Madalas na wala si Yael kapag nandyan ang Dad niya. Laging prito ang mga ulam specifically hotdog, meat loaf, itlog, corned beef kapag mga mismong miyembro ng pamilya (Mom nila to be specific) ang nagluluto… sunog pa, kaya asahan na rin nating hindi kakain si Yael. Kapag naman mga katulong ang nagluluto, okay naman ang ulam pero hindi masyadong nagsasalita ang bawat miyembro ng pamilya sa hapag-kainan. At ang pinakausual na dinner ng pamilya ay kanya-kanyang kain sa labas. Hindi naman siguro. Yeah. This is the first time that I've eaten with her kaya pano naman mangyayari yun? Parang biglang nag-glow ang mga mata ni Jesse habang nginunguya yung pagkain niya. “Hmm… Ang sarap ah! Sinong nagluto?” Bigla namang napangiti si Bianca at bumaling kay Ylinette at Penelope. “Ang sarap naman nito, girls! Dinaig niyo pa si Manong Rey!” Tinutukoy niya yung manong na chef nila. “Ibig mo bang sabihin, si Ylinette at Penelope ang nagluto?” ang sabi ni Jesse habang pinupunasan ang bibig niya. Tahimik lang si Penelope habang tinusok yung carrot sa plato niya ng tinidor at tumingin doon sa magasawa. Si Ylinette naman ay biglang ngumiti. “Hindi mo ba sila nakita sa kusina?” sabi naman ni Bianca. “Hindi ako pumuntang kusina eh.” “Ay, naku, Dad! Ang galing galing po nitong magluto.” Tumingin naman sa kanya si Ylinette at ngumiti, and then bumaling na naman sa Dad niya ng tingin. “Na-amaze nga po ako kanina habang nanonood ako sa kanya eh. Ang sarap no?” “You’re right. Para akong kumakain sa isang high-class restaurant.” Ngumiti naman ito kay Penelope, kaya medyo nahiya naman siya. Pero ngumiti siya pabalik. “Hindi naman po ako ganun kagaling pero… salamat pa rin po.” Sabi naman ni Penelope. "Naku, huwag mong kakalimutan yung cooking lessons natin ha." sabi ng Tita niya. "Ay, opo! Sabihin niyo na lang po sa akin kung kailan." Para lang sa maanghang na beef na ito? Nagagalingan na sila sa kanya? Well, inaamin ko namang okay ang lasa. Not bad. Pero hindi naman pang high class. Its just... okay. “Ano sa tingin mo baby?” baling naman ni Bianca sa bunso nila. “Mommy… I think… I think its okay.” “Okay lang?” tanong naman ni Ylinette na parang medyo disappointed. “Its not that bad.” Ang sabi naman ni Ysabelle habang napatingin kay Penelope at muling umirap. “Huwag mong kakalimutang bata ka…” napakagat naman ng lower lip niya si Ylinette “na may hawak akong tinidor.” “Mommy, Daddy oh… si Ate Ylinette!!” sumbong ni Ysabelle. “Don’t be too harsh on her.” Pagtatanggol ng Dad niya kay Ysabelle. “Ylinette, ikaw napakatanda mo na, si Ysabelle siyempre baby pa yan.” Dagdag naman ng Mom niya. “I know that Mom. Eh kasi naman kanina niya pa inaaway si Penny.” “Si Penelope?” “Yeah, Dad. Nakita kong-“ “She’s just five.” Sabi naman ni Yael. “Nako, pinagtatanggol pa ng Kuya…” sabi naman ni Ylinette na bumaling kay Yael. “Okay lang po talaga yun Ate Ylinette, bata pa naman po si Ysabelle eh.” Tumingin naman si Penelope doon sa bata na puro kalat na yung paligid ng plato niya. Tapos medyo nagkakaroon na rin ng mga mantsa sa damit nito. “Alam naman namin ng Mom mo ang pagiging makulit ni Ysabelle. Mabuti nga at naiintindihan pala ni Penelope eh…” sabi ni Jesse sa anak niya. Tapos bumaling naman ito kay Penelope. “Pasensiya ka na sa mga ginawa ng batang iyan and thank you for being patient with her.” “Naku, ayos lang po iyon. I am sure makakasundo ko rin po siya sa kalaunan.” Sabi naman ni Penelope na ngumiti sa Tito Jesse niya. “Mahirap gawin yun. Most of the time pinapakinggan niya lang yung Kuya niya.” Sabi naman ni Ylinette habang sumubo naman ng pagkain niya. Nagpatuloy lang na kumain ang buong pamilya. Siyempre nanahimik naman, and then nagusap tungkol sa design ng bahay. Panay remind naman ng Tatay nila na hindi dapat magfail si Ylinette sa medicine study nito sa abroad. Umoo lang naman si Ylinette. Si Yael medyo nagfrown sa usaping ito at hindi niya rin namamalayang kuha na pala siya ng kuha ng ulam doon. Hindi naman sa naabsent-minded siya, he knows what he is doing at kung gaano karami ang kukunin niyang ulam. Ang nawala sa isip niya eh yung sinabi sa kanya ng Ate niya habang niluluto ni Penelope yung Caldereta, yung kakain daw siya nang marami. He diverted his eyes to Ylinette matapos niyang ibalik yung serving spoon sa lalagyan ng ulam. Nakita niya na ngumiti ito sa kanya, tapos ngumuso doon sa plato niya. Para bang tinuturo ni Ylinette yung plato na tignan yun ni Yael. Tinignan niya naman yung plato niya and then he was surprised nung nakita niya kung gaano karaming ulam ang nandoon. Tinawanan lang siya ng Ate niya tapos bumulong, "Sabi ko naman sayo eh!" that time kasi parang nanenermon yung tatay nila kaya naman hindi masyadong makapagsalita ng malakas si Ylinette, lalo na't siya yung topic ng sermon. "Nakikinig ka ba, Ylinette?" "Ha? Uhh... Oo naman Dad!" at nagpatuloy na lang ang paguusap nila. Siyempre, hindi niya naman na pwedeng ibalik yung pagkain niya dun kaya kumain na lang siya. Si Ysabelle naman kain lang din ng kain hanggang matapunan na siya ng kanin sa jeans niya, kaya naman nagprisinta na si Ylinette na magpaligo at magbihis doon sa bata. “Biglang bumait ah.” Comment ni Yael. “Ganoon talaga, mahal na mahal ko pa rin naman tong pasaway na ito eh.” Ang sabi ni Ylinette sa kapatid niyang medyo nanlalagkit na ang mga daliri at hindi makagalaw sa kinauupuan. Hanggang sa binitbit na siya ng Ate niya. “Excuse us for a bit.” Ang sabi ulit ni Ylinette. Naririnig pa nilang nagsasalita si Ylinette doon kay Ysabelle habang papaalis. “Magiging tagahilod mo na naman si Ate. Sabayan kita maligo para maiscrub mo rin yung likod ko.” “Oww…kaaaay.” Sagot naman nito. Hanggang sa marinig na nila yung mga padyak ng paa paakyat. Maya-mayang kaunti naman, medyo nakaramdam na si Yael ng discomfort dahil silang apat na lang ang naroroon. Binilisan niyang kumain habang naguusap lang yung tatlo tungkol sa gagawin nila sa monthly support na ibibigay kay Penelope. “I guess, hindi na natin magagamit yung mailbox.” banggit ni Bianca. Sa mailbox kasi nagkakaroon ng communication si Penelope at ang sponsor niya diba? And dito rin niya kinukuha yung monthly na allowance niya. “What do you mean?” tanong naman sa kanya ng asawa niya. “You’ve shown yourself to her, diba? Hindi ka na anonymous. Kaya, it has no use anymore. Pwede naman nating ibigay na lang sa kanya dito yun.” “You’re right... Pero its still better to keep the formalities. Kumbaga, yung ipinangako naming support eh mas makabubuti sigurong sa mailbox pa rin talaga makukuha ni Penelope. I think that’s better. What do you think Penelope?” “Uhh… Umm… In any way naman po, oka-“ “Excuse me.” Sabi naman ni Yael na natapos nang kumain habang pinush backwards yung chair niya para makatayo. “Yael. Sandali lang, anak.” Pigil sa kanya ng Mom niya. “Why? Kailangan pa ba ako sa diskusyon niyo?” ang sabi naman nito. “Will you please stay a little bit more?” ang sabi sa kanya ng Dad niya, holding Yael’s arm. Nagkataon kasing magkalapit ang upuan nila sa isa’t isa. Nagpahuli ba naman siyang bumaba eh. Bigla namang hinawi ni Yael yung pagkakahawak sa kanya ng Dad niya. Actually medyo malakas nga iyon pero siguro ay nasanay na rin si Tito Jesse sa coldness na ipinapakita ng anak niya sa kanya these past years. “May gagawin pa ako.” Ang sabi niya sabay lakad paalis. He just can’t bear being with his Dad. Lalo na at naalala niya parati yung past kung bakit siya galit na galit dito sa tuwing makikita niya ito. “We’re sorry… about that.” Ang sabi ni Tito Jesse kay Penelope. Habang nakalingon naman si Tita Bianca kay Yael. Mukha talagang may problema siya. Nasabi naman na sa akin nila Tito at Tita na talagang may problema si Yael sa kanila. I still don’t know what that is. Kung sana, alam ko lang para kahit paano, matulungan ko siya. Sana… “So Penelope, okay lang ba talaga sa iyo?” Sabi ni Jesse kay Penelope habang si Penelope ay nakagaze pa rin sa pintuan na pinaglabasan ni Yael. “Po?” bigla namang tumingin si Penelope sa Tito niya. “Is it okay?” tanong ulit sa kanya ng Tito niya. Bumalik ulit sa isip niya yung pinaguusapan kanina. “Ah! Eh… Oo naman po! In any way naman po ng pagkakabigay, thankful pa rin po ako.” Sabi naman ni Penelope na kakatapos din lang na kumain. Nagpupunas na siya ng bibig niya doon at ngumiti sa kanila. “So that settles it. Thank you rin, iha.” “Naku, ako nga po dapat ang magexpress ng thank you eh. Ang bait niyo po talaga!” Natawa naman ang Tito Jesse niya at ngumiti sa kanya si Tita Bianca. “And I couldn’t show the kindness you’re saying to my own son.” Ang sabi naman ni Tito Jesse sa kanya na medyo napilitan nang ngumiti. Tumingin naman dito ang Tita niya. Maya-mayang kaunti naman, nagsalita naman na ulit siya. “Ah, sige, Penelope, pwede ka na ring umakyat at magpahinga.” “Ho? Ay, naku, ako na lang po ang magaasikaso dito.” tinutukoy ni Penelope yung pinagkainan ng pamilya. “Hindi mo na kailangang gawin iyan.” Sabi naman sa kanya ni Bianca. “Iwan mo na yan.” “Eh, sino pong magliligpit? Napansin ko nga po na… parang wala po kayong kasambahay dito. Para naman po kahit papaano makatulong ako.” “Yung mga kasambahay kasi namin eh nagbakasyon muna. Pinagbakasyon namin. Lahat sila nasa mga probinsya nila. Naisip lang kasi namin nitong asawa ko na dapat ay even once in a while makauwi yung mga yun sa mga pamilya nila. Actually, day off nga nila nung isang araw. Dinirediretso na nila yun hanggang bukas. Babalik na yung mga yun sa makalawa. Ako na lang diyan, sige iwan mo na.” Explain ng Tita niya. “Oh. Ganun po pala.” ang sabi ni Penelope habang tumatayo mula sa pagkakaupo niya at sinimulang kunin yung mga platong pinagkainan. “Iha, ako na lang dyan.” ang sabi ng Tita niya na tumayo na rin. “Hindi po, ako na lang po talaga.” Sabi niya habang pinagpapatong-patong na yung mga plato doon at binuhat iyon. “Penelope, hayaan mo na kami diyan.” Ang sabi naman sa kanya ng Tito niya na tumayo na rin. “Sige na po, Tito. Para po makatulong ako kahit papaano. Wala pa naman po yung mga kasambahay eh. Kayo na lang po yung umakyat at magpahinga. Kaya ko na po ito.” nagkatinginan naman yung magasawa at parang no choice naman na sila. “O-o sige. Kung yan ang gusto mo. Aakyat na kami ah.” Ang sabi naman ng Tito niya.
“Salamat, iha.” Ang sabi naman ng Tita niya na nakangiti at magkasabay na umalis ng dining room ang magasawa. Niligpit niya naman yung pinagkainan, naghugas siya ng plato at pinunasan niya yung lamesa. Medyo napagod din siya sa araw na iyon. Sa lahat ba naman ng mga bullies, sa kawalan niya ng pagasa nung hapon kakabasa ng mga articles tungkol sa tatay niya, pati sa guilt na naramdaman niya na nawala rin naman agad, and last but definitely not the least, ang nasaksihan niyang tension sa parking lot ng school kanina, sino bang hindi mapapagod? Gusto na niyang humiga sa kama at magpahinga. “Pero kailangan kong magonline sa Skype! Sigurado akong nakababa na ng eroplano ang mga iyon. Atsaka umaga dun ngayon. Pag bukas pa ako gabi na dun tapos natutulog na sila. Saan nga ba ulit sila? Sa Connecticut ba? Ah basta sa letter C…” ang sabi niya habang iniistretch ng mataas ang kanyang mga kamay on her way paalis sa dining room. Hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. Naibaba niya kaagad yung dalawa niyang kamay at napataas naman yung isa niyang kilay sa pagtataka kung bakit hindi pa umaakyat yung taong may seryosong mukha na nakasandal sa railings ng hagdan. Napahikab na rin si Penelope doon. “A-akala ko ba… aakyat ka na?” tanong ni Penelope. “I did. I just went back here.” “Oh... O sige, good night.” Ang sabi niya habang nagsimulang humakbang sa unang step ng hagdan. “Hindi pa tayo tapos magusap.” Sabi sa kanya nito. Napalingon si Penelope sa direksyon niya. Seryoso pa rin talaga ang mukha nito. “Ba-Bakit? Ano yon, Yael?” bigla namang kinabahan si Penelope. “Nakita mo yun? Nakita mo... diba?”
“Ang alin?” sagot naman ni Penelope. Napakamot naman ng ulo si Yael dahil parang hindi alam ni Penelope yung tinutukoy niya. Yun ay yung sa parking lot kanina. Hindi niya talaga sigurado kung nakita ba talaga siya ni Penelope o sadyang coincidence lang na nandun din siya. Ayoko lang talagang may pumapansin sa pribadong buhay ko, eh. Base naman sa sagot niya, mukhang napadaan lang siya sa parking lot nun. Hindi niya siguro nakita. O baka naman naulyanin na siya, at hindi na matandaan? Ah, basta. Ayokong may malaman siya tungkol sa akin. “Anyway, I just want to remind you that rules are still rules. Naiintindihan mo ba ako?” “Ah! Oo…” sagot niya sa sinabi sa kanya ni Yael na nagsimula na namang magsalubong ang kilay. Naglakad na ito at umakyat na sa hagdan, leaving her behind. “Hay, grabeng salubong naman ng kilay yun, kulang na lang magdugtungan na talaga.” Nakita ko raw yun? Ang alin naman?... Ah! Don't tell me… yung nangyari sa parking lot?! Mabuti na lang Penelope, medyo absent-minded ka. Phew! Ayoko kayang malaman niyang alam ko yung tungkol dun! For sure, aawayin lang niya ako. Iisipin nun, napakapakialamera ko naman. Sa school nga binubully na ako, dito pa? Actually, oo nga. Si Ysabelle nga pala inaaaway din ako. Where is peace? At nagsimula naman siyang umakyat din. Pagkaakyat niya sa second floor, nakita niya yung pasarang pinto sa kwarto ni Yael. Naalala niya naman kaagad yung tungkol sa Skype at gusto niyang magpaalam dito kung pwede bang gumamit ng computer sa library. Naalala niya kasing doon sa library lang siya makakagamit ng computer dahil wala namang ganon sa kwarto niya. Mukha naman kasing rude kung bigla-bigla na lang siyang gagamit nun. Hindi niya naman bahay yun kahit doon siya nakatira. Tumakbo siya agad para harangan yung pinto. Pinush niya yung kamay niya para hindi tuluyang maisara ni Yael yung pinto and then medyo sumobra yung kamay niya at naipit ang palad niya doon. “Aw! Aray!” sigaw niya. Bigla namang napabukas ng pinto si Yael. “Ano na namang ginagawa mo!?” tanong sa kanya nito. “Ehh.. kasi.” Sabi niya habang hinahawakan yung palad niyang naipit. “Ang sakit…” “Ano ba yun ha!? Bakit mo hinarang yung kamay mo!?” “May-May sasabihin ako! I mean, ipapaalam pala.” “Naglolokohan lang ba tayo o ano!? I thought I already told you na may rules tayo! Na hindi mo ako basta-bastang kakausapin at lalapitan!” Tsk. Nasa bahay naman eh. Walang taga-school dito. Ay! Sabi nga niya pala noon, kahit dito sa bahay bawal din. Eh, emergency naman kaya ito! Tapos wala pa sa akin yung phone ko, bukas ko pa makukuha kaya hindi ko siya matetext. “Magpapaalam lang ako. Mabilis lang.” “Ano na naman ba kasi yon!?” naiinis na sabi sa kanya ni Yael. “Pwedeng… makigamit ng computer? Sa library?” napahawak naman si Yael sa mukha niya at mabilis na tinanggal iyon ulit. “Mabilis lang. kakamustahin ko lang yu-“ “I don’t care! Bahala ka. Feel at home!” sigaw nito sa kanya sabay slam na naman ng pinto sa mukha niya. Napabuntung-hininga rin naman si Penelope. Feel at Home? That’s the least thing I expected him saying. Bahala na nga. Sabi niya yun ah! Wag niya akong sisisihin pag may nangyaring di maganda! At pumunta na nga siya sa library. Siyempre, ginawa niya naman yung agenda niya doon. Binuksan niya ang computer na nakapatong doon sa desk at nagbukas siya ng mga mails at nagonline siya sa skype. Hinintay niya rin siyempreng magbukas sina Mikhail. Miss na miss ko na yung pinsan kong iyon. Kahit kakaalis lang niya at nila Tito at Tita parang isandaang araw ko na silang di nakikita. Medyo matagal din bago niya makitang online na si Mikhail. "Yo, pinsan! Kamusta ka jan?" sabi sa kanya ni Mikhail sa webcam. "Mikhail! Namimiss ko na kayong lahat!" "Oh, wag masyadong maexcite baka hindi ka na makapagkwento ng maayos niyan." tinawanan naman siya ni Mikhail. "Kakarating lang namin dito. Ang lamig lamig nga eh. May snow dito!" "Talaga!? Anong hitsura!?" "Teka, kukuha ako sa labas ah!" naupo lang si Penelope doon habang hinihuntay ang pagbalik ng pinsan niya. "Tenen! Eto oh. Diba ang astig?" sabi ni Mikhail na hawak-hawak ang isang handful ng snow. "Bakit wala kang gloves? Masakit yan sa kamay. Magsuot ka kaya." natatawa naman siya doon sa pinsan niyang nagmumukhang bata at inosenteng inosente doon sa snow. "Uwian mo ko niyan ah!" "Oh, siyempre naman! wag ka magalala, ireref ko to hanggang sa bumalik na ako dyan." napangiti naman sila sa isa't isa. "Nga pala, naiintindihan ko namang mahilig ka sa libro... pero hindi ganyan karami." tumingin si Mikhail sa likuran ni Penelope. "Ah." tumingin din siya sa likuran niya. "Nasa library kasi ako. Library sa bahay ng tinutuluyan ko." "Oh. Dun sa sponsor mo?" "Yup." Ngumiti naman siya kay Mikhail. "Yaman naman nun. Dito lang nakikita ko na kung gaano kaprestihiyoso yang bahay na yan." "Oo nga eh. Sobra kaya. Sila Tito at Tita nga pala?" "Ah. Andito na. Parating na nga eh." nakatingin si Mikhail sa gilid niya. Maya-mayang kaunti, nakita naman na niya yung Tita niya at kasunod namang umupo ay ang Tito niya. Napatahimik lang doon si Penelope. "Oh!? Umiiyak ka na naman!" banggit ni Mikhail. Napapunas naman si Penelope bigla ng mata niya at natawa sa reaksyon ng pinsan niya. Tapos suminghot-singhot. "Ma!?" sabi naman ni Mikhail habang tumingin naman sa direksyon ng Mama niya. "Pati ba naman kayo, umiiyak? Ang drama niyo naman!" napakamot naman siya ng ulo niya. "Hayaan mo na. Mabababaw talaga ang luha ng mga iyan." sabi naman ng Tito niya. Nagusap sila doon, nagkamustahan. Maraming naikwento si Mikhail at ang buong pamilya sa mga bagay-bagay doon sa America. Kinabukasan daw ay lalamyerda sila at magiikot-ikot. Kasisimula lang din kasi ng buwan ng December kaya naman napakarami na ring dekorasyon doon. "Ikaw naman iha? Kamusta ka na diyan? Kamusta school mo?" tanong naman ng Tito niya. "Oo nga Penelope. Kumakain ka ba ng maayos diyan? Nakakatulog ka ba ng maayos?" tanong naman sa kanya ng Tita niya. "Ay naku, huwag po kayong magalala, okay lang po ako. Masaya naman po ang school. Masaya naman po ako dito. Sa gabi naman po, mukhang hindi pa po ako inaatake nun, kaya okay lang. Sana nga po talaga... Kung pwede lang ay matigil na yung mga panaginip na iyon eh." medyo nagkaroon naman ng katahimikan. "Iha, huwag kang matutulog nang nakatihaya ha. Tumagilid ka o kaya naman dumapa ka, para maging masarap naman ang tulog mo." sabi sa kanya ng Tito niya. "Pinsan, mag milk ka sa gabi. Mas masarap ang tulog mo pag ganun. Sweet dreams yun. Pramis." sabi sa kanya ni Mikhail. "Huwag kang magtitipid ng kuryente jan!" natawa naman siya sa sinabi ng Tita niya. "Halah, Tita, bakit naman po?" "Lagi kang magbubukas ng aircon o kaya naman ng electric fan. Ayokong napapagpawisan ka sa gabi." Kaya kahit na medyo tumutulo na yung luha niya doon dahil sa pagmimiss sa itinuturing niyang pamilya, ay napapangiti siya dahil alam niyang nandoon pa rin sila kahit gaano kalayo ang mga iyon. "Thank you po, gagawin ko po yun." ang sabi niya habang nagrub ng mata. "Ma-mahal ko po kayo." "Ano ba yan, nakakagulat ka naman. Mahal ka rin namin." sabi ng Tita niya na nagpupunas din doon ng luha at akbay akbay ng Tito niya. Si Mikhail naman nakangiti ng napakalapad. "Oi! Tigilan niyo na drama, kanina pa yan ah. Mahahawa na naman ako, sige kayo. Hindi maganda yon." tinawanan niya naman yung pinsan niya doon. Naalala niya rin yung mukha ni Mikhail habang umiiyak sila parehas nun. "Nga pala, iha. Kamusta yung paghahanap mo sa tatay mo? May progress ka ba?" bigla namang natanong ng Tito Andrew niya. Sinabi niya naman yung totoo, na wala. Na ang hirap din palang maghanap. Pero sinabi niyang she'll continue looking at patuloy lang maniniwala sa mga sinabi ng tatay niya. "Alam niyo po, I can feel na makikita ko siya talaga sa personal. Kaya I shouldn't give up now. Hindi ngayon at hindi rin sa mga susunod."
*****
"Hay! Nako naman! Ang kulit naman kasi nung babaeng yun eh!" ang sabi niya. Pagkatapos niyang iislam yung pinto sa mukha nung babae. "Napasigaw na naman tuloy ako." Hindi niya man napapansin, palagi siya talagang sumisigaw. Umupo naman siya doon sa kama niya. Kinuha niya naman bigla yung headset na nakapatong doon at isinaksak ang plug nito doon sa phone niya. Hindi pa pala talaga ako nakakaisip ng magandang tutugtugin sa celebration pati na rin pala sa Christmas Eve party. Habang nakadikit sa tenga niya yung headset, pinaghahanap naman niya yung songbook niya. Tumayo siya mula sa kama at pinaghahanap iyon sa buong kwarto. Nagsimula naman siyang magfrown dahil hindi niya iyon makita. Saan ko ba nailagay yun? Alam ko dito lang sa desk ko eh. Hinalungkat niya yung desk niya at pinaghahatak palabas yung mga drawers niya doon pero hindi niya pa rin makita. Baka nasa music room? Bukod sa kwarto niya, madalas siya sa music room pati na rin sa library. Dali-dali naman siyang lumabas sa kwarto niya at pumasok sa music room. Saglit siyang naghanap doon pero wala pa rin talaga. Kahit naman kasi makalat doon, medyo maluwag naman at makikita kaagad yung mga bagay-bagay na nawawala. Sa library? Bigla niya namang naalalang nandoon si Penelope. Eh, basta. Kailangan kong mahanap yun. Hinawakan niya yung doorknob. Pagkalapit niya doon sa pinto, narinig niyang may sumisinghot. Naisip niyang baka umiiyak si Penelope. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at nakasilip naman siya sa loob. Tama siya, umiiyak nga ito. Nagpupunas ito ng luha gamit ang kamay niya habang nakangiti doon sa kausap. Naririnig niya na nagtatanong yung kausap ni Penelope tungkol dito. Nangangamusta ang mga iyon. Pinagmasdan niya lang si Penelope nun. Nakita niya kung paano ngumiti at tumawa si Penelope doon sa kausap niya. Napapaluha din siya doon kaya panay punas niya ng mga mata niya.