Naisip naman na din sin Yael ang kailangan niyang hanapin yung songbook niya. Kahit medyo ayaw niyang iinterrupt si Penelope doon sa ginagawa nito eh kailangan niya talagang pumasok. Importante kasi talaga yung songbook niyang yun. Kailangan ko yun ngayong gabi. Hay... Ano bang pinagdadalawang-isip mo jan? Pumasok ka na lang! Nakita niya na tinanggal ni Penelope yung suot nitong salamin as he entered the room. Medyo nagulat si Penelope at napatingin sa may pinto. Agad-agad niya rin siyempreng sinuot yung salamin niya pabalik para makita kung sino yun. Medyo nagulat si Penelope at nakatingin lang kay Yael nun. Habang si Yael naman, nakatingin lang rin kay Penelope, hawak-hawak pa rin yung doorknob. "Oh? Hello! Napapunta ka dito?" tanong ni Penelope breaking the silence between them. Narinig naman ni Yael na may boses ng lalaki na biglang nagtanong kung sino yung tinitignan ni Penelope. Napatingin pabalik si Penelope doon sa monitor. Ngumiti naman siya sa screen at nagsalita. "Ah, anak ng sponsor ko. Pumunta siya dito sa library eh." Narinig na naman ni Yael na nagtanong yung kausap ni Penelope. "Lalaki ba o babae?" Boyfriend niya? Bago pa masagot ni Penelope yung tanong ng kausap niya, Yael cleared his throat, sabay bitiw naman sa pagkakahawak doon sa doorknob. "May hinahanap lang ako. Sige, continue, don't mind me." sabi niya habang shinake-shake pa yung kamay niya sa direksyon ni Penelope. "Ah, ganun ba? Okay." napangiti naman si Penelope sa kay Yael. Ayun, oh! Kinausap niya ako ng di nakasigaw! Akala ko pa naman talagang complete strangers na kami dito sa bahay. Napakasama niya naman kung nakipagusap lang siya sa akin for the sake of excusing himself dito kay Mikhail. Sana nakalimutan niya lang yung sinasabi niyang rules. Ibinalik naman ni Penelope yung mga mata niya sa screen at nakita ang seryosong mukha ng kanyang pinsan. Ang pinsan niya na lang ang kausap niya kasi nagexcuse ang magasawa at kinausap daw yata sila nung landlady ng apartment na tinitirhan nila. Medyo mahaba ang diskusyon na yun sabi ni Mikhail. Alam niyang kailangan niyang magkwento dito tungkol sa mga bagay concerning the house she's currently living at. Siyempre, she's leaving out some other things. Katulad ng mga rules ni Yael, pati rin ang pagsusungit sa kanya nito. Pati na rin siyempre yung kay Ysabelle. Magaalala lang yung mga yun pagsinabi kong may nagsusungit sa akin. Atsaka... Okay naman ako sa ganito eh. Nasanay naman na ako. Matagal ko na rin naman talagang tinatago yung mga pambubully sa school. Basta, kailangan nilang magenjoy dun. Ayokong nagaalala sila. Siyempre si Yael, after niyang magsalita, pinaghahanap niya na rin yung sadya niya doon. He kept on looking at Penelope, lalo na kapag tumatawa ito. Medyo napapalakas yung tawa niya kaya naman biglang naaalarma si Penelope at hinihinaan yung boses niya sabay tingin naman kay Yael. Si Yael naman, umiiwas na lang ng tingin dito. Unang kita ko pa lang sa kanya talaga, ang pumasok sa isip ko ay ang salitang 'bother' at 'weird' and... I immediately recognized that she's not my type. Not at all. Pero ... Nagtititingin lang siya ng books sa pinakatuktok ng isang shelf. Nilingon niya naman si Penelope. Nakita niya yung likuran nito. Her black hair is like the night sky. Bigla naman siyang nahulugan ng isang book doon. "Aray!" ang sabi niya habang hinahawakan yung ulo niya. Bigla namang lumingon sa kanya si Penelope. "Hey, okay ka lang?" Tatayo na sana si Penelope para lumapit kay Yael. "No, umupo ka lang jan. I'm fine." sabi niya habang hinihimas-himas niya yung ulo niya. Tumalikod naman na siya ulit kay Penelope at hinarap ang bookshelf. Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Ang dapat na ginagawa ko eh... hanapin yung song book, diba? Hay, naku naman! Binura niya ang ganung mga thoughts sa isip niya at ipinagpatuloy ang paghahanap sa songbook niya, pero hindi niya talaga nakita. Napabuntung-hininga na lang siya doon as a sign ng pagsuko sa paghahanap. Tinignan niya na lang muli si Penelope, at nakita yung ngiti nito bago siya umalis at habang nakahawak na muli doon sa doorknob. "Sige, alis na nga pala ako. Sorry for bothering you and... your boyfriend." sabi niya habang inopen yung pinto. "Ah! He's-" hindi niya na narinig pa yung katuloy na sinabi ni Penelope dahil sinara niya na kaagad yung pinto, pero nakakaramdam siya na itinatanggi iyon ni Penelope. Napangiti naman siya doon magisa. Right. She couldn't possibly has one. At pagkatapos ay bumalik na siya sa kwarto niya. Napatingin naman siya doon sa coffee table na malapit sa pinto at nakita niya yung hinahanap niya doon.
*________________* ♫Sixteen ♫ The Nerd and The Drummer
Eh ano naman sa akin kung hindi ko na nakikita yung brown-head ... uhh ... strange-looker na iyon? Pero kahit paano, nabobother pa rin ako talaga. Kaklase ko siya sa first period, kaya normal na magisip kung bakit hindi ko siya nakikita. Eh kasi naman, simula nung araw na iyon, hindi ko na siya nakita sa klase. Pero kung tutuusin, mas okay nga eh. Wala akong katabi. Ayoko na talaga siyang makatabi. Nandoon na siya at nakaupo sa kanyang usual na upuan sa first period class. Nagmamasid lang siya doon as the other seats were filled with students. Hinihintay nila yung physics teacher nila. Nakapangalumbaba siya nun habang nakastare lang sa pinto. Nanlaki na lang bigla yung mata niya nung nakita niya yung sinasabi niyang brown-head strange-looker na nakabasketball uniform pa at nakavarsity jacket. Pumasok siya habang may kaakbay na cheerleader tapos may iba ring mga babae na nakasunod sa kanila. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakikita niyo ba siya? Yan oh. Hay, naku, ewan ko ba sa kanya. Napapansin ko lang, napakamalapit niya talaga sa mga babae. Sabagay, magkasingsikat naman kasi sila ni Yael. Magkaiba nga lang sila ng way ng pakikitungo sa mga yun. Nagulat siya ng biglang nagturn si Jake sa direksyon niya. She knew that their eyes met. Ngumiti naman bigla si Jake, tapos napatingin sa ibang direksyon si Penelope. Whoah! Sana hindi niya ako nakita. Naku po, kinikilabutan na naman ako. Oh? Siya! Siya nga! Oo nga pala ‘no? Hindi na ako nakakaattend sa klase na 'to. Ang aga naman kasi masyado eh. Sarap pa kaya matulog. Anyway, makalapit na nga lang sa kanya. Naglakad na siya nun habang maraming nakasunod sa kanya na mga babae. At habang nandoon siya sa aisle, tinanggal niya yung pagkakaakbay niya doon sa isang babae, nagstop siya sa gitna, doon sa tapat ng teacher's table at humarap doon sa battalion na nakasunod sa kanya. "Umm.. Ladies, let's meet..." nagisip pa siya kung kailan. "Later. I have a class." sabi niya habang nakangiti. Kinilig naman yung mga babae dun habang nagiisip naman si Penelope nang dapat na ikakilig ng mga yun eh samantalang simple lang naman yung sinabi ni Jake. Lingid sa kanyang kaalaman na killer nga daw talaga ang sweet smile ni brownie. Tapos naman, parang dinumog nila si Jake at nagbeso-beso pa silang lahat dito, yung iba kiss talaga sa cheek ni Jake habang naggu-good bye sa kanya. Kinikilabutan talaga ako. Nakatakip lang doon si Penelope gamit ang kamay niya. Nakayuko siya doon tapos ginagawa niyang pangharang yung kamay niya sa mata niya para hindi makita si Jake. Narinig niya namang nagsialisan na rin yung mga babae dahil ang lakas ng tunog ng pinto nila. Marami namang bumati kay Jake habang naglalakad doon sa gitna ng aisle. "Ang pogi mo talaga, Jake! Waaa!" sabi nung isang babae na parang kinikilig din naman. Saan banda? ... Heeep! Makapagsalita naman ako, para akong sinong maganda. Hayaan na nga. "Ang lakas mo p're ah!" sabi nung isang lalaki. Oh? Ang depinisyon ko kasi ng lalaki eh yung nanliligaw, nagpepersevere para sa babae kahit ayaw talaga ng girl para sa kanya, yun yung strong para sa akin. Hindi yung siya yung pinapalibutan, nililigawan. Oh, well. Wala na sigurong ganoon sa panahon ngayon. "Yan si Jake ang number one..." sabi nung isa pang lalaki. Yun, may magsasabi na nang kung ano talaga siya. "Idol ko! Pagdating sa ganyan! Turuan mo naman ako ng techniques, Jake." "Sorry, pare. Yung mga techniques ko eh effective lang pag ginagawa ng isang tulad ko. Kaya, kahit anong gaya mo sa akin, hindi ka magiging tulad ko, kasi..." sabi ni Jake habang papalapit sa upuan ni Penelope. "Hindi ka isang Jake Wagner." Akala ko naman sasabihing babaero. Hay. Bulag ang mga tao. Nagsalita lang doon si Jake tungkol sa pagiging successful niya pagdating sa mga babae. Napapansin ni Penelope yung mga girls sa room, siyempre maliban sa kanya, eh puro ngiti lang tapos giggle, tapos halatang kinikilig. Yung ibang lalaki, nakikinig sa kanya, yung iba nakasimangot at yung mga nakasimangot na mga yun eh yung mga may ayaw sa grupo nila. Hanggang sa maramdaman niyang may umupo na sa tabi niya. Napatalon naman siya dun. "Hey. Good Mornin'." sabi sa kanya nito habang nagsimula namang magsubside yung mga usap-usapan kay Jake. Nakatingin lang sa kanya si Penelope. "It's been a while." sabi ni Jake ulit. Nakatingin pa rin si Penelope ng seryoso sa kanya tapos nagsalita na rin siya. "Ah, oo nga." Maya-maya naman inayos niya naman yung mga gamit niya sa ibabaw ng armchair. "Hey, hey. What are you doing?" tanong sa kanya ni Jake. Luminga-linga siya at naghanap ng ibang mauupuan. May nakita naman siya, kaso doon sa pinakalikod at katapat ng aircon. Yun na lang ang nagiisang unoccupied seat sa classroom. "Naisip ko lang na... uhh... naiinitan na pala ako dito! Tama. Ang init no? Doon lang ako ah." tapos umalis na siya. Bakit ba ako masyadong nagpapaapekto? Ah basta! "Hey, wait!" "Ha?" lumingon si Penelope habang nasa kalagitnaan ng way niya papunta doon sa kabilang upuan. "Ah... Nothin', sige." sabi naman ni Jake. Bakit umalis yun? Natatakot na naman ba sa akin? Ano na naman bang ginawa ko? Tinignan niya lang si Penelope hanggang sa makaupo na ito doon sa dulo. Hmm... I should admit, she’s really pretty… in an unusual way. Nagkatamaan na naman ulit sila ng glances, ngumiti naman si Jake kay Penelope. Samantalang, umiwas lang si Penelope ng tingin. Sakto namang dumating na yung physics teacher nila. Maya-mayang kaunti, nagtake na rin ng attendance at nagsimula na ang klase. Habang nagsasalita naman sa harapan yung teacher nila, siyempre si Penelope ay sobrang attentive dito. Yung hitsura niya talaga eh yung parang kinakabisado pa yata lahat ng sinasabi ng teacher nila. Hindi naman maiwasan ni Jake na lumingon, hanggang sa nakalingon na talaga siya at nakapangalumbaba habang nakatingin kay Penelope. Tuwing makikita naman siya ni Penelope, nagwewave ito. Mga ilang beses din siyang nagwave doon pero lahat ng ito ay dedma lang kay Penelope. Nakita na rin naman nung teacher nila yung ginagawa ni Jake kaya, naspecial mention siya sa harap. "Mr. Wagner, I don't like a waving, smiling and winking unattentive flirt in my class. Bukas ang pintuan." Sabi nung teacher nila na humarap at namewang sa kanila. "Ma'am, sino po?" nagpalinga-linga pa si Jake. "Mr. Wagner!?" sabi nito na halatang naiinis na. "Ma'am naman, kilala niyo na ako diba?" "I don't much, Mr. Wagner... If I were you, I would listen now before I get detention." kaya naman nanahimik na si Jake pero ang totoo, bumubulong-bulong pa ito ng mga bagay na maisasagot sa teacher nila. "Akala ko ba, kilalang-kilala na ako rito sa school?" Hanggang sa medyo tumigil na rin si Jake at palagi na ring nakatingin sa harapan, pero lumilingon pa rin siya kay Penelope. Habang si Penelope naman eh sobrang ginaw na ginaw na doon. Medyo nanginginig na nga yung lower lip niya, hindi na rin siya ganoon nakakapagsulat ng maayos kasi kinikilabutan na siya sa ginaw. Hinawakan niya na yung dalawa niyang braso at naglean forward sa armchair niya. Napansin naman ito ni Jake. Nagsulat na rin naman ang teacher nila sa blackboard. "Heto, class, an activity for today." ang sabi nung teacher habang nagsusulat. Tumayo naman si Jake and then bigla namang humarap yung teacher nila. Napaupo naman siya bigla. Lahat kasi eh nakaupo lang nun kaya magiistand out talaga siya at mapupuntirya na naman siya nun. Nginitian niya na lang yung teacher nila habang patuloy naman nang nagsulat ito sa board. "Ayoko ng may tatayo at lilipat ng upuan, alam ko na mga style niyo. Naghahanap talaga kayo ng mga cheatmate niyo." Pagkasabing pagkasabi nito, humarap naman yung teacher nila. Eh si Jake medyo akmang aalis ulit sa pwesto niya kaya naman napaupo naman siya ng maayos. "Yes, ma'am!" sabi niya nang may salute pa. Yung teacher naman nila eh nagpatuloy na lang ulit sa pagsusulat sa board. Nung medyo natantya na ni Jake na hindi na muling lilingon sa kanila yung teacher nila, tumayo na siya sa kinauupuan niya tapos dumiretso siya sa direksyon ni Penelope. Nakatingin lang sa kanya si Penelope nun habang tinanggal naman ni Jake yung varsity jacket niya tapos inilapag doon sa armchair ni Penelope. Napatingin naman si Penelope doon sa jacket, tapos kay Jake ulit na parang nagtatanong. "Malamig diba? O ayan, suotin mo." Sabi ni Jake habang tinuro niya yung jacket niya. "Ha? Hi-hindi naman, okay lang a-ako." sabi ni Penelope na medyo nanginginig with matching thumbs up pa. "Talaga?” tanong naman ni Jake na talagang hindi naniniwala. “Bilis na kasi, suotin mo na." "Bu-bumalik ka na dun. Baka ma-makita ka pa ni Ma'am na nakatayo." "Suotin mo na kasi yan, halata namang nanginginig ka na sa lamig eh." "Hi-hindi ah!" sabi ni Penelope, kaya naman ang ginawa ni Jake eh kinuha niya yung jacket niya tapos ipinatong ito sa mga balikat ni Penelope. "Yan!" sabi niya habang pinapat yung shoulders ni Penelope. Tapos ngumiti siya dito and then tumalikod sa kanya at bumalik sa upuan niya. Napatingin naman si Penelope doon sa jacket na nakapatong sa kanya. Medyo malamig nga pero kaya ko naman talaga. Okay lang ako. Di bale, mamaya, ibabalik ko na lang ito sa kanya. Laking pasalamat niya na hindi na muling tumingin sa direksyon niya nang matagal si Jake nun. Siyempre kahit papaano, nagiba naman ng kaunting-kaunti yung tingin niya dito. Naisip niya naman na mabait naman pala yung taong iyon kahit papaano. Eh? Kaya nga lahat ng babae napapalapit sa kanya dahil mabait siya! Kaya medyo nabawasan na naman yung tingin niya rito. Katiting na kabaitan na lang ang nakikita niya. Si Jake naman, napapangiti magisa doon sa kinauupuan niya. Minsan, sumusulyap-sulyap siya doon sa direksyon ni Penelope tapos ngingiti na naman siya ng malapad dahil nakita niyang hindi tinanggal ni Penelope yung varsity jacket niya. Suot niya pa rin. Nakakatuwa naman. Buti na lang talaga pinalabhan ko yang jacket na yan kahapon. Kundi talaga, naku! Natapos na rin naman ang first period. Nagsilabasan na rin naman yung mga estudyante. Lumapit naman si Penelope kay Jake, bitbit yung gamit niya atsaka yung jacket. "Umm.. Salamat nga pala." habang iniaabot niya yung jacket. "Sa jacket? Okay lang no." ngumiti naman si Jake sa kanya habang kinuha yung jacket. Then medyo nagexpect siya na makakapagusap sila ni Penelope pero bago pa siya makapagsalita, "Ah sige. Mauna na ako. Salamat ulit." tapos naglakad na paalis si Penelope. Medyo napagisip-isip naman si Jake doon. Naiinis naman ako. Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko kung bakit parang ayaw niya akong makipagfriendly sa kanya. And then medyo napastop siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin lang sa pintong pinaglabasan ni Penelope. Tapos bigla na lang siyang tumakbo at hinabol niya ito. Si Penelope naman at that tume, nasa may mga lockers na. Nagulat siya nung may biglang tumakbo nang mabilis at hinarang nung tao yung kamay niya doon sa may lockers. Muntik na ngang tumama yung noo niya roon sa braso eh. Medyo malakas din yung pagkakahampas ni Jake ng kamay niya doon. Nagtaka si Penelope. "Ba-Bakit?" "Gusto kitang tanungin." "Ha? Ah.. Anong tanong?" medyo kinabahan naman si Penelope nun.
Physics kaya? Hindi kasi nakikinig itong brownie na ito eh. "Ano ba talagang tingin mo sa akin?" "H-Ha!?" nagulat siya talaga dun sa tanong sa kanay ni Jake. Hindi niya expected yun. "Usually, hindi ko naman talaga pinakikialaman ang mga iniisip ng iba tungkol sa akin eh. Nagtataka rin ako kung bakit nabobother ako sa kung ano ako sa iyo."
Medyo nagulat naman si Penelope sa mga sinasabi ni Jake sa kanya. "So, ano ngang tingin mo?" Hindi naman makapagsalita si Penelope, matagal lang siyang tinitignan ni Jake. A-ano raw? Nagulat naman ako. Tinatanong niya ba yung first impression ko sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin ng diretso yun! Atsaka... hindi ko nga alam ang tamang word at tamang way para sabihin eh. Ano ba yan, Penelope. Mukhang may nagawa ka na namang di maganda. "Gusto ko lang sabi-" naputol yung sinasabi ni Jake. "Jake!" napatingin naman si Jake doon sa taong tumawag ng pangalan niya tapos binalik niya ulit yung tingin niya kay Penelope. "Sandali lang, importante 'to." "May kailangan akong sabi... hin..." napatigil naman yung taong nagsasalita. Naririnig iyon ni Penelope pero hindi na niya tinignan kung sino yung nagsasalita. Ang alam niya, medyo pamilyar yung boses. Hindi niya magawang tumingin kasi parang nakalock siya sa tingin ni Jake sa kanya. Samantalang yung tumawag sa kanya, si Yael, eh nakikita siya ng kaunti. Alam niya kaagad na si Penelope iyon dahil sa bangs na nakikita niya at sa height nito. Anong...? Magkakilala sila? Atsaka, kailan pa naging importante ang babaeng iyon sa kanya? "May bagong chick si Jake? Hindi ka na talaga nagbago, pre!" bigla namang may bagong boses na narinig si Penelope. This time, kilala niya na kung sino yun. Lumingon naman si Jake sa kanila. Nakita niya yung tatlong kabandmates niya. Nakacross arms si Yael habang magkasalubong ang kilay. Nakalagay naman yung siko ni Zuriel sa balikat ni Yael at si Marc, naglalakad pa papunta sa direksyon nung dalawa. "Well... I might." sabi ni Jake habang nakangiti. "Sandali lang naman to." binalik niya yung tingin niya kay Penelope. "Narinig niyo ba yun? Marc! Narinig mo!? Himala! Magbabago raw siya?" "Si Jake?... talaga lang?" "Hoy, manahimik muna kayo!" sabi ni Jake. "May kausap ako oh." Medyo natagalan naman si Jake doon. Napatingin na naman siya kay Penelope. Nakita naman niyang medyo nakuclueless yung hitsura ni Penelope. "Tulad nga ng sinasabi ko, gusto kong hayaan mong patunayan ko sa iyo na..." Medyo kinabahan naman si Penelope and at the same time, she's confused. "…I am more than what you think I am."
*****
Hindi naman na mapakali si Penelope the rest of the day. Hindi niya rin naman kasi maunawaan yung kung anong sinabi sa kanya ni Jake. Nagulat lang siya the whole time. Nakaupo lang siya ngayon sa usual bench. Afternoon break na at wala naman siyang ibang mapuntahan. Ayaw niya naman doon sa cafeteria dahil tiyak maraming tao doon. She think she needs air. After niyang sabihin yun, di ko talaga alam ang gagawin ko. Nakangiti pa siya sa akin nun at parang hinihintay na magsalita ako. Dahil medyo nataranta naman ako dun, tumakbo na lang ako. Sabay tapik niya naman sa noo niya. Tama ba yung ginawa ko? Nagulat siya nang may biglang humawak ng balikat niya. Napajump siya doon sa kinauupuan niya tapos tinawanan siya nung tao. “Napakaseryoso mo naman kasi jan habang tinatapik mo pa yung sarili mo…” tinignan niya at nakita niyang si Leah iyon. “Anong ginagawa mo rito? Ayaw mo kumain?” “Ha? Hindi naman. Hindi ako nagugutom atsaka masikip sa cafeteria ngayon eh.” “Oo nga. Pumunta rin ako doon kanina, masyado siguro dumami ang populasyon rito dahil sa mga bagong estudyante.” Sabi ni Leah sabay upo sa tabi niya. “So? Mukha kang disturbed?” “Ha? Hindi naman ako disturbed.” “Talaga lang? Eh bakit ba parang nakasulat diyan sa mukha mo na super disturbed ka?” “Wala lang ito Leah, okay lang ako.” Ngumiti siya kay Leah, yung may assurance na ngiti. “Sure ka?” Tumango naman siya. Tama, wala nga lang. Bakit ba ako masyadong nagiisip tungkol dun? Hay naku, nagooverthinking na naman ako. Siguro talagang mali lang ako na ijudge siya ng ganun. Baka hindi naman talaga siya ganun, diba? Mali nga talaga ako and… baka gusto niya nga rin talagang makipagkaibigan. Makipagkaibigan… Pwede naman yun diba? Kaibigan. Parang si Leah. “Hoy! Nagiispace out ka naman ngayon!” sabi sa kanya ni Leah na niyuyugyog yung isa niyang balikat. “Kasasabi mo lang na okay ka eh.” tinignan niya naman si Leah nun. Napatingin naman siya nun sa kaibigan niya. Parang may gusto siyang iklaro at itanong. “Leah, mali bang magrely sa first impressions mo sa isang tao?” medyo napasalubong naman yung kilay ni Leah as if parang nakasulat sa forehead niyang ‘Hah?? What’s with the weird question out of the blue?’ “Yeah, I know. Mali nga.” Sabi naman ni Penelope as she started to look down on her feet. “Teka, Teka, wala akong maintindihan!” tumingin naman ulit si Penelope sa kanya. “Please, elaborate!” “Ok lang ba?” “Sows! Nagexist pa ang kaibigan dito sa mundo kung hindi ka naman niya papakinggan diba?” “O sige. Ganito kasi… may nakilala ako, and then naobserbahan ko rin yung mga ginagawa niya. Hindi ko lang gusto yung mga yun kaya nailang ako sa kanya. Hindi ko siya tuloy masyadong nilalapitan.” “Eh, mali ka naman pala talaga! First impressions don’t always last.” Nginitian siya ni Leah. “May napupulot ka na naman sa akin, nahiya naman ako.” Nagngitian naman sila sa sinabi ng kaibigan niya. “So anong gagawin mo ngayon?” “Ewan ko nga eh. Hindi ko alam. In the first place, wala nga ako masyadong kaalam-alam sa pakikipagkaibigan eh.” “Edi dapat wala ako ngayon, ano ka ba! May alam ka, konti nga lang.” “Eh ikaw naman yung unang nagapproach sa akin. Atsaka, ikaw rin naman yung unang nagmagandang loob.” Tumingin naman si Penelope sa kaibigan. “Ano ba yan, lalayasan na kita eh!” tinapik naman ni Leah yung balikat ni Penelope pero hindi naman masyadong malakas. “Ang dami-dami mo namang sinasabi sa aking madadrama.” Hindi na rin sila masyadong umimik ng ilang saglit doon. “Dapat kasi hinayaan mo lang yung taong yun. Malay mo, nakikipagkaibigan lang naman talaga sa iyo. It’s nice to have friends, you know.” Tumango-tango pa sa kanya yung kaibigan niya. “I used to have friends before, too. Nung bago ako maisolate. Iba naman kasi yung naging sitwasyon ko noon.”