“He’ll be the one carrying those.” ang sabi ni Bianca. “Tara na.” ngumiti sa kanya ito.
“Hindi po. Ako na lang po ang magdadala sa mga gamit ko. Mabigat po yung mga yun eh.” tanggi niya naman habang nilapitan niya naman si Jesse.
“No, Its okay. I’ll carry these.” At wala na rin siyang nagawa tungkol dun. She just grabbed her guitar from the car’s trunk. Nauuna ang Tita niya na pumasok ng bahay. Mas lalong gumanda ang bahay na iyon sa loob. Puro shade naman ng green ang nakikita niya lalo na sa walls. Pero mas dominant ang brown since ang floor ay yari sa wood. Bumungad sa kanila ang stairs at kapag lumiko ka sa kaliwa, naroon ang sala, kapag sa kanan naman, may dalawang pinto. Yung isang pinto ay medyo mas malaki kaysa sa pangalawa. Naobserbahan niyang maluluwang ang bawat rooms. “We’ll show you to your room. Mas okay siguro na magpahinga ka muna.” Sabi sa kanya ni Bianca upon entering the house. Umakyat na rin silang tatlo. Nandoon na sila sa second floor. Pagkaakyat nila dito, parang hallway naman ang style. Just right in front of the stairs ay ang malawak na pader na may limang pintuang magkakalayo. Sa bawat dulo naman ng hallway na iyon ay pinto rin. Napakarami namang kwarto sa bahay na ito. Hindi kaya sila naliligaw? Ilang pinto meron? Pito? “Nasa taas pa yung kwarto mo.” Banggit naman sa kanya ni Jesse habang nakangiti.
“Lahat kami sa pamilya eh nasa third floor ang kwarto…” sabi naman ni Bianca, supporting her husband’s statement pero parang medyo natigilan siya.
“Well, nitong mga nakaraan, hindi na.” Napansin naman ni Penelope na parang medyo nag-iba yung expression ni Bianca. Medyo naging malungkot ito.
“But anyway…” ngumiti naman kaagad si Bianca. “Let’s go up?” Sumunod naman siya sa mag-asawang nauuna sa kanya habang umaakyat. Bumungad naman sa kanya sa itaas eh isa na naming living room. Ibang klase ang sala na ito. Pabilog kasi ang shape. May limang pintuan na makikita sa circled wall. Well, hindi naman ito perfect circle na parang office ng US President, may mga corners din naman ang walls para mabuo ang circle-shaped living room. Lumiko naman sila sa kanan, at kinuha ni Bianca ang susi mula sa kanyang bag. Tinignan niya rin naman si Jesse na nakangiti sa kanya.
“Penelope, the room behind this door is yours.” Tumingin naman na uli siya sa pintuan habang binubuksan na iyon ng Tita niya.
“Taadaah!” ang sabi naman ni Bianca niya na mukhang excited na excited.
“W-Whoa.” Pumasok siya doon, dala ang mga gamit niya. Matagal siyang napatitig sa buong kwarto habang nakangiti ang magasawa doon.
“O sige, maiwan ka muna namin. Alam naming medyo pagod ka, kaya magpapahinga ka muna. You could also arrange your things after. Bumaba ka lang kung nagugutom ka na.” paalis na si Jesse nang may naalala siyang importanteng bagay.
“I almost forgot… Welcome to the family and make yourself at home.” Ngumiti naman sila sa bawat isa.
“Sige po. Salamat po.” Isinara na rin naman nila ang pinto. Umupo siya doon sa malambot na kama. Katapat noon eh ang malaking dresser. Katabi ng dresser ang desk na may shelf na punung-puno ng mga libro. Inikot niya ang paningin niya at sobrang nagandahan siya. Ngumiti siya doon at binagsak ang katawan niya sa kama. Tuwang-tuwa siya doon habang naglulundag siya sa malambot na mattress. Ang ganda gandaaaa! I’ve never been to such place! Kulay white ang wallpaper ng kwarto niya samantalang made of wood pa rin ang sahig. May kulay grey na carpet naman sa area ng kama niya na lumagpas pa ang haba sa magkabilaang sidetables ng kama. Nakakita rin siya ng isa pang malaking bookshelf sa dingding pero kaunti lang ang laman. Sa dulong parte naman ng kwarto eh may malaking glass window habang katabi nito ang pinto papuntang bathroom. Natatakpan ang glass window ng kurtina. Binuksan niya ang kurtinang iyon at natanaw niya ang backyard ng bahay. Nakita niya rin ang iba’t ibang magagandang bahay sa subdibisyon. Waa… Grabe, ang ganda naman talaga ng bahay na ito! They’re so blessed. Bakit naman kaya nasabi ni Tito Jesse na mahirap tumira dito? Eh parang wala naman akong nakikitang mali. Pinansin niya ang sound sa paligid niya. Mga chirps ng ibon at tunog ng malakas na hangin sa labas lang ang naririnig niya. She looked down at nakitang wala ni isang tao sa backyard. Mukha namang empty ang bahay na ito. I wonder where their children are. Gusto ko na silang mameet. Pero sobrang tahimik naman dito… Feels so peaceful. Biglang may nagpop sa isipan niya. Sinabi naman niya na ‘make yourself at home’ kaya okay lang naman sigurong tignan ko yung buong bahay diba? Mageexplore lang naman ako. Ang ganda kasi talaga eh… Okay. Its settled then, after kong magayos ng gamit eh mageexplore na ako. Naligo muna siya at nagpalit na rin ng usual na pambahay niya. Ordinaryong T-Shirt na may print. Tapos makulay at loose na pedal. Saka niya sinimulang maglalagay ng damit niya sa aparador. Hinipan-hipan niya ang loob noon at naubo lang siya. Napakaraming dust na lumipad. Kumuha siya ng basahan sa banyo at pinunasan niya ito.
Tumingin siya sa orasan na nasa itaas lang ng kama niya. It says 5:22 in the afternoon. Natapos naman niyang isalansan at tupiing mabuti ang mga damit niya. Sunod naman yung mga iba pa niyang abubot. Mahilig kasi siyang magbasa. At halos kalahati ng napakalaki niyang maleta ay puro libro. Iniayos niya rin ang stufftoy na Keroppi sa gitna ng kama niya. Hindi naman iyon ganun kalaki. Enough lang para mayakap at magkasya sa arms niya. Pati na rin ang picture ng Lola niya ay inayos niya na doon sa sidetable. Napangiti naman siya rito at hinalikan nya yung picture. "Love you Mamay." Isinunod niya naman yung mga pictures niya kasama ang pamilya ni Tita Agnes. Tapos yung picture din nilang dalawa ni Mikhail. Napahiga naman siya ulit sa kama niyang malambot. Samantala, sa ibaba, may nagbukas ng gate. Matapos niyang buksan ito eh bumalik na ulit siya sa kotse niya. He drove it inside the garage at pinark ito. Smoothly, he went out of his car and went inside the house. It is unexpectedly silent. Hindi niya alam kung bakit the house sounds like abandoned. Ah, baka nagliwaliw lang yun. Naisip niya na yung nagiisang batang nagpapaingay ng bahay eh wala at lumabas kasama siguro ang Ate nitong kauuwi lang galing ibang bansa. Isa pang bagay eh walang tao dito, wala yung mga maid nila at iba pang mga kasambahay. Hindi na niya pinansin kung gaano katahimik ang bahay. Nagdirediretso siya sa kwarto niya. Maya-mayang kaunti, sa itaas naman, naramdaman ni Penelope na medyo nakapagpahinga na siya, binalak na niyang bumaba. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at lumabas. Sinimulan niyang lumabas ng bahay at nagtungo na nga siya sa backyard. Malawak ang backyard na ito. Mapuno, mabulaklak. Kunsinuman ang hardinero ng bahay na ito eh gusto niyang sabihan ng “Good job”. Malinis. Mayroon mesa at upuan doon sa gitna. Nakapatong ang mga maliliit na tea set. Babasagin ang mga iyon pero mukhang laruan lang ng bata. Inikot niya pa ang paningin sa paligid at nakakita naman siya ng puno ng mangga kaya natuwa naman siya. Naisip niya na hindi naman siguro siya mapapagalitan kung kukuha siya kahit konti lang. Naisip niya rin na kailangan niyang maging kaibigan yung kunsinumang dakilang hardinero na yun. Nakita naman niya sa medyo malayong parte ng backyard ang pond. Pagkatapos eh may pool din doon. Sa first floor eh nakita niya lang naman ang high-tech na sala. Dadaan ka pa lang dun sa arcway eh bubukas na yung chandelier. Natakot nga siya nung una eh. Medyo malawak ang sala na iyon. May mounted TV sa wall. Katabi ang magkabilang shelves of CDs. Sa ilalim nun ang stereo. Pagkatapos eh carpeted ang floor na pinagtutuntungan ng malalambot na sofa. Nakita niyang may easel doon sa gilid. May mga dekorasyon na luma, mga pigurin, mga vases na ayaw niyang hawakan dahil natatakot siya. Pero hinawakan niya pa rin at ang smooth pala nang surface nun. Sa pinakadulo eh may piano doon. Maraming mga picture frames ang nakapatong sa piano. Picture ng magasawa. Picture ng mga doctors. Picture ng isang batang babaeng cute na cute. Picture rin ng isang magandang babaeng kulot ang buhok. Siguro… sila yung anak nila Tito at Tita? Ang sabi eh tatlo raw sila, nasaan yung picture nung isa? Matapos niyang magtitingin doon (mabuti na lang at wala siyang nabasag na kung ano) eh dumiretso naman siya sa kusina. Kumpleto sa mga gamit ang kusina nila. Natutuwa na naman si Penelope. Aside from reading and eating mangoes eh gustung-gusto niyang nagluluto. Nakakita siya ng electric stove. May oven din. Punung-puno ng mga kaserola, kaldero at kung anu-ano ang isang aparador doon. They all look so shiny. Napapangiti naman si Penelope while imagining cooking lessons with her sponsors. She would have to use those kitchen utensils. Umakyat na siya at nakarating sa second floor. Unang pinto mula sa kaliwa, nakita niya sa loob ang isang kwarto na puro kama. Siguro may mga walong kama doon. Apat sa bandang kanan at apat sa bandang kaliwa. Simple lang ang kwarto. May apat din lang na malalaking aparador. Wala naman na siyang nakitang espesyal sa kwartong iyon. Ganoon din sa sumunod na kwarto. Napansin niya lang na sa kabila ay may mga makukulay na bed sheets, dito, simpleng puting bedsheet lang. Sa sumunod namang kwarto eh talagang napahanga siya. Uwoooaaaah She thinks she can live there. Isang kwarto na wala kang makikitang bintana dahil natatakpan ng napakaraming bookshelves. Ang library. Sa gitna nito eh may desk at upuan kung saan pwedeng magaral. Mayroon din nakapatong na laptop sa desk na iyon. The desk is actually big enough para patungan ng napakaraming bagay. Sa fourth room naman. Mas lumaki ang pagkakabilog ng bibig niya sa amazement. Magulo ito. Isang kwarto na wala ring kabinta-bintana. Puro wires sa sahig, maraming amplifiers at speakers. At may navy blue carpet. Nakita niya ang kumpletong set ng mga musical instruments. Nakita niya ang keyboard, drums, bass. Set of guitars, as in 'set' talaga at marami yun. Mayroon ding synthesizers doon pati computers. Tinapik-tapik niya naman yung mike na nakasabit sa mataas na stand nito. Nakita niya yung gitara na nakalapag sa pinakagitna ng room. Acoustic guitar iyon, kulay brown at parang may nakacarve na 'Y' sa katawan nun. For some reason, bigla niyang namiss si Mikhail. Gusto niya sanang tumugtog. Kaso naisip niyang huwag na lang. Baka makasira siya. Pero ginalaw niya pa rin. Siyempre. Nagstrum strum siya ng konti, inaral yung mga chords na alam na niya. Hindi niya pa kayang magshift ng mabilis from chord to chord kaya hindi muna siya nakakaperform ng kanta. Habang pinipilit niyang maabot ang string para magawa ang B chord eh nagkamali siya ng strum at biglang napatid ang pinakamanipis na string. Muntik nang mapunta iyon sa mata niya, kundi lang siya nakasalamin eh baka bulag na siya ngayon. Whooops… Hinawakan niya yung string na napatid at tinignan ito. Hala! Patay ako! Hindi ko naman sinasadya e, paano na ba ‘to? Sabi na nga ba dapat hindi ko na hinawakan pa eh! Sinubukan niyang ayusin yung string na naputol pero hindi niya nagawa, well sino ba ang may kaya? Lumabas na siya doon, luminga-linga siya sa may pinto para tignan kung may tao. As I thought wala ngang tao. Sina Tito at Tita kaya? I’ll just approach them and tell what happened. Sasabihin ko babayaran ko na lang yung string… Nako naman, kinakabahan ako. Baka magalit yung may-ari.
Siyempre, dahil she’s in the middle of exploring the house eh hindi naman yata siya pwedeng magstop na lang doon. Tumuloy na siya sa huling kwarto. Naisip niya rin naman na last na kwarto nay un na titignan niya, since hindi naman yata tamang tignan niya rin yung mga kwarto sa third floor eh private rooms yon.
Pumasok siya sa isang bedroom. Medyo light-blue naman ang kulay ng wall paper nito. Ang buong kwarto ay may carpet na dark blue. Magulo ito, sobra, pero kung titignan parang nagging dekorasyon ang kaguluhang yon. Bumungad ang isang coffee table. Maraming libro ang nakapatong rito. Puro song books. Nakakita rin siya ng isang notebook, binuklat niya rin. Puro naman mga tula. Finlip niya lang yung pages doon. Iniscan niya lang kumbaga. Are these compositions? At may mga chords din sa pagitan nung mga linya ng tula.
“Alam ko itong mga ito ah. Tinuro sa akin ito ni Mikhail.” Nakakita siya ng mga CD sa sahig na nakakalat. Mga balat ng basura. Mga cans ng softdrinks... and beers. “Kanino kayang kwarto ito?” Naglakad pa siya doon. Nakakita siya ng malaking shelf. Mga trophies at medals ang mga nandoon. Sa pinakaibabaw naman ay nakadisplay ang mga action figures ng Justice League. Nakita niya yung kama, na may dark blue na bedsheet. Nasa lapag ang unan, pagkatapos naman ay hindi nakatupi ang kumot. Wala sa tamang ayos ang bedsheet. Mukhang kwarto yata ito ng lalaki eh. Pero hindi ito katulad nang kwarto ni Mikhail na nangangamoy lalaki. Actually, ang bango nga dito eh. How odd. Napansin niya sa mga pader na may mga nakadikit ding sketches. Hindi niya maunawaan kung ano ang mga iyon. Puro random at abstract ang sketches na iyon. May nakita naman siyang lukot-lukot na papel sa paanan niya. Binuklat niya iyon. Nakita niya ang sketch nang isang babae na nakafocus lang sa mata at ilong nito. Pinagmasdan ito ni Penelope. “Teka… namumukhaan ko siya.” Pilit niya inisip kung sino yung babae pero hindi niya talaga matandaan. “Sino ba siya? Alam ko, nakita ko na siya eh.” Inisip niya kung mga kakilala niya, pinsan niya o kunsinumang nakita niya which doesn’t really makes sense dahil paano naman nalaman nung nagdrawing nun yung mga pinsan niya at mga taong nakikita niya. Basta hindi niya maalala kaya nag-give up na lang siya. Inilapag niya na lang ang papel na iyon sa ibabaw ng desk nang maayos. Naglakad siya ng kaunti habang pinagmamasdan yung desk. Nang bigla siyang nakatapak ng something. “Aray!” medyo malakas ang pagkakasigaw niya. Tinignan niya naman yung nasa paa niya habang hindi niya namalayang may naihulog na pala siyang isang bagay mula sa desk. Humawak siya sa desk nang maramdaman niya ang sakit. Nahawakan niya mismo ang isang itim na notebook na malapit sa corner. Nagslide ito pababa at nahulog. Thumbtacks!? Bigla naman siyang nakarinig ng ‘click’. Alam niyang tunog iyon ng pinto sa bathroom ng kwartong iyon. Tinanggal niya yung thumbtack na iyon sa paa niya. Gumana naman kaagad ang reflexive nerves niya pero sablay. Oh! You are sooooo great, Penelope. I’m so proud. Dapat ay tumakbo na siya paalis sa kwartong iyon, ang ginawa niya, nagtago siya sa ilalim ng kama. Nakita niya ang paa ng isang lalaki mula sa ilalim ng kama. Mukhang basa pa nga yata ito. Nakita niya rin yung tuwalyang puti na medyo sumasayad sa sahig. Nagbibihis siya no? Nagbibihis siya! Ano nang gagawin ko ngayon!? Paano na ako aalis dito? Alalang-alala na siya sa sarili niya habang nakadapa lang doon sa ilalim ng kama. Kahit na nasa ilalim siya at limitado lang ang nakikita, tinakpan niya pa rin yung mata niya. Nung pakiramdam niya eh okay na, dumilat na siya ulit at pinagmasdan niya na lang ang galaw ng mga paa ng lalaking ito. ***** Naliligo si Yael noon. Kakauwi niya lang rin galing naman sa bahay nila Zuriel. Bigla siyang nakarinig nang sound mula sa labas banyo. Nagtaka siya kung ano iyon. Sakto namang tapos na siyang magshower. Itinapis na niya yung tuwalya niya around his waist at lumabas ng banyo. Wala namang tao, guni-guni ko lang siguro. O baka naman napalakas lang ang tawa ni Ysabelle at narinig ko siya hanggang dito sa kwarto ko. Nagbihis na siya habang iniisip niya yung tawa ng kapatid niya. Nakakita naman siya ng thumbtack. Mapanganib ito. Kaya naman, pinulot niya ito. Dumaan siya across his room dahil tabi ng pintuan ang basurahan niya. Nadaanan niya ang desk niya, ang kama at ang shelf. Itinapon niya ito. Ganoon din naman nung bumalik siya. Nadaanan niya ang shelf, ang kama at ang desk niya. Ang desk niya. Nilagpasan niya na ang desk niya at napahinto. He stepped backwards at nakakita ng something na unusual sa desk. Unang-una ay yung sketch. “Matagal ko nang tinapon ‘to ah.” Hinawakan niya ulit yung sketch na iyon. Ang alam ko, nilukot ko pa nga eh. Hindi ko ba naishoot sa basurahan? Napansin niya rin na nahulog ang notebook niya mula sa desk. Kakagamit pa lang niya ito kani-kanina lang. Actually, sketchpad niya iyon. Nagtaka siya kung bakit ang isang bagay na kagagamit niya pa lang at alam niya kung saan niya huling inilagay ay ngayo’y mysteriously na nasa ibang posisyon. Something is wrong. Nagsimula na siyang magsuspetsa. Nagtingin-tingin siya sa kwarto niya. Bukod sa inisketch niyang image nang isang babae at ang sketchpad niya, wala na siyang nakita pang unusual. Pero that doesn’t stopped him from thinking na may nakapasok sa kwarto niya. Wala siyang pinapapasok na tao sa kwarto niya. Unless, mga kaibigan niya at si Ysabelle. Pero pati nga minsan si Ysabelle ay ayaw niyang papasukin, due to some certain things. Nagmamadali niyang pinuntahan ang pinto. “Hindi ko ba nailock ‘to?” hinawakan niya ang door knob at narealize na hindi nga. May nakapasok sa kwarto ko. ***** I. Am. Dead. Patay talaga siya! Dahil ngayon, nagsimula nang umikot sa buong kwarto ang mga paa ng lalaking iyon. Nagstop ito bigla. Napwesto pa ang paa sa gitna ng kama. Nakadapa pa rin siya doon. “I know you’re here.” Ang sabi nito nang medyo seryoso. Gumalaw naman ang paa pero hindi umalis sa pwesto nito. “Come out.” Ano na!? Think, Penelope. Think! “Alam kong nandito ka na. Huwag ka nang magtago. Hindi ako magagalit sa iyo. I promise.” Ang sabi nito. Medyo napansin ni Penelope na hindi masyadong galit ang boses. Bigla namang gumalaw ang paa at pumunta sa ibang lugar sa kwarto. Nagstop ito at biglang nagsalita. “Huli ka!” Nabigla naman si Penelope doon. Tinatakpan na niya yung bibig niya. Ilang beses din yun ginawa ng lalaki. Sa iba’t ibang lugar sa kwarto. Mabuti na nga lang at hindi pa nachecheck yung ilalim ng kama. “Come on. I won’t get mad.” Umupo naman ang lalaki sa kama. “I’ll wait for you. Magbibilang ako hanggang ten. Kapag umabot na ng ten at hindi ka pa lumalabas talagang magagalit na ako.” “One… Two… Three… Four…” Penelope. Magisip ka na! Now’s the chance, ano nang gagawin mo? Tutunganga ka na lang? Forever ka na lang ba diyan? Hindi niya namalayang natapos na palang magbilang ang lalaki nang hanggang ten. Tumayo at lumuhod ang lalaki. At bigla niya na lang nakita ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang ngumiti sa kanya at mag peace. *________________* ♫Twelve ♫ April 17, 2012 10:17 P.M. Natakot siya nang biglang hinawakan ng lalaki ang braso niya pagkalabas na pagkalabas niya mula sa ilalim ng kama. Hinila siya nito at pakiramdam niya ay para siyang pusang hinawakan sa batok, itinaas at inihagis palabas sa kwarto. Nagslam ang pinto sa mukha niya. Nakatayo lang siya doon at pinagiisipang mabuti ang mga nangyari. Parang ang bagal niya pang magprocess noon. Saka niya naintindihang nahuli na pala siya nang biglang bumukas ulit ang pinto. Lumabas si Yael mula sa kwarto niya. Nagkatinginan sila doon at siyempre matapos nilang mag eye-to-eye contact eh sinimangutan siya nito. Feeling ni Penelope ay hindi niya magagawang tumakbo o umalis sa harapan ng lalaking ito. Kaya hinarap niya si Yael habang magkasalubong ang kilay nito at nakacross-arms. Seryoso pa ang tingin nito sa kanya. Para kay Yael naman, ang akala niyang pumasok sa kwarto niya ay si Ysabelle. Pero nagkamali siya nang sinilip niya ang ilalim ng kama. May unidentified smiling person doon habang nakapeace. Mas lalo siyang nainis at dinrag ang babae palabas. Medyo nainis pa siya sa T-Shirt na suot nito, dahil of all amphibians ay talagang para sa kanya, worst ang mga palaka! It kinda reminds him of the past. Alam niyang may nangyari sa kanya dati kaya may phobia na siya sa mga palaka. Inilabas niya naman ang babae at inislam ang door sa mukha nito. Kaya lang after nun, naalala niya ito. Sa tingin niya'y kilala niya iyon. Kaya nilabas niya ulit. Nakatingin lang sa kanya si Yael noon na para bang iniimbestigahan nito ang bawat detalye ng mukha niya. Hindi siya makatingin at kung pwede lang ay malusaw na siya at kahit kailan ay hindi na muling bumalik sa dati niyang anyo. Hinawakan na naman siya ng lalaki sa wrist niya at kinaladkad, hindi naman literally, pero that is the best way to say it. Mabilis silang bumaba papuntang first floor. Kamuntikan na nga siyang mahulog sa hagdan. Alam niyang naiinis ito sa kanya. Alam niyang second offense niya na ito. Nakilala niyang si Yael ang natapunan niya ng buko juice noong nakaraang linggo. Pero kilala niya lang ito sa mukha. Hindi niya alam ang pangalan nito. Siya nga. Oo nga! Naku Penelope... Inis na inis na si Yael sa babaeng iyon. Alam niyang pangalawang beses na siyang nagagawan nito ng mga ayaw niya. Noong una, pinalagpas niya dahil may nagawa naman siya doon sa babae. Nahulugan niya kasi yun ng Indian mango sa ulo. Kumbaga, para quits na sila. Pero this time, naiinis na talaga siya doon sa babae for intruding. Wala kasi talaga siyang pinapapasok doon maliban sa tatlo niyang mga kabanda. Kahit nga maid ay hindi allowed kaya naman sobrang dumi na nga kwarto niya. Napaisip-isip naman siya ng kaunti. What’s with this girl? Ito ba yung sinasabi nilang iisponsoran niya? At patitirahin niya dito? Nagulat si Yael, hindi niya inaasahang si Penelope ang babaeng iniisponsoran ng Dad niya pero that doesn’t change what he thinks about her. Naiinis siya rito. Sobrang inis niya. “Alam kong sila ang nagpatira sa iyo dito.” Nagstop sila bigla after nilang bumaba sa last step ng hagdan. Hindi pa rin makatingin sa kanya si Penelope. “Don’t ever think that I approved of you being here.” mariing sabi nito sa kanya. Mas lalong nakaramdam ng hiya si Penelope.