Copyright April 2012 You Won’t Feel a thing



Yüklə 0,89 Mb.
səhifə4/13
tarix26.08.2018
ölçüsü0,89 Mb.
#74559
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13
“Yours is pretty good.” Inabutan siya ni Marc ng juice.
“Hindi, sige ok lang ako.” Nagulat siya dito dahil umupo ito sa tabi niya.
“Tanggapin mo na oh.” Kaya tinanggap niya naman at nagsip siya rito. “Nabasa ko yung ginawa mo. Medyo malalim yun ah, about human identification.”
Tumango naman siya.
“Hindi ko alam kung anong pinaghugutan mo o kung ano yung inspirasyon mo. Siguro malaking bagay yun... At ayoko rin namang maging nosy sa mga ganyang bagay.” Medyo ngumiti naman ito. Nginitian niya na rin lang si Penelope pabalik.
“Alam mo bang nakakagawa rin ako ng images sa isip ko habang binabasa iyon? Ang galing mo nga eh. As expected to a Stranton Scholar.” Tumingin naman si Penelope sa kanya ng parang tumatanggi.
“Really. You’re awesome. I am Marc. Hope we’ll get along.” Inabot ni Marc ang kamay niya.
“Penelope.” Kinuha niya ito at nagpaalam na rin si Marc after a while.
Isang beses naman, malelate na si Penelope sa susunod na klase niya. Lunch break kasi iyon at kinausap siya ng isa sa mga staffs ng Journalism club. Tumatakbo siya sa hallway noon. May hawak-hawak pa siyang buko juice dahil hindi niya iyon naubos. Binalak niyang itapon na iyon sa trash bin na malapit sa corner. Papaliko na siya doon at sa di-kalayuan, may nakita siyang taong naupo doon habang nakasandal sa mga lockers at nakastretch ang isang paa.
“Aah!” ang sigaw niya. Na-out of balance siya dahil sa sarili niyang clumsiness. Dumapa siya sa floor and the worst happened.
Naibato niya yung buko juice at sumakto iyon sa kahuli-hulihang miyembro ng banda na hindi niya nakita ang mukha.
“What the-!?” tinanggal niya yung earphones niya at nakita niyang basa ang lower half ng T-shirt nito pati na rin ang upper part ng pantalon. Napatayo naman siya at pinagtatanggal yung mga hibla-hibla ng coconut meat mula sa damit niya.
Si Penelope naman, dahan-dahang tumayo at nagbalak na magsorry. Pero bago pa siya makapagsalita, natakot siya sa glare ng nilalang na iyon. Nakakatakot at parang kapag nagsalita pa siya, madadagdagan lang ang inis nito sa kanya.
Hindi ito nagsasalita pero enough na ang tingin na iyon para maiparating sa kanya na naiinis talaga siya sa kanya. Bigla namang dumami ang tao. Nung nadapa kasi siya halos walang tao, ngayon pinaliligiran na siya. Kahit na ayaw niyang magsalita, gusto niya pa ring mag sorry.
“I-I’m rea-“ Hindi niya pa tapos yung sinsabi niya nang nagsimula itong maglakad papunta sa direksyon niya. Alam niyang tinitignan siya nito kaya hindi rin siya makatingin ng diretso. Nung malapit na ito sa kanya, pumikit na lang siya and she expected the worst na baka saktan siya nito. Matagal na siyang nakapikit at pagkadilat niya, wala na ang ang taong iyon. At paalis na rin ang mga taong nakapaligid kanina. Siyempre, pinagbubulungan na naman siya.
Nakita naman siya ni Brianne at tinulungan siya. Isa–isa nilang pinulot ang mga gamit niya. Kinuha ni Penelope yung cup ng buko juice at itinapon niya sa pinaplano niyang tapunan.
Dahil sa ginawa niyang iyon, mas lumala ang mga bully sa kanya.

*________________*


♫ Seven ♫
Dahil medyo nagising na rin yung diwa niya, umupo na siya sa kama niya. Nagindian sit siya rito at parang nagmuni-muni. Inikot niya yung paningin niya sa kwarto niya. Nang biglang may nakita siyang unusual dito.
May kulay black na bag sa tabi ng pintuan.
Ano yun? Hindi ko naman natatandaang naguwi ako ng ganyan.
Binuksan niya ang bag na iyon. At nakakita siya ng isang acoustic guitar. Light brown ang kulay nito at may post-it note na kulay blue doon. Unang tingin niya pa lang, kilala na niya kung kaninong sulat. At medyo napangiti na siya.
Hi pinsan. :-) Regalo ko iyan sa iyo. Alam kong hindi ka marunong pero pwede naman kitang turuan. Sa tingin ko kasi bagay kang naggigitara. Magaling ka naman kumanta. I hate to admit it pero parang farewell gift ko iyan sa iyo. Mamimiss kita. Kaya kailangan kapag bumisita na ako rito, magaling ka na mag-ganyan.
Bumaba ka na nga! Kakain na!
Natawa naman siya doon.
Si Mikhail talaga oh.
Nagayos siya ng buhok, ponytail. Pagkatapos naman eh bumaba na siya. Nakita niyang nagaabang na sa hapag-kainan ang pamilyang iyon. Yung Tita niya, nakatingin sa wristwatch nito. Yung Tito niya naman, as always, nagbabasa ng dyaryo at si Mikhail nagbabasa ng comics. Napansin nila si Penelope at nag-good morning naman silang lahat sa isa’t isa. Nakangiti lang si Penelope doon.
“Nagulat ako dun ah!”
“Nagustuhan mo ba?”
“Hindi ko talaga alam kung paano yun pero… nagustuhan ko. Tita, tutulungan po kitang magluto.”
“O sige. Halika doon sa kusina. Hinihintay ko pa kasing kumulo yung sabaw nun eh.”
“Tara po?”
*****
Umabot sa buong first floor ang amoy ng nasusunog na pancakes.
“Ma, ano ba yan!?” sigaw niya sabay pisil niya sa ilong niya. Nakaupo siya at nanonood ng action movie sa T.V.
“Kuya, ano ba yang ginagawa ni Mommy?” tanong sa kanya ng batang babae na nagpisil na rin ng sarili niyang ilong.
“Ewan ko ba kung ano na namang naisipan niyang gawin.” Naiinis niyang sabi.
“Anak! Help!” sigaw ng Mama niya kaya naman siya, napatayo sa relaxed position niya. Pinatay niya naman yung T.V.
Kung bakit pa kasi nagbakasyon ang lahat ng mga maid ngayong araw na ito. Ayan tuloy, nageksperimento na siya.
“Diyan ka lang Ysabelle.” Agad naman siyang pumunta sa kusina.
“Ano bang ginawa-“ nakita niyang malaki na yung apoy doon sa kalan. At sunog na sunog yung pancake. Wala nang kulay brown na part. Itim na lahat. “Whoa!”
“Yael, patayin mo yan!” agad namang pinatay ni Yael yung switch nung kalan.
“Ano ba kasing ginagawa niyo!? Bakit niyo nilakasan!?” nakumpleto na niya yung sasabihin niya.
“Nagluluto lang naman ako ng pancakes eh.” Yan ang sabi ng Mama niya. Tapos bigla nang tumalikod si Yael at nagpaplano nang bumalik sa sala.
“I just… I just want family time. Gusto ko lang bumawi sa inyo.”
Napabuntung-hininga na lang si Yael at humarap.
“No Mom. You’re just finding a new hobby. Kahapon nag-golf ka. At paguwi mo, you ended up hurting yourself. Nagfishing ka rin nung nakaraan. Nagpagawa ka pa ng pond sa backyard. Nasaan na yung mga isda? Patay na. Iniwan mong nakatiwangwang at ayun namatay sa lason. Tapos-”
“Okay. Okay. Stop. I get it. Madalas naman kasi akong nasa trabaho eh. Intindihin mo naman anak. Aminado naman akong wala na rin akong time sa sarili ko pati na rin sa inyo. I’m just-”
“Intindihin? How could you possibly leave your five-year old child alone!? Pareho lang kayo nung taong yun eh!”
“Huwag mo naman sabihin yan, anak. Tsaka Daddy mo iyon. Don’t just call him like that.”
“Well, he’s not acting like one.”
“You don’t understand.” Yan ang huli niyang narinig sa Mommy niya.
“Please, Mom. I don’t want to talk about it.” At naglakad na siya papunta sa sala.
“Ysabelle, tara, aalis tayo.” Sabi niya doon sa batang babae.
“Saan naman tayo pupunta, Kuya?” ang sabi nito with her napakaarteng boses.
“We’re going to eat. Tara.” Tumayo na mula sa paglalaro ang kapatid niya at sumunod sa kanya.
Lumabas na sila gamit ang kotse niya.
“May problem na naman kayo ni Mommy?” Napahawak na lang siya sa noo niya. “Tama ako no? Naririnig ko kayo eh.”
“Kapag may mga ganoon, takpan mo na lang yung tenga mo ha?”
“Bakit?”
“I don’t want you to hear that, okay?”
“Okay.”
“And you stop talking like that, okay?”
“Why?”
“Because it doesn’t suit a cute girl like you. You have to talk politely. Understand?”
“Yes.” Nginitian naman niya yung kapatid niya.
Kay Ysabelle lang talaga mabait yang si Yael. Hindi gusto ni Yael na magisa lang palagi si Ysabelle. Kapag pumapasok ang kapatid niya, ang laging kasama nito ay yung driver atsaka yung Nanny niya. Ganun din naman kapag nasa bahay. Nakikita niya kasi ang sarili niya kay Ysabelle noong mga ka-age niya pa ito. Lalo na kapag mag-isa lang ito sa bahay. Kaya naman as much as possible ayaw niyang maranasan ni Ysabelle ang pagiging mag-isa.
Nasa paboritong pasta & pizza restaurant ni Ysabelle silang dalawa. Nagorder lang si Yael ng gustung-gusto nitong spaghetti, at para sa kanya naman, umorder lang siya ng pizza.
“Kuya, may sasabihin ako...”
“What?” nakaupo sila nang magkaharap. Naglean si Ysabelle sa table kaya naglean din siya dito.
“Those are girls are looking at you. Kaninang kaninang kaninang kanina pa.” ang sabi nito while pouting her mouth sa direksyon ng mga babae at magkasalubong ang kilay.
“Oh, ganun ba?” napangiti naman si Yael at tinignan yung mga babaeng iyon. Medyo nahiya yung mga babae at tumingin naman sa ibang direksyon. Pero halatang tumingin sa kanya ang mga iyon.
“Yeah.”
“Edi… nagseselos ka?”
“Noooo…” natatawa naman si Yael. Para siyang may maliit na girlfriend. At selosa. "Of course not."
"Weh? Talaga?"
"Maybe... A little bit?" naghand gesture pa si Ysabelle para imeasure kung gaano siya nagseselos gamit ang daliri niya.
"O diba, nagseselos ka eh. Ikaw talagang bata ka." hinawakan niya naman yung buhok ng kapatid niya.
"Kuya, promise me na hindi ka magkakagirlfriend ha." biglang sabi nito. Halos lahat ng request ni Ysabelle ay naibibigay ni Yael. Nagdadalawang isip naman siya sa isang ito.
"Hmmm..."
"Promise me, that I will always be your girl ha." Medyo napaisip naman siya.
Since its been a year, I think I can promise her something like this now.
"Sure. You will always be my little girl."
"Bakit may little!?" hindi rin napansin ni Yael na nagsabi pala siya ng little. Kaya medyo nainis naman si Ysabelle.
"Am I such a little girl? I am a big girl now!" ginulu-gulo ni Ysabelle yung spaghetti niya habang tinatawanan lang siya ng kuya niya. "Stop laughing!"
"Okay, Okay. You're a big girl. I believe that." nasabi niya once na tumigil na siya kakatawa.
"I heard from Mommy na uuwi na si Ate."
"Si Ate!?"
Naku si Ate. Magulo na naman ang bahay.
"Yup. Uuwi na rin sa wakas si Ate Ylinette! I am so excited. May pasalubong raw siya sa akin!" ang sabi ni Ysabelle habang nginunguya yung spaghetti niya. Puro sauce na yung paligid ng bibig ni Ysabelle. Pinunasan naman siya ng Kuya niya while still talking. Pagkatapos nilang kumain, tumayo na si Ysabelle.
"Uwi na tayo Kuya." ang tanong ni Ysabelle.
"Hmm… Gusto mo na umuwi?” Tumango naman si Ysabelle. Hindi naman siya makapaniwala na gusto nang umuwi ng kapatid niya eh mahilig pa itong maglaro sa mall na iyon. Napatayo na rin tuloy siya.
“Bakit malungkot ka?”
“Ikaw kasi tsaka si Mommy eh.” Napaisip naman si Yael sa sinabi ng kapatid niya. Siguro nga at nalulungkot ito dahil nagkasagutan sila kanina.
“Huwag ka nang malungkot. O sige, I’ll try talking it out with Mom, ha. Atsaka hindi na kami magsasagutan. Ok ba iyon?” Nagkaroon naman ng smile sa pisngi ni Ysabelle.
"Kaya kita love eh.” pinababa naman niya yung Kuya hanggang sa maging kalevel na niya ito. Tapos nagkiss siya sa pisngi ng Kuya niya. Sabay tingin doon sa mga babae, at nagbelat.
*****
"Nakausap na namin yung sponsor mo. I didn't expect him to meet us in person right away nung nagsend kami ng letter." Ang sabi ng Tita Agnes niya. Medyo kinabahan naman si Penelope.
Nameet na sila ng sponsor ko? Siguro masyadong importante ang napagusapan nila. Gusto ko rin siyang makilala.
"Ang sabi niya, sesendan ka rin niya ng letter. I am so happy na isang katulad niya ang naging sponsor mo. Sobrang bait nga eh."
"Ano pong pangalan niya? Ano pong hitsura niya?"
"Ang sabi niya sa amin ay huwag daw muna naming sabihin sa iyo. Kasi raw-"
"Sshh... Mommy." awat naman sa kanya ni Tito Andrew. Natawa naman yung Tita niya.
"Ano ba yan, kabaligtaran ng sinasabi ko yung ginagawa ko. O sya, mukhang tapos ka nang kumain. Ako nang bahala diyan."
"Ako na lang po ang maghuhugas ng pinggan."
Hay, nabusog ako doon. Ngayon na lang ulit ako nabusog nang ganito. Hindi kasi ako makakain ng maayos sa school eh. Hang in there, Penelope. All you have to do is to search for clues kung nasaan na ang Dad. I tried to ask some teachers kung may kilala ba silang Victor Morales na nagtrabaho doon. Ang sabi naman nila, wala. Naisip ko ring baka long long ago eh nagaral ang siya doon. Nagtanong naman ako doon sa mga beteranong teachers. Ang problema dahil matatanda na sila, hindi na nila maalala.
Pagkatapos na pagkatapos niyang maghugas ng plato, naligo na siya kaagad. Excited na kasi siyang galawin yung regalo sa kanya ni Mikhail. She grabbed the guitar after niyang magbihis at pumwesto sa sala. Pinageksperimentuhan niya naman iyon. Nakita naman siya ng pinsan niya na nilalaro niya yung mga string ng gitara.
“Hoy, baka mapatid yan at tumama yung string sa mukha mo.” Nakatayo lang doon si Mikhail.
“Oh, kanina ka pa ba diyan?”
“Oo kanina pa. Mali-mali ka naman. Akin na nga.” Inabot naman niya yung gitara. “Eto G. Gets? Kabisaduhin mo yung mga posisyon ng daliri.” Pinasubok naman siya nito. Medyo nahihila yung kamay ni Penelope dahil maliliit ang daliri niya.
Tinuruan siya nito and they savoured the little time they have left.
*________________*
♫ Eight ♫
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Makalat na naman sa bahay. Wala nang ginawa si Ate pag umuuwi siya kundi… ewan ko ba kung ano yang ginagawa niya.

“Pakiabot mo nga yung medida diyan!” Sigaw sa kanya nito.



Oo, dumating na si Ate. At dahil dumating na siya, alam kong pupunta rin ang taong iyon dito.

Nagstart na siyang magdial ng number ni Marc habang inabot niya yung medida sa Ate niya. Halos 2 years ding nawala ang Ate niya dahil nagaaral itong magdoctor sa ibang bansa. Pero ang gustung-gustong gawin talaga niya ay interior designing. Hindi naman masyadong malayo ang agwat niya sa Ate niya di katulad ng sa kanila ni Ysabelle na halos 13 years. At kahit na napilitan siyang mag-aral ng doctor, it didn’t stop her from learning the things that she really want to do. Kaya nagaaral siya online. Lahat ng discouragement ay naibigay na ng Dad nila kay Ylinette tungkol sa interior designing pero hindi pa rin talaga nakikinig ito. Kaya nagkaroon naman sila ng deal ng Dad niya. Hahayaan nilang magaral ng interior designing ang anak niya given na hindi niya mapapabayaan ang pagaaral niyang maging doctor. At pagiging doctor pa rin ang pipiliin niyang gawin sa buhay niya. At kahit kaunti ay naging maayos ang relationship niya sa mga magulang niya.

Umuwi ngayon ang Ate niya at binabalak na baguhin ang lahat ng design ng buong bahay. Nakisali naman sa kanya ang Mommy nila.

“Wala na akong pakialam sa mga babaguhin niyo basta huwag na huwag niyo lang papasukin ang kwarto ko.” Banta niya sa mga babae sa pamilya na involved sa pagreredecorate ng bahay. Kasama si Ysabelle of course. Sabay walk out rin siya.

Dahil alam niya ngang pupunta ang Dad niya sa bahay para bisitahin si Ylinette, tinatawagan na niya ang mga kaibigan niya para magjamming. Siyempre hindi sa bahay nila. Binabalak niyang sa bahay na lang ni Marc, since ang bahay nila ay puro musical instruments. At doon din naman sila madalas.

Natawagan niya naman si Marc.

“Oh?” mukhang kagigising lang ni Marc.

“Diyan tayo sa inyo.”

“Jamming?”

“Oo. Pwede ba?”

“Bakit parang biglaan naman yan?”

“Eh… basta.” Hindi naman na nagtanong ulit si Marc at sinabi lang na ok naman sa kanila.

“Sige, tatawagan ko na lang yung iba. Ngayon na ba?”

“Oo.” Nagtataka talaga sa kabilang linya si Marc kung bakit ang aga-aga naman yata. Usually kasi kapag nagjajamming sila, gabi.

“Your old man’s coming?” Hindi kaagad nakapagsalita si Yael na understood naman ni Marc na tama siya. “O sige na.”

“Sige, thanks.”

Magiisneak out na sana siya sa bahay nang biglang narinig niyang bumukas ang gate at ang tunog ng kotse. Nagsusuot na siya ng sapatos niya nang biglang tumakbo si Ysabelle palabas ng bahay nila.

“Daddy!!” sumigaw ito at sinalubong niya yung tatay nila. Pagkapasok ng bahay, nakita niya ang Daddy niya na karga-karga si Ysabelle tapos nakakiss naman yung bata dito. Iniwas niya na lang yung tingin niya.

“Oh, mukhang aalis ka yata.” Tumayo na lang siya pagkatapos niyang isuot ang tsinelas at nilagpasan ang Daddy niya at dumiretso sa pinto.

“Aalis ka?” tanong ng Mommy niya. Napatigil naman siya.


Nagkiss naman yung Ate niya sa Daddy nila at humarap kay Yael.

“Yael, let’s have lunch together.” Nakita niya sa Ate niyang nagpiplead ito. Kahit na hindi nakikita sa actions, kitang-kita naman niya sa mata nito na gusto niyang maayos na ang lahat.

Tinext niya naman si Marc at sinabing mahuhuli siya. Hahabol na lang siya once na tapos na siyang kumain. Naintindihan naman iyon ni Marc. Inisip niya na baka siguro may nangyari kaya hindi na nagawa ni Yael na magsneak out.

Nagluto naman si Ylinette at ngayo’y kumakain na silang lahat. Simpleng ulam lang, tinola. Kahit papaano'y natuto siyang magluto ng mga Pilipinong ulam. Self-study nga lang. Dahil doon sa abroad, minsan nagkecrave siya sa mga pagkain ng sariling bansa kaya sumubok siyang magluto. At kahit papaano’y natuto naman siya.

Makikita sa mukha ng lahat maliban kay Yael na masaya sila sa family lunch na iyon. Nagkukwento lang si Ylinette ng mga experiences niya sa abroad. Si Ysabelle naman, binibida yung mga A’s niya sa report card. Siyempre, kahit papaano’y napapangiti si Yael tungkol dito. Yung Mom niya naman, kinukumusta yung Dad niya. Nang biglang nabaling kay Yael yung topic.

“Oh, ikaw naman Yael? Kamusta ang school?”

“Ayos lang.” Matipid na sagot niya. Sabay inom ng juice.

“I heard you’re in a band?” hindi naman na sumagot si Yael at nagpatuloy na kumain.

“Alam ko naman na gusto mong tumugtog. Yael, gusto ko lang ulit na ipaalala sa iyo na hindi kailangan ang mga ganyang bagay sa future mo. You’re going to be a doctor.”

Ayaw na lang palakihin ni Yael ang problema kaya this time, nanahimik na lang siya, kahit na gustung-gusto niya talagang sagutin ang mga magulang niya. Inisip niyang malulungkot lang ulit si Ysabelle kapag nakita niyang sinasagot niya ang mga iyon. That seemed to calm him a bit.

“Bianca, I have a good news.” Parang nagkaroon naman ng sariling conversation ang mga magulang niya. Bianca ang pangalan ng Mom niya at Jesse naman ang sa Dad niya.

“Oh, ano yon?” napangiti naman ang Mom nila.

“I’ll be staying here till Christmas.” Natuwa ang lahat maliban kay Yael na nanlaki ang mata. Para sa kanya, isa itong bangungot. Si Ysabelle naman ay tuwang-tuwa. Napangiti naman ang Ate niya.

“Ipinaubaya ko na yung pagpapatayo ng ospital natin sa Pangasinan kay Doc Reyes. Saka na lang tayo pumunta doon kapag bubuksan na ang ospital.” ang sabi ulit nito.

“That’s great. Namimiss ka na namin dito.” Ang sabi ng Mom niya habang nakangiti.


“Maiba ako, alam mo naman yung tungkol sa iniisponsoran ko diba?” nacurious naman bigla si Yael sa sinasabi ng Dad niya kaya medyo nakinig siya. Hindi niya alam na may iniisponsoran pala ang Dad niya.

“Oo nga pala. Ano na nga palang balita?”

“I sponsored her dahil alam kong ulila na siya. She seemed to have a great potential, though. Baka nga pwede yung mag-engineer kaya I am planning to support her till college.”

“Sa Stranton siya nagaaral diba? The only scholar of Stranton…” Tumango naman si Bianca in agreement. “I could say that he’s great.” Napatingin naman silang lahat kay Yael. Kumunot naman ang noo niya.

“Hon, it’s not he, it’s she.” Correction ni Jesse sa asawa niya.


“Oh, sorry, akala ko lalaki eh. She must be a tough woman.”
“Ma, nakapasa lang sa Stranton, tough na agad?” sabat naman ni Ylinette.
“Bakit? May mali ba dun?”
“What I’m saying is that, we should not draw conclusions just based on those info. In short, huwag naman sana tayong…” nagquote si Ylinette gamit ang mga daliri niya. “judgemental… kahit na maganda yung sinasabi natin. Malay niyo, baka mali tayo diba? I mean, first impressions could be dangerous at times. We still don’t know that kid.”
“Oo naman, siyempre, I know that.” Nagpunas naman ng bibig ang Mommy niya.
“Isn’t it funny?” natawa magisa si Yael at nakuha niya rin ang atensyon ng mga tao sa hapag.
“Nakakatawa lang isipin na kung kailan natin kailangang maging judgemental eh, hindi natin ginawa. At kung hindi naman kailangan eh saka natin yun ginagawa.” Tumahimik ang lahat and listened as if Yael didn’t speak for years.
“Parang noon lang, when he did something before…” tinuro niya si Jesse ”You were all like… clueless or maybe I should say pushing the suspicions aside, instead facing your judgement about him, at pagkatapos magugulat kayo in the end.”
“Yael!” His Dad bammed a hand on the table. “Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo ngayong gabi!” sumigaw ang Dad niya and Ysabelle started sobbing. Bianca tried to calm her husband.

Pumunta si Ylinette sa kapatid niya. Kinarga niya si Ysabelle at dinala sa kwarto nito para patahanin. She can't bear to let her sister watch those kind of things.


“Ang drama talaga ng pamilyang ito.” Bumulong siya sa sarili niya as she watch Ysabelle fall asleep.

*________________*


♫ Nine ♫
Umalis na siya doon sa dining room at hindi na pinansin ang mga sigaw sa kanya ng Dad niya. He just went on his way to Marc’s place para makipagjamming at kahit papaano eh mawala yung inis at galit na nararamdaman niya.
“You don’t know who you’re against with! You don’t know me!” sabi ng tatay niya sa kanya and that’s the last thing he heard because he slammed the front door hard and went away.
Dali-dali siyang sumakay sa sasakyan niya at mabilis na pinatakbo ito. He was furious and drove it very fast. Nainis rin siya dahil he saw traffic ahead of him.
“Screw this…” tiningala niya na lang yung ulo niya while leaning on the car seat at hawak ng dalawa niyang kamay ang manibela. “Nako naman… ngayon pa!”
Nakarinig siya ng ring mula sa phone niya na hindi niya na alam kung saan niya nailagay. Hinanap niya muna ito ng matagal at nakita niya na nasa ilalim na ito ng upuan ng kotse.
"Hello." sagot niya.
"Dad is very mad at you."
"Yeah, I know. No need to mention that."
"Ano na naman ba kasing problema mo, Yael? Can't you just be cooperative this time? Pagod si Daddy, you know he drove all the way from Pangasinan to here... And then, you provoked him..."
"I don't care about that old man." narinig niyang bumuntung-hininga ang tao sa kabilang linya.
"Yael naman eh..."
"Ate, kung wala ka rin namang sasabihing matino eh huwag mo na lang akong tawagan." medyo nagkaroon ng silence at pinlano na rin niyang ibaba yung phone pero nagsalita ulit si Ylinette.
"Dad is going to have that girl live with us."
Nung narinig niya ito, parang bigla siyang nakarinig ng malakas na ugong ng kung anong tunog sa tenga niya and eventually naipreno niya bigla ang sasakyan. Other cars beeped at him.
"What?!?"
"Yeah, for some reason, the girl needs to..."
“Ano kamo!?"
"I also gave my permission... Pumayag ako na doon na siya sa bahay tumira. "
"Seriously. Ano na naman ba yang pumasok sa isip niyo!?” Yael is angry, annoyed at the same time shocked.
“Yael, you’ll know the reason soon enough… Sige na ibaba ko na, baka madisgrasya ka pa sa pagdadrive ng dahil sakin. I’ll just tell Mom that you’re going to Marc’s. Doon naman kayo palagi diba?”
“Do whatever you want.” At ibinaba na niya ang phone.
Mas lalo lang siyang nainis at parang gusto na niyang tanggalin ang manibela ng kotse niya mula sa pagkakakabit nito at ihagis sa bintana.
“Aaaaargh!” Pinagpupukpok niya yung manibela. “Kainis!”
“Calm down, Yael. Calm down.” Pero taliwas sa sinasabi niya yung ginagawa niya. Simula nung naging maluwang ang kalsada at nawala ang heavy traffic sa highway eh grabeng bilis ang pagpapatakbo niya.
Nakarating naman siya, safely… sa place ni Marc. Nagbusina siya at lumapit naman sa kanya yung guard.

Yüklə 0,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2025
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin