Lotto result lotto 6/42 draw july 4, 2009



Yüklə 127,14 Kb.
səhifə3/4
tarix16.04.2018
ölçüsü127,14 Kb.
#48240
1   2   3   4




Sharon, lima ang utang sa banko




Allan Diones




 




MASAYA at ganadong tsumika si Sharon Cuneta nang makausap namin nu’ng Miyerkules nang hapon pagdalaw namin sa set ng pelikulang OMG (Oh My Girl) sa Taal, Batangas.
May special cameo appearance si Sharon (bilang pekeng manghuhula na si Manang Guada) sa comedy flick nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid.
Masiglang kuwento ni Shawie, pinaplano pa lang nila ang kasal nina Juday at Ryan Agoncillo ay umoo na siya kina Juday at Direk Dante Nico Garcia na maggi-guest siya sa movie.
First time niya raw gaganap na manghuhula, na itsura ni Odette Khan sa pelikula niya noon na To Love Again. Pinaka-excited daw siya para sa kaibigan niyang sina Juday at Ogie, na siguradong para lang silang nag­lalaro sa eksena.
Nagulat pa ang Megastar na ang daming inimbitang press ni Mother Lily Monteverde sa OMG set sa Batangas at si Mother mismo ang aligaga sa pag-aasikaso kay Shawie sa shooting.
Sobrang na-touch daw si Sharon sa pag-aasikaso ng Regal producer.
Naikuwento rin ni Shawie na nasa kanya na ang script ng Mano Po 6: My Mother, ang isa sa filmfest entries ng Regal sa 2009 MMFF.
Nakapagsabi na raw siya sa Star Cinema na gagawin niya ang nasabing project at maayos na ang lahat.
“Siyempre, na-flatter naman ako na when they offered it to me, may script na kaagad. Pero pressured na pressured din ako dahil pang-anim na Mano Po. Hindi naman sana dito pa sumablay! Ang pangit!! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Kasi excited sila, eh! Ako rin, excited! Sana, mabigyan ko ng justice ‘yung role at saka ‘yung franchise,” bulalas ni Mega.
Depende raw sa itatakbo ng istorya kung sinu-sino ang iba pang artistang makakasama niya sa MP6. Hangga’t maaari ay hindi raw sila magsu-shoot hangga’t hindi sobrang plantsado na ang script ng pelikula.
Kampante si Shawie sa magdidirek nito na si Direk Joel Lamangan (na kung tawagin niya ay ‘Inay’) dahil lagi raw maganda ang kanilang working relationship.
Looking forward na si Mega sa nasabing proyekto, lalo pa’t sob-rang nata-touch siya sa magagandang sinasabi ni Mother Lily sa kanya.
“Sobrang happy ako. Pareho kaming excited. Dream come true rin ito para sa akin dahil hindi biro ang Mano Po. Sana maging one of the most successful Mano Po movie siya ever,” sey pa ni Shawie.
***
Nakunan din nang reaksyon ng press ang Megastar hinggil sa lu- mabas na isyu noon na meron umanong sex vi- deo si Dr. Hayden Kho Jr. kasama ang dalaga ni Sharon na si KC Concepcion.
  “Tawang-tawa ako do’n! Wala talaga!” natatawang sambit ng aktres.
May tsismis pang nagbayad daw ng P20M si Shawie para lang huwag lumabas at huwag kumalat ang nasabing malaswang video…
“Ang dami kong bina­bayaran! Lima ang utang ko sa banko, alam ng mga banko ‘yan! Kayo naman! Ako nga, natsismis din nang ganyan noon, ang question ko, ‘Sexy ba?’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Sanay na ako d’yan. Nu’ng narinig ko ‘yung tsismis na nagbayad daw ako, tawa ako nang tawa! Masaya siya! Eh ‘di pinakulong ko na lang siya! ‘Di ba naman? Dyusko, of course not!
“Hindi ko kayang mag-lie! Eh ‘di sana, umiiyak na ako ngayon? Ha! Ha! Ha! Ha! No! My God, kadiri!
“Ano ba ‘yan? Ma- ling-mali ‘yon! That was so foul! You don’t do that to any woman!” dayalog pa ni Mega.
Anong reaksyon ni Sen. Kiko Pangilinan tungkol doon?
“Alam mo ba? We don’t even talk about it! Wala. Kasi, it’s a non-issue as far as we’re concerned. It only came up once, not between me and Kiko…’yung mga araw-araw na kasama ko, ‘yung yaya ni Frankie ang nagkuwento sa akin. Nakakagulat!” natatawang naiiling na reaksyon pa ni Sharon. 
***
Masayang-masaya si Juday nang makausap na­min sa set ng OMG dahil malaking bagay raw para sa kanila ni Ogie na may cameo appearance sa pelikula nila si Sharon.
Nakakataba raw ng puso dahil alam ng lahat na for the longest time ay Viva baby si Mega, tapos ngayon ay lumabas ito for the first time sa isang Regal movie.
Sey ni Juday, iba na ang panahon ngayon at lahat ay welcome nang magtawiran sa kabilang film company. Maituturing daw itong event ni Juday na after Magkapatid (2002) sa Viva ay sa Regal sila ulit nagkasama ng kanyang Ate Shawie kahit saglit lang.





Aubrey, ayaw pakawalan ng manager




Jojo Gabinete




 




FAKE na fake ang kumakalat na sex video na diumano’y tinatampukan ni Dra. Vicki Belo.
Malayung-malayo ang itsura ng babae kay Dra. Belo at lalong hindi si Dr. Hayden Kho Jr. ang  kasama ng mystery girl.
Hanggang ngayon, wala pang lumalabas o nakakapanood sa sex video nina Hayden at Dra. Belo, kahit kapwa sila ami- nado na may video ang kanilang intimate moments.
***
Nababahala ang isang kaibigang repor-ter dahil malakas ang kanyang kutob na binalikan ng isang aktor ang dating masamang bisyo.
Napansin ng aming kaibigan na parang wala sa sarili ang aktor nang magkita sila sa isang showbiz function.
Kung anu-ano ang si­nasabi ng aktor kaya nagduda ang repor­ter na bumalik siya sa da­ting bis­yo.
***
Confident si Cristine Reyes na maaa­yos ang problema niya sa ABS-CBN para maka-balik na siya sa GMA 7.
Sinabi ni Cristine na ipinauubaya niya sa kanyang manager na si Veronique del Rosario ang pakikipag-usap sa management ng ABS-CBN.
Hindi nagkakalayo ang problema ni Aubrey Miles at Cristine.
Hindi makatanggap ng mga TV guesting si Aubrey dahil may kontrata pa siya sa kanyang manager na si Dondon Monteverde.
Ayon kay Aubrey, matagal na silang walang communication ni Dondon. Nagtataka si Aubrey kung bakit ayaw siyang i-release ng kanyang manager.
Hanggang sa susunod na taon pa ang kontrata ni Aubrey kay Dondon.
***
Very protective si Dondon kay Aubrey noong nag-uumpisa pa lamang ito sa showbiz.
Nang magkaroon si Aubrey ng sexy pictorial para sa 2002 FHM calendar, ipinakita muna kay Dondon ng FHM staff ang mga litrato.
Hindi pumayag si Dondon na gamitin sa ca­lendar ang litrato ni Aubrey na nakatalikod at tanging thong ang suot.
That was seven years ago. Sa July 2009 issue ng FHM, ibinuyangyang ni Aubrey ang lahat.
Kung kilala natin si Dondon, posibleng mapailing at mapangiti na lang siya sa desisyon ni Aubrey.
Inamin ng FHM editor-in-chief na si Allan Madrilejos na ang  pictorial ni Aubrey ang pinaka-daring na ginamit nila bilang cover ng magazine.
***
Nabigyan ni Douglas Quijano ng mga trabaho ang kanyang mga ala­ga bago siya namatay.
Maganda ang role ni Gelli de Belen sa All My Life at kasama si Ja- nice de Belen sa Narda/Darna ni Marian Rivera.
Ikinuwento sa amin ng isang kaibigan na ang pamilya nina Richard, Gomez, Lucy Torres at Juliana ang endorser ng isang brand ng gatas.
Malapit nang lumabas ang mga ad ng ba­gong endorsement ng Gomez family.
***
PBA players ang maglalaban ngayong gabi sa Shall We Dance.
Magpapakitang-gilas sa pagsasayaw sina Don Allado, Manny Victorino, Sonny Cabatu at Warren Ibañez. Ballroom competition uli ang epi­sode ng dance show ni Lucy Torres-Gomez kaya mga dance instructor ang makakapareha ng mga basketball player.
Sina Alex Crisano at Onyok Velasco ang sasayaw sa opening number. Mga bata at teenager naman ang mga contestant sa It’s Your Time To Shine edition ng Shall We Dance na mapapanood mamayang gabi sa TV5.




Tonton at Precious Lara, pararangalan ng PNP

US Ambassador, fan ng ‘Wowowee’




 




TATANGGAP sina Tonton Gutierrez at Precious Lara Quigaman ng special award bukas mula sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagganap nila bilang mag-asawang pulis sa teleseryeng May Bukas Pa ng ABS-CBN.
Ayon sa liham ni German Doria (Police Director for Police Community Relations) sa executive producer ng May Bukas Pa na si Ethel Espiritu, “The PNP will be presenting awards to the PNP units and its personnel, as well as organizations and individuals for their invaluable contribution to the various police-community relations projects that greatly help in the attainment of the mission of PNP.”
Ang awarding ay gagawin sa Grand Kick-Off         Ceremony ng 14th Police Community Relations Month Celebration sa harap ng NHQ PNP Building.
***
Naimbitahan ni Kristie Kenney (US Ambassador para sa Pilipinas) ang Wowowee host na si Willie Revillame na makiisa sa pagse-celebrate ng 233rd Anniversary ng US Independence sa Embassy ng Estados Unidos.
Ayon kay Kenney, certified fan siya ng programa.
Aniya, “I truly enjoyed the time when I was able to watch Wowowee live last December. It was really fun. I hope that I get invited again sometime soon.”
Masayang sagot ni Wil na kahit anong oras ay bukas ang pintuan ng Wowowee para sa US Ambassador.
Proud na nai-share din ni Wil na suma­yaw at nakigiling-giling pa ang US Ambassador sa kanyang programa.
Tuwang-tuwa si Wil dahil marami sa mga taga-Embassy -- mula sa mga consul, staff at security guard -- ay nanonood ng kanyang programa.
Nakausap niya rin sa naturang selebrasyon ang ilang mga senador at iba pang tanyag na mga tao na nagbigay ng kanilang mga suhestiyon para sa mga ‘Bigaten players’ tulad ng mga magsasaka at iba pa.
***
Pagpupugayan ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano sa ng All Star ‘K’ The P1,000,000 Videoke Challenge mamayang gabi sa GMA 7.
Contestants ang ilan sa mga artistang natulungan niya -- sina Nadia Montenegro, Anjo Yllana, Ryan Yllana, Jao Mapa, Andrew Schimmer, Rainier Castillo at Tyron Perez. Ang defending champion ay si Chubi del Rosario.
Ang K!Ller ay ang matalik na kaibigan ni Tito Dougs na si Lolit Solis.
***
Unang weekly elimination ng Centerfold Boys 2009 mamayang 11:30 PM sa Centro Republic Bar na katabi ng Chowking sa Timog Circle, QC.
Limang guwapong modelo ang rarampa.
Ang tiket ay P500.
Para sa mga detalye, makipag-alam sa contest organizer na si Jun Noya sa cell# 0920-630-1038.
***
Bibisita ang TV 5 sa iba’t ibang public at private schools sa Kamaynilaan para mag-entertain at mag-reinforce ng good learning habits sa libu-libong mag-aaral sa pamamagitan ng School Attack.
Present sa school fair na ito ang shows na tulad ng Barney, Sesame Street, Thomas and Friends, Bob the Builder, Toogs, Lipgloss at Animega.
Mae-enjoy ng students ang exciting activities tulad ng poster-making contest, memory match games at picture puzzles.
Sandamakmak ang fun booths at activity stalls kung saan puwedeng ipamalas ng students ang kanilang ta­lents and skills.
Dapat ihanda na ng mga mag-aaral ang kanilang backpacks dahil mag-uuwi sila ng special gifts and prizes na ipamimigay ng TV5.
Ang susunod na school visit ng School Attack ay sa Hulyo 10 sa Nangka Ele­mentary School. Susunod sa Hulyo 17 ang Elizabeth Seton Integrated School; Hulyo 20 sa Parang Ele­mentary School; Hulyo 24 sa Alabang Elementary School; Hulyo 27 sa Pedro Diaz High School; Hulyo 31 sa Holy Family School sa Tondo; Agosto 3 sa P. Burgos Elementary School; Agosto 7 sa Almanza Elementary School; at Agosto 10 sa Nemisio L. Yabut Elementary School.




Aktres, bigay todo kung umibig




Ni REY PUMALOY




 




PINAGSISIHAN ng isang production assistant ang pagsisilbi niya nang 15 taon sa isang talent manager.
Punung-puno ng sama ng loob ang assistant sa mga naranasan niya sa dating amo.
Nagsisisi siya dahil hindi pa siya lumayas dito matapos ang dalawang taon ng kanyang paninilbihan dito.
Kuwento ni assistant, kinukupit ni manager ang grasya na para sa ibang tao.
Papasok ito sa isang publicity and promo deal para sa isang company o personality.
Kasama sa kontrata nito ay ang grasyang ipamimigay sa mga iimbitahan nitong guests sa launching at presscon.
Ang ginagawa ni manager, hindi niya ibinibigay ang para sa mga guest.
Minsan, pinasukan ni manager ang pagku-coordinate ng isang event at silang mga kasama nito sa office ang pinagtrabaho nito sa event.
Naloka si assistant nang papirmahin sila ng voucher slip pero hindi sila binigyan ng pera bilang kabayaran sa kanilang paghihirap.
Ang sabi sa kanila ni manager, pirmahan lang nila ang voucher pero wala raw iyon.  Tutal, may regular salary sila.
Hindi makakalimutan ni assistant na dumaan sa kanya ang isang mala­king negotiation para sa isang female model-beauty queen.
Walang kaalam-alam si assistant sa pagha-handle ng ganitong transaction kaya ipinasa niya sa manager ang negosasyon.
Naisara ang kontrata ni beauty queen na aabot sa halagang P3M na talent fee nito.
Inaasahan ni assistant na bibigyan siya ng komisyon ni manager sa pagdadala niya ng kli­yente.
Hindi na aktibo si beauty queen sa showbiz pero hanggang ngayon, hindi pa rin naibibigay kay assistant ang komisyong inaasahan na hindi bababa sa P200,000.
Maging sa kanilang mga benefits ay pinagdamutan sila ni manager. Hindi sila binibigyan ng 13th month pay. 
May mga Paskong nagdaan na hanggang bisperas ng Christmas ay pinapapasok sila sa opisina. 
Binibigyan lang sila ng P2,000 bilang bonus. 
Kung tutuusin, higit pa sa P2,000 ang dapat nilang matanggap sa tagal ng pagsisilbi nila sa manager.
Punung-puno ng hi­nampo ang assistant sa dati niyang boss. 
Pinagdamutan sila ng manager pero binusog nito ang talent na lover nito.
Ibinili ni manager ng bagong van ang lover. Kapag may pupunta sa abroad na ibang talent niya, nagbibilin ito ng mga mamahaling gamit para sa lover niya.
***
Noong hindi pa nag-aartista ang isang sikat na aktres, popular siya sa pinapasukang paaralan.
Usap-usapan sa campus ang ganda niya at pagiging malapit sa boys.
Lahat halos ng guwapo sa campus ay kaibigan ni aktres kaya kinaiinggitan siya ng mga babae.
Sa grupo ng boys na kaibigan ni aktres, isa rito ang natatangi na siya niyang inibig at pinagkatiwalaan.
Nang magkarelasyon ang aktres at ang isa sa mga kaibigan niyang boys, nabalita sa campus na nakipag-live in siya sa kasintahan.
Bigla kasing umiwas si aktres sa mga kaibigan niyang boys mula nang makipagseryosohan siya sa kanyang boyfriend.
Hatid-sundo si aktres ng kasintahan niya sa campus. 
Laging magkasama ang dalawa maliban na lang kapag may klase.
Kung laging seryoso si aktres tuwing papasok siya sa relasyon, ‘yun ay dahil likas kay aktres ang umibig na bigay todo ang kanyang puso.
Hindi kataka-taka kung mabalitang nakikipag-live in ang aktres dahil payag ito sa ganoong set-up.




Mega Manila Ratings




(ABU TILAMZIK)




 




MULA sa AGB, narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng HUWEBES (Hulyo 2):
SiS 8.9% vs. Ruffa and Ai 4.1%;
Lalola 9.1% vs. Game Ka Na Ba 10.4%;
Eat Bulaga 25.4% vs. Wowowee 16.1%;
Daisy Siete 18.7% at Ngayon at Kailanman 19.9% vs. Kambal sa Uma 15.8%;
Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin 23.2% vs. Precious Hearts 11.2%;
Hole in the Wall 17.3% vs. Love or Bread 10.1%;
All My Life 19.9% vs. Boys Over Flowers 19.6%;
24 Oras 29.4% vs. TV Patrol 23%;
Zorro 32.4% vs. May Bukas Pa 30.2%;
Totoy Bato 31% vs. Only You 32.3%;
Adik sa ‘Yo 23.3% vs. Tayong Dalawa 33% at The Wedding 17.2%;
Cruel Love 19.1% vs. Showbiz News Ngayon 12.4%;
SRO 11.3%.




National Ratings




 




MULA sa TNS, narito ang National Ratings ng mga programa ng ABS-CBN 2 at GMA 7 noong HUWEBES (Hulyo 2):
Umagang Kay Ganda 6.3% vs. Unang Hirit 5%;
Varga 7.1% at Sheng Beng Kids 7.3% vs. Pokemon Master Quest 5.7%;
Naruto 7.2% vs. Jackie Chan Adventures 7.4% at One Piece 8.4%;
Mr. Bean Live 7% vs. Buzzer Beater 8%;
Ruffa & Ai 8.8%  vs. SiS 6.1%;
Game Ka Na Ba 14.1% vs. Lalola 8.9%;
Wowowee 22.4%  vs. Eat Bulaga 18.4% at Daisy Siete 14.4%;
Kambal Sa Uma 26.2% vs. Ngayon at Kailanman 14.5%;
Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers 17.5% vs. Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin 16.7%;
Mr. Bean 15.1% at Naruto Shippuden 15.6% vs. Chil Princesses 9.7%;
Love or Bread 16.3% vs. Hole In The Wall 11.1%;
Boys Over Flowers 30.8% vs. All My Life 14.6%;
TV Patrol World 36.6% vs. 24 Oras 22.8%;
May Bukas Pa 40.9% vs. Zorro 25.1%;
Only You 39.5% vs. Totoy Bato 25.1%;
Tayong Dalawa 38.7% vs. Adik sa ‘Yo 21.3%;
The Wedding 21.2% vs. Cruel Love 15.8%;
Showbiz News Ngayon 12.3% vs. SRO Cinemaserye presents Suspetsa 8.9%;
Bandila 7.2% vs. Saksi 5%;
I Survived 5.2% vs. Case Unclosed 3.1%.




Bagong Darna, masusubukan na!




 




MASUSUBUKAN na ang lakas ng bagong Darna simula Agosto 10 sa GMA 7.
Pinalakpakan nang husto si Marian Rivera sa trade party ng Kapuso Network noong Biyernes nang gabi sa White Space sa Makati City.
Iyon kasi ang unang paglabas ni Marian na naka-costume bilang superhero na si Darna.
***
Bida sina Dennis Trillo, Edgar Allan Guzman, Arnold Reyes at Sid Lucero sa digital movie na Astig, isa sa compe­ting entries ng 2009 Cinemalaya Film Festival.
Sala-salabat ang kuwento ng apat na tiga­sing lalaki sa Lungsod ng Tao, ang Natatangi at Laging-Tapat na Lungsod.
Ang unang kuwento ay tungkol kay Ariel (Dennis Trillo) na madaling makapagpaibig ng babae.
Ang ikalawa ay tungkol kay Boy (Edgar Allan Guzman), isang binatilyong malapit nang maging ama.
Ang ikatlo ay tungkol kay Ronald (Arnold Reyes), isang Chinese mestizo na ibinebenta ang minana niyang gusali.
At ang ikaapat ay tungkol kay Baste (Sid Lucero), isang over-protective na kuya sa anim niyang nakababatang kapatid na babae.
Magpi-premiere ang Astig sa Hulyo 18 (Sabado) nang 9:00 PM sa CCP Main Theater. May isa pa itong gala screening sa Hulyo 23 (Huwebes) nang 6:15 PM sa CCP Main Theater.
Ang iba pang screenings nito sa iba’t ibang CCP venue ay sa Hulyo 19, 21, 22, 24 at 25.
***
Pasok ang Bayaw sa NETPAC World Cinema competition ng Cine­malaya Film Festival 2009.
Magpi-premiere ang uncut version nito sa Hul­yo 21 nang 9:00 PM sa CCP Little Theater.
Nag-frontal dito ang mga bidang sina Paolo Rivera at Janvier Daily.
Mapapanood ang trailer nito sa YouTube.
***
Maggi-guest si Ai Ai de las Alas sa teleser­yeng May Bukas Pa at malapit nang simulan ang movie nila ni Erap sa Star Cinema.
Naghahanda rin si Ai Ai para sa kanyang back-to-back concerts -- Cashe Creek, USA (Agosto 21 at 22) kasama si Allan K, at sa Aliw Theatre (Setyembre 12) kasama si Dinagat Islands Governor Jade Ecleo.
***
Ire-release ang CD na Erik Santos: The Jim Brickman Song Book (Star Records) sa Indonesia, Singapore, Taiwan, Malaysia at Hong Kong.
Ipo-promote ni E­rik ang kanyang album sa US at Canada. Isa siya sa guests sa Toni Gonzaga Concert Tour sa Agosto 21 (Cagayan de Oro), Setyembre 4 (Cebu), Setyembre 18 (Bacolod) at Oktubre 16 (Davao).
***
Haharanahin ng Bos­sa Nova Queen na si Sitti ang kanyang mga taga­subaybay sa Hulyo 10 (Tinalak Festival sa Koronadal) at Hulyo 18 (Thunderbird sa Binango­nan, Rizal).
May concert siya sa Agosto 1 sa Araneta Coli­seum na pinamagatang Sessionistas kasama sina Aiza Seguerra, Richard Poon at Nina.
Nagre-rehearse nga­yon si Sitti para sa kanyang unang musical stage play na Spring Awakening na mapapanood mula Setyembre hanggang Oktubre.
***
May shows si Pooh sa Hulyo 4 (Australia for TFC), Hulyo 19 (Sandugo Festival sa Bohol), Agosto 2 (Butuan City), Agosto 15 (Davao, kasama sina Pokwang at Sam Milby) at Setyembre 19 (NCCC Davao).
Malapit na siyang mag-taping para sa isang bagong fantaserye.
***
Ohhh K! ang b-day concert ni K Brosas sa Hulyo 18 sa Zirkoh Greenhills.
Gaganap siya bilang best friend ni KC Concepcion sa teleseryeng Lovers in Paris.
Para sa mga katanu- ngan, tumawag sa Backroom, Inc. sa tel.# 435-1108 at tel.# 435-1120.









 

GAME 3 KANINO?

Kings, Beermen agawan sa bentahe

(Ramil Cruz)

 

Sa pagpaling sa kanila ng momentum, susubukang umabante ng San Miguel Beer kontra Barangay Ginebra San Miguel sa dribol ng Game Three ng Motolite-Philippine Basketball Association Fiesta Conference 2009 best-of-seven finale ngayon.
Subalit pihadong pag-akyat sa matarik na bundok ang nakaamba sa misyon ng SMB sa ala-sais ng gabing komprontasyon sa Big Dome sa Quezon City sa Ginebra dahil sa paglaho ng dalawang key player at big men pa man din na sina Danny Ildefonso at Marc Pingris.
Pinatawan kahapon ng tig-isang larong suspension at pinagmulta ng P30,000 at P10,000 ni league commissioner Renauld Barrios sa paghabol sa isang miron pagkatapus na pagkatapos ng aksyon sa Game 2 kamakalawa sa naturan ding playing-venue sina Ildefonso at Pingris, ayon sa pagkakabanggit.
Kung kaya iginiit ni San Miguel coach Siot Tanquingcen na kagaya sa huling laro na nagbigay sa kanila ng 95-78 win sa pagbawi sa 96-102 loss sa opener nuong Miyerkules, dapat na maging buo pa rin ang kalooban ng mga sundalo niya maging anuman ang senaryo.
“The lesson we got is that we really have to keep our composure whatever the situation is. We can’t show any mental weakness. We have to be strong every step of the way. It’s a given that they would have the crowd on their side,” sambit niya.
Dinugtong din niyang upang makabentahe sa unang pagkakataon sa race-to-four win playoffs, kailangang tulad sa huling digmaan ay mas maging preparado sila lalo’t malaking hamon ang pagliban pansamantala ng maasahan sa depensa at opensa na si Ildefonso at kagayang forward na si Pingris na may defense at rebounding naman.
Para sa defending champion Gin Kings, winika ni Jong Uichico na dapat mapaghanddan nila ang pagdomina sa loob ng Beermen o tuklasin nila kung paano matutumbasan ang ididiskarte ng kapatid na koponan sa araw na ito.
Sina Best Import Gabe Freeman at Best Player of the Conference Jayjay Helterbrand ang mga inaasahang babalikt sa kani-kanyang katuparang balak ng San Mig at Ginebra na 2-1 lead.
Ang suporta’y magbubuhat kina Jay Washington, Dondon Hontiveros, Jonas Villanueva, Dorian Peña at Mick Pennisi para sa mga magseserbesa. Samantalang nasa likod ni Helterbrand sina Danid Noel, Ronald Tubid, Cyrus Baguio, Rafi Reavis at Eric Menk.

Yüklə 127,14 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin