“Oh, kayo pala, sir-“ hindi na niya pinatapos yung sasabihin nung guard.
“Nandiyan na ba sila?” tanong niyang pagalit.
“Opo, sir.”
“Sige, papasukin mo na lang ako.” At sinimulan naman nito na buksan yung gate. Ipinark naman niya ito sa isa sa mga parking spot doon.
A modern house on a large green lot with a fountain for welcoming guests. There are shady trees around as if protecting the house walls that are made of red stone bricks. There are also flowers beside those walls. A curved path is situated that goes around the fountain and that also leads to the wooden front door.
He went in. Nagdirediretso siya dito nang hindi pinapansin ang mga maid kahit na binabati siya ng mga yun. Binuksan niya yung pinto ng room na exclusively para sa kanila. Sa kanya-kanya ring bahay nilang apat ay mayroong room na ganito. Isang room na maraming musical instruments, puro wires sa sahig, may carpet, maraming speakers at maraming cd na nakaipon sa isang malaking shelf. As an ordinary house studio eh medyo magulo ito.
He slammed the door hard. At napatigil na magplay ang lahat. Currently nilang tinutugtog ang ‘This is Love’ ng The Script nang mapansin nilang pumasok si Yael. Seryosong-seryoso ang mukha nito at nakatingin lang sa sahig. He grabbed his guitar and then nagcount.
“One, Two, Three…” pinasimulan ito ng drums ni Marc.
It’s in the eyes of the children
As they leave for the very first time
And it’s in the heart of the soldier
As he takes a bullet on the front line
It’s in the face of a mother
As she takes the force of a blow
And its in the hands of the father yeah
As he works his fingers to the bone yeah
Habang kumakanta si Yael eh sinasabayan siya ni Zuriel as his backup vocalist.
I’m standing under a white flag oh
Can you see me oh, can you see me oh
I’m standing for everything we have oh
Can you hear me oh, can you hear me
This is why we do it this is worth the pain
This is why we bow down and get back up again
This is where the heart lies, this is from above
Love is this, this is love
Love is why we do it love is worth the pain
Love is why we fall down, get back up again
Love is where the heart lies love is from above
Love is this, this is love
This is love
This is love
This is love
Everyone seems enjoying this simple jamming but not Yael.
It’s in the soul of a city
What it does after it crumbles and burns
And it’s in the blood of a hero
To know where he goes he may never return yeah
I’m standing under a white flag oh
Can you see me oh, can you see me oooh
I’m standing for everything we have oh
Can you hear me oh, can you hear me
This is why we do it this is worth the pain
This is why we bow down, get back up again
This is where the heart lies this is from above
Love is this, this is love
Love is why we do it love is worth the pain
Love is why we fall down, get back up again
Love is where the heart lies love is from above
Love is this, this is love
This is love
This is love
This is love
He sings about love but what he feels right now is actually the direct opposite.
If you could be anywhere that you wanted to be
With anyone that you wanted to be with
Do anything that you wanted to do
What would it be and who would it be with you
Time flies but you’re the pilot
It moves real fast but you’re the driver
You may crash and burn sometimes
This is why we do it this is worth the pain
This is where we bow down get back up again
This is where the heart lies this is from above
Love is this, this is love
Love is why we do it, love is worth the pain
Love is why we fall down get back up again
Love is where the heart lies love is from above
Love is this, this is love
*****
Nakasalampak lang silang apat sa kulay pulang carpeted na sahig. Nakaindian sit si Zuriel habang nilalantakan ang siopao. Si Marc naman gumagawa ng mga drum beats gamit ang palad niya at pinapalo niya ito sa thighs niya. Si Jake naman nakahiga habang may kausap sa phone. Babae, as usual.
Samantalang si Yael, nakaupo lang din siya. Nakasubsob yung mukha niya sa nakabaluktot niyang tuhod habang nakapatong naman ang mga braso sa ulo niya. He’s like that mula nang matapos silang tumugtog.
“Anong problema niyan?” tanong ni Zuriel kay Marc.
“His Dad again.”
“Oh… That’s a delicate topic.” Halos lahat sila ay ayaw talagang pagusapan ang mga personal na mga issues nila lalo na yung kay Yael dahil pinakakumplikado yung sa kanya. But sometimes, they do. Afterall, they have been with each other for almost 5 years.
Bigla namang tinaas ni Yael ang ulo niya. For the first time since nung tumugtog sila ngayon niya lang tinaas ang ulo niya. Kaya naman napatingin si Marc at si Zuriel sa kanya. Si Jake naman, tumawa ng malakas at nagcontinue sa pakikipagusap sa phone habang nakahiga pa rin at nakapatong naman ang paa niya sa dingding.
“A-Anong oras na?” tanong nito.
“2… maybe 2:30.” Matapos niyang malaman ang sagot mula kay Zuriel ay bumalik siya sa dati niyang posisyon.
“Hey dude, okay ka lang?” tinabihan na siya ni Zuriel. Nag-aalala na rin si Zuriel dahil iba talaga ang kinikilos ni Yael.
“Oo naman. Tingin mo?” tinaas niya na uli yung ulo niya.
“Oh. Parang ang laki ng problema mo eh. You look... suicidal.”
“That’s the last thing that I would do. Huwag kang mag-alala.” Natawa naman sila parehas, pero hindi naman ganoon kalakas.
“Its just that… I’m having... a housemate.” First time na nagsalita si Yael ng ganitong bagay. Sa kanilang apat, siya rin ang pinakaleast na nagsasalita tungkol sa bahay at buhay nila.
Magkasabay namang nagreact ng magkaibang expression si Marc at Zuriel.
“What?”
“PBB?!”
“Ano? Anong sabi niya?” Kaya naman naalarma si Jake at tinurn-off kaagad ang phone nito.
“I don’t understand how their minds work.” Banggit naman ni Yael. "and... Zuriel, ayokong nahahalintulad 'to sa reality show... Its not a funny thing at all."
Sanay naman na sila sa grumpy nature ni Yael.
“Bakit? Ano ba kasi yon?” Tapos may binulong sa kanya ni Zuriel. “Oh…”
“What gender?” tanong ni Jake. Hindi agad nakapagsalita si Yael.
“Uh... I... hate to admit it but she’s a girl.”
“Mahirap yan…” napahawak si Marc sa batok niya.
“Nakakapanood ako ng ganyan sa T.V. and they ended up being together. Nakakakilabot.” Share naman ni Zuriel.
“Since when did you start watching romantic shows?” binalingan naman siya ni Jake.
“Hindi yan ang issue. Anyway, kaanu-ano niyo yung babae?” tanong ni Zuriel.
“Unrelated siya sa kahit na sino sa amin. Iniisponsoran ng taong yun.”
“Mahirap nga talaga yan…” sabi ulit ni Marc habang sinusuklay ang malago niyang buhok gamit ang kamay.
“Palit na lang tayo ng katauhan. I would gladly be you.” May emphasis sa salitang gladly nang sinabi iyon ni Jake... habang nakangiti pa.
“Yan ka na naman sa mga ideas mo eh. Itapon kaya kita?” banta naman ni Marc sa kanya. Tapos tinaas naman ni Jake yung dalawa niyang kamay as an act of surrender. At natawa na lang sila doon.
“Anyway, my life wouldn’t be bothered if I ever start talking with her kaya sa tingin ko hindi ko na lang siya papansinin.”
Anino pa lang talaga ng taong iyon, naiirita na ako, pagkatapos eh magsasama pa siya? I couldn’t imagine myself getting along with that person or whoever that is close to him.
I feel sorry for the girl, somehow. Pero talagang ganoon eh. Hindi ko naman masisi si Yael dahil sa mga ginawa ng tatay niya noon. Kahit na hindi ko kilala yung babae, I hope that I could keep her from getting hurt. Magiging kawawa siya, madadamay siya sa galit ni Yael.
*________________*
♫ Ten ♫
I heard from your guardian that they would soon be migrating to U.S. I really want to help an intelligent kid like you. That’s why from tomorrow onwards you’ll be staying at my house, together with my family. And unfortunately, it seems that I could no longer hide myself from you. And also, I want to help you achieve your dream.
Hindi makapaniwala si Penelope sa mga nababasa niya. Kakatanggap niya pa lang kasi ng letter mula sa sponsor niya. Isa sa mga paragraphs sa sulat na iyon ang nasa itaas. Nakakaramdam siya ng gratitude at pati na rin siyempre, kahit papaano’y, hiya at pressure.
Hindi ko talaga 'to inaasahan. Napakarami niya nang tulong sa akin. Atsaka... he said that he would help me. He would help me find Dad.
Napangiti siya magisa habang hawak-hawak niya yung sulat. Nasa loob lang siya ng kwarto at nagiimpake na rin. Nagiimpake na kasi ang buong pamilya at kinabukasan na sila gagayak sa States. Two weeks na rin ang nakalipas mula nung kinausap siya ng Tito at Tita niya.
Sa school naman, medyo maayos naman na siya. Nitong mga huling linggo eh medyo nagsubside na yung mga pambubully sa kanya. Medyo lang naman. Pero palagi pa rin siyang nababangga-bangga sa gitna ng hallway. Lalo na kapag nakakasalubong niya si Chrissy at ang kampon nito. Pero all in all, maayos naman na siya, lalo na’t palagi niyang kasama si Brianne.
Habang nagiimpake, she can feel the tears na naiipon sa mga mata niya. Naisip niyang kahit papaano eh naattach na siya sa pamilya nila. Naisip niya tuloy na ang swerte-swerte ng mapapangasawa ni Mikhail kung magkaganoon.
Nakita niya rin kung anong oras na. Its already 9 P.M. Tanghali kinabukasan ang flight nila. To be exact, 12:30 P.M.
Here comes my last 15 and a half hours with them.
Naramdaman niya talagang tumutulo na yung luha mula sa mga mata niya. Nang bigla namang pumasok si Mikhail.
“Oh? Bakit? Bakit ka umiiyak?” nakaupo si Penelope sa kama niya. Nakiupo naman si Mikhail.
“E-eh kasi…”
“Ano ba yan! Ayoko nang mga ganito eh.”
“Ha-Halah. Sorry.” Pinunasan niya yung luha niya gamit yung kamay niya.
“Eh kasi naman, nahahawa ako eh.” Napaiyak na rin tuloy si Mikhail and soon enough, nagiiyakan na sila doon. Puro sila nagsasalita ng mga mamimiss nila sa isa’t isa.
“Mamimiss ko yung luto mo…” habang pinupunasan ni Mikhail yung sipon niya.
“Mamimiss ko yung tunog ng gitara mo…”
“Mamimiss kong guluhin at buhulin yung buhok mo…”
“Mamimiss ko ring ipitan ang buhok mo…”
“Mamimiss ko…” medyo nagisip si Mikhail dahil nasabi niya na yata lahat.
“Wa-Wala ka na yatang… *sniff* sasabihin eh!” sabi naman ni Penelope habang sumisinghot.
“Hindi meron pa!” nang sinabi ito ni Mikhail, parang may light bulb na nagblink sa top ng ulo niya.
“Ano?”
“Mamimiss kita pinsan. Kahit nagsusungit-sungitan ka minsan. Oh, rhyme! Anyway, buti nga… Mabuti nga at meron akong…” hinugot naman ni Mikhail yung cellphone niya at nagstart na magscroll sa mga pictures niya. “Remembrance.” Ngumiti ito ng napakalapad at nakakaloko habang ipinapakita kay Penelope ang picture.
Nakita ni Penelope ang imahe ng isang taong nakanganga. Nakapikit ito at mukhang natutulog. Sa mga cheeks naman nito ay may kulay itim na mga swirls. Mayroon namang drawing sa may noo nito. Nagkaroon din ng artificial na bigote dahil sa marker na ipinangsulat.
Walang iba ang taong iyon kundi siya.
“Ho-Hoy! Akala ko ba dinelete mo na yan!?” magkasalubong ang kilay na sinabi ni Penelope. Naalala niya yung time na nakatulog siya sa sala sa sobrang pagod niya at nagising siyang puro drawing ang mukha niya.
“Ayoko. Remembrance nga eh.”
“Ay! Ang daya mo! Idelete mo yan!” nagmamakaawa ang tono ni Penelope. Sinimulan na niyang makipag-agawan ng cellphone kay Mikhail.
Pero pumasok na naman bigla ang Tito at Tita niya na nakangiti sa kanilang dalawa.
“Mukhang nainterrupt yata namin kayo?” Ang sabi ng Tito niya. Habang nakatayo na si Mikhail at Penelope sa kama niya at inaabot naman ni Penelope ang cellphone.
“Hindi Tito, tama lang po ang dating niyo… Si Mikhail po kasi eh.” Sumbong niya naman dito.
“Ay nako, kahit na magsumbong ka pa diyan!” Ang sabi naman ni Mikhail sabay belat sa kanya.
“Ah! Tungkol ba yan doon sa picture? Hayaan mo na yun. Remembrance namin sa iyo.” Naupo naman ang magasawa sa kama ni Penelope. At siya’y napahawak na lang sa noo niya.
“Nagdala kami ng snacks.” Sabi naman ng Tita niya habang hawak ang supot ng mga junk foods.
Nanood sila ng movie, nagkwentuhan. Nagkapaalalahanan. Doon silang lahat natulog sa kwartong iyon nang gabing iyon.
Sobrang saya ni Penelope.
*****
“Anak, bilangin mo nga yung mga bags at baka may nawawala tayo.” Ang sabi ni Tita niya kay Mikhail. Sinimulan naman ni Mikhail na bilangin ang lahat ng bags nila at natagpuan din nilang wala naman silang naiwan o ano. Nakatayo si Penelope sa isang gilid. Nakayuko siya at natatakpan ng buhok ang kanyang mukha.
“Tapos na ang drama kahapon kaya… smile ka na.” ang sabi sa kanya ni Mikhail sabay yakap sa kanya. Niyakap naman din siya ng Tita at Tito niya. Ayaw niya talagang umiyak pero hindi niya napigilan.
“Hep! Hep! Huwag mong hahayaang tumulo yang luhang iyan! Kundi may pitik ka sa akin!” ang sabi naman ni Mikhail habang paalis na sila. Ang Tito niya, nakalingon at nakangiti sa kanya. Si Mikhail naman kumakaway. Ang Tita niya naman nakatalikod pero lumingon naman bigla at ngumiti sa kanya.
Pinunasan niya naman yung luha niyang yun. “Oh, hindi ako umiyak ah!” Pahabol niya. Nagulat naman siya nung humarap ulit sa kanya si Mikhail.
“Kapag may nangaway sa iyo, tawagan mo ako kaagad ha! Alam mo naman yung number ko!”
Napangiti na lang siya doon. And eventually, hindi niya na rin napigilan pa yung luha niya kaya umiyak na rin siya doon.
After siguro ng ilang minutong pagstay niya sa kinatatayuan niya at umiiyak lang eh tinignan na niya yung sulat na binigay ng kanyang sponsor. Doon kasi nakalagay kung saan sila magkikita para masundo na siya. Hindi na siya gumalaw kasi she’s in the right place.
Maya-mayang kaunti ay may narinig na siyang busina. Kasalukuyan pa rin siyang umiiyak doon pero pinupunasan na niya.
Its not like I can’t see them anymore. Tama na nga ang kakaiyak, Penelope. Mas mabuting maging masaya ka para sa kanila.
Napangiti naman siya at narinig niya ulit yung busina. Nilingon niya ang kotse na pinagmumulan noon. Nasa loob ang isang matandang lalaki kasama (sa tingin ni Penelope) ang kanyang asawa. Hindi naman sila ganoon katanda, sa paningin ni Penelope, they’re just in their late 40s. Sabay silang lumabas ng kotse at lumapit kay Penelope.
“Hi dear!” Ang sabi ng magandang matandang babae sa kanya. Hinalikan niya si Penelope bigla sa pisngi. Kinabahan na siya.
“Umm… Ka-Kayo po ba yung sponsor ko po?”
Naku, baka sila na nga ito. Kinakabahan naman ako. Paano kapag hindi nila ako nagustuhan o kaya naman mainis sila sa akin? Hay, maysakit pa naman ako, clumsiness.
“Actually, its him. My husband.” Tumingin naman ang matandang babae sa malaking lalaking katabi nito. Medyo malaki ang katawan niya at matangkad. Nakakatakot actually. At ang hitsura nitong hispanic eh hindi niya matandaan pero sigurado siyang nakita na niya sa kung saan Nakangiti siya kay Penelope at parang mas lalo lang siyang kinabahan.
“Umm… Nice to meet you po.” Inabot naman ni Penelope ang kamay niya at ngumiti rin dito. Nakipagkamay sa kanya ito.
“Yes, I am your sponsor and nice to meet you too.”
“I’ve heard a lot about you! Nagkukwento kasi itong asawa ko tungkol sa iyo.” Nagbuntung-hininga naman ang babae at ngumiti. “Hangang-hanga ako sa iyo.” Pagkatapos ay yumakap naman bigla ito sa kanya. Kaya medyo nagulat ulit si Penelope.
“A-Ah, ganoon po ba?” nahiya naman medyo si Penelope at hinawi niya yung buhok niya sa mukha at inilagay niya iyon sa likod ng tenga niya. Ang mga tanging nakakaalam lang ng past ni Penelope ay ang pamilya ng Tita Agnes niya at ang sponsor niya. Siyempre pati yung mga kamag-anak ng Lola niya. At wala nang iba. Kaya medyo nagulat siya na alam ng asawa nito ang tungkol sa nakaraan niya.
“Since she’s my wife, I told her. I hope it doesn’t offend you.” Tanong naman ng ng sponsor niya na nagaalala.
“Naku, hindi naman po. Ayos lang po iyon.” Ngumiti naman si Penelope sa dalawang ito. Naisip niya na asawa naman iyon ng sponsor niya kaya may karapatan namang malaman ng babaeng iyon ang tungkol sa mga nangyari noon.
“Don’t worry. Sa bahay, kaming dalawa lang ang nakakaalam.” Assurance naman ng sponsor niya sabay hawak naman nito sa balikat ni Penelope. Nakahinga naman ng maluwag si Penelope. Para sa kanya kasi, isang topic iyon na hindi niya kayang basta-bastang ibrought up at pagusapan. Saglit lang at binitiwan na ng sponsor niya ang balikat niya.
“Oo nga pala, hindi mo pa nga pala alam ang mga pangalan namin. I am Jesse. Jesse Gonzaga. And my wife, Bianca.” Ngumiti naman sila sa bawat isa doon.
“Ah ok po. Salamat po, Ma’am and Sir para sa-“ biglang naputol yung sinasabi ni Penelope dahil nagsalita si Jesse.
“Enough with the formalities. Sa amin ka na rin naman tutuloy, its better for you to treat us as your family diba?"
“You can just call us, Tito at Tita. That’ll be just fine.” sabi naman ni Bianca.
“Umm… Tito… and Tita…” dahan-dahan niyang sinabi habang tumango naman ang magasawa sa kanya. “Maraming salamat po for inviting me to live with you. Sobrang swerte ko po dahil sa inyo. I promise to do my best para kahit papaano naman po ay nakakabawi po ako sa mga ginagawa niyo sa akin ngayon.”
“Ikaw naman. Okay lang iyon. Masaya rin ako at nakakatulong kami sa iyo.” sabi ni Bianca. Napangiti naman si Penelope.
“O sige, I think na dapat muna tayong magkakilanlan. How about we go grab some lunch?” yaya naman ng sponsor niya.
“Oo nga. Mukhang nagugutom na yata si Penelope.” Tumingin naman si Bianca sa kanya.
“Naku, hindi naman po.” Tanggi naman niya.
“Dapat magpataba ka. Ang payat payat mo, oh. Sa bahay napakaraming pagkain, ang problema nga lang, wala masyadong magaling magluto. Palagi pa namang wala yung chef sa bahay these days.” Naglakad sila patungong koste at pumasok. Nasa front seat ang Tita Bianca niya, nasa driver seat naman siyempre ang Tito Jesse niya at siya naman ay nasa likuran.
Sinabi rin naman ng Tita Bianca niya kung bakit walang chef. Kasi may emergency raw sa probinsiya ng Chef na iyon at kailangan nitong magstay muna doon for a couple of weeks.
“Pwede ko naman po kayong ipaglu-“ hindi pa niya natatapos yung sasabihin niya at lumingon sa kanya ang Tita Bianca niya.
“Narinig ko nga kay Jesse na magaling ka raw magluto!”
“Po? Hindi naman po...”
“You haven’t mentioned it in any of your letters pero sinabi naman iyon sa akin ng Tito at Tita mo noong araw na nagkita kami.” Explain naman sa kanya ni Jesse habang nagkakambiyo at pinaandar ang kotse paalis sa parking lot na iyon. Medyo nagtaka rin siya dahil alam niyang wala siyang nasabi tungkol sa pagluluto doon sa mga sulat niya.
Tumuloy naman sila sa isang restaurant. Pinoy foods naman ang inihahanda nila dito kaya naman nakapagusap sila ng Tita Bianca niya nang mas marami pa tungkol sa mga pagkain. Ishinare niya ang mga nalalaman niyang recipes at napagkasunduan din nilang magkaroon ng cooking lessons sa bahay nila.
Marami pa silang napagusapan doon. Nagsabi muna ang magasawa ng mga bagay tungkol sa kanila. Tungkol sa mga trabaho nila at sa mga minamanage na mga ospital. Pati na rin ang mga anak nila. Hindi naman nila thoroughly diniscribe isa-isa ang tatlo nilang anak. Binanggit na lang nila yung mga age nito, nalaman niya rin na schoolmate niya ang isang anak nila.
Oh. I hope na sana makasundo ko siya.
Nakaramdam rin siya ng excitement na makilala kung sino ang anak nilang iyon. Kasi siyempre, gusto niya rin na kahit papaano’y magkaroon pa ng mga kaibigan. Hindi naman sa dahil medyo naiiwasan na niya si Brianne nitong mga nakaraan kundi, sa tingin niya, normal lang naman na gustuhing magkaroon ng makakusap at matatawag na kaibigan. Namimiss niya na tuloy si Brianne.
Tinanong rin naman siya ng magasawa na kung pwedeng magsabi siya ng mga bagay tungkol sa kanya. Wala naman siyang gaanong maisagot. Sa tingin niya naman ay ordinary lang siya. Nahirapan lang siyang maghanap ng babagay na adjectives para sa kanya. Nasabi niya lang na clumsy siya kung minsan. She enjoys studying. She’s really aiming to be an engineer someday. Iyon naman ay ikinatuwa ng magasawa sa kanya. Tinanong rin nila kung bakit iyon ang gusto niya.
“You’re talented. You’re a genius. Pwede ka nga ring magdoctor eh. Bakit iyon ang gusto mo?” tanong ng Tita niya.
“Umm…” medyo natagalan siya. Nagdadalawang-isip kasi siya kung sasabihin niya ba ang dahilan. Dahil kapag sinabi niya, tiyak, mauungkat pa ang ibang mga bagay tungkol sa mga bagay noon.
She wants to keep all the memories in herself.
“It’s okay. It’s okay. Continue eating. Just think that we haven’t asked you that.” Ang sabi naman ng Tito Jesse niya.
“Sorry po.”
“I’m sorry too.” Ngumiti naman ito sa kanya. “We understand.” Ang sabi naman ng Tita Bianca niya.
Napakamaunawain naman nila. I really don’t know what I did to meet people like them. Mababait, mapagbigay, maunawain. I am sure na swerte ang mga anak nila sa kanila. I wonder how it feels like having parents like them. Its must be really great.
“Salamat po. Alam niyo po, napakaswerte po ng mga anak niyo.” Napatigil sa pagkain ang dalawa sa harap niya at nagkatinginan ang magasawa.
“Umm…” binitawan ng Tito Jesse niya ang spoon ang fork na hawak niya. Pagkatapos naman ay kumuha ng tissue at pinunas iyon sa bibig niya. “Tungkol nga pala doon.” Medyo nagpause ng kaunti si Jesse na para bang iniisip kung paano niya sasabihin ang tungkol kay Yael kay Penelope.
“I just want you to make yourself at home.” Naging serysoso ang mukha ng Tito niya.
“Gusto kong gawin mong parang bahay mo na rin ang sa amin. Alam kong medyo magiging mahirap sa simula. Gusto ko lang ipaalam na… medyo mahirap ang tumira sa amin.” Ngumiti naman ito sa kanya.
“Basta Penelope. Sa amin ng Tita mo eh welcome na welcome ka sa bahay. For us, honestly, para kaming nagkaroon ng isa pang anak.” Tumingin naman ng Tito Jesse niya sa Tita niya. Ngumiti silang dalawa at nagcontinue naman nang kumain.
What does that mean? Medyo hindi ko naiintindihan... na para bang... may ayaw sa akin doon? Ah, ewan. Hindi ko alam. Its better not to jump into conclusions naman siguro?
I think I just have to prepare myself.
*________________*
♫ Eleven ♫
Natapos na silang kumain at umuwi na rin naman sila. Pumasok sila sa isang subdivision. Nagulat na lang si Penelope nang makita ang bahay na titirahan niya simula ngayon. Ngayon lang talaga siya nakakita ng ganito kalaki at kalawak na bahay.
Wow.
Bumaba siya ng kotse with a small letter o shaped by her lips. What she can see is a three-storey house. Kulay light brown ang pintura ng bahay with a black roof. May foundation ito at nakaelevate ng kaunti kaya may stairs papuntang front door. A double wooden door na kulay itim. Malaki ito at square-shaped. Katabi naman ng bahay ang isang puno ng Acacia. Habang nakasabit naman sa isa sa mga sanga nito ang swing na yari sa gulong. Nakikita niya rin na beyond pa sa punong iyon ay may iba pang mga klaseng puno doon sa likuran. Pero hindi naman ito nagmumukhang gubat. Sakto lang naman. Ang buong lupa ay nababalutan ng Bermuda grass maliban na lang siguro sa path na rocky ang design, kumbaga parang ibinaon ang mga pabilog na bato para makacreate ng daan. Nagsimula ang daang iyon mula sa gate. Ang isang straight path ay patungo sa pinto ng bahay nila. Habang may path pa uli patungong garahe. Sa mga gilid-gilid naman ng bahay ay may mga tanim na shrubs at mayroon ding mga flower beds.
Bigla niyang naalala yung mga gamit niya. Isang malaking suitcase lang naman yun, malaking hand-carry bag at ang gitara niya. Lumingon siya sa kotse at nakita niyang bitbit na ni Jesse ang hand-carry at suitcase niya.
Dostları ilə paylaş: |