Hindi pa man nakakasiguro na magiging first lady sa susunod na taon, nagpakita agad ng kanyang tunay na ugali ang asawa ng isang presidentiable matapos magtaray ito sa mga organizer ng isang forum kung saan inimbitahan ito bilang kinatawan ng kanyang mister.
Ito ang report na nasagap ng DPA ng TONITE hinggil sa pagtataray ng asawa ng presidentiable na ito na posibleng maging dahilan upang hindi iboto ang kanyang mister sa susunod na halalan.
Nabatid na may imbitasyon ang presidentiable sa inorganisang forum ng mga academe sa isang unibersidad sa Visayas region subalit dahil may nauna nang appointment ay ang kanyang misis ang ipinadala.
Buong akala ng misis ng presidentiable na magsasalita siya sa nasabing forum kaya naghanda ito ng speech at nagsuot ng magarang damit para maging presentable sa harap ng mga estudyante na magiging botante sa susunod na taon.
Gayunpaman, natapos ang forum ay hindi tinawag ang pangalan ng misis ng presidentiable kaya nagtaray at pinagalitan nito ang mga organizer dahil nagmukha raw siyang tanga.
Ipinakilala naman daw ng mga organizer ang misis ng presidentiable sa mga estudyante at pinalakpakan naman nang husto subalit wala sa programa na magsasalita ito.
Kahit ang mister niya ay wala sa programa na magsasalita pero inimbitahan lamang bilang pagkilala sa kanyang pagiging pulitiko na hindi agad ipinaliwanag sa kanyang esposa.
Dahil hindi masabayan ang kanyang katarayan, iniyakan na lamang ng mga organizer ang panenermon sa kanila ng asawa ng presidentiable dahil sa sama ng loob lalo na’t ngayon lamang sila nakaranas na mapagalitan ng hindi nila kababayan at amo.
Hindi lang malaman kung hindi iboboto ang mister ng babaeng ito pero nadismaya ang mga nakakita sa kanyang pagtataray kaya malamang na hindi makuha ng presidentiable ang kanilang boto.
Noong una ay inakala raw ng mga tao na tsismis lang ang katarayan ng misis ng presidentiable pero napatunayan nila na totoo ito nang maranasan ng mga organizer ang kanyang bagsik.
Clue: May kalabuan ang pag-asa raw ng presidentiable sa susunod na eleksyon dahil hindi pa raw niya panahon bagama’t kilala na siya ng mga tao. Kung sino ang kanyang misis ay si …mataray siya.
TUMILAPON AT NABAGOK SA KAMATAYAN
(Irwin Corpuz)
Sa lakas ng pagsalpok sa fence barrier at pag-ikut-ikot ng sinasakyang motorsiklo isang lalaki ang nasawi, habang hindi naman nakaiwas ang isa pang paparating na magkaangkas na magkaibigan na lulan din ng motorsiklo, dahilan upang sila naman ay sumemplang at masugatan sa Taytay, Rizal kamakalawa.
Sa ulat na isinumite ni Taytay Police chief, Supt. Manuel Pion kay Rizal Provincial Police Director, Sr. Supt. Ireneo Dordas, nakilala ang nasawi na si John Christian Valencia, 27, vendor ng DVD/VCD at residente ng Wood st., Brgy. Dolores, Taytay; habang nakilala naman ng dalawang sugatan na sina Jessie Sanchez, 42 at Roderick Marciano, 38 na kapuwa residente ng San Juan, Brgy. Pantok, Binangonan.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang insidente ay naganap dakong alas-kuwatro kamakalawa ng hapon sa Manila East Road, Brgy. Dolores. Lasing umano ang nasawi na mabilis na nagpapatakbo ng motorsiklo pauwi ng bahay nang malasin na sumalpok ito sa fence barrier sa gitna ng kalsada. At sa lakas ng salpok ay tumilapon ito at nabagok, habang nagpaikut-ikot naman sa kalsada ang motorsiklo na may plakang 8400 NO.
Sa sandaling iyon ay mabilis din ang paparating naman na magkaangkas na magkaibigan lulan ng motorsiklong may plakang UF 8947. At sa bilis ng pangyayari ay hindi na ito nakaiwas pa sa nakahambalang na motor ng nasawi kaya sila ay nasemplang din at lumagapak sa kalsada.
MISIS, BINOMBA NG TUBIG SA PAGYOYOSI
(AP)
JENSEN BEACH, Fla. --- Isang lalaki ang kinasuhan ng awtoridad ng domestic battery matapos na bombahin nito ng tubig gamit ang garden hose ang kaniyang asawa at saka sikuhin dahil sa paninigarilyo sa loob ng bahay.
Lumitaw sa arrest report na kinasuhan ang 51-anyos na mister noong Sabado. Ayon sa ulat ng pulisya, nag-umpisa umano ang pagtatalo ng mag-asawa nang manigarilyo ang ginang sa loob ng kanilang bahay, na labis na ikinairita naman ng mister nito.
Nang damputin umano ng biktima ang telepono at tumawag sa isang kaibigan, sinabi ng awtoridad, na inakala naman ng suspek na sa pulisya tumawag ang una kaya agad niyang tinangkang agawin ang telepono. Subalit maliksi ang ginang at nakipag-agawan din kaya siniko ito ng suspek sa nguso.
Mabilis na nakarating sa mga alagad ng batas ang pangyayari kaya agad na nakasaklolo, at kanilang nadatnan ang ginang na basang-basa. Nang tanungin ang suspek tungkol dito, maagap na dinipensa ng suspek na nagdidilig siya sa halamanan nang mangyari ang insidente at wala siyang intensyon na bombahin ng tubig ang kaniyang asawa.
Sa kabila ng dipensa ng suspek ay binitbit pa rin ito sa Martin County Jail at saka lamang pinakawalan matapos na maglagak ng piyansa.
122 OFWs sa Libya nagpapasaklolo
(Aries Cano)
Ibinunyag ng alyansa ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Middle East na mayroong 122 OFWs ang nagpadala sa kanila ng kopya ng reklamo hinggil sa umano’y labor malpractice at paglabag sa orihinal na kontrata ng kanilang mga employer sa Libya.
“On 23rd of June, I received an 8-page signed complaint from the 122 OFWs working for M/s. Aleskan Construction Company in Libya alleging that their employer upon arrival to Libya forced them to sign a new contract with totally different salary stipulated from the one they have signed in the Philippines, giving them flat rate salary instead with no overtime pay, they were placed in an unsanitary living accommodation and poor working condition with no safety and health provision,” pahayag ni John Leonard Monterona, Migrante-ME regional coordinator.
Idinagdag pa ni Monterona na ang 122 OFWs ay idineploy sa magkakahiwalay na petsa noong April 2009 ng Bison Management Corporation Philippines na dapat ay magtatrabaho sa BAB Tarablus Project sa Tripoli, Libya subalit sa halip ay dinala sila sa Aleskan Construction Co. na may proyekto sa Benghazi, ilang kilometro ang layo mula sa Tripoli, Libya.
Nakasaad sa reklamo ng mga OFWs na ang kontratang kanilang nilagdaan sa Pilipinas ay bilang skilled workers at foreman na dapat tumanggap ng US400 at US700 na buwanang sahod subalit nang dumating sa Libya, pinwersa silang pumirma sa isang bagong kontrata na nagsasabing ang kanilang sahod ay 250 Libyan dollar.
Ipatupad sa lahat ng ahensiya
Editorial
Isang bagong direktiba ang nakatakdang ipatupad sa mga ahensiyang sakop ng Department of Justice (DOJ) at ito ay ang ‘no lunch break’ policy.
Layon ng bagong polisiyang ito ng DOJ na higit pang mapabilis ang pagseserbisyo sa publiko ng mga kawani na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.
Sang-ayon kami sa hakbanging ito ng DOJ dahil malaki ang maitutulong ng kautusang ito sa lahat ng nangangailangan ng serbisyo ng DOJ.
Naniniwala kami na sa pamamagitan ng ‘no lunch break policy’ ay mapapabilis na ang pagpoproseso ng lahat ng dokumentong kailangang dumaan sa nasabing departamento.
Maliban pa sa mapapabilis, naniniwala kaming malaki ang maitutulong ng bagong direktibang ito upang mapairal ang pagiging tapat sa tungkulin ng mga empleyado ng DOJ.
Kadalasan kasi may lunch break na nga ang mga empleyado ay napakaaga pang mag-break at ang matindi pa rito ay hapon na kung bumalik sa opisina, na nagreresulta ng pagkabalam sa operasyon o paglakad ng mga dokumento sa DOJ.
Para sa amin, hindi lamang pagtulong sa mga nangangailangan ng serbisyo ng DOJ ang maidudulot ng bagong kautusang ito ng DOJ kundi makakatulong din ito upang mapatino ang paglilingkod ng mga taong gobyerno na unti-unti nang nasisira dahil sa maluwag na mga polisiyang ipinatutupad sa mga ahensiya ng gobyerno.
Pero ibayong tulong ang magagawa ng polisiyang nabanggit kung hindi lamang sa DOJ ito iiimplementa kundi sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, tutal ay Lunes hanggang Biyernes lamang ang pasok sa mga pampublikong tanggapan.
Umaasa tayong maikukunsidera ang ganitong ideya kung totohanang paglilingkod naman sa bayan ang hangad ng mga empleyado ng gobyerno.
Nakakalagnat ang gastos
Bernard Taguinod
Maraming nilalagnat lalo na ang mga mahihirap nating kababayan ang hindi makapagpatingin sa doktor para malaman kung H1N1 positive sila dahil marami palang private hospital ang naniningil ng mahal sa laboratory test.
Talagang lalagnatin ka kapag nalaman n’yo na umaabot ng P4,000 hanggang P9,000 ang sinisingil sa mga pasyente kapag nagpapasuri para malaman nang tinamaan sila ng virus o hindi.
Ang lulupit…pati ang virus gustong pagkakitaan nang husto imbes na tulungang sugpuin ang H1N1 bilang tulong, hindi lamang sa mga kababayan nating mahihirap kundi sa bansa para hindi matakot ang mga turista na mamasyal sa ‘Pinas.
Ang siste pang nakarating sa atin, saka sisingilin ang isang pasyente ng lab test fee kapag nagnegatibo at kapag positibo naman ay ipinapasa sa Department of Health (DOH) para sa proper quarantine.
Palagay ko nakarating na sa DOH ang bagay na ito at kung alam na nila, bakit hindi kaya umaaksyon?
Libre sa RITM as in Research Institute for Tropical Medicine ang lab test dahil dito ipinapadala ng mga ospital ang specimen ng mga pasyente para malaman kung H1N1 positive o hindi.
Kung ganito ang sistema, hindi ko masisisi ang mga kababayan natin na huwag nang magpasuri kahit may nararamdaman silang kakaiba sa kanilang lagnat, sipon at ubo na sintomas ng H1N1, na hindi magpasuri.
Masyadong mahal ang singil at hindi na rin ako magtataka kung mas marami pang H1N1 positive ang nakakalat sa lansangan dahil hindi pala libre ang magpakonsulta. Hindi ba may pondo d’yan ang Department of Health?
***
Laging ipinagmamalaki ng Malacañang na tuwing umuuwi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo galing sa ibang bansa, marami silang naiuuwing puhunan. Pero ano bang klaseng pamumuhunan?
Karamihan ay para kalkalin ang likas-yaman, as in pagmimina ang negosyong inuuwi ni Mrs. Arroyo. Ano ang pakinabang natin doon? Alangan naman na ang lahat ng hinukay na kayamanan ng mga dayuhan sa ating lupain ay dito nila ilalagak...siyempre iuuwi nila sa kanilang bansa at kapag nagkadisgrasya, wala na tayong habol. Kaya pala malupit gumanti ang kalikasan eh.
Eto pa, panay ang imbita natin ng mga dayuhan para mamuhunan sa ating bansa pero hindi natin sila inihahanda para sila ang mag-adjust sa mga Filipino. Baliktad kasi ang nangyayari eh, tayong mga Filipino ang nag-aadjust sa mga dayuhan at kapag nasa ibang bansa tayo, tayo pa rin ang nag-a-adjust.
Dapat siguro ay may programa ang Bureau of Immigration para sa mga dayuhan na pumupunta sa ating bansa. Ipaalam natin sa mga dayuhan kung ano ang tunay na ugali ng mga Pinoy, paano sila makisama sa mga Pinoy.
Marami na tayong naririnig na mga kuwento kung papaano pinakikitunguhan ng mga dayuhan ang mga Pinoy sa Pilipinas. Kung ano ang kultura ng mga dayuhan sa kanilang bansa, ‘yun ang ipinapatupad nila. Mali yata ‘yun.
Tulad na lamang ng paninigaw, pambabatok at kung ano pa na kultura na ng ibang lahi sa kanilang bansa. Hindi ‘yun dapat dalhin sa Pilipinas dahil kapag nanigaw ka at nambatok ka, naghahanap ka ng away. (dpa_btaguinod@yahoo.com)
Milyones, kinikita sa label ng ‘Pinas ng BEZ?
Arnel Petil
Nabasa ko po ang inyong kolum sa Abante na may artikulong “Sindikato ng Bataan Bez, Inangalan”. Para lalo pong mabigyan ng aksiyon sa dahilang kung kami lamang at hindi malalabas sa dyaryo ay pikit-mata ang mga kinauukulan lalo pati na ang kolektor ng BEZ-Custom dito sa Bataan.
Gaya po ng inyong mga tinalakay, ang produkto ng tela mula sa China na idinedeklarang “Textiles Materials” ay Finished Woven Fabrics itong dadating sa Manila para sa transhipment sa Bataan-BEZ na walang kasamang Customs guard sa truck at libre ang duties and taxes upang dito sa BEZ ay palitan lamang ng label na “Made in the Philippines”. Matapos ay dadalhin sa Taiwan para raw po sa kaunting proseso ng finishing at saka ibebenta sa US at Europe taglay ang tatak na Made in the Philippines.
Sa Universal Weavers o MedTech sa Bataan-BEZ diumano ginagawa ang tela bago i-export sa Taiwan upang makakuha ng Certificate of Origin (CO) sa BEZ Customs gayong ito ay gawang Tsino.
Na ayon sa ibinigay na detalye, kaya ito nagagawa ng Universal Weavers, ay sa dahilang hindi na inieksamin ng mga Customs examiner at checkers ng BEZ ang mga kargamento nito kapalit umano ng kaukulang lagay.
Katunayan nga po nito ay ang isang 40-footer container van na ginamit umano sa naturang ilegal na operasyon na Container No. TRLU 731236-9 na may Seal No. 00L142623 gamit ang Venci Corp. Truck PYH 589 at destinasyong MICP na kargado ng 169 bales o 202,800 yards ng Polyester 80% Carded Cotton Blended Woven Grey Fabrics 88x64/45x45/63”.
Gumagalang,
Concern Employees
Paging Custom Examiner Mam Elvira Cruz ng BEZ at Atty. Marites Elbinias, HR Manager ng Universal Weavers/MedTecs, na may tanggapan sa 7th Floor, The Peninsula Court 8735, Paseo de Roxas, Makati City at kina Mr. Pem Beng at Mr. Washington Averra na siyang import-export-in-charge na tiyak alam nila na ang misdeclaration umano na sinasabi ng sumulat sa inyong lingkod na ayon sa Sec. 1305 Tariff and Customs Code of the Philippines ay kahalintulad din ng falsification o perjury na may mabigat na kaparusahan, kaya bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.
Madam President Gloria Macapagal-Arroyo at Customs Commissioner Napoleon Morales at PEZA Dir. General Lilia B. Delima, nagtatanong po ang naturang mga empleyado na nagmamalasakit sa hayagang pagpapalusot ng mga kontrabando sa PEZA Maraviles Bataan. Mga Mam at Sir, mukhang nakakabahala po ito sa ating ekonomiya na ang inaasahang bantay po natin para kumita po ang tanggapan ng Customs ay sila pa po ang siyang pangunahing kumakanlong sa mga tiwaling negosyante.
Quezon City
Trivia
Itinatag ang Quezon City sa pamamagitan ng isang batas na pinagtibay ng National Assembly sa ilalim ng Philippine Commonwealth. Ang orihinal na ipinanukalang pangalan ng lungsod ay Balintawak City subalit nag-lobby sina Assemblymen Narciso Ramos (ama ni dating Pangulong Fidel V. Ramos) at Ramon Mitra Sr. (ama ni dating House Speaker Ramon Mitra Jr.) para ipangalan ang siyudad sa noo’y nakaupong pangulo ng bansa na si Manuel L. Quezon at nagtagumpay sila. Taong 1939 nang ganap na maging batas ang panukalang isinulong para magkaroon ng Quezon City.
***
Noong Hulyo 1948, nilagdaan ni dating Pangulong Elpidio Quirino ang isang batas na nagdedeklara sa Quezon City bilang kabisera o kapitolyo ng Pilipinas.
***
Subalit noong Nobyembre 1975 ay nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 824 na siyang nagtatag sa Metro Manila. Nakapaloob ang Quezon City sa 17 siyudad at bayan na sakop ng bagong tatag na Metro Manila. At ng sumunod na taon, 1976, sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 940 ay ibinalik ang kabisera o kapitolyo ng Pilipinas sa Lungsod ng Maynila.
***
Si Ponciano Bernardo ang ikalawang alkalde o mayor ng Quezon City pagkatapos ni Tomas B. Morato. Isang enhinyero si Bernardo na naging kaibigan si dating Pangulong Quezon hanggang sa itinalaga siya bilang vice mayor at city engineer ng bagong tatag na Quezon City.
Taong 1946, itinalaga naman si Bernardo ni dating Pangulong Sergio Osmeña bilang alkalde ng Quezon City. Sa panahon ni Bernardo idineklara bilang kapitolyo ng Pilipinas ang Quezon City. Nanungkulan siyang alkalde mula 1947 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1949.
MARAMI na ang kumita at nakinabang sa pinalutang na A (H1N1) na animo eh AIDS sa grabe.
Ordinaryong lagnat lang, um-OA na sa Pilipinas kaya may mga duktor na nambibiktima ng mga pasyente nila na kailangan daw turukan ng injections ang mga suki nilang mga bata para hindi magka-dengue.
Eh ang mahal pa naman ng iniksyon, P7,500. Sinong anak ng Diyos ang makaka-afford ng mahal na injections na ‘yan?
Debah ang hilig nating manakot ng mga kababayan natin? Sa halip na pag-ingatin sa swine flu ay mas tinatakot pa ang buong Pilipinas eh halata namang raket lang ‘yan ng mga kinauukulan.
Tingnan n’yo, dapat daw maghugas palagi ng kamay, magsabon. Eh anong commercial ng sabon ang gagamitin?
Huwag daw hahawak sa mga door knobs, huwag hahawakan ang mga hawakan sa tren, etc.
Eh paano na ang mga tindera sa palengke na may hawak ng mga tigbebente pesos, debah marumi daw ang mga pera na pasa-pasahan ng mga humahawak ng isda, karne at gulay sa palengke?
Paano na ang mga tindang balot at penoy na binabasag lang ng mga bata ang shell ng itlog at saka susupsupin na?
‘Di ba, marumi din ‘yung balat ng itlog? How can we protect the children there?
***
Teka, sandali! Kung ganyan na kalinis ang mga nagsasalita sa TV -- nilinis na ba ang paligid natin para ang hangin ay hindi na polluted?
Oo nga at may mga restaurants na at iba pang mga lugar na no smoking o bawal ang usok -- pero sa paligid natin, malinis na ba ang usok ng mga tambutso ng mga sasakyan? Kaplastikan, debah?!
Bawal daw humalik sa mga santo. Gosh! Tatanggalin ko sa pagka-pari ang nagsabi niyon.
This is one great chance sana to prove our faith and the miracles na puwedeng mangyari to strengthen our faith in God.
Papayagan ba ng Diyos na may magkasakit dahil sa humalik sa paa niya? Siyempre, poprotektahan ng Diyos ang sinumang hahalik sa paa niya o kamay as a sign ng matibay nating pananalig sa kapangyarihan ng Diyos.
Never papayagan ng Diyos na pagdudahan ng sinuman ang matibay nating pananampalataya sa kapangyarihan Niya.
Ano’ng palagay nu’ng pari sa kamay at paa ng rebulto ng Diyos, ordinaryong bagay lang?
Ah, ewan, Father! Mali ka riyan. Confess!
***
Look n’yo ang mga batang pakalat-kalat sa kalye, bakit ‘di nagkakasakit? Eh nanduon sila sa maruruming lansangan na ulanin at arawin sila, bakit walang sakit?
Hindi ba milagro ng Diyos ‘yan, Father, kasi, can’t afford silang bumili ng pagkain nila, ‘yun pa kayang magpagamot pa na kaymahal ng injections?
Ganyan binabalanse ng Diyos ang hustisya, Father. ‘Yung mga batang well-protected at ‘di nakakalat sa kalye, like my apo John-john, hayan ang kawawa kong apo, maya’t maya ay nasa Banawe Children’s Hospital sa klinika ni Dr. Lobo at lumolobo na ang gastos ko sa kanya.
Know why? Kasi, alam ng Diyos na may taong kayang ipagamot si John-john!
Eh ‘yung pamangkin ni Robin Padilla na namatay, don’t tell me na can’t afford ipagamot ng sister ni Robin ang anak niya, huh!
Ay sus, ginoo!
***
Alam kaya ng mga nagpapadala ng mga death text sa text eh matagal nang yumao?
Pilit na ginagaya ng iba ang pagti-text na kesyo namatay na ang isang artista eh hindi na naba- litaan ng mga bagong gumagawa nito na ‘yung mga naunang gumawa niyon ay kinuha na ng kalaban ni Lord!
Dati, pinatay na sa text si Dolphy. Sumunod si Sharon Cuneta. Pati nga Papa Piolo ko, pinatay na rin d’yan.
Lately, sina Sarah Geronimo naman at si Diether Ocampo.
Sigurado akong wala nang susunod pa riyan dahil ang mga nagpadala ng mga text messages na ‘yan eh silang pinaglalamayan na ngayon! Hahahaha!!!
***
Now that I am moving on -- babanggitin ko na ang mga nagpadala sa akin ng pakikidalamhati ng ilan nating mga kaibigan from here and abroad sa pagyao ni Douglas Quijano.
From Los Angeles Larry & Arlene Nuqui & Mom Let, Edgar Mande & family, Cartoon Channel’s Neo Halcon & family, longtime missing Noni Mauricio, Nick Celdran aka Conrad Gonzales of our Tower Production days all sent their condolences while I was in hibernation kaya nga- yon ko lang nabuksan ang celfone ko.
Salamat po.
***
Sa Valenzuela, Bulacan na pala umuuwi si Mangyan promdi Ejay Falcon.
Doon siya sa munting studio type condo na papremyo sa kanya na wala raw kusina kundi maliit na lababo lang at maliit na kubeta ang nasa loob ng studio type condo niya na halagang P500,000 lang daw.
Kaya raw nahihirapan si promdi na mag- lagari sa mga taping niya.
Sa May Bukas Pa, nasa Pampanga siya at kinabuksan ay tuloy naman siya ng Batangas para sa Katorse taping niya, from madaling-araw to madaling-araw the next day daw. Eh bubuluk-bulok daw ‘yung secondhand car na nabili niya kaya madalas na tumitirik siya sa biyahe.
So hayun, wah na niya kami nadadalaw three months na! Salamat na lang sa ipinadala niyang isang kahon ng maasim na mga mangga. Ayaw ni John-john ang lasa!
Buti pa nu’ng kapitbahay namin si promdi sa condo na tinitirhan din ni Ronnie Liang eh madalas siya sa bahay kasama ng manager-manager-an niya na walang alam tungkol sa management of ta- lents, kaya walang showbiz manners na naituturo kay promdi.
Hay, ewan! Bahala sila sa buhay nila, ‘noh?!
I have so many things to do. Parating pa naman ang isa ko pang alaga from Hollywood.
***
There’s no stopping my biggest bet to stardom JC de Vera from grabbing Piolo Pascual’s unstudded crown.
Pagaling nang paga- ling ang akting ni JC sa Ngayon at Kailanman na dapat nang ilagay sa primetime bida, ‘noh?!
Ang umaalagwa at tumatapat sa akting ni JC de Vera ay si Will Devaughn sa Bud Brothers afternoon delight. Konting saway lang sa medyo OA acting ni Devaughn lalo na pag sumisigaw siya, para siyang si Sam Milby na bulol sa Tagalog.
In fairness sa morenong hunk, mas tuwid siyang managalog kesa hanggang ngayon ay bulol pa ring si Sam Milby.
Huwag magtaka pag nalundagan ni Devaughn ang stardom ni Milby, lalo na’t walang arte si Devaughn sa paghuhubad.
Debah, sa mga pictorial ni Devaughn eh halos malaglag na ang shorts niya at kita na ang bahagi ng pubic hair niya?
Pana-panahon lang ‘yan, lalo na ngayon na sandakot ang puwedeng pamiliian. Pag sawa na sa isa, itapon na! And go on to the next hotdog! Hahahaha!!!!