“Yan ka na naman. Bakit hindi mo kaya magawang magstick-to-one?” “Stick-to-one?...” Dahil medyo natagalan sa pagsasalita si Jake, parang naisip naman ni Zuriel na may pag-asa pa yatang tumino ang kaibigan niya pagdating sa mga babae. “... Not a chance.” Medyo napasimangot naman si Zuriel sa nalaman niya. Nagkaroon naman sila ng katahimikan saglit. Naalala naman ni Zuriel si Penelope kaya napangiti siya. “Remember the girl I was talking about?” “O? Yung sinabi mong cute?” habang si Jake naman yung gumagawa ng mga bass tricks niya. “I finally found her.” “Oh.. Good for you. So… kinausap mo na?” “Yeah.” “Anong sabi mo?” “She was in the middle of the crowd that time. Sa fan club at binubully siya.” “Aww… Poor her.” Asar naman sa kanya ni Jake. “So ikaw naman si Mr. Hero?” “Hindi ah... medyo lang naman.” “Pagkatapos?” “She… went.” “Ganun lang!?” napatigil naman si Jake sa ginagawa niya. “Ang slow mo, bro! Kung ako ikaw, naihatid ko na yun sa klase niya… and maybe we're already going out by now.” Disappointed na tingin ang ibinigay ni Jake sa kanya. “Tsk. Tsk. Tsk.” “Eh yun na nga eh! Hindi ako ikaw. Just let me do it in my own way.” “May paown way-own way ka pa! Just take my advice. You’ll get her before you know it.” “Keep it to yourself.” Nagtawanan na naman sila doon. Biglang bumukas ang pinto. Si Marc ang pumasok sa practice room dala-dala ang dalawang supot ng KFC chicken. Tumingin siya sa buong paligid at parang sinurvey ang room. Kumunot naman ang noo niya.
“Wala pa siya?” tanong ni Marc habang nakatayo sa may pinto at nilolock ito. Kapag hindi kasi nila nilock, tiyak maraming papasok at hindi na sila makakapagconcentrate na tumugtog at magpractice. “Oo, mukhang natagalan yata.” Sabi naman ni Jake habang nakatingin sa relo niya. “Eh dapat pala sinamahan ko.” Banggit ulit ni Marc. “Bakit mo pa kailangang samahan?” tanong sa kanya ni Zuriel. “Just to control him. Kilala niyo naman siya diba? Baka hindi pa nakakaget over yun. At may magawa pang hindi maganda.” Sagot nito. “O sige na, dalhin mo na yan dito at nagugutom na ako.” Sabi naman ni Jake. Maya-mayang kaunti, habang masayang nilalantakan ni Jake at Zuriel ang chicken doon, at habang busy naman si Marc sa phone niya, bumukas nang malakas ang pinto ng practice room. Tumama ito doon sa pader na katabi nito. At yung taong pumasok, he slammed the door for it to close. Ang lakas-lakas nito. Patuloy lang siyang lumakad at ibinagsak ang sarili sa sofa. Lahat sila ay nakatingin lang kay Yael. Alam naman nilang si Yael iyon at wala nang iba. Bukod sa silang apat lang ang may susi ng room na iyon, sino pa bang tao ang mahilig magslam ng pinto? Nakita nila na nakakunot na naman ang noo ni Yael at halatang naiinis ito. Nung bumaling yung tingin ni Yael sa kanila, bigla naman silang napabalik ng tingin sa mga ginagawa nila. Sinubukan naman siyang alukin ni Marc ng food pero tinaas lang nito ang palad niya na parang nagiindicate na he’ll pass. Nakaupo lang siya sa sofa at nagisip ng malalim. Siyempre nagusap-usap naman ng mahina yung tatlo doon at parang alam na nila kung ano ang nangyari. “Something happened.” Bulong ni Marc. “Yeah. Baka nakita niya yun doon.” Nagagree naman sa kanya si Jake. “O baka naman usual na mukha niya lang talaga yan?” banggit ni Zuriel. “No, I can sense it.” Sabi naman ni Marc. Medyo lumipas ng kaunti ang oras at kasalukuyan na silang nagliligpit ng pinagkainan nila doon. They preferred to stay silent towards him dahil kung tatanungin pa nila ito, tiyak madadagdagan lang ang inis ni Yael. “We’re playing.” Nagulat silang tatlo doon at nilingon nila si Yael sa direksyon nito. Medyo malalim ang boses nito at seryosong nakatingin sa kanila. “Saan?” tanong naman ni Marc. “In the Joint School Celebration with Libberton High. Ang sabi nila we have to prepare the best songs.” Sabi naman ni Yael habang kinamot ang likuran ng ulo niya at sumandal sa sofa. Itinaas naman niya ang dalawang siko sa sandalan ng sofa. “Kailan daw yun?” tanong naman ni Zuriel sa kanya. At medyo nawala na yung kulubot sa noo nito, pero halatang bad mood pa rin. "As usual, sa February. May 2 months pa-” nang biglang nagring ang phone ni Yael. Medyo maingay kasi ito. Kinapa niya naman ang gadget na iyon sa bulsa niya and the he tapped it and put it beside his ear. “’Lo?” medyo naiinis na sabi niya. Maya-maya, biglang bumalik yung kulubot sa noo ni Yael. “Can’t you understand that I am in the practice room every club hours!? Hindi ako makakaattend sa hanay na yan!” Medyo napansin ng tatlo na nagsisigawan na yung dalawa. Kaya they just grabbed their own instruments at binutingting ang mga iyon, hanggang matapos magusap si Yael at ang tao sa kabilang linya. “Yung Corps Commander ba iyon?” naglakas loob si Zuriel na magtanong. Alam niya kasing galit na talaga ito. Knowing na may nangyari sa pagpunta ni Yael sa Student Council Office and then yung hanay sa sinalihan nitong club. “Yeah. Pinipilit akong humanay.” “Eh bakit hindi? Kailangan yun, bro.” sumunod namang nagsalita si Jake, medyo hindi na siya kinabahan since may nauna na sa kanyang nagsalita. Kasama kasi sa grading system ang extra-curricular activities like clubs. “Eh kaya lang naman ako sumali sa club na iyon para hindi na ako paligiran ng mga babae. Nakakairita.”
*****
Nasa Journalism Club Hide-out si Penelope. Hide-out talaga ang lugar na ito dahil medyo nasa tagong lugar ito sa isa sa mga building ng campus. Nandoon siya sa newspaper section at yung iba niyang mga kasama ay mga gumagawa na ng kani-kanilang mga articles. Sinabi kasi sa kanya na magbasa-basa muna siya ng mga articles doon para magkaroon siya ng mga ideas about sa style ng pagsusulat. Bukod pa roon, absent din yung current feature writer na supposed to be magaadvice at magtuturo sa kanya. Nagulat siya pagkapasok na pagkapasok niya sa lugar na iyon. Medyo woody ang pagkakagawa ng hide-out na iyon. Lahat ng tao, comfortable sa posisyon nila. May tatlong sofa kasi doon na pwedeng upuan at higaan and then may mga maliliit na round tables kung saan pwedeng sumalampak sa sahig at gawin mong desk mo iyon. Pwede nga rin palang humiga sa sahig dahil may nakita si Penelope na isa doon na nakahiga at nagbabasa sa sahig. Wala ngang sapatos ang mga tao sa loob eh. Nasa isang shoe rack yung mga sapatos ng lahat. Bumungad sa kanya yung editor-in-chief ng "The Blue Valiant" - yung pangalan ng newspaper ng school. Blue kasi yung motif ng school nila. Yung natatanging uniform nila, yung P.E. ay akala mo nilubog sa tina dahil all-blue iyon. "Give me your phone, Penelope." Nakangiti si Katrina Valdez habang may dala-dalang bucket na maliit. Tinignan niya ang laman noon at nakita niyang napakaraming cellphone. "Its been a tradition. You know naman na minsan, hindrance ang phones sa work." ang sabi nito sa kanya. Tumingin naman siya sa paligid, oo medyo maingay pero ang lahat ay indulged sa sari-sarili nilang mga works. Its effective. Wala siyang choice kundi ilagay ang worn out niyang phone sa bucket. Nawala na nga yung takip nung likuran ng phone niya kaya may scotchtape siyang inilagay to keep the battery in place. Medyo nahiya siya dahil walang pinanlaban ang phone niya among all the phones there. Pero inisip niyang phone isn't really important kung gusto mong makilala ang isang tao. She thought that she should just be true to herself. Nagtaka siya kung bakit hindi niya nakikita si Marc. Nagiistand-out kasi ito kapag nasa crowd. Bukod sa matangkad ito at literal na medyo tinitingala ng karamihan, friendly rin naman ito kaya palaging nasa gitna ng crowd. Dahil medyo nacurious siya kung bakit wala ito, tinanong niya kay Katrina kung nasaan si Marc. Hindi naman siguro magiisip ng kung ano yung mga tao dito kapag hinanap ko si Marc diba? I mean, he’s popular. Malamang, marami ring nagtatanong kung nasaan siya. “Ah, yun? He is not usually coming in a normal club hours like this. He’s usually with his bandmates. Kapag urgent lang talaga namin siya tinatawag. And we’re okay with it. He does his job great naman.” Explain sa kanya nito. Penelope went and began reading some articles. Nakita niya yung mga piles ng diyaryo. Kumuha siya ng isa sa mga iyon. Joint School Celebration? With Libberton High... Nakita niya yung mga pictures and such sa isang article doon tungkol sa Joint School Celebration. Nakita niyang napakalaking celebration ito. Maraming mga shots ang naroon. Lalo na sa photo gallery. Tinignan niya ito. Napakaraming festivities in just a week. At sa last day ng celebration, parang magkakaroon pa yata ng dance ball or more like a promenade dahil nakita niyang may mga nakagown doon. Nagscroll pa siya ng kanyang mata at nabaling naman iyon sa history ng school. Oh. So iisang tao lang pala ang founder ng school na ito at ng Libberton high. And… the Joint School Celebration always happens every year. Every February. Marami pa siyang nabasa doon tungkol sa history ng eskwelahan. How it was founded, sinu-sino yung mga naging teachers, yung first batch na grumaduate mula sa school na ito, etc. Kung hahanapin ko pala ang tatay ko, nandito lang pala ang mga clues. Patuloy lang siyang nagsearch ng pangalang Victor Morales doon pero ni isang article ay wala siyang nabasa tungkol dito. Nadisappoint siya. At kahit papaano’y nakaramdam ng doubt na baka naman hindi talaga niya mahahanap ang tatay niya sa pagpasok sa Stranton. I don’t really know. Maybe… my Dad is just… Hindi Penelope, believe him. Right, you have to believe him. While reading the letter, I feel like he’s really talking to me. Kaya kahit gusto mo nang umalis sa school na ito, huwag. Natapos na rin ang club hours kaya kailangan niya nang pumunta sa meeting place nila ni Leah. Sa library. Naglakad siya doon hanggang sa she reached the door of the library. Mula sa hide-out nila, medyo mahaba-habang lakaran iyon patungong library. Ito ay isang building na puro mga libro lang ang laman. Hinawakan niya yung isa sa mga knobs ng pinto and she entered. Katulad ng isang normal na library, halos walang sound na maririnig. Nageecho pa yung mga yapak niya sa buong room as she entered the place. Nakita niya doong nakaupo si Leah sa isa sa mga seats na katapat ng table. Nakaupo ito nang nakasandal pero nakayuko ng kaunti ang ulo niya. Nakakaramdam na si Penelope ng guilt dahil sa ginawa niyang paglayo kay Leah. Naisip isip niya na, oo nga, pareho lang sila. Katulad niya, binubully din si Leah. She isn’t in the right place para layuan ito at pigilang madamay si Leah sa mga pambubully na ginagawa sa kanya. Ang difference nga lang, si Leah, lumalaban pa rin. Pero siya, hindi niya magawa. Umupo siya sa katabing upuan ni Leah. She silently slipped herself sa chair. Tinignan niya naman yung mukha ni Leah kaso nakayuko nga ito kaya hindi niya masyadong makita. Maya-mayang kaunti, lumingon na rin si Leah kay Penelope. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Leah. “Ngayon-ngayon lang.” Penelope could feel her tears welling up in her eyes. “Ba-Bakit?” nagaalala naman na sabi ni Leah. “I… I’m sorry.” “B-Baliw ka ba? Ako nga magsosorry eh!” hinawakan naman ni Leah yung balikat ni Penelope. “Hoy… huwag kang umiyak nang ganyan.” “Wa-wala ka namang ginawang kahit ano eh. Ayoko lang na madamay ka.” “Saan? Sa mga nambubully sa iyo? Ano ka ba naman! Palagi ko rin namang nararanasan yan.” Tinapik naman ni Leah yung balikat ni Penelope. Humikbi naman siya. “Naisip ko lang na mas mahihirapan ka kung mas marami nang nambubully sa iyo.” Nagmade face naman si Leah na parang itinatanggi yung sinabi ni Penelope habang hawak niya pa rin yung balikat ng kaibigan niya. “You know me. I’m tough.” Binitiwan naman ni Leah yung pagkakahawak niya sa balikat ni Penelope. “Kung minsan nga lang ay natyetyempuhan ng mga bully at nabibiktima rin pero alam mo namang lumalaban ako diba? Sus! Wala lang sa akin yang mga yan.” Itinaas ni Penelope ang ulo niya at nakitang nagsmile sa kanya si Leah. “Okay ba?” Nagthumbs up si Leah sa kanya at tumango naman si Penelope. Pinilit niyang ngumiti at nagthumbs up pabalik. Penelope felt great that afternoon. Masaya siya dahil naintindihan siya kahit papaano ni Leah. At hindi niya na kailangang layuan ang kaibigan niya. Nung narinig nilang nagring ang bell, indicating na tapos na ang club hours at pwede nang umuwi, they walked together hanggang sa parking lot ng school. Iyon kasi ang way paalis ng Stranton High. Nagkwento naman si Leah tungkol sa mga past experiences niya. May iba na nakakatawa talaga, kung paanong ilang beses na naloloko ni Leah yung mga nambubully sa kanya. Once kasi, nilock si Leah sa isa sa mga cubicle ng girl's comfort room. She did revenge after, tinakot niya yung mga girls na naglock sa kanya in a very hilarious way. Pagkarating nila sa parking lot, may black car na dumaan sa harapan nila. Medyo nagulat si Leah. Tumingin sa kanya si Penelope at nakitang nagulat nga ito at ngumiti. Bumukas yung bintana, at mula doon, nakita nila ang isang medyo matandang lalaki. “Daddy!” “Hi, honey!” lumapit si Leah at nagkiss sa cheek nito. “I’m not expecting this! Kailan ka pa nakabalik?” Ang sabi ni Leah na halos tumalon na sa tuwa upon seeing her father. “I love making surprises, dear. Hop on, let’s have dinner.” Yaya naman nito kay Leah. “Sure! Tell me stories, ha.” Bumaling naman yung mata ng lalaki kay Penelope. “Who is she?” “kaibigan ko siya, Dad. Si Penelope. Penelope, ang Daddy ko nga pala.” Nakangiti namang tumingin si Leah kay Penelope. “Oh. Hi, Penelope.” Ngumiti ito kaya naman napangiti rin si Penelope. “He-Hello po Mr. Rodriguez.” “She’s my bestfriend, Dad.” “Oh, I see. Nice to meet you, Penelope, my girl’s bestfriend. Kung gusto mo, pwede kang sumama sa amin. Let’s have dinner together. What do you think, Lei?” “Sure, Dad! Tara!” humawak naman si Leah sa kamay ni Penelope. “Umm… No. I mean, huwag na lang po. Kasi, alam ko naman pong parang date niyo itong mag-ama. Baka makaistorbo lang po ako.” Nakangiti namang sinabi ni Penelope habang nakatingin kay Mr. Rodriguez. Masayang-masaya siya dahil tinawag siya ni Leah na bestfriend but she thinks that she can't just barge in sa isang family dinner. “No, its okay.” Sabi naman nito. “Penelope…” ang sabi naman sa kanya ni Leah na parang pinapapayag siya. “Hindi na po talaga. Okay lang po.” “Are you sure?” tanong sa kanya ng Dad ni Leah. “Opo.” Tumingin naman sa kanya si Leah nang medyo malungkot at pagkatapos naman, she forced a smile still holding Penelope's hand. “O sige, magkita na lang tayo bukas.” “Okay. Bye. Ingat po kayo.” Ang sabi naman ni Penelope habang binitiwan na ni Leah yung kamay niya. Ginrab na ni Leah yung knob ng kotse para pumasok. “Bye. Ingat ka rin.” Nakangiting sabi ng Dad ni Penelope sa kanya. At pumasok na si Leah sa kotse. Nagwave pa ito sa nakabukas na bintana. Then she grabbed her father’s arms. Penelope waved her hand at them habang nakita niyang lumalayo ito at papaliit nang papaliit yung image ng black car sa paningin niya. It must be great... To have someone you can call “Dad”. Napansin niya ring kanya-kanya nang nag-aalisan ang mga estudyante, yung iba may sundo, may body guard pa ngang mga nakaitim na kasama yung iba eh. Mayroon din namang may sari-sariling kotse at nagstart nang magdrive paalis. May mga groups din doon na nagsisiksikan at nakasakay sa iisang kotse. Mukha ring masaya ang mga grupong iyon. Speaking of may sariling kotse, nagmasid si Penelope sa paligid at napansin niya si Yael na nakasandal sa kotse nito. Nasa malayong banda nakapark ang kotse ni Yael. Medyo tago nga ng mga puno ang spot na iyon at hindi masyadong dinadaanan ng tao o mga sasakyan. Nakatingin lang si Penelope sa kanya habang kita niya ang mukha nito. Napansin niyang magkasalubong ang mga kilay nito habang nakafocus lang ang mga mata sa phone. Phone? Phone ko! Oh my... Naiwan ko yata doon sa hide-out! Nilock na nila iyon kanina, at hindi ko rin alam kung paano kontakin si Katrina. Sabay namang tumingin si Penelope sa orasan niya at natagpuang late na. Nagulat siyang halos magsi-6 na ng gabi. 8:30 A.M. nagistart ang klase nila at nageend ng 4 P.M. She didn't know what to do about her phone. After some time ng pagiisip, she decided to get it tomorrow. She also decided to walk paalis sa campus at magcommute na lang pauwi. She stepped about 5 steps forward nang bigla siyang nagstop. Do I know how to get home? Hindi niya pa pala alam kung paano makakauwi sa bagong tinitirahan niya. Hindi niya pa kabisado ang way mula doon hanggang sa school. Kaninang umaga ay hinatid siya ng Tito Jesse niya at medyo hindi niya napansin ang daan dahil nakikipagusap siya dito. Inisip niya si Yael. Naalala niya yung sinabi nito na ayaw nitong makausap at malapitan siya sa school. Inisip niya na baka magalit sa kanya si Yael kung gagawin niya yung mga iyon, just to atleast know the way home. Nagdadalawang-isip siya doon dahil aminado rin naman siyang medyo nakakatakot ito kapag nagagalit. Okay na sana kung nasa kanya yung phone niya eh kaso nakalimutan niyang iclaim kay Katrina. She finally turned her head to see Yael after some time of thinking of what to do. Nanlaki yung mga mata niya nung nakita niyang may kausap pala si Yael. Nagulat siya nung hinawakan ng kausap nitong babae si Yael sa mukha. Medyo lumapit ang babae at nakita ni Penelope na their faces are just an inch apart. Napahawak na si Penelope sa bibig niya. And Yael is just still and is wearing his usual face. She observed from afar at nakita niyang tinanggal ni Yael ang kamay ng babae sa mukha niya. Pero magkaharap pa rin sila nang napakalapit. After some time, lumayo na rin yung babae kay Yael. Nagusap ang dalawa. Penelope couldn’t understand what they’re saying dahil medyo malayo siya rito. Bukod sa hindi niya marinig, hindi niya rin masyadong maaninag yung buka ng bibig ng mga iyon. Her heart nearly stopped at kamuntikan na rin siyang gumalaw at lumapit sa direksyon ni Yael noong nakita niyang bigla na lang sinampal ng babae sa mukha si Yael. Then the girl ran away. She couldn’t explain what she saw. Nakatayo lang doon si Yael. And then suddenly, he kicked the tires of his car causing it to make sounds, yung naririnig na beep kapag may ibang taong dumikit o humawak sa kotse. She wanted to go to Yael. She wanted to ask if he's okay. She wanted to know why the girl did that to him.
At that time, she really felt that she want to know more about Yael. To her, naisip niyang may reason behind kung bakit cold si Yael, kung bakit mainitin ang ulo nito, kung bakit siya ganoon towards his parents. Napapansin niya ring hindi talaga masaya si Yael. She thought that there must be something in the past. She looked to him, feeling his pain. Trying to understand what happened and why did those happen. At this point, she gave herself time of thinking. Then after, she is sure of two things:
First, she wanted to know more about Yael and to help the guy.
Second, she remembered who is the girl drawn on the paper she found in Yael's room. It was the same girl who caressed his cheek and slapped him. It was Gabrielle.
*________________* ♫Fourteen ♫ April 30, 2012 7: 24 P.M.
The Family and The Housemate
The thought kinda hurted her. Nagiisip siya ng mga bagay na gagawin talaga ni Yael. At first siyempre kung gagawa siya ng step para makilala pa lalo si Yael eh hindi siya papansinin nito. At kapag binigla niyang kausapin ito, alam niyang mas lalayo lang ang loob nito sa kanya. Kaya, pinagmasdan niya na lang muna sa malayuan si Yael. Nagdalawang-isip siya doon. Approach? Or not? Tatanungin ko ba siya? Or not? I don't know. Medyo nagpause siya ng saglit habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng lalaki. Penelope, kung iaapproach mo siya tungkol kay Gabrielle, baka magalit lang talaga siya sa iyo. You keep everything you saw as a secret. It would be just mine alone. Maybe I'll just approach him about the way home. Okay lang kahit na magalit pa siya sa akin tungkol doon. Ayoko lang na malaman niyang alam ko yung nangyari kanina. Yung problema niya kung paano makakauwi ay naging excuse niya para malapitan si Yael. And to see how he is doing.
He is using his car as a support para hindi siya matumba. Nakapush position siya, his arms pressing against the car door habang nakayuko. Bigla naman itong tumayo ng maayos at may kinuha sa pocket niya. Inilabas niya ang phone niya. Napagisip-isip naman si Penelope. Bukod sa problema ni Yael, she still doesn’t know how to get home. And standing there while observing won’t get her to the house. Luminga-linga din siya sa paligid at natagpuang halos wala nang tao sa parking lot. Bilang na lang sa kamay yung mga kotse doon. Naisip niyang baka ito na nga ang time para iapproach si Yael dahil ayaw ni Yael na kakausapin siya ni Penelope in front of many people. Hindi naman yun yung eksaktong sinabi pero yun ang implication ni Penelope. She was hurt when Yael told that to her, pero inisip niyang sino siya para tumanggi rito eh nakikitira lang naman siya. Aminado siyang natatakot siya. Inilagay niya sa likod niya ang dalawang kamay, pressing one hand with the other while taking steps towards him. Oh, please. Yael, don’t get mad at me. Please. Nagstop na si Penelope sa gilid ni Yael saka naman niya naisip na magback-out na kaya siya at magtanung-tanong na lang sa daan. Pero huli na nga ang lahat, nandiyan na siya. Nakita niya nang malapitan ang mukha ni Yael na nakaside view. Nakatayo si Yael doon, unmoving at nakatingin lang sa malayo, habang hawak ang phone niya. Parang ang lalim ng mga mata nito, nakasimangot, hindi yung usual na simangot ni Yael kundi yung simangot na nagsasabing malungkot siya. Surprisingly, hindi naman nakakunot ang noo nito. Medyo nahihipan ng hangin ang buhok ni Yael kaya nakikita na rin ni Penelope ang hairline niya. He actually looked peaceful, except with the eyes.