Matagal lang nakatitig sa kanya si Penelope, she wondered kung ano ba talaga yung nangyari sa pagitan nila ni Gabrielle, bakit siya sinampal nito at bakit ganyan ang hitsura ni Yael. Maya-maya namang kaunti, nakaramdam na si Yael na parang may nakatingin sa kanya. Ready na siyang sigawan ang kung sinumang tao na iyo. This moment. Itong oras na ito lang talaga hindi siya pwedeng kausapin dahil sa nangyari. Well, atleast that's how he felt. Pagkalingon niya, nakita niya si Penelope na nakatayo sa harap niya. Her hands at her back. He doesn’t know himself, pero nung nakita niya si Penelope, the way she looked to him na parang concern ito sa kanya, ay parang nagpakalma sa kanya nang kaunting-kaunti. Nakita niya yung mata ni Penelope na gustong magtanong, kaya iniwas niya naman yung tingin niya rito. He felt a little calmer looking at her pero nainis siya dito. Hindi na lang siya kumibo. Pero sigurado siyang kapag ibang tao ang nakita niya ngayon ay masisigawan niya ito. "Umm..." Penelope said hesitantly. Napatingin naman si Yael agad sa kanya. “Wala pang isang araw, naviolate mo na kaagad yung dalawang rules.” he said. “Uh… Um… Ano kasi eh...” Napansin ni Yael na medyo nahihirapan itong magsalita. “What? You needed something?” Ang sabi niya habang tinaas niya yung isa niyang kilay. Naramdaman naman ni Penelope na naiinis na sa kanya si Yael. “Um…” Huminga ng malalim si Penelope, still wishing na hindi talaga tuluyang magalit sa kanya si Yael. “Lumapit ako sa iyo dahil... naiwan ko sa club hide-out yung phone ko.” Medyo napaisip naman si Yael doon. Naiwan niya yung cellphone niya sa club?? “Totoo ba yan?” “Oo naman noh!” ang sabi ni Penelope na kinukumbinsi si Yael at baka talagang magduda iyon sa rason niya. “Sa club kasi namin, nilalagay sa isang maliit na timba lahat ng cellphones. Nakalimutan ko lang naman i-claim.” Ang sabi ni Penelope habang papahina yung boses niya lalo na dun sa huling sentence. Kung hindi ako nagkakamali, may isang club nga sa school na kinokolekta ang mga cellphones at kung anumang gadgets ang meron ka para hindi sumagabal sa gagawin. Ang OA nga eh. Journalism club yata yun. "Talaga bang emergency yang sasabihin mo?" tanong ni Yael habang nagstart nang kumunot ang noo nito at magsalubong ang kilay. "Ye-Yes. Oo... yata." ang sabi ni Penelope na nagisip pa. Hindi kasi siya ganoong kasure kung talagang emergency ang kawalan ng kaalaman pauwi. “Listen, palalagpasin ko itong ginagawa mo, since…” nagpalinga-linga si Yael sa paligid. “Everyone seemed that they all have left. Ngayon lang. Hanggang ngayon na lang. If you ever do this again, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari." Tumango naman si Penelope. "Then, let's hear it." “I don’t know the way home. And I... uh... Gusto ko lang itanong kung ano yung address ng bahay... niyo." hindi makatingin ng diretso si Penelope sa kanya.
Yael chuckled inside. Nakatingin lang siya kay Penelope ng seryoso, pero sa loob-loob niya, medyo natatawa siya on how ridiculous it was. Tingin niya rito ay parang isang lost puppy. Tumingin siya ulit dito at nakitang seryoso talaga si Penelope. "You seemed to be like a lost dog." ang sabi niya rito habang seryoso pa rin ang tingin niya. It was kinda hard for him. "Wa-Wag kang magalala, I won't ever bother you after this." ang sabi naman ni Penelope namay emphasis pa sa salitang ever. "At kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?" ang sabi ni Yael taking a step towards her. Sa tingin kasi ni Yael, parang medyo sumasagot na ito sa kanya. Nakita niya si Penelope na medyo natakot, namula, nahiya at nagstep backward. This girl sure is easy to read. Naamuse siya kay Penelope. Hindi niya na napansin na biglang nashift yung mood niya from being heavy to a little state before heavy. Hindi light ang term eh. Hindi pa talaga ganoon ka light ang mood ni Yael sa mga oras na ito. Pero kahit papaano, nabawasan nang kaunti ang nararamdaman niyang bigat. All because of Penelope's emergency. Tumalikod siya dito at binuksan yung kotse niya at akmang papasok doon. Nagtaka naman si Penelope. "Ho-Hoy. Teka lang." nakaramdam si Penelope na mawawalan na siya ng pagasang makauwi, dahil bigla bigla na lang pumasok si Yael sa kotse nito. Feeling niya iiwan na siya nito. She felt like crying too. "What are you doing?" nakapasok na si Yael sa kotse niya. Sinabi niya ito after niyang ibaba yung window ng car niya. Tumingin siya kay Penelope. "Come on." Hindi siya maintindihan ni Penelope. Anong come on? Hindi niya naman siguro ako papapasukin sa kotse niya diba? "Anong tinatayo-tayo mo diyan? Bilisan mo. Baka may makakita pa." ang sabi naman ni Yael. Baka nga, siguro. Kaya naman naglakad si Penelope papunta doon sa kotse. Hinawakan niya yung knob ng car door para makaupo sa front seat. Nung binuksan niya na ito, nakita niya si Yael na nakakunot na ang noo. She wondered kung ano na naman ba yung nagawa niya at nakasimangot ito.
"Sinong may sabi sa iyong sa front seat ka uupo?" Ay! Oo nga pala no? "Oh. I'm sorry." Pumasok na siya sa kotse at umupo sa backseat. Umupo siya nang maayos doon with her backpack on her lap. Nakita niya yung mga mata ni Yael sa rear view mirror. Nakita niyang mas kalma na ito kaysa sa kanina noong nakita niya si Yael na nakatingin sa malayo. Nang bigla namang tumingin si Yael sa rear view mirror. Then, their eyes met. Penelope felt somewhat a shiver kaya iniwas niya kaagad yung tingin niya dito. Ano ba yun? Kakakilabot. Humawak naman na si Yael sa susi niya na nakasuksok doon at inikot niya ito, then he started driving. They're just silent sa loob ng kotse. Walang umiimik. Si Penelope, busy kakatingin sa labas para kahit papaano, makabisado niya yung lugar at hindi na niya mabother pa ulit si Yael. Habang si Yael naman, nakapasak sa tenga niya ang kanyang earphones. Nakikinig lang siya ng music doon. He is searching for songs na pwede nilang iperform sa joint celebration. Ganoon lang sila hanggang sa makauwi. Boring. Nagpark lang si Yael sa isa sa mga parking space sa malaking lote nila. Pagkatapos naman ay lumabas na rin si Penelope. He waited na lumabas din si Yael para makapagthank you siya ng maayos dito. Kaso, hindi ito lumalabas. Biglang ibinaba ni Yael yung window ng kotse niya. He looked to Penelope at nagsalita. "Hindi ka pa ba papasok?" “Ah! Papasok na. Nga pala, Thank-” Naputol yung sinasabi niya dahil itinaas na ulit ni Yael yung window ng kotse. Mukhang wala pang balak si Yael na bumaba dito. Kaya hinayaan niya na lang. At dahil hindi naman pwedeng magstare na lang siya doon forever eh nagsimula na siyang maglakad papasok ng bahay. Nakita niyang may maliit na batang babae doon sa may pinto na yakap-yakap ang doll niya. Ang cute cute ng batang iyon. She dresses like an adult dahil nakaskinny jeans na ito tapos pink na checkered na blouse. Actually, hindi nga babagay ang doll sa kanya pero atleast it made her look like a child pa rin. She has braids all over her hair and she has red lips. Penelope thinks that it may be lipstick pero parang natural na feature iyon nung little girl. Napansin niya rin na parang may mali doon sa doll. Yung doll niya eh hindi yung barbie doll, yun yung malambot at puro bulak ang loob. Babae ang doll niya pero nakita ni Penelope na parang may nakaattach na bagay doon sa gitna ng mukha ng doll. Ilong ng elepante? Nakatingin lang yung batang babae sa kanya. Penelope went to the girl, bumaba siya sa harapan nito para maging kalevel niya ito and then naghello. Ang liit liit kasi nung batang babae para kausapin ni Penelope nang nakatayo. Hindi na rin lang pinansin ni Penelope yung doll, kahit na parang ang creepy tignan. "Hello!" ang sabi ni Penelope na parang pinabata din niya yung boses niya. She wants to get friendly to this little girl. Kahit na wala pa siyang experience na magalaga ng mga kids eh gustung-gusto niya talaga ng mga bata. Let's see if she would like this one. Naging kalevel niya na nga yung bata. And then, nagsimulang magsalubong ang kilay nito. Sa ganoong hitsura ng bata, namukhaan niya ito. Ka-Kamukha niya si Yael. Si Yael! Don’t tell me… may anak na siya!? “What are you doing with him? And who are you?” ang sabi ng bata ng dirediretso at medyo slang pang magsalita. Walang masabi si Penelope dahil nagulat siya. Hindi niya akalaing may anak na si Yael. As far as she knows, 18 lang ito. Kung tatantiyahin, parang five or six lang ang bata. Ano yun? 13 nagkaroon ng anak? Nagulat siya and that made her speechless. "Speak!" ang sigaw nung bata. Kaya medyo bumalik siya sa realidad. Ano ka ba naman Penelope? Naaaning ka na ba!? Paano naman magkakaanak yun, diba? Hindi naman mukhang ganun si Yael eh. Penelope naman... She shook her head a little para maalis yung idea na anak iyon ni Yael. Then suddenly, hinawakan nung batang babae yung tenga ni Penelope. Pinisil ito nung bata. Nagulat siya. "Aray! Aray! Bitiwan mo yung tenga ko!" sabi ni Penelope habang pumasok na sila doon sa loob ng bahay. And then parang hinila nung bata si Penelope sa tenga hanggang makapunta sila doon sa sala. Napansin naman ni Penelope na puro stuff toys ang nandoon. Mayroon ding scissors at sinulid doon, as well as lampshade. Pati nga yung mask na sinusuot ng mga doctor kapag nangoopera. Mayroon pang laruang injection doon. The way the toys and those things are arranged, napansin ni Penelope na parang gumawa yata ng operating room ang batang iyon. "Ayaw mong magsalita?! Anong ginagawa mo kasama niya?! Are you his GIRLFRIEND?!" ang sabi nung bata habang sinasabi yung salitang "Girlfriend" nang inis na inis at galit na galit. She has never seen this kid simula kahapon, yung araw na lumipat siya. Samantalang hindi pa rin binibitiwan nung bata yung tenga ni Penelope. "Aray! Bitiwan mo na ako... Please? I am not his girlfriend, okay?" ang sabi ni Penelope. Naisip niyang napakamaldita naman ng batang iyon, but she just can't bring herself na sigawan yung bata or do something para bitiwan na ng bata yung tenga niya. Nakita niya namang bumukas yung pinto. Nakita niya si Yael na finally ay nakababa na rin sa kotse niya. Nakatingin lang si Yael doon na parang normal lang ang mga pangyayari, hindi siya nagsasalita kundi nakastop lang siya habang pinagmamasdan silang dalawa. And then, napansin na rin nung bata na nakapasok na si Yael. Ngumiti ito, and then, binitiwan yung tenga ni Penelope. Tumakbo yung bata papunta kay Yael. “What are you doing to her?” Buti naman at dumating na si Yael. Ang sakit sakit kasi mamisil nung bata. “I am asking her if she’s your girlfriend. I am going to beat her up lalo na kapag sinabi niyang girlfriend mo siya! Hindi ka naman magkakagusto sa kanya diba? Hindi mo siya type! Ang panget kaya niya!” Ouch. Sakit. Kahit alam ko na sa sarili ko yan. Tanggap ko naman yun eh. Pero tumawa lang ng malakas doon si Yael. Lalo pang nadagdagan yung nararamdaman ni Penelope. “Of course she’s not my girlfriend! How could that be?” “Yeah. Ako nga yung girlfriend mo diba?” napaisip naman ng kaunti si Yael doon. “Yeah. You’re my little girl.” “Eeeeh.. Little girl na naman!?” medyo nagfrown naman yung mukha nung bata. “I am sorry. Sige na, baba ka na at magplay ka na diyan. Pagod si Kuya.” Eh. Sabi na kapatid niya yan eh. Binaba niya naman yung bata at tumingin kay Penelope. Yung bata naman, bumalik doon sa gabundok niyang stuff toys. Iba yung tingin ni Yael sa kanya eh, para bang nangaasar pa lalo. Tapos tumawa naman si Yael. Matapos ay tinawag niya ulit yung bata. “Halika, Ysabelle.” Lumapit naman ito. This time medyo sumeryoso yung mukha ni Yael. “That girl?” Tinuro niya si Penelope. “She’s really claiming that she’s my girlfriend.” “What?!” ang sabi nung bata sabay tingin kay Penelope. And then si Penelope naman nanlaki yung mata niya. Ano?! Ano bang ginagawa ni Yael? Hindi niya ako girlfriend at hindi ko kailanman sinabing girlfriend niya ako no! Aawayin lang ako nitong batang ito eh! Papalapit na si Ysabelle at medyo umatras naman si Penelope eh kaso tumakbo na yung bata at nahawakan na nito ang tenga niya. Pati nga pisngi niya’y hinatak na rin. Habang si Yael naman, nakangiti lang sa mga pangyayari. “Bye! Doon muna ako.” Ang sabi nito habang nakasmirk sa kanya sabay talikod at stretch ng mga kamay at umalis na rin sa sala. What a guy! How could he!? Wala naman akong ginawa sa kanya eh! “Ikaw!?” sunggab sa kanya nung bata sa pisngi. “A-Aray! Pleashhe? Ma-Mashaakish!” ang sabi niya habang hinahatak na nung bata yung dalawa niyang pisngi apart. “You’re not his girlfriend! You’re not!” “Hindi nga talaga err!” ang sabi niya. “I am his girlfriend!” “Shaa ‘yo na shaaa! Maashakish naa pleashh?” “Sabi niya you claimed to be his-“ Bigla namang may nagshow up na magandang babae sa harapan nila. Nanlaki ang mata nito at nilapitan kaagad yung batang babae. "What are you doing!? Ysabelle! Tell me! Are you hurting her!?" nakatayo ang magandang babae sa harapan nila na mukhang mga nasa mid-twenties na niya. "Hmph!" ang sabi nung bata at tinanggal naman niya ang pagkakapisil sa tenga at sa pisngi ni Penelope. Tumayo na rin naman ng maayos si Penelope mula sa pagkakababa niya. "Don't be like that, Ysabelle! Ate will get mad at you!" ang sabi ng babae habang nakatingin lang sa kanya si Ysabelle. "Oh my God. Ang pula-pula ng tenga mo." Tumingin naman yung babae kay Penelope. "Yung pisngi mo rin. Are you okay? May ginawa pa ba itong batang ito sa iyo? I am really really sorry." "Ate! She's sooo sticky to kuya! I don't like her! She's claiming to be Kuya's girlfriend. Panget niya kaya! She's... Eeww!" sigaw naman nung bata. To think na may batang magsasabing ang panget mo. Masakit talaga. May karapatan naman siya dahil ang ganda ganda niya at ang cute cute niya pa. Ang sakit na rin pala ng buong mukha ko. Pero she's still a kid. "Ysabelle, we didn't teach you to be mean. Bawiin mo iyon!" ang sabi nung babae na medyo lumuhod na para maging kalevel si Ysabelle. "Because she really is!" "Ysabelle, I want you to say sorry to her." "Umm.. Hindi naman na po kailangan. Bata pa naman po siya kaya okay lang po." "Hay naku, this girl doesn't act like a five year old. Nagiisip matanda na ito. Ysabelle, say sorry!" ang sabi nung babae habang nagcross arms naman si Ysabelle. "If you don't, I won't be designing your room." banta naman ng babae kay Ysabelle. "Eeeh!?" sabi naman nung bata nang magkasalubong ang kilay na sa tingin naman ni Penelope ay kamukhang kamukha ni Yael. Napangiti naman siya, kaso biglang sumakit yung pisngi niya nung sinubukan niyang magsmile. She's like a photocopy of Yael. Ang pinagtataka ko lang eh bakit hindi naman nila masyadong maresemble ang mga magulang nila. Inisip niya bigla yung mukha ng Tita Bianca niya. Too beautiful. Si Tito Jesse rin masyadong magandang lalaki. Well I think, kapag pinagsama mo ang mga ganoong genes ay magic talaga ang kakalabasan. "I-I-I... I‘m Sorry!!" Ang sabi sa kanya nung bata kaya naman napangiti yung babae kay Ysabelle. "Ayan! Ang bai-" "Panget! Bleeeh!" nagbelat pa si Ysabelle nang mabilis at pagkatapos ay tumakas na sa sala. Sinigawan pa siya nung babae na bumalik pero wala na, nakatakas na si Ysabelle. "Naku, yari sa akin mamaya yang batang iyan." ang sabi nung babae habang nagtuturn paharap kay Penelope. "Pasensiya ka na talaga sa batang yun ah." "Ayos lang po yun." Tinantiya niya naman yung feeling niya sa pisngi at sa tenga niya, hindi naman na ganoon kasakit. "Hindi naman na po masyadong masakit." "Sorry talaga. Anyway, ako nga pala si Ylinette." "Penelope po." "Ikaw siguro yung iniisponsoran ng Daddy ko no? Ikaw nga ba?" "Opo, tama po kayo. Kahapon po ako nakarating dito eh." "Oh, right. Hindi ka namin nameet kasi wala kami ni Ysabelle kahapon. Nagshopping kami at nagcanvas din ng mga bagay-bagay para sa bahay." "Oh. Nice to meet you po." "Nice to meet you too Penelope." and Ylinette gave her a hug. Napangiti naman si Penelope. "I am really looking forward sa pagdating mo rito. Alam mo naman, I really wanted a little sister lalo na nung teen years ko. Eh sumulpot naman si Ysabelle ngayong tumanda na ako. Gusto ko kasi ng little sister na mamapagkwentuhan ng girly matters. I can't do it with Ysabelle... Not just yet. Ang kulit kulit niya kaya nahahigh blood ako. Sana nga naging babae na lang si Yael eh." May nagcough naman bigla at nakita nila si Yael na naroon, nakasandal ang braso doon sa arc ng sala. Nakaayos na ng pambahay si Yael, simpleng loose na shirt at shorts na hanggang tuhod na akala mo'y galit ang mananahi nun dahil sa raming bulsa nito. Tapos may nakasabit namang earphones sa harapan ng shirt niya, pero hindi iyon nakapasak sa tenga ni Yael. "Oh Brow? Kanina ka pa ba diyan?" "What's with you...? Wishing that I was a girl?" ang sabi ni Yael na medyo... Tama kayo sa hula niyo! Medyo nakakunot na naman ang noo niya. "Ay, wala! Joke lang yun. Wag mong seryosohin! Hehehe." ang sabi ni Ylinette. Tapos nung tinanggal na ni Yael ang pagkakasandal ng braso niya sa arc at umalis, bumulong naman si Ylinette. I was obviuosly there, kaninang kanina pa. I was just looking kung talaga bang inaway ni Ysabelle ang babaeng iyon. Ano ba namang babae iyan, hindi niya talaga kayang depensahan ang sarili niya, kahit sa bata lang? "Alam mo naman pag nagalit at nainis yun diba? Akala mo may sasabog na bulkan eh." Napangiti at napatawa naman Penelope sa sinabi ni Ylinette. "Gutom ka na ba?" ang sabi naman nito. "Umm.. Okay pa naman po ako." Pero ang katotohanan, talagang tumatambling na ang bituka niya sa sobrang gutom. "Hindi halata. Tara na nga sa kusina. I actually left my cooking there nung narinig kong sumisigaw si Ysabelle. Akala ko naman kung ano." "Naku, eh baka naman po sunog na iyon." "Hindi naman, I am cooking beef tonight, Caldereta, eh medyo matagal pa namang lumambot iyon. By the way, Dad said you're a great cook." "Hindi naman po." Hinila na lang siya ni Ylinette doon sa kusina at gumawa ng dinner, hindi naman nadisappoint si Ylinette sa skills ni Penelope dahil magaling nga talaga itong magluto. Napadaan namang muli si Yael doon dahil kumuha siya ng tubig sa ref. Nakatingin si Ylinette doon sa hinahalo ni Penelope habang si Penelope naman ay busy doon sa ginagawa niya. Actually, hindi nga niya napansin si Yael. Umiinom lang doon si Yael sa isa sa mga bote na galing sa ref. "Hey brow! Si Penny ang nagluluto ng dinner natin." bati ni Ylinette. Napatingin naman bigla si Penelope dito dahil medyo nashock siya sa tinawag nito sa kanya. Kahit na medyo malapit ang "Penny" sa pangalan niya, hindi niya talaga kahit kailan naging nickname ang Penny. Penelope talaga ang tawag sa kanya. At yung Lola niya lang ang tanging tumatawag sa kanya ng Tin-tin. Baka dati mayroon namang ibang tumatawag sa kanya nang Tin-tin dahil naging childhood nickname niya iyon. Hindi niya naman na maalala ang mga bagay-bagay sa childhood niya, except sa pakikipaglaro kay Mikhail kapag dumadalaw ang Tita Agnes niya. Pati nga pala yung naging kapitbahay niya na hindi na niya maalala ang hitsura. "Mukhang masarap!" comment ni Ylinette. "Mukhang hindi naman." sabi naman ni Yael. Hindi naman nageexpect nang kung anumang comment si Penelope galing kay Yael pero sa sinabi nito medyo nasaktan naman siya. "Talaga bang ganyan? Kailangan lumulutang yung mga ganoon?" May tinuro naman si Yael doon sa may gilid ng kaldero na lumulutang. Hindi niya alam kung ano iyon. Paminta siguro. "Siguraduhin niyong hindi ako malalason diyan." "Aba! Makapagsalita ka naman brow! Daig mo ba ang five-star chef ah! Wala ka namang kaalam-alam sa pagluluto! Nasabi sa akin ni Mommy na marunong ka lang magpatay at magsindi ng kalan!" sabi naman ni Ylinette na pinagtatanggol si Penelope. Habang si Penelope naman ay napatigil sa pagstir at tinignan na si Yael. "Parang siya magaling din ah! Yung pancakes niya nga eh... I am just making sure na hindi ako mamatay kapag kinain ko yang luto niya." napatingin naman si Penelope Kay Yael. Para namang may balak akong patayin siya. Anong tingin niya sa akin, mamamatay-tao? "Mamaya... Pag kinain mo tong luto niya.. Kakainin mo yung sinabi mo at kakain ka rin nang marami. I pretty sure that that would happen. Diba? Penelope?" napatingin lang si Penelope doon kay Ylinette. "What's with the blank expression? Suportahan mo naman ako, pinaglalaban kita oh!" sa tingin ni Penelope, napakaenergetic ni Ylinette for a 25 year old young adult. “Ah! Oo nga!” Maya-maya lang ay dumating na ang magasawa, nagkulong naman na si Yael sa kwarto niya. Tinulungan naman ni Ylinette si Penelope na magset up ng dining table habang si Ysabelle naman ay nagstart na manggulo sa kanila. Basta alam ni Penelope na panay irap nito sa kanya. Si Ylinette din naman napapansin iyon. "Naku, pipitikin ko yang mata mo!" banta niya sa kapatid. Habang si Ysabelle naman medyo natakot at nagtawag ng Daddy niya. "Ang kulit eh!" Hanggang sa dumating na nga ang dinnertime. As expected, ang huling bumaba ay si Yael. Kumain naman na kaagad yung buong pamilya, except kay Penelope na tumahimik saglit at ipinikit ang mga mata niya. Sinanay kasi siya nang Lola niya na palaging magpasalamat bago kumain. Kaya ayun, dala-dala niya hanggang ngayon.
Medyo napatingin naman ang lahat noon kay Penelope. At napastop kumain. Nagleft ito ng iba't ibang impression sa bawat miyembro ng pamilya. Napangiti doon ang magasawa at nagkatinginan, na para bang sinasabing hindi sila nagkamali sa pagsponsor kay Penelope. Si Ylinette naman medyo napangiti rin. Pero hindi niya akalaing nagpepray pala si Penelope. Ang alam lang niya ay geek ito at bookworm na dapat kulitin para maging makulay naman ang buhay niya. Si Ysabelle naman medyo hindi alam kung ano yung ginawa ni Penelope. Napairap na lang siya doon. At inisip na Penelope is trying to seduce Yael sa ginawa nito. At si Yael naman, napatigil sa pagkain. Did this ever happen before?
*________________* ♫Fifteen ♫
Feel @ Home
Nagsimula naman nang kumain ang lahat. Ang normal na set-up ng dinner sa pamilya ng mga Gonzaga ay ganito: