Copyright April 2012 You Won’t Feel a thing



Yüklə 0,89 Mb.
səhifə1/13
tarix26.08.2018
ölçüsü0,89 Mb.
#74559
  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13

Copyright April 2012
You Won’t Feel A Thing

by Joiepyon



*________________*
♫ Introduction ♫

I have to... bear with these.


Ano kamo? Seriously, ano na naman ba yang pumasok sa isip niyo!?

Ang Ang PINAKAarogante, PINAKAmasungit, PINAKAsuplado at PINAKAmayabang na nilalang sa mundo.

That Nerd Freak? Walang magkakagusto dun!

Ano ba itong nararamdaman ko?Ang creepy ah. Bakit parang may humihigop sa tiyan ko tapos parang kinukuryente yung buong katawan ko?

I still really... can't get over her.

Hindi ko siya kailanman maiintindihan... kahit na ano pa sigurong reach out ang gawin ko, mas lalayo lang ang distansiya namin sa isa't isa.

Pwede bang lumayo ka na!? You're getting into my nerves!

Sige. Gagawin ko na yung gusto mo... Titigil na ako.
Bakit ba kapag nakikita ko siya at ang mga yun, naiinis ako?
Ano bang problema niya?

I think... I like her.

I've sworn already. I have my resolve. Hindi pwedeng bumalik ang nararamdaman ko.

I'll be with her. I'll protect her. I'll hold onto her until the very end.



*________________*
♫ One ♫
Hala!?
Nagulat siya nang bigla na lang nagdagsaan ang mga tao sa tapat ng pinto ng school auditorium. Karamihan ay puro mga babae na puro tili ng tili at sigaw ng sigaw. Samantala sa malayong parte ng crowd na ito, makikita siyang nagiistruggle sa kanyang posisyon.
Tsk tsk tsk. Hay, sabi na nga ba dapat sa kabilang building na lang ako dumaan eh.
Sinisiksik pa siya lalo dahil sa tingin ng ibang mga babae ay race ito na dapat nilang panalunan para lamang makita ng sobrang malapitan ang mga lalaking sa tingin nila ay mga soulmates nila.
“Lalabas na sila! Ang Ryddim!” Dahil sa isang deklarasyong ito, nagpanic ang lahat at mas lalo pa siyang naipit.
“Umm.. Excuse me! Excuse po!” sabi niya habang pilit na hinahanap ang way paalis sa crowd nang bigla na lang siyang naapakan ng isang babae roon.
“Aray!” kahit na masakit, hindi niya na lang ito pinansin and she just continued her way out.
Ang sakit nun ah! Ano ba kasing meron? Sana naman makaalis na ako sa crowd na ito, baka mainjure pa ako lalo... aray! naapakan na naman ako!
She continued her way out of the crowd nang biglang bumukas ang pinto ng school auditorium. Siyempre, umalingawngaw naman ang mga boses ng babaeng nagtitilian at rinig na rinig iyon sa buong building. From the moment na binuksan ang pinto, nahawi ang crowd at parang nagkaroon yata ng red carpet sa gitna (?) Anyway, nahawi ang kaninang nagsisiksikang crowd na bumiktima sa maliit na kuko sa paa ng isang babae. Hinahayaan nila na makadaan ang mga miyembro ng grupong ito. Luckily, medyo nakawala na siya. Kaya hindi naman na siya naipit. Lumingon siya sa direksyon ng mga pinagkakaguluhan ng lahat. At nakakita rin siya ng napakalaking poster na iwinawagayway ng mga babae doon. Nakaprint doon ang mga mukha ng bawat miyembro ng banda at may nakasulat pang L-O-V-E.
Kinilabutan naman ako dun. Sino ba yung mga yun?
There are four guys in the group. All came from prestigious families dahil ang eskwelahan nila ay prestihiyoso naman talaga to begin with. All students na pumapasok sa eskwelahang iyon ay talagang mga nanggaling sa noble and high class families, maliban na siguro sa babae kanina na nagearn ng sponsorship para makaattend sa eskwelahang iyon. Ang Stranton High School. Anyway, ang banda ay binubuo ng apat na lalaki, all with different aims and different characters.
Nakikita niya ang mga lumabas sa pinto ng auditorium dahil ang mga lalaking ito ay mayroong mga abnormal na height. Unang lumabas sa pintuan ang kinikilalang bassist ng banda. Si Jake Wagner. Just imagine him na binuksan ang pinto, naglakad palabas habang nakangiti ng napakalapad at kumakaway. Nagbibigay rin pala siya ng flying kiss. Ang lahat ay sinisigaw ang pangalan niya. A Fil-Am and the known womanizer of the group. According sa isang survey na ginawa ng newspaper club ng eskwelahan, siya raw ang may pinakasweet na ngiti sa apat na ito. Mayroon siyang brown hair and attractive grey eyes na ginagamit niya pangwink sa crowd. Marunong siyang magtagalog dahil dito na siya lumaki sa Pilipinas. His Dad owns hotels and resorts in the U.S.
Mukha naman siyang hindi naligo. Ganyan ba mga style ng buhok ngayon? At kung makatingin pa parang may hidden agenda.
Sumunod naman na lumabas ay ang drummer ng banda. Si Marc De Castro. Imaginin niyo na lang na naglalakad rin siya nang nakangiti at hinahawakan siya sa kamay ng mga babae sa gilid at katulad ng kay Jake, sinisigaw rin ng lahat ang pangalan niya. Siya naman ang pinakanormal sa kanilang apat. Siya ay… napakanormal talaga. A normal student with abnormal popularity. He gets along with people and napakaapproachable kahit na medyo mataas ang tingin sa kanya ng ibang mga estudyante sa Stranton. He excels most in his drumming skill and makes him the best drummer in the whole school. Marami siyang mga kaibigan na nagpapaturo ng drums sa kanya. He is the "goodest" guy of all. Dahil pure Filipino siya, itim ang buhok niya at itim rin naman ang mata niya, at medyo matangos ang ilong niya. His Dad owns a musical instrument company.
Katulad lang nung una, parang hindi rin naligo. Talaga bang kailangan nagsisitaasan yung mga buhok nila? Atsaka, para naman siyang nangangampanya lang.
Sumunod na lumabas, ang kinikilalang lead guitarist and back-up vocalist ng banda. At sa paglabas niya, mas lalong umingay ang labas ng auditorium na iyon. Napatakip naman ang babaeng nagmamasid sa di kalayuan ng kanyang tenga. Ito naman si Zuriel Van Montero. Isang Japinoy. It would be a history kung aalamin pa natin kung paano siya nagkaroon ng lahing Japanese lalo na't hindi naman japanese ang apelyido niya. Imagine him smiling widely, being funny while walking and the people shouting his name. Isa siyang napakaplayful at nakakatawang tao. He is a good guy with a good sense of humor. Siya ang clown ng grupo at kapag nagiismile siya o kaya naman ay tumatawa, nawawalan na siya ng mata. He’s got some Japanese qualities as well hindi lang sa appearance kundi rin sa mga kaugalian and he does them not only at home but at school too. He has black hair, brown eyes and pointy nose. Siya naman ay anak ng may-ari ng isang malaking business factory sa Japan. He’s good with guitars. Napangiti naman si Penelope.
Nakakatuwa naman yung hitsura niya. Wala na siyang mata. Oi, tama na nga 'to at marami pa akong kailangang gawin.
And off she went without looking back. Sayang naman at hindi niya nakita ang kahuli-hulihang miyembro ng grupo. Si Yael Drake Gonzaga, ang lead vocalist at isa ring gitarista ng banda. Pinakamalakas ang tili sa kanya ng mga babae. At kahit papaano ay nadisturb ang isang babaeng on her way paalis sa lugar na iyon. Si Yael ang pinakaseryoso sa lahat ng seryoso. Siya ang may pinakawalang reaksyon sa lahat ng mga NR. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitilian na siya. Mainisin rin siya at maiinitin ang ulo. But he’s still a good guy deep within. He came from a family of doctors and his parents run hospitals. He is effortlessly smart. He has black hair and deep black eyes. And if you look at him straightly, you’ll feel a chill down to your spine that makes every girl like/love him. Sinasabi na siya ang pinaka good-looking sa grupo pero mas sweet ngumiti si Jake. Paano naman kasi, hindi talaga ngumingiti si Yael kaya naman hindi siya kasali sa mga pinagpipilian ng 'killer smile' title ng newspaper club.
She decided to continue on her way. Nakayuko siya at kagat-kagat ang dulo ng thumb niya habang ang isang kamay niya ay may hawak na mga books at mga papers. Mga siguro 2-3% sa mga iniisip niya ang bandang nakita niya kanina. Nang bigla na lang may bumunggo sa kanya o pwede ring sabihing may binunggo siya.
Napatingin naman siya. "Oh, I’m sorry." Humingi siya ng dispensa sa babaeng nakabunggo niya at umalis na.
“Hey, you!" dahil parang pakiramdam niya ay tinawag siya nito, napatigil siya.
Humarap siya sa babaeng tumawag tapos lumingon ulit siya sa likuran niya para hanapin kung sino yung sinasabihan nito. Nakita niyang walang tao sa likuran niya and she turned her head again doon sa babae. The girl rolled her eyes in annoyance. Lumapit ito sa kanya.
“Hey, you nerd freak! You have the nerve to bump me! Nadumihan tuloy itong damit kong pinagawa ko pa sa Canada! Hindi mo yata alam kung sinong kinakalaban mo eh! F.Y.I., I am Chrissy Abarientos... you should know your place!” Akala ni Chrissy eh matatakot na ang babaeng iyon kapag sinabi niya yung pangalan niya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. “Low-life.”
In short, inaway-away siya nito. Nakatayo lang siya doon dahil pinagikutan siya ng grupo nung babaeng nagtaray sa kanya. Sadyang may mga ganito sa Stranton. They all think that they could do whatever they want because of their wealth.
Hala, ano 'to? Did I do something wrong?
"Look at her. She's so... Eeeew." sabi nung isa na tinuro pa siya.
"So.. unfashionable." bulong naman nung isa.
"Probinsyana yata yan eh."
Hindi alam ni Penelope ang gagawin niya. Hindi naman kasi ganoon kadaling tumakbo paalis dahil napapalibutan nga siya. Pero medyo sanay naman na sa mga ganito si Penelope.
She was being bullied in her previous school too.
Pinaguusapan na siya nung grupo ng mga babaeng mukha at katawan lang yata ang mayroon at wala namang brains nang biglang may isang babaeng sumulpot at nagtanggol sa kanya.
"Anong mayroon dito?" sabi nung babae with a happy voice, entering the circle. Nung nakita nung babae yung parang pinakaleader nung grupo,
"Oh? Ikaw pala Chrissy! Anong ginagawa mo?" nginitian niya pa ito.
Hindi makapagsalita yung Chrissy at nakatingin lang ng diretso doon sa babae. Unti-unti ring nawala yung circle kasi yung mga babaeng yun, pumunta lahat sa likuran ni Chrissy.
Nakatingin lang si Penelope doon sa babaeng nagsasalita para sa kanya. Magandang-maganda yung babae, cool manamit, matangkad, kulay brown ang buhok at ang mata.
"Sana naman wala kang ginagawang kung ano. We have here the only scholar in our school. Don't do anything na makakasira sa pangalan ng school natin. Especially those kind of... attitudes." ngumiti ulit ang babae at hinila paalis doon si Penelope leaving that group of girls there.
"Hey, okay ka lang?" sabi nung babae sa kanya habang naglalakad sila.
"Ah.. Ako ba?" ngumiti naman ulit yung babae.
“Malamang, sino pa ba? Haha! Wala naman silang ginawa sa iyo diba?" umiling naman si Penelope.
"Ako nga pala si Gabrielle. Gab na lang or you can call me whatever you want as long as its from my name. Marami akong nicknames sa school na ito, actually. Student Council President ako ng Stranton. You're Penelope, right?" tumawa naman ng mahina si Gabrielle. “Anyway, just stay away from those girls." nagstop naman sila sa paglalakad.
"Kilala mo ako?" tanong naman ni Penelope na tinuro pa yung sarili niya.
"Yep. You've been the talk of this school dahil ikaw ang nagiisang scholar dito. Aren't you so great?"
Great? Nah, I am not. Ang ginawa ko lang eh nagtest at naghope na pumasa.
"Hindi ah."
"You are." kumbinsi ni Gabrielle. "Many tried to get in here, pero ikaw lang ang nakapasa."
"Oh, Hindi ko alam yun ah."
"Haha! Ang cute mo naman. Anyway, just approach me kung may mga kailangan ka ha. Huwag kang mahihiyang kumatok sa SG Office. I have to go now, marami pang kailangang asikasuhin eh."
“Ah. Sige.” Ngumiti naman si Penelope.
“Actually, I also wanted to welcome you to Stranton. Dapat imimeet kita mamaya pa eh, since nagkita na nga tayo at medyo napaaga nga, I’ll just welcome you right now.”
“Okay lang naman. I think I’m welcomed enough.”
“Talaga? I think not.”
“No. It’s really okay. Atsaka marami ka pang gagawin diba? President ka nga pala.”
“You’re right about that. I think I should really go.” Nakangiti si Gabrielle habang nakaturo doon sa direksyon kung saan siya pupunta. Binalikan naman ito ng ngiti ni Penelope. And then the girl went off.
Siya si Gabrielle Jannette Marquez. Masasabi nating isa siyang ideal girl. Magandang-maganda, matalino, mayaman, nanggaling sa isang prestihiyosong pamilya, maraming talento at mabait. Isa rin siya sa mga taong nilulook up sa Stranton. Bukod sa posisyon niya bilang Student Body President, ang pamilya niya'y maraming mga kasosyo pagdating sa business, moreover, her Dad is the CEO.
Pero just like everyone else, she did a lot of mistakes in the past and still, even now, she's guilty of something that she did before. Isang bagay na ginawa niyang hindi niya pinagisipan at ngayon hindi niya alam ang gagawin to atone her mistakes and be forgiven by that person she truly loved.
Second day and the last day of complying the requirements. Naipit ako sa mga ganoong sitwasyon. Hay, panibagong environment talaga. Hindi pa tapos yung mga requirements ko sa ibang mga teachers. I need to turn them in hanggang mamayang hapon para makapasok na ako bukas. Haaaay. Nakakapagod nga naman talaga.
Umupo siya sa isa sa mga benches ng school. Bench iyon na kung saan makikita roon ang view ng buong field. Umupo siya roon at nakita niya na naman ang grupo ng apat na lalaki na naglalakad.
P.E. yata nila? May uniform rin naman pala dito eh, P.E. uniform nga lang. Atsaka ditto, everyday civilian.
P.E. nga and they are playing soccer, the teacher as their referee. Maraming nanonood. Yung apat na lalaking iyon eh nagpunta sa pinakamalapit na puno for shade. Umupo sa damuhan yung isa na hindi niya nakita kanina at humiga. Habang may dalawa doon na umakyat ng puno at yung isa naman eh umupo lang katabi nung humiga. Naging maingay na rin sa paligid kaya naman Penelope decided na tumayo at maglakad ulit. That grouo of boys were the boys earlier that went out from the Audi.
Before everything happens,I think kailangan ko munang magpasalamat sa kanya.
She got her bag and found a piece of paper then went inside the library. Doon, she carefully wrote her gratitude para sa taong gumawa ng paraan para maging possible ang pagpasok niya sa Stranton. Makikita sa mukha niya ang isang genuine smile, habang nakaupo at nagsusulat sa isang blank bondpaper. Ishinare niya sa taong ito ang mga naramdaman niya at naexperience niya from the moment she stepped on the school grounds.
It is really amazing. It is a great feeling. I had to go to this school. Hindi ko po talaga inaasahan na matatanggap ako rito. All thanks to you. Alam ko pong magiging mahirap sa simula pero normal naman po iyon sa mga first experiences. Ngayon po, I can focus on my studies and achieve my dream. Salamat po for supporting me in fulfilling it. I promise that I will do my best and to not disappoint you.
Binasa niya ulit yung mga sinulat niya. Ngumiti siya at dinugtungan ito.
Hindi ko po kayo kakalimutan sa araw na matupad ko na po iyon. Sa araw na makikita ko na ang tatay ko.

*________________*


♫ Two ♫
Tumayo na siya matapos niyang ilagay sa isang puting sobre yung ginawa niyang sulat. Tumingin rin siya sa orasan niya na nagsasabing lagpas 12 na. Lumabas na siya ng library at dumaan sa hallway para makarating sa personal mailbox niya. Dahil sa kanya, exclusively, mayroong mailbox sa eskwelahang iyon para makipagcommunicate siya with her sponsor. It was a green mailbox na may carvings ng apelyido niya.
Hindi niya alam kung sino ang sponsor niyang iyon. Ni pangalan ay hindi sinasabi sa kanya. Dahil ayaw raw talagang magpakilala ng kanyang sponsor. Isang bagay lang ang hinayaan na gawin niya, ang sumulat dito. Masaya naman siya dahil nagrereply sa mga sulat niya ang sponsor niyang ito. Kailangan niya nga lang maghintay ng ilang mga araw para makatanggap ng reply.
She slipped the letter sa maliit na opening ng mailbox. Hinanap niya namang sunod ang cafeteria ng school to have her lunch.
Saan ba yun banda? Kakapunta ko lang nun-
"Whoah!"
"Ah! Sorry, sorry!" natalisod siya at nakabangga ang isang lalaki doon na hindi niya kilala. Sa tingin niya, senior yun.
"Sorry po..."
"Look at where you're going." tapos iniwan na siya nun.
"Hay, ang clumsy ko talaga! Ano ba yan, Penelope, gamutin mo na nga yang sakit mong yan." Hinawak-hawakan niya naman yung bangs niya as she turned away and went to find the cafeteria.
Naglakad-lakad pa siya at mabuting hindi na siya naligaw. Narating niya naman ang cafeteria. Noong mga nakaraang araw kasi eh medyo hilo pa siya sa lugar na ito.
One-fifth nga lang yata ng school na ito ang size ng school ko dati eh.
Nagorder lang siya ng pagkain niya. Nakita niya ang listahan ng mga food doon sa harapan with their corresponding prices.
I think my allowance is just enough for...
Nagorder na lang siya ng pizza and a bottle of iced tea. Naghanap siya ng mauupuan, halos lahat ng seat ay puno na. She roamed her eyes in the room at nakakita siya ng upuang bakante na malapit sa pinto. Dumiretso naman siya doon.
Papaupo na siya nang biglang may matabang lalaking umupo doon. As in sobrang taba talaga ng lalaking iyon. Kung iimaginin siguro ang buhay niya by his appearance, siya siguro yung type na palaging nasa harapan ng mga gadgets katabi ang large-sized potato chips niya habang nakaupo sa sofa.
“What’s your problem?” ang sabi niya nung napansin niyang medyo matagal nang nakatitig si Penelope sa kanya.
“Wala... Wala naman.”
“Don’t stare at me, nakakailang eh, pede? If you want a seat, maghanap ka na lang ng iba.”
"S-sorry."
Ganito lang talaga siguro sa una. Walang may gusto sa iyo... But its okay. I'd gladly accept this situation, eventually makakafit in din ako sa school na ito.
Wala na siyang nagawa kundi tumayo doon, habang dala-dala ang tray niya dahil walang bakanteng silya. She stood there for almost a lifetime para makakuha ng upuan. Halos lahat kasi ng estudyante doon, ayaw magbigay. Kapag iaapproach niya na ang isang upuan, may uupo namang iba kaagad. Nakita niya rin doon si Gabrielle pero masyado itong busy sa kaharap na laptop pati mga papers, marami ring taong nakapalibot sa kanya. Penelope assumed na baka yun yung buong SG officers which is tama naman siya that's why hindi na niya inapproach si Gabrielle.
Huwag na lang baka makaabala pa ako.
Nakakarinig na siya ng mga pigil na tawa all around her. Noong una, hindi niya alam na siya pala ang pinagtatawanan. Saka na niya narealize nung may nagsalita na.
“Don’t stand there like an idiot!” Namula siya. She was embarrassed. Mas lalo naman nung pumasok na ang grupo ng mga basketball players ng school kasama ang mga chearleaders. Tinignan siya nung mga yun pero hindi naman nagsalita. Doon na niya nagets na dapat siguro umalis na siya doon. Baka mas lalo lang siyang mapahiya.
Mabilis siyang dumiretso sa counter at kumuha ng tissue at plastic para ibalot na lang niya yung pizza niya. Then off she went.
Umupo siya sa bench na kinauupuan niya kanina.
“Magkakaroon ka rin ng kaibigan, Penelope. You will, for sure.” Ang sabi niya sa sarili outloud, habang nakaupo siya. Ang bench na iyon is just outside the building of the school. Sa likuran niya ang open hallway ng building na yon. Sa harapan niya naman ay damuhan. Ang bench na ito ay directly under ng isang malagong puno. Kaya kahit na nasa labas siya at mataas ang tirik ng araw, natatamaan naman siya ng shade ng punong iyon.
Kinain na niya ang pizza niya doon at uminom din siya ng iced tea, thinking about the friends she would have.
“Kaya mo yan Penelope Krystinn Alejandro Morales! Magkakaroon ka rin ng kaibigan! …” nagbuntung-hininga siya. “Kahit isa lang naman ok lang eh. Everything’s gonna be alright. Kayang-kaya ko ito no! I have to… bear with these... for now.” Ang sabi niya sa sarili niya with matching close fists pa. Then she smiled at herself.
Nang bigla na lang may nahulog mula sa itaas at dumiretso sa ulo niya.
“Ouch!!! Ang sakit!” Napahawak siya kaagad sa ulo niya, hinimas-himas niya naman ito. “What was tha-“
Nakita niya yung nahulog sa ulo niya doon sa damuhan. Pinulot niya naman ito.
Indian Mango?
Tumingin siya sa itaas. Nakita niya ang hitik na bunga ng puno. Napangiti naman siya.
Lucky!
Mahilig siya sa mangga kahit na anong klase pa 'yan. At ang pinakafavorite niya sa lahat, ay ang Indian Mango. Dali-dali siyang umalis sa kinauupuan niya at pumunta sa natanaw niyang open sink ng school. Binalak niyang hugasan yung mangga.
Hindi niya napansin yung lalaki sa itaas ng puno. Nakahiga ito sa isang mahabang sanga. At nagtatakip ng cap sa mukha niya. Sakto rin at nakakulay green siyang T-Shirt kaya hindi siya napansin ni Penelope. Noong nakaramdam siyang wala na ang babae, tinanggal niya na ang cap at medyo tumingin sa direksyon ni Penelope.
"What the-.. Muntik na ako dun ah. Phew." Inayos na niya yung sarili niya pati yung mga indian mangoes sa damit niya para makababa na mula sa puno na yun. Pagkababang-pagkababa niya, tumingin siya ulit dun sa direksyon na pinuntahan nung wirdong babaeng kinakausap at ineencourage ang sarili.
"How stupid. Sino ba yun?" he looked more closely for a minute.
I know this is far more stupid.. But for some reason, I feel like this has happened before... Nah. Probably not. No, no, never.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Yael. Nadulas sa kamay niya ang isang Indian mango kaya naman ito’y dumire-diretso sa ulo ni Penelope. Itinatago niya sa lahat ang personal interests niya. Isang dahilan ay isa siyang masikretong tao and he doesn’t like everybody lingering around him which is always happening dahil sikat siya sa school. Anak nga naman kasi ng professional Doctors at ang Daddy niya ay isa mga directors ng Stranton High, magaling sa musika, matalino, gwapo... name it, halos nasa kanya na lahat, yun lang medyo masungit. Kapag nalaman kasi ng mga tao ang mga likes and dislikes niya tiyak sasabog na naman ang locker niya. Masyado kasi siyang sikat sa eskwela kaya pakiramdam niya, napakarami nang nanggugulo sa kanya. Mapupuno lang naman ito ng mga gifts galing sa iba’t ibang babae o kaya naman mga bagay na ibinibigay sa kanya ng ilang mga lalaking may galit sa kanya. Kaya here he is, nasa itaas ng puno habang kinakain ang pinakapaborito niyang prutas.
Ang tagal naman nung mga yun ah! Kanina pa lunch!I thought I told them to meet here at 1:30…
Kinuha niya yung bag niya and he slipped all his Indian mangoes inside. Umupo siya sa bench na kaninang inupuan ni Penelope.
Maybe… I should say sorry to her? Medyo masakit rin naman yung pagkakahulog nung mangga sa kanya.
“Nah, It’ll just create a scene. Hindi niya rin naman ako nakita eh.” Kasi kapag nakita siyang nagsosorry sa isang babae, magiging magulo lalo ang buhay niya. Many rumors will spread. Kahit saan ay may mga mata na nakatingin sa kanya, dito lang sa itaas ng punong ito wala atsaka sa kanilang practice room na provided ng school.
“What will create a scene?” ang sabi naman ng isang lalaking umupo sa tabi niya na nagmula sa hallway sa likuran.
“Asan na sila?”
“Parating na siguro. Oi, anong gagawa ng gulo?”
“Wala, wag mong pansinin yun.”
“Minsan talaga ang weird mo na eh noh?”
“Manahimik ka nga. Ang mabuti pa Marc, tawagan mo na sina Jake at Zuriel. Hindi ba nila alam na mayroon tayong practice ngayon!?” medyo naiinis na sabi ni Yael.
“Ito naman, napakamainitin ng ulo mo. Sumasabay ka pa sa init ng araw oh.” Tinignan siya ng masama ni Yael na para bang sinasabing “I said, call them!”
“Listen, hinanap ko na yung dalawang iyon. Si Zuriel, hindi ko mahanap. He isn’t answering his phone either. Malamang nakatulog na yun sa kung saan. At si Jake naman… saying not to disturb him dahil kasama niya ang kanyang pang…” nagbilang pa siya sa kamay. “1:30 na ‘no? 8:30, 9:30, 10:30, 11:30…”
“6th girlfriend for today.”

“Yeah. His 6th girlfriend for today.”



Yüklə 0,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
  1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2025
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin