“Talaga? Ano bang nangyari?” nacurious naman si Penelope. “Ready ka ba? Mahaba-haba ito.”
“Game. Okay lang! Ikaw nga nagsabi eh. Para saan pa ang kaibigan sa mundo diba? Kung hindi naman siya handang making sa iyo.” Sagot naman ni Penelope. “Yan ang gusto ko sayo eh. Hahaha!” bigla namang hinawakan ni Leah yung bangs ni Penelope tapos ginulu-gulo niya yun. Nung natapos na guluhin ni Leah yung buhok niya, napatingin lang siya dun sa kaibigan niya at inayos-ayos ulit ito. “Ok. Sisimulan ko na ha. So, back then, I was Ms. Popular. Pero nung una, siyempre hindi. Alam mo naman siguro na mula 1st year ako eh dito na ako nagaral. Siyempre, adjustment period din yung unang taon na yun. Wala akong naging kaibigan. As in wala! Pareho nga tayo diba? May pagkaloner na hindi mo maintindihan. Ganun naman ang intindi ng mga tao sa atin eh. Mga loners daw tayo at medyo may pagkaweird… hindi pala, ako lang pala yung ganun. Kasi ikaw, Penelope, loner ka, nerd ka, pero ubod ka naman ng bait! Naku, ang sarap mo ngang i-pat sa head eh.” Bigla namang pinat ni Leah yung kamay niya dun sa ulo ng kaibigan kaya naman inayos ulit ni Penelope yung buhok niya. “Eh ako, nung mga panahon na yun, may pagkasuplada. Anyway, kaya siguro ganun yung naging impressions ng mga tao ko sa akin nung unang taon ko rito. Nagsasalita lang ako pag may tinatanong yung teacher at kailangan kong sumagot and then the rest puro tango at puro iling lang ako. I was the center of bully rin. Kita mo ‘tong haircut ko na ito? Ganito yung haircut ko dati eh. I was called Dora. Haha! Kamukha ko raw kasi eh. Eh mahilig pa naman ako noon magbackpack and my favorite color is violet. Isa pa eh maitim ako noon dahil nagpa-tan kami nung summer ng Daddy ko. Kaya ayun. Kung anu-ano pang binansag sa akin. Lalo na kapag minsan napapahiya ako sa klase. Basta konting galaw dito, galaw dun, maraming mata kaagad ang nakatingin and then may sasabihin silang kung ano tungkol sa ginawa mo… Are you still there, my friend?” tumango naman si Penelope. “Ganun yung scenario ng buhay ko nung unang 2 taon ko sa school. Sinabi ko naman sa Daddy ko na lilipat na lang ako ng school pagtuntong ko ng third year. Akala ko kasi nung second year eh magbabago pa yung tingin ng tao sa akin nun, hindi pala. And then I met someone nung summer.” Napangiti naman si Leah nun habang nakatingin lang sa kanya yung kaibigan niya. “Nagkita kami sa isang cram school na malapit rin lang dito. Nagsimula akong pumasok doon, mageend na ang school year nung second year pa lang ako. Gusto ko lang magcram school kasi parang escape ko na rin yun sa mga nangyayari sa akin dito noon. Siya yung unang-unang nakilala ko. Oo, may mga nakakausap ako at nakakilala rin namang iba. Pero kasi, naging kaibigan ko talaga siya noon. Alam mo ba na nakita ko siyang super sugatan at duguan habang nakaupo sa isa sa mga steps ng stairs paakyat sa room namin? Grabe talaga yung hitsura niya, akala ko nga patay na siya kasi nakapikit lang siya doon eh. Tinusok-tusok ko siya sa braso niya ng ballpen ko. Yung kabilang dulo naman, hindi yung point. ‘Ui’ ako ng ‘ui’ sa kanya. Sabi ko sa sarili ko nun, pag hindi siya sumagot sa pang-apat na ‘ui’ ko sa kanya, titili na talaga ako dahil iaassume kong patay na siya.” Natawa naman siya nun. “Bigla na lang siyang nagising nun tapos hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at tinignan niya rin ako ng masama. Nainis ako sa kanya nun kasi parang ang agresibo naman niya, ginising lang naman siya. Tsaka worried lang naman ako nun. Kaw ba naman, makakita ka ng sugatan at hindi gumagalaw diyan sa tabi-tabi, hindi ka ba mag-aalala? Ayun, nagsorry naman siya kaagad tapos sinubukan niyang tumayo. Tinanong ko siya kung bakit pa siya dito pumunta sa cram school sa ganoong lagay. Usually dapat sa ospital ang punta niya diba? Hindi niya ako sinasagot at pinilit niya lang tumayo. Tapos bumagsak siya sa balikat ko. Ang taba nga nun eh! Haha! Ang bigat niya kasi kaya napaupo pa kami nun. Pero para sa isang lalaki, hindi naman siya ganun kataba. Tapos nakatulog siya, tinulugan niya ako kaya tinulak-tulak ko siya dahil sobrang bigat niya. Oh diba! Sino bang matino ang matutulog habang may pinapahirapan siyang babae? Naku, muntik na nga akong mapahiga nun eh. Pag may nakakita sa aming ganun, nako! Nako lang talaga, buti at nagexercise ako nung umagang yun, kung hindi bali-bali na buto ko sa bigat niya. Sinubukan kong tumawag ng isa sa mga instructors doon para tulungan akong magbuhat sa kanya. Hindi ko kasi talaga siya maaalis sa posisyon naming ganun eh. Pero at that time, class hours na ng mga instructors kaya walang tutulong sa amin.” “And then, may tatlong lalaking tumatakbong pinuntahan kami. Tinanong nila sa akin kung kamusta raw yung kaibigan nila. Hindi ba nila nakikita? Iniipit na nga ako nung kaibigan nila sa posisyong ganun! Nakakangalay ah! Binuhat naman nila yung taong yun and then nagpasalamat sila. Yung tatlong yun, puro rin sugat. Pero yung mga sugat nila, treated na. Yung sa kanya na lang yung hindi pa. Ay wait lang… May isa pa doon sa tatlong lalaki na grabe rin yung mga sugat. Feeling ko nga, mas grabe yung sa kanya eh. Pero ang galing rin kasi, may lakas pa siya.” “Nakita niya ako sa cram school at inapproach nung gumaling na siya. Naging enemies kami, nag-asaran. Isa siya mga nagsisimula ng pambubully sa akin nung mga kaklase ko sa cram school, I hated him because of that. Pero palaging in the end naman nginingitian niya ako at sasabihin doon sa crowd na, ‘tama na’. Hanggang sa naging malapit ang loob namin sa isa’t isa. At naging kami nung kalagitnaan ng school year nung third year… Nahihiya na ako sa iyo Penelope ha! Alam mo na lovelife ko! Nakakainis ka!” tumawa naman sila sa isa’t isa. “Its embarrassing!” nagtakip naman si Leah ng mukha niya gamit yung isang kamay niya. “Huwag ka na mahiya!” sabi naman ni Penelope na tumatawa sa kaibigan. “Ayun, basta yun! Kasabay ng pagstart relationship namin ay yung pagsikat rin nila sa school. Matagal na silang sikat, actually. Sikat sila as delinquents dahil napapasama sila palagi sa away. Yung pinakaleader naman kasi nila, sobrang suplado eh! Kailan kaya makakarma yun? Naiinis ako dun, super. Siguro naman, alam mo na kung sinu-sino yung tinutukoy ko diba?” “Ha? Sino ba?” sabi ni Penelope, innocently. “Sino pa ba? Edi yung pinakasikat na grupo dito!” “Alin?” “I can’t believe you… Pinakasikat na grupo dito sa school! Yung sinusulatan niyo ng news niyo. Yung palaging nasa monthly newspaper at puro pictures nila halos ang nakalagay sa photo gallery. Naku! Kakasuya na nga eh.” “Ang Ryddim ba?” “Tumpak, girl! Tumpak!” “Eh sino dun?” “Ang alin?” “Ang naging… uhh.. lovelife mo?” “Si Marc. Marc De Castro.” “Yun?!” hindi makapaniwala si Penelope. “Hinde, hinde, si Yael. Oo, si Yael. Ano ba yang reaksyon mo! Hahaha!” “Si Yael!?!” hindi na naman nagets ni Penelope ang sarcasm ni Leah kaya tawa ng tawa si Leah. Ohmy. Naging sila ni Yael?! “Ano ka ba! Sasapukin na kita eh! Haha! Si Marc nga talaga. Jinojoke ka lang! Hahaha! Hindi talaga kita mapaniwalaan, Penelope. Ang islow mo! Hahaha!” “Ay! Sorry. Huwag ka kasing gumanun eh. Hindi ko nagegets tuloy. Sorry.” “Adik. Makasorry ka naman… Si Yael naman, isang babae lang naman ang minahal nun eh. Ewan ko kung mahal niya pa rin yung babaeng yun hanggang ngayon.” Medyo naging seryoso naman yung mukha ni Leah nung binanggit niya yun. “Umm… Anong nangyari?” “Nagkagulo-gulo kasi eh.” Naging malungkot naman yung mukha ni Leah nun. “Siguro, big question mark rin sa iyo kung… kung bakit… wala na kami ni Marc ngayon.” Tumango naman si Penelope. Oo nga. Bakit nga ba wala na sila ni Marc ngayon? Feeling ko pa naman, sa pagkukwento sa akin ni Leah, talagang mahal niya yung taong iyon. Although, wala pa akong kahit anong alam tungkol sa ‘love’ na tinatawag ng karamihan eh feeling ko ito yun. Yung kinwento sa akin ni Leah. Isang magandang example yung kwento nila. Bakit ko ba nasabi yun? Kasi ang vivid at sobrang alive yung memory ni Leah sa mga panahong iyon eh. Halos every detail, alam niya. Expression nung tao, expression niya. Parang feeling ko nga, hindi naman sa pageexaggerate ah, nandun ako eh, nanonood lang sa kanila. Kung siguro, tatanungin ko siya kung anong suot-suot na damit niya o kaya ni Marc nun, masasagot niya rin eh. Nakakalungkot, siyempre, na ngayon ay hindi na sila. Ayoko namang magjump sa kung anu-anong conclusions tungkol dito. Hindi pa naman tapos magkwento si Leah ng buong pangyayari eh. Pero masaya ako, kasi may pinapakinggan ako. Hindi lang basta taong naririnig ko sa hallway pag dumadaan ako, hindi lang boses ng teacher ko sa klase, hindi rin naman galing sa radio o sa kung anumang gadget na pinapakinggan ko, kundi galing iyon sa kaibigan ko. At bigla namang nagring ang bell. “Naku, Penelope” tumingin si Leah sa wristwatch niya. “kailangan ko na umalis. Next class ko na eh. Ikaw ba, hindi pa?” tumingin rin naman si Penelope sa sarili niyang relo. “Fifteen minutes pa. Sige, punta ka na dun. Baka malate ka pa.” tumango-tango naman si Penelope sa kaibigan niya. “Gusto ko pa rin sanang magkwento eh. Kaso, kailangan ko na umalis.” Tumayo naman sila pareho doon. Nabigla si Penelope nung niyakap siya ni Leah. “Alam mo bang ang tagal-tagal kong naghahanap ng mapapagkwentuhan ko ng mga ganito? As in lahat, tinatago ko lang. Mula nung break-up namin eh talagang nawalan ako ng kaibigan. Hindi ko naman masabi sa mga tao sa bahay namin… kasi… ah basta! May time rin na malalaman mo na rin ang lahat. Salamat talaga… May tiwala naman ako sa iyo Penelope eh. Ramdam ko naman na… tunay kang kaibigan.” Ako rin. Salamat Leah. Thank you for having a friend like you. Thank you for trusting me. Hindi na nasabi ni Penelope yung gusto niyang sabihin dahil tumakbo na si Leah palayo. Umupo na lang siya doon. *****
“Tumakbo, pre! Tumakbo! Hahahah!” tawa naman ng tawa doon si Zuriel. Sabay binatukan naman siya ni Jake. “Ganun lang talaga siya!” Ano ba yan? Nabigla ko naman yata siya ngayon. Hindi ko na alam kung anong approach ang gagawin ko. Ah basta, gusto ko muna siyang kaibiganin. She’s interesting. Hindi siya kagaya ng mga normal na babae. Oo, weird siya. Pero ewan ko ba. Attractive yung pagiging weird niya. “Baka ayaw sa iyo nun.” Sabi naman ni Marc na nakangiti naman sa kanya. “Kayo ah. Napaka niyo! Suportahan niyo naman ako oh! Ngayon lang nga kayo susuporta sa akin kasi dati lahat effort ko-” “Oo, tapos effective no?” sabi naman ni Zuriel. “O-Oo… Kaya wag niyo namang ipagdiinang hindi niya ako gusto!” “Kalma lang Jake.” Sabi sa kanya ni Marc na natatawa na rin sa kanya. “Hahahahah! First time to ah! Blow-out!” “Saka na ako magboblow-out kapag naging magkaibigan kami… atleast.” “Bakit hindi mo itry maging kayo?” banat naman sa kanya ni Marc. “Bakit niya pa itatry eh mukha namang ayaw sa kanya. Rejection-hater… Hahahah!” sabi naman ni Zuriel na naglalakad na malapit sa pinto. “Humanda ka sa akin Zuriel.” Tumayo naman na si Jake. “Sabi ko nga!” sabay bukas naman ni Zuriel ng pinto at tumakbo na. “Hoy! Bumalik ka rito!” sabay na nasabi ni Jake at Yael. Nagkatinginan naman silang dalawa, kaya imbis na habulin ni Jake si Zuriel, napaupo na lang siya doon sa sofa. “Itext mo nga Marc, sabihin mo bumalik na kaagad!” sabi ni Jake na parang nagpeplay safe pa siya. Nasa practice room kasi sila. Practice na naman, as usual. Hindi pa gaanong nakapagdecide si Yael ng magandang tugtugin sa joint-celebration pero nakikinig-kinig na rin siya ng mga songs. Actually, palagi naman siyang nakikinig ng iba’t ibang songs atsaka tinutulungan rin naman siya ng bandmates niya na maghanap ng magandang tugtugin. Since sa February yun, kailangan rin na may love songs dahil medyo malapit sa Valentines Day yung date. Wala pa namang final date ang mahalagang araw na iyon ng eskwelahan. At medyo sinasantabi niya muna yun since matagal pa naman. For now, sa tingin niya, kailangan muna nilang ituon ang practice sa darating na Christmas Eve. Kasi mostly sila ang tutugtog dun. Tumugtog na lang siya ng kung anu-ano roon habang hinihintay nila si Zuriel na bumalik. Sinabihan na rin kasi iyon na bumili na rin ng makakain. Bigla naman siyang napatigil roon. Si Penelope… anong meron sa kanila ni Jake?
*****
“Yosh! Nogareru seiko!” sabi ni Zuriel na tumalon pa habang unti-unti na rin siyang naglakad dahil napagod na siyang tumakbo. Medyo malayu-layo na rin ang narating niya. Luminga-linga rin siya para makita kung nasaan na siya banda, medyo malayo na nga talaga doon sa building ng practice room nila. (A/N: Nogareru seiko means escape success, Yosh means yehey!/alright!) Surprisingly, nakakita siya ng babaeng nakaupo sa may bench. Hindi niya kaagad nakilala ito until nakita na niya yung lenses nung babae. Napangiti naman siya ng napakalapad doon. Tinignan niya yung mukha nito, nakapikit. Nakasandal yung babae doon sa upuan tapos nakacross arms at nakaipit doon ang maliit niyang bag. Nakita niya rin ang isang book na nakalagay sa lap ng babae na siguro eh binabasa nito tapos nakatulugan. Mahuhulog na yung book pero nasalo bigla ni Zuriel. “Whoa…tto…” sabi ni Zuriel nang mahina tapos agad niyang sinalo yung book. Inilagay niya yung book doon sa tabi ng babae. Tapos tinignan niya lang yung mukha nun habang medyo nagbend siya para maging kalevel yung babae. (A/N: Whoatto is a Japanese expression similar to Ooops) “Bakit ba hindi ka masyadong nagpapakita sa akin dito sa campus?” “Dapat kasi parehas tayo ng schedule eh. Kinuha kong elective eh may kinalaman sa business ad. Ikaw? Anong kinuha mo?” “Dapat magbusiness ad ka rin para kahit papaano may isang klaseng magkasama tayo.” “Nangangawit na ko.” Kaya naman umupo na siya. Patuloy niya lang kinausap nang mahina yung babae doon. “Aitai.” (A/N: Aitai means I wanted to see you/I want to see you) “Ano ba yan, nagmumukha na akong tanga kakausap sa tulog na tao. At ang tibay mo rin ah, medyo malakas na yung boses ko dito tapos tulog ka pa rin.” Tumahimik naman na rin si Zuriel. Nakatingin lang siya rito nang bigla siyang nagulat kasi may luha na lang bigla sa pisngi nung babae. And then, unti-unti na itong nagising. Tumingin yung babae kay Zuriel. Gulat na gulat yung babae, pati si Zuriel. “Ah! Gomen!” sabi ni Zuriel. “Bikkurishita ka?” Pinunasan naman ni Penelope yung natitirang luha niya. “Ah! Iiya… Iiya… I mean, sorry, nagulat ba kita?” (A/N: Iiya or Iie means no but in this context Zuriel wants to say hindi pala/mali pala) “Hindi, okay lang naman. Ikaw pala yan, Zuriel.” Medyo umayos naman ng pagkakaupo si Penelope nun. “Pasensiya ka na ah.” Napatahimik naman sila pareho “Na-nanaginip ka ba ng nakakalungkot?” “Ha? Hindi ah.” “Eh… bakit ka umiyak?” “U-umiyak?” Tapos biglang humawak si Penelope sa mga mata niya. Medyo ngumiti naman si Penelope. “Huwag mo masyadong intindihin.” Tumingin naman si Penelope sa orasan niya. “Ay! Kailangan ko na palang umalis. Pasensiya na ah.” Sabi niya habang kinuha yung mga gamit niya. “Bye.” Bakit ko ba kailangang mapanaginipan yun dito? In the first place, bakit ko kailangang matulog sa bench? Ayan tuloy, may nakakita pa. Nahihiya naman ako. Akala ko yung mga panaginip ko na yun, tuwing gabi ko lang napapanaginipan eh. Although, nagtataka ako kung bakit ganun. Parang nagiba yata yung napanaginipan ko ngayon di katulad yung usual na napapanaginipan ko tungkol kay Mamay. Hindi ko alam kung bakit, bigla na lang may sumulpot na lalaki doon.
*________________* ♫Seventeen ♫
Nagsiuwian na rin naman yung mga estudyante ng Stranton nung hapon na iyon. Si Penelope, siyempre, nagaabang ng jeep para makauwi. Sa tingin niya, kaya niya naman na umuwi magisa. Sa di kalayuan, nandoon si Yael at nakatingin lang sa kanya. Hindi maalis yung curiosity niya tungkol kay Penelope at Jake.
Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Baka niloloko lang kasi siya ni Jake eh. Kilalang-kilala ko yung lalaking yun. Hindi ko alam kung pagsasabihan ko ba siyang layuan niya si Jake o… Tama, alam ko na, sa tingin ko kailangan ko talaga siyang pagsabihan... No, hindi mo siya dapat kausapin tungkol dun dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Ewan, Yael gulo mo.
Nakahanap na rin naman si Penelope ng jeep na sasakyan niya. Nagulat si Yael at medyo natawa rin kasi natalisod pa si Penelope doon sa pagsakay niya ng jeep. Si Yael, habang nakita niyang sumakay doon si Penelope eh pumasok na rin sa loob ng kotse niya.
Ano ba yang babaeng yan? Sana tumitingin sa dinadaanan. Sa bahay ko na nga lang pagiisipan kung magsasalita ba ako o ano.
At nagsimula na siyang magdrive pauwi. Halos magkasunod lang yung kotse ni Yael at yung jeep na sinasakyan ni Penelope. Nasa dulo nakaupo si Penelope, nagsiksikan na rin naman yung mga tao sa loob, kaya kitang-kita siya ni Yael mula sa pusisyon niya. Bumaba na rin naman si Penelope dahil hindi pumapasok ang mga ordinaryong jeep sa subdibisyon na yun. Kailangan niyang magtricycle papasok doon. Doon naman na hinayaan ni Yael si Penelope at nagdirediretso na siya pauwi. At siyempre, mas naunang umuwi si Yael. Medyo dumidilim na rin nun, kahit na 5 pa lang eh medyo dumidilim na dahil magdeDecember na nga. Hindi malaman ni Yael ang dahilan kung bakit ang tagal tagal ni Penelope eh samantalang, saglit lang yung travel ng tricycle hanggang sa bahay nila.
Nagpark si Yael doon ng sasakyan niya at pagkatapos, pumasok sa bahay nila at umupo sa sofa. Asar ka naman, Yael. Talagang hinintay mo pa siya. Oi ah! Hindi ko naman gaanong binebreak yung rules namin! Sasabihan ko lang siya na magingat. Yun. Konti lang yun tapos wowalk-outan ko siya.
Nakarinig naman na si Yael ng tunog ng tricycle at lumabas nga doon si Penelope. Nag-abot si Penelope ng bayad tapos binuksan yung gate nila. Tapos si Yael naman, agad na lumabas sa bahay nila at sinalubong si Penelope. Nagulat si Penelope kasi nakita niya si Yael. Magkasalubong na naman ang kilay tapos nakacross arms.
“Umm… bakit... Andito ka sa labas? Malamig na ah.” sabi ni Penelope habang umihip naman ang hanging malakas.
Hindi siya sinagot ni Yael, lumapit lang si Yael sa kanya. Medyo nadidistract nga si Yael dahil sa tumutunog na insekto o kung anuman sa labas ng bahay nila. Parang mas lalo siyang nagdalawang-isip tuloy kung kakausapin niya si Penelope o hindi talaga. Nakapagpasya na rin siya dahil wala na siyang choice at malapit na siya kay Penelope. Magsasalita na sana si Yael nang biglang yumuko ito.
“Oh! May palaka oh!” naisigaw ni Penelope. Ngumiti rin si Penelope doon sa nakitang palaka pero nung tinignan niya si Yael, hindi maipinta yung mukha nito. Tumingin si Yael sa tinitignan ni Penelope at nakita niyang tumatalon papalapit yung palaka sa direksyon nila. Nakangiti pa rin si Penelope doon sa palaka.
Hindi inaasahan ni Penelope ang sumunod na pangyayari. Dahil nga papalapit na yung palaka doon sa direksyon nila, si Yael naman eh dali-daling pumunta sa likuran ni Penelope. Tapos, humawak si Yael sa balikat ni Penelope at nagtago.
“Um… A-anong ginaga-“ magtatanong sana si Penelope kung anong ginagawa ni Yael sa likuran niya.
“Ilayo mo yan! Huwag mo kong ilapit jan!” nilingon ni Penelope si Yael na nakatago ang mukha sa balikat niya. Hindi mapigilan ni Penelope na mapangiti. Konti na lang at tatawa na siya.
Ahhh... So mukhang ito pala ang kinatatakutan niya.
“Pero kasi… kailangan namin ng palaka sa biology class.” Sabi ni Penelope na medyo pinatigil ang sarili sa pagngiti.
“Wala akong pakelam!” tapos patalun-talon pa rin yung palaka doon. “Patigilin mo nga yang tumalon!”
“Um… sayang naman oh. Naubusan na kasi kami ng frogs sa laborato-“
“Ilayo mo sabi eh!”
“Eh… wait lang. Paano ko makakagalaw kung nakakapit ka sa balikat ko?”
“Ow. Sorry.” Tapos bumitiw naman si Yael sa balikat ni Penelope. Habang pagkatapos nun, lumapit si Penelope doon sa palakang walang kamalay-malay. Umupo si Penelope para abangan yung palaka.
“O-oi! Anong ginagawa mo? Kumuha ka na lang ng walis o ano, basta para mapatay yan!” Lumingon si Penelope sa kanya.
“Ang harsh mo naman.”
“Sinong mas harsh sa ating dalawa? Eh ikaw nga idadisect mo pa yan. Mas mabuti nang masaktan yung palaka ng isang beses kaysa unti-untiin bago mamatay!”
“Feeling mo ba natutuwa akong idadisect ko siya?” medyo teary-eyed na si Penelope nun. Nakita yun ni Yael at parang may kakaiba naman siyang naramdaman. Naaalala niya yung nakaraan niya, kung kailan siya nagkaroon ng frog phobia. Pero, dahil malapit na malapit na yung palaka kay Penelope…
“Anjan na sa harap mo!” sigaw niya. Nasalo naman ni Penelope yung palaka tapos pinagmasdan niya pa ito ng nakangiti.
“I used to play with this before.”
Narimarim naman si Yael sa sinabi ni Penelope. “O sya, dahil na-nasalo mo naman na yang… pa-palakang yan, itapon mo na yan o ano, bahala ka, basta huwag mong ilalapit yan sa akin.” Tumayo naman si Penelope habang hawak-hawak sa dalawang palad yung palaka. Kulay brown yung palaka tapos gumagawa ng kung anung sounds at pumipintig-pintig pa yung baba. Sa pagkakatayo ni Penelope, sabay siyang humarap kay Yael.
“O-oy! Anong ginagawa mo? Huwag mo ngang iharap sa akin yan!”
“Gusto kong malaman… bakit ayaw mo sa palaka? Eh wala namang ginagawa yang masama sa iyo. Creature din sila, may buhay, kaya dapat minamahal din.”
“What? You tell me to love them??” hindi makapaniwala si Yael sa ninanais na ipahiwatig ni Penelope.
"Uh... Hindi naman sa mahalin sila, atleast mahabag ka naman sa kanila kasi wala naman silang ginagawang masama."
"Well, they do. They freak me out." tapos nagwalk out na si Yael.
Eh? Nabadtrip na naman siya. Haaay, wala na ata siyang ginawa kundi mabadtrip at magsungit eh. Pero... Nakakatuwa ring isipin na nakakita ako ng panibagong side niya. Nakita ko siya kung paano siyang natakot at mandiri. Haha!
Ano bang klaseng babae siya!? Napaka... aaargghh! Nakakaewang mahilig sa palaka! Nakakainis lang! Nagawa niya hawakan yung palakang yun. Nakakadiri! Pero paano na nga ba yung sadya ko? Hindi ko nasabi. Teka sandali nga... Bakit ko ba kasi kailangang magsalita pa tungkol doon!? Malaki na siya! Kung anumang mangyari sa kanya, wala na akong concern doon! Mahawa pa ako sa kawirduhan niya eh!