I revenged on a Playboy



Yüklə 2,22 Mb.
səhifə15/22
tarix31.10.2017
ölçüsü2,22 Mb.
1   ...   11   12   13   14   15   16   17   18   ...   22

"Ako na nga lang bahala. Lasagna nalang siguro. Lagi kong nakikita na ganun yung kinakain mo every lunch break eh." Thanks, Dwayne! Kung di siguro sya nagsalita, baka maiyak na naman ako.

"Ah. O-oo. Sige. Thank you." I said then gave him a forced smile.

Kaming tatlo nalang ang naiwan dito sa table. Kaharap ko si Ms. Cleavage. Katabi naman nya si Zoid.

"Hmp. Why ang tagal naman ng bestfriend mo atsaka ni Vince? Baka naman they're making miracle na sa classroom. What do you think, Ms. Pretender?"

Wow nemen. Ganda ng tawag nya sa'kin, ah? Nakakasakit >___<

"Oo nga eh. They're so matagal. Pero FYI, Yat is not like you naman. So, I'm pretty sure na they're not making miracle sa classroom. Am I right, Ms. Cleavage?" At talagang inartehan ko din yung pananalita ko, ah? Hahahaha.

And as usual, napairap nalang sya. Akala nya papatalo ako? Tsk. No way!

Nilapag niya sa table yung paper bag na kanina pa nya hawak-hawak. "Babe, me nalang bibili ng lunch mo, okay? Pinag-bake mo naman ako ng LASAGNA eh. I'll treat you nalang in a return." Pang-iiba nya ng topic. At talagang in-emphasize nya pa yung word na Lasagna.

Nilabas nya yung lunch box sa paper bag. Transparent yung lunch box, so kitang-kita ko yung laman.

Gaaaa~ I'm craving for that lasagna made by Zoid. Kita ko rin na ang daming melt cheese on top.

(@___@,)

"Bibili na 'ko ng lunch mo, babe huh? And pakibantayan na rin. Baka may UMAGAW ng LASAGNA KO na binake ng BABE KO PARA SA'KIN." She said smirking at me then left.

Kaming dalawa nalang ni Zoid ang naiwan dito sa table.

AWKWARD..

Ang tagal naman nila Yat at VJ. =___= Siguro mas awkward ang atmosphere kung magkaharap kami. Buti nalang, hindi kami magkaharap.

Tumingin ako sakanya, at booooom!!

>/////<

Gosh. I'm so kinikilig. Grr.. nahahawa na ata ako sa pagiging conyo ni Chloe -.-

Nahuli ko syang nakatingin sa'kin, then bigla syang umiwas ng tingin. Gaaa... napangiti naman ako dun.

This time, ako naman yung biglang tumingin sa iba. Paano ba naman, nahuli nya akong nakatingin sakanya. TAKE NOTE: Todo ngiti pa ako.

Tsk. Lugi naman ako! Nung nahuli ko sya, di sya nakangiti. Naka-poker face lang. But me, todo ngiti. Mukha tuloy akong engot. (-__-)

Pero teka.... may naalala akong text message.

It says na : Kapag nahuli mo ang crush mo na nakatingin sa'yo, lagi mong tandaan na hindi mo sya mahuhuli kung hindi ka nya titignan. In short, CRUSH KA NYA!

Di kaya...........

Mahal nya pa rin ako.

WAAAA~ Sana nga!

*confetti*

*confetti*

Nawala bigla yung saya at kilig na nararamdaman ko nang maalala ko na galit pala sya sa'kin. Well, GALIT NA GALIT is the right definition, right?

Sabi pa nya, 'BELIEVING YOU IS IMPOSSIBLE TO ME NOW'

Oo. OO agad ang sagot ko. Ang engot ko lang eno? Tinatanong ko ang sarili ko, eh alam ko naman ang sagot. Haha. Basta, gagawin ko ang lahat magkaayos lang ulit kami.

"ZAI! TULALA KA!"

"AH-HAAAA?" I immediately covered my mouth. Napasigaw ako. Gosh. Nakakahiya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dito. "S-sorry po (^___^)V" Sabi ko nang naka-peace sign.

"Grabe ka, Zai. Kung anu-ano ng nangyayari sa'yo. Okay ka lang ba?" -Yat

Andito na pala sila. Nakabili na nga sila ng lunch nila eh. Napansin ko rin na may lasagna sa harap ko na nasa plate. In short, kompleto na ang lahat. Kumakain na nga si VJ at Chloe eh... pati si Zoid at Dwayne.

"Hehe. Wag mo na 'kong pansinin. Gutom lang 'to. Ahehehehe. Kain ka na."

Nag-nod nalang sya then kumain na.

Ganito sitting position namin :

VJ- Zoid- Chloe

Yat- Dwayne- Me

Habang kinakain ko yung lasagna ko, di ko maiwasang mapatingin sa kinakain ni Chloe.

(@___@,)

Gusto ko nyan! Yan ang lasagna na pinakamasarap eh! Ang dami-daming cheese. Argh. I'm really craving sa lasagna ni Chloe!!! Penge!!! TT___TT

"Zai, ano ba'ng ginagawa mo dyan sa pagkain mo? Durog na durog na."

"Huh?"

Bigla akong napatingin sa pagkain ko. Nalamutak na. Psh -.-

"Babe, may chocolate ka dito oh..." Sabi ni Chloe kay Zoid.

Chocolate cake kasi yung kinakain nya eh.

"Where?" Zoid asked habang kinakapa-kapa yung gilid ng lips nya.

Nilibot ko yung paningin ko sa mukha ni Zoid. Wala naman eh!

"Here oh.." tapos.....

*tsup*

O____O -> mukha naming lahat including Zoid

^_____^ -> Mukha ni Chloe

"Uhmm.. e-excuse me. Cr lang ako." I excuse myself then left.

Pumunta ako sa oval, kasi alam kong walang tao dun ngayong oras kasi mainit.

Umiyak lang ako ng umiyak. Ganito ba talaga kapag inlove? Masakit?

"Here." Napataas ako ng tingin. Napapikit pa ako dahil tumama yung sinag ng araw sa mata ko.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Alam ko naman kung sino sya eh. Kilala ko yung boses nya.

"VJ...." Napahagulgol ako ng iyak.

"Sige lang. Iiyak mo lang." He said seriously then hugged me. I hugged him back then leaned my forehead against his chest.

"Baka mabasa ko yung *sob* uniform mo."

"Okay lang. May extra ako sa locker room. Umiyak ka na. Dalian mo hagga't mabait pa 'ko."

Napangiti ako saglit tapos umiyak lang ng umiyak. It was so embarrassing cause I was sobbing like a child.

Nung napagod na 'ko sa kakaiyak, I let go from the hug, then wiped my tears. Feeling ko, singkit yung mata ko. Parang inaantok pa ko.

"Ba't ka andito?" I asked na parang walang nangyari.

"Ayaw mo?"

"Hindi naman. Pero si Yat?"

"Andun, inaaway si Chloe. Iniwan ko muna sila dun. Bahala na sila pinsan at Dwayne umawat sakanila."

I chuckled. Nai-imagine ko kasi kung pa'no magbubunganga si Yat kay Chloe eh. Ang sarap talaga kapag may bestfriend.

"Alam mo ba kung bakit ayaw ipagsabi ni Zoid na may heart disease sya?" He asked out of nowhere. Nakatingin lang sya sa malayo. Seryoso. Minsan ko lang sya makitang seryoso. And first time is yung umattend kami ng birthday ni Mary Joy. Yung kinakabahan daw sya kasi ayaw magpaawat ni Zoid sa kakainom ng alak, eh bawal pa naman yun sakanya.

"Hindi."

"Ayaw nya kasing kaawaan ng mga tao. Ayaw nya rin na iba yung maging treament sakanya." He paused for a bit. "Alam ko, hindi ako ang dapat na nagsasabi nito sa'yo eh... pero alam mo ba na... ayun yung reason ni Zoid kung bakit sya naging playboy? Alam ko kung sino ang first love nya. Nakakatawa nga eh. Alam mo kung bakit?"

I shook my head. Itanong daw ba sa'kin? Ano namang alam ko, diba?

* Flashback *

Vince's POV

Ang galing naman ni Author! First time kong magka-POV , tapos sa flashback pa nilagay? Tsk. Ansama. Pero pwede na rin. Kesa naman sa wala diba? Ahahahaha

1st year highschool ako nun pati si Zoid. Pero magkaiba kaming school na pinapasukan.

Nasa kwarto ako at naglalaro ng temple run sa tablet ko ng makarinig ako ng malalakas na footsteps at alam kong papunta yun sa kwarto ko.

"PINSAN! PINSAN!" Sigaw sya ng sigaw habang pumapasok sa kwarto ko.

Di ko sya pinansin, tinuloy-tuloy ko lang yung paglalaro ko.

"PINSAAAAAAAAN!!!"

"ACCCCCKKK." Nabitawan ko yung tablet ko nang sigawan nya 'ko sa tenga. Ang sakit >.< . Kinuha ko ulit yung tablet ko at....

TAENA NAMAN!!! RUN AGAIN! LETSE! Highscore na ko eh!

"Pinsan, makinig ka sa sasabihin ko." He said excitingly.

"Ano yun? Babae na naman? May bago ka na naman?" I asked him sarcasticly. 1st year highschool palang yan, napaka-playboy na agad. Pero sinabi nya sa'kin ang dahilan kaya naiintindihan ko sya.

"Alam mo ba, nakita ko na ang girl of my dreams." Sabi nya habang tumatalon-talon sa kama ko. (Bata pa eh)

"Di bagay sa'yo! Tigilan mo nga yan! Sino ba yang babaeng yan, huh? Mukhang maganda ah. Pers lab mo, pinsan eh!"

"Oo! Maganda talaga. Ang bait pa."

"Talaga? Nililigawan mo na ba?" I asked casually. Ganyan kasi yan kapag may nagagandahan syang babae. Liligawan nya agad, then BOOM! Isang sabi nya lang ng 'can you be my gf?' Sila na agad.

"Hindi eh."

Nagulat ako sa sinagot nya. Napaka-imposible naman ata nun.

"Maniwala!"

"Oo nga. Para kasing.... para kasing nahihiya ako eh.." At nag-blush pa!

"Wahahahah~ Pinsan, try to look at yourself in the mirror! You're blushing. That's so gay! Ahahahahah~"

Sumakit na yung tyan ko sa kakatawa nung makita syang nagba-blush. First time kong makita syang ganun.

Akala ko talaga, gagawa na sya ng move sa first love nya. Pero hindi eh. Nag-2nd year at 3rd year kami, di nya pa rin nililigawan yung babae. Masaya na daw syang makita yung first love nya.

Tinanong ko rin sya kung kilala sya nung girl, pero sinabi nya na hindi.

Everytime na pupunta ako sakanila, lagi ko syang nahuhuli sa kwarto nya na tinititigan yung ginawa nyang scrapbook na puno ng pictures ng first love nya. Lagi syang nakangiti.

Ako lang ang nakakaalam kung sino ang first love nya. Ako din ang nakakakita ng mga ngiti nya, pati na rin kapag namumula sya kapag topic namin ang first love nya.

Ibang Zoid kasi ang pinapakita nya sa ibang tao. Yung Zoid na malakas at matapang. Pero masaya ako kasi di sya natatakot na ipakita at sabihin sa'kin ang weakness nya.

Kaya ako nag-transfer sa DH Academy, para ako na ang mag-love bridge sakanila nung first love nya. Gusto ko kasi syang maging masaya.

* end of flashback *

Zai's POV

"So, yun lang? Natawa ka na?" -ako

"Oo. Kung nakita mo lang kasi kung pa'no sya magblush, matatawa ka din. Hahahahaha~"

"Eh, sino ba yung first love nya? Sabihin mo! Babanatan ko!"

"HAHA. Si---------"

"ZAI, VJ!!! ANO BA!! TAPOS NA YUNG LUNCH BREAK! LAGOT KAYO KAY MA'AM! KANINA PA KAYO HINAHANAP!" -Yat

Tumayo na si VJ at nagsimulang maglakad, kaya tumayo na rin ako at hinabol sya.

"Teka, s-sino yung first love ni Zoid?"

"Bakit? Bubugbugin mo?"

"Basta. Bahala na. Sino nga?"

"Secret. Tanong mo nalang sakanya." Sabi nya sabay takbo para makalapit kay Yat.

Kaasar. Ayaw pa sabihin. Tsk.

Sino kaya?

(A/N; Oo nga naman. Sino nga kaya yung first love ni Fafa Zoid? Sorry kung sobrang tagal ng UD. Nakakatamad eh. Pengeng comments. Pampagana mag-UD. Ahehehe.)

Chapter 29

*The fight*

Dismissal ~

"Zai, may kukunin lang ako sa locker ko. Ikaw?" -Yat

"Wala naman tayong homeworks ngayon, kaya wala akong kukuning libro sa locker." -ako

"Ah. Antayin mo nalang ako dito or sumama ka nalang sa'kin papuntang locker room, then uwi na tayo?!"

"Hmm. Dito nalang kita antayin."

"Sige. Kaw bahala. Ge, wait mo nalang ako dito." then umalis na sya. As usual, kasunod si VJ.

Haist. Buti pa sila.

Anyway, andito pa rin ako sa classroom. Kokonti nalang ang tao dito, kasama si Chloe. Si Zoid, lumabas saglit. Si Dwayne naman, umalis na agad. May practice daw sila sa basketball.

"Petender, who gave that ring to you?" Biglang tanong ni Ms. Cleavage.

Nakaupo ako sa armchair ko, sya naman, nakatayo sa harap ko.

"Si Maboy slash Louie ko. Couple ring namin 'to eh. Why you ask?"

"Couple ring? Tsk. Why you still sinusuot that ring pa rin?"

"Wala kang paki! Nai-insecure ka lang!"

"Me? Insecure? Ha! Baka IKAW ang nai-insecure sa'kin! Tanggalin mo na nga yan! Wala na naman kayo ng babe ko eh! I'm her girlfriend now and not you!"

"Ano ba'ng paki mo, huh? Nag-uumpisa ka na naman eh! Nanahimik ako dito nakaupo, umeepal ka na naman!" Napatayo ako sa inis. Pustahan tayo, nakatingin na sa'min yung mga nandito pa sa classroom.

"I'm not EPAL! It's you who is EPAL! Pinapatanggal ko lang naman yung ring mo 'coz it's so masakit sa mata!" Lumapit sya sa'kin tapos hinila yung kamay ko. Pilit nyang tinatanggal yung singsing sa daliri ko.

"HOY, ANO BA! BAKIT BA GUSTO MONG TANGGALIN KO 'TO, HA?" I yelled at her.

"BECAUSE, WALA NA KAYO! Dapat mo nang tanggalin yan, kasi wala na kayo! Sya nga hindi na sinusuot yung couple ring nyo eh. Why? Kasi hindi na kayo COUPLE AT HINDI KA NA NYA MAHAL! KAYA DAPAT MO NG ALISIN YAN! AKO ANG DAPAT MAGSUOT NYAN, KASI AKO ANG GIRLFRIEND NYA NGAYON!"

"AYOS, HA! So, lumabas din ang totoo. Gusto mo na mapunta sa'yo 'tong singsing na 'to kaya mo pinapatanggal sa'kin. Diba sabi mo, GIRLFRIEND KA NI ZOID? Bakit? Ayaw ka ba nyang bilhan ng singsing, kaya etong akin ang inaagaw mo? Atsaka, di bagay sa’yo ‘to! May naka-engrave na ZL COUPLE sa ring na ‘to, kaya it doesn’t fit you. Para sa’kin lang ‘to!"

Hindi sya sumagot. Hinila nya ulit yung kamay ko at pilit na inaalis yung singsing sa daliri ko. Syempre, hindi ko hahayaan na mapunta sakanya 'to. Zoid gave this to me and this is my treasure.

Nung napansin nyang ayoko talagang ibigay sakanya yung singsing, inangat nya yung kamay nya papunta sa buhok ko at sinabunutan ako. Sinabunutan ko rin sya.

Parang wala akong nakikita. Nandidilim ang paningin ko. Ang alam ko lang, nagsasabunutan kami.

Kinalmot nya ko sa pisngi, kaya naman tinuhod ko yung sikmura nya at hinila ng mas madiin yung buhok nya. Kinalmot ko rin sya sa mukha tapos gigil na sinabunutan.

Ang sakit na nga ng scalp ko, but I just ignored it. Ang hapdi na rin ng leeg at mukha ko dahil sa kalmot nya. Pinagkaka-kalmot ko rin sya, para hindi lang ako ang mag-mukhang kawawa kapag natapos kami.

Nararamdaman ko rin na may humihila sa'kin sa braso, meron ding nakahawak sa waist ko. Ang daming umaawat sa'min, pero hindi kami mapaghiwalay.

"FCK! STOP IT!"

Automatic na nabitawan ko yung buhok ni Chloe nung narinig ko yung boses ni Zoid. Nagkatitigan kami saglit pero bigla akong bumagsak sa sahig nang hilahin pababa ni Chloe yung buhok ko. Alam kong tatama na sa sahig yung ulo ko, pero agad na may sumalo sa'kin.

"Zai, ayos ka lang?" Tanong ni VJ. Sya yung nakasalo sa'kin.

Di ko sya pinansin. Dumiretso ako ng tayo. Tumingin ako ulit kay Zoid. Nakayakap na si Chloe sakanya ngayon. Hindi ko mabasa yung face expression nya, basta nakatingin lang sya sa'kin.

"Babe, that pretender is yung nauna! It's not me, babe. Look oh, ang daming kong kalmot. Tinanong ko lang naman kung pwede akong sumabay sakanya, pero bigla nalang nya hinila yung hair ko. My scalp is so masakit. I'm trying to be nice with her naman eh!"

Hindi na 'ko nakipagtalo pa sakanya. Hinayaan ko nalang muna sya. I checked every finger of him, but there's no ring at all. Tama nga si Chloe, tinanggal na nya

Naglakad palapit sa'kin si Zoid, sumusunod naman sakanya si Chloe.

"Bakit mo ginawa yun? Ano na naman bang plano mo, ha? Bukod sa lokohin ako, may iba ka pa bang plano?" -Zoid

"Hindi! Hindi naman ako yung nagsimula eh. Sya! Sya yung naunang manabunot sa'kin. Nanahimik akong nakaupo tapos-----"

"STOP! Do you think I will believe you? Sino ka ba talaga, ha? Bakit napakagaling mong magpanggap? Bakit ang galing mong umarte at magbait-baitan------ *PAK*"

"BABE/ZOID!!!!" Sabay kaming napasigaw ni Chloe nang suntukin ni VJ si Zoid. Lalapit sana ako sakanya para tulungan sya, pero pinigilan ako ni VJ.

"Hayaan mo sya, Zai. Sumusobra na sya." Seryoso nyang sabi. Hinawakan sya ni Yat sa balikat para pakalmahin.

"WHAT'S HAPPENING HEEEERE???"

Patay. Dumating yung TERROR PRINCIPAL ng DH Academy. Bakit hindi nalang ibang teacher yung nakahuli sa'min?

"It's her! She started it, ma'am." - Chloe

Gusto kong ipagtanggol yung sarili ko, pero hindi ko magawa. Parang gusto kong umiyak, kasi si Chloe ang kinakampihan ni Zoid ngayon.

"TWO OF YOU!" She pointed at me and Chloe. "GO TO MY OFFICE, NOW!!!"

Pagkasabi nya nun, sumunod agad kami. Baka lalo pang magalit eh. Parehong wasted ang mukha namin ni Chloe.

***

"I am so disappointed in two of you, girls! Ikaw Ms. Smith, new transferee ka palang, ganyan na agad? And you Ms. Alvarez, kelan ka pa natuto makipag-away, ha?"

"But Mrs. Principal, it's her who started it not me!!" -Chloe

"No, Ma'am! She started it!" - ako

"It's you kaya!" -Chloe

"Liar! Nanahimik ako dyan tapos bigla mo 'kong inaway! Epal!"

"I'm not epal sabi eh! Ikaw naman talaga ang nagstart, ah!"

"STOP!"

Sabay kaming napatingin kay Ma'am na ngayon ay lalong nagagalit ang itsura.

"I don't care who started it! Both of you, I need your parents tommorrow here in my office!"

"Ma'am, please wag po. I don't want to disappoint my parents." -ako

"Sana naisip mo yan bago kayo nag-away ni Ms. Smith, Ms. Alvarez."

"Pero Ma'am-----"

"Enough. Papuntahin nyo ang parents nyo dito sa office ko bukas. Is that clear?"

"Yes, ma'am."

"Good. Makakalabas na kayo."

"Thank you po." Nakayuko kong sabi. At si Chloe? Ayun, dire-diretso sa labas. Wala talagang manners -.-

Pagkalabas ko, nakita ko sila VJ, Yat at Sophi na nag-aantay sa labas ng Principal's office room. Yeah right, hindi kami na-guidance. PRINCIPAL OFFICE AGAD! Ansaya diba?

"Zai, what happened? Naku, pasalamat yang Chloe na yan at hindi nyo ko classmate. Naku... nanggigigil ako!" -Sophi

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa unahan kami ni Sophi, si Yat at VJ naman ang nasa likod namin. Nag-uusap sila.

"Chilax ka lang, Sophi."

"Fine. Sabi mo eh."

"Pa'no mo nga pala nalaman na nag-away kami ni Cleavage?"

"Cleavage? Ahaha. Well, narinig ko eh. Tsk. Ang sarap ng panonood ko kay Dwayne na nagpa-practice ng basketball eh. Alam mo ba, ang hot nya talaga. Ahihi."

Tumawa nalang ako. Nakakatawa talagang kiligin 'tong si Sophi. Ahaha. Pagkalabas namin ng school gate, nakita ko si Zoid na kausap si Chloe. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Well, nagpaalam ako kila Sophi na kakausapin ko si Zoid. Gusto kong magkaayos na kami.

Zoid's POV

Naglalakad ako papunta sa music club. Hindi na ko nag-antay sa labas ng principal's office gaya ng ginawa nila VJ. Eh, sino namang aantayin ko dun? Si Chloe? Tsk. I'm just wasting my time.

Nang nakarating na ko sa music club, nilapitan ko agad yung instructor namin. Aalis na ko sa club na 'to. Actually, lahat ng club na kasali ako. Nakapag-file na ako na magq-quit na ako sa lahat ng club ko, eto nalang ang hindi pa.

Kataloq: uploads
uploads -> Azərbaycan Respublikası Kənd Təsərrüfatı Nazirliyi Azərbaycan Dövlət Aqrar Universiteti adau-nun 80 illik yubileyinə həsr edilir adau-nun elmi ƏSƏRLƏRİ g əNCƏ 2009, №3
uploads -> Mühaziry riyazi mYntiqin elementlYri
uploads -> AZƏrbaycan respublikasi təHSİl naziRLİYİ azərbaycan döVLƏT İQTİsad universiteti magistratura məRKƏZİ
uploads -> AZƏrbaycan əraziSİNDƏ İBTİDAİ İcma quruluşU
uploads -> АзярбайжАН РЕСПУБЛИКАСЫ ТЯЩСИЛ НАЗИРЛИЙИ азярбайжан дювлят игтисад университети
uploads -> Mövzu Fənnin məqsədi və vəzifələri
uploads -> Marketinq fənni üzrə İŞÇİ TƏDRİs proqrami
uploads -> Asm-nin iqtisadiyyatı və idarə edilməsi
uploads -> Təqdimatların hazırlanması (Powerpoint, Word, Excel)

Yüklə 2,22 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   11   12   13   14   15   16   17   18   ...   22




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə