Lotto result lotto 6/42 draw july 4, 2009



Yüklə 127,14 Kb.
səhifə4/4
tarix16.04.2018
ölçüsü127,14 Kb.
#48240
1   2   3   4




Multado na, suspindido pa




(RC)




 

Pinarusahan ng tanggapan ng kumisyuner ng Philippine Basketball Association ang mga forward ng San Miguel Beer na sina Danny Ildefonso at Marc Pingris sa panglusob sa isang miron makaraan ang Game Two ng Motolite-PBA Fiesta Conference 2009 best-of-seven Finals sa Big Dome sa Quezon City kamakalawa.
Sinuspinde si Ildefonso, ang kumompronta sa fan, ng isang laro (Game 3) at pinagmulta pa ng P30,000. Habang si Pingris na kinunsinte ang kanyang kakampi at nakaamba ring lumusob ay may one-game suspension din bukod pa sa P10,000 fine.
Nakipagbalitaktakan kahapon ang dalawa kay commissioner Sonny Barrios sa opisina ng liga sa Libis, Quezon City at humingi ng paumanhin sa PBA, sa mga manonood sa RPN-9 televesion at sa mga tagasunod ng liga.
Hinayag din ng dalawang basketbolista na personal din silang hihingi ng tawad sa PBA fan dahil sa kanilang palpak na inasal.
Nag-isyu naman ang Beermen ng press statement at kinatigan ang hakbang ng liga kasabay sa paniniyak na ‘di na mauulit ang insidente lalo’t dapat anilang mahalin ng mga manlalaro ang mga manonood na siyang buhay ng liga.
“San Miguel Beer team management has expressed regret over the incident and reiterated that it will never tolerated such kind of behavior , especially towards the fans who are the lifeblood of the PBA,” ayon sa pahayag.
Ito ang pangalawang pagkakataon sa magkasunod na buwan na may isang fan ang nakompronta ng player matapos na habulin din ni Marlou Aquino nuong Hunyo 3 ang isa rin na nag-resulta sa P20,000 fine niya.




5 Chinese bets sa finals




(RC)




 

Pinaramdam ng China ang puwersa nang limang panabak nito ang umentra sa finals ng 3rd Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships sa PhilSports Arena kahapon.
Tatlo naman ang nagmartsa sa panig ng Indonesia at dalawa sa Hong Kong sa torneong isinasagawa ng International Management Group para sa Philippine Badminton Association na may basbas ng Badminton World Federation.
Tampok sa atake ng mga Intsik ang pagtigpas ni Chen Long sa kababayang si Zhou Wenlong, 21-14, 10-21, 21-14, para maitakda ang pakikipagtuos sa men’s double’s finals na may $9,600 prize kay No. 8 Hu Yun ng HK, na pumoste ng isa pang three-set win sa isa pang China bet na si Du Pengyu, 17-21, 21-14, 21-13, sa semifinals sa kaganapang ito na mga suportado ng PLDT Business Solutions, Philippine STAR, Philippine Sports Commission, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports.
Sina Chinese Wang Xin, pinitik ang compatriot na si Wang Shixian, 21-13, 21-6, sa women’s semis duel, at HK’s world No. 2 Zhou Mi, 13-21, 21-14, 22-20 winner kay Jiang Yanjiao ng Tsina, ang magpapang-abot sa pinale na may kaakibat na $8,280.




RP 5 bubugbugin sa ensayo




(RC)




 

Ipatutupad na ni Powerade-Team Pilipinas coach Yeng Guiao ang tatlong beses-isang linggo na praktis para sa kanyang koponan na patungong Jones Cup at FIBA-Asia Championship for Men.
Tatalbog ang JC, isa sa mga internasyunal na torneo na pinagharian na ng mga Pinoy noong 1981 sa pamamagitan ng Northern Cement, 1985 (San Miguel Beer) at 1988 (Centennial Team), sa Hulyo 18 hanggang 26 sa Physical Education Gym ng Taiwan.
Unang masusukat ang RP 5 kontra Jordan na ipaparada sina American players Sam Daghlas at Rasheim Wright at ang seven-footer na si Jamal Ma’aytah sa alas-tres ng hapong giyera.
“Starting next week, we will insert a Tuesday and Thursday practice from our regular Monday session,” hayag kahapon ni Guiao, na bise gobernador din ng Pampanga. “This is in preparation for the coming two international tournaments we’re participating in. We had an easier time in SEABA, but we’re in for a tough grind in the Jones Cup and FIBA Asia.”
Ang Jones ang magsisilbing preparasyon ng Nationals para sa pinakahihintay na pagsabak sa FIBA-Asia sa Agosto sa China, na qualifying tournament para sa 16th World Basketball Championship sa Turkey sa Agosto 28-Setyembre 12, 2010.
Lumagak lang na pangsiyam ang bansa sa huling FIBA-Asia sa Tokushima, Japan at umaasa si Guiao na makakabuwelta sa taong ito ang national quintet para makabalik sa world tourney.




Bulls nilunod ang Shark, hari sa baseball series




 




 

Winakasan ng Batangas Bulls ang Baseball Philippines Series V Finals sa pamamagitan ng 12-2 paglunod sa Manila Sharks sa Game Two sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila kahapon..
Sinangkalan ng Bulls ang tikas ng pagpukol ni Vladimir Eguia habang muling kuminang ang batters ng koponan upang hindi muling papormahin ang Sharks at makumpleto ang 2-0 pagwalis sa best of three series.
“Gaya ng sinabi ko, we’ll try to finish it today. When the game started, na-injured si (Romeo) Jasmin and it was already a big blow but Vladi stepped up and we also got the hits when we needed it,” litanya ni Bulls team manager Randy Dizer.
Sa kabuuan ng ligang inorganisa ng Community Sports Inc., ang Bulls ay nakalikom ng 13-1 kartata at ang tanging tumalo sa kanila ay ang Cebu Dolphins sa Game One ng semifinals.
Ang kampeonato’y pangalawa ng Batangueños matapos ding maghari sa Series III at napanta­yan ang marka ng Dolphins na namayagpag sa Series II at IV.
Sinamang-palad na nagka-pulled hamstring muscle sa kaliwang binti si Jasmin sa first inning nang mabigla ang kanyang binti matapos ang pagtakbo sa first base.
Kaya inilabas na siya sa pagsisimula pa lamang ng second inning. Subalit ‘di naramdaman ang pagkawala ng 21-anyos na University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player dala nang pag-aalimpuyo naman ni Eguia sa batting.




Aquino buwena-mano sa NCAA POW




 




 

Ganito pa lamang kaaga sa 85th NCAA seniors basketball competition ay kinakatakutan na ang San Sebastian Stags.
Rumagasa ang Stags sa dalawang sunod na panalo at sosyohan sa liderato.
At ang naging pangunahing sandata ng Recto-based cagers ay ang mainit na kamay ni SSC sharp shooter Jimbo Aquino, ang kauna-unahang NCAA Press Corps ACCEL/Fil-Oil Player of the Week ng Season 85.
Binalikat ni Aquino ang iniwang liderato nina dating defensive player of the year Jason Ballesteros at scorer-playmaker Jim Viray at nag-average ng 23 points sa kanilang pagtuhog sa Perpetual Help Altas at reigning three-peat champion San Beda Red Lions nitong linggo.
Sa dalawang laro ay ibinaon ni Aquino ang 10 sa kanyang 13 pukol sa three-point area kabilang ang anim sa panggulat na 83-77 pagpapatumba sa pinapaborang Red Lions noong Miyerkules na nagpapanhik sa kanila sa top spot kasama ang Jose Rizal U Heavy Bombers, St. Benilde Blazers at guest team Arellano U Chiefs.
Tinalo ni Aquino sa award sina JRU’s James Sena, Arellano’s Giorgio Ciriacruz at St. Benilde guard Jeff Morial.




Ateneo vs La Salle sa Hulyo 31




 




 

Dadalhin ng collegiate powerhouses Ateneo de Manila University at De La Salle University ang kanilang karibalan sa golf course sa Hulyo 31, para sa 22nd edition ng Ateneo-La Salle Gold Classic.
Sisikapin ng golfers ng magkabilang koponan na ma-out-drive at ma-out-putt ang bawat isa sa event na gaganapin sa North at South course ng Canlubang Golf & Country Club.
Ang Green Archers ay magtatangkang makabawi, habang ang Blue Eagles nama’y nakatuon sa four-peat.
May walong dibis­yon na maaring lahukan: Championship, A, B, C, D, Ladies, Seniors and Open flights na gagamit ng June handicap, para maklasipika at mabilang ang net scores.
Tinatawagan ang Ateneo at La Salle alumni na magrehistro na para sa torneo habang mayroon pang mga slots, dahil limi­tado lamang sa 160 players bawat school para sa ‘first to sign-up, first to choose hole assignment.’
Ang tee-time ay alas-otso ng umaga at ang entry fee ay P2,700.
Para magrehistro (Ateneo), tumawag sa Ateneo Golf Foundation, 435-1943/433-0782 (hanapin si Mary Ann), o kaya’y mag-email sa maryann_suetos@yahoo.com.
At para sa La Salle, tumawag sa 523-6158/526-5612 (Ness) o mag-log on sa www.lasallegolf.org/.




Pikon laging talo




Al S. Mendoza




 

Mula umpisa, ang bentahe ng Ginebra ay si Jay Jay Helterbrand. Kaya naman siya ang Conference MVP.
Sa San Miguel Beer naman, ang buong tropa ng Beermen ang armas ng koponan. Kaya naman nanaig ang Beermen noong Biyernes.
Mamayani kaya muli ang mga magseserbesa laban sa Gin Kings ngayong gabi?
Oo, kung mauulit nila ang depensang ipinakita nila noong Biyernes.
Dahil sa mala-ispalto-sa-lagkit na depensa ng SMB, hirap ang mga takada ng Ginebra sa Game 2—bagay na nakatabla sa 1-1 ang mga Beermen.
Hindi nagbago ng taktika si Ginebra coach Jong Uichico noong Biyernes. Binulaga niyang muli ang kalaban sa 2-guard formation. Tagumpay naman. Lamang sa first quarter ang Ginebra, 22-20.
Pero hindi bumitaw ang SMB. Dumikit lang ang mga Beermen sa tatlong quarters, bago sila kumawala sa fourth canto para itakbo nila ang 95-78 victory.
Nagkainitan pa. Nagliparan ang mga siko sa dulo ng laro.
Isang siko ang itinanim ni Ronald Tubid ng Ginebra sa mukha ni Beerman Olsen Racela.
Bagamat nagkabukol sa ilalim ng mata ni Racela, hindi naman siya gumanti.
Humingi ng dispensa si Tubid. Tingin ko’y pinatawad naman siya ni Racela.
Isport talaga itong si Olsen.
Pero sina Danny Ildefonso at Marc Pingris ng SMB, sinugod ang isang ringside fan pagkatapos ng laro.
Napikon umano sa kantiyaw ang dalawang magseserbesa.
Hindi naman nagpang-abot ang mga kamao, o anuman. Maagap silang nasawata ng mga teammates at security men sa Araneta Coliseum.
(Sinusulat ito’y wala pang parusang nakaumang kina Danny at Marc --- Suspindido ang dalawa ng tig-isang laro. Namultahan si Danny ng P30,000 at P10,000 si Marc --- Editor.)
Sana’y hindi na maulit iyong ganoon. Ang kantiyawan ay bahagi na halos sa PBA.
Sabi nga, ang pikon ay talo.






 

HapPy haPpy b-day to my sPecial ET & a CrazY frend CARMELLA of Antipolo city..sAna ma­Ging ganap na tao kana. Hahah. Fr:A.K. Of A.C. 639261921334
***
musta sa family GALLEGO @ CAMPOSANO sa anak ko jumbo love ko mitch mga kumpare k d2 sa eunice tire supply thank’s tonite A.Gallego 639152182080
***
Happy b-day 2 my wife pilar c. arvesu, july 5 wshing u gud health always n more b-days 2 come. gree­ting fr. mac2 baby gem and papa j 639103411909
***
When ur inL0ve, u th0t u wud never get tired. U th0t it wud never end.But s0mtyms, u need 2b tired 2 reaLyz dat Love to0 can end.. 639204441910
***
Ammh, i jz wna sy tnk u 2 my bestfrend Namely VENER VELASC0!! Ingatz oweiz.tnx 4evrtng..pls.dont put my n0. Tnx po! MBUHAY!
***
2 ol diannerz of dianclan kip up d gudw0rk guys sna p2loy n mgng mata2g at mgnda ang clan ntn!! 639104452582
***
GREET KO LNG C MAE advance hapi b-day my dear frnd take care alwys.frm ELLa 639286521015






Cyber Prayer

 

Lord maraming salamat po s mga blessing m sa akin. tnx abante tonite and more power. 639202961386
***
Sna po mkilala ko na agad ang lalake na mppangasawa ko yung may work, 32-35. 639172784121
***
God sana mameet ko na ang ryt girl 4 me. carlo29_asp@yahoo.com 639215935629
***
God knows what you need even before you ask Him... BELIEVE that your prayers are heard and will be answered...IN HIS PERFECT TIME!!! God bless u. 639197519910
***
Lord sana matagpuan ko na ang babaeng magmamahal skn ng 22o thnx GOD BLESS YOU 639205546826
***
LORD MARAMING SLMAT S LHAT NG BLESSING AT TALINO BNBGAY NYO S AKN PARA MLBNAN ANG LHAT NG PAGSUBOK AT HAMON S ARAW2.NANI2WAL 639166282413

Yüklə 127,14 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin