ILMGA #3 Hinahamon niya ako ah! Makikita niya! Lagot siya sakin! Kahit na hindi ako si Nina talaga, alam ko istorya kung bakit nahulog si Nina sa hagdan. Akala niya ah! :P Belat siya!
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Nina. Ako daw muna kasi siya! XD Kinukwentuhan naman ako ng nanay niya tungkol sa mga naganap sakin este kay Nina dati. Dalawang araw akong nandito lang sa loob ng bahay. Ano ba yan! Nagsasayang ako ng oras!
Inopen ko yung facebook account ni Nina, alam ko kasi lahat tungkol sa kanya. Kailangan yun eh.
"Oh my!" nasabi ko. Grabe naman kasing notifications ito! 999, kapag binaligtad mo kaya yun triple six. Creepy! 1000+ friend requests din. Pwede ba yun? ?.? Tapos 500+ messages. Tss. Bahala na si Nina dito pagkagising na talaga siya.
Isa lang naman pakay ko ei.
Post Status:
It's Chicser's fault. It's Ully's. :'(
Ilang minuto palang marami ng likes & comments like:
-OhMyGee!
-No! Hindi yun!
-Talaga?
-Imbento mo teh? Sinisiraan mo pa Chicser Malabs ko!
-Hoy Etchoserang palaka ka! Si Ully? Utot mo!
-I can't believe it
-Tss. Si Ullypis? Buti nga sa kanya!
-Grabe naman si Ully
-T.T
-Ganun pala sila? :'(
Marami pa niyan, yung iba pinagtatangol yung Chicser. Yung iba naman sinasabing ganun pala sila. Yung iba naman wagas makainsulto sakin, naspapapansin lang daw ako. Actually tama sila. Hahaha!
"Anong akala mo sakin? Ganun-ganun nalang? Tsk. Humanda ka sakin! Wala pang one month magbabago ka na!" ang lakas ng tiwala ko sa sarili ko. Sana nga lang. Hahaha!
"Oy pre trending tayo!" -Owy
"Huh? Bakit naman?" -Biboy
"Eto oh 'Chicser'. Oh diba!" sabi ni Cav habang tinuturo pa yung trend.
"Patingin nga!" -Ranz
"Oy! Wag kayong mangagaw ng tablet ng may tablet!" -Oliver
Ako naman nakaupo lang dito at --
"HOY PARE! TAMA NA ANG PANGCHICHIXS! TRENDING TAYO MEN!" -Cav
"Ano ito?!" sigaw ni Ranz
"Sh*t pre!" -Oliver
"Ano bang meron ha?!" sigaw ko.
"Tsk. Eto oh." lapit ni Biboy at binigay yung phone niya
"Oh trending pala tayo eh....
FVCK!" napasigaw ako sa gulat
"@ImNinaFelix: It's their fault! :( It's Ully's" binasa pa ni Owy yung tweet.
"Hayyy.. ibang klase din yang babaeng yan." sabi ni Ranz
"She's damn crazy!" sabi ko
"Paano na ito?" -Biboy
"Ako bahala." sabi ko nalang.
Hindi ko alam na ganun pala katapang yung babaeng yun. Tsk. Kung kailan dapat linisin na namin pangalan namin sa mga fans gumulo pa siya. Ano bang gusto niya?
'Sa isang kondisyon, susundin mo lahat ng gusto ko!'
'Sa isang kondisyon, susundin mo lahat ng gusto ko!'
'Sa isang kondisyon, susundin mo lahat ng gusto ko!'
Bakit sa mga storya ng buhay lagi nalang walang choice? Baka meron pa... Isip lang Ullyses, meron pang ibang choice.
*Ting!* (umiilaw na lightbulb)
"Walang makakatanggi sa charms ng isang Ullyses Webb Basa."
ILMGA #4 Paano na ngayon? Abang-abang nalang? Hindi pwede yun! Kailangan kumilos ako! Wooo! I can do this!
Now: Walking.
San ako pupunta? sa GT ng Chicser sa SM ********. Humanda sakin yang Ully na iyan!
"San ba yun? Tsk." Dati tinatanaw ko lang ito akala ko malapit lang. Nakita ko namang may mga sumasakay. Gusto ko ring sumakay. Kaya ayun sumakay nga ako sa puting sasakyan, nakalagay ay 'Taxi'. Tapos sinabi ko kung saan ako, pero bababa na sana ako kaso...
"Hep! Hep! Miss!" sabi nung manong na nagdala sakin dito sa SM.
"Huh?"
"Bayad mo po?"
"Bayad?" Napakamot naman ulo ni Kuya. Ano ba yun?
"Pera miss."
Naririnig ko yun lagi sa mga tao ei. Yun yun papel. Oo! Kinalkal ko yung bagpack na suot ko at may nakita ako lagayan na maliit. Wallet ata yung tawag dun at kinuha ko yung lahat ng pera dun.
"Eto Kuya oh." abot ko sa kanya nung makapal na mga papel.
"Miss? 300 lang po." sabi niya
"300?" tiningnan ko naman yung hawak ko. Color blue lahat yun, tapos may nakalagay na number na 1000. Binilang ko kung ilan, 15 na ganun. Tapos binigay ko yung tatlo, diba may 3 yung 300 daw. Kaya ayun.
"Salamat po!" sabi ko.
"MISS!" narinig kong sigaw ni Kuya. Bahala ka diyan! Mahuhuli ako nito ei. Pero siyempre! Matalino ito! Nakahoodie ako at glasses, yung black. Ganito magdisguise sina Ully ei.
*HanapHanap*
"San ba yun?"
*HanapHanap ulit*
"No! Hindi naman niya kamukha!" -Voice1
"Hindi kaya! Siya yun!" -V2
"Yung Nina?" -V3
Napalingon naman ako at tinaas ko yung salamin ko.
"SIYA NGA!"
"ANONG GINAGAWA MO DITO? HUMANDA KA SAKIN! SINISIRAAN MO ANG CHICSER! WAAAAH!" parang monster napapalapit sakin yung isang babae.
"DIBA HATER KA?! ALIS DITO!" sabi nung isa rin.
"ANG BAD MO! DINADAMAY MO CUTIEPIE KO!" tsaka yung isa.
Pasugod naman sila sakin at nasabi ko nalang sa isip ko. 'RUN FOR YOUR LIFE!!!!'
Naghahabulan kami sa mall na ito!
"HOYYYYYYY!"
"WAAAAAAH HUMANDA KA!"
"ALIS DITO BRUHA!"
Narinig kong mga sabi nila. Dumadami na sila. Waaaah!
Nang biglang may humila sakin. ARAY! YUNG BRASO KO! MAPUPUTOL!
"ARAY NAMAN!"
"Shh..."
Sino ba ito? Parang parehas kami ng suot ah! Nakahoodie din siya. Pero hindi ko siya makita kasi nakaharap siya sa dinadaanan namin.
Pumasok kami sa ---
"AAAAHH--Hmmp!"
"Ang ingay mo. Mga 'tol wag kayo maingay ah." sabi niya, teka? Si Ully ito! Si Ully! Si Ully! Si Ully! Si Ully! Hehe!
Pinasok niya ako sa isang cubicle dun. (Mhim: May cubicle ba sa men's restroom? Malay ko!)
"Shh.. wag ka maingay." sabi niya. Magkaharapan kami tapos tinatakpan niya yung bunganga ko.
"Hmmp! Hmmmp!"
Narinig ko namang nagsalita yung mga lalaki.
"WALA DITO." Aba! Good Boys ah!
"AHHHH!" sigaw ko kasi kakagatin ko kamay niya.
"Aray!" sabi naman niya
"SINO YUN?!" sigaw ng isang babae.
"Ano -- "
O.O
He...
He...
He...
WAAAAAAAAAAAAAH!
ILMGA #5 Ang ingay naman ng babaeng ito!
"Ano -- "
I kissed her.
ANG INGAY EH!
She respond naman. HAHAHA! Sabi na eh! walang hindi makakatiis ng charms ko. Nang wala na akong marinig na mga maiingay na babae. Hinila ko na siya palabas.
Wala siya imik. Buti nalang hindi kami namukhaan nung pumupunta ako sa backstage.
"Hoy pare! San ka galing?" -Cav
*Medyo Flashback*
Late talaga ako. Nalate ako ng gising eh, napuyat ako kakaisip dito sa babaeng ito! Nang papunta na ako, nakita ko siyang nakasakay sa taxi. Nung bumaba na siya, ang tagal niya pa dun sa taxi. Nakikipagbangayan ata sa driver. Haha. Tapos naglabas ng pagkadami-daming pera. Gusto niya bang manakawan?
"MISS!" Narinig kong sigaw nung driver. Pumasok na siya sa loob. Tss. ibang klaseng babae ito.
Nahanap narin ako ng paparkingan at naisip ko na naman yung babaeng yun.
Anong ginagawa niya dito?
Nang makapasok ako sa loob. May narinig ako nagsisigawan. May naghahabulan, may hinahabol sila. Yung babaeng yun. Nung padaan na siya sakin. Hinila ko siya ng mabilis. Parang ayoko siyang mapahamak. Aish! Ano bang iniisip ko? Ayaw ko siyang mapahamak kasi baka idamay na naman niya kami. OO yun! Yun nga!
*Medyo Flashback Ends*
"Diyan lang."
"Uy pre chi -- Nina?!" -Oliver
"Huh?!" sabi naman nung babae.
"I mean.. kilala mo ako?" sabi niya, ang weird niya.
"Ikaw yung nagpatrend samin kahapon... " -Owy
"THANK YOU HA?" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Tsk. Hindi ko naman sila balak isama eh! Ikaw ang may kasalanan nun!" sabi niya
"Ako? Kasalanan kong nakatitig ka sakin at naitulak ka ng mga fans? AKO? Tsk!"
"OO! Ikaw naman talaga ei! Napakasama mo! Mangangamit ka! Ang sama mo!"
"Wala kang pakialam sakin! Hindi kita kailangan! Wala akong pake kung sabihan mo man ako ng masama dahil iyon ang gusto ko!"
"May pakialam ako sayo... "
Woooo! POV!
Nagpalipat lipat kami ng tingin sa dalawa. Para silang couple na nagbabangayan. Nakakawiling panourin.
"May pakialam ako sayo... "
Lumingon kami kay Ully. Kanina nakatalikod siya kay Nina pero ngayon napaharap na siya.
"... ako ang qwertyuiopsdfghjkl mo."
ANO DAW?
"Anong nangyayari dito?!" tanong ni Tito NIÑO.
Napatingin naman kami sa kanya. Imaginine niya nalang napalingon-lingon yung mga ulo namin.
"Wala." -Ully
Napatingin naman siya kay Nina. "Sino siya? Hi!" binati niya narin.
Ang sakit naman nun. Pumunta ako dito para sa kanya. Pero ganito pala mapapala ko. Tsk.
Hayy.. buong show nandito lang ako sa backstage. Naghihintay.
Nang matapos ito. Papalabas na kami. Hindi malaman ni Tito NIÑO kung paano ako ilalabas.
"Ito suotin mo." sabi ni Ranz sabay abot sakin ng jacket na may hoodie, color red. (Mhim: alam na!)
"Salamat pare. Una na kami Tito." sabi ni Ully sabay hila sakin.
Ang dami paring tao. Nakahawak siya sa kamay ko. Hanggang sa makalabas kami, nakayuko lang ako.
Nandito na kami sa sasakyan. Ewan pero ang awkward.
"Sorry... "
Ano daw?
ILMGA #6 'Sorry... '
'Sorry... '
'Sorry... '
WAAAAAAAAH! Ayaw mawala sa utak ko! WAAAAAAH! >.<
*Short Flashback*
"Sorry... " Napalingon ako sa kanya dahil doon, nakatingin siya sakin, actually titig na titig siya sakin.
" ...Sunsundin ko na lahat ng gusto mo." sabi niya
O.O
Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Talaga? ^.^
*Flashback Ends*
*RiiingRiing*
Number lang.
Parang... parang kailangan kong sagutin ito. Ewan? Hindi naman ako nasasagot ng calls kapag number lang eh.
"Hello?"
[Nasaan ka?]
"Sino ito?"
[Si An -- Nina pala.]
"Ikaw? Anong kailangan mo?"
[Teka! Bakit ang sungit mo nanaman? Diba sabi mo kahapon! Sabi mo -- ]
"Oo."
[Nasaan ka nga?]
"Nasa bahay."
[San yun?]
"Tsk."
[Sunduin mo ako dito! Pupunta ako diyan!]
"Ano ka sineswerte?"
[Pero... sabi mo... ]
"Oo na! Oo na!"
[Thank you!!]
*tooottooottooot*
Tsk.
*Fastforward* [Sa Bahay nina Ully]
"Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Babantayan ka." sagot niya. Ano ako? Bata? Baby?
"Kaya ko sarili ko." sabi ko
*DingDong* (Dantes XD)
Syete! Pupunta nga pala si... Sino ba yun? Dina? Dana?
Pumunta na ako ng pintuan at pinabuksan siya ng gate.
"Oy Dona, anong -- " naputol yung sasabihin ko
"It's Daiane, Ully!" Tsk. Pasalamat ka maganda ka!
"Sino siya?" AnakNG! Bakit ba bigla bigla nalang sumusulpot ito. -.-
"Who are you?!" tanong ni Daiane? tama ako diba?
"I'm his wife." sagot naman ni -- What?! WIFE?
"Hey!" sabat ko sa kanila.
"How dare you!" akmang sasampalin niya na si Nina pero hinawakan ko yun braso niya.
"I'm your girl -- " pinutol ko ang sasabihin niya at sinabing...
"Break na tayo."
O.O
Uso ba palakihan ng mata ngayon?
"Sige na, makakaalis ka na." sabi ko.
"Ang rude mo naman." Tsk.
"Tsk. Ikaw may kasalanan nun." sisi ko sa kanya
"Ako?" tanong niya.
"Oo." sagot ko.
"..."
Silence
Silence
Silence
*DingDong*
Another one. =.=
Bakit feeling ko gusto niyang gawin ko ito?
"Hi ba -- " babati palang siya ay nagsalita na ako.
"Break na tayo. Bye." saka sarado ng pinto.
Nakita ko naman siya sa may pintuan.
"Ok na?" tanon ko.
"Sinabi ko bang gawin mo iyon?" Tsk! Akala ko ba? Bakit siya tahimik?! Hindi siya nagsasalita! =.=
"Sinasaktan mo sila." sabi niya
"Tsk. Pake ko? At pake mo?" tanong ko.
"Pwede namang ayusin mo -- " uso maputol ng salita eh.
"Ganun parin yun. Ano bang ipagagawa mo ha?" tanong ko.
"Gusto ko lang naman na tumino ka." sagot niya.
Hindi ba ako matino?
"Aalis na ako." sabi niya
Pinabayaan ko lang siya.
Ewan ko?? Nagugulo yung utak ko! =.=
Maayos naman ako dati ah! Dumating lang siya gumulo na!
ILMGA #7 Isang linggo mahigit yun sinayang ko T.T
Naiinis ako sa kanya ei! Babae din ako! Alam ko rin yung nararamdaman nung mga babaeng sinaktan niya. Ang sama niya! :'(
Nandito lang ako lagi sa lumang playground malapit sa bahay. Iniisip ko kung anong gagawin ko.
*sigh*
Ano bang dapat kong gawin?
Naiisip ko minsan! Ang duga naman! =.= Si Eris kasi! Yung angel na binigyan ni God ng chance na mabuhay, may heart necklace pa siya. Eh ako? Wala akong basihan o anuman! -.- (MC: SHE DIED! ^^.)
Makauwi na nga.
Ilang araw ko na siyang tinatanaw mula dito sa kotse ko, nandun siya sa lumang playground. Nakaupo sa bench doon. Nakatulala. Tapos may tumulong luha sa mata niya. Hindi niya ata napansin.
Bakita ganun?
Bakit parang gusto ko syang yakapin?
I-comfort?
Ayoko siyang ganyan!
Umalis na siya at uuwi na ata. Tinatanaw ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Umalis na siya...
Minsan ko lang siya nakasama pero ang lakas ng epekto niya sa akin.
Una nung sa ospital, ang tapang niya. Inaamin ko... maganda siya.
Pangalawa ay sa GT namin, ang cute-cute niya. Ang lambot din nung labi niya nun.
At nung huli... huli na nga ba yun? Sana may susunod pa... para kasing... namimiss ko na siya. Yung pangatlo, nakita kong malungkot siya.
At heto ako ngayon! mukhang stalker. =.= Ito siguro yung isa sa pinakamasakit sa pakiramdam ko, dahil ba nakita ko siyang lumuha?
Bakit ba ganun agad ako sa kanya?
Pwede bang... pwede bang makausap ko siya ulit.
Oo na! Namimiss ko siya eh! Ewan pero... Waaah! Nababading na ako! >.<
*DingDong*
"Anak, pabuksan ng gate, baka Tita mo yan." sabi ni Mama
"Opo."
*DugDugDugDug*
Ano yun?!
Ayy! Nevermind!
"Good eve -- Ully... " sabi ko.
"Hi?" bati niya.
"Ano ng kailangan mo?" tanong ko, bakit ba siya nandito? Nag-iisip pa nga lang ako ng gagawin ko ei!
"Samahan mo ako. Tara!" sabi niya
Aba't hinila nalang ako basta! Ang sakit ah! Hindi nalang ako nagpapigil. Ewan?
Nang makarating kami kung saan man yun.
"Nasan tayo?" tanong ko.
"Na -- na -- Hayy..." sabi niya
"Ano?" tanong ko.
"Baba na tayo." sabi niya
Pakababa namin, "Ang ganda dito."
Ang ganda ng view, nasa may parang burol (hills) kami, may isang puno tapos damuhan sa paligid. Kita mula dito yung mga building sa malayo. Ang ganda.
Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Masaya ako. Basta masaya ako. (Mhim: Ang totoo niyan walang maisip na dialog si Author XD)
"Nakipahiwalay na ako sa mga girlfriends ko." sabi niya
Huh?
"Alam mo ba na ang saya ko." sabi ulit niya
Masaya?
"Dahil nasaktan mo sila!? ANG SAMA MO TAL -- "
*Chup*
"HOY! ANG BAS -- "
*Chup*
"Talk, sige lang. Hahalikan kita. Pagsalitain mo naman ako." sabi niya
Tumango nalang ako.
"Gusto kita." sabi niya.
Tiningnan ko siya, nakatingin siya sakin.
"Same feeling I felt before, katulad noong nagustuhan ko si Jana." sabi niya
Si Jana... I remember her. She's his first love. Dahil sa kanya kaya ganito si Ully.
"Gusto ko ulit maramdaman yun. Pero baka sa huli. Masaktan ulit ako. Parang ayoko na." sabi niya
Ako? Mahal na ata kita. Dati gusto lang eh! Bakit umabot sa ganito?
"Pwede bang subukan mo?" tanong ko.
Tumingin siya sakin.
"Pwede ba?" siya naman ang nagtanong.
Tumango ako at niyakap siya.
Sana sa paraang ito. Mabago ko siya...
Sana...
Sana tama itong pinili kong paraan...
ILMGA #8 'I wish I chose the right choice.'
One week...
One week siyang nandito lagi sa bahay. Minsan kasama niya yung Chicser, sabi nila ang weird daw ng nangyari samin. Tsaka ang bilis naman daw. Nagamit ko yung powers ko ng di oras, nilinis ko pangalan nila, ng Chicser at sinubukan kong malaman kung nagbago na ba siya. Nagpalitaw ako ng tuta doon sa tapat ng bahay nila. Nalaman ko nalang na tama ako, inalagaan niya yung tuta. Ang cute nga kasi kinwento niya pa sakin. Nagiging cheerful na ulit siya. Pero isang linggo nalang. Saglit nalang.
Niyaya ko siya magbakasyon, sa Batanes. Nagpaalam naman kami sa parents namin. Buti nalang wala siyang GT in one week.
"Gusto mo lang ako masolo! HAHAHA!" pang-aasar niya.
"OO! GUSTO KO LANG! EWAN KO SAYO." Nandito kami sa resthouse.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako ito. Hindi ako si Nina, gusto kong sabihin yung totoo.
"Tara punta tayo dun sa mga bahay na bato." sabi ko. Hinila ko siya, sasakay sana siya sa sasakyan pero pinigilan ko siya.
"Ito gusto ko! Ayoko diyan!" tinuturo ko yung bike.
"Nakakapagod kaya!" reklamo niya
"Bahala ka!" Sasakay na ako kahit hindi ako marunong. Madali lang nman pala!
"Oo na! Naku! Kung hindi lang kitazxcvbnmahal!" sabi niya.
"Ano?" tanong ko
"Wala! Bingi!" hala! galit?
Nagbabike lang kami tapos tumigil muna kami dun sa maganda yun view! Ang sarap ng simoy ng hangin. Kinain ko ei! Joke!
"Thank you Labo... " sabi niya.
Eto nanaman tayo sa labo.
*Flashback*
"Asan ba?" tanong ko
"Ayun oh!" turo niya. pero hanap parin ako ng hanap
"Naku naman! Ang labo ng mata mo labs!" sabi niya
"Nasan ba kasi?" tanon ko ulit.
"Tutukain ka na oh!" sabi niya.
"Ang labo na niyang mata mo! Isuot mo nga ito." sabi niya
Tapos binigay niya sakin yung salamin niya.
"Ayun!" sabi ko.
"HAHAHAHA! Ito lang pala!" napatawa nalang ako.
Nasa harap ko lang kasi... XD
"Ang labo ka kasi ng mata mo! Tumatanda ka na labs ko! LABO! HAHAHA!" pang-aasar niya.
*Flashback Ends*
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi masaya ako ngayon.Wag mo akong iiwan ah!" sabi niya.
Humarap siya sakin.
"Mahal na mahal kita... " sabi niya.
Then our lips met.
"Tara na nga!" sabi ko.
"Ang cute mo talaga!" sabi naman niya.
ILMGA #9 Nandito kami ngayon sa simbahan. Ako nagdala sa kanya dito, gusto ko na kasi talagang sabihin ei. Pati yung nararamdaman ko, gusto ko nang aminin.
"Kasal agad labs? Sige sige!" sabi niya
"Ewan ko sayo!"
Lumakad na kami sa unahan, umupo.
Tahimik.
***
Ganito lang kami for hours. Pasarado na yung simbahan, at dun ko ginamit yung huli kong kapangyarihan. Hinawakan ko ang kamay ni Ully ng mahigpit at napatingin naman siya sakin, ganun din ako. Parang nagtataka siya kasi hindi kami nakikita nung nagsasarado ng simbahan, ganun nga ang ginawa ko (Invisible kami), tatayo sana siya pero hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay niya. Ganun lang kami hanggang sa sarado na ang simbahan.
"Bulag ata yun ah! Haha! Tara lab -- " pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita ako.
"Dito lang tayo please..."
"Hindi ka ba natatakot? Ang dilim oh!" sabi niya
"Bakit ako matatakot? Kasama kita, kasama ko si God." sabi ko.
Napangiti naman siya.
"Wag mo akong iiwan Nina... " sabi niya.
Napahingang malalim ako sa sinabi niya, bakit ba pinauulit-ulit niya yun? Ang sakit malaman na iiwan ko siya. Ay hindi pala! Iiwan siya ni Anj, hindi ni Nina.
"Ully..." sumandal ako sa balikat niya
"Hmm?" nakasandal naman siya sa ulo ko.
"Naniniwala ka ba sa mga angels? kay God? " -Anj
"Dati hindi... " tumingin siya sakin. "Pero dahil nakilala kita, sabi ko sa Diyos na maraming salamat dahil binigay ka niya sa akin."
"Paano kung sabihin ko sayong angel ako?" -Anj
"Huh? Hahaha! Pinaglololoko mo naman ako Labs eh!" -Ully
"Hindi ako nagbibiro." -Anj
Napatingin naman siya sakin ulit. =.=
"Mukha ka naman talagang angel ei! Ganda kaya ng labs ko!" sabi niya sabay smack sa lips.
"Hindi ako nakikipagbiruan Ullyses." -Anj
"Huh? Labs kasi ang weird ng sinabi mo." -Ully
"Tss. Bahala ka diyan! Hmp!" -Anj
Lumayo ako sa kanya ng kaunti tapos lumapit siya, layo-lapit, layo-lapit, hanggang sa nakarating ako sa dulo ng upuan.
"Sorry na..." -Ully
"Totoo naman kasi yung sinasabi ko." -Anj
"Hay naku Nina!" -Ully
"Hindi Nina ang pangalan ko, Anj ang totoong pangalan ko, Anjelica." -Anj
"Huh? Naweweirduhan na ako sayo Labs ah! Wala akong pake ano mang pangalan mo basta Basa ang future surname mo."
Gusto kong kiligin, I mean kinikilig ako ng onti. Pero kasi! Seryoso ako! =.=
"Ewan ko sayo!" -Anj
Tapos binackhug niya ako. >//<
"Ako si Anjelica, isang angel, specifically isang guardian angel. Guardian angel mo. Bata ka palang ako na ang nagbabantay sayo. Alam ko lahat tungkol sayo, kahit sa kasulok-sulukang bahagi ng buhay mo. Alam ko."
"Labs, ano bang sinasabi mo? Nagjojoke ka ba? Baka pinagtitripan mo lang ako ei."
"Hindi nga ako nagbibiro."
Pagkasabi ko nun lumayo ako sa kanya, tumayo ako sa harap niya at ipinakita ang totoo kong anyo, itsura, ang totoong ako. Walang bakas ni Nina.
Kinusot-kusot nya yung mga mata niya.
"Ako ito. Ang totoong ako. Hindi si Nina." sabi ko
o.o
"Mahal mo ako diba? Mahal mo parin ba ako?" tanong ko.
ILMGA #10 Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya...
*Flashback*
5 yrs. old
"Mommmy! Uwaaa! Asan ka na po!!"
Isang cute na batang lalaki ang umiiyak sa mall at hinahanap ang mommy niya
"Hi littleboy!"
May lumapit sa kanyang isang magandang babaeng nakaputi, may halo sa ulo at may magagandang pakpak. Nakangiti ito sa bata.
"Sino ka po?"
"Ako ang guardian angel mo. Ingat ka lagi ah! Nandito lang ako littleboy!"
Bigla nalang nawala ang babae.
"Thanks God! Ully! Ohmy..." sabi ng Mommy ng bata.
--- --- ---
10 yrs. old
"Aray!" sabi ng bata ng madapa siya
"Ahh! Kawawa! Hahahaha!"
"Bleh! Kawawa naman!"
"Hahahahaha!"
Pinagtatawanan siya ng ibang mga bata. Lumayo na siya mga ito at may natanaw siyang isang babaeng mukhang labing walong taong gulang.
"Hi littleboy!"
"Sino ka ba? Umalis ka nga!"
Di tulad ng dati, mukha siyang ordinaryong tao.
"Ako ang guardian angel mo. Ingat ka lagi ah! Nandito lang ako littleboy!"
Sabi niya at tumakbo.
--- --- ---
15 yrs. old
"Sali ka sa frat namin! Dali na pre!" sabi nung isang binatang lalaki.
"Ha? Ewan?"
"Please...nagmamakaawa ako sayo. Wag kang sumali. Mahal ka namin, mahal ka ng Diyos." narinig niyang mahinang bulong at pamilyar ang boses nito.
*Flashback Ends*
"Naaalala kita!"
Napabuntong hininga naman siya. Bakit?
"Ikaw yung babaeng sabi niya guardian angel ko daw siya! Ikaw yun! Oo! Ikaw!"
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi? O Ewan!
Bigla namang nagbago ang angyo niya, bumalik siya sa dati.
Parang malungkot siya.
"Ako nga yun." sabi niya
"Alam mo ba na malapit na matapos ang misyon ko. Masaya ako kasi natulungan kita pati si Nina... " patuloy niya.
Pinapatuloy niya ang pagkwento, nakikinig lang ako. Napakahaba ng mga sinabi niya.
At... at... Nalulungkot ako.
Iiwan niya ako?
Aalis siya?
"Ilang araw nalang. Matatapos na ang lahat ng ito... " sabi niya
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"Mahal kita." Sabi niya ng nakangiti.
"Salamat ah! Pinaramdam mo sakin kung paano mahalin." sabi ulit niya.
"Please... Wag ka namang ganyan." sabi ko.
"Mahal kita. Mahal na mahal!" sabi niya ulit.
"Mahal din kita."
ILMGA #11 "Hahaha! Ang cute mo!" sabi ko.
"Mas cute ka!!!" -Anj
"AAARAAAAAAAY!" Pinisil kasi yung pisngi ko. Ang sakit.
"Ang cute mo eh!" ^_^
"I love you!" -Ully
"AAAAAARAAAY! Ikaw na nga tong sinabihan ng mahal ka eh!" *pout*
"Yuck! Wag ka mapout!" -Anj
"Cute kasi ako!" -Ully
"Oo -- " -Anj
"WAAH! AYOKO NA!" -Ully
Nandito lang kami sa resthouse. Magkasama kami buong araw. Ayoko mang isipin pero paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.
Ngayon ang huling araw niya dito. Dito sa lupa. Tapos na.
"Uy! Ang seryoso mo!" -Anj
"Iniisip ko lang labs... pwede bang mamatay nalang ako para kasama kita doon sa taas?" -Ully
Minsan naiisip ko nga yun.
"Hoy! Sino nang babantayan ko? Baliw ka ba?" -Anj
"Makakasama naman kita diba? Pwede na yun diba?" -Ully
"Wag please... " -Anj
Niyakap ko nalang siya.
"Tulog na tayo! Dali!"
Pumunta siya dun sa kama tapos ipinagnagpag yung sa side niya na parang sinasabing 'dito ka'. Nangiti naman ako.
"Goodnight!"
"Goodnight! I love you!"
"I love you more... "
Ipinikit na niya ang mga mata niya. Tinititigan ko lang siya.
Mahal na mahal ko nga itong babaeng to.
Yung mga mata niya.
Yung ilong.
Yung lips.
*chup*
Mamimiss ko.
"I love you..."
Timecheck: 11: 30 pm
Ilang oras lang akong nakatitig sa kanya. Inaantok narin ako ei. Kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.
"... forever and always."