President rodrigo roa duterte’s speech during the 120th founding anniversary of the department of justice (doj) Philippine International Convention Center (picc), pasay city september 26, 2017



Yüklə 72,01 Kb.
tarix12.01.2019
ölçüsü72,01 Kb.
#94953

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE’S SPEECH

DURING THE 120th FOUNDING ANNIVERSARY

OF THE DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ)

Philippine International Convention Center (PICC), PASAY CITY

September 26, 2017
 

 

Salamat po. Kindly sit down. Thank you for the courtesy.


Ako po’y miyembro rin ng Department of Justice many, many years ago. 1977 to ’87 prior to my appointment as vice mayor of the city; tapos, in 1988. But when I was a prosecutor of Davao City at that time, the Ombud—iyong predecessor, the Tanodbayan also appointed me as special prosecutor for the Tanodbayan. So, a lot of experiences iyong panahon na iyon touring Mindanao, prosecuting cases. And I find myself back in the department where I started my career in government.
The Secretary of Justice Aguirre II; the members of the House of Representatives; officials and employees of the Department of Justice; mga kasama ko sa gobyerno; mga mahal ko na kababayan.
Now it’s raining hell outside—cats and dogs. Tapos, I get to read about three pages. Basa—nabasa ako, tapos ito lang. (laughter).
You know, I think you deserve more. (applause) But more money, ibig kong sabihin. Iyong hinihingi ninyo, iyon rin ang hinihingi namin. The perennial and maybe, generational problem sa gobyerno is actually, pera. And iyan because of sometimes an enormous problem crops up in your life, huwag kayong mainsulto but kulang talaga. If one gets to be—may mga ano sa pamilya, cancer ganun, talagang kulang. And I have experienced it also. But somehow, we managed.
Now, let me just be clear. There’s a lot of publication about my millions. Kayong nakakilala sa akin from Davao, alam ninyo iyan. But you know, my father was governor when he died.  At least, alam niya maghanap-buhay because we had an ice plant and a lumber yard. Construction was booming at that time in Davao, it was a developing city. But when he died, we could not agree with each other, the brothers and sisters, so we decided to sell all. Iyong nakuha ko, substantial. At sinabi ko, if you—I authorized everybody, everybody as in everybody to look—to dig into the IBAA, Insular Bank of Asia and America, that’s the Union Bank now. You’d find there that iyong fourth year pa kami, I had a million already, iyan ang totoo. So iyong naiingit— you know, I’m sorry if you are a son of a very poor, I don’t know from where you come.
Kami dumating sa Davao, hirap. We had to climb our way. And as a matter of fact, that space there between Ateneo de Davao at saka iyong likod was a wetland noon. So akala ng tatay ko, puwede doon. Only to find out that Davao, in spite of the sloganeering of the Americans that go to Davao—ah, go to Mindanao because “It is a Land of Promise.” Unfortunately, it was not really so.
Davao City was already divided. May mga homestead-homestead na noon like seven hectares; 24 if you’re a corporation. And so Davao was just owned by about—you can count them, seven families.
That is why, iyong squatting problem is very serious there and Davao has one of, on record, the highest of—in the acquisition of lands kasi alam ko. In the sense that there was that promise land, but it could not apply to all. My father became governor; I became mayor, by destiny maybe, and President.

 

And in 1988, I became mayor. I never lost an election and to the presidency. Iyan talaga ang historical ano ko. And I governed Davao for almost 22 years as Mayor, and I challenged everybody: Go to Davao. It has posted the highest, this year, growth rate of nine percent.


When we talk over the reigns, just right after martial law, Davao was just growing economically by two percent. Ang growth rate, ang sa human ang mataas because you know, the proximity, Mindanao and the Visayas, a lot of them went there to find out and for the greener pasture. Some made it good, others became rich enterprising. But mostly iyong lupa ng Davao, it’s a bit of history para malaman ninyo—ang Tagalog, kasi iyong Bureau of Lands, nandito. So when they started to—and I do not blame them.
Actually, at that time, in the 48, 49, 50, we went there 48. Malaki masyado ang Davao because maliit ang tao. Now, Davao is so small because of— there’s a two million people in it and they need land. Kaya that’s why, pati ako, hindi naman sabihin na tumayo ang tatay ko doon na talagang wala kaming matulugan. But he tried kasi wetland eh. Pagatpatan ang tawag diyan sa Bisaya. So iyon.
Pero kung abogado iyong tatay ko, he practiced. Kasi itong mga unbelieving, pati the dirty minds, wala akong magawa sa inyo. I mean, I am not— ayaw ko magyabang, pero iyon, hindi akin iyon. And even the—during the campaign, the 211 million, that’s a bullshit.
Alam mo sa totoo lang, I’ve given the waiver. Kung tiningnan lang nila noon. I was already—and I am ready to step down now. Baka may makaturo lang niyan totoo na mayroon akong deposit maski one dollar diyan sa Hong Kong, I will step down as President of this Republic. Wala akong problema diyan.
I have always lived by—I would not call it—I live by the values na nakuha ko sa tatay ko pati nanay ko. And that’s the same thing that I’m giving to my children. Now, bahala na sila. Kanya-kanya na sila. Iyong isa, mayor na, nanununtok pa nga eh. Ewan ko kung may kaso iyan hanggang ngayon diyan sa Ombudsman. Pero iyan ang totoo.
I have to tell you the story. It’s not a sad one. It’s just a factual thing in my life so that we can understand each other. I was a prosecutor. And as a special prosecutor of the Tanodbayan, look at my records. Tingnan ninyo iyong record ko. Magtanong kayo ng mga taga-Davao.
Let me just begin by saying that—ito kasi iyong [EJK, EJK], sinakyan talaga nang husto eh. But I hope that the Americans are here, especially those connected with the Human Rights. Iyong kanila, iyong Rights Watch, which is a Soros thing, kay Soros iyon eh, iyong manipulator ng currency. Dapat pag-usapan natin, because this is the first time that I will tell you.
You know, you cannot operate a drug business by just selling it to anybody just like a balut, or vendor ice cream, or iyong mga sigarilyo diyan sa highway na ‘pag nag-stop, they crowd everywhere to sell cigarettes.
The operation with drug business is always an organized crime. It is always a result of a syndicated agreement. Kayong mga prosecutor, alam ninyo iyan. It has to have the organization to operate. There has to be some cooking and there has to be some loyal lieutenants to make the distribution, down to the peddlers who take the orders from the above. So they would know if the supply is there or if there is no supply at all. Would it be hard for them in the coming days because nakuha iyong ilang tonelada. So walang business, so they have to parlay something else, marijuana and—
You know, I have always been a hardliner.  Maski tanungin ninyo sino. Talagang hardliner ako sa krimen. Magtanong kayo. Sabi ng iba, “Pumapatay ka ba?” Pumapatay ako ng tao. Many times, well, three months into the presidency, I had this encounter with—and it was covered by the networks. So iyong magsabi kayo that “killer-killer”. Anak ng—nandoon nga kayo eh.
ABS-CBN was there and everybody. They covered it and during iyong—sabi nila, pinatay ko iyong—yong istorya noong Madre, iyong lay minister ng Australian. Tapos, totoo iyon, sinabi ko iyon sa galit. Sabi ko, “(expletive) mga ito. Tingnan mo mga ulol, mas nauna pa sa magandang babae.” Kasi iyong— t

tinuro ko iyong lay minister.


Kasi sa Pilipino, exotic talaga iyong puti, maganda talaga iyan. Ganoon ang ano. It’s always the reverse. Kung ikaw, magpunta ka doon sa mga puti, gusto ka rin nila because it is an exotic thing.
Sinabi ko talaga sa galit ko. It was a derogation of their manhood. “(expletive) ito, kapangit-pangit, ito pa ang sinagot ng Ms. Philippines.” Parang ganoon. So totoo iyon. Talagang—at saka iyong— Alam mo kasi, hindi ako nagyayabang. Ako lang ‘ata nag-presidente who had had a—who have had the experience of being taken also as a hostage.
Iyong sa Dapecol iyon. And there was an outbreak. So each prisoner got hold of one hostage. Ang may naiwan kasi doon ‘pag takbuhan, isang yaya ng bata. Kapatid— ang nanay, kapatid noong—ng yaya. Eh ang problema, naiwan, na-hostage.
So kinabukasan, t’was a Sunday, Corazon Aquino called me. “So what’s happening there?” I said, “Bakit, Ma’am?” “Ba’t hindi mo alam?” Sabi ko, “No, ma’am.” May ano sigurong proximity, baka akala niya, diyan lang sa kanto. Sabi niya, “Why don’t you find out kung anong nangyari doon?” So it was a breakout, may kidnapping. Tapos, they were able to commander—iyon ang hiningi eh. And gago rin itong mga tao doon sa penal colony which is kasama natin dito, bumigay kayo eh.
Iyong penal authorities, bumigay, pumayag na sumakay. They were able to take control of—iyong Sarao. No advertisement but iyong Sarao na matataas sa probinsya. So nandoon sila. So I got the chopper of the Armed Forces, pumunta ako doon. Sa harap talaga ng kidnapping. It was going on. It was evolving to be a kidnapping incident.
But sinabi sa akin ng sundalo, “Mayor, iyong bata, mamamatay na, blue na.” Tinignan ko, diretso ako. Lumapit ako, sabi ko, “Sandali, sandali. Tingnan ko lang iyong bata, blue na.” Sabi ko, “Kung bitawan mo iyang yaya pati bata, ako ang magpa-hostage.” So I was hostaged.
So nakaupo kami. The human waste, ihi, doon na. So overnight, pati hapon na ako dumating eh. So nagpapalak-palak iyong sapatos ko sa—
So it was a messy and a terrible, a horrible condition inside the—kumakain kami ng pandesal, so kasama na ako. Bandang alas kuwatro na, sabi ko, “Tutal ako, hostage ninyo, why don’t we go to my office at para mag-usap tayo? Makapaglinis iyong mga babae pati kayo. Kasi may banyo sa city hall.” Pumayag. Imagine, ako iyong Mayor, ako iyong hinostage sa city hall ko.
Kaya tiniis ko lang. (expletive) ito, bantay kayo. Tapos noong nandoon na, nag-surrender na iyong iba, may anim na naiwan. Umuwi ako, ito totoo, buhay pa naman sila lahat eh. Si Calida, who is a Mayor now of Hagonoy, iyong chief of police noon; Dureza, who was there; Galicia, the chief prosecutor of our place sa City Fiscal’s Office.
Sabi ko, ‘pag hindi dumating ang nanay, kung hindi makita, yayariin ko itong—tutal, ang hawak nila, knife lang man. Maka-distansya lang ako ng mga 2 meters, ubos ito. Then I called my brother, Benjamin. Eh shooter iyon eh. Eh hindi ako mag-kumpyansa ng iba, sabi ko, “Tayong dalawa lang ang magpasok. Alalayan mo ako.” Sabi ko, “Barilin natin lahat.” Narinig ni Dureza, iyan ngayon sa Peace Process, he was a congressman then. Tumawag siya kay Aquino. Eh walang iba. Siya iyon—wala, hindi ko narinig pero wala mang ibang may access kay Aquino. Sino, fiscal? Walang— Galicia? Walang access iyon, iyon chief of police. Siya lang iyon eh.
So sinabi niya na “Patayin ni—” tinawagan ako ni President Aquino. Sabi niya, “Mayor, I want that problem solved peacefully. Do not harm anybody, tutal in control na naman kayo.” Eh wala akong magawa. Would you believe, one month after, on a visitation day, nagkita—mayroon, kasama na iyong Australiana. (expletive), nagkaisa na sila.
Tapos, sinabi ko, pagdating ko, naghanap sila sa akin. ‘Di pumunta ako. Sabi ko, “Sige, mag-usap tayo uli.” Sabi nila, “huwag Mayor.” Hindi na ako pinayagan ng PC noon, kasi yayariin ka talaga. “Bakit?” “Eh noong negotiation, sabi kasi nila, wala kaming kaso nito.” Sabi ko, “Oo, wala ito, hindi ito kasali. Bale, experience lang ito.” “Ma-pardon kami?” “Oo,” sabi ko, “Mga next week iyan.” Istorya man lang iyan. When your life is in danger, you can promise even the throne of satan. Ikaw na doon paupuin ko, (expletive) mo.
So, oo lang ako nang oo nang oo. Ngayon, sabi ko, “Pero huwag mong galawin iyang mga babae.” Tapos, usap kami. Binigyan sila ng—sabi ko, “Iyan ang hingiin ko. Do not harm the women.” Because sabi ko talaga, “’Pag may mangyari diyan, papatayin ko kayong lahat.”
Noong gabi, sabi ng mga sundalo, there were a lot of screaking, crying, talagang na-rape kung ganoon. Iyong first na lumabas na babae na ginawa nilang cover, nakita ko iyong blood stain sa skirt. Sabi ko, “Mga animal na ito.” So noong nakalabas iyong—patay na—bata, patay na. Kasama ng nagbisita doon nga ng tatay sa— Kaya noong nag-alisan na—
Alam ko ang mga—alam ko itong mga sundalo eh. You put them under stress for about 24 hours, huwag ka magkumpiyansa, maniwala ka iyan. Iyong mag-ganoon, nandiyan na, tapos sabihin mo, “Hold ka lang.” After 24 hours, gutom na, uhaw na ang—may mga sungay ito, hindi na maniwala sa iyo iyan. Basta puputok na lang iyan. ‘Di noong nagkaputukan na, sabi ko, “todasin natin lahat”. Because they were—may isang inmate kasi doon na sundalo. Eh kabaro eh. So ito namang mga PC, pero kasi Army iyon, he was allowed to go in and out. Eh ganoon ang sakit talaga nitong mga ito eh.
So mayroong mga—umuwi ng mga CHDF pa noon, kinuha iyong armas na nilagay lang diyan sa labas, tabi lang ng kampo sa canteen, dinala sa loob. So they had this bargaining. Eh ‘di putukan. Talagang pinatay ko lahat. Iyon na ‘to, iyong [EJK-EJK]. On the record man lahat—nandoon ang lahat—GMA, ABS-CBN. ABS-CBN, isa ka pa. (laughter) Dapat na-hostage si Gabby Lopez doon, isali kita. Sa totoo lang.
Kung hindi ako naging Presidente. Tanungin ko kayo diyan sa publiko, “Makuha kaya ninyo iyong property ng Mile Long? Kung hindi ako na-Presidente, mayara kaya iyong abuso ng mga network? Sino naka-(expletive) ninyong lahat. Ikaw, Gabby Concepcion, mukha kang pera, (expletive) ka. Eh totoo man. Eh sus.
You know, ako kasi tumakbo ng Presidente, okay? Walang bumigay sa akin ng pera. Naintindihan ko iyan. Naintindihan ko iyan, nationwide. Wala akong problema diyan. Walang bumigay na may pera dito. I just relied on mga Davao—si Tony Boy, Charlie Gonzales, may mga pera iyan.
At puro kababata ko iyan. Ito si Dominguez, nandito ba? Eh may-ari ng Marco Polo ng Davao iyan. Iyan ang valedictorian namin noong Kindergarten kami, iyan ang nag-graduate (laughter). Kaya itong mga bright, totoo iyan. Itong mga bright, marunong talaga. Marunong sila mag—kasi hindi naman mahirap kami lahat o mayaman. Pero mag-super rich ka, marunong talaga itong mga gago na ito pag-anong pera. So walang nagbibigay-bigay kaya wala akong pera but—eh sa rating, hanggang 3, 4, 4, 3 lang ako, lalo na Maynila, 4. So noong lumabas iyong nag-landslide ako dito. Nagbigay ako, konti-konti.
So last minute—makinig ka, Gabby Lopez—nag-place ako ng advertisement. Tinanggap ninyo iyong pera kong 2 million para kasi, wala akong advertisement. Kita mo iyong sa debate? Iyong debates, tapos every break, sinisingitan nila ng propaganda ng mga kandidato. Ako ang wala kasi wala man akong pambayad. Ngayon, tinanggap ninyo ang pera ko but you never showed the advertisement. And despite the fact that we were placed way ahead, pinalabas ninyo despite of a court injunction na huwag because Trillanes was using little children na—which is not really allowed by law.
Common sense should have warned you that talagang there was a violation of the law. And ang tinanggap ko na pera ko na hindi mo ginamit para sa show ko is actually estafa. And I am not the only one, Chiz Escudero, ako, marami kami. Tanggap nang tanggap kasi kayo ng pera in the name of greed. Tanggap ng pera, tapos kung makasalita kayo, pati iyong Inquirer, kaming mga—kung babuyin ninyo kaming mga taga-gobyerno, you picture us to be the corrupt o ano. Excuse me. Unfortunately, hindi ako ganun. I would not have survived.
Now, bakit ako nanalo? Heard about Imee Marcos? No problem because I know Imee. Why? Because my father was a Cabinet member of the first set of Cabinet, way back when he won for the first time. My father was Secretary of General Services. It’s now—it was the Bureau of Supply, lahat ng—kasi kaya sinuportahan ako ni Imee kasi suportado ko rin siya. At Bongbong was in a hurry kasi hindi wala—ayaw ko nga tumakbo. Tapos, yun na, dumating iyong mga pera kokonti kasi during the last four days, nag-shoot ako ng 32, steady sila.
Now, what was my message? Sa debates, I was the first one to just say, “That is all that I have for you.” What was my message? Corruption, drugs, criminality, economics, iyan lang. Sabi ko sa inyo, bobo ako dito sa economics. Hanggang—hanggang—as a matter of fact, ke mas bata ito sila sa akin. As a matter of fact, ako iyong first set sa K-12, noong panahon ko, (laughter) K-12 na ako.
Kaya sabi ng anak ko, itong si Kitty, bright ito eh, ang nanay nito, valedictorian eh. Kaya sabi ko, “Marunong mag-nego—” ngayon, nakita ko na iyang mga—paano sila mag-squeeze in ng opportunity.
Eh ito si Kitty sabi niya, bright iyon, “Why don’t you tell Secretary Briones to do away with K-12? But it just make it longer—” Sabi ko, “Anak, dahan-dahan ka. Makakasagasa ka ng tao. Ang tatay mo, original K-12 talaga ito.” (laughter). It took me seven years to finish high school. Second year, na-expelled na ako sa Ateneo. So I finished doon sa Digos.
Classmate ko iyan si Dureza. Dureza is a brilliant guy. Iyan ang ano namin, valedictorian. So ang valedictorian diyan: Sonny; Dureza; Aguirre; Delfin Lorenzana, valedictorian iyan. Sa klase niya sa PMA, valedictorian; valedictorian din iyan sa eskuwelahan iyan. Lahat sila, valedictorian.
Ako, last ten ako sa klase. Totoo, eh tanungin mo iyang mga Justices pero okay lang man. So where am I now? Where are they now? (laughter/applause). Valedictorians? (expletive), trabahante ko lang. Iyan ang buhay. That is the—
So sino ang congressman ko? Nograles; pati ito, si Lord Velasco, ke kaibigan. Imee; Abet Garcia; Mindanao, isa lang, si Agusan del Norte. Bumaligtad, hindi nakatiis. Mahirap ang pag-ibig. Nakikinig iyong asawa ko. (laughter). Noon iyon. Noon. Noon, noon, way—matagal na. Hindi man sabihin na walang ano, ano lang. So iyon lang nag-suporta sa akin. Kayo, hindi ko alam except for the few guys, mga classmate ko, taga-San Beda.
Hindi ko alam kayo kung sinong sinuportahan ninyo. Kasi kung nalaman ko na majority si Grace o si ano, Roxas, bababa ako dito. Bahala kayo sa buhay ninyo. (laughter/applause).
Now, let me begin by just saying— I’m revealing this for the first time to the nation. Drugs can be operated only by one means. It has to be organized. Correct? Correct. And the members there have to conspire with each other, so making them equally liable criminally. Correct? Correct. You have to proceed against all who appears to be responsible therefore. Correct? Correct. That I cannot be choosy in my judgment, because the act of one is the act of all, equally responsible for the distribution. Correct? Correct.
There is no law which says that I can only enforce this, the—the grave crimes, the grave offenses only against the rich and those who have the money but I cannot prosecute the poor. So, if it is an organized crime, then the tentacles are there. Itong pinakamataas na mayaman, pati itong pinakamahirap, wala akong magagawa. My oath of office says to enf— di ba, nandiyan sa ano eh, enforce the—obey the Constitution and enforce the laws of the land.
It does not exempt, except those who are poor. Iyon ang ibig kong sabihin, iyon talagang lumaban. Hindi, hindi, ito ang mahirap, kasi because iyong procedure natin is American, itong Revised Penal Code is Spanish. Pero iyong you have to operate within the bounds of the law.
I will not tolerate people shooting children and I will never allow— hindi—parang hindi ka naman lalaki eh, nakatali na o— why do you have to do that? O naka-surrender na? Hindi ka lalaki niyan, so huwag mo akong salihin sa ka-(expletive) na ganoon.
Ang utos ko is that, go out, enforce the law against all, and you have to take the guy into the custody of the law. You have to overcome a resistance whether lights—slight or serious. And if there’s a weapon, be it a bolo or a knife, and you feel that you’re attacked and your life is in jeopardy, shoot. Wala tayong problema diyan. Kayo diyan, fiscal, mga justices, that’s the rule—the law. Ako, wala akong magawa. Sabihin mo na namatay sa engkuwentro ito. Pero kung sinalvage mo, eh (expletive), ibang istorya na iyan.
Ang salvaging kasi, can also in— afflict, magtakud sa— and it will be practiced by everybody. The criminals and the police, and the criminals would do the same thing. Kaya iyan, ngayon kayong taga-Mindanao, taga-Davao, ‘di ba? We lose about, at that time— three, four policemen a day. It’s because iyong impunity na hindi ka ano. Pero ang impunity na maraming patay. I’m sorry to disappoint itong mga Human Rights. Hindi ninyo ako kilala eh, that’s the problem. But I am— I was asked during the debates, “How will you treat terrorism and drugs?” I said, “I will treat it—them harshly.” So if you could find the appropriate synonym of what is harsh, then that’s it.
Ngayon, today, the drug problem or issue is all throughout the world. They have taken over the Bamboo Triad, and the 14K sa lahat ng operation sa Southeast Asia. And ikaw noon na taga-luto ka, you are only given a franchise for distribution.
Now, I made public iyong matrix ni Parojinog because he was there in the middle, and the Albuera mayor, ang sabi nila na iyon ang extrajudicial killing kasi binaril doon sa loob ng detention.
You know, as the Chief of the bureaucracy, as the one in control of the police, sino man paniwalaan ko? Iyong testimony ng mga inmates— ang witnesses ang inmates man—or iyong mga pulis ko? Common sense would say that doon ka maniwala sa pulis mo. Bakit ako maniwala doon sa mga prisoners na sinabi na— Well, let the courts take it.
Ngayon, sabi ni Aguirre, sabi niya, “Mayor, it’s murder.”  “Okay, fine. File a case. Wala akong problema.” Pero I would protect people who are really doing their work. If that is the theory of the case, I will believe them, kasi pulis ko iyan.
Now, the only reason why sabihin nila noon walang patay, it was a paralyzed law enforcement. Maraming corrupt na pulis until now. Cebu City, maski ikaw taga-roon, mga taga-Visayas, alam ninyo iyan, Manila.
Sinabi ko, totoo. I almost—I almost became a liar, because I said that I will finish the job three to six months. But when I became the President, when I had already the access to every information, anak ng— nine generals of the police were involved.
And believe me, two months into my term, first two months, hindi pa kami nag-operate kasi kapa ako nang kapa. Sino ba dito sa Metro Manila ang corrupt? But there were already a series of killings.
And alam mo kung sinong namatay diyan? Tingnan mo ha? Hindi pa kami nag-operate, and hindi ko lang masabi, “Sino iyong namatay? Bakit sabi ng mga punerarya, puno na ang— walang claimants.” Well, my God, because they were all aliens. Alam na ninyo kung sino iyan. They were operating, and the police, itong cohorts nila, knew them. Kaya napuno iyong punerarya, walang nagke-claim because they were strangers in our land. Two months after na-set up ko, iyon na.
Well, kung may nab—itong—if there’s one stupid policeman there killing— ganito iyan eh. It does not apply to the two deaths in Caloocan. I will disabuse your mind. But ako, ayaw ko gustong sabihin. Senator Pangilinan is my friend. At may utang na loob ako diyan, kasi itong anak kong si Inday, iyong Mayor ngayon, when she was grade six—grade five, sabi ko, “Anak, anong gusto mong birthday gift ko sa iyo?” Sabi niya, “Pa, gusto kong makasama, magkain kami ni Sharon Cuneta.” (laughter).
Eh mag-isang anak ko lang iyon. Ngayon, dalawa na ang anak kong babae. Eh may reserba naman ako, isa. May pangalawa na akong asawa. Iyan si Veronica, sabi ko, bright. Ang nanay niyan, valedictorian iyan. Walang bayad-bayad sa eskwelahan iyang Honeylet na iyan. Kaya iyan ang— lahat iyan halos, nailibing. Hindi ba kayo nagtataka? Bakit walang claimants? Almost to a thousand. Well, sinong pumatay? Hindi pa nga ako nag-operate eh.
So hindi ko sinasabi iyong mga police generals. It would not be right, because I do not have the evidence. But most likely, the persons interested in doing them away is a group that gusto nilang mawala iyan sila.
Ngayon ako, gagawin ko rin, basta lumaban, sabi ko, “Patayin mo na lang rather than be choosy at that moment na ano ito?” Kaya ako bilib, the best example na order ko noong galit ako, iyong sa Caloocan. There was this CCTV footage na sinasaksak na siya ng— a deranged addict. Now, he kept on parrying na hawakan pa niya iyong blade na— dito. It was until— only after he fell down and the idiot was on top of him, alam niyang mamamatay na siya, binira niya ng dalawang beses. Kaya saludo ako sa pulis na iyan, sinabi ko, “Hanapin mo iyan.”
That is actually iyong—nagalit na, sabi ko, do not—iyang salvaging-salvaging, kasi masisira ako niyan. I get to answer for everything because ako iyong Mayor. I do not call myself President, nako-kornihan ako. Mayor lang kasi matagal akong Mayor eh. If you want to address me really, say “Mayor.” ‘Pag tinawag mo akong “Presidente,” hindi kita kakausapin. Nako-kornihan ako eh. Sa Bisaya, iyan eh mahilasan ako.
Itong drug ngayon is being operated by the 14K, Bamboo Triad. They have taken over. They are cooking the shabu on the ISIS. Tapos, itatapon; kita mo sa Region 1, maraming mga bins na empty, may Chinese character. It’s actually Taiwan and lahat na. And I cannot blame the Chinese government or the people because we were doing it here before.
Marawi, what precipitated—what was the flashpoint of Marawi? They were serving a warrant for the arrest of a drug personality. There was a firefight and lumabas nga iyong totoo.
Now, we admit that, we knew that they had firearm, but I never expected it would be that enormous. On the third month na tayo, going fourth, they have still the ordnance and the bullets, at ang lahat. May mga Barrett pa sila. 
Excuse me iyon, pag-landing ko, iyong ano ng pollens. May allergy ako diyan eh.
Iyan ang problema. Ang kawawa nito, ang Amerika. Tignan mo. They will take back iyong pang-ano nila sa akin. Kasi iyong heroin, travel. Dito, ang shabu, lulutuin lang iyan. The favorite ano talaga nila is cocaine and heroin. It’s grown organic. It’s a plant, poppy. Kaya hindi masyado masira. Pero itong shabu, alam ba ninyo yung shabu, ang tubig niyan, tubig ng baterya. Iyang sa battery? Iyan. Hindi iyon tubig eh, iyong tubig ngayon, tubig na ano lang iyan. Iyong original na baterya natin na luma na acid na if there’s a spillage, you see something bubbles.
Ngayon, ang transhipment is Philippines. Ganito ngayon. Genetically, I would say that ang Amerikano talaga ang pinaka—the richest market. I don’t know why. But itong atin, maliit lang ito. Sila, lahat, pati artista. Hindi ka— maski tayo dito, kita mo naman iyong ano, kita mo parang gungong. Hindi lahat, hindi lahat pero iyang— combo, diyan iyan nag-uumpisa eh, iyong mga bangag talaga iyan halos. Hindi naman lahat. Kaya maraming sumali sa kampanya ko, iyong sila Jimmy Bondoc kasi they realized the serious dimension of the drug problem. Kung maniwala ang America, mabuti. Kung hindi kayo maniwala, mabuti, basta sinabi ko sa inyo.
Now, sabi ko, what is my stand? In Davao, noong nag-mayor ako, kasi prosecutor ako and I fend so many cases. Maniwala ka ba pagdating sa korte, (expletive) alum pala ang hinahawakan ko. Ganoon ang switching sa pulis noon. Kung hindi, hindi magsipot kaya pinapaaresto ko talaga. Hindi ako pumapayag iyong sabihin na doon taken for granted iyan, he’s absent, on a mission. (expletive) mission-mission ka, halika dito. “Your honor, I move to cite this idiot in contempt.” Hindi ako pumapayag ng ganoon. Noong fiscal ako? Wala. Walang pulis-pulis sa akin. Anong pulis? Letse ka, testify ka dito.
Kaya noong nag-mayor ako, alam na nila, I was trying to—you know, I am a President, I build a nation—for the human rights people but I enforce all the laws of the land, and I have to enforce it even if it is not to your liking. But I’m telling you well in advance, that iyong kayong mga nandito, it’s a political thing doon sa Davao because ang sabi ko sa Davao noon, first time I became mayor, alam ko na ang droga, at alam ko lahat because ang tatay ko nga, governor.
So alam ko ang laro. I could get my information from anybody, from anyone, kasi alam ko iyon. So I said, “do not destroy my city because I will kill you. Do not destroy the youth of the land because I will kill you.” Alam mo, tayo dito, walang milyonaryo sa atin. Sino bang—? O, wala talaga eh, ni-isa. Dito, o si Congressman, siguro.
Pero, Delfin Lorenzana, nakilala ko ito siya when I was mayor, he brought in the Second Ranger Battalion ng Scout Rangers. Siya iyong nagdala doon kaya kilala kami. And after that, we became friends but ano, eh bumilib ako sa tao. When I was shopping for my Cabinet, I remembered him. Eh talagang honest, tapos istrikto. So magpunta iyan, matagal na iyan sa America siya. Alam ko siya eh, agent iyan siya. Pero okay lang, sabi ko kasi magbolahan naman kaming dalawa, eh ‘di ito sabihin mo sa kanila.
Ako, many, many issues ako diyan sa ano. I do not hate America. I mean, I don’t— wala akong dynamics sa mga tao. As a matter of fact, iyang si asawa ko ngayon, was an OFW. Kaya lang sa kabisita-bisita ko doon, one time nagbisita, pag-uwi ko, sabi niya, “Buntis man ako.” Sabi ko, “naloko na!” [laughs]. “Uwi ka na lang dito”. Iyan ka-simple ang buhay ko, magpunta kayo, makita ninyo ang bahay ko. Bakit? Magtiis kaya ako kung meron?
Ganito iyan, iyan tingnan ninyo iyong IBAA, pinasok ko iyan sa ‘Double Your Money.’ Tignan ninyo, I encourage every one of you. Kasi sabihin mo lang “paki-silip iyang kay Duterte”. Kasi iyon, I was a prosecutor in a very troubled place. I knew na patayin talaga ako. Kaya sabi ko, one of these days, matamaan talaga ako nito. But because I love my country, more than anybody else, tinanggap ko iyong challenge and even iyong Tanodbayan where I have to travel around Mindanao most of the time. It was really my—

 

Kaya ako noon, pag sabi ko, do not (expletive) with my country, because I will kill you. Now, find me a law, international law, internal regulation that says that I cannot say those words as a leader of a country? Is it wrong to say to protect my country and to threaten you? I have every right to threaten anybody who’d attempt or actually destroy my country, I will really kill you. Ito namang masabi ko, do not— walang milyonaryo dito. Bakit? Ito, magprangkahan tayo.



 

When you reach 78, 79, 80, 81, 82, pagka nagkasakit ka, iyang pension natin sa gobyerno, sapat kaya iyan? We have to eat and you have to eat with your family, lalo na may mga grandchildren ka, maluwang ka sa pera, lalo na sa apo, maghingi ng ganito. You think iyong pension natin will last? If you get to live when you retire, would you get to live for fifteen years, do you think you have the money to support yourself? Who will buy the oxygen for you? Who will pay the antibiotics? Who will pay for the blood chemistry, it’s P5,000 isang tusok lang?

 

Sino? Sino ang maglibing sa inyo? Sinong magbili ng kabaong niyo? It’s our children. Masuwerte tayo, kung ang mga anak natin mabuti, but how about the others? Ang masakit sa akin, maniwala kayo, okay lang ‘pag hindi, iyong mga OFW, because some of them endure rape every night. Because in other country, there are countries, ayaw kong sabihin, that when you are there as a helper or as a slave brought from the slave markets of Africa, you are treated as a slave, and you can be used, tapos pinapakain pa basura. Hindi naman lahat. I’m trying to say, Middle— hindi ko na sabihin sa inyo, nababasa ninyo iyan. Na ang pagkain makatulog lang, alas dos, alas tres. The most humiliating degradation of— yong gamitin ka ng mister; iyong anak na may anak na binata; tapos, iyong bayaw ng (expletive) iyon. Gamit lahat iyan. Kaya alam nila, kaya pinapakain nila ng pills eh. Hindi naman lahat, hindi ko nilalahat, hindi lahat, ganoon. Pero iyong dito ma-assign ka ng— gaya ng Abra ganoon, ah patay. Riyadh, wala, wala iyan kasi—



 

Ngayon, magpakamatay ang trabaho—ang tatay sa ibang lugar, engineer sa construction. Dito iyong— they keep sending money hoping to— na ang mga anak nila, makapag-aral. They are now the targets of the small sindikato, from the big syndicate kasi alam nila na ito may steady pera. Ang market ng shabu, hindi mayaman. Ang mga mayaman, cocaine iyan pati heroin. Walang mayaman dito na naggamit ng shabu, ang market nila, ang mahirap.

 

Konti-konti lang iyan, pero buong Tondo, sige man, Sta. Ana. Eh pardon me for saying this but it’s a— sabi ko nga, do not be offended because you know I have a Chinese grandfather and a Maranao mother, so no problem. Murag Inintsik gani ginagmay lang volume. Hindi iyong malaki. Sige, ginagmay, kasi alam nila, marami eh. Now, itong bata na ito, targeted dito sa ano, pabilihan nang pabilihan hanggang magbigay. Maisip ko lang na ang nanay, hini— ang tatay, magkaroon na ng spinal problem sa kabigat ng trabaho nila doon.



 

Tapos pagdating dito, for all of their sacrifices, for all of the hardships, and for all the humiliations, pagdating dito, iyong anak nila walang nangyari, bangag pa! Maligayahan kayo? Sabi ko, “(expletive) papatayin ko talaga kayo.” If he cannot demand a pound of flesh, bantay kayo sa akin. Kaya itong mga malaki, (expletive) yayariin ko talaga kayo. Anak ng jueteng— maniw— believe me. I am prepared to go whatever hell or— preso? Hesus maryosep.

 

Tutal, si Aguirre man ang— (laughter). Ito (expletive), kung may kubol iyong mga yawa na iyan, eh ‘di may kubol ako sarili. (laughter). At kung masuwertehan ako, baka may taga-service pa, Secretary of Justice. (laughter). God damn it. Iyan ang ano.



 

So araw-araw ito, hindi ito mahinto, nakikita ko kasi, sinasakyan talaga, [“EJK, EJK, EJK.”] So be it! So be it! Make it the issue all throughout my term. I am not available anymore for reelection. So why should I be intimidated of— itong mga Human Rights, makademanda doon sa— na ito si Gascon. He’s a spokesman of the Liberal. Kita mo naman, araw-araw iyan ang ginagawa, “Teen, teenager.”

 

You know, that day—the day after, rather, namatay iyon si Kian. But because of drugs really are flooding the country and Caloocan, there was a police operation. Pagdating ng pulis, inunahan—dito. Naka—may—may ano, may vest, may protective ano. Tinamaan dito, patay. And one another police sa Surigao. That day, dalawang pulis. Hindi pa ito— kung tingnan mo, hindi talaga ulol itong put—puro pulitika.



 

May nakita sa footage, may dalang maleta, may dalawang two-years old, tangan-tangan niya. Pamangkin pala niya. Nag-check-in sa hotel, he raped the child, chop-chop, nilagay nila sa maleta. Labas siya, wala siyang malagyan, iniwan niya iyong— iyong bata, parang kinilaw.


Ngayon, Bulacan, limang pamilya, ni-rape iyong bulag na nanay, iyong asawa ng anak, tapos pinakialaman pa iyong one-year-old.

 

Tapos, ito na lang. You are familiar with the statistics, especially crime. Tell me honestly, bilangin mo iyong mga victims ng drugs, rape, multiple murder of recent memory—police. How many police, drug connected, na namatay sa akin? Ilang pulis ko? 32. Bago lang iyan, sa akin lang iyan, 32. Or 32 if you want to—


Army, marami. Kasi doon sa Mindanao, pag-break mo ng ano, kung ang pulis, patay. Ang kaharap niyan M-60 eh, it has to be— ang mag-entry is always the Army. Mas maraming patay sa Mindanao na military sa drug-connected raids.

 

I think, sa military, almost more than 100, kasi minsan tapunan ng IED eh. Kaya iyong sa Marawi, ano ang umpisa noon? ‘Di ba, a drug personality was being taken in and they were not able to do it because lumabas na iyong armas, at bakit ganoon karami? Sabi ko sa inyo, ito— Ayan si Delfin oh, noong ako ang nagtawag ng command conference for the first time, we were talking almost everything. Terrorism, threats from the outside, pagkatapos, there was this drug pero statistics.



 

Bago magtapos sabi ko, “Ayan si Defense Secretary. Gentlemen and the ladies, iyong mga— sabi ko na, “I think we forgot to really discuss, I see the dark clouds looming in the horizon.” And I told them prepare for the coming of the ISIS and extremism, extremist na kasi ang Abu Sayyaf. Sinabi ko sa kanila iyan. Then, I bought plenty of it, ISIS. Binigay ko sa kanila lahat, sabi ko “a must reading.” A must read for everybody, police pati military. Basahin ninyo iyan and prepare, dumating nga.

 

Now, why are— what’s taking us too long? Sabi ko nga sila, they have to revise the doctrine after this, mga doctrines nila, because ang training ng mga Scout Rangers, mga rivers, ganoon. But it ain’t so now! Kita mo ang giyera ng Iraq, Syria, Libya and it took them to take Aleppo and itong Mosul, until now, kasi there is a natural cover, concrete building. So they were positioned there. I’ve lost about, mga two thirds sa sniping. Nandoon lahat ang barrett. Iyong barrett that you can— take you down in almost a kilometer and a half, kaya kang tamaan, mayroon sila.



 

Kaya ang casualties ko, bilangin muna nila iyan. What was really funding the terrorism in Mindanao as I have told you before repeatedly in my— drugs. That is why, nagkalat sa Bisayas ang malaki, ang tinamaan ang Leyte, marami ang bangag na diyan. Wala na talagang silbi iyong utak, iyong Albuera              Mayor, iyong si Espinosa, (expletive) yawa na iyon, siya iyon eh, Eastern Visayas. Western Visayas, Odicta. Iyong mag-asawa na pinatay diyan sa Pier, galing Batangas yata iyon. Then ito si Mabilog, sumibat na ang loko-loko.

 

Kaya gusto ko nga na mabigyan sila ng briefing pero— National Security. I’ll just invite them pati si Drilon, pinsan kasi niya iyan si ano eh, na they are worried oh, you are worried about the extrajudicial killing? Count the number of Filipinos and children who lost their lives for nothing sa drugs.


Rape? Mayor pa ako, 18 months pamangkin niya, kinuha niya doon sa nanay. Ito ba iyong pamangkin ko? Tapos, nawala bigla, eh hindi— “Oh kamusta ka? Kamusta?” maya-maya wala, hindi na makita. So, everybody started to— na-ano, iyong party nila only one meter away, nakita nila iyong bata, buka na iyong abdominal cavity, talagang bumigay, nandoon ako eh.

 

Alam mo, ang (expletive) noong, tinanong ko siya, “Bakit mo naman ginawa iyan?” Alam mo ang sagot niya? “Ito, gusto ninyong i-cut? Okay lang.” Ah ganoon, bangag eh. “Ah, ganoon talaga ako, Mayor, pag naabutan ako ng gusto, iyong kambing namin, iyon na lang ang hinihindot ko.” Ikaw, Mayor ka, sagutin ka ng ganoon, anong gawin mo? Sagutin mo ako ng ganoon? Sus maryosep.



 

Kasi noong isang araw, ano ba iyong bago na pinagyabang niya? “Eh durog ako eh!” He committed a crime, anong— nakalimutan ko na lang. Mas matanda ako sa lahat sa kanila eh. I think, it was about rape again or killing and—tapos, ah iyong nagdala ng ano, iyong nag-chop-chop ng bata, tingnan mo ang sagot niya. Tinanong ko siya, “Adre, anong ginawa mo, ‘adre? Bakit mo naman ginawa iyon?” “Eh, nakaano ako eh, basag ako sa droga eh.” (expletive) niya, buti ka, hindi ka umabot ng Davao sa ganoon ang sagot mo sa akin, na pareha ka doon sa hindutero ng kambing, bullshit kayo! That will be— that will— you must have heard me.

 

Mga classmate ko, walang— kilala nila ako; mga brods ko, kilala ako. That is my characterization of my administration, talagang ano ako sa crime. Sabi ko sa inyo, there will be no corruption. Marami na akong— even iyong kasama namin, I fired one in—during a Cabinet meeting. Iyan, kami nila Delfin, kami ni Vit. Sabi ko, “You’re fired! Go out of this room.” Sabi ko, “I do not want to see you, son of a bitch, umalis ka!” Iyong harap-harapan and lying to his teeth, tapos, ganoon ang isagot mo sa akin.



 

Lahat ng corruption, pati iyong si Paner, iyong babae na— who— ah ganoon iyan eh, ‘pag pinaalis mo, magpunta kaagad sa oposisyon. Ano ba naman, Sugar Regulatory Board, mag-employ ka ng mga kaibigan mo, ilagay mo 200,000 a month, mga consultants, nabuang ka?


Eh ang suweldo ko nga noon, 47,000. Ang (expletive) iyan. Buti ngayon, in-increase-an, naging 100 na. So ilan lang iyang 100? Tag-50 ang isang pamilya. Kaya ang para sa akin? Kaya sabi ko, “What was really my complaint?” Maliit ang suweldo, totoo iyan! For my needs, maliit talaga. Two families eh, hindi naman matanda lahat. Iyong bunso ko, sabi ko, nasa nanay niya, eh iyong apo, dumami na lalo.

 

Iyan si Conchita Morales, kapatid iyan ni Mans, son-in-law ko, pero iyong lahat idenimanda mo, puro naman oposisyon. Magdemanda ka naman ng isa o dalawa diyan, eh sus. Pati, lahat! Hindi ako nag-ano ha, well, kahit pa tanungin mo iyang mga classmate ko? ‘Pag sinabi ko (expletive) ka, (expletive), anong pakialam ko?



 

Ewan ko kung— I do not know if I’m an added blessing to the country of the Republic of the Philippines or I’m a burden for the people. But I can assure you, eh nandiyan na ako eh. There will be no corruption, wala iyang mga deals na mga ano. That’s why, I fired this guy. Go into Austria to buy a bumbero, truck, 18 million? Sabi niya, grant! Grant is pag gi-grant ka ng pera, when it is a grant and accepted by the Republic of the Philippines, it becomes public money even if it’s a grant from Austria, if its public money, you have to go into the bidding process. Huwag mo akong bolahin, mas marunong ako sa iyo.

 

Kaya nga, matagal ako sa eskuwelahan eh kasi natuto ako ng lahat ng pagnanakaw, lahat! (laughter) Tapos, bolahin mo ako? Naalala ko tuloy si Justice Solidum. Sino gane yung Laurente, iyong classmate natin? Eh ang ma-pronounce niyan ni Justice Solidum, kayong hindi na ma— last syllable lang. Te? (expletive) Laurente, pati ako, tindig. (laughter) Sabi niya, “God damn it, I did not call you!” Sabi ko, “Sir, I thought, sir, my name was called,” “Ah, because you are always talking there. I have observed you always a talkative, God damn it, come here, sit here in front!”


Pagdating ko sa front, sabi niya, “Okay, you are a showoff. Recite!” Eh ‘di pinatindig niya ako. Eh ‘di ganoon ako. “Recite!” Sabi ko, “There is no question yet, sir.” (laughter) Ah sabi niya, “God damn it! Duterte, do not scratch your head and distribute your dandruff. Leave it on your head because that’s only one that you have.” (laughter)

 

Ang buhay, talagang malupiteh. Kami nga, dumaan diyan ng mura. God damn it, you—


Kaya ako, pag magalit, mini-mimic ko si Solidum. ‘God damn it!’ Pero ano iyon? Lahat kami sa remedial law, ang dali namin natapos, sa remedial law. Kasi do not scratch your head and distribute your dandruff in the room. Leave it on your head because that’s only one that you have.
Thank you! (applause).

* * *




Yüklə 72,01 Kb.

Dostları ilə paylaş:




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin