Copyright April 2012 You Won’t Feel a thing



Yüklə 0,89 Mb.
səhifə3/13
tarix26.08.2018
ölçüsü0,89 Mb.
#74559
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13
"Hay naku, Penelope, kapag ako naging abogado na, hahuntingin ko sila isa-isa at idedemanda ko!" nagtawana na lang sila.
Alam naman nila parehong nagjojoke lang si Brianne. Pero alam din ni Brianne sa sarili niya na kapag sumobra na ang ginagawa sa kanya at naramdaman niyang she had enough eh baka magawa talaga niya. Kahit sa Daddy niya'y pwede niyang pagawan ng paraan. It doesn't mean na porke iniignore niya ang mga iyon ay okay lang sa kanya na mabully. She thinks she can still handle it. And parang kaya niya naman talaga.
*****
“She’s really pretty... Simple lang yung ganda niya eh. Siya yung ganda na.. Hindi mo gaanong makikita dito sa campus.” halatang lutang si Jake habang nagkukwento sa kaibigan niya.
“Ano na naman ba yan, Jake?” inquire naman ni Zuriel sa kanya.
“I just met a pretty girl this morning. Pero… mukhang natakot yata sa akin.”
“Bakit?... Ah alam ko na. Siguro tinanong mo kung gusto niya bang maging girlfriend mo no?”
“Oo.”
“Tapos umaya-“
“Huwag mo ngang sasabihin yan!” Si Jake, ay woman-lover pero rejection-hater. Ayaw na ayaw niya yung feeling na nirereject siya. Kanina, seryoso talaga siya sa sinabi niya kay Penelope. Napansin niya kasing nagulat yata yung girl in a different way. Kaya inunahan na niyang joke iyon.
“Oo na oo na. Hindi ko na sasabihing umayaw siya sa iyo.” Tumingin si Zuriel sa kanya nang nakakaloko at tinignan naman siya ni Jake ng naiinis.
At nagsimula silang magwrestling. Wrestling in a way na lokohan, medyo nagkakasakitan pero nagtatawanan naman sila.
Tumigil sila nang nakita na nilang nakatingin si Yael sa kanila. Nasa practice room sila. Hawak ni Yael yung gitara niya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanila, habang si Marc naman, gumagawa ng mga drum tricks niya. Napatayo sila bigla at napaseryoso ng mukha. Iniwas naman ni Yael yung tingin niya pero after nun, nagsuntukan pa rin yung dalawa sa braso at tumawa ng mahina.
They decided na hawakan na rin yung mga sari-sarili nilang instruments. Jake grabbed his bass guitar and Zuriel did the same too.
“Ako naman... may nameet din ako kahapon.” ang sabi naman ni Zuriel habang isinusukbit ang gitara sa balikat niya.
“O?”
“Oo, ang cute cute niya nga eh.”
“Uyy… Haha! Binata ka na, dude! Gusto mo tips?” Inasar asar naman siya ni Jake.
“Tigilan mo nga ako!” ngayon naman si Jake na ang nakatingin ng nakakaloko habang si Zuriel naman ay nakatingin ng naiinis.
“Guys! Ano ba?” naiinis na sabi ni Yael sa kanilang dalawa kaya naman napahinto sila. “Kayo na nga yung mga late kahapon eh..” Inayos niya yung pagkakahawak niya sa gitara niya. Nagsitahimik naman silang lahat.
“On my count, one, two, three…”
Nagsimula na silang tumugtog.
Charlie Brown by Coldplay:
Wooh ooh ooh ooh

Stole a key


Took a car downtown where the lost boys meet
Took a car downtown and took what they offered me

To set me free


I saw the lights go down at the end of the scene
I saw the lights go down and they're standing in front of me

Wooh ooh ooh ooh

And my scarecrow dreams
When they smashed my heart into smithereens
Be a bright red rose come bursting the concrete

Be a cartoon heart

Light a fire a fire a spark
Light a fire a flame in my heart
We'll run wild

We'll be glowing in the dark

Wooh ooh ooh ooh

We'll be glowing in the-


Biglang nagstop kumanta si Yael. Kaya naman napatigil din silang tumugtog.
“Mali. You took a wrong string there.” Ang sabi ni Yael kay Zuriel.
“Oh. Sorry. I thought tama.”
“Okay, from the top.”
As always, he’s attentive. Kahit na mainisin yan, mabait pa rin naman siya. He’s like an older brother to all of us.
They continued playing hanggang matapos nila yung kanta.
“My auntie invited us to play sa coffee house, mamayang gabi. Gusto ko lang din malaman kung papayag kayo.”
“Sure? Why not?”
“Sige, sa tingin ko masaya yun.” naisip kasi ni Jake na baka may mga girls doon.
“Tara! Coffee house? May mga cakes din dun diba? I am craving for cakes.” tapos mukhang nagdaydream si Zuriel tungkol sa cakes.
“Tsk. Tsk. Sana tumanggi na lang kayo.” Hinawakan ni Yael ang noo niya.
“Bakit naman? Eh ginagawa rin naman natin to ibang bars and resto.." tanong ni Zuriel.
“Tinanggihan mo siya no?” hula naman ni Marc.
“Oo, mapilit si Auntie eh.”
“Bakit ba kasi ayaw mo? Ok naman yung tugtog natin ah.” medyo nagagree naman yung iba sa sinabi ni Jake.
“Wala namang problema sa tugtog. Ayoko lang talaga dun.”
“Majority rules.” nakangiting sinabi ni Zuriel.
“Guess I have no choice, sige. Magkita-kita tayo ng 7 P.M. sa bahay.”

*________________*


♫ Five ♫
Binuksan naman ni Penelope ang gate ng bahay at nagdirediretsong pasok doon. Nakita niya bigla sa sala ang Tito at Tita niya na para ba talagang hinihintay ang pagdating niya. Saka naman niya biglang naalala ang sinabi sa kanya ni Tito Andrew kaninang umaga.
"Sige, Penelope, umakyat ka muna doon sa kwarto mo at magpalit ng damit. Mukhang pagod ka yata." ang sabi ng Tito niya.
Tinanggihan naman niya iyon. "Tito, okay lang naman po. Mukhang importante po yung sasabihin niyo eh. Mamaya na lang po ako aakyat."
"O sige." bumuntung-hininga naman ang Tito niya.
"Tungkol saan po ba 'yon?" matapos niyang magtanong ng ganito, napansin niyang nagkatinginan ang magasawa. Malungkot ang mukha nila parehas pero mas malungkot ang kay Tita Agnes niya.
"Penelope, hindi na namin patatagalin pa." medyo naging seryoso ang tingin ng Tito Andrew niya. Kinabahan rin siya, it was the same feeling na naramdaman niya nung sinabihan siya kaninang umaga.
"I have been promoted." nanlaki yung mga mata ni Penelope at nagkaroon rin ng smile sa mukha niya. Parang medyo nalift yung nervousness na nararamdaman niya.
"Wow! Congratulations po!" ibinalik naman ng Tito at Tita niya ang ngiti. Pero saglit lang iyon dahil naging seryoso na naman sila.
"Kasabay ng promotion ko eh ang paglipat nila sa akin sa States. They allowed me, o mas magandang sabihin na sinuggest nilang isama ang pamilya ko." Mas naging malapad ang ngiti ni Penelope. Ang malapad na ngiti niya naman is out of pure happiness para sa pamilya ng Tito niya.
"Napakagandang opportunity po nun! Huwa niyo po sanang tanggihan." Hindi maintindihan nang magasawa kung bakit direct opposite ang kinalabasang reaction ni Penelope sa ineexpect nila.
"Alam mo naman kasi Penelope, na itinuturing ka na naming pamilya dito. Parang anak ka na namin ng Tita mo. Alam rin naman namin ang tungkol sa gusto mong gawin. Pero gusto pa rin naming malaman... kung papayag ka bang sumama sa amin sa States at maging legal na anak namin." sa sinabi ng Tito niyang ito, medyo nagfade ang ngiti sa mukha ni Penelope. At matagal din siyang hindi nagsalita.
"Hindi ka naman namin pinepressure o ano. Bibigyan ka naman namin ng sapat na panahon para pagisipan iyon." Medyo natagalan pa rin si Penelope na sumagot at tatayo na sana si Tita Agnes niya para kumuha ng tubig para sa kanya.
"Tita, ok lang po." tumingin na rin ng diretso si Penelope sa mga taong tumulong sa kanya. Bumalik naman sa kinauupuan niya si Tita Agnes.
"Thankful po ako sa lahat ng ginawa niyo para sa akin. Kulang po ang salita para maexpress ko po iyon. Alam niyo naman po yung tungkol sa... dream ko." medyo napahinto si Penelope doon.
"Gusto ko po talagang hanapin ang tatay ko and at the same time, gusto ko rin po talagang sumama sa inyo kaso lang po, alam kong may dapat akong gawin dito." tumayo ang Tita Agnes niya at umupo sa tabi niya. Niyakap naman siya nito.
"Pasensiya na ha. Hindi ka namin maaalagaan pa ng matagal." ang sabi ng Tita niya habang nanginginig ang boses. Alam ni Penelope na umiiyak na ito kaya medyo hinimas niya ang likuran ng Tita niya. Ngumiti siya at nagsalita muli. "Tita, sobra sobrang pagaalaga na nga po yun eh! Mukhang nababy na nga po ako masyado." Medyo tumawa ang Tita niya at nagbitiw na rin sila.
Nakita niya ang Tito niya na nakangiti rin. Bigla naman itong tumayo. "O sya, sige, paghandain mo na nga ng sarili yan si Penelope."
"Bakit po? Para saan?"
"Magkakaroon tayo ng family dinner. Lalabas tayo once na okay ka na. Nauna na sa restaurant si Mikhail. Gusto lang namin icongratulate ka dahil nakapasok ka sa Stranton atsaka sa promotion din ng Tito mo." explain naman ng Tita niya habang yung Tito niya naman ay naglabas ng susi.
"Ihahanda ko lang yung kotse." ang sabi nito sabay alis.
"O sige na, umakyat ka na doon. Magdress ka ha." ang sabi sa kanya ng Tita niya at napansin niya ring nakaformal wear din ang Tita at Tito niya kanina.
Umakyat naman na siya doon at nagayos ng sarili. Mixed emotions ang nararamdaman niya. Malungkot siya dahil mawawalan na naman siya ng mahal sa buhay pero for the good naman ng pamilya. At the same time, masaya siya para sa mga ito. Naisip niya ring magiging okay sila doon sa States.
Nasa kotse na sila at nagdadrive ang Tito Andrew niya. Nasa front seat ang Tita niya at nasa likuran siya. Napagusapan lang nila ang tungkol sa pagstay nila doon sa States.
"Huwag kang magalala, babalik din kami dito every once in a while." ang sabi ng Tita niya.
"Naku, baka po pagbalik ni Mikhail, manosebleed na po ako sa kanya." medyo natawa naman sila doon.
"Oo nga pala, saan ka na nga pala magiistay?" biglang tanong ng Tito Andrew niya. Isa yun na napakaimportanteng bagay na dapat eh unang una nilang napagusapan.
"Maghahanap na lang po ako ng part-time job at pwede naman po akong magboarding hou-"
"Hindi pwede yan!" nagulat si Penelope at hindi pa nga niya natatapos yung sasabihin niya ay tumutol na ang Tita niya. "Huwag kang magboboarding house! Alam mo naman ang mga nangyayari sa panahon ngayon diba? Marami nang loko-loko ngayon. Alam kong mage-18 ka na, pero hindi ako tiwala hangga't mga hindi ko kilala ang makakasama mo."
"Tita, huwag po kayong magalala. Lagi naman po akong may dalang kni-" sasabihin niya sanang hindi niya inaalis sa tabi niya yung knife niya.
"Penelope, makinig ka sa Tita mo." bigla namang sabat ng Tito niya.
"Sorry po."
"Alam ko na, ibigay mo nga yung contact ng sponsor mo. Sinusulatan mo siya diba? Hmm... Baka matulungan ka niya. Well, matutulungan ka naman namin kaya lang hindi nga lang sa personal kapag nandoon na kami sa States. As of now, ang mga nagaalaga sa iyo ay kami at ang sponsor mo. Maybe I should call him..."
"O, sige po."
Sa tingin ni Penelope ay dapat na siyang maging independent, ayaw na niyang makaabala sa iba.
Nakarating naman sila doon sa kainan. Nagusap sila tungkol sa mga mangyayari kapag umalis na sila papuntang America. Dapat daw ay palaging online sa Skype si Penelope.
Panay naman ang yakap ni Mikhail kay Penelope. Walang awkwardness sa kanila dahil sadyang close sila nito. Pinaalala lang ni Penelope na next next week pa ang alis nila at marami pa silang time para makapagbonding sa isa't isa.
*****
Mga late na naman!
Nandito ngayon si Yael sa tapat ng bahay nila at naghihintay sa mga kasama niya. Wala pa ni isa ang nandoon. 6:30 pa lang kasi. Mga saktong 7 dumating si Zuriel kasama si Marc. Mga late ng limang minuto si Jake.
"Nandito na ako! Pinaghintay ko ba kayo?"
"Tsk."
"Ha? What did I do?" nagsimula namang maglakad paalis si Yael at inistart ang kotse niya. Yup, may kotse na siya. Kung hindi niyo itatanong ay 18 na siya. Birthday gift ang Chevy Cruze na ito sa kanya ng parents niya when he turned 18 a month ago.
"Bakit na naman ganun yun?" nagtatakang tanong ni Jake. Ramdam niya kasing parang nay nagawa siya.
"Ano ka ba? Lagi siyang ganyan." ang sabi naman sa kanya ni Zuriel.
"You're right." tatawa na dapat sila nang bigla silang tinawag ni Yael.
"Lets go." Naiinis lang si Yael. Kasi para sa kanya, understood na dapat before 7 ay nandoon na ang mga kasama niya.
Si Zuriel at Marc saktong 7 naman sila dumating. Si Jake..! Siguro mas inuuna nun ang mga babae. Hay talaga naman!
Intindihin na lang natin siya. Eh sa ganyan siya eh. Medyo nagbibinata lang. Likas na time conscious kasi. Pero after naman ng ilang mga sandali, makakalimutan naman niya kaagad iyon ay magiging patag na naman ang noo niya. Nakakulubot kasi kapag naiinis siya.
Nagdadrive siya nun. Nasa front seat si Marc at ang dalawa ay nasa likuran. Tinitignan niya yung bawat restaurant sa magkabilang side ng high way. Hindi niya kasi alam ang eksaktong lugar na iyon dahil first time niya ring pupunta doon.
Habang nagtitingin-tingin siya doon, may nakita siyang pamilyar.
Her? Siya yung nahulugan ng Indian...
Nakita niya si Penelope mula sa glass window ng isang restaurant. Nakadress siya at mukhang eleganteng elegante.Tumatawa-tawa siya doon. At biglang may yumakap sa kanya. Hindi maiwasan ni Yael na sundan ng tingin ang direksyon kung nasaan si Penelope, kaya naman,
"Hoy, hoy! Sa harap mo!!" sigaw ni Marc.
"Aaaaaah!!" react naman ni Zuriel.
Nagtakip na lang ng mukha si Jake.
Naipreno naman iyon ni Yael. Kinabahan rin naman siya. Dahil sa busy siya kakatingin doon, hindi niya namalayang nagstop na pala ang truck na nasa unahan nila. Muntikan na silang bumangga doon.
Halos lahat sila ay huminga ng maluwang after ng preno.

"Bikkurishita!!" nagsimula nang magjapanese si Zuriel. Napansin niyang nakatakip pa rin ng mukha si Jake.

(A/N: Bikkurishita means 'that surpised me'/'nagulat ako')
"Jake, Jake. Buhay pa tayo." ang sabi ni Zuriel kaya naman tinanggal na ni Jake yung kamay niya sa mukha niya.
"Marunong ka ba talaga magdrive?" tanong naman ni Marc.
"Magkakakotse ba ako kung hindi? I was distracted, that's all."
At nagpatuloy na sila sa daan.

*________________*


♫ Six ♫
Nakarating na sila sa coffee house. Nakita nilang hindi lang iyon basta-bastang coffee house. Sa labas, nakapaskil sa itaas ng front door ang pangalan nito
Aiment le Café
Sa loob naman, medyo madilim. Mga dim lights lang sa paligid ang ilaw nila. Tapos may spotlight sa stage. Nakita nilang may pianist doon at sobrang galing tumugtog. Naamoy nila ang scent ng coffee. Hindi iyon matapang kundi sweet. Ang ganda ng ambiance sa loob.
Inapproach naman sila bigla ng Auntie ni Yael.
“Hi!” nagwave ito sa kanila. Hindi halatang matanda na ang Auntie ni Yael. Para pa rin siyang teenager manamit at bagay na bagay naman iyon sa kanya.Nagkiss siya sa pisngi ni Yael.
“Sila ba ang mga kabanda mo?”
“Yes, auntie.”
“Hello din sa inyo.” Nagsingitian lang sila doon. “Mabuti naman at pumayag kayo. Ayaw kasi nitong batang to na tumugtog kayo sa hindi ko malamang dahilan. Tsk. Ewan ko ba diyan. Ang sabi ko kasi sa kanya, kapag hindi kayo pumayag, hinding hindi ko na siya kukulitin para tumugtog dito ang banda niyo.” Nagkamot lang ng ulo si Yael.
"Tita mo? Parang magkapatid lang kayo eh." sabi ni Jake.
"Oo nga, para lang siyang si Ate Yli."
"Alangan namang si Ysabelle."
"Anong mga pinagbubulungan niyo jan?" ang tanong nung Tita niya na nakangiti.
Nagpakilala naman sila isa-isa. Pagkatapos noon, pinapasok sila sa isang, parang back stage room ng café house na iyon. Ang sabi sa kanila, stand by muna sila habang hindi pa tapos yung pyanista, pagkatapos daw nito, lalabas na sila.
“I hope you’ve prepared something na… you know, babagay sa ambiance ng café. I’m looking forward sa tugtog niyo.” Sabay alis ng Auntie ni Yael. At nagkatinginan naman silang apat doon.
“I guess, hindi muna tayo rock ngayon.” Banggit ni Marc na sinang-ayunan nilang lahat. Nakita naman nila kanina na kumpleto ang instruments sa stage kaya wala namang problema.
Bakit ba ayaw ni Yael? Actually, there is no reason para tanggihan niya ang pagtugtog sa café ng Auntie niya. Tumutugtog naman sila sa ibang mga bars, restos, at coffee house na katulad nito. Dapat nga ay gustuhin niya yon dahil isa silang banda.
I don’t really know why. Siguro dahil I just play for… fun? Hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso. I know we’ve been in competitions many times and we’re winning most of the time. And we have tried playing in gigs... O baka naman tumatak lang talaga sa isip ko yung sinabi ng taong iyon... Kung ganoon nga, there is more reason pala para tumugtog ako.
Inayos na nila ang mga sarili nila. They’re just wearing they’re usual na porma. They heard the voice of Yael’s Auntie sa labas at sinabi yung pangalan ng banda nila. Lumabas naman na sila after. Nagpakilala sila katulad ng usual nilang ginagawa sa isang competition. They don’t feel anything but the delight to play their instruments maliban na lang siguro kay Yael na medyo neutral lang ang nararamdaman.
“Hey there.” Si Yael ang nagsasalita in behalf of the band. May mga bulung-bulungan lang sa paligid na pinaguusapan sila, how they look, how famous they are dahil palagi silang nananalo sa mga battle of the bands at kaunting push na lang eh sikat na sila sa buong Pilipinas for their music.
“We’re the Ryddim and… we’re here to render a sweet song for all of you. Ako si Yael as the lead vocalist. Si Zuriel, ang lead guitarist namin.” Ngumiti at kumaway naman si Zuriel. “Marc, our drummer.” Itinaas naman ni Marc ang isa niyang kamay na may hawak na drum stick. “And of course, our bassist, Jake.” Ngumiti si Jake at nagflying kiss kaya naman medyo may mga kinilig sa crowd. “May you enjoy our song tonight at baka maging every night na rin iyan.” medyo ngumiti siya. Tapos nagiba naman yung mga expression sa mukha ng mga kabandmates niya na parang nagtaka. “93 Million Miles by Jason Mraz.
Sinimulan iyon ng pagstrum ni Zuriel sa gitara niya.
93 million miles from the Sun people get ready get ready
'cause here it comes it’s a light a beautiful light

Over the horizon into our eyes Oh my my how beautiful

Oh my beautiful mother
She told me "Son in life you’re gonna go far and if you do it right you’ll love where you are
Just know that wherever you go you can always come back home"

240 thousand miles from the Moon, we’ve come a long way to belong here


To share this view of the night a glorious night over the horizon is another bright sky
Oh my my how beautiful oh my irrefutable father
He told me "Son sometimes it may seem dark but the absence of the light is a necessary part
Just know, you’re never alone, you can always come back home"

You can always come back…


Every road is a slippery slope


there is always a hand that you can hold on to
looking deeper through the telescope
You can see that your home’s inside of you

Just know, that wherever you go, no you’re never alone, you will always get back home


93 million miles from the Sun, people get ready get ready
'cause here it comes it’s a light, a beautiful light, over the horizon into our eyes
*****
Nagising na si Penelope at hinanap niya yung salamin niya sa side table. Kinapa-kapa niya doon. Medyo kinabahan na siya dahil hindi nga siya makakita kapag wala iyon. Finally, nakita niya naman. Nasa itaas lang pala ng lampshade.
Naghanda na siya sa pagligo niya. Kinuha na niya yung tuwalya. Nung papasok na siya sa banyo ng kwarto niya, naalala niya kaagad na Saturday pala. Ibinalik niya yung tuwalya sa pinagsasabitan nito at humiga ulit sa kama.
Feels good. Saturday pala. Saturday, walang klase, walang bully.
Kahit na ayaw na niyang maalala, naalala niya pa rin ang mga iyon.
Ibang klase rin naman ang pinagdaanan ni Penelope sa buong linggo. Kabi-kabila ang mga bully. Palaging hinuhugot sa kanya yung mga homework niya. Tapos pinagpipyestahan ng mga kaklase niya yung papel niya. Pagbalik sa kanya, kulang na lang maging abo yung papel. Pinagtatanggol naman siya ni Brianne pero kapag ginagawa niya iyon, kay Brianne naman bumabaling yung mga bully. Kaya ang ginagawa niya, as much as possible, hindi na niya sinasamahan si Brianne. Malungkot siya na kailangan niyang dumistansiya sa tanging kaibigan niya. This time, hindi lang puro mga babae ang nangbubully kundi may mga lalaki na rin. She doesn't know what she did wrong. Yes, she's clumsy most of the time. At minsan, nagkakaatraso siya sa mga natutulak niya or naaabala niya accidentally. Kapag nasa hallway naman, minsan binubuhusan siya ng tubig. Kaya lagi na siyang nagdadala ng pamalit. Nahihirapan si Penelope pero ayaw niyang ipakita iyon.
Dapat ko pa ring ipakita na malakas ako. Kaya ko to... Hindi pwedeng mag-alala sila Tita. Hindi talaga ako pwedeng mag-give up. Dyan ako sa school na yan kahit anong mangyari.
Sinubukan niya ring magsign-up sa mga clubs ng school. Nakita niya ang mga iyon sa bulletin board. Nagtitingin siya doon. Alam niyang sasablay siya sa Art club dahil wala siyang talent pagdating sa drawing, mas lalo naman sa Dance club, pati na sa Sports club. Nagdadalawang-isip siya sa Journalism club. Naisip niyang okay naman siya sa pagsusulat since feature writer siya sa dati niyang school. Naisip niya rin na dapat siguro magtry siya ng bago. May Cooking club din doon. Since sa tingin niya’y mahilig naman siya magluto, nagsign-up siya kaagad dito. She need to sign-up on atleast 2 clubs. May mga club din doon na nawirduhan siya, may Yearbook at Prom Committee na siguro binubuo ng mga estudyante na gustong maging the best ang yearbook at ang prom. May Foreign Language club din, at nakalagay pa sa sign-up paper ang picture ng nakilala niya sa may open sink ng school. Nakapeace ito at nakangiti.
Oh… Siya yun ah. Ano nga bang ulit yung pangalan niya? Ang bilis niya kasing magsalita nun eh. Natatandaan ko lang na sounds like ‘yel’ yung dulo ng first name niya.
Nandoon din naman yung picture ni Jake sa papel ng Sports Club, naglalaro siya ng basketball doon. Her eyes roamed again, at nakita niya rin si Marc. Nasa journalism club ito. May nakita pa siyang isang club na may display din na picture.
Anong klaseng club naman ito?
Nakita niya si Yael na hindi nakaayos ang tayo samantalang yung ibang mga kalinya niya ay nakastand straight. Ang club na iyon ay ROTC (Reserve Officers’ Training Corps) club. Nakita niya rin yung description ng club na iyon.
‘Assisting students to learn more about their country and its history as well as nationalism. Aiming personal growth and building up good character for every youth.’
In the end, nagsign-up siya sa Journalism club at Cooking club, wala na kasi siyang mahanap na ibang mga club na pwede sa kanya. Nagkaroon din ng general meeting sa Journalism Club and right after it, nagkaroon ng audition. Siyempre, sumama si Penelope sa mga gustong maging feature writer. Alangan namang doon siya pumila sa mga cartoonists. Pero nakita niyang isa sa mga facilitator si Marc. Nakita niya rin sa listahan ng staffs ang buong pangalan nito.
Marc De Castro as Cartoonist. Siya yung nangangandidato diba? So cartoonist pala siya. Napakatalented naman pala nilang lahat. Akala ko tuloy nung una, nagpapasikat lang silang apat.
Nalaman niya na ring Official Band ng school and Ryddim nung naikwento niya kay Brianne ang mga iyon. Napagisip-isip lang kasi siya kung bakit may mga ganoong tao sa school. Ibang iba rin naman kasi ang environment sa Stranton kung ikukumpara sa ibang eskwelahan.
Fortunately, natanggap si Penelope. Graduating student na rin kasi yung feature writer at medyo busy na ito sa mga papers niya. Nagkaroon din lang ng maikling ceremony sa auditorium as they announce the names of those accepted. Masayang masaya naman si Penelope. Pumunta siya sa stage at kinamayan siya ng lahat ng members nito mula editor-in-chief hanggang sa photographers and photo editor. Pati na rin ng mga newspaper advisers.
Hindi niya alam kung bakit ang hilig-hilig ng mga tao rito ng mga party dahil kasunod ng ceremony ay aquaintance party.
Dahil hindi naman siya magaling sa mga ganito, nagmasid lang siya sa paligid habang nakaupo. Nakita niyang naguusap-usap yung iba. May mga nagstart na maglaro. Yung iba rin sumasayaw. Malakas rin ang tugtog ng stereo. May mga tao namang nagyayaya sa kanya na magjoin pero tinatanggihan niya silang lahat.

Yüklə 0,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2025
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin