahal si Luna di ba? You said to me na pinagttripan mo lang siya? Na you’re going to make her fall in love with you then you’ll break her up eventually? You’ll come back to me di ba? Pero kelan pa baby ko? Nangungulila na talaga ko sayo... I love you... I will always love you... Sana ibreak mo na agad si Luna para maging tayo na ulit... :( Mahal na mahal kita Jessie...

Napakalakas nang tibok ng puso ko. Parang unti-unting kinukuha yung puso ko mula sa dibdib ko. Napakasakit nung nilalaman nung message ni Sarah. Hindi ko mapigilang mapaluha. Trip? Yun nga lang ba tingin sakin ni Jessie? He made me fall for him tapos ibbreak niya ko dahil lang sa walangyang trip na yan?!!!


Kinlose ko na yung message ni Sarah. Hindi ko sinasadyang makita yung iba pa niyang mga message. Inopen ko yung iba dun at puro babae pa nga yung sender. Yung iba nag-iilove you tapos yung iba gustong makipagbalikan kay Jessie.
Ang bigat-bigat nung kalooban ko nun habang binabasa ko yung messages. Kinagat ko na yung labi ko para lang pigilin yung hikbi na ibig lumabas sa bibig ko. Hindi ko na kinaya pang magbasa ng iba pang message kaya kinlose ko na yung facebook at iniwang nakabukas yung computer.
Kinuha ko yung bag ko at umalis na sa bahay nila ng hindi pa nagpapaalam kay Jessie...


Chapter 50

Luna

Tuluy-tuloy akong lumakad papunta ng kwarto ko. Wala akong pakialam kahit mugto pa yung mata ko o nakasibangot akong nakita nina Mama.

Sinarado ko ng malakas yung pintuan. Kinuha ko yung binigay sakin ni Jessie na Stitch at itinapon dun sa paper trash can ko sa kwarto. Umupo ako sa kama at sinalo yung ulo. Inis na inis ako. Gusto ko silang pag-untugin ni Sarah. Ang bigat-bigat ng kalooban ko. Hindi ko na alam yung gagawin..

Trip?? Damn that word!!! Pero baka naman may explanation si Jessie? I have to be reasonable. You have to be open-minded Luna. Yung relasyon niyo ni Jessie yung nakataya dito. Hindi ka dapat magjump into conclusion...

*zzzzzzrrzzzzzrrrzzz*

Nagvibrate sa bulsa ng pants ko yung cellphone ko. Nung tiningnan ko yun, kumunot yung noo ko.



Calling...

Jessie ko :”>
Haist! Timing nga naman! Baka maibato ko pa tong cellphone ko eh. Pero hindi ba’t mainam kung kakausapin ko siya at magkaintindihan kami? Pero ang hirap makinig eh... Pano kung... Pano kung totoo yung sinasabi ni Sarah? Na trip lang tingin sakin ni Jessie? Na yung pinapakita niyang pagmamahal at pag-aalaga ay arte lang pala?
Halu-halo na yung naiisip ko. Mabigat man yung loob ko, pinindot ko yung answer. Itinutok ko yung cellphone sa tenga pero hindi ako nagsalita...
“Honey ko?” sabi ni Jessie sa kabilang linya.
Napalunok ako. Hala, ano sasabihin ko sa kanya?
“Ba’t bigla kang nawala sa kwarto ko? Umuwi ka na ba? Bakit? Okay ka lang ba?” Nag-aalala yung boses niya pero parang may pait na bumalot sa puso ko. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako sa naririnig ko sa kanya ngayon...
“Honey ko?”
“Jessie...” mahina kong sabi.
“Bakit? Ayos ka lang ba? Nakauwi ka ba nang ligtas? H-Hello?”
Hinwakan ko ng mahigpit yung damit sa ibabaw ng puso ko. Kinagat ko yung labi ko. Hindi ako makapagsalita...
“Honey ko? Luna? Andyan–”
“Do you love me?” tanong ko.
Medyo natahimik siya kasi parang nagulat siya sa tinanong ko. “Ano bang klaseng tanong yan?” natatawa tawa niyang sabi.
“Just answer me... please...” Biglang nangilid yung luha ko.
Mukhang nagtataka na siya kasi natatahimik siya. Narinig ko yung hininga niya sa kabilang linya. “Of course I love you honey ko. Ano ba nangyayari?”
Huminga din ako ng malalim para pigilin yung luha ko. Pero dahil dun sa ginawa ko, parang medyo nanginig yung boses ko. “T-Talaga?”
“Oo naman. T-Teka, umiiyak ka ba? Why are you crying??”
“I’m not crying...”
“Eh ba’t ganyan yung boses mo? Luna sabihin mo sakin ano ba nangyayari?”
Lalong humigpit yung pagkakahawak ko sa damit ko. Bumilis din yung tibok ng puso ko. “Pinattripan mo lang ba ko Jessie?” halata yung hinanakit dun sa boses ko. Pero hindi ko mapigilan eh. Nandun lahat sa tanong na yun yung gustong ipagsigawan ng puso ko.
“A-Ano bang sinasabi mo? Anong trip?”
“Wag ka nang magmaang maangan Jessie!” Hindi ko na napigilang sumigaw. “Nabasa ko yung message sayo ni Sarah! At sabi dun pinagttripan mo lang daw ako! Na ibreak mo na raw ako agad para bumalik ka na dun sa bruhang yon!!! Umamin ka Jessie... Totoo ba yung sinasabi ni Sarah?! Pinattripan mo lang ba ko?!!!”
Humihingal na ko. Hindi ko kasi napansin na tuluy-tuloy kong sinabi yun. Naubusan tuloy ako ng hangin kaya ngayon parang hinahabol ko yung hininga ko.
“L-Luna...”
“Yun lang ba?! Yun lang ba yung sasabihin mo?!”
“Please... Wag kang sumigaw...”
Lalo akong nainis dun sa sinabi niya. “Panong hindi ako sisigaw?! God Jessie! Damdamin ko yung pinag-uusapan dito! Sa tingin mo ba ganun-ganun nalang yung magiging reaction nung nabasa ko yung message ni Sarah?! God! Mag-isip ka naman!!!”
“Honey ko.. Please.. C-Calm down...” Parang siya ay natataranta na din dahil sa sitwasyon namin. Ramdam ko yung pag-aalala niya sa kabilang linya pero naiinis lang ako.
“S-Sabihin mo lang sakin yung totoo Jessie... That’s all I want to hear from you.. Please.. I’m... I’m begging you..” Tumulo na yung luha na kanina ko pa pinipigil. Parang sumisikip na naman yung dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Parang... Parang natatakot akong malaman yung totoo... Baka hindi ko kayanin...
“Luna..”
“Jessie.. Please...” pagmamakaawa ko.
“I’m sorry Luna.. Pero... Pero totoo yung sinabi ni Sarah.. Oo inaamin ko... Dati trip lang yung tingin ko sayo.. I planned to make you fall in love with me then I’ll break you up kasi gusto ko lang gumanti sa pagpapahiya mo sakin dati.. Pero... PERO HINDI NA NGAYON! Hindi ko inaasahan na maiinlove ako sayo. Hindi ko akalain na ako mismo yung mahuhulog sa sarili kong plano. I’m sorry talaga.. I love you honey ko.. Please listen to me... Mahal na mahal kita..”
Parang biglang nabingi yung tenga ko sa mga narinig ko. I want to believe him. I really REALLY do.. But something’s keeping from doing so. Hindi ko alam pero napakasakit.. Parang hinihiwa yung puso ko..
Tumulo ng sabay-sabay yung luha ko. I felt the pain and sadness gliding down my cheeks. My throat was dry and the words got stuck as if a lump had swelled inside there. Ang tanging lumabas lang sakin ay mga impit na tunog at masasakit na hikbi.
“L-Luna?” I felt his voice wavering. Umiiyak din ba siya? Ano na naman bang drama toh! Nakakasawa na!!
Hindi ko na alam yung paniniwalaan ko. Sinabi naman niya sakin na hindi na trip yung tingin niya sakin ngayon. Pero kelan pa? Kelan pa niya ko pinagttripan?? Hindi ko maipinta yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinipilit kong maniwala sa kanya pero nasasaktan lang yung puso ko..
“Luna? Please... I love–”
*toot*

Inend ko yung call. Inilagay ko sa tabi ko yung cellphone at humiga sa kama. Bumaluktot ako at inakap yung sarili ko. Kinagat ko yung kuko ko kasi ayaw tumigil nung paghikbi ko.


Napakagulo ng utak ko ngayon. Bakit ganon? Kung kelan ayos na kami.. Kung kelan sigurado na kami sa nararamdaman namin para sa isa’t isa saka magkakandaloko-loko? Naiinis ako kay Sarah. Inis na inis. Pero mas malaki yung bahagi ng hinanakit ko para kay Jessie..
Naramdaman kong basa na yung bed sheet dun sa gilid ng mukha ko pero hindi ko yun pinansin...
Hindi mo alam kung gano kasakit mapaglaruan yung damdamin Jessie. Hindi mo alam kung gano kasakit malaman na trip lang pala yung tingin sayo ng taong mahal mo. Binigay mo sa kanya lahat pero ano yung makukuha mong kapalit? Luha at pasakit? Napakahirap Jessie. Napakasakit...


*Jessie’s POV*

Naiwan akong nakatayo dun sa kwarto ko, hawak-hawak yung towel at basa pa yung buhok. Nanigas din yung kamay ko sa pagkakahawak nung cellphone sa gilid ng tenga ko. Puro tunog na lang yung naririnig ko kasi binaba na ni Luna yung tawag.


Humihinga-hinga ko ng malalim. Naninikip din yung dibdib ko. Lumunok ako para mawala yung pagkabalisa ko. Oo alam kong kasalanan ko toh. Nagsisisi na ko at gusto kong pagtripan si Luna dati.
Pero hindi ba’t matagal na yun?! Matagal ko nang sinabi yun and I took it back! Mahal ko naman talaga siya eh. Mahal na mahal.. Pero... Pero bakit ganito? Bakit parang bumabalik sakin yung karma?
Ipinamulsa ko yung cellphone ko. Pumunta agad dun sa computer. Hindi na ko umupo at inilog-in na agad yung facebook ko. Tiningnan ko yung message ni Sarah at nakita kong tama nga yung sinasabi ni Luna tungkol dun sa nilalaman nung message.
Napayuko ako at bumigat yung pagkakapatong ng dalawang kamay ko sa gilid ng table. Naiinis ako. Naiinis ako kay Sarah pero higit sa lahat, inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko na napigilan at ibinalibag ko yung towel.
Umupo ako sa kama at sinapo yung ulo ko. Hindi ko na alam yung gagawin. Siguradong nasaktan si Luna. Siguradong galit sakin yun ngayon. Pero mahal na mahal ko siya eh. Ayokong mawala siya sakin... Hindi ko kakayanin...

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Wala akong pakialam kahit magmukha man akong tanga sa harap niya o sa harap ng iba basta ang importante ay mahal ko siya... Hindi ko siya kayang mawala sakin... Ayoko... Ayoko...


Tumayo ako at nagpalit agad ng damit. Nung ibubulsa ko yung cellphone ko, natingin ako dun sa bracelet na pinagpuyatan kong gawin nung isang gabi. Kinuha ko yun at isinuot.
Yung bracelet na toh yung simbolo ng pagmamahalan namin.. Kaya hindi ko pwedeng basta bastang isuko lang yun. Lalaban ako. Ipaglalaban ko yung pagmamahal ko para kay Luna. Kahit lumuhod pa ko sa harap niya gagawin ko mapatawad niya lang ako...
Hindi ako nag-aksaya ng oras. Tumakbo na agad ako papunta dun sa apartment nina Luna. Nung nandun na ko, nagdoorbell agad ako kahit hingal na hingal pa rin ako.
Maya-maya, bumukas yung gate. “Jessie?”
“Good evening po Mama. Uhm. Nandito po ba si Luna?”
“Ay naku anak, wala si Luna dito eh...”
“Ha? Eh san po siya nagpunta? Kailangang kailangan ko po kasi siyang makausap eh...”
“Huminga ka muna anak! Mukhang pagod na pagod ka eh..” Hinimas niya yung likuran ko kaya napaubo pa ko.
“San po siya nagpunta?” tanong ko ulit.
Huminga siya. “Hindi ko alam eh. Basta nagpaalam lang na aalis sandali. Sabihin mo sakin Jessie, may problema ba kayong dalawa ni Luna?”
Lumunok ako at huminga ng malalim para kumalma yung katawan ko. “May misunderstanding po kasing nangyari eh. Anong oras po kaya siya babalik?”
“Naku hindi ko alam eh. Hindi kasi siya nagpasabi...”
“Ganun po ba...” Yumuko ako at hinawakan yung bracelet. “Sige uuwi nalang po ako...”
Ngumiti siya sakin ng para bang nag-aalala siya samin ni Luna. “Sige anak. Mag-iingat ka ah? Sasabihin ko nalang sa kanya na dumaan ka..”
“Ah Ma? Pwede po bang pakisabi nalang toh sa kanya?”
“Sige anak ano ba yun?” Hinintay niya yung sasabihin ko. Hindi ko alam kung ipapasabi ko pa ba kasi nahihiya ako na si Mama pa yung magsasabi kay Luna. Pero... Pero baka kasi maging huli na eh... Kailangan ko nang masabi toh... Kahit hindi sa harapan niya...
Tinitigan ko sa mata si Mama. “Pakisabi po kay Luna na I’m sorry.. Saka mahal na mahal ko po siya.”
Nakita ko na parang nangilid yung luha ni Mama. Inakap niya ko at tinapik tapik yung likod. Nung bumitaw siya, hinawakan niya yung mukha ko ng may ngiti sa labi niya. “Salamat anak. Salamat..”
Ngumiti ako at yumuko bilang paggalang. Lumakad na din ako pauwi at lumingon ng isa pang beses sa apartment bago tuluyang umalis. Masama man yung loob ko dahil hindi ko naabutan si Luna, kahit papano ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maaayos din namin tong gusot na toh...

*Luna’s POV*
Nandun ako sa may pintuan, nakasandal sa pader at naghihintay sa pagpasok ni Mama. Ano na kaya pinag-uusapan nila ni Jessie dun? Hindi ko pa kasi siya kayang harapin ngayon eh.. Nasasaktan pa din ako...
Pamaya-maya, narinig kong sumarado yung gate. Umalis na kaya si Jessie? Maglalakad siya pauwi? Gabi na ah? Baka mapano pa yun...
Hiast! Ba’t ba ganito yung iniisip ko?! Di ba galit ako sa kanya? Hindi dapat ganito yung sinasabi ko!
Pumasok na si Mama at isinara yung pinto. Tiningnan niya ko ng may pag-aalala. “Anak, kung ano man yung problema niyo ni Jessie. Mas makakabuti kung aayusin niyo na agad bago tuluyan pa yang lumala...”
Hinawakan niya ng dalawang kamay yung mukha ko. “Luna, anak.. Mahal na mahal ka ni Jessie... At nakita ko yun mismo kanina.. Sabi niya sakin, pag-uwi mo daw, sabihin ko sayo na he’s sorry at mahal na mahal ka niya...”
“Sinabi niya yun Ma?” mahina kong tanong.
“Oo anak. Kaya nga.. Kaya nga ayusin niyo na yan habang maaga pa..”
Nangilid yung luha ko sa sinabi ni Mama. Mahal na mahal ako ni Jessie... Nagsisisi na siya sa ginawa niya. Dati pa naman yun eh.. Madami nang nangyari samin kaya maaaring nagbago na nga yung tingin niya sakin..
Tama si Mama eh. Mahal naman namin ni Jessie yung isa’t isa kaya dapat lang na mag-usap kami. Mag-iipon na ko ng lakas ng loob para pakinggan yung paliwanag niya. Kahit masaktan ako, titiisin ko yun basta magkaayos lang kami...
Inakap ko ng mahigpit si Mama. “Hayaan mo Ma.. Pagbalik na pagbalik natin galing airport bukas, kakausapin ko na agad si Jessie. Makikipag-ayos ako sa kanya..”

Chapter 51

Sarah
Ngayong araw na yung school play... At ngayong araw na din magaganap yung pinaplano ko...
At wag din magkakamaling pumalpak nung Trixie na yan at kung magkataon ay siya ang mananagot sakin. Kailangan plantsado lahat ng detalye para walang sablay... Because today, before the day ends, Jessie and Luna’s relationship will be in grave danger...
Hapon yung play at mukhang uulan pa ata. Tsk, kanina tirik na tirik yung araw pero ngayon ang kulimlim ng paligid! Pano na kung hindi pumayag si Luna na manuod ng play? Hindi! Hindi pwede! Masisira lahat ng plano ko!
I managed to contact Casey through facebook. Nagpakilala ko na kaibigan nung flirt na Luna na yun at sinabi ko sa kanya na hindi makakasama si Lunang sumundo sa kanya kasi kasali ito sa school play. Kaya sabi ko sa kanya na tumuloy nalang siya dun sa school kung gusto niyang makita si Luna agad. Sinabi ko na rin kay Trixie kung ano yung dapat niyang sabihin kay Luna...
Nakahanda na ang lahat. Ang problema nalang ay kung papayag si Luna at kung sakto yung calculation ko sa oras ng pagdating ni Casey. Halos one day din ata yung byahe galing America eh so it means na kahapon pa yung flight niya...
“In ten minutes guys! Ayusin niyo na yung costumes and make up niyo!” sigaw nung director ng play namin.
Naglagay ako ulit ng foundation at nagpahid pa ng konting lipstick para sure na hindi siya matatanggal throughout the play. Pinuntahan ko na rin si Jessie dun sa upuan niya habang inaayusan siya ng buhok.
Ngumiti ako at sumandal dun sa table sa harap niya. “You look very handsome baby.”
“You’re blocking the mirror Sarah,” matabang niyang sabi.
“Suplado ka na naman? Kaya love kita eh..” Napansin kong naiilang yung nag-aayos sa buhok niya. Tinitigan ko yun at mukhang naintindihan naman niya yung ibig sabihin ko. Umalis siya para iwan kaming dalawa ni Jessie.
Nagbuntung hininga siya. “Wag ka namang masyadong hot baby. Baka masunog ka na niyan,” biro ko sa kanya.
“Please stop calling me that stupid name okay?” Akmang tatayo na siya sa upuan ng bigla kong ilagay yung mga kamay ko sa magkabilang arm nung upuan para hindi siya makaalis.
“I will call you baby no matter what.” Umupo ako dun sa lap niya at hinawakan yung mukha niya. Wala na kong pakialam kahit may nakakakita pa samin, basta ang sakin lang, I want him back.
“Sarah.” Hinawakan niya yung kamay ko. “Wag mo kong hintayin na kasuklaman ka. You’ve done bad enough. Nang dahil dun sa bwisit na message mo sa facebook, nagkagalit kami ni Luna...”
Nagulat ako. “What??”
Tinulak niya ko kaya napatayo ako. “Oo. Nagkagalit kami. Masaya ka na?” Tapos umalis na siya.
What? Luna read my message for Jessie in facebook? Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Kapalaran na mismo yung gumagawa ng paraan para magkalayo sila! So nabasa niya yung tungkol dun sa pangttrip ni Jessie? Well, that’s even better kung nabasa niya nga..
Kinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number ni Trixie. Pumunta ko dun sa may gawing sulok para walang makarinig sa conversation namin.
“Shemay naman Trixie! Sagutin mo!” mahina kong angal habang patuloy pa din yung pag-ring nung cellphone.
Nainis ako at inend na yung call. Haist ba’t ba ayaw sagutin nung stupid girl na yun?! Andito na kaya si Luna? Shetness naman!

*Luna’s POV*
“SIS! YOOOOHOOOOO!!!” *tok tok tok*
“OO ANDYAN NA KASE!!! ATAT BA?!” Haist kanina pa sigaw ng sigaw dun sa labas ng kwarto ko si Steff! Kasi naman eh! Kasi naman! Ba’t ba ang bagal-bagal kong magbihis? Huhuhu T_T
“ANO KA BA! ANG LAYO KAYA NG AIRPORT! BABIYAHE PA TAYO NOH! GUSTO MO BANG PAGHINTAYIN PA DUN SINA CASEY??!”
“HAIST! OPO AYAN NA PO NANAY KO!” Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung pinto.
“Nanay ka dyan?! Ganda kong toh nananayin mo lang?! Mommy pwede pa!” Nakapamewang na sabi ni Steff.
“Ehe halika na nga! Putak ka pa ng putak dyan eh!” Actually gusto ko nang umalis kasi excited na kong makita si Casey. Pero parang mas importante sakin ngayon ay yung makausap ko na agad si Jessie pagkagaling namin ng airport.
We need to clear this mess up. Gusto ko siyang pakinggan. I’ll try to understand him. Di ba ganun naman dapat yung relationship? Kung naguguluhan yung isa, dapat maging understanding naman yung isa para magtagal sila...
Haayy sige ako na madaming alam. ToT Kasi naman eh, hindi ko naman talaga ineexpect na matututunan ko yung lahat ng toh kay Jessie eh. Pero aaminin ko, I’m glad that I learned these things FROM HIM..

*peep peep peep*

Huh? May tumatawag? Nahinto kami ni Steff habang bumababa ng hagdan. Tumaas yung kilay niya nung sinagot ko yung call. Medyo nagulat pa nga ako kasi unregistered number yung tumatawag.
“Uhm hello?”
“You need to come to school! RIGHT NOW!” natatarantang sabi nung nasa kabilang linya.
Medyo kinabahan na din ako at nataranta. “Uhm e-excuse me sino ba toh? Bakit natataranta ka?” Boses babae kasi yung kausap ko pero hindi ko naman namumukaan yung boses niya.
“Luna, you need to come! Please!”
Hala, bakit parang madaling madali toh? May masama bang nangyari? “B-Bakit? Hindi pwede kasi pupunta pa ko ng air–”
“Jessie’s hurt...”
Then bigla nalang niyang binaba yung tawag. Namutla ako dun dahil sa sinabi niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Mabilis kong binaba yung hagdan. “MA! I’M SORRY PERO MAY EMERGENCY SA SCHOOL! Pakisabi nalang kay Casey na magkita nalang kami mamaya!”
“H-Ha? Eh ano ba yung... LUNA!” sigaw ni Mama sakin habang lumalabas ako ng gate.
Hindi ko na pinansin yung pagtawag nina Mama at Steff sa pangalan ko. Nakita ko nalang yung sarili kong tumatakbo papunta ng school. At sa mga panahong yun, magkahalong kaba at pag-aalala yung nararamdaman ko...

*Sa Production Hall*

Halos mapiyot na yung katawan ko sa pakikipagsiksikan sa mga taong pumapasok sa Production Hall para manuod ng program. Shucks magsitabi nga kayo! Kailangan kong puntahan si Jessie!

Nung makaraan na ko, nagtanong na agad ako kung san ba pwedeng dumaan papasok ng backstage. Itinuro nung bantay yung pinto dun sa gilid sa may ibaba ng stage. Nagpasalamat ako at tinakbo na agad yun.


Inopen ko yung pinto at umakyat sa maliit na hagdan papuntang backstage. Abalang abala na yung mga cast. Naglipana na sa lahat ng dako yung mga stylist at make up artist. Pilit hinagilap ng mga mata ko si Jessie pero nakaharang yung mga dressing booth.
Pumasok ako sa loob at patuloy pa ring hinanap si Jessie. Nakakahiya namang isigaw yung pangalan niya dito kasi hindi na nga magkanda-ugaga yung production set, eeksena pa ko. Baka naman nasa isang kwarto siya? O kaya baka nasa clinic kasi may nangyari sa kanya di ba?
Haist oo nga! Ang engot ko naman! Ba’t ba dito ko pumunta?! Malamang nasa clinic siya o sa pinakamalapit na ospital! Ahay ano ba naman yan Luna... >_<
Aalis na sana ko ng bigla akong makarinig ng isang pamilyar na boses..
“Please stop calling me that stupid name okay?”
Teka. Parang boses ni Jessie yun ah? Mahina lang yung pagkakarinig ko pero hindi ba’t siya yun? Andito siya? Teka matingnan nga. Lumakad ako papunta dun sa pinanggalingan ng boses. At nung matunton ko na yun, hindi nga ako nagkamali.
Si Jessie nga yun at kausap si... Si... Si Sarah? Natigilan ako sa nakita ko. Napilitan tuloy akong magtago dun sa may dressing booth. Sinilip ko sila mula dun..
“I will call you baby no matter what,” malanding sabi ni Sarah kay Jessie.
Biglang sumikip yung dibdib ko nung biglang umupo si Sarah sa kandungan ni Jessie. At hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa yung mukha niya!
Ano ba toh?! Akala ko ba nasaktan si Jessie? Eh bakit parang ako pa yung nasasaktan ngayon dito?! Bakit ganito yung inabutan ko?! Damn! Kasasabi palang ni Jessie sa Mama ko kagabi na sorry at mahal na mahal niya daw ako and now biglang ganito?!!
Kapag ba nakatalikod ako ganyan yung ginagawa niya?! Nakikipag flirt sa malditang Sarah na yan?! Bakit? Kasi trip niya?! TRIP NIYA LANG NA GAWIN AKONG GIRLFRIEND TAPOS MAKIPAGLANDIAN KAY SARAH?!!
Bumalik na naman yung lahat ng naipong poot kagabi sa puso ko. Lalo na nung binanggit pa ni Jessie yung pangalan ni Sarah. Nangilid yung luha ko at umalis na sa backstage. Sinasaktan ko lang yung sarili ko sa ginagawa kong pakikinig kaya mas mabuti na umalis nalang ako.
Paglabas ko sa backstage, huminga ko ng malalim. Nagsasalita na pala yung emcee sa stage at malapit na ding magsimula yung palabas. Tahimik akong lumakad papunta dun sa pintuan ng Hall pero hindi ako pinagbuksan nung bantay dun.
“I’m sorry pero nagsisimula na yung program. Wala nang pwedeng lumabas,” sabi ng bantay.
Haist! Nakakainis naman! Dapat pala hindi na ko pumunta dito eh! Tsk! Wala akong nagawa kundi bumalik at humanap ng upuan. Dun ako sa may dulo naupo kasi taken na lahat ng seats sa harapan. Buti nalang at may dalawang malaking projection sa magkabilang gilid kaya kita ko naman yung mga nangyayari sa stage.
Haayy ang daming part ng program. At panghuli pa yung Sleeping Beauty kasi yun daw yung main event. Nakakainis naman! Napakagandang pabaon naman yun pag-uwi! Yung mukha pa ni Sarah yung ibabalandra dun sa stage! Takte naman oh! >_<
Ilang oras na din nung magstart yung program. Inaantok na ko. Tingin din ako ng tingin dun sa orasan sa cellphone ko. Medyo nairita pa nga yung katabi ko kasi nasisilaw daw siya dun sa cellphone ko eh. Madilim kasi dito sa Production Hall at bukod tanging yung stage lang yung may lights.
Haayy, 6:30 PM na. Malamang sa nasundo na nina Steff si Casey. Ano na kaya itsura sa personal nun? Baka payatot pa din yun? Pero sabi ni Mama binatang binata na daw eh. Haist dapat kasi sumama nalang ako eh. At nang hindi ko na nasaksihan pa yung nakita ko kanina...
At last, main event na. Inis na inis ako kasi umpisa palang ipinambungad na agad si Sarah. Potek ang sarap hablutin nung buhok at kaladkarin pababa ng stage! Grr! Magkahalong kaba at inis naman yung naramdaman ko nung biglang lumabas si Jessie.
Nagsigawan yung mga babae sa loob ng Hall pagkalabas na pagkalabas palang nito. Grabe, ang gwapo niya ngayon. Bumibilis na naman yung pagtibok ng puso ko. Oo naiinis ako sa kanya, pero parang nagagayuma ko sa kagwapuhan niya.
Waaahhh Luna! Hindi dapat ganyan! Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko. Baka naman walang kahulugan yung nakita ko kanina? Baka naman sadyang malandi lang si Sarah? Heto na naman ako eh, kung anu-ano yung iniisip ko tungkol ke Jessie.
Hintayin mo muna kasing matapos yung play at saka kayo magkakaliwanagan...
Hindi maalis yung mata ko kay Jessie. Napansin ko pa nga na nakacross yung fingers ko eh. Hindi ko napapansin na kanina pa pala ko nananalangin na wag sana siyang magkamali. Ahay ano ba toh!
Then ending na. Namatay na si Sleeping Beauty na lubusan namang ikinagalak ko.
Wag ka nang babangon bruha ka! Kung hindi ako na mismo kukulam sayo! Grr!
Nakahiga si Sarah sa isang kama na napapaligiran ng bulaklak. Biglang nagsigawan na naman yung mga babae nung lumabas si Jessie. Feel na feel ko yung expression niya sa mukha. Parang malungkot na malungkot siya.. Parang nagluluksa talaga yung puso niya... Parang... Parang hindi niya kayang mabuhay ng wala si Sleeping Beauty.
Ewan ko pero biglang kumirot yung puso ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako kasi si Sarah yung kaeksena niya. Naiinis ako kasi ganyan pa yung expression sa mukha niya..
Lumuhod siya sa tabi ng kama ni Sarah at hinawakan ang kamay. Hinalikan niya yun at sinabi yung linya na sobrang pamilyar sakin. “You’re my queen, Sleeping Beauty...”
Tumayo siya at tinitigan si Sarah. “I love you. You are my life. And I can’t live without you..”
Hindi ako makahinga sa kinauupuan ko. Nafeel ko ding tumikom yung mga palad ko...
“I will always love you Sleeping Beauty. Forever and always..” Then he leaned forward and kissed her on the lips.
Iba’t ibang reaksyon yung naghari sa loob ng Hall. Yung iba napasinghap at napatakip ng bibig samantalang yung iba naman nagtilian.
Ako naman... Hindi ko alam yung mararamdaman ko... Gulung-gulo yung isip ko... Pinipilit ng utak ko na intindihin yung sitwasyon. Na play lang toh. Na scripted yung kiss nila. Pero nagulat ako ng biglang gumising si Sleeping Beauty...
“Oh my Prince,” sabi ni Sarah. “Your kiss saved me from the depths of darkness! I shall return that kiss with one of my own. I want you to feel my everlasting love for you through a kiss full of passion and sincerity...”
Hinagkan niya sandali si Jessie at pagkatapos ay hinalikan. Ikinawit ni Sarah yung dalawang braso niya sa leeg ni Jessie at maya-maya naman ay hinawakan nalang siya nito sa bewang.
Hindi na magkamayaw yung mga tao sa loob. Sigaw sila ng sigaw pero mistulang bingi yung mga tenga ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Para akong ipinako dun at hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala yung cellphone ko.
Tutok na tutok pa yung camera dun sa kissing scene nila ni Sarah kasi yun yung laman nung dalawang projection. Hanggang sa dumilim na yung stage at bumaba yung malaking kurtina.
Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Para namang may butas na bumaon sa puso ko habang tinitingnan ko yung nangyayari sa stage. Hindi ako makalunok kasi nasasaktan lang ako sa twing ginagawa ko yun. Kaya ba ayaw akong papuntahin ni Jessie sa play kasi may kissing scene? Kasi he didn’t want me to see him kissing with Sarah?
So what does he expect me to do? Understand him? ALL OVER AGAIN? Pinipilit ko namang maging reasonable eh. Kaso sobrang sakit na talaga... Parang lumalabo na yung pag-iisip ko twing pinipilit ko siyang intindihin sa sitwasyon niya ngayon.
Bakit ba ako nalang yung kailangang umintindi palagi?! Bakit ako nalang yung kailangang masaktan?! Ganon ko ba talaga siya kamahal at pati sa sarili ko eh nagsisinungaling na ko?!
Yumuko ako at kinuha yung cellphone ko. Pagkabukas na pagkabukas palang nung pinto ng Hall, dali-dali akong lumabas at naglakad sa gitna ng malakas na ulan.

Yüklə 2,18 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   12   13   14   15   16   17   18   19   ...   30




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin