MFF #4
Nandito ako sa ilog. Wala lang, trip ko lang. Gusto ko kasing makita ulit si miss naligaw na cosplayer.
"Hayy..." napabuntong hininga nalang ako.
Palubog na ang araw.
"Hi!" narinig ko nanaman?!
"Yow! Ikaw na naman? Hello!" bati ko sa kanya.
"Yes! It's me again!" sagot niya.
"Bakit yan parin ang suot mo?" tanong ko.
Hindi ba siya nagpapalit ng damit? =.=
"This? I have a lot o this!" sabi niya.
We've been talking for hours but -- why am I still this tall and big?
Time is up for being like this... ?
"Tingnan mo oh!" he said.
I looked up and saw meteors...
"Meteor shower... "
I remembered the prophecy.
Magsisimula ang lahat sa pagbagsak ng mga bulalakaw (meteor shower). Ang itinakdang tagapaligtas ay matatagpuan sa pamamagitan ng kanyang kwintas. Kikislap ito pagkatapos dumaan ng huling bulalakaw mula sa kalawakan...
"Tara wish tayo!" he said.
"Sure." i replied.
'I wish that he's the one... '
"Ayun na ata yung last oh!" then he pointed a shooting star.
"Ang ganda." when I looked at him, he's looking at me.
"What?!" I just said. >//<
Then...
Napatulala ako ng makita kong umiilaw yung loob ng damit ko.
Yung kwintas...
Inilabas ko iyon at nakita kong umiilaw ito.
Napakunot ang noo ko.
"Yo -- you're the one..." sabi ni Angel.
"Ano?!"
Pagkasabi ko nun ay sabay na nawala ang ilaw sa kwintas at nawala sa harapan ko si Angel.
Hinanap siya ng mga mata ko...
"Hey! I'm here!" narinig ko ang boses niya, pero parang lumiit?
"Nasan ka?" tanong ko.
"Here! At your shoulders!" sabi niya
"What?!" napatingin naman ako sa balikat ko at nakita ko siya...
O.O
Maliit siya tapos may pakpak parin...
Matapos nun at lumipad lipad siya sa paligid at nagsalita ng...
"Yes! Yes! Yes! I've found the one! I've already found you! Yehey!" sabi niya
Hindi parin nagpaprocess sa utak ko dahil kinakabahan ako.
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
"A-ANO KA BA?! MULTO KA BA?! LAYUAN MO AKO! WAAAAH!" sigaw.
"I'm not a ghost! I'M A FAIRY! A FAE!" sabi niya ng magiliw.
"ANO?!"
"Tsk! Deaf!" sabi niya at lumipad na sa malayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Fairy ... ?" napaisip naman ako.
Totoo yun?
Nakita ko ang meteor shower. Nangyari na, nakita na niya ang itinakdang tagapaligtas.
Sana maging maayos lang siya...
At malaman na niya ang totoong siya...
"Cav? Parang... lumiliit ka?" sabi sakin ni Ully.
"Huh? G*go! Pwede ba yun? Baliw! Tumatangkad ka lang!" sabi ko.
Sinabi ko lang yun, napapansin ko din kasi...
Ano bang nangyayari sakin?
Hinawakan ko yun kwintas.
Ano ba talagang nangyayari?
MFF #5
I felt happy because I've found the one.
(Mhim: Request lang Angel! Matagalog ka na! Ang hirap ah! Puro wrong grammars ako sayo! =.=)
Sabi ni Mhim eh! Haha sige.
Ok tapos na ang commercial.
Ulit ulit! TAKE 2!
Masaya ako kasi nahanap ko na ang itinakdang tagapagligtas.
Pero nasaan ang nasabing uubos daw ng lahi namin?
At napansin ko rin yun kwintas...
Sa akin galing yun...
Bigay ko iyon kay Adriano, ang kaunaunahang taong nakilala ko. Daan-daang taon na ang nakalilipas.
Naging matalik na kaibigan ko siya... Pero bigla nalang siyang nawala. Hindi ko na alam kung nasaan na ba siya. Wala na akong balita sa kanya.
Kadalasan sa aming mga engkantada, palakaibigan talaga sa tao. Pero wala akong maisip kung sino ang nagkaroon ng relasyon.
"Sino kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.
Pumunta ako kila Tita Naomi. Siya ang tatanungin ko.
"Tita Naomi?" tanong ko.
Lumipad ako papunta sa terrace, nandoon nga siya. Dito talaga madalas si Tita...
"Nakita mo na siya..." sabi ni Tita.
"Opo tita." sabi ko at naging dahilan ng pagngiti niya.
"Tita may itatanong po sana ako." sabi ko.
"Ano iyon Angel?" tanong ni Tita.
"Sino pong engkantada ang nagkaroon ng relasyon sa isang tao?" tanong ko kay Tita.
"Naitanong mo din yan... " nangiti si Tita, nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso.
"Pumunta ka kay Maria Ireca... sabihin mo ako ang nagpapunta sa iyon doon at doon mo malalaman ang lahat." sabi ni Tita.
"Mahal na mahal kita pamangkin ko... "
"Mahal din po kita Tita, sige po aalis na ako." paalam ko.
"Mag-iingat ka Angel." sabi niya at tumango nalang ako at nangiti.
***
"Maria Ireca? Nandiyan po ba kayo?" kumakatok ako sa pintuan ng bahay niya pero mukhang walang sinuman ang nasa loob.
Nagulat naman ako ng bigla itong bumukas, pumasok na lang ako.
"Maria Ireca?" sumisilip silip ako at baka makita ko siya.
"Anong kailangan mo?" narinig kong boses. Nasa kusina siya.
"Pinapunta po ako dito ni Tita Naomi..." sabi ko.
Napayuko naman siya.
"Tara, dito tayo." sinundan ko lang siya at napunta kami sa library room niya at naupo kami sa mga upuan doon.
"Nakita mo na pala ang itinakdang tagapaglitas?" tanong niya.
"Opo." sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya, para siyang nagaalinlangan sa mga sinasabi niya.
"Anong pong problema? Ano po ba ang sasabihin ninyo?" tanong ko.
"Ikaw... ikaw Angel Palafox o Angel Riosa... ikaw ang isa sa mga itinakda." diretsong sabi niya.
"A-ano po? A-anong Angel Riosa? Isa po akong Palafox." pangangatwiran ko.
"Isa kang Riosa. Ikaw ang isinumpang anak ni Myleen at ang taong si Julio."
Napatulala ako sa sinabi niya.
A-ako?
Hinawakan niya ang ulo ko at...
Naging madilim ang paligid...
[Hundred years ago...]
Si Myleen Riosa ay ang prinsesa ng kaharian ng mga engkantada. Namamasyal at nagpapakasaya lamang siya noon nang makita niya ang isang binatang lungkot na lungkot, si Julio. Dahil isang makapangyarihang engkantada si Myleen, nakakapagpalit siya ng laki sa kahit anong oras na ginusto niya, natulungan niya si Julio sa problema niya at doon mas lalong naging malalim ang pagkakaibigan ng dalawa at nauwi sa pagiibigan. Nabuntis si Myleen, at tutol dito ang engkantadang hari at reyna. Kaya naman plano nilang ipapatay ang sanggol at ang ama nitong tao. Matagumpay nilang napatay si Julio, pero bago pa man maipapatay ang sanggol ay naitakas na ito ni Myleen at dinala kay Maria Ireca, ang dakilang manghuhula sa kaharian. Di kalaunan ay namatay si Myleen dahil sa sobrang pangungulila kay Julio, nagpakamatay siya. Dahil sa takot ni Maria Ireca na ipapatay siya ng mga kawal sa kaharian ay ibinigay niya ang sanggol sa pamilyang Palafox, simpleng pamilya sa pamayanan nila.
"Aalagan namin siyang mabuti, wag kang mag-alala." sabi ni Naomi.
"Makakaasa ka sa amin Maria Ireca." sabi ni Hazel.
"Aasahan ko kayo... " nang maipasa niya ang sanggol sa magkapatid ay may nahulog na kwintas. Dalawa ito, parehas na hugis pakpak ng isang engkantada ngunit magkaiba ng kulay, ang isa ay pula at ang isa naman ay asul. Nang kukuhain na iyon ni Maria Ireca, may nakita siya... ang mangyayari sa hinaharap. Ang itinakda. Kinuha ni Maria Ireca ang kwintas na may pulang ilaw at itinago ito.
"Ang hinaharap..." sabi niya at nalungkot sa mga nakita niya.
Ang mga masasayang enkantada ay mapapalitan ng kalungkutan.
Ang halakhak ay mapapalitan ng mga iyak.
Mawawala ang saya...
Isinulat ni Maria Ireca ang itinakda o ang propesiya. Walang sinuman ang nakakaalam nito. Kundi siya lang at si Naomi.
[Sa kasalukuyan]
"H-hindi... " sabi ko at napaiyak nalang dahil sa mga nakita ko.
"Ang itinakda ay hindi na mapipigilan, lalo na at nalalapit na ito." sabi ni Maria Ireca.
Hindi pwede...
MFF #6
Napapansin ko nga na parang... Lumiliit ako? Hayy...
Isang linggo narin yung nakalipas at marami ng nangyari. Nauna na sa Maynila ang mga bwisita ko este ang Chicser kaya ako nalang at si Mama ang nandito. Madalas ako dito sa may ilog. Lagi ko kasi siyang nakikita eh. Dumadalas na kaming magkita at feeling ko...
Naiinlove na ako sa kanya.
Ganito ako. Mabilis mainlove. Marami na akong minahal pero iba siya eh. Kung dati mahal ko ang dati kong mga nakarelasyon pero hanggang mahal lang. Pero si Angel? Bakit ganun? Wala naman kaming relasyon pero bakit parang ayaw ko siyang mawala sa akin. Parang kapag nawala siya sa paningin ko may mangyayari. Kaya kong gawin lahat wag lang siyang mawala sa akin. Yung mga ganung pakiramdam.
Nakita ko yung kwintas niya. Kaparehas na kaparehas sa akin. Pero ang sa kanya, kulay pula at akin naman ay asul. Soulmate kaya kami? Haha! Nababaliw ka na Cav! =.=
"Clarence... Alam mo ba kung sino ako?" tanong niya ng magiliw. Palagi siyang ganyan, parang walang problema, palaging masaya.
"Oo. Ikaw si Angel. Bakit mo naman natanong?"
"No! What I mean is kung ano ako? Kung alam mo ba kung ano ako?" tanong niya.
"Ha? Ano bang ibig mong sabihin? Pero minsan, naweweirdohan ako sayo! Naliligo ka ba? Parang di ka nagpapalit ng damit!" sabi ko. Eh sa yun yung napansin ko eh.
"No! Not that!" sabi niya.
"Ano ba yun?" tanong ko.
"Anong tingin mo sakin?" tanong niya.
"Sayo? Magan -- "
"No! Not again! Ako na nga lang magsasabi!" sabi niya.
"Sabihin mo na kasi!" sabi ko.
"I'm a fairy!" sabi niya ng magiliw.
"Ha?" tanong ko.
Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi dahil napansin ko din na minsan ay kakaiba siya. As in IBA.
"Isa akong pixie. The cute one ok?" sabi niya.
Natahimik nalang ako at natulala. Base sa mga napanoud ko. Yung itsura niya nga. Mukha siyang fairy.
"Yoohuuu! Clarence? Still on Earth?" tanong niya.
***
At dun nagsimula lahat ng kaweirduhan sa akin. Mas lalo akong lumiliit. Ewan ko kung bakit? Umalis si Mama kasi may kailangan siyang gawin sa Manila. Nagpaiwan ako dito kasi ayokong iwan si Angel. Ayoko.
***
"Haha! Angel! Wag mo akong binibiro." sabi ko.
"I'm not joking Ok!" pasigaw niyang sabi.
"Hindi pwede yun! Tao ako! Hindi ako pwedeng maging isang fairy." Ang akala ko dati. Babae lang ang fairies.
"But nasa prophecy yun!" sabi niya
Nung una hindi nagprocess agad sa utak ko na siguro nga? Naging masaya ako ng bahagya kasi makakasama ko siya. Kaya naman pumayag nalang ako. Naniwala ako sa kanya.
Makalipas ang tatlong araw. Ang laki ng pinabago sa akin. SOBRANG LAKI. Naging katulad na niya ako. Isang maliit na nilalang sa mundo. Dun ako nanirahan sa kanila at naging masaya naman ako. Pero may nakilala ako, si Kay Riosa. Mabait siya. Naging magkaibigan kami dahil sa pag-aaral ko sa eskwelahan ng mga fairies dito. Mabilis ang oras sa lugar na ito. Ewan ko pero siguro mga mag-iisang buwan na ako dito. Hindi na ako ulit nakabalik sa amin. Hinahanap na kaya ako nina Mama?
"Good Day Princess!" sabi ng mga fairies na mukhang katulong. Cute na katulong.
"Wait? Princess?" tanong ko kay Kay.
"Yes! I'm the princess. You don't know it? Haha! Nakakatawa ka talaga!" sabi niya.
Hindi ako makapaniwala. Itong kaibigan ko ang prinsesa dito. Naks naman!
"Haha! Ganun ba?" sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Pero wala akong kuto ah!
"Come! I want you to meet twin!" sabi niya at lumipad kami papunta sa isang kwarto.
Pagkabukas nito ay tumambad sakin ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Kay na nagkatayo lang sa harap ng pinto.
"Oh Hi!" bati niya.
"Hello!" sabi ko.
"I'm Kev Riosa at your service!" sabi niya.
"I'm Kay. He's Kev. I'm Kay. He's Kev. I'm Kay. He's -- " sabi niya ng nagpapalipat lipat ng turo ng kamay at pinutol ito ng kapatid ni Kev.
"Okay Kay. That's enough." sabi niya.
"Okay! Got to go! Bye!" sabi ni Kay at iniwan kami ni Kev.
"Have a seat." sabi niya.
"Clarence Villafuerte." sabi ko.
"Ow. Ngayon lang ako nakaencounter ng Villafuerte sa lahi ng mga fairies. New pixie?" tanong niya.
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang kabuoan ng kwarto pero parang napatigil ako sa sinabi ni Kev.
"I like Angel. So don't mess with her. She's mine" sabi niya.
Napatigil ako dahil doon.
Ano daw?!
"ANO?!" tanong ko.
"Alam mo ba na may gusto sayo ang kapatid ko. Sayo na siya. Pero si Angel? AKIN siya!" sabi niya.
Akmang lalapit ako sa kanya para suntukin siya pero nakalipad siya papalayo.
"Gago ka!" sabi ko.
Ewan ko ba pero naiinis ako! Akin si Angel! Sa katunayan alam ko na ang nararamdaman ko sa kanya, pero ngayon mga nakaraang araw ay parang iniiwasan niya ako.
"Don't challenge me newbie." saad niya.
"Wala kang karapatan na sabihing sayo si Angel!" sabi ko. Gusto ko siayng pagpira-pirasuhin gusto kong bugbugin ang pagmumukha niya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa harapan ko iyon. Walang nagmamay-ari kay Angel. Ako lang dapat.
MFF #7
Kung nagagalit ka sakin pwes nagkakamali ka ng pag-aakala sa akin.
Wala akong gusto kay Angel.
Alam ko ang propesiya.
Si Angel ang uubos ng lahi namin at ang Cav na iyon naman ang tagapagligtas. Sinabi ko lamang iyon dahil mukhang ang sarap niyang paglaruan. Hinding hindi ako magkakagusto kay Angel, siya ang kaisa - isang anak ni Tiya Myleen, ang panganay na anak nina Lolo at Lola. Siya ay aking pinsan. Hindi na mahalaga kung paano ko iyon nalaman. Ang mahalaga ay mapatay ko silang dalawa, o kahit si Angel lang pero mas maganda kung isama ko na pati yung pakialamerong iyon. Bakit? Simple lang...
Para mapasaakin ang kapangyarihan. Alam ko na ako ang magiging susunod na hari ng kaharian pero mas gusto ko ay ang makilala ako ng lahat bilang dakilang bayani ng aking kaharian at hinding hindi makakalimutan ang kasaysayang ginawa ng isang...
Kev Riosa.
Nakita ko si Angel na naglalakad na papunta sa bahay nila, sinundan ko siya at nang makatyempo ako ay hinigit ko ang braso niya at sabay yakap sa kanya.
"Cav... " sabi niya.
"Iniiwasan mo ako." sabi ko.
"Huh? Ako? Iniiwasan ka? Di ah!" depensa niya.
"Bakit lagi mong kasama yun Kev na yung sa school ah?" tanong ko.
"Si Kev? Paano mo siya nakilala? Mabait nama -- "
"Mas mabait ako!" napasigaw na ako.
Hindi ko alam pero ang sakit na nagbibigay siya ng compliment sa lalaking yun pero sa akin ay wala pa akong narinig galing sa kanya.
"Cav? Wag mo naman akong sigawan. Ano bang problema ha?" tanong niya.
"Ikaw! Ikaw yung problema! Kayo nung Kev na yun! Bakit mo ba lagi siyang kasama! Ano bang meron sa kanya na wala sa akin, sabihin mo lang hihigitan ko yun sa akin ka lang sumama!" paliwanag ko.
Nakita ko siyang ngumisi.
"Ano?!" nahiya naman ako bigla sa mga pinagsasabi ko kanina.
"Are you... jealous?" tanong niya.
Napaisip ako bigla.
OO! Nagseselos ako! Kasi mahal kita!
"Di ah!" sabi ko nalang.
"No! You're JEA-LOUS! Oh my gosh! You're jealous!" sabi niya at natutuwa tuwa pa.
"Hoy! Hindi nakakatawa!" sabi ko.
"Clarence is jealous of Kev! Clarence is jealous of Kev!"
Kinanta kanta pa niya yung sinasabi niya. =.=
"Okey! Okey! Oo na! Ang ingay mo!"
Natahimik naman siya at napaharap sa akin.
"Really?" tanong niya.
"Sinabi ko na. Bawal na ulutin." tsaka ako bumelat! :P
"Ugh! Ang duga!"
"Hahahaha!"
Why am I feeling like there's bad gonna happen.
And it's related to my brother.
Pupuntahan ko nalang siya.
"Prince, paano po kung mahuli ako?" narinig kong boses mula sa garden namin.
"Tsk. I'll kill you kapag may nakaalam na iba ng tungkol dito. Understood?" paliwanag ni Kev.
"O-o-o-opo Prince... "
Tapos biglang lumabas yung lalaki mula sa pintuan papunta sa garden.
"Kev? What was that? Ano nanaman itong kagag*han na gagawin mo ha?" tanong ko.
"I'll just play twin sister. The chess pieces start to move at kawawa naman ang white kung hindi lalaban ang black."
"What's your plan?" tanong ko.
At dun niya sinabi sa akin lahat.
"Huwag na huwag mo akong susubukan Kay. I'll kill anyone for power." sabi ni Kev.
Tumango nalang ako dahil sa takot at saka lumabas mula doon.
Walang kinatatakutan si Kev.
He even killed mom.
Nagising ako na makulimlim ang langit. At nakita ko ang note sa table sa tabi ng bed ko.
'I think mahal na kita. Di ko kayang sabihin ng personal kaya dito nalang sa note. Haha! Good Morning Baby!
- Angel'
Napangiti ako ng malapad sa nabasa ko. As in yung malapad na malapad. Yung hanggang -- Ay di ko maexplain basta ang saya lang! Pero parang ang weird kasi siya yung unang nagtapat. Pero who cares nalang! Atleast alam ko na mahal niya ako.
Tumayo ako at lumipad papunta sa bahay nina Angel, may pakpak kaya ako!
Katok ako ng katok pero walang bumubukas. Kaya pumasok nalang ako sa loob.
"Tao po?"
Napasinghap ako ng makita ang bangkay ni Tita Naomi sa sahig. Nagilitan siya ng leeg tulad din ng pinsan niya na nasa kusina. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Angel ...
Pero wala akong nakitang Angel. Hinalughog ko yung buong bahay pero wala siya...
"Angel... "
Kinapa ko ang kwintas sa leeg ko at ...
"Nasaan na?!"
MFF #8
Naalimpungatan ako sa ingay ng tumutulong tubig.
Nasaan ako?
"Oh! The Lost Princess is awake!" sabi ni ...
"Kev? What's this?!" tanong ko sa kanya.
"You know what my beloved... cousin."
"What?!"
Anong cousin?
"Shh! Ayoko na ng mahabang conversation. I just want you to... "
Nakita kong may nilabas siyang pang injection.
"A-ano yan Kev?!"
"Kagat lang ng langgam ito! Don't worry." sabi niya.
"Waaaaaaaah! Help!" sabi ko.
"No one's gonna hear you cousin." sabi niya.
"Sh*t! You're not the Kev I know! He's kind! He's so -- "
"Oh.. So you don't know me that well. Haha." sabi niya.
At dun na niya itinusok ang kung ano man sa akin at nawalan ako ng malay.
Nasaan na si Angel?!
Kanina pa ako naghahanap pero napatigil ako dahil sa pasakit ng ulo ko.
"Ang propesiya... " sabi ni Mari Ireca.
"... simula na." sabi niya.
Namimilipit na sa sakit ang ulo ko at saka nag-iba ang itsura ko. Mukha na akong isang anghel na fairy dito sa suot ko.
"Ang kwintas?" tanong ni Maria Ireca.
"Nawawala... " malungkot na sabi ko.
"Ano?! Yun lamang ang sandata na makakapatay sa ... sa kanya." sabi ni Maria Ireca kasunod ng isang malakas ng pasabog mula sa bayan.
"Ano yun?!" tanong ko.
"Kailangan ka nila." sabi ni Maria Ireca at pumunta na ako sa pinaggalingan ng pagsabog.
Umaayon ang lahat sa plano ko.
"KEVIN?! MAY KINALAMAN KA BA DITO?" sabi ni Kay na basta nalang pumasok sa kwarto ko.
"Isn't it beautiful?"
"Maganda?! Anong maganda sa kapwa mo mga kalahi ha? Kevin! Ano pa bang -- "
"I want everything!"
"I won't let this thing to continue." sabi niya saka inilabas ang espada niya.
"If you could." saka ko kinuha ang espada nang tagapagligtas na kanina lang nagbago ng itsura.
"Please... Kuya... Stop this..." sabi niya.
"No one can stop me!"
MFF #9
(Last Chapter)
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ito?! Hindi pwede ito... Bakit hindi niya sinabi sa akin na ganito pala ang gagawin ko?!
"Hindi ko kaya..." sabi ko kay Maria Ireca.
"Sa desisyon mo nakasalalay ang lahat. Nakabatay lang kami sa iyo. Patawad..." sabi niya.
"Anong gagawin ko?"
"Na sa iyo ang desisyon. May mga pagkakataon na mas kailangang gawin ang nakabubuti sa lahat kaysa sa sinisigaw ng puso. Maraming tulad ko ang umaasa sa iyo." sabi niya.
Habang nagsasalita siya ay sunod sunod na pagsabog ang naririnig ko. Anong gagawin ko?
Pumunta ako sa pinanggalingan ng mga pagsabog, nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko. May hawak siyang espada na kulay pula at sinusugod siya ng mga kawal pero hindi nila ito matalo.
"Hindi ko kaya ito..." tatalikod na sana ako pero may humawak sa braso ko.
"Princess..."
"Alam ko kung sino ang may kasalanan ng lahat." sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Si Kuya... si Kuya Kev... Siya yung may pakana ng lahat. Siya yung dahilan kung bakit naging ganyan si Angel. Patawarin mo ang kapatid ko..." sabi ko.
Napasuntok ako sa pader at nagdugo ilan sa daliri ko.
"Kung siya yung may gawa. Diba pwede niyang ibalik sa dati si Angel? Paano? Sabihin mo sa akin?" tanong ko. Pero ang sagot niya sakin ay wala imbis sa pagyuko niya at pag iling.
"Meron diba?" hinawakan ko siya sa magkabilang braso at niyugyog ko siya pero hindi siya sumasagot.
"Ang itinurok ng kapatid ko sa kanya ay panghaban buhay ng kasamaan. At ang tanging bagay na dapat gawin ay ang paslangin siya. Sorry Cav..." paliwanag niya.
"HINDI!" sigaw ko at saka ko sinuntok ng pakalakas lakas yun pader.
Nagulat nalang ako na sa loob ng ilang segundo ay nakabulagta na si Kay sa sahig. Parang inikot niya ako. Nakita ko na nakatayo si Kev sa harap ni Kay at tulala.
"Kasalanan mo ito!!!" nagniningit na siya sa galit na sumugod sa akin at ako naman ay ilag lang ng ilag. Teka? Kulay asul na espadang katulad na katulad kay Angel. Sa akin iyan ah! Napakasama niya.
"Kung hindi ka lang sana niligtas ni Kay ay patay ka na! Pinatay mo siya!" sigaw niya. Ilag lang ako ng ilag sa kanya.
Pero sa isang saglit... Bigla nalang bumagsak si Kev sa sahig.
"Patawarin mo siya..." sabi ni Kay na nakatayo at may hawak na pana.
Natamaan ako sa balikat at tumagos ito sa likod ko. Pero marunong ako maggaling pero sa ngayon na hinang hina na ako ay isang beses ko lang ito magagamit kaya naman ng matapos ako ay tumayo ako at nilabas ang sandata ko.
Si Kuya Kev ang nagturo sa akin nito pero... Ito mismo ang papatay sa kanya.
Habang umiilag si Cav sa mga pagespada ni Kuya at tinamaan ko na siya. Saka ko sinabi kay Cav...
"Patawarin mo siya..."
Sana mapatawad niya si Kuya.
Alam ko na kasalanan niya lahat ito pero... isang mabait na Kuya si Kev. Mahal na mahal ako nun! Pero ngayon... AKO mismo ang kumitil ng buhay niya...
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko.
"Dad..."
"He's brave right? I'm proud of him." sabi niya.
"Pinatay ko siya... P-pinatay ko si Kuya..."
"No. You make him feel better. He better rest. He's too tired of thinking about power. God bless my son." saka ako niyakap ng sobrang higpit ni Dad.
Nakita ko na nag-uusap ang Hari at si Kay. Pero lumapit parin ako sa kanila.
"Sorry po..." sabi ko saka umalis.
Pumunta ako kay Angel na pulang pula ang mga mata at nanlilisik pa. Galit na galit siya.
Kailangan ko itong gawin diba?
Mas magiging masaya siya kung gagawin ko ito...
Kasi mahal niya ang mga kauri niya.
Mabait siya at --
Kakaisip ko ng gagawin ay nadaplisan na niya ako sa kaliwang braso.
"HAHAHA!" tumawa siya ng parang demonyo.
Ibang iba na siya sa dating Angel. Sa pagkakataong ito, hindi na siya mukhang angel ngunit isang mabagsik na demonyo pero alam ko na sa loob ng demonyong iyan ay nagpupumilit lumabas na isang angel.
Ang Angel na pinakamamahal ko...
"Angel... alam kong nandiyan ka. Please... Mahal na mahal kita." sabi ko na nagmamakaawa sa kanya. Nakatingin siya sakin at parang may parte sa kanya na lumalaban mula sa pagiging marahas niya.
"HAAYYAA!!!" susugod na siya at hindi ako gumalaw...
Tumigil siya.
"Mahal kita." sabi ko.
"Mahal?" tanong niya.
"Mahal kita kaya gagawin ko ito. Patawarin mo ako... Mahal na mahal kita." matapos nun ay hinalikan ko siya at parang bumalik ang mga mata niya sa dati pero sa isang saglit lang.
Bumalik sa pagiging marahas. Itinaas niya ang espada niya at itatapat sana sa akin pero inunahan ko na siya.
Sumigaw siya ng pagkalakas lakas at saka bumalik ang lahat sa dati.
"M-maraming salamat. M-mahal na mahal d-din k-kita..." saka siya nalagutan ng hininga at sinalo ko siya bago pa man siya sumalampak sa sahig.
"Mahal kita." sabi ko at hinalikan ko siya sa labi. Nakita ko na may tumulon luha mula sa mata niya.
"Mahal na mahal kita." gusto kong ulit ulitin sa kanya iyon na mahal na mahal ko siya pero hanggang dito na lang.
Naluha ako at hanggang sa umabot ito sa pagiyak ko.
"HUWAG!" sigaw ni Kay at pinipigilan ang kamay ko na may hawak na kutsilyo na itutusok ko sa na sa akin.
"Pinabibigay niya... Bago pa ma siya tuluyang mapasakamay ng lason sa kanya ay pinigilan ko ito. Tumagal iyon ng sampung minuto sapat para maisulat niya iyan para sa iyo." sabi niya.
"Ang inuulit ulit niya sa akin na sabihin ko sa iyo ay ang mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya. Mahal na mahal." sabi niya.
Binuklat ko ang sulat at nakita ko ang malaking mga sulat na MAHAL KITA, JE 'TAIME, at sa iba't iba pang lengwahe. Meron pang nakasulat na.
'Be happy for me, I want you to live for me. Live happy for me. I love you...'
~
Softcopies on my site: www.littlefangirlstories.weebly.com
Reminder: DO NOT PLAGIARIZE! Or else I'll bang bang you!
~
Mhim's Corner: Sorry kung panget yung Last Chapter :( Yun kasi yun pumasok sa isip ko saka matagal na ito kaya nirurush ko na Hehe :) Edited na din po ito, kung may mga mali parin, hindi naman po ako perfect, sorry po kung ganun. At Ang ating next story ay ang Third Eye! Sana ay magustuhan ninyo iyon. Ang TE ay, ayoko na palang magbigay ng clue eto nalang: Love is sweeter the second time around or should I say? The CREEPY time around. Yun muna po ang clue. Sana basahin niyo po iyon! Maraming salamat po. Comment ka ah! Please...
To the silent/offline/mobile readers: Wish ko po na sana ay bumisita kayo sa account ko at i-follow ako. I-vote ang story na ito at magcomment narin po. Sobrang thank you po sa iyo kung ginawa mo po iyon. Kung hindi naman po, thank you narin kasi naggugol ka ng oras dito sa story na ito. Maraming maraming salamat po.
Sorry for the grammatical and typographical errors…
-Mhim-__Third_Eye__Starring_Biboy_Cabigon_of_Chicser'>-Mhim-
Third Eye
Starring Biboy Cabigon of Chicser
By: LittleFangirl // Angge Maindez
This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.
PCLS - Third Eye © 2013 by LittleFangirl former MissHaterIsMe. All rights reserved.
No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without the author’s consent.
~
Prologue
She's not that typical girl na nakikita ko
She kinda different
That's why...
I LOVE HER.
Or should I say?
I STILL LOVE HER?
-Biboy
***
Tss. Parang multo lang eh!
Pero bakit parang papatayin na kami?
Paano na ito?
-Ully
Hinding hindi ko iiwan si Babe ko!
-Owy
Ano ba itong pinasok namin?
Baliw kasi itong si Biboy eh!
-Oliver
Wag niyo ako iiwan sa dilim ah!
-Clarence
I didn't mean na isali sila sa bagay na iyon
'Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa nila doon eh!
Lalo na SIYA
-Khea
TE #1
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" tanong ni Ully.
Nandito kami sa -- Nasaan nga ba kami? Sinundan kasi namin si Khea eh! Sh*t! I miss her so much!
"Tol naman oh! Sabi mo alam ni Khea kung nasaan si Ranz!" nagalit na si Oliver. Ang bilis talaga nito mainis!
Hinahanap kasi namin si Ranz e. Hindi namin alam kung nasaan na kaya yung isang yun?! Isang linggo na yung nawawala e. Alalang-alala na kaming lahat sa kanya. Bigla nalang siyang nawala ng parang bula. Kaya nga kami nandito kasi sabi ko sa kanila na alam ni Khea kung nasaan si Ranz pero ang totoo niyan gusto ko lang siyang makita, hindi si Ranz! Si KHEA! Kaya ito si Oliver. Tsk!
"O! Umalis na tuloy!" sabi ni Oliver kasi pilit niya akong pinapalapit dito pero ng sundan namin ito ay pumasok ito sa isang bahay.
"Teka Kuya Biboy! Nakakatakot diyan!" sabi ni Juliet na bagong member ng Chicser. Oo. Babae siya at siya rin ang bunso ng grupo.
Napatingin naman ako sa bahay. Oo nga. Nakakatakot. Pero hindi ko ininda iyon at pumasok sa loob pero hindi namin inaasahan yung mangyayari. Pagpasok namin sa bahay ay bigla namang sumarado yung pintuan. Nagulat kaming lahat at pinilit buksan iyon ni Ully pero hindi niya kaya.
"Shit Pare! May naglock!" sabi niya.
"Kuya Biboy! Natatakot po ako." sabi ni Juliet. Nginitian ko naman siya para mabawasan yung takot niya. Hindi ko naman totoong kapatid si Juliet. Sadyang malapit lang ito sa akin at tinuring ko itong bunsong kapatid.
Naglakad lang kami at napansin namin na may anim na taong nakaupo at puno ng kandilang may sindi sa paligid nila. Pero biglang nalang --
"Biboy..." bigkas ni Khea ng makita niya ako dahil gulat nilang biglang lumingon ang isa sa kanila at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Juliet.
Gulat kaming lahat ng biglang tumilapon si Juliet sa pader at nakaangat ito. May malay pa siya at para siyang... sinasakal?
Ano bang nangyayari? Ano ba itong pinasok namin?
Nakita ko yung kaluluwa ng batang babae. Galit na galit ang mga mata nitong nakatingin kay Juliet, ang bagong member ng Chicser. Nakasapi ito sa pinsan kong si Kristine. Pero bigla nalang itong umalis sa katawan ni Kristine, natumaba si Kristine at mukhang walang malay, nakita ko naman ang kaluluwa ng batang babaeng galit na galit. Sinunggaban nito si Juliet at sinakal.
"HUWAG!" sigaw ko.
"A-a-m-ma-aa-wa-ka-" hindi na maintindihan ang sinasabi ni Juliet pero kitang kita mo sa mata nito na namamakaawa ito. Bigla namang nagbago ang emosyon ng batang babae. Mukhang naawa ito dito at bigla nalang naglaho.
"JULIET!" tawag naming lahat ng maglupasay ito sa sahig at walang malay.
"Juliet... Juliet..." tawag ni Biboy sa kanya. Nakikita ko sa mga mata nito ang pag-aalala. Sana ako rin. Haha! Asa pa ako.
"Jon pakialis na si Kristine dito. Please... Sa susunod nalang natin ituloy ito." sabi ko sa kaibigan kong si Jon. Tumango naman ito at nakita kong si Janine na nakatulala sa ouija board (Mhim: Tama ba spelling?!).
"Nasunog..." sabi nito.
"Pabayaan mo na muna iyan." sabi ko.
"Umalis na kayong lahat dito." sabi ko sa kanilang lahat.
"Hindi niyo alam ang pinasok ninyo." lumapit ako kay Biboy at sinabi ito ng nakatingin lang sa kawalan.
"Ano bang nangyayari?" tanong nito.
Lumabas na silang lahat kaya kami nalang ang naiwan dito. Nakita ko na naman ang kaluluwa ng batang ito. Nakatingin ito samin, masama ang tingin.
"Umalis na tayo dito." hinawakan ko ang braso nito ang parang may kuryente akong naramdaman. Parang ganito lang dati. Di ko akalain na may spark parin kami.
Napahawak nalang ako sa dibdib. Sh*t! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tsk.
TE #2
(Mhim: Bago po basahin ito ay basahin muna yung #1 dahil may nabago po sa #1. THANK YOU!)
Sh*t! Wala akong magagawa. Kasalanan nila iyon. Tsk. Nakita ko kasi ang kaluluwa ng batang babae na nakasakay sa sasakyan nila. Nakalabas siya sa kinagagalawan niya noon. Kailangan ko siyang ibalik. Nakangiti pa itong kumaway sa akin. Tumayo naman ang mga balahibo ko dahil dito.
Nandito na kami ngayon sa ospital. Wala naman daw problema kay Juliet.
Nang hinawakan niya ako sa braso ay parang nakuryente ako. Hanggang ngayon ganun parin nararamdaman ko kapag dumidikit siya sa akin. Hayy... Napatigil ako sa paglalakad ng may magsalitang matandang babae.
"Yung bata... kailangan niyang maging malaya... kailangan niyo siyang tulungan." pagkatapos nitong magsalita ay tumingin ito sa akin at --
"Hugghhhh!" nagulat ako ng tumingin ito dahil sa ang mata nito ay. Nakakadiri? Parang yung isang mata niya ay may inpeksyon. (Mhim: Ang pangit nung expression. XD)
*sigh*
Pumasok ako sa kwarto ni Juliet at kitang kita ko sa mukha nito ang takot.
"Kuya *sob* BIBOY!!" sabi niya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Walang ibang tao sa loob siya lang. Siguro ay kumain yung mga iyon.
"Kuya *sob* may! May *sob* bata... *hik*" napalingon naman ako sa paligid pero wala naman. Niyakap ko nalang ito at nakatulog ito sa mga bisig ko.
"Ano bang nangyayari?" bulong ko sa sarili ko.
Nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Owy sa tabi ko.
"Uy! Kamusta na?" tanong ko.
"Khea! Ano bang nangyari kasi HA?!" tanong nito.
"Para naman itong bakla! Anong anong nangyayare?" tanong ko.
"Halos lahat na kami kung anu-ano nang nangyayare eh! Simula nung mapunta kami sa bahay na yun!" paliwanag nito.
Isang linggo narin ang nakalipas nang nangyari.
"Hindi ko na kasalanan iyon." sabi ko at saka pinagpatuloy yung ginagawa ko.
"Hindi mo ba kami tutulungan?!" tanong nito.
"Ano namang maitutulong ko?" tanong ko.
"Hayy! Ang kulit mo talaga." sabi nito at nangisi nalang ako.
Umalis na siya at ilang minuto pa ang nakalipas ay bigla nalang may kumalabit sa akin.
"Ay anak ng butiki!" sigaw ko.
"Mukha ba akong butiki?" nag-pout pa ito.
"Yuck! Wag ka ngang magpout! Ewww!" sabi ko.
"Halikan kita diyan eh!" sabi niya.
Napalingon nalang ako.
"Psst! Huy! Tulungan mo naman kami?" nilingon ko siya at nagpapacute ito.
"Ayoko." sabi ko.
"Please..."
"No."
"Sige na."
"No."
"Hahalikan kita sige!"
"N -- hmmp." Ano daw?! Bakit niya ako hinalikan?!
"Ano -- *tsup*" tinakpan ko yung bibig ko.
"Hahalikan kita o papayag ka?" tanong nito.
Umiling iling ako kaso bigla akong niyakap nito at pinagbibigyan ako ng little kisses sa leeg.
"OO NA! OO NA!"
Tsk. Bakit ba kinikilig ako?!
^_^
TE #3
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanghihingi na silang lahat ng tulong sakin! Si Biboy, isang beses ng makita niya yung bata. Nagpupumilit siyang tulungan ko siya. At yun nga! Napapayag niya ako. Ganun ba talaga ako kahina pagdating sa kanya? Tss.
"Kelan pa?" tanong niya.
"Huh?" Anong kelan pa? Di ko magets.
"Kelan ka pa ganito? Anong ginagawa mo sa bahay na iyon? Ano ba itong pinasok mo? Ano ba itong nangyayari? A--"
"Wait! Hinay hinay lang naman sa tanong! Isa lang ako oh!" sabi ko sa kanya.
"Tsk." napalingon ako sa kanya.
"Una sa lahat. Dati pa ito. -- "
"Anong 'dati pa'?" tanong niya.
"Dati pa ganito ang sitwasyon ko. May third eye ako simula ng bata palang ako at malaki ang naitutulong ko sa mga may kailangan ng tulong na kaunay sa mga ganoong bagay. At ngayon, pinapaalis ko at ng mga kaibigan ko ang batang naninirahan doon sa bahay na iyon saka naman kayo umepal. Papalayain na namin ang bata pero dumating kayo at nagkagulo ang lahat. Mas magiging mahirap iyon para sa akin."
"Pare! May ikekwento ako!" sabi ni Cav.
Nandito yang kumag na iyan. Walang magawa sa bahay daw nila e kaya eto, nanggugulo ng ibang bahay.
"Si Juliet daw, nakakita ng bata doon sa ospital." sabi niya ng seryoso.
"Malamang may tao kaya doon at may mata si bunso." sabi ni Owy.
"Hindi! Hindi! Iba yung ibig kong sabihin." -Cav
"Diretsuhin mo na kasi kami." sabi ko.
"Oo nga!" sang-ayon ni Owy.
"Ano ka baka? Pag-untugin ko kayo e." sabi naman ni Cav.
"Ano nga kasi yun?" tanong ko.
"Nakakita ng multo si Juliet sa kwarto niya noong umalis daw tayo para bumili ng makakain." paliwanag niya.
Lumingon naman ako kay Owy at parang -- nagstiff ito! Pffft! HAHAHAHAHA!! Hanggang ngayon takot parin ito sa multo.
Tawa ako ng tawa habang inaayos ko ang bag ko ng magsalita si Owy.
"Babae?" tanong nito.
"Oo daw! Tapos nakatirintas ang buhok. Mga 8-9 years old daw at may hawak na manyika." paliwanag ni Cav. Nilingon ko ulit si Owy at nakatulala lang ito parang hindi na nga makahinga e. Tiningnan ko naman ang tiningnan niya at may nakita akong bata sa labas. Oo. Katulad iyon ng description ni Cav.
"Baliw! Bata lang yan sa kalye! Ikaw talaga tol!" sabi ko kay Owy. Nilingon ko ulit ang bata at nakatayo lang ito doon ng walang ekspresyon ang mukha. Saamin siya nakatingin, sigurado ako doon.
"Tingnan mo ha! Kakausapin ko yung bata." sabi ko pero bago pa man ako makalabas ay hinawakan na ni Owy ang kamay ko at nakatingin parin doon sa bintana. Inalis ko iyon at nang makarating ako sa sala ay --
"Asan na?" tanong ko.
*blagg*
"OWY! HUY OWY!" sigaw ko.
*blagg*
"HOY CLARENCE! CLARENCE! HOY! HOY!"
Ano ba???
Napagdesisyunan namin na dalawa namag research daw muna doon sa batang nagmumutlo at may napala naman kami dahil ang may ari pala ng bahay na iyon ay pamangkin ng batang namatay doon. At ang apelyido nila ay katulad kay Juliet. Ano kayang konek niya doon sa bata?
"Alam mo masestress ka kakaisip niyan! Dinner tayo tara!" habang naglalakad ako ay may nagsalita. May kasama pala ako? At hianatak pa ako.
"Hindi ako nagugutom. Inaantok ako. Uuwi na ako." saka ako humiwalay sa kanya.
"Hatid na kita!" sabi niya at hinawakan ulit ang braso ko.
"Kaya ko mag-isa." sabi ko.
"Ah? Ganun ba?" sabi niya.
"Alis na ako." sabi ko. Hindi ba siya makikipagtalo sa akin? Tsk. So ayaw niya talaga ako ihatid? Bahala siya.
NAglakad na ako palayo at nararamdaman ko na may sumusunod sa akin. Hindi iyon multo o anuman pero ang alam ko lang ay...
SIYA yun.
Napangiti ako habang naglalakad at lumiko sa isang kanto at inintay siya.
"Psst! Bakit mo ako sinusundan ha?" sabi ko.
"Ah.. Ehh..."
"I O U!" sagot ko kay Biboy...
TE #4
Teka wait! Itutuloy ko lang yung kwento ko ah!Si author kasi pa epal eh! Nagmomoment kaming tatlo tapos biglang nagshift kina Biboy! Ano ito?! Favoritism? Ha? HA? Ok. Kahit anong reklamo ko dito ay di naman ako papansinin ni Author e. Busy kasi. Alam mo kung baki --
"HOY! MAG KWENTO KA NA! ANO BA?!" reklamo ni Owy.
Aba! Nabuhay ang patay! Este nabuhay este nagkamalay ang nahimatay! Haha.
*Blagg*
Ayy! Nahimatay uli?
Ok back to the story...
At yun nga nagsisigaw ako kanina kasi bigla ba namang nahimatay ang dalawang ito ng bubuksan ko na yung pinto, edi nagpanic ako! Tapik ako ng tapik sa kanila at halos bugbugin ko na nga itong dalawang ito pero ayaw parin magising. Ay! Bahala na nga sila diyan!
"Pst!"
Huh? napalingon naman ako at... at... at...
Nakakita ako ng...
Ully na may hawak na cake? Hehe.
"Anong pakulo yan?" tanong ko.
"Gusto mo? Ang tamis. Lasang chocolate." sabi ni Ully.
"Malamang! Chocolate flavor yan eh! Alangan namang lasang saging? Tsk." sabi ko. Nakita kong pahakbang na si Ully para pumasok sa loob ng tuluyan pero may nakaharang sa paa nito at ano yun?
Tinitigan ko ito pero...
*blagg*
Nakita ko namang nakaharang sa tinitingnan ko si Ully na ginawang foundation ang cake. Imbis na pagtawanan si Ully ay nabaling ang tingin ko sa naaapakan ni Ully kanina.
Nilampasan ko si Ully at kinuha ang bagay na iyon. Tinitigan ko ito at naalala ko na kung saan ko nakuha iyon. Kanina ko lang nakita iyon. Hawak hawak ng batang babae kanina na bigla nalang nawala. Tsk.
Napalingon naman ako kay Ully na pabangon na mula sa pakakadapa at mukha ng multo sa mukha niya sakto naman na nagkakamalay na ang si Owy ay sabay silang bumangon at...
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sigaw ni Owy.
"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" pahabol ni Ully.
Pabangon naman si Clarence saka ko inihagis sa kanya yung manyika at sakto naman ito sa lap niya. Tiningnan niya ito at nagisisigaw din. Haha. Parang mga timang! HAHAHAHAHA!
Napatingin naman ulit ako sa labas. Yung bata kanina, nakatingin ulit dito.
"Mga tol! Tingnan niyo oh!" sabi ko sabay turo sa bata sa labas. Napatigil kaming lahat saka ko ibinaba yung pagturo dun sa bata ay biglaang nanlisik ang mga mata nito. Dinig na dinig ko ang sinisigaw nito.
"Ipakita niyo sa akin si Juana!" sabi nito at naramdaman ko nalang na may dumamba sa katawan ko at paran tinulak ako ng pagkalakas lakas at doon na naging itim ang lahat.
Pauwi na ako at nababangayan parin ako nitong kasama ko. Napatigil naman kami ng magring ang phone nito. Sinabi niya muna sa akin na si Ully daw at hindi na lumayo sa akin pero bago niya sagutin ay sinabihan ko siyang iloudspeaker niya ito, sumunod naman ito sa akin.
"Hello?" tanong ni Biboy.
Wala kaming naririnig na nagsasalita pero maya maya ay nakarinig kami ng isan matinis na boses na sumisigaw, boses iyon ng batang babae at alam kong siya yun. Anong kinalaman ni Ully dito? Di ko na napigilan pa at nagsalita na ako.
"Ully? Ully? Nandyan ka ba?" tanong ko.
"Ipakita niyo sa akin si Juana!" At sunod sunod na matinis na boses ang naririnig namin. Iababa ang timbre nito, mayroon na parang naiinis, parang pinahihirapan, parang masaya at iba pa.
Nakikinig lang kami ng bigla itong namatay.
"Anong nangyayari?" tanong ni Biboy.
Saka ko ikinwento na sinundan sila ng bata. Sila rin kasi ang dahilan kung bakit nakawala ang batang kaluluwa. Hindi ko kayang mansisi sa iba dahil sila naman talaga.
"Tsk. Ano ba itong pinasok namin?" napabuntong hininga nalang si Biboy matapos niyang sabihin iyon.
TE #5
"Asan na ba tayo?" tanong ng tanong sa akin si Biboy. Papunta kami sa Uncle ko. Maraming alam yun sa mga ganitong mga bagay e.
"Pwede ba? Ang mainipin mo talaga!" sabi ko.
"Tsk. Ayoko lang na ikaw yung nagdadrive. I more like na ako. Kasi dadalhin kita dito sa puso ko." sabi nito. Ano daw?! Tsk. Wag niyang sabihing hindi pa siya nakakamove on? Sabagay, ako din naman e. Kahit na ako yun nakipahiwalay sa amin. Hinding hindi ko siya inalis dito sa puso ko.
"Khea..."
"Hm?"
"Mahal mo pa ba ako?" napapreno ako at napalingon sa kanya.
"Kasi ako hindi kita nagawang kalimutan e. Ang sakit nan sinabi mo sa akin na wala na tayo. Na wala lang sayo lahat ng pinagsamahan natin. Na ginamit mo lang ako para makilala ka, para maging sikat ka. Na hindi mo ako minahal kahit minsan. Kahit na ganun. Mahal na mahal parin kita."
Oo, sinabi ko iyon sa kanya at lahat ng iyon ay kasinungalingan lang. May dahilan ako kung bakit ko ginawa iyon.
"Ano? Mali pala yun tanong ko. Haha. Hindi mo pala ako minahal." tinitigan ko siya at nakita ko sa mga mata nito na malapit na itong lumuha. Ang sakit makita na ang taong mahal mo ay umiiyak ng dahil sa iyo. Siguro ngayon pwede naman na kami diba? Pwede na ulit kami?
Hindi na ako nagpaapekto masyado dahil baka mapano pa kami at hindi ako makapaconcentrate sa pagmamaneho. Nakarating naman kami sa bahay nina Uncle ng ligtas. Nakakatakot ang bahay nito pero sa bahay na iyon ay alam kong ligtas. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Uncle pero walang kahit anong espirito, engkanto, maligno o anuman ang nakakapasok doon sa loob.
"Nakakatakot naman dito."
"Ang sabihin mo duwag ka lang!" pinipilit kong hindi maging awkward sa kanya. Ayokong malungkot siya kapag magkasama kami.
"Tsk! Diretsuhin mo nalang kasi ako! Gusto mo lang na halikan kita e." sabi nito na ikinapula naman ng mga pisngi ko.
"Hahaha! Ang pula mo oh! Kinilig ka noh!" sabi nito sa akin at tumatawa tawa pa.
***
Nakausap namin si Uncle. Normal lang naman daw ang nakakasalamuha naming multong iyon dahil nagambala ito, base narin sa impormasyon na ibinigay namin. Ang kailangan lang naming gawin ay ang ipapatuloy ang bagay na hindi namin naituloy. Wait! Parang iba yung meaning ah! Haha.
Matapos ang pag-uusap ay namin ay nagpaalam na kami at naramdaman ko na naman ang takot sa totoong mundo. Kapag kasi nasa loob ako ng bahay ni Uncle ang pakiramdam ko ay nasa langit ako dahil sa katiwasayan doon at wala akong nararamdamang kahit ano na dapat kon ikatakot.
Nararamdaman ko na sumunod sa amin yung batang babae. Nakatingin lang ito sa amin. Walang emosyon ang mukha nito. Hindi ko na lamang pinansin.
***
"Psst!"
"Psst!"
"Uy!"
"Uy Khea!"
"Ako na magdadrive!"
"Ha?" tanong ko.
Medyo inaantok na kasi ako.
"O sige." sabi ko.
"Nandito na tayo..."
"Huh?"
Ano ba naman yan! Sabi na e! Kaya pala hindi nasasalita eh! Nandito pa naman kami sa Enchanted K! Napasimangot nalang ako at tumango sa manibela ng sasakyan. Nakakainis naman e! Tinulugan ako! Nagpromise siya kanina eh! Sabi niya ok lang kahit saan kami ngayon basta sasamahan niya ako.
"Ang daya mo naman." sabi ko habang nakatungo.
"Nandito na tayo? Oy! Ano panghinihintay mo diyan! Libre mo ito ah! Bawal angal! Dinala dala mo ako dito tapos tatango ka lang diyan!"
Nabuhayan ako ng marinig ko ang napakagandang boses niya.
"Ano? Isa! Kapag -- "
"Tara na!" sabi ko at saka ko hinawakan ang kamay niya at hinila siya.
Dinig na dinig ko naman ang tibok ng puso ko na nagwawala na. Kapag kasama ko lang siya ako nagiging ganito, sa tuwing naiisip ko siya, nakikita, sa tuwing kasama ko si Khea.
Mahal ko kasi talaga siya.
TE #6
Ang saya saya ko kahapon at hindi parin makaget over hanggang ngayon. Namiss ko siya sa ng sobra sobra. Parang lahat ng takot ko dito sa mundo ay nawala dahil sa kasama ko siya. Mas malakas pa ang tibok ng puso ko kaysa sa pakiramdam ko na may mga kung anong nilalang sa paligid.
***
"Ayoko na! Ayoko na!" sigaw ni Owy ng makapasok kami sa bahay na sinimulan ng lahat. Kung hindi siya pumasok sa loob ng bahay na ito, siguro ay hindi ko ulit mararamdaman ang lakas ng tibok ng puso kong ito.
"Hoy! Kumalma ka nga!" sabi ni Oliver dito.
Itutuloy na namin ang hindi na ituloy. Nandito kaming lahat. Isang buwan din ang lumipas simula noon pero ngayon palang namin napagpasyahan ituloy.
Sinimulan namin sa pagdarasal ang lahat.
"Our father ... Amen."
"Hawakan niyo yung kamay ng isa't isa. Juliet, hawakan mo yung baso."
Ginawa ito ni Juliet.
Sinimulan ko na at nagtanong.
"Sino ka?"
Bumuo naman ito ng salitang.
"L"
"A"
"R"
"A"
"Lara?" sabay sabay naming sabi at napatingin sa isa't isa.
"Anong kailangan mo?"
"S"
"I"
"J"
"U"
"L"
"I"
"A"
"Sinong Julia?" pagkasabi ko nun ay nawalan ng malay bigla si Khea. Bibitawan sana ni Juliet ang baso pero pinigilan siya ng pinsan ni Khea.
"Khea!" napasigaw ko.
"Ayos lang siya." sabi ng isa sa mga kasama niya.
Bumangon naman siya at na-iba ang kulay ng mga mata niya. Naging pula.
Nakasimangot itong nasalita. "Si Julia, traydor siya! Tinuring ko siyang kapatid! Sakim siya! Sakim!" sabi ni Khea. Anong nangyayari ha?
"Bakit? Bakit ka galit kay Juliet?" tanong ng kasama ni Khea na Kristine ata ang pangalan.
"Hinid siya si Juliet! Siya si Julia! Siya ang nagpapatay sa akin! Siya!" sigaw ni Khea.
"Anong magagawa namin?" tanong ulit ni Kristine.
"Gusto ko lang naman na makasama sina Mama at Papa. Pero hindi eh! Pinatay ako ni Julia at inilibig sa tabi ng puno ng mangga, ang puno ng mangga kung saan ako laging umiiyak kapag inaapi nila ako. Porket ampon kami." saka nawalan ng malay si Khea.
Namatay din lahat ng kandila.
Nahimatay din si Juliet.
"Tapos na ba?" tanong ko.
"Ang kailangan nalang nating gawin. Ilibing ng maayos ang bangkay ni Lara."
***
Natapos na ang lahat. Wala ng kaluluwa. Wala na.
Nailibing na namin sa tabi ng mga magulang niya ang bangkay ni Lara.
"Ngayong wala ng multong etseburetsee dyan! Ano nang gagawin natin? I mean ninyo? Sweet-sweeten stay lang kayo diyan?" tanong ni Oliver.
"Huh? Ano ka ba! Haha." sabi ni Khea.
"Tsk. Ang bagal mo pre!" sabi ni Owy.
"Magsitigil nga kayo!" sabi ko.
"Torpe ka? Eh naging kayo na dati diba? Haha!" pang-aasar ni Cav.
"Ah! Torpe! HAHAHA!" sabi ni Ully.
"Sapak gusto mo?"
"Hindi! Gusto ko kiss!" sabi ni Ully at nagpapout pa ampta. Haha. Baliw talaga.
"Si Kuya Biboy Torpe! HAHAHA!" pang-aasar ni Juliet.
"Hindi ako torpe noh! Tara na nga!" saka ko hinila si Khea.
"Hahaha." tumawa din siya? Ang ganda talaga ng tawa niya. Sarap pakinggan.
Pero misteryo parin hanggang ngayon kung bakit hindi parin bumabalik si Ranz...
TE #7
(Last Chapter)
"WAAAAHHHHHHH!" isang batang puro dugo ang mukha at kamay ang palapit ng palapit sa akin. Sumisigaw ito at galit na galit. Kamukhang kamukha ito ang batang gumambala sa amin isang buwan na ang nakalipas. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ako makasigaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Biboy, tulungan mo ako...
***
"Khea! Gising! Huy! Huy!" rinig kong sabi ng pinsan kong si Kristine sa akin.
Napabangon ako ng wala sa oras.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Madalas ka atang bangungutin?" tanong nito sa akin.
"Wala ito." tumayo na ako sa pagkakahiga.
Ano bang nangyayari? Ayos na diba? Bakit parang bumabalik?
***
"Uhm... para po ito sa babaeng mahal na mahal ko. Simula pa noon hanggang ngayon at pang habang buhay. Ang babaeng minsan na saking nawala pero ngayon hindi hindi ko na gagawin yun kung sakali mang OO ang isasagot niya sa akin. Soo... uhm..." napahawak siya sa likod ng ulo niya.
"Can you be my girlfriend? Again?" tanong nito.
Napangiti naman ako.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang microphone.
"Sabi nga, 'Love is sweeter, the second time around'." Sabi ko sabay sabing.
"It's a pleasure to be yours."
Nagtilian naman ang mga tao. Nasa mall show pala kami.
"Love you!" sabi niya.
"Love you more!"
*tsup*
Lumingon naman kami sa mga tao at nakita ko ang nilalang na di ko inaasahang makita.
Anong? Bakit?
Yung batang babae.
***
Habang nasa loob ng dressing room ay hindi ko alam yung pakiramdam.
Nang makita ko pa si Ranz.
Bumalik na siya.
At sa di inaasahang pangyayari.
Nakita ko na wala siyang reflection sa salamin.
~
Softcopies on my site: www.littlefangirlstories.weebly.com
Reminder: DO NOT PLAGIARIZE! Or else I'll bang bang you!
~
Mhim's Corner: Sa ilang storya, mayroon talagang mapapatanong ang mambabasa kung anong nangyari kahit tapos na ang akda. Bahala na ang mga mambabasa na humusga nito. Ang mag-isip kung anong nangyari at kung anong mangyayari. Alam kong minadali ito at walang masyadong aral na nakuha sa istorya pero dapat ang imemean ko dito na hindi masamang magbigay ng second chance, lalo na kung deserve naman niya iyon. Second chances are made for those who deserve it. Ang dahilan ko rin kung bakit hindi ito ganoon kaganda dahil sa wala pa pong experience si Author sa ganoong bagay. Ang masaktan at maisip mo na makakabalikan pa ba kayo ng Ex mo. NBSB po kasi ako, hehe. Sa mga nababasa at sa mga kaibigan ko lang nahuhugot ang ma isinususulat ko pero minsan sa sarili na rin dahil sa paghahanggad ko siguro na someday ay magkakaroon ako ng isang love story. Ok! Tama na ang kadramahan! Haha. Thanks sa mga nagtyaa magbasa nito. Sorry ha. Next na nga pala ang VampireRanz. I've been thinking for that! Gusto ko kasi talaga na magustuhan niyo iyon. Haha. Yun na po at maraming salamat. See you next story! :)
To the silent/offline/mobile readers: Wish ko po na sana ay bumisita kayo sa account ko at i-follow ako. I-vote ang story na ito at magcomment narin po. Sobrang thank you po sa iyo kung ginawa mo po iyon. Kung hindi naman po, thank you narin kasi naggugol ka ng oras dito sa story na ito. Maraming maraming salamat po.
Sorry for the grammatical and typographical errors…
-Mhim-
VampireRanz
Starring Ranz Ongsee of Chicser
By: LittleFangirl // Angge Maindez
This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.
PCLS - VampireRanz © 2013 by LittleFangirl former MissHaterIsMe. All rights reserved.
No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without the author’s consent.
~
Prologue
I'm not the normal girl you know.
Not a mortal.
I've been living in this world for 8 decades but still looks like a teenager.
Sa paghahanggad ko na maging mortal.
There's a path that lead me to him.
That made me his so called fangirl.
Made me his friend.
His bestfriend.
Pero...
Hanggang doon lang pala.
Akala ko lalampas pa doon.
I broke our rule.
I feel in love with a mortal.
But...
That mortal don't love me.
He doesn't even trust me.
And it hurts like hell.
***
Trust.
I lost my trust on her.
She's my bestfriend.
I love her.
NO! Not as a friend.
More than that.
I don't know why?
I don't know when?
I'll go wherever she goes.
She just have to lead and I'm just going to follow.
But I think...
I'm following I weird path.
And that path leads me to their so called...
Vampire Kingdom.
That made me one of their kind...
A VAMPIRE.
VP #1
Dostları ilə paylaş: |