Pumasok na si Yael sa bahay nila. Tapos surprisingly nakita niya si Ysabelle na nakadungaw sa bintana nila. Yung bintanang yun eh katapat nung spot kung nasaan sila ni Penelope kanina. Kumbaga kitang-kita sila ni Ysabelle mula sa bintanang yun.
Lumingon sa kanya si Ysabelle na may inosenteng mukha. Blangko lang, walang expression. At nagsalita, “Kuya, takot ka dun?”
“H-ha?” As Kuya, mahirap yatang basta-basta na lang umamin ng kinatatakutan niya, diba?
“A-ah! Hindi ah!” lumapit siya sa nakadungaw na Ysabelle. “Hindi ako natatakot sa palaka. Sus, palaka lang.”
“Eh bakit ka nagtago sa likuran ng panget na yun?”
“Ha? Ah… Eh… Wala lang, na-nagulat lang ako. Matagal na kasi akong hindi nakakakita ng ganun. Nagulat lang ako, yun lang.” nginitian niya naman yung kapatid niya. “Ysabelle, kung anu-ano na namang ginagawa mo ah, just play with your toys sa room mo, huwag ka dito sa sala.” Tapos nagpakarga naman si Ysabelle sa Kuya niya para dalhin siya sa kwarto niya.
Nakatingin silang magkuya sa labas. Nakita nila si Penelope na nakikipaglaro doon sa palaka. Hawak-hawak yun ni Penelope tapos tatalon yung frog paalis sa palad niya and then sasalubungin naman ni Penelope yung palaka. Siyempre yung palaka tatalon na naman dun sa palad niya.
Nakakadiri talaga.
“Kuya, oy, Kuya!” sabi ni Ysabelle habang nakakarga siya sa kuya niya pero yung Kuya niya hindi pa umaalis doon sa kinatatayuan nila at nakatingin lang sa labas.
“Kuyaaa!!!”
“Oh? Bat ka naman sumisigaw? Tara na, akyat na pala tayo.”
Dapat aalis na si Yael dun sa kinatatayuan niya at dadalhin na niya si Ysabelle sa kwarto nito. “Teka lang, may tanong ako.” Napatigil tuloy siya.
Tinuro naman ni Ysabelle si Penelope.
“Kuya, sabihin mo nga, do you like her?” seryosong tanong ng kapatid niya.
Natawa naman si Yael dun. “Hahahaha! Ikaw talaga, ang dami-daming pumapasok sa isip mo. Bakit mo naman naitanong?”
Pffftt! May gusto? Ako? Hahahah!
“My classmate said that if you look at someone for so long, you ought to like that person.”
“Hahahahaha! I already told you that I don’t diba? That nerd freak, walang magkakagusto dun. Dagdag mo pang mahilig siya sa palaka. Ysabelle, it’s impossible, okay? Don’t ask any more questions about it.” *****
Hindi na muling nagusap yung dalawa. Ay hindi pala, hindi na kinausap nung isa yung isa pa. As usual, kapag sa umaga, ngingitian ni Penelope si Yael at mag gugood morning, iniisnab lang ni Yael ito at tinataasan ng kilay pati kinukunutan ng noo. Hindi na siya muling kinausap pa ni Yael ever since that day. They continued their own daily lives.
Si Yael, as stated, hindi na nga masyadong pinapansin si Penelope habang si Penelope naman ay kabaligtaran dahil ito ay curious na curious sa kanya. Natuwa kasi siya nung nakakita siya ng kakaibang side nung lalaking yun. Kaya naman talagang tinatalasan niya yung mata niya sa tuwing nasa school siya at baka sakaling makita niya si Yael bearing another kind of expression that she've never seen before.
Natuwa naman si Penelope nung minsang naglalakad siya sa hallway at napatingin siya sa open field. May mga nakahanay doon tapos nakasuot pa ng fatigue. Napahinto siya at nakita niya si Yael na isa sa mga nakatayo roon. Pero katulad nung nakita niya sa isang picture dati, hindi ito nakatayo ng maayos at mahilig pang gumalaw-galaw. Humikab pa nga ito tapos nagtakip ng kamay sa bibig eh bawal yun. Kaya napapush-up tuloy siya. Nakita niya yung tinatamad na hitsura at yung usual na kunut-noo nito.
Habang nasa kalagitnaan naman si Penelope ng paglalakad sa susunod na klase niya, bigla na lang siyang nabangga ng mga estudyanteng tumatakbo. Narinig niya pang nasabi yung isa, "May live practice ang Ryddim!"
"Ano!? Talaga!? Saan!?" sabay tili naman nung isang babaeng kausap.
"Kyaaaaaaaaaaa!!~ Dun! Dun sa gitna ng fieeeeeld!! Waaaaaa!" tapos marami na ring babaeng nakatili sa kanya. Dahil ayaw naman nilang sumigaw eh rinig na rinig lang naman sila ni Penelope. Karamihan eh mga babae ang mga papunta pero may mga lalaki rin. "Tara mga pre, tutugtog yung Ryddim sa open field." mga cool lang naman yung mga lalaki habang papunta, hindi katulad ng mga babae.
Live practice daw? Pumunta kaya ako? Pero may klase pa ako eh. Oo nga pala ano, hindi ko pa sila nakikita o naririnig na tumugtog.
Tumingin siya sa orasan niya.
Hindi ko pa talaga sila napapakinggan. Siguro naman, okay lang na malate ng konti. Sisilip lang naman ako eh. Atsaka, hindi ko naman tatapusin yun. Hindi rin naman siguro magagalit yung teacher namin. Right, Penelope, lets go and hear them.
Sumunod siya sa flow ng direksyon ng maraming estudyanteng papunta rin sa open field. Dahil hapon na rin naman, hindi na gaanong mainit eh nakatayo sa stage at nagaayos ng gamit yung mga members ng Ryddim openly, wala silang bubong o anuman, nakatayo lang sila sa isang platform. Nakatingin lang si Penelope sa kanila at nahagip ng mata niya si Marc.
Ah, so siya pala ang drummer ng banda. Hindi ko naman kasi alam dahil hindi na ako nagpakwento kay Leah tungkol sa kanila eh. Akala ko kasi sa kanila, "show-off" lang sila. Hindi ko naman akalaing mababait naman pala talaga yung mga yun. Lalo na si Marc, mukha naman siyang mabait. Pero... Hindi rin ako ganun kasigurado dahil sa nangyari sa relationship nila ni Leah.
Nakita niya rin si Zuriel na todo ngiti sa mga manonood habang nagsusukbit ng gitara niya. Yung usual na ngiti nito na nawawala ang mata. Napangiti naman si Penelope kay Zuriel.
Magaling siyang maggitara? Siya kaya yung lead guitarist? Ang cool niya naman! Humahanga na ako sa kanila ah. Haha! Parang nung mga unang kapanahunan lang eh ayaw ko talaga sa kanila. Siguro nga, first impressions don't always last.
Sunod namang lumipat ang mga mata ni Penelope kay Jake na nakatingin lang sa strings ng bass guitar niya at tinetesting ito. Nung maraming nagtilian, tumingin siya sa audience nila at ngumiti ng killer smile niya.
Ngayon ko lang napagtanto, kulang na nga lang eh lumabas sila sa T.V. At magkaroon ng sariling album sa sobrang kasikatan nila. Si Jake, hmmm... Hindi ko pa rin siya gaanong makabagayan. Hindi ko alam kung bakit pero handa naman na akong maging kaibigan siya kung yun naman pala ang gusto niya. Hay naku, Penelope, nagiisip ka kasi masyado. Baka naman talagang mabait yan si Jake.
At lastly, ang mata niya'y lumipat sa taong nakatalikod at nasa gitna ng stage. Hindi niya makita kung anung ginagawa nito, ang nakikita niya lang eh ang likuran nito.
Gusto ko siyang pakinggang kumanta. Isang side niya rin ito na gusto ko talagang makita sa kanya. Ineenjoy niya kaya ang pagkanta? Masaya kaya siya pag nasa stage siya at kasama ang band niya? Ngingiti kaya siya? Hindi ko pa siya kasi nakikitang ngumiti eh. Sa bahay, napakaseryoso ng tingin niya sa akin.
Humarap naman na si Yael at nagtaas ng isang kamay niya na may hawak na pick. Tapos nakasukbit na sa kanya yung gitara niya at ang bibig niya eh nakatapat sa microphone.
“Hello Stranton.” Ang sabi niya at tumili ang lahat ng mga babae doon at maraming nagtatalon. Habang si Penelope naman eh hindi na niya makita ang banda. Dahil may kaliitan siya, hindi na niya nakita pa si Yael. Yung ibang mga miyembro ng banda, nahagip ng mata niya pero yung mukha ni Yael hindi talaga. Parang nangiinis lang. Gustong makakita ni Penelope ang ngiti ni Yael pero hinaharangan siya. Bigla na rin naman kasing tumugtog ng isang magandang kanta ang banda kaya mas naexcite ang lahat.
Science and Faith by The Script
Tried to break love to a science
In an act of pure defiance
I broke her heart
As I pulled apart her theories
As I watched her growing weary
I pulled her apart
Ang sabi sa akin ni Mamay noon, kung gusto mong maintindihan ang sinasabi ng isang tao o kung gusto mong maunawaan siya, pakinggan mo siya. Pakinggan mo siya gamit ang tenga at puso, hindi gamit ang mga mata. Through that, malalaman mo kung anong mararamdaman niya. Ano kayang nararamdaman ni Yael ngayon?
Having heavy conversations
About the furthest constellations of our souls ooh~
We're just trying to find some meaning
In the things that we believe in
But we got some ways to go
Of all of the things that she's ever said
She goes and says something that just knocks me dead
Dahan-dahang ipinikit ni Penelope ang mga mata niya. Nakatayo lang siya doon habang yung mga katabi niyang nanonood eh nakikigulo at nagtatatalon at nagtitilian sa nagpeperform. Hinigpitan niya yung hawak niya sa dalawang straps ng bag niya.
You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you can't explain a love like ours
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Patuloy lang ang pagpikit ni Penelope. Missing all the chances that she has to see Yael’s face. Maaari niya na kasing makita si Yael kung ididilat niya lang ang mata niya, hindi na gaanong tumatalon yung babaeng nasa harapan niya, siguro napagod na.
Dinadamdam niya yung kanta, yung tugtog, yung bawat strum ng gitara, yung bawat palo ng drumsticks, yung bawat taas at baba ng boses ng kumakanta. Dinamdam niya mismo yung nararamdaman ng kumakanta.
I tried pushing evolution
As the obvious conclusion of the start
But it was for my own amusement
Saying love was an illusion of a hopeless heart
Of all of the things that she's ever said
She goes and says something that knocks me dead
You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you can't explain a love like ours
Ibinukas niya na yung mata niya. At ngumiti siya. Nakita niya yung mukha ni Yael, seryosong nakatingin sa gitara niya. Hindi ito nakaharap sa mga tao, medyo nakatagilid ito at nakaharap sa direksyon ni Penelope sa bandang gilid.
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Nageenjoy siya.
Of all of the things that she's ever said
She goes and says something that just knocks me dead
Masaya siya, nararamdaman ko sa boses niya. Masaya siyang kumakanta at tumutugtog ng gitara niya. Siguro, mahal na mahal niya yun? Passion niya kaya yun?
You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you can't explain a love like ours
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Ooohhhh~
It's the way we feel, yeah this is real
Pero at the same time, parang hindi niya kayang kumanta ng buong-buo. Parang may naghihinder para maging masaya siya talaga sa ginagawa niya. Ewan, hindi ko alam kung tama ba ako, pero yan ang naramdaman ko nung narinig ko ang boses niya eh. Ang galing niya palang kumanta. Ang sarap pakinggan kahit rock ang tinugtog nila. Gusto… gusto ko rin siyang makitang tumugtog ng buo at masaya.
Kanina, sa stage, nakapwesto na ang apat na miyembro ng Ryddim para sa open field practice nila. Bigla na lang kasi silang pinagperform ng isang teacher nila na naiinis na dahil panay skip nila ng classes para lang makapagpractice. Nakakuha naman sila ng mga consents galing sa teachers na pinapayagan sila pero medyo strict yung teacher na yun at nakuhang mainis kahit napirmahan niya na yung letter of consent. Titignan lang kung okay ba at nakapagpractice sila ng matino sa nalalapit na Christmas Eve. Ang Christmas Eve na iyon ay parang normal na Christmas Party sa ibang mga normal na schools. Pero dahil kakaiba ang school nila, pagkakagastusan nila ito. Magkakaroon sila ng parang ball. Yun ay sa nalalapit na December 23. Ito’y parang formal celebration pero kung gusto ng mga batang maging radikal at magparty eh okay lang din. After all, mga kabataan din naman ang nagpursue ng ganitong program sa school nila specifically the student council. Sila rin naman ang may gusto at wala na masyadong say ang mga teachers.
“O-oi mga pre, kinakabahan ako.” Sabi ni Jake habang nakatingin lang sa bass guitar niyang hindi pa naseset-up.
Napalingon sa kanya si Zuriel pagkatapos eh lumapit sa kanya.
“Ako nga rin eh, hindi ko alam kung bakit.” Tapos umakbay siya sa kaibigan at sabay na napahawak sa dibdib niya. Nakatayo silang dalawa doon.
“Hindi naman ako kinakabahan sa mga naging gigs natin dati. Ngayon ko lang talaga naramdaman to.”
“Same here. Ewan ko ba kung bakit… Ah! Alam ko na! Siguro dahil-“ bigla siyang pinutol ni Marc.
“Baka kasi manood yung babaeng kinausap mo nung nakaraan. Ano nga bang pangalan nun? Hindi mo pa pinapakilala sa amin yun pre ah. Yung sinabihan mong pwede kang magbago dahil sa kanya? Kinakabahan ka kasi baka magkamali ka sa harapan niya... Tama ba?” tapos biglang nagpigil ng tawa si Marc.
“Sumasabat ka na ngayon ah. Huwag mo naman ipaalala sa akin yun please.” Sabi ni Jake habang hinawakan naman yung noo niya at nafrustrate ng konti. Konti lang naman.
“Oo nga. Hahahah! Kasi tinakbuhan ka niya!” nang-aasar na tumawa naman doon si Zuriel. Tinignan naman siya ni Jake ng nanlilisik na mata.
Nakapagisip rin naman si Zuriel ng posibleng dahilan kung bakit kinakabahan rin siya. Katulad nga ng sinabi ni Marc, baka nga dahil may isang importanteng taong maaaring makanood sa kanila. Pumasok sa isipan niya si Penelope.
Si Penelope, manonood kaya siya?
Makikita niya akong nasa stage at tutugtog, haaaay! Ano ba 'to?! Nagcicircus yung tyan ko. Manonood kaya si Penelope? Baka… ewan!
Dumating naman na rin si Yael, silang tatlo pa lang kasi ang nandoon. Wala pang mga tao masyado. Mayroong mga estudyante sa paligid pero hindi pa ganoon nga karami. Dala-dala ni Yael ang gagamitin niyang gitara. “Set-up na guys.”
Nagset-up na rin naman sila. At habang nga ginagawa nila yun, nakarinig na sila ng mga tilian, sigawan ng pangalan ng banda nila, ng mga pangalan rin nila. Mas lalong kinabahan si Jake at Zuriel.
Ayan na…
Paglingon nila sa direksyon ng mga audience, nagsidagsaan ang halos lahat ng mga taga-Stranton. Sobrang dami na ng tao. Panay naman linga ni Jake at Zuriel para maispot-an yung babaeng ineexpect nila. Pero kahit saan sila tumingin hindi nila makita ito.
Si Yael naman, nakatalikod siya. Inaayos niya kasi yung string ng gitara niya. Tinotono niya pa, eh kaso hindi niya rin gaanong marinig sa sobrang dami ng hiyawan. Pero naging successful din naman siya dahil naayos niya, since siya yung taong magaling sa mga tunes. Hindi niya na kailangan ng guide o anumang magsasabi ng tamang tune para sa gitara niya. He knows exactly the pitch.
Humarap na siya sa mga audience. “Hello, Stranton.” at naging maingay na naman ang lahat.
Manonood kaya yung mahilig sa palakang nerd na yun?
*________________* ♫Eighteen ♫
Nabobother talaga ako sa napanaginipan ko nung nakaraang nakatulog ako sa bench. May matandang lalaki doon eh. Hindi ko alam kung sino. Tapos may kasama rin siyang batang lalaki. And they’re like… saying goodbye to me. Umiiyak pa nga ako eh. Para akong nawalan ng napakaimportanteng tao sa buhay ko sa panaginip na yun. It was the same feeling as losing Mamay. Ang weird lang talaga, hindi ko magets kasi as far as I remember, hindi pa nangyari sa akin yun. Atsaka yung mga hitsura nila, total strangers para sa akin. Hindi ko na nga gaanong maalala yung details ng mukha nila since panaginip naman yun.
Nagsusulat lang si Penelope sa isang notebook. Mahilig kasi siyang magkeep ng journal na parang ganito. Hindi naman ito katulad ng diary kung saan nagsusulat siya araw-araw. Isa lang itong notebook na pwede niyang sulatan anytime na gustuhin niya. Hindi pa gaanong puno ang notebook na ito. Actually, niregalo yun ng Tita Agnes niya.
Ang galing galing nilang magperform! Hindi ko gaanong naintindihan yung lyrics nung una nilang kanta since hindi ako familiar dun eh. But I remembered some lines.
"hmmm... Faith or hope down a telescope, na na na hmm... in the stars... Na na na na na hmm... You can't explain a love like ours~ Ano kayang title nun?"
Magtatapos na ang araw na yun kung kailan nagkaroon ng live performance ang Ryddim sa open field ng school. Masaya naman si Penelope dahil nagalingan siya sa band nina Yael. Bukod doon, nakakita pa siya ulit ng isa pang kakaibang side nito.
After ng Science and Faith, tinugtog ng Ryddim ang rock version ng All I Want For Christmas Is You kaya naman ramdam na sa buong school na December na pala talaga at malapit nang magChristmas. Kinanta at tinugtog na rin nila ang dating pinapractice na Charlie Brown.
Nakasakay na si Penelope sa jeepney pauwi nun habang nagsusulat. Napagtripan niya lang naman kasi talagang magsulat sa journal na iyon dahil ang last entry niya ay halos last month pa. Bumaba na rin naman siya sa kanto ng entrance ng subdibisyon. Hindi na niya piniling magtricycle dahil medyo matagal ang pilahan ng pasahero. Naglakad na lang siya. Gusto niya rin naman talagang naglalakad dahil mas nakapagiisip siya ng malalim.
Ang nakakatuwa sa subdibisyon nilang ito eh layu-layo ang mga bahay at napakaraming puno sa paligid ng kalsada. Hindi na masyadong mainit dahil hapon na rin naman at medyo makulimlim. Medyo malakas rin ang hangin.
Lumingon si Penelope dahil nakarinig siya ng tunog ng sasakyang papalapit sa kanya. Nagbibeep-beep ito sa kanya. Nagulat naman siya dahil halos kamuntikan na siyang masagasaan nito. "Aaah!" sigaw niya habang mabilis siyang natumba. Nakita niya yung kotse, pamilyar ito.
Bumaba sa kotse si Yael at magkasalubong ang kilay na lumapit sa kanya. Tinignan siya nito at hindi man lang siya tinulungang tumayo.
"A-Aray..." napatingin si Penelope sa palad niya, may mga kaunting gasgas ito.
"Hoy ikaw! Ano bang ginagawa mo't nakaharang ka sa daan?! Kamuntikan na kitang masagasaan! Magingat-ingat ka nga!" sigaw ni Yael sa kanya. Tumayo naman mula sa pagkakaupo niya doon si Penelope.
Ha? Nakaharang ba ako? Nasa sidewalk naman ako ah.
Tinignan pa ni Penelope yung dinadaanan niya at humarap muli kay Yael.
"Hi-Hindi naman ako nakaharang eh. Nasa sidewalk naman ako ah. Baka naman... ikaw yung... careless." natatakot at mahinang sabi ni Penelope sa careless.
"Ano? Anong sabi mo? Ako? Careless? Ha!" sabi ni Yael. "Sayang at isasabay pa naman sana kita sa kotse ko pauwi dahil may gasgas yang palad mo!... At para naman magamot rin." tinignan niya si Penelope. "Sorry pero hindi na mangyayari yun. Nagbago isip ko. Maglakad ka pauwi!" tapos umalis na sa harapan ni Penelope si Yael at sumakay ng kotse atsaka nagdrive.
Anong problema niya? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magalit.
Napakamot na lang sa ulo si Penelope nun at nagtuloy na maglakad. Habang si Yael naman...
"Haaay!" sabi niya habang tumingin siya sa side mirror ng kotse niya at nakitang naglalakad pa rin si Penelope pauwi. "Siya na nga tong isasabay ko... Ako pa nasabihang careless?!" sabi niyang ganun. Sinubukan niyang hindi na lang talaga pansinin si Penelope na naglalakad lang ng masaya doon. Pero bumalik yung tingin niya. Mabagal lang yung pagpapatakbo niya ng kotse. "Ay, nageenjoy talaga siyang naglalakad?" sabi niya ulit. "Bahala siya!"
Pinatakbo niya na ang kotse niya paalis at nagdecide na iwan na talaga si Penelope. Pero pagkatapos nun eh bumalik siya sa kung nasaan na si Penelope. Nagulat naman ito dahil hindi niya ineexpect si Yael na babalik.
"O-Oh? Bakit-" pinutol siya agad ni Yael.
"Sumabay ka na!" sabi ni Yael na binuksan yung car window niya at sinilip si Penelope.
"Hindi na..." sabi ni Penelope. "Mas gusto ko talagang naglalakad. Salamat na lang." ngumiti naman si Penelope habang itinatanggi yung kamay niya.
"Ano bang problema mo ha?" bumaba na ng kotse si Yael. "Ikaw na nga tong pasasakayin ko eh!" sabay sarado nung pinto ng kotse ng malakas. "Alam mo bang..." medyo natigilan naman si Yael dun.
"Privilege yun! Ikaw kaya ang pinakaunang babaeng isinakay ko dun? Ha?! Kainis!" sabi ni Yael.
"Eh... Si Ysabelle, kapatid mo... Hindi mo pa ba siya naisasakay dyan?" tanong naman ni Penelope.
Aaaah! Lahat ba ng bagay kelangan kong iexplain sa kanya? Nakakainis na talaga! What I mean is that she's the only girl na hindi ko kamag-anak o blood-related na isinakay ko sa kotse ko. Bakit ba kasi ako nagwewaste ng time na kausapin itong babaeng ito? Aaaah! Nakakainis talaga! Crap!
"Edi wag! Umulan sana!" sabi ni Yael na pumasok na sa loob ng kotse.
Ang weird niya. May nakain ba siyang kung ano? Nagperform lang naman siya kanina ah, atsaka... Hindi naman siguro big deal yung pagperform niya dahil naging part na rin siguro ng daily routine niya ang pagtugtog. Ewan ko ba sa kanya. Nagugulat na lang ako palagi sa mga nakikita ko sa kanya.
Nagdrive na lang siya ng kotse niya habang naiinis. Magkaroon tayo ng kaunting flashback sa performance kanina.
Asan na yung palakang nerd na yun?
Hinahanap niya si Penelope habang nagpeperform ng science and faith. Hindi niya talaga makita. Bukod sa andaming tao eh nagtatatalon pa ang mga ito para sabayan ang pagtugtog nila. Naeenjoy naman halos ng lahat sa crowd ang tugtugin nila.
Andito ka ba? Nanonood ka ba?
Nasa kalagitnaan na sila ng Science and Faith nung nakakita siya ng babaeng may bangs. Mahaba ang buhok na straight, nakangiti at lubog ang dimples sa magkabilang pisngi habang naroon lang na nakatayo sa pinakagilid ng stage at nakapikit.
She... She's here.
Hindi na niya ulit tinignan si Penelope nun. Inenjoy niya na lang ang pagperform. Knowing that the girl she's finding ay nandoon lang pala kaya wala na siyang pinuproblema. Nawala rin yung nararamdaman niyang nerbyos dahil nakita niya ito, nakangiti pa.
Pero bakit siya nakapikit?
Nagtaka naman siya dun pero inisip niya na lang na ang importante eh naroon at nakikinig si Penelope kahit na hindi niya siya nakikita. Nakangiti naman eh. Ibig sabihin, masaya siya.
Nakarating naman kaagad sa bahay nila si Yael. Pumasok siya sa loob at pumuntang kwarto niya. Humiga na lang siya doon. Maya-maya, pagkatapos ng kanyang medyo mahabang pagkatulala sa ceiling eh napahawak ang dalawang kamay niya sa mukha niya.
"What the heck did I do? Nakakahiya naman pala yun! Kainis talaga! Aaaaargh..." nakahiga pa rin siya nun. And then bigla niyang tinignan ang bintana.
May mga patak na ng tubig ito. Nagsimulang pumatak ang droplets ng ulan sa salamin ng bintana niya and then lumakas na rin ito eventually. Napatayo naman kaagad mula sa pagkakahiga si Yael.
Bumaba siya ng hagdan at hinanap si Penelope.
Umuulan ah. Nasa labas pa ba yun?
Pagkababa niya sa first floor ng bahay nila eh saktong kakapasok pa lang ni Penelope. Nakita niya ito na medyo basa. Tinignan niya kung may payong ito pero wala naman itong hawak. Nagbubuo-buo yung bangs ni Penelope at hawak niya ang bag niyang basa na rin.
Medyo nakaramdam naman ng guilt si Yael sa mga sinabi niya kanina, pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makahanap ng tamang words na sasabihin kay Penelope.
Ineexpect niya na baka mainis sa kanya si Penelope o kaya naman magkaroon ng kakaibang expression dahil iniwan lang niya ito doon at hindi pinilit na isabay o kaya naman dahil sa sinabihan niya ito na "umulan sana".
Kasalanan na niya kung mabasa siya! Hindi naman siya pumayag na sumabay sa akin eh. Bakit ko kailangang makaramdam ng guilt?
Pero nagulat siya nung ngumiti si Penelope.
"Bakit? May problema ba?" tanong nito sa kanya.
"Uh... ano kase... Nabasa ka ah." sabi ni Yael.
"Ha?... Ah... Ou nga eh. Naabutan ng ulan." Sumilip si Penelope doon sa sala nila. "Oh? Bakit wala si Ysabelle? Usually nandito siya eh, naglalaro."
Sakto naman at nakaramdam ng pagvibrate ng cellphone si Yael mula sa bulsa niya kaya kinuha niya ito kaagad at binasa ang isang text message na kakareceive niya pa lang.
From: Ate Ylie
+63917******* Bro~ nandito kami ni Ysabelle, Mom tsaka Dad sa Pangasinan to see the hospital construction here. Sorry we didn't tell this to you earlier. We're gonna be back by 8 or 9, who knows, but I'm quite sure na makakauwi rin kami ngayon. Hindi kami papaabot hanggang bukas.
Oh... Crap.
Ibabalik niya na sana yung phone niya sa bulsa niya nung bigla ulit itong nagvibrate. Tinignan niya ulit ito.
From: Ate Ylie
+63917******* Oi! Don't do anything weird to Penelope while we're gone unless you wanna die.
Tsk! Para namang may gagawin ako sa kanya. Oi! Hindi ko siya type noh! Babaeng wirdo na nga, nerd freak pa, mahilig pa sa palaka, anong attractive dun? Sabihin niya nga! Hinding hindi ko siya magugustuhan at never ko siyang titignan in that way...
Tinignan niya ulit si Penelope sa harapan niya. Haggard and all dahil tumakbo sa ulan. Basang-basa ito pero mabuti na lang at hindi nagwhite si Penelope ngayon. Nakablue siya.
"U-ui... May problema ba? Anong nangyari? Bakit bigla ka yatang natigilan?" nagalala si Penelope. "May nangyari ba kay Ysabelle?" tanong niya dahil bukod sa wala doon si Ysabelle na usually naman talagang naglalaro sa sala at sasalubungin ang Kuya niya o kaya naman sasabihan siya ng "Panget!" eh tulala si Yael sa kanya habang hawak ang phone.
"H-Ha?" nawawala sa sariling sabi ni Yael. "Aaah... U-umalis sila."
"Ganun ba?... Saan sila pumunta?" natigilan din si Penelope doon at nagsalita ulit, "Ibig sabihin... ta-tayo lang nandito?" napatango na lang si Yael.
Talaga naman oh! Kaming dalawa lang sa bahay!? Are they seriously doing this!? Kunsabagay, ilang oras lang naman kaming magkakasama dito. Magtiis-tiis na rin muna.