*Music Playing*
Maganda talaga yung boses ni Justin. May sarili siyang style sa pagkanta. Lagi din siyang pinagkakaguluhan ng mga babae. Actually, sinabi niya sakin na nung lumipat silang tatlo dito, puro babae daw yung nag-welcome sa kanila. Wow, artista ba? Pati naman ako eh, habulin din ng babae. Pero hindi ako interested sa kanila. Madami na kong naging girlfriend pero wala akong sineryoso sa kanila. Masyadong maaamo eh, ayoko ng ganun. Wala man lang challenge.
Dumating na yung inorder na pizza ni Justin. Halos gitna palang kami ng kanta kaya di muna kami tumigil. Itinuro nalang ni Justin yung sofa dun sa tabi nung TV. Nilagay nung delivery boy yung pizza dun tapos umalis na. Hindi man lang sinarado yung pinto! Pambihira. Oh, well. Yamu na nga.
Hindi kami nakaramdam ng gutom. Halos naka-ilang kanta na nga rin kami eh. Pamaya-maya, bigla namin narinig sumarado ng malakas yung pintuan ng music room. Napatigil kaming lahat. Dun sa may pintuan, nakita kong nakatayo ang isang babae. Pamilyar yung mukha niya eh. Nakatingin siya samin pero halatang hindi siya nandito para magpapicture o kaya magpa-autograph. Pinakita niya yung puting armband niya na may tatak na seal.
“Student Council President,” sabi niya. “Nakikiusap ako na itigil niyo na yang rehearsal niyo. Class hours na. Madami na kong narinig na reklamo sa inyo na ang ingay-ingay niyo daw.”
Ah!!! Siya pala si pango! Oo, siya nga! Aba, akalain mo nga naman? Sa pagkarami-rami ng pwede niyang maging position sa Student Council eh presidente pa? What the hell?! Hindi bagay! HAHAHA!!!
“At ba’t naman kami titigil?” Tumayo ako. Nagulat siya nung nakita niya ko. Pero halatang mas naasar pa siya. Heto na naman po kami. Mapipikon ko na naman toh! HAHA!!! “Nagbabayad din naman kami ng tuition dito ah? Bakit namin kailangang sumunod sayo?”
Sumibangot siya. “Ikaw, newcomer! Ang bago-bago mo pa nga lang dito hindi ka na agad marunong sumunod sa rules ng school? Gusto mo bang umabot pa to sa Principal’s Office?”
“Anong sabi mo?” Lumakad ako palapit sa kanya pero pinigil ako ni Justin. “Sino ka ba para diktahan ako? Mommy ba kita?”
“Ako lang naman ang Student Council President at para sa kaalaman mo, may karapatan akong magbawal ng mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa school rules. Alam niyo bang yang ginagawa niyo na yan eh cutting classes?”
“Ano bang pakialam mo?” Kumukulo na yung dugo dito sa babaeng to ah! Nakakaasar talaga! Kung makapagdikta akala mong kataasan!
“Tama na, Jess,” bulong sakin ni Justin. “Sige, susunod na kami sa klase, Ms. President.”
Ms. President???!!! Anak ng tokwa oo!! Ba’t tinawag ni Justin yung pango na toh na Ms. President?? Kinakampihan pa niya yung bwisit na babae na toh kesa sakin?
“Okay, bilisan niyo.” Pagkatapos ay umalis na. Aba’y talagang! Kung makapag-utos talaga...
Hinatak ko yung braso ko mula sa pagkakahawak ni Justin. Naiinis ako sa kanya. Sumunod na lang agad siya dun sa pango na yun. “Ba’t ba sumunod ka kaagad sa bwisit na babae na yun?”
Natawa sina Kevin at Rio. Sumibangot ako sa kanila. “Bakit tumatawa kayo?!”
“Alam mo, Jess...” Inakbayan ako ni Justin. “Mabait naman si Luna eh.” So yun pala pangalan niya. Umupo kami sa sofa. Sumunod sina Kevin at Rio.
Nagulat ako sa sinabi niya. “Yon? Mabait? Weh? Di nga? Para ngang nag-aalborotong bulkan kanina eh!”
Tumawa silang tatlo. May alam ba silang hindi ko alam? “Mabait naman talaga si Luna eh!” sabi ni Kevin. “May double personality nga lang! HAHA!”
Kumunot yung noo ko. “Double personality? What do you mean?”
“Actually, kaming tatlo lang yung nagsasabing may double personality si Luna,” umpisa ni Rio. “Kasi kapag nasa P-shift siya ng pagiging SC President, napaka-strikto nun! Parang presidente talaga eh, pero kapag nasa S-shift naman siya ng pagiging isang 4-1 student, aba, biglang babait yun! Kwela din yung kasama. Pero iba pa rin kapag yung kasama niya eh yung mga classmate niya, lalo na si Steff, yung best friend niya. Grabeng magtawanan yung section na yun balita ko!”
“Anong P-shift at S-shift?”
Tumawa silang tatlo. Nagsalita si Justin. “P-shift stands for President shift. And it means, ‘Tumino ka na! Kundi patay ka!’ and S-shift stands for Student shift. It means, ‘Complete freedom!’”
Aba, ganito palang katinik yung babae na toh. Matapang. Pero hindi niya ko kaya! Mas magaling ako sa kanya noh!
Kinain na namin yung pizza at habang kumakain kami, nagsalita si Kevin. “Pero may nalaman pa ko tungkol sa kanya.” Natingin kami sa kanya. “Siya nalang pala yung babae dito sa buong school na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend! Oh di ba? Interesting...”
“Wala kasing nagkakamali sa kanya,” sabi ko habang kumakain ng isa pang slice.
“Oy! Hindi rin brad!” Tutol ni Rio. “Ang dami kayang nanliligaw dun, lalo na sa ibang school. Kaso busted lahat yun!”
Napataas yung kilay ko. Hindi ako makapaniwala na may papatol pa pala dun! Bukod sa wala na ngang binatbat yung ilong sa ilong ko, masungit pa! Pero may naisip ako eh. It’s my turn to pay back the humiliation di ba? Nakakainis yung ginawa niyang pagmamando samin kanina. Akala mo kung sino eh. Hindi naman masama kung makikipaglaro ako sa kanya di ba? Kaya kumuha nalang ko ng isa pang slice at ngumiti. Patay sakin yung babaeng yun!
CHAPTER 5
Luna
Hah! Akala nung American boy na yun uurungan ko siya? No way! Uh-uh! Hindi ko alam kung anong magic yung ginawa nun at napunta sa section namin eh parang puro hangin lang naman laman nung ulo nun eh. I mean it LITERALLY!
“Okay, class dismissed.” Lumabas na yung teacher namin sa classroom. Finally! Tapos na yung klase! Nakakatuwa noh? Kahit Section 1 ako ayokong nagkaklase. HAHA!! I LOVE SCHOOL BUT I HATE CLASSES.
Yung pasaway na American Boy na yun, hindi pumasok! Pinagsabihan ko na silang magkakaibigan na pumasok na kaso... Bahala nga siya! Pake ko ba sa kanya? Mainam pa ngang bumaba grades niya eh para bumaba siya ng section. Ako na siguro ang pianakamasayang tao sa mundo nun.
“Waaahh!!! Ba’t wala si Jessie?!”
Tumingin ako kay Steff habang nag-aayos ng bag ko. “Sinong Jessie?”
Tumingin lang din siya sakin tapos pumamewang. “Hello? Present ka ba kaninang umaga Luna? Si Jessie! Yung poging transferee?”
I snapped my fingers then I remembered. “Ah! Si American boy.”
Tumaas yung kilay niya. “American boy? May tawag ka na ngayon sa kanya? Ano yan, crush mo ba sya? Crush mo? OMG!!!”
“Grabe teh, tumigil ka nga dyan! Hindi ko lang maalala yung name niya kaya yun yung tawag ko sa kanya. Jessie? Pweh! Pambabae. Bakla kaya yun?”
“Ow em! Yung poging yun magiging bakla? No way! I’ll kill myself!”
Kinuha ko yung bag. “Mukhang ikaw yata yung may crush sa kanya eh.” Lumabas ako ng room tapos pumunta ko sa hallway. Kasabay ko si Steff. Magkatabi lang din kami ng locker.
“Alam mo bang sikat na sikat na agad yung American boy mo na yun?” sabi ni Steff habang nagpapalit ng gamit sa locker.
Natigil ako. “He’s soooo NOT my American boy. Bwisit kaya yun. Magkaibang magkaiba kami nun kaya imposibleng maattract ako sa kanya.”
“Bakit naman? Dun nga nagsisimula yung magandang love story eh. Kita mo kanina sa Chem, parang nagparamdam siya sayo. Remember? Super kinilig ako nun!”
“Oo nga pala! Hindi kita mapapatawad Steff Lazaro! Nangunguna ka pa kanina sa pag-aayie eh kita mo namang nabubwisit na ko!” Ni-lock ko yung locker ko tapos lumakad paalis.
Hinabol ako ni Steff. “Ayaw mo ba nun? Sa pagkadami-daming babaeng nagkakandarapa sa kanya, ikaw yung una niyang inakbayan? Ang swerte mo sis!”
I frowned at her. “Jeez!” sabi ni Steff. “Kung makatingin ka naman parang kakainin mo ko ng buo ah! Sorry na!”
“Sorry your face!”
Nag-start na ulit akong lumakad ng mapansin namin na nagtatakbuhan yung mga girls. “Ano kaya yun?”
“Tara puntahan natin?” sabi ni Steff.
“Wag na! May gagawin pa ko–”
“Tara na!” Hinila kong bigla ni Steff. Hay nako, heto na naman tayo. Ang kulit talaga nitong si Steff. Pinairal na naman ang pagka-curios niya. Nang nandun na kami sa gym, may nakita kaming mini stage na itinayo sa gitna. Grabe yah, may design pa yung stage, pink and red pa, tapos may nakalagay na banner sa likod na “I’m sorry!”
Nandun sa stage yung band ng school. Ang BADUY NA BADUY na Pepperoni Cheese. Ewan ko ba kung bakit buo pa yung banda na yun! Ang babaduy naman. Siguro kasi pare-pareho silang may itsura? At nagulat din ako kanina nung malaman kong kasali na pala si Ameri–Jessie–sa bandang yun. Mga kaibigan ko pa naman sina Justin, Kev at Rio.
Pero heto, andun na rin sa taas ng stage si Jessie. Biglang sumakit yung ulo ko. Makita ko pa lang yang bwisit na ALBINO na yan, naiirita na ko. Pamwisit yung mukha eh. Nagkakagulo yung mga babae sa baba ng stage. Yung iba pinipicturan sila. Sa totoo lang kaninang tanghali nung binawal ko silang magrehearse dun sa music room, wala naman talagang nagreklamo sa kanila eh. Gawa-gawa ko lang talaga yun, pero kahit na! Mali pa rin yung ginagawa nila. Nag-iingay sila habang class hours saka nagcu-cutting sila. Tsk! Nung pasukan lang sila nagtransfer dito pero ganito na agad sila kasikat? Grabe yah...
“Steff! Halika na nga! Wag ka ng makigulo dyan!” Hinihila ko yung braso ni Steff.
“Wait lang! One minute lang! Please?”
Binitawan ko siya. “Bahala ka nga diyan! Magkita nalang tayo sa apartment!” Paalis na sana ko nung bigla kong narinig yung pangalan ko sa speaker.
“Luna Reyes! Nasan ka, Luna Reyes?!”
Napatigil ako sa paglalakad, lumingon ako. Nakita ko si Jessie na nagsasalita sa mic. “Luna Reyes!” May hinahanap siya sa audience ng bigla kaming nagtama ng tingin. Ngumiti siya. Napanganga ko. “I found you!” Tapos tinuro niya ko. Bigla nalang tumahimik yung mga babae sa ibaba tapos tumingin silang lahat sakin.
Ginagalit talaga ko ng lalaking toh! Sumibangot ako sa kanya tapos sumigaw. “Ano na naman ba to, ha?”
“I’m sorry, Luna. Hindi ko naman sinasadyang galitin ka eh.”
“Anong hindi sinasadya? Magtigil ka nga! Saka pwede ba, bumaba ka nga diyan! Nakakahiya ka eh!”
Nakita kong nagbulung-bulungan yung mga babae. Yung iba naman nakangiti. “Hindi ako bababa dito hangga’t hindi mo ko pinapatawad!” Nakita ko yung expression ng mukha niya. Mukhang paninindigan nga niya yung sinabi niya.
Kumulo na naman yung dugo ko. Takte naman oo! “Bumaba ka na diyan!”
“Ayoko!” Umiling siya.
“Bumaba ka na sabi diyan eh! Para kang bata!”
“Hu!” Tapos tumingin siya palayo sakin. Malapit ng sumabog yung ugat ko sa ulo! Napakakulit talaga nitong taong toh! Teka, tao nga ba toh?!! Mas matino pa sa kanya yung palaka eh! Pagalit akong umakyat sa stage. Hinatak ko yung braso niya tapos tinry kong kaladkarin siya pababa.
“Teka lang! Patawarin mo muna ko!”
“Tumigil ka nga diyan! Bitawan mo na yang mic! Dadalin kita sa Principal’s office!”
Tumigil siya sa pagpupumiglas bigla. Nagulat ako. “Sige papayag akong pumunta ron pero sa isang kondisyon...”
Sumibangot ako at nairita. “Ano na naman ba yon?!!”
Bigla siyang lumuhod tapos hinawakan niya yung kamay ko. Nagsalita siya sa mic at sinabing, “Please be my girlfriend?”
CHAPTER 6
Luna
Nakatingin lang ako sa kanya. Nakaluhod parin siya at hawak pa rin yung kamay ko. Ang naiba nga lang, ubod ng ingay ng paligid ko. Naghihiyawan yung audience. Grabe, guguho na ata yung buong gym.
Tumayo si Jessie, hawak pa rin yung kamay ko. Hindi ako makagalaw. Para bang na-freeze ako sa kinatatayuan ko. “Please be my girlfriend, Luna Reyes.”
Tumaas yung kilay ko. “Nakahitit ka ba?”
Natawa siya, tapos ngumiti. “Ba’t naman ako magda-drugs eh kung sayo palang baliw na ko?” Lalong lumakas yung sigawan. Tumingin ako kina Kevin. Natatawa sila ni Rio samantalang si Justin eh nangingiti lang. Tumingin ako kay Steff sa ibaba. Ang anak ng tokwa, kung makasigaw daig pa yung baka! Nakakaasar talaga oo! Best friend ko ba talaga tong taong toh?
At eto namang mokong sa harap ko nag-pick-up line pa! “Baduy mo.” Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Aalis na sana ko pero hinawakan niya ko sa braso. Nainis ako. “Ano ba?! Pabayaan mo na nga ako!”
“Eh patawarin mo muna ko!”
Napakamot nalang ako sa ulo. Napakakulit nitong taong to! “Oh sige na! I forgive you na! Matigil ka lang.”
Ngumiti siya. “Talaga?”
“OO NGA PO...”
“E di tayo na ulit?” Tapos inakap niya ko. Nagulat ako. May paakap-akap pa toh! Ano siya, sinuswerte?!! Hay nako, nababaliw na ata yung audience eh. Kanina pa sila tili ng tili! Ang sakit na sa tenga!
Tinulak ko siya palayo. “Anong tayo na ULIT? Kailan ba naging tayo ha?! Lumayo ka nga!”
“Honey naman...” Nanlambing pa ang potek! “Nagkahiwalay lang tayo ng one month hindi mo na ko agad kilala?”
“Honey ka diyan!!! Ibaba mo na nga yang mic!” Sinubukan kong agawin yong mic pero itinaas niya yun. Hindi ko maabot!!! Arrggghhh!!! Kapre kasi sa taas toh eh!
“Tigilan mo na yan!”
“Everyone, thanks for helping me and my girlfriend be together again! Aalis na kami ah! Good day sa inyong lahat!” Binigay niya yung mic kay Kevin tapos humarap sakin. Hindi ko gusto yung ngiti niya. Kakaiba eh. Nagulat nalang ako nung binuhat niya ko! Potek! Hindi yung buhat na maayos, kundi yung buhat na nakasampay sa balikat niya! Asar talaga! >_< Nahulog pa yung bag ko! Pag nawala yun sisipain ko siya pabalik sa America sinasabi ko sa kanya!
“Ibaba mo nga ako!!!” Bumaba siya sa stage tapos tumakbo palayo. Hindi ako makababa!!! Kahit na anong kawag yung gawin ko, hindi pa rin ako makababa. Pamaya-maya, naiyak nalang ako. Ewan ko ba kung bakit, pero bigla nalang akong naiyak. Natigil si Jessie sa pagtakbo nung ma-feel niya na nahinto na ko sa pagkawag.
At last, ibinaba na rin niya ko. Yumuko ako tapos tinakpan ko yung mukha ko. Nakakainis! Nagkahalu-halo na yung inis at kahihiyan sa puso ko. Hindi ko na kinaya kaya siguro naiyak ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya na ganun kagrabe para gawin niya sakin toh. Nakakabwisit talaga!!!
Tumalikod ako sa kanya tapos lumakad palayo. Hinabol niya ko. “Teka lang! Ano yan, iiyak ka nalang? Ang hina mo naman pala...”
Humarap ako sa kanya. Nahinto siya sa pagsunod. Sigurado akong basang-basa yung mukha ko ng luha. “I-Inaano ba kita ha? Nakakainis ka na!”
“Hindi mo ba naaalala? Inistorbo mo yung jamming session namin nina Justin kaninang tanghali!”
“Dahil lang don. Kailangan. mo pa kong. i-ipahiya. sa buong school? Alam mo ba kung gano kasakit yung ginawa mo? Para mo kong hinubaran sa harap nilang lahat!” Pinunasan ko yung mata ko. Biglang sumikip yung dibdib ko. Dahil siguro to sa inis. Sa nag-uumapaw na inis... Hindi siya nakakibo. Nakatingin lang siya sakin.
Tumalikod ulit ako at lumakad palayo. Pero this time, hindi na siya sumunod.
CHAPTER 7
Jessie
Bumalik ako dun sa gym. Wala nang tao. Pati sina Justin wala na rin. Umakyat ako ng stage tapos may nakita akong bag. Kinuha ko yun tapos tiningnan yung wallet nung owner. Red na Hello Kitty pa yun. Siguradong babae yung may-ari nito.
Nung binuksan ko yung wallet, nakita ko yung picture ni Luna. Nakatutok sa kanya yung camera tapos naka-peace sign siya. At nakadila pa. Nangiti ako. Ang kulit niya sa picture! Malayong malayo yung itsura niya sa Luna na kaharap ko kanina. Napakasaya niya dito pero yung kanina namamaga yung mata sa kaiiyak. Medyo nagi-guilty ako sa ginawa ko. First day of school ko, may napaiyak na agad ako! Malas talaga! Tsk...
E siya naman kasi eh! Kung makapag-utos kaninang tanghali. Hay, yamu na nga! Isosoli ko na lang yung bag niya bukas. Baka sakaling malamig na yung ulo nun. Sinukbit ko yung bag niya tapos lumakad na pauwi.
Malapit lang yung bahay ko sa school. Mga 15 minutes lang yung kailangan mong lakarin. Binuksan ko yung gate tapos kinuha ko yung susi ng bahay sa bulsa ko. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto. Hindi ko na pinansin si Ate Angie, yung katulong namin, kasi medyo wala ako sa mood makipag-usap. Initsa ko yung bag ni Luna dun sa may sofa. Nagpalit ako ng pambahay tapos humiga sa kama.
Nahiga lang ako dun for five minutes then naisipan kong i-open yung laptop ko. Nagsurf ako sa net. Nag-twitter ako, nag-facebook pati MSN. Pero na-bore ako kaya tumigil nalang ako. Nagpatugtog nalang ako ng music. Hay, nakakatamad talaga. Tapos biglang may pumasok na idea sa ulo ko. Ano kaya kung halungkatin ko yung bag nung pango na yun? Hindi naman niya malalaman di ba?
Nangiti ako tapos pumunta sa sofa para buksan yung bag niya. Una kong kinuha yung wallet niya. Tiningnan ko yung pictures dun. Nakakatawa siya. Ang kulit-kulit talaga! May isang babae din dun. Siguro yun si Steff? Tapos nakita ko rin yung family pic niya, lima yung nandun kaso may punit dun sa upper right corner. Yun siguro yung daddy niya pero bakit pinunit niya yung mukha? Siguro galit siya dun kaya niya ginawa yun.
Pagkatapos ko sa wallet, tiningnan ko yung notebooks niya. Aba napakasipag palang mag-lecture nito! Bawat salita siguro ng teacher namin eh sinusulat niya. Kulang nalang eh pati yung pag-ubo isulat niya eh.
Naghalungkat pa ko hanggang sa nakapa ko yung cellphone niya. Kinuha ko yun at inunlock. Anime yung wallpaper niya. Hindi ko nga lang alam kung ano yun kasi hindi ako mahilig dun. Manapa kung cartoons eh. 56 new messages. Inopen ko yung inbox. Puro GM lang pala eh! May mangilan-ngilang PM kaso puro lang din kay Steff. Pumunta ko sa gallery niya. Sandamakmak na pictures yung andun! Bawat madaanan ata nung babaeng yun eh pinipicturan eh! May picture dun ng butterfly, langgam kahit langaw meron! Makahayop ata yun eh!
Humiga ako sa sofa. Natatawa ko habang tinitingnan yung images niya. Pero may isang picture na nakatawag pansin sakin. ‘First Prom! Grrr!!!’ yung nakalagay na caption. Nakasuot siya ng pink dress, may hawak na flowers tapos kinokoronahan ng isang teacher. May nakasabit din na sash sa kanya na ang nakalagay ay “Prom First Princess”.
Mukhang masayang masaya siya sa picture. At ngayon ko lang napansin... Cute din pala siya. Pag nakangiti siguro pero pag kasi lagi akong nasa paligid niya eh lagi siyang nakasibangot. Humahaba tuloy yung nguso niya.
Kinuha ko yung cellphone ko tapos pinasa ko sakin yung picture niya na yun. Pati yung isang close-up pic niya nung nakapatong na sa kanya yung korona. Nangiti ako. Nakakatuwa yung itsura niya dito. Ibinalik ko yung cellphone niya sa bag tapos humiga ulit sa kama. Ang tagal ko ding tinititigan yung picture niya na yun. Palipat-lipat lang ako sa dalawa eh.
Ewan ko ba! Hay, siguro nakokonsensya lang ako sa ginawa ko kanina kaya ganito ko ngayon. Bumiling ako habang hawak ko pa rin yung cellphone ko. Tinitigan ko sa mata yung picture ni Luna. Ang ganda rin pala nung mata niya. Ilang mascara kaya yung inubos dun para mapapilantik yung eyelashes niya?
Ngumiti ako for the last time tapos tumuloy ng matulog ng hindi pa naiko-close yung picture niya.
CHAPTER 8
Luna
Pagdating ko sa apartment, pumunta agad ako sa CR. Naghilamos ako tapos tumingin sa salamin. Mugto pa yung mata ko. Ayokong makita ko ni Steff na umiiyak dahil lang dun sa kalokohan nung Jessie na yun!
Gagawa na sana ko ng assignment kaso naalala ko na nahulog nga pala yung bag ko dun sa school! Amp! I’m so pissed!! >_< Isa pang ikinagagalit ko, sa harap pa niya ko umiyak! Nainis din ako dun sa sinabi niya. Ang hina ko raw? De siya na malakas! Siya na magaling! Siya na! Ang swanget niya!!!
Pumunta ulit ako sa CR tapos naligo na. Nung tumingin ako sa salamin, hindi na masyadong halata na umiyak ako. Haaayyy... Ang tagal naman ni Steff! San ba nagpunta yung babaeng yun? Wala ako sa mood mag-open ng laptop kaya dun nalang ako sa ANCIENT KEYBOARD nagpalipas ng oras.
Si mama kasi eh! Beginner palang naman daw ako kaya pangit pa yung binili sakin nun. E ngayon, ilang taon na din tong piano keyboard na to. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sa tingin ko hindi na pang beginner level ko ngayon. Hindi naman Twinkle Twinkle tinutugtog ko noh.
Nakakaloko nga eh, apartment at laptop naibili ako na hindi ko naman inirequest tapos ngayon yung piano na kaisa-isang bagay na hinihingi ko eh HINDI MAIBIGAY! Pambihira naman oo!
Pero at least, gumaan-gaan yung pakiramdam ko habang tumutugtog ako. Mahilig talaga ko sa music. Bata pa lang ako hilig ko na yun. Pati anything about anime. Actually marami akong ginagawa sa bahay lalo na pag bored pero sa apat na bagay lang talaga umiikot yung mundo ko: school, arts, books and music. Wala akong time para sa love-love na yan! Masyado na nga kong busy pero etong bwisit na Jessie na toh nakikidagdag pa!
Tumingin ako sa orasan. 8:24. Tumigil na ko sa pagtugtog tapos pumunta sa laptop para ituloy yung ginagawa kong plano para sa School Fest. Kailangan kong matapos ngayon to para maidiscuss ko na bukas sa iba pang SC officers. Sa school fest, bawat section sa buong school ay magkakaroon ng kanya-kanyang booth. Wala pang plano yung section namin. Pano ang daming gawain! Hindi na namin maisingit! >_<
Pero kailangan muna talagang unahin yung pinaka-plot eh. Matagal na din akong nakaupo run, nagta-type. Narinig kong bumukas yung pinto sa ibaba. Pumunta ko dun at nakita si Steff, nag-aalis ng sapatos. “Finally!” sabi ko. “San ka na naman ba gumala ha?”
“Parang mommy ka diyan ah! Wag kang magalit dahil lang sa hindi ka nainvite noh.”
“Nainvite nino?”
“Edi nung Pepperoni Cheese! Kumain kami sa resto dun sa may kanto pero hindi kasama yung magaling mong BOYFRIEND. Umuwi na ata eh...”
Napangiwi ako dun sa salitang ‘boyfriend’. Nakakasuka! Ew ew ew! “Ininvite ka nung PC?” PC yung codename ng Pepperoni Cheese sakin. Ambaduy kasi eh, hindi worth calling for. “Ano naman pinag-usapan niyo?”
Umupo si Steff sa sofa dun sa living room. “Kung anu-ano. Pero napag-usapan namin yung tungkol dun sa ginawa ni Sexyboy. Wala raw silang idea kung bakit ginawa niya yun. Pati raw sila nagulat eh.”
Sumibangot ako tapos umupo sa tabi niya. “Bwisit na kumag na yun! Ang lakas ng trip!”
“Pero kanina nung nandun kayo sa taas ng stage, narealize ko na bagay pala kayo.” Tapos ngumiti siya.
Tumingin ako sa kanya. “Ayos ka lang ba?? Ilang mundo pagitan namin noh! Saka hindi ako papatol dun! Panget niya na yun...”
“Sus! Sinasabi mo lang yan kasi galit ka sa kanya. Saka magkaibang-magkaiba man kayo ng hilig o kaya ng ginagawa, pareho naman kayo ng ugali. Mapang-asar!” Tumawa siya. Nagiti ako dun sa huli niyang sinabi.
“Sinong mapang-asar ha?!” Binato ko siya ng unan tapos nagtawanan kami. Pamaya-maya, sabi ko, “Hindi ko siya papansinin bukas. Mas maganda na rin siguro kung ako nalang yung umiwas ako di ba?”
Tumango siya. “Yup. Mas mainam na nga yun.”
Times like this, kahit na may ginawa saking nakakainis si Steff, agad ko na siyang napapatawad. Kahit hindi siya humingi ng sorry, napapatawad ko na agad siya. Siguro ganun ko nga talaga siya ka-love. Hehe...
Nanood muna kami ng TV sandali tapos pumunta na sa kanya-kanya naming kwarto. 10:28 na pero hindi pa ko inaantok. Kaya kinuha ko yung sketchpad ko tapos umupo malapit dun sa bintana. Hinawi ko yung kurtina tapos binuksan yung bintana. Asar naman. Walang masyadong maido-drawing dito! Eh pano nga yung tapat nitong bintana ko eh yung bintana nung kapit-bahay namin! Pag minamalas ka nga naman oo...
Sinarado ko na lang ulit yung bintana tapos humiga na sa kama. Nagpray muna ko tapos natulog na.
CHAPTER 9
Jessie
Pagpasok ko ng room, nakita ko si Luna na nakaupo dun sa usual place niya. Sa dulo. Tapos nakatingin siya sa bintana. Chem kami ngayon, kaya magkatabi kami. Ang aga naman pumasok nito! Section one na section one talaga ugali eh!
Habang pumapasok ako, nakatingin yung mga classmate ko sakin. Yung iba nagbubulung-bulungan, yung iba naman naiintriga kung ano yung mangyayari samin. Huminto ako dun sa tabi ng table namin. Tumingin siya sakin tapos sumibangot. Potek! Humaba na naman po yung nguso niya...
Inabot ko yung bag niya. “Oy. Heto yung bag mo. Naiwan mo kahapon.”
Kinuha niya yon. “Alam ko.”
Umupo ako sa tabi niya. “Hindi mo ba alam yung salitang ‘thank you’ o kaya ‘salamat’?
Hindi niya ko pinansin. Hinalungkat lang niya yung bag niya. Ang sama ng ugali neto! Pano pa ko makakapag-sorry sa kanya kung ganyan yung ugali niya? Asar naman oh. Bahala nga siya! Pagkatapos, kinuha niya yung wallet niya. “Wala akong pinakialamanan diyan wag kang mag-alala.”
Pero tuloy pa rin siya sa paghahalungkat. Wala atang tiwala sakin tong taong to eh! Yaman ko na toh, magiging magnanakaw? Excuse me! Nakatingin pa rin yung mga classmate ko samin. Hu! Mga chismoso’t chismosa!
Pagkatapos, kinuha naman niya yung cellphone niya. Syempre hindi ko kinalimutang ibalik sa wallpaper yun tapos ilock para hindi niya mahalata. Pamaya-maya, tumingin siya sakin. “Anong pinasa mo ha?”
Kumarap ako tapos medyo kinabahan. “H-ha? Anong pinasa? Ano bang sinasabi mo?”
Iniharap niya sakin yung cellphone niya. “Bukas yung bluetooth oh!”
Potek! Nakalimutan kong i-off yung bluetooth! Amp! Wag sana niyang mahalata na ipinasa ko yung picture niya. “Aba’y ewan ko! Baka naman nakalimutan mong i-off yan kahapon?”
Umiling siya. “Imposible! Hinding-hindi ko makakalimutang i-off yun kasi iniingatan kong hindi magka-virus yung cellphone ko!”
“E ba’t sumusigaw ka?! Sinabi nang hindi ko alam eh!”
“Sinungaling!” Hinawakan niya yung polo ko. “Ano yung ipinasa mo?! Ha?! Sumagot ka!!!”
Anak ng! Konti nalang! Konti nalang at sasabog na ko! “Ba’t ba ang kulit mo ha?! Sinabi nang wala eh! Wag mo nga akong sisihin sa katangahan mo!”
Binitawan niya yung polo ko tapos kinuha yung bag niya. Tumayo siya tapos lumakad paalis sa room. Isinarado niya ng malakas yung pinto. Nakakabwisit! Ba’t ba ganun yung babae na yun? Ang hilig din magwalk-out! Weak siya! Weak!!!
Tinanong ako nung isa naming classmate. “LQ na naman ba kayo ha, Jessie?”
“Oo nga. Di ba naging kayo na ulit kahapon?”
Nainis ako sa mga tanong nila. Tumayo ako at sinabing pagalit, “Hindi kami! Hinding hindi mangyayari yon kahit kelan! At higit sa lahat, hinding hindi ko magugustuhan yung babaeng yon kahit siya nalang yung nag-iisang babae sa mundo! Tatanda nalang ako ng mag-isa!”
Kinuha ko yung bag ko tapos umalis na rin ng room. Lumakad ako sa hallway ng galit. Teka, ba’t ba ko nagkakaganito? Nahahawa na ko ng pagwo-walk-out dun sa babaeng yun ah! Pati yung init ng ulo nakakahawa! Amp! >_<
Ayokong pumasok ng klase ngayon! Baka kung anu-anong kabulastugan lang yung magawa ko sa room. Wala ako sa mood eh. Patay talaga sakin yung babae na yun. Ieedit ko yung picture niya tapos ipopost ko sa internet. Ha! Akala niya ah...
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko. Pero nung pagtingin ko, wala dun. Kinapa ko kung nasa bulsa ko pero wala dun. Hindi kaya naiwan ko sa bahay? Hindi naman siguro. Sa lahat ng hindi ko pwedeng makalimutan eh yung cellphone ko. Sa classroom kaya? Hindi rin, kasi hindi ko naman binuksan yung bag ko kanina eh.
Hindi kaya... Nanlaki yung mata ko. Hindi kaya... Sa bag ko ni Luna nailagay? Patay!!! Hindi niya dapat mabuklat yun! Amp! Kailangan kong makita yung pango na yun! Hinanap ko siya sa hallway. Sa may locker. Sa gym. Pero wala, hindi ko siya nakita. Then naisip ko, baka nasa Student Council Room. Dali-dali akong pumunta dun at tama ako. Nasilip ko siya sa window nung pintuan, nakaupo tapos hawak yung...
Kinabahan ako. Bigla kong binuksan yung pintuan, nagulat siya at montik pang manitawan yung cellphone ko. “Ba’t hawak mo yang cellphone ko ha?!” Lumapit ako sa kanya saka kinuha yung cellphone. “Pakielamera ka talaga!”
Tiningnan ko kaagad yung cellphone ko tapos nakita kong naka-open yung ipinasa kong picture niya. Tumulo yung pawis ko sa leeg. Nakaupo lang siya dun. Nakatingin sakin. Tahimik. Hindi ako makapagsalita. Dali! Umisip ka ng palusot Jessie! Isip! Isip! Isip!
“Um.. Kasi... Ano... Luna... Yung picture... Um...” Dumiretso ka nga! Ba’t ba pautal-utal ka?!
“Ba’t may picture ako diyan sa cellphone mo?” tanong niya. Lalo akong kinabahan potek. Dapat pala hindi ko na ipinasa yun eh! Pahamak lang. Ano ba kasing pumasok sa ulo ko at ginawa ko yun? May deperensya na ata ako sa pag-iisip eh!
Ipinamulsa ko yung cellphone ko. “Kasi, ano, um... basta!”
“Anong basta? Yan ba yung pinasa mo?”
“Ba’t ba tanong ka ng tanong?!” Nainis ako. Ang kulit niya eh!
“Ano ba yan. Buko ka nga, ayaw mo pang umamin.”
“Ano??!!!” Aba’y talagang! Pag ako hindi nakapagpigil, papatulan ko na toh! Kung lalaki lang toh, kanina ko pa nasapak eh. Teka nga lang, ba’t ba kasi masyado kong defensive? Ano naman kung malaman niya na yun yung pinasa ko? Hindi ko naman siya gusto eh! Crush ko ba siya para matakot akong malaman niya na may picture siya sakin?
Kinalma ko yung sarili ko tapos ngumiti. “Gusto mo bang malaman kung bakit ko pinasa yun?” Tumingin siya sakin. Nag-shrug ako. “Gusto ko sana kasing ipost sa internet eh. Plano ko pa ngang iedit yun para mas maging katawa-tawa yung itsura mo. Actually naipost ko na nga eh.” Tapos tumawa ako. Teka lang, naipost? E pano pag tiningnan niya mamayang gabi yun sa net tapos nakitang wala naman? E di lalabas na sinungaling ako. Ano ba yan! Napasubo ako dito ah...
Sumibangot siya. Naasar na naman toh for sure. “Anong sabi mo?! Akin na nga yan!” Tinry niyang kuhanin yung cellphone sa bulsa ko pero umiwas ako. Tumakbo ko tapos hinabol niya ko. Binilisan ko pa para hindi niya ko maabutan.
“Ang bagal mo!”
“Hoy! Bawal tumakbo sa hallway! Bumalik ka dito!”
“E bakit tumatakbo ka?!”
“Bwisit! Pag nahuli kita magkakalasug-lasog yang katawan mo!”
Tumawa lang ako. Pamaya-maya, bumagal na siya sa pagtakbo hanggang sa makatakas na ko ng tuluyan. Umakyat ako at nagpunta dun sa rooftop. Hinahabol ko yung hininga ko. Grabe, ang tulin ding tumakbo nung pango na yun. Montik na kong maabutan ah. Akala ko hindi na hihingalin yun eh.
Dinukot ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Pero wala na dun yun! Shemay naman oh! Kawawala pa nga lang, nawala na naman?! Pag minamalas ka nga naman oo...
Pumunta ko dun sa may lilim tapos nahiga. Ang hangin dito. Ang sarap matulog. Siguro may magbabalik naman nun. Pupunta nalang ako sa Guidance Office mamayang tanghali at baka may nagsoli na nun.
Pumikit ako. Nagpalipas nalang ako ng oras dito sa rooftop hanggang sa tumunog yung bell.
Dostları ilə paylaş: |