Copyright April 2012 You Won’t Feel a thing



Yüklə 0,89 Mb.
səhifə7/13
tarix26.08.2018
ölçüsü0,89 Mb.
#74559
1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   ...   13

To tell you straightly, Kinamumuhian ko ang sinumang dinadala ng taong iyon dito lalo na yung mga taong basta-basta na lang pumapasok sa kwarto nang may kwarto. Tingin mo ba bahay mo ito?”
I-I’m really sor-“
I don’t want your apology. It won't change anything.”
Bigla namang bumaba mula sa hagdan ang mag-asawa. Once na nakita nilang magkaharap at kinakausap ni Yael si Penelope, nagrush sila para humarang sa dalawang ito.
Anong ginawa mo!?” tanong sa kanya ng Dad niya.
What does it matter to you?”
May nasabi ba siya iyo? Ano? Sinaktan ka ba niya?” tanong naman ng Mom niya kay Penelope. Samantalang si Penelope, yung mukha niya halatang nahihiya, nalulungkot at lost in her thoughts.
Mom, you know me, I don’t hit girls.” Depensa naman niya sa sarili niya.
Yael, I am warning you. If you ever do something to her, I will-“ hindi natapos sabihin ng Dad niya ang sasabihin nito.
Don’t even bother telling me dahil wala akong pakialam sa babaeng iyan o maging sa iyo.” Umakyat na si Yael.
Kinausap si Penelope ng kanyang mga sponsors tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Yael. Pero hindi naman gaanong nagsasalita si Penelope. Nalaman na rin ni Penelope ang pangalan ng lalaking iyon at kung sino siya sa bahay na iyon.
Ang nagiisang anak na lalaki ng mga Gonzaga. Ang tagapag-mana ng halos lahat ng fortune ng pamilya nila. Since siya ang lalaki, sa kanya mapupunta ang lahat ng mga foundations, hospitals, clinics, even missions na ginagawa ng mga magulang niya sa kasalukuyan. There is only one path for him.
That is to be a doctor.
Hay! Nakakahiya talaga. Magsosorry ako ulit nang maayos kay Yael mamaya.
Narealize niya rin kasi ang mga bagay-bagay nang sinabi ni Yael na ‘Tingin mo ba bahay mo ito?’. Hiyang-hiya siya dahil sa pagpasok niya sa kwarto at pag iisip na okay lang dahil sinabi naman ng Tito niya na ‘feel at home’.
Nagsorry naman yung magasawa sa ginawa ni Yael. Na dapat daw talaga ay ang Tito Jesse niya ang sisihin dahil siya talaga ang may kasalanan. Nabanggit nilang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Tito niya at ni Yael. Matagal na silang ganoon. Hindi na rin naman nagusisa pa si Penelope, dahil alam niyang wala siya sa lugar para magtanong. Itinanggi naman ni Penelope ang sorry at sinabing siya ang may kasalanan.
Naisip rin ni Penelope na parang hindi naman appropriate ang ginawa ni Yael na pagsagot sa mga magulang nito. Alam niya naman sa sarili niyang may kasalanan din siya. Para sa kanya, siya naman talaga ang dapat sisihin. At magsosorry siya rito kapag sa tingin niya'y medyo okay at malamig na ang ulo ni Yael. Naisip niya rin na baka may malaking rason talaga behind kung bakit iyon nagagawa ni Yael.
Si Yael naman ay humiga sa kama niya pagkatapos. Ginawa niyang sandalan ng ulo ang dalawa niyang kamay.
Hindi ko inaasahang siya iyon. Hindi ko rin inaasahang ganoon lang ako sa kanya.
Sa tingin ni Yael kasi, kaya niyang ipagtabuyan ang sinumang ayaw niyang tumira sa kanila to the point na hindi lang ito iiyak at mapapahiya, kundi agad nang kukunin ang maleta nito, aalis at hindi na kailanman babalik. Ganun siya kaarogante. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi niya iyon nagawa.
Isang beses. Isa pa at talagang sisigawan ko na ang babaeng iyon. For the mean time, hahayaan ko na muna siya dito.
*****
Nakita ni Penelope si Yael na bumaba ng hagdan. Mabilis ang pagbaba nito kahit na nakita ni Penelope na ang atensyon ni Yael ay nasa phone niya. As much as possible, ayaw niyang sumabay pababa rito dahil fresh pa sa kanya ang nangyari kahapon. Kaya naghintay muna siya nang siguro mga ilang saglit atsaka naman bumaba.
Nakita niya naman na nagaabang ito just right in front of the stairs. Medyo nahiya siya at gusto niyang bumalik dahil nandoon pa nga si Yael. Pero bumababa na kasi siya, kaya ipinagpatuloy niya na lang. At habang pinagpapatuloy niya, walang anu-ano'y natalisod naman siya ng sarili niyang paa. Hindi niya alam kung paano nangyari dahil sobrang bilis.
"Whoa!"
Ano ba yan Penelope, wala ka nang nagawang tama!
Yan ang sabi niya sa sarili niya habang nakapikit at inassume na talagang masusubsob siya. Kung mamalasin eh first kiss niya ang floor at kung siya'y dinatnan ng swerte nang umagang iyon eh maaaring masalo siya ni Yael at ayun, masagip siya mula sa kung anung injury na naghihintay sa kanya.
Nagspin siya at nagdirediretso siya doon sa dulo ng hagdan at hanggang sa floor. Mabuti na lang at natalisod siya mula sa tatlong dulong steps ng hagdan. Kaya hindi naman gaano kataas ang binagtas niyang baitang pababa. Kawawa naman.
"Aaaa!!!" all that time habang pabagsak si Penelope eh nanlaki lang ang mga mata ni Yael sa kanya. At hinintay lang siyang mahulog habang nakacross arms at nakasandal lang doon.
Mabuti na lang at may third option. Hindi siya maswerte kaya hindi siya sinalo. Hindi niya rin naging first kiss ang sahig nila Yael, kundi nasagip lang naman siya ng kanyang sariling palad na pumula matapos ang malakas na impact at weight ng katawan niya doon sa floor.
"A-Aray!!"
Ang sakit! Ano na naman tong ginawa ko sa sarili ko?
Tumayo siya. Inayos niya yung buhok niya at inayos pati sarili niya. Then after a while of thinking, she continued walking and acted as if nothing happened. Naglakad siya ng kaunti papunta doon sa kitchen door. Pagkahawak niya ng doorknob, lumingon siya kay Yael at...
"Gu-Gu-Good morning, Yael." she said while smiling.
This girl is unbelievable.
Pinagmasdan siya ni Yael noon. Hindi talaga siya makapaniwala sa ginagawa ni Penelope.
Any girl na napahiya sa harapan ko eh hindi na ako makuhang harapin pa, pero bakit siya!?
Nakita niya rin si Penelope na nakatingin sa kanya kanina habang bumababa siya. Balak niya sanang abangan ito para makipag-usap.
"Yeah." sabi ni Yael dito.
Oh? Makikipagusap yata siya. Hindi na ba siya galit sa akin? O baka naman tatawanan ako nito? Kinakabahan naman ako.
Nakatingin lang si Yael sa kanya. Medyo tumango ito. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng tango na iyon. Gusto kasi ni Yael na palapitin niya si Penelope. Nakatayo lang si Penelope doon na parang statue.
Bumuntung-hininga siya at lumapit kay Penelope.
"Ha-hayaan na kita sa pagstay mo dito." bago mangyari yung kanina sa hagdan eh sure na sure si Yael sa gagawin niya, ngayon hindi na gaano.
"Pi-Pinapatawad mo na ba ako?" tanong naman ni Penelope na parang natutuwa.
"No! Of course not." bigla namang naging gloomy ang mukha ni Penelope.
Pero nandyan na at kailangan niyang panindigan ang actions niya.
"This will be our last conversation. Hahayaan kita dito if you would follow my rules." ang sabi ni Yael controlling the conversation habang nakikinig sa kanya si Penelope.
"Rule number one." itinaas ni Yael ang isang index finger niya.
"Huwag na huwag mo akong lalapitan dito sa bahay na ito, sa school o sa kahit saanman." may emphasis ang salitang huwag.
"Rule number two. Huwag na huwag mo rin akong kakausapin." ang sabi niya habang nagnumber two ang mga daliri niya. May emphasis pa rin ang salitang huwag.
Napansin ni Yael na hindi na nakatingin nang diretso sa kanya si Penelope at parang hindi na nakikinig ito.
"What? May problema ka?" he said arrogantly.
"Pa-paano kung mayroon akong talagang importanteng sasabihin sa iyo? What if someone's life is on the line kapag hindi ko sinabi? O kaya naman may emergency?"
Napagisip-isip naman si Yael. Medyo natagalan siya doon pero after a while naman nakaisip na siya ng maayos-ayos na idea.
"Listen here, I don't want people at school to know any of my business. Ayokong may malaman sila tungkol sa akin lalo na yung bagay na we live together. You just can't go straight to me and tell whatever crappy important thing you have to tell. Give me your cellphone."
"What?"
"Just give me your phone." ang sabi naman nito nang naiinis habang inilabas naman ni Penelope ang kanyang worn out na phone.
Nagpipipindot doon si Yael. Nagtataka si Penelope kung anong ginagawa nito doon sa phone niya. Inilagay lang naman ni Yael ang number niya sa contacts ng phone ni Penelope. Medyo dulo nga ang pangalan ni Yael dahil sa 'Y' nagiistart ang pangalan niya.
"Here." inabot naman na ni Yael ang phone kay Penelope. Nakita naman ni Penelope na nasa contacts ng phone niya ang saved number ni Yael. "Text me or just call me." ang sabi nito sa kanya. Paalis na sa harapan niya si Yael pero napatigil ito. "To sum it all up, let's act like strangers at home and at school. Baka kapag nagawa mo iyon, mapatawad pa kita." winalk-outan siya ni Yael. Lumabas na ito ng front door at narinig niya ang tunog ng kotse.
What a guy! Akala ko pa naman, pinapatawad niya na ako. Alam ko namang may nagawa talaga akong hindi maganda sa kanya pero para namang napakalaki nang nagawa ko, katumbas nga yata ng pagpatay para sabihan niya ng mga ganun. Ang pinakadelingkwente, pinakaarogante, at pinakamayabang na nilalang sa mundo. He's hopeless.

*****

Naglakad si Penelope along the hallway. This time, hindi naman na siya basang-basa, tinapunan siya nang harina at namumuti na siya. Pupunta na siya sa locker niya para kumuha ng pamalit. Inambush kasi siya ng fan club ng Ryddim.
Naglalakad siya noon papunta sa susunod niyang klase, pagkaliko niya sa may corner, nagaabang ang napakaraming babae doon. Pinagikutan na naman siya for the nth time. Ineexpect na niyang tatapunan siya ng tubig kaya pumikit na siya.
Dumilat ka nga!” sumigaw yung pinakaleader ng fan club. Alam niyang fan club iyon dahil may mga dala-dala pa silang mga posters and banners na may printed na picture ng mga lalaking iyon.
That she found really shallow.
What an obsession. Napakashallow naman. They all knew those guys because of what they do on stage. I doubt na hindi nila kilala ang mga lalaking ito nang personalan para sabihan nila ng 'I love you', na iniidolo nila ang mga iyon, na they would waste their time and effort for them... just to see them performing. I don't understand these girls.
Pagkadilat na pagkadilat niya, sabay-sabay silang naghagis ng harina sa iba’t ibang anggulo ng katawan niya. Dahil may salamin naman siya, maaaring hindi masyadong natamaan yung mata niya. Pero kahit na, may mga kaunting powder na tumama sa doon kaya medyo nahirapan siyang makakita. Nirub niya yung mata niya gamit ang kamay niya habang nakasuot pa rin ang salamin niya.
And why do I have to go through all this?
How dare you! Magingat-ingat ka nga! Halos lahat na lang ng nakakasalubong mo eh nabibiktima ng clumsiness mo!” Nagsi-agree naman ang mga babae doon.
Tapos ngayon, binasa mo yung damit niya!?” Nagsipagusapan naman ang mga babae doon. “But he looks cute, though…”
Naintindihan naman kaagad ni Penelope na dahil iyon kay Yael. Nung time na nakabiktima na naman siya dahil sa clumsiness niya. Kaninang umaga rin. She can easily lose her balance. Parang bumalik ulit sa isipan ni Penelope yung mga ginawa niya lalo na yung tungkol sa kwarto. Mas lalo tuloy siyang naguilty.
Kahit anong rub ang gawin ni Penelope doon sa mata niya, masakit pa rin. Nang biglang may narinig siyang lalaki na nagsasalita. Nagluluha-luha na siya dahil sa sakit ng mata niya.
O baka hindi lang dahil doon, baka pati sa sunud-sunod na ganito sa school at sa guilt na nararamdaman niya.
Umm… Excuse me. Excuse me!” hindi niya masyadong maidilat ang mata niya pero alam niyang may boses ng lalaki ang nagaaproach sa direksyon niya.
Ang hapdi. Ang sakit sa mata. At sino naman yun? Tutulong sa grupo ng fans na ito para mas lalo akong mahirapan?
Pinilit niyang makakita at naaninag niya nga yung lalaki na biglang pinagtitinginan ng mga babae doon. Noong una, alam niyang sinisiksik ito ng mga babae doon. Nang makita nila yung lalaki, mukhang nagfreeze yung mga babae at pinalibutan na rin siya. Dumirediretso ito sa direksyon niya.
Nagulat siya nang tinanggal nung lalaki yung salamin niya. Tapos tinanggal niya yung kamay ni Penelope sa mata nito. Tumalikod siya at sinabi,
Anong ginagawa niyo!?” medyo nagagalit ang tone nito.
Sino ito? Nasaan na yung salamin ko?
Uh- Umm…” hindi masyadong makita ni Penelope pero alam niyang hindi makapagsalita yung mga babae doon. Hindi niya rin makita yung mukha nung lalaki kahit anong pilit niya.
Say sorry to her!” sigaw nito. Hindi makilala ni Penelope yung boses. Medyo matagal na hindi nagsalita yung mga babae. Nakatayo lang siya doon, pilit na inaaninag yung hitsura nung lalaki. Matangkad ito at medyo bagsak ang buhok.
She felt like bursting out right away. In front of them all. To just cry. To think na mayroon palang stranger that would help her. Pero pinili niyang hindi maging ganoon eh. Inisip niyang hindi naman siya ganoon dahil talagang hindi. She's always keeping her cool outside. She'll claim she's okay pero at the end of the day, kapag wala nang mga mata sa paligid, doon na siya bibigay.
Bakit niya ginagawa ito?
We-we’re sorry.” Nakatalikod pa rin sa kanya yung lalaki nang ilang mga saglit. Maya-maya, bigla namang nagsialisan yung mga babae doon.



Ayan, wala na sila. Anong ginawa nila sa iyo? Namumuti ka na!” gulat na sinabi nito sa kanya.
Te-Teka, salamin ko…” she said while sniffing at habang pilit na hindi tumulo yung namumuong luha sa kanto ng mga mata niya.
Wait lang ha.” Naaninag niyang hawak pa rin nung lalaki yung salamin niya. Bigla namang ipinunas nung lalaki yung lenses ng salamin niya sa damit nito. Kaya medyo nagkaroon ng puti sa shirt ng lalaking iyon.
Ayan. Okay na.” Inabot naman sa kanya nung lalaki yung salamin niya.
Sa-salamat.” Ang sabi niya habang nirub niya for the last time ang mga mata niya para maalis yung luha at sinuot niya naman yung salamin niya. Nagulat siya kung sino ito.
Yel!” sobrang saya niya nang makita ito. Nakita niya ang napakalapad na ngiti ng lalaking ito, na wala na itong mata. She wondered kung paano pa ito nakakakita kapag nakangiti. Nung binanggit niya yung 'yel', unti-unti namang nagbago yung expression ng mukha nito sa pagtataka.
Ha?”
Ikaw si… something‘yel?”
something… ‘yel? Hindi mo ba naaalala yung pangalan ko?”
Si Zuriel ang lalaking iyon. Natutulog siya at nagising sa ingay ng mga nagkukumpulan na girls doon. Nakita naman niya yung nasa sentro since matangkad siya, walang iba kundi si Penelope. Agad siyang pumunta dito habang ito’y nagrurub ng mata. Nakita niyang namumuti ang buong katawan ni Penelope. Tinanggal niya rin yung kamay ni Penelope sa mga mata nito nung nakalapit na siya dahil alam niyang mas lalala lang pagnirub pa niya ito.
Ouch. Hindi niya ako naaalala.
Zuriel.”
Oh! Right. Ikaw si Zuriel. Salamat ha.” Ngumiti naman si Penelope. She felt so thankful dito. Bukod kay Brianne, si Zuriel ang pangalawang taong nagtanggol sa kanya.
Pero okay lang naman. Atleast ngayon, I finally found her.
Matagal na kasi niyang pinaghahahanap si Penelope sa buong campus. Kaya lang hindi niya talaga makita ito.
Sa tingin ko, dapat ka nang magpalit. May dala ka bang clothes or something?”
Oh. Yeah. May dala naman ako.”
Wow, you’re ready ah.”
Nasanay na rin naman ako.”
So ibig sabihin, araw-araw niyang pinagdadaanan ang ganito?
O-O sige na. Hihintayin na lang kita dito.”
Okay. Pero…” medyo nagisip naman ng matagal si Penelope. “Bakit mo naman ako hihintayin?”
Umm… Umm. Kasi ano…” hindi niya malaman kung paano siya sasagot. Gusto niya lang kasing ihatid si Penelope sa susunod na klase nito.
You should go now, too. May klase ka rin diba?” tanong ni Penelope.
Ye-Yeah. Tama ka nga.”
O sige, babye. Salamat ulit.” Medyo ngumiti naman si Penelope sa kanya, tumalikod at naglakad palayo.
Hindi pa pala ako nagiintroduce sa iyo nang maayos!” Ang sabi naman ni Zuriel sa kanya kaya naman napatigil bigla si Penelope at lumingon.
Hindi pa ba?” humarap siya ulit dito. Bigla namang lumapit sa kanya si Zuriel.
Oo hindi pa.” ngumiti ito ng parang childish na ngiti. Natutuwa siya sa fact na, gusto niya pang kausapin si Penelope, at the same time, natutuwa siya sa hitsura ni Penelope.
Just look at how white she is. And she doesn't even care much... She looks... simply beautiful kahit na she's messy and all.
He introduced himself noong saktong nasa harap na niya si Penelope. “Zuriel Van Montero desu. Yoroshiku Onegaishimasu.” Nakita niyang nagbow sa kanya si Zuriel. Nagulat siya.
Whoa! Ano yun?”
Hmm… A formal way of introducing myself?”
So paano kapag ako naman yung nagintroduce sa sarili ko?” naarouse naman ang curiosity ni Penelope. Hindi niya na pansin kahit puting-puti na siya.
Edi… ganoon din. Sasabihin mo yung pangalan mo, tapos dudugtungan mo ng desu.”
Penelope Krystinn Morales… desu?”

Oo. Tapos, yoroshiku onegaishimasu. Actually dapat may hajimemashite nga iyon, eh kaso second time na natin nakita ang isa't isa, hindi na appropriate yun.”
"Oh? Anong mga ibig sabihin noon?"
"Hajimemashite... ang ibig sabihin noon ay nice to meet you for the first time. Yung yoroshiku onegaishimasu naman ay please take care or be good to me."
Oh! Ang galing mo naman!”
"You try it."
"Umm... Okay... Teka, paano yun?"
"Yoro..."
"Yoro..."
shiku…”
Shiku?”
Oo. Tapos Onegai…”
Onegai…”
shimasu.”
shimasu…”
You do it while bowing your head. You try it.”
Okay. Umm… Penelope Krystinn Morales desu, yoro…shiku onegai…shimasu.” Parang ginaya ni Penelope yung ginawa ni Zuriel kani-kanina lang. Nginitian naman nila ang isa’t isa doon pagkatapos.
O sige na, magpalit ka na. Magkita na lang ulit tayo sa susunod.”
Okay. Sige. Salamat ulit, Zuriel.” Then they turned away from each other.
Nakangiti si Zuriel at kitang-kita sa mukha niya ang saya habang naglalakad papunta sa susunod niyang klase.
Nakarating naman si Penelope sa locker niya para kumuha ng pamalit. Binuksan niya ito, pagkatapos naman ay may nakita siyang sobre na nakapatong doon. May maliit na butas na pahaba kasi yung door ng lockers. Kasyang-kasya ang ganito kanipis na sobre para iislip sa locker niya. Tinignan niya ito at nakita niyang walang nakalagay na kahit anong sulat sa labas ng sobreng iyon. Just a blank envelope kaya hindi niya alam kung kanino galing. She decided na isama na lang iyon sa mga dadalhin niya sa klase. Iniwan niya muna ang lahat ng gamit niya sa locker niya. Dinala naman niya yung bag niya, and she put her spare clothes there. Mabuti na lang at katabi ng mga lockers na iyon ang pintuan ng CR. Nakapasok naman siya kaagad doon.
She slipped into the shower room. Nilock niya ito at sinimulang linisin ang katawan niya. Natapos naman siya kaagad. Pumunta na siya sa locker at binasa ang sulat habang papunta na siya sa klase.
Letter iyon sa kanya ni Brianne. Nagtatanong ito kung bakit parang hindi na sila nagkikita. Kung bakit parang iniiwasan niya ito.
Penelope, maybe I’ve done something wrong? Against you? I really don’t know pero bakit parang pakiramdam ko, iniiwasan mo na ako? Let’s talk about it. I don’t want to lose a friend. Hihintayin kita mamayang uwian kahit anong mangyari. Let’s meet at the library. I will be waiting there pumunta ka man o hindi.

*________________*
Thirteen
April 21, 2012 2:36 P.M.

Confusion
Ang saya–saya mo yata ngayon? Punung-puno ka ng energy ah.” Banggit ni Jake habang tinotono yung bass guitar niya. Nasa loob na sila ng practice room na provided ng school. They’re using it regularly para sa mga competitions na sinasalihan nila.
Nakangiti pa rin si Zuriel habang palipat-lipat ang kamay niya sa gitara. Gumagawa siya ng mga guitar tricks at napakabilis ng kamay niya.
So kapag masaya ka na, hindi ka na namamansin.” Hindi pa rin siya pinansin ni Zuriel kaya gumawa siya ng parang bibig mula sa kamay niya at kunyari’y nakipagusap dito.
Saka naman tumingin sa kanya si Zuriel. Nakangiti pa rin.
Anong ginagawa mo?” Ang sabi ni Zuriel habang natatawa.
Wala!” natawa na lang sila sa isa’t isa. At tinigilan naman na rin ni Jake iyon. Wala silang ibang kasama sa loob ng practice room. Hinihintay nila si Marc at si Yael.
Nasaan na ba yung mga yun?” inilagay naman na ni Zuriel ang gitara niya sa stand nito. Kani-kanina lang kasi siya pumasok sa practice room at nakita niyang si Jake pa lang ang nandoon. Hindi siya nagtanong sa mga whereabouts ng dalawang natitirang miyembro nung pumasok siya. Sa tingin niya kasi, dadating agad yung mga iyon, eh hindi naman pala. Medyo matagal na silang naghihintay doon kaya nagtanong na siya.
Si Marc, lumabas… bumili yata ng pagkain. Si Yael kanina nandito na eh. Biglang pinatawag sa intercom. Kakausapin daw siya nung student president.” Sagot naman sa kanya ni Jake.
Oh. Ganun ba? So… pupunta siya sa office ng student council?" ang sabi ni Zuriel with a worried look on his face.
Oo…? Baka naman…”
Eh diba…?”
Yeah.” Medyo nagkaroon ng katahimikan sa kanila doon. Para silang nagkaintindihan nang hindi gaanong nagsasalita.
Pero sa tingin ko, okay naman na si Yael. Maybe a year is enough.”
Sana lang talaga wala yun doon.”
Pwede bang wala yun don? Eh VP yun eh.”
Malay natin lumabas diba? Pwede naman yun eh. Malay mo umattend ng ibang club activities niya.”
Ang mga oras na ito ay tinatawag na club hours. Ang mga estudyante ay pumupunta sa mga kani-kanilang clubs for some activities, kaya medyo busy ang lahat, maliban na nga lang doon sa mga tamad at ayaw ng mga activities sa sinalihan nilang club. Ito rin ang alotted time para sa student council na magusap tungkol sa mga events ng school and such. And this happens every twice a month.
Kung hindi lang talaga si Yael yun, baka naging kami na eh.”
Yüklə 0,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   ...   13




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2025
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin