"Punta kaya tayo sa booth ng TCA? Photo booth ang kanila eh ."
Umagree sya then naglakad na kami papunta sa field. Andun yung Photo booth eh.
Napansin ko nalang na nakasampay na yung balikat nya sa braso ko. In short, nakaakbay na sya sa'kin. I looked at him. Nakatingin lang sya sa malayo, pero ngiting-ngiti. ^____^
I don't know why, but seeing him smile, makes me smile too <3
****
"Oh labers, eto na po ang picture nyo. Thank you for coming. *bow.*" sabay-sabay na sabi ng TCA.
Nag-bow pa talaga eno? Ano kayo? Japanese? Koreans? Haha.
First shot, nakaakbay sa'kin si Playboy habang naka-peace sign ako.
Second shot, nag-form kami ng heart using our hands.
Third shot, naka-pout ako, sya naman naka-kiss sa right cheek ko.
Fourth shot, magka-holding hands kami while looking each other.
"Ang sweet naman ng mga pictures nyo." -DollStar.
Tinignan ko ulit yung picture. At ngayon ko lang napansin yunng design at frame ng picture. Grr.
"Sino nag-design nito?" medyo naiinis kong tanong sa tatlo.
Yung frame nya kasi ay may nagkalat na black and white bunny na nagsi-symbolize ng PLAYBOY. Tapos may nagkalat pa na mga words na ang kabuuan ay, 'I revenged on a Playboy'. All caps pa talaga. Color black ang font ng words na 'I revenged on a' then color red naman ang sa 'Playboy'.
"Ayan oh.." Tinuro ni DollStar at LoveKita335 si PekengKyoot.
"HA? AKO?" -PekengKyoot
"Bakit? Hindi?" - LoveKita335
"OO. Ako nga! May sinabi ba akong hindi ako?"
"Oo nga naman." sabat ni Louie ko.
>////<
Zoid pala. HiHi.
"Bakit ganito ang designs?" - ako
"Baket? Panget ba? May mali ba sa designs ko? Maganda naman, ah? Kaya nga ganyan ang ginawa ko, kasi I'm pretty really sure na makaka-relate ka." sabay wink nya.
Abnormal =___=
Hindi ba nya alam na pwedeng mabuking ako nito?
"Oo nga naman. Maganda naman, ah? I like it. Unique ang designs." sabi ni Louie ko.
Yan naman -////-
Hayaan na nga natin. Sa isip lang naman eh.
"Aww. Buti pa kay Kras, nakatanggap ako ng compliment. Nung isang linggo ko pa pinag-isipan yang design na yan. I know kasi na pupunta kayo dito sa booth namin eh. Pero kayo.." Tinuro nya ako, si DollStar at LoveKita335. "Hindi nyo manlang na-appreciate yung designs ko T~T. Ano'ng klase kayong kaibigan, HA?"
"Tara na." Hinawakan ko na si Louie ko sa braso at hinila paalis. Baka mahawa pa kami sa kabaliwan ng babaeng yan.
Kidding ^___^V
[A/N: Kay Zailie naka-dedicate ‘tong chapter na ‘to. Follow nyo sila ni Zoid and they will follow ya’ back :3 And, pa-like naman po nung Fanpage nila <33]
Chapter 23.1
*Last Day of Foundation Day Part II*
Slavery Booth
Zai's POV
"Magkano ang isang bunot?" tanong ko.
"100 po." sabi nung babaeng nagbabantay. Nags-spark pa yung mga mata nya habang nakatingin kay Louie ko.
~___~
Si Louie ko naman, nagpapa-cute din. HELLO! GIRLFRIEND HERE!!!
"Ehem... Louie ko, alis na tayo dito. Ang mahal naman eh."
Napatingin sa'kin si Louie ko na parang gulat.
"Baket? May dumi ba sa mukha ko?"
"Wala. Tinawag mo 'kong LOUIE KO."
O___O
"H-hindi ah! Imagination mo lang yun."
"Weh? Narinig ko eh."
"Bahala ka na nga. Alis na tayo. Ang mahal-mahal naman ng booth na 'to!" I whined as I raised my left eyebrow, glaring at the girl.
"Ayoko. Nakaka-enjoy dito sa booth na 'to."
"Enjoy nga. Mahal naman."
"Baket? Ikaw ba bubunot? Ako naman, ah. Pwede na ba akong bumunot?" naka-smile nyang sabi dun sa girl.
Nakita kong umirap yung babae. Ang lakas ng loob nyang mag-irap eh noh?
Pinaupo nung guy si Playboy sa swivel chair. Ako naman, nakatayo lang sa harap ni Louie ko. Sya daw kasi ang MASTER, at ako naman ang kawawang SLAVE. Bubunot ang Slave sa fishbowl ng isang papel. May nakasulat dun kung ano ang kailangang gawin ng slave sa master nya.
At bawat papel sa fishbowl, 100 pesos na! Pagkamahal-mahal naman. Pero kapag naka-sampung bunot and above na yung master, may libreng bear ang slave.
Kapag naman 9 below lang nakabunot ang master, may libreng bracelet ang Slave. Sana maka-sampu kami. Ang gaganda ng mga bears eh. Blue Magic pa.
Parang wala rin diba? Malaki pa rin ang profit ng mga members ng booth na 'to. Kasi kadalasan, isang beses lang bumubunot ang kung sino man ang napunta dito.
Pa'no kapag naka-9 na bunot lang si Louie ko at ayaw na nyang bumunot kasi tinatamad na sya? WAAA~ Sayang naman. Wala akong bear. Kawawa ang slave dito.
Actually, madadali lang naman ang ipapagawa sa slave eh.
Para rin 'tong booth na 'to sa mga couple. Kaya madalas, yung boyfriend ang Master. Kasi sila ang maraming pera (^o^).
Naglapag ng 1000 pesos si Louie ko sa desk. Nanlaki pa nga yung mga mata ng mga nagbabantay eh.
"Hoy, my beloved Slave, bumunot ka na. Naiinip na ang gwapo mong Master." utos nya sa'kin.
Kapal ng feslak neto! Feel na Feel. Ang ganda pa talaga ng pagkakaupo nya sa swivel chair. Akala mo MASTER!
Master ko nga pala sya ngayon. -___-
Bumunot na 'ko ng isang papel sa fishbowl. Then read it. "Give your master a five seconds hug."
"Five seconds lang? Di ba pwedeng gawing five minutes or five hours?" he whined.
"Sorry po. Pero kung ano lang ang nakasulat, ayun lang po ang pwedeng gawin ng Slave nyo."
Weh? If I know, nai-insicure ka lang!
I bent down para mapantayan ko yung master ko. Nakaupo nga kasi sya, diba?
I hugged him. Yung guy yung nagbibilang.
"Five.."
Aalis na sana ako, kaso hinigpitan niya lalo yung yakap nya sa'kin. Ayaw akong paalisin^^
"*FAKE COUGH* Kailangan na pong bumunot ulit ng Slave."
Insekyora talaga. Grr ~.~
Bumunot ulit ako.
"Massage your master for ten seconds."
"Yan. Gusto ko yan. Hahaha."
"Baliw."
Pumunta ako sa likuran nya, tapos minasahe yung broad shoulders nya.
"Haaaayyy.. Ang sarap naman.. Yan.... dyan... ahh..."
"Hoy! Tumigil ka nga! Ang panget pakinggan nyang mga sinasabi mo!"
"Pwede ka ng maging wife ko. Magpakasal na kaya tayo?"
Pwede ko naman syang bigyan, kahit hindi nya ako slave eh. Sabihin nya lang. Haha.
"Aish!" napasabunot sya sa buhok nya.
And again, naglabas na naman sya ng pera. Pero this time, 3k na.
"Huyy.. ano ka ba?" sinubukan ko syang awatin.
"I said, just shut up and don't disturb me." naiirita nyang sabi habang nagbubuklat ng mga papel sabay tapon sa sahig. Yung guy yung taga-pulot. Kawawa naman.
"Give me more."
Nakatulala lang yung babae. Hindi ata alam ang gagawin.
"I SAID, GIVE ME MORE! ARE YOU A DEAF?"
Nataranta naman si Marge at sya na yung kumuha ng isa pang fishbowl.
Malapit ng maubos yung mga papel na nasa fishbowl nang may sinabi si Marge na nakapagpatigil kay Louie ko.
"W-wala naman po yung hinahanap nyo eh. Wala pong 30 minutes lips to lips dyan."
Biglang sumama yung aura ni Louie ko. Bigla syang tumayo at mukhang lalabanan pa ata si Marge.
Kahit nilalandi nya si Louie ko kanina, babae pa rin yan. Kaya hinawakan ko si Louie ko sa braso at pinigilan. Napatingin sya sa'kin, tapos nakita kong medyo kumalma na yung mukha nya.
"Tara na. Ang init masyado ng ulo mo."
Hindi sya sumagot o tumango manlang. Binigyan nya muna ng deathly glare si Marge saka nya ako hinila paalis.
Pumunta kami sa icecream booth. Binilihan ko sya ng icecream para lumamig yung ulo.
"Highblood ka." sabi ko sakanya.
Ngumiti naman sya. Haaayy. Napaka-paranoid talaga!
"Nakakainis kasi eh. Naghahanap lang pala ako sa wala."
"Haha. Sino ba naman kasi ang nagsabi na may ganun, huh? Sa tingin mo ba, maglalagay sila ng ganun? Edi sa guidance office ang bagsak nila."
"Haha. Oo nga noh? Gusto ko na kasing--- wala. Ano'ng oras na ba?"
I glanced at my wrist watch. "6:35pm. Bake----"
Di pa 'ko tapos magsalita, hinila na nya ako. Ano na naman ba? Ang hilig manghila.
Pagkapunta namin sa field, sakto naman at nagsiputukan na yung mga fireworks.
Lagi kasing may fireworks kapag last day na ng foundation week. Lagi naman akong nanunuod, bakit ko kaya nakalimutan ngayon?
Siguro, dahil sobrang nag-enjoy ako kasama si Louie ko, kaya ko nakalimutan <3
"Ang gaganda."
"Dun tayo." naglakad kami dun sa dulo.
Kitang-kita dito yung fireworks. Dito sa spot na 'to lalong makikita ang kagandahan ng firewoks. Bakit di ko na-discover 'to dati pa?
Malayo kami dun sa ibang DH Students, kami lang ang nandito.
"Ang ganda naman dito sa spot na 'to. Pa'no mo 'to na-discover?"
"Basta. Upo tayo."
Umupo kami sa may damuhan habang nakatingala sa langit at pinapanood ang magaganda at makukulay na fireworks.
Biglang may HAPPY FOUNDATION WEEK DH ACADEMY sa fireworks.
Lalo akong na-amaze. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng fireworks simula ng nag-aral ako dito.
"Tignan mo oh. Haha. Ang ganda." sabi ko na parang batang amaze na amaze.
Hindi sya sumagot kaya napatingin ako sakanya.
Seryoso syang nakatingin sa'kin. Kanina pa ba sya nakatingin sa'kin?
"B-baket?"
Waaaa~ I'm soooo nervous!
"Louise ko..... can I... uhm...."
"Can you what?"
"Dati ko pa 'to gustong gawin."
"Ang alin?"
Hindi sya sumagot. Instead, he's coming closer and closer to me. Parang naparalyze ang buong katawan ko.
The next thing I know, we were sharing a sweet and passionate kiss.
Kasabay ng lakas ng tunog ng fireworks ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganun din ang kanya. Naririnig ko eh. Haha.
*****
"Galit ka talaga dun sa Marge kanina?" I asked him.
Andito pa rin kami sa loob ng kotse nya. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Kaso eto namang si Maboy, ayaw pa akong papasukin sa bahay namin. Mamaya na daw.
Hello? Siguro 2 hours na kaming nandito. Nagugutom na nga ako eh. -.-
"Hindi naman masyado. Di ako pwedeng magalit ng husto. I need to balance my emotions."
Tumango nalang ako. Ayan na naman ang mala 'oh-so-mature' words nya. Pero di ko nalang pinansin. Nagugutom na talaga ako eh.
"Gutom ka na ba?"
"Kanina pa."
"Tsk. Sige na nga. Pasok ka na sa loob."
"Yes! Ikaw? Gusto mo sa bahay ka na mag-dinner?"
"Next time nalang. Uuwi ako sa bahay ngayon eh."
"Ah. Okay."
Naalala ko yung blue magic bear. Nakalagpas kaming 10! Sayang naman.
I pouted my lips.
"What's with the pout?" -sya
"Sayang yung Blue Magic bear eh. Color Blue pa naman. Hmp."
"Yun lang pala eh. Bibilhan nalang kita."
I nodded, smiling at him.
"Louise ko."
"Baket, Maboy?"
"I love you." Naka-ngiti nyang sabi. Pati tuloy ako, napa-ngiti. ^___^
"I love you too."
O____O
Sinabi ko ba talaga yun?
Ha?
He smiled very wide then hugged me.
NOOOO~
Nadala lang ako sa smile nya. Na-hypnotize lang ako sa killer smile nya, right?
[A/N: Ang sakit pa rin ng legs ko >__<. Niyaya kasi akong mag-jogging ni Rochelle kanina eh. Yung bestfriend ko na kapitbahay namin. Ewan ko ba dun kung bakit nya naisipan mag-jogging. Pero okay lang, ang dami naming nakitang gwapo sa Makati Park ang Garden. Ahihi XDD Share ko lang, readers :DD.]
Chapter 24
*Revelation*
Zai's POV
Monday na ngayon. Back to normal na naman ang school class ngayon.
At eto namang si Maboy, parang engot talaga. Ayaw ba naman bitawan yung kamay ko!
Para namang mawawala ako, eno? *u*
Maya-maya, pumasok na yung PE teacher namin.
"Zoid, gumising ka na dyan! Andyan na si Mrs. Longcop."
Hindi nya ata narinig.
"Class, sa oval tayo magpi-PE ngayon."
"Zoid, yung kamay ko po."
"..........."
No choice -__-
"Maboy, yung kamay ko po. Pupunta pa po ako sa oval. Gising!"
"Okay. ^____^"
"Hindi ka pala tulog eh!"
"Sino ba nagsabing natutulog ako?"
Oo nga noh?
Pahiya na naman ako.
(__ __)^^
"Ms. Alvarez, ikaw nalang ang inaantay." nakapamewang na sabi sa'kin ni Ma'am.
"Opo."
Tumayo na ako, pero hinila ako ni Maboy.
Maboy na tawag ko sakanya sa isip ko noh? Hihi.
( - 3(o///o)
Hinalikan ba naman ako sa harap ni Ma'am?
Sa cheek lang naman. Pero… kahit na!!
"Nakakainis ka!"
He chuckled.
"MS. ALVAREZ! Mamaya na yan!"
"Opo. Andyan na po." Tumingin ulit ako kay Maboy. "Saglit lang ako. Wag kang mambababae, huh?"
Natawa ako sa sinabi ko. Haha. Parang kung sa'n ako pupunta, eh sa oval lang naman.
He chukled again, tapos nag-salute.
*****
"Zai, teammate tayo." -Dwayne.
"Hehe. Oo nga eh."
"PFFFT. Class, start na."
Pumwesto na kami. Kalaban ko si Yat and VJ. Magka-team sila eh. Ako nga pala ang goal keeper. Haha. Di naman ako marunong sa soccer, ako pa nilagay nila dun.