I revenged on a Playboy



Yüklə 2,22 Mb.
səhifə16/22
tarix31.10.2017
ölçüsü2,22 Mb.
1   ...   12   13   14   15   16   17   18   19   ...   22

"Sure ka ba na aalis ka na, Zoid?"

"Opo, Sir. Nico. Kailangan ko na pong umalis sa lahat ng club ko. Bawal na daw po akong ma-stress sabi ng doctor ko."

"Oo nga, iho. Pansin ko nga na lumalaki na yung eyebags mo. Ano ba yan? Love life? Haha."

I just laughed. Gusto ko sanang sabihin na OO, pero wag nalang. At kung itatanong nyo kung alam ba nya yung sakit ko, ang sagot ko ay oo. Lahat ng teachers and school stuffs dito, alam. Ofcourse, malalaman nila yun sa medical record ko.

"Oh sya, kahit ayokong umalis ka.... eto pirmahan mo."

Matapos kong pirmahan ang kung anu-ano, we said our goodbyes then umalis na ko.

Papasok na sana ako sa kotse ko, nang biglang...

"BAAAAAAAAAAAABE!" Then she hugged me from behind.

"Babe, hatid mo ko sa house namin."

"May driver ka." I said at pilit na tinatanggal yung pagkakayakap nya sa'kin, pero lalo pa nya itong hinihigpitan.

"Di pupunta yung driver ko eh. So, you nalang kasi."

Alam ko namang di nya pinapunta yung driver nya, para ako ang maghatid sakanya pauwi sakanila =___=

"ANO BA! Lumayo ka nga sa'kin!"

"Amp." Lumayo naman sya sa'kin.

I spun and faced her. "Ikaw! Bakit mo kinuha yung lasagna ko kanina, huh?"

Oo, kinuha nya yun. Di ko naman talaga yun binake para sakanya eh. Bigla nalang nya yun kinuha sa bag ko nung nakita nya. Pero hindi ko nalang sya sinita kanina, kasi baka mapahiya sya. Ayoko naman na mapahiya sya kasi babae pa rin sya.

"Why? Para kanino ba yun, ha? Para kay Pretender?

Di ako nakasagot. Ayun kasi ang naisip ko kaninang umaga. Nag-bake ako ng lasagna para sakanya. Ilalagay ko sana yun sa locker nya secretly o kaya sa bag nya.

"Why hindi ka nakasagot? What happened to you na ba, Babe? It is so unlike you! Bakit kasi sya pa, ha? I'm here naman, eh. Di kita lolokohin like what she did to you. Hindi ka nya mahal, Babe. It's me who love you."

Tama sya. Hindi ako mahal ni Zailie. Naggagalit-galitan na nga ako sakanya, para mawala yung feelings ko sakanya eh. Pero bakit ganun? Parang ayaw mawala?

"Speaking of the pretender." Sabi ni Chloe habang umiirap.

"Zoid, pwede ba tayong mag-usap?" -Zai

"Hindi." I answered quickly.

"Please...."

"Ayaw nga daw nya eh. Deaf ka ba?" -Chloe

"Zoid, makinig ka muna sa'kin........ hindi ko alam kung pa'no ko hihingi ng sorry sa'yo, pero gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ko."

"Really? Kahit ano?"

She nodded. "Kahit ano."

"NO! HINDI KA NYA PAPATAWARIN, PRETENDER!"

"SHUT THE FCK UP, CHLOE!"

Hinila ko sya papasok sa kotse ko. Sigaw nga ng sigaw si Chloe, pero hindi ko sya pinansin. Di ko alam kung bakit nangyayari sakin 'to. Siguro dahil sa gusto kong gumanti sakanya.

To be continued…..

Chapter 30

*Untitled*

Zai's POV

"Kahit ano." Sagot ko sakanya, tapos hinawakan nya ko ng mahigpit sa wrist at pinapasok sa loob ng kotse nya. Wala syang pakelam kahit sigaw ng sigaw si Chloe sa labas.

Bakit ganun? Parang kinakabahan ako. Diba dapat matuwa ako kasi binigyan nya ko ng chance na makapagpaliwanag sakanya? Pero iba eh. Nanlalamig yung mga kamay ko. Siguro dahil lang 'to sa tuwa. Diba?

Gusto kong magsalita o magkwento sakanya ng kung anu-ano gaya ng ginagawa ko dati, pero parang ayaw bumuka ng bibig ko. Nakatingin lang ako sakanya habang seryoso syang nagmamaneho.

Pinark nya yung kotse nya sa parking lot, tapos lumabas na sya. Nasa loob pa rin ako ng kotse nya. Binuksan nya yung door ng front seat, tapos kinuha yung bag ko na nasa lap ko. After that, hinawakan na naman nya ako ng madiin sa wrist.

Hindi na ko nagreklamo pa. Hinayaan ko lang sya na bitbitin yung bag ko at hayaan sya na hawakan ako ng mahigpit sa wrist.

Habang nasa elevator kami, lalong sumisikip yung pagkakahawak nya sa wrist ko. Sobrang nasasaktan na 'ko TT____TT

Tinitignan ko sya habang ini-enter yung passcode ng unit nya. Ganun pa rin. Hindi pa rin nya binabago. Alam ko kung ano yung passcode nya eh. Sinabi nya sa'kin dati.

Pagkapasok namin sa unit nya, ni-lock nya agad yung pinto tapos inihagis yung bag ko sa couch. Nagulat ako sa ginawa nya. Nandun kaya yung iPhone ko!!!

"T-teka, Zoid! Ang sakit... n-nasasaktan na 'ko." Hindi ko na kaya. Sobra na kong nasasaktan sa pagkakahawak nya sa'kin, kaya pilit kong tinanggal yung grip nya sa wrist ko.

"Z-Zoid... a-anong..."

"Diba sabi mo na gagawin mo ang lahat para lang mapatawad kita?"

"Oo."

"Then, ito ang gusto kong gawin mo. Give me your purity."

O_______O

Whaaaaat?

Hindi na nya ako inantay na sumagot pa. Hinila na nya ako papunta sa kwarto nya. Hindi ako makapagsalita.

He led me to his bed, then kissed me torridly.

He started unbottoning my uniform, then kissed my neck down to my chest.

Nagsisimula na 'kong umiyak. Umiiyak ako kasi nasasaktan ako na nakikitang nagkakaganito sya. Kahit playboy sya, alam kong hindi sya ganito.

Hindi ko sya pinipigilan o kahit ano.

Suddenly, he stopped.

"What? Payag ka? Kapag ba may kasalanan ka rin sa ibang lalaki at ganito ang hinihinging kapalit sa kapatawaran mo, papayag ka din?"

Hindi! Sa'yo lang ako papayag. Because I trust and I love you! I wanna say that to him, but no words came out of my mind. I just cried hard and sob.

"Get out."

"*sob* Z-Zoid..."

"I SAID GET OUT! Ayokong manikip na naman ang dibdib ko ngayon, so please... baka kung ano pang magawa ko sa'yo."

Pinunasan ko muna yung luha ko bago nagsimulang maglakad. Pagkatapos kong kunin yung bag ko sa couch, lumingon ako. Nakita ko syang nakatingin sa'kin, pero agad din syang bumalik sa loob ng kwarto nya.

Hanggang sa makalabas ako ng condominium building, pinagtitinginan ako. Iyak kasi ako ng iyak at humihikbi pa. Pero wala akong pakialam. Paulit-ulit na nagpa-flashback sa'kin ang nangyari kanina.

"Zai, anong ginagawa mo dit---- umiiyak ka ba? Bakit?"

"W-wala. Ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko kay VJ. Nakasalubong ko sya nung paglabas ko sa condominium building.

"Pupuntahan ko sana si Zoid para mag-sorry eh. Di ko sya matiis. Tsk," Tinitigan nya ko ng maigi. Ako naman, todo tago ng mukha ko. "Umiiyak ka eh. Bakit na naman ba? Isara mo kaya yang buttons mo! Si Zoid ba?"

I shook my head habang nakayuko at sinasara yung first three unbottoned sa uniform ko.

"Nagsinungaling pa. Tara nga." He motioned na lumapit ako sakanya. I did, then he hugged me.

"VJ, *sniff* Di ka ba galit sa'kin dahil sa ginawa ko sa pinsan mo?"

"Why would I? I understand you, Zai. Magkakaayos din kayo."

"Sana nga."

"Wow. Ang sweet nyo naman. Dati si Dwayne ang nilalandi mo, ngayon yang pinsan ko naman?"

Sabay kaming naghiwalay sa yakap ni VJ nang marinig namin si Zoid.

"It's not what you think." Sabi ko sabay punas sa luha ko for the third time. No, for the fourth time. Psh. I don't know...

"Yeah. It's not what I think, because it's what I saw. Siguro nung tayo pa, you're flirting so many guys behind my back."

Lalapit na sana si VJ kay Zoid, pero hinawakan ko sya sa braso para pigilan.

"TANGNA, ANO NA BANG NANGYAYARI SA'YO, ZOID? OO, GALIT KA KAY ZAI, PERO WALA KANG KARAPATAN NA SABIHAN SYA NG GANUN!"

"So, kinakampihan mo na sya ngayon? Pati ba naman ikaw na-brainwash ng babaeng yan? Sige lang. Magsama kayo!" Then bumalik na ulit sya sa building.

"VJ, sorry. Nag-away pa tuloy kayo ni Zoid nang dahil sa'kin." Nakayuko kong sabi. Nahihiya ako eh.

"It's okay, Zai. I know tama lang yung ginawa ko na kampihan ka. Nilalamon na sya ng galit nya."

"Kasalanan ko."

"Tsk. Stop blaming yourself. Everything is a God's plan."

I nodded. This past few days, nagiging seryoso na si VJ. Kapag ako ang kausap nya. Pero kapag si Yat, back to pagkaengot na naman sya. ^^

Zoid's POV

"ARRRRGGGH! TAENA!"

Pinagbabato ko lahat ng gamit na makita ko dito sa unit ko. Nakakainis!! Mag-a-apologize sya sa'kin, then what? Makikita ko nalang later on na may kayakap syang ibang lalaki?

Hindi ko na alam kung dapat ko pa syang paniwalaan. Tama si Chloe. Tama lahat ng sinasabi nya. Hindi talaga ako mahal ni Zailie. Pinagti-tripan nya lang ako.

Napaupo ako sa isang sulok, dahil naninikip na naman ang dibdib ko. Pinipilit kong alisin yung sobrang galit na nararamdaman ko, pero ayaw!

Halos gumapang na ako papunta sa kwarto ko para hanapin yung chest pain reliever na gamot ko.

"BABE! BABE!" Nakarinig ako ng malalakas na footsteps. "Babe, what happened? Why so messy here?"

Hindi ko sya pinansin at pilit na inaabot yung pill na nasa ibabaw ng bedside table ko. I know na nakapasok sya dito sa unit ko kasi hindi ko na-lock yung door ko.

"Me na." Sya na yung kumuha nun, then pinainom sa'kin. Tumakbo sya palabas ng kwarto ko.

Pagkabalik nya, may dala syang tubig sa baso. "Are you alright na ba, babe?"

I nodded.

"Good. Nung napadaan kasi ako dito sa unit mo, I heard you shouting. So, sorry if I entered here without knocking, ah? I'm so nagpanic kasi eh. What happened ba? Tell me!"

Hindi ako sumagot sakanya. Naalala ko yung scene na magkayakap si Zailie at VJ. Parang biglang nanlalabo yung paningin ko.

Bigla nalang akong niyakap ni Chloe. Nakaupo ako sa floor habang yakap-yakap nya ko.

"Babe, ayokong makita kang umiiyak. Don't cry, please. Ano bang ginawa sayo nung Zailie na yun at nagkakaganyan ka? Ngayon lang kita nakitang umiyak."

Still, hindi ko pa rin sya sinasagot. I hugged her back. Buti nalang dumating sya. Siguro kung hindi sya dumating, nasa ospital na naman ako.

"Wala ng ibang ginawa yang Zailie na yan kundi ang paiyakin at saktan ka. Me nalang kasi Babe ang mahalin mo. Hindi naman kita paiiyakin eh. I'm always here for you."

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Hindi ako um-oo kasi ayoko syang gawing rebound.

"Chloe, n-nahihirapan na ko." Sabi ko na patuloy pa rin sa pag-agos yung luha ko.

Takte! Ngayon lang ako umiyak na babae ang dahilan. Kaasar. Para akong bakla.

"I'll help you. Iwasan mo sya at wag mong isipin na mahal mo sya. Isipin mo na galit ka sakanya. Be mean to her. At kapag nasanay ka na ganun ang treatment mo sakanya, unti-unti mo na syang makakalimutan."

Right. Hindi ko sya makakalimutan kung lagi ko syang iniisip. Magiging mean na ako sakanya.

Simula ngayon, hindi na ako yung ZOID LOUIE LEE na habol ng habol sakanya. Ibabalik ko na ulit yung pagiging playboy ko.

Yung playboy na matinik sa mga babae, pero magiging MEAN pagdating sakanya.

Zai's POV

"Mom..." I greeted my mom then gave a peck on her cheek habang may kausap sya sa phone.

"Anak, bakit ngayon ka lang at bakit ganyan ang itsura mo? Wait nga lang...... Hon.... Oo... andito na sya.... Sige, I'll tell her nalang... Bye,.... I love you too. Sige na, magpahinga ka na."

Haist. Pustahan, si Daddy kausap nya.

Matapos ibaba ni Mommy yung phone, hinarap nya ko. "Where's my answers?"

"Haggard lang po 'to. Nag-practice po kasi kami sa dance club eh."

Waaaa. Sorry, mommy TT____TT Sorry, I lied.

"Ganun ba? Parang ang aga mo naman atang nakauwi kung galing ka nga sa practice."

"Mommy, nagugutom na po ako." Pang-iiba ko ng topic.

"Osya, tara na sa dinner room." Sabay na kaming naglakad papunta sa dinner room. Bigla syang tumigil sa paglalakad at tinignan ako from head to toe. "Magbihis ka kaya muna!"

"Opo. Sabi ko nga po. Hehe."

Umakyat na ko sa kwarto ko at nag-quick shower. Pagkatapos, bumalik na ko sa dinner room. Ready na ang lahat. Kakain nalang kami.

Pagkaupo ko, napatingin ako kay mommy. Nakangiti sya sa'kin. Haist. Pa'no ko ba sasabihin sakanya na pinapatawag sya?

Nagpray muna kami, then nagsimula ng kumain.

"Nga pala, anak, uuwi na next month ang Daddy mo."

"Ah. Mabuti naman po."

"Parang ang tahimik mo naman ata ngayon?"

"Eh k-kasi........ MOMMYYYYYYY!!!!!" Bigla nalang ako humagulgol sa iyak. Kanina pa ko iyak ng iyak, ah!

"Zai! A-anong nangyari sa'yo?"

"Mommy, sorry! Sorry po talaga! Napakasama kong anak!Waaaa~"

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo nga?"

"P-pinapatawag po kasi kayo nung principal eh."

"Tsk. Yun lang pala eh."

Bigla naman akong napatigil sa pag-iyak. Ano daw? Yun lang pala?

"May sasalihan na naman ba kayong dance competition?" Dagdag nya.

T____T Hindeeee!!

"Hindi po. N-nakipag-away po kasi ako eh! Waaaa~ Sorry! Sorry!"

"Tumahimik ka na nga! Kadalaga mong tao, para kang bata. Pupunta lang naman ako sa principal's office, diba? Hindi naman siguro nila ako kakatayin dun."

"H-huh? Mom, magalit ka sa'kin! Nakipag-away ako."

"Tss. Umayos ka nga! Ba't naman ako magagalit? Kilala kita, anak. Alam kong hindi ka makikipag-away ng walang dahilan. Kaya tigilan mo na yang kakaiyak mo."

"Talaga, mommy? Di ka galit?"

"Di nga! Ano bang gusto mo? Magalit ako? Payn, galit ako sa'yo----"

"MOMYYYYY I LOVE YOU!!!" Tumayo ako at naglakad papunta sakanya ng naka-open arms.

Napaka-understanding talaga ng nanay ko <3

Hindi ako makakain ng maayos. Para kasi akong kinakabahan eh.

Kinakabahan na ko para bukas. Hindi ko alam kung bakit. Basta parang may feeling ako na may hindi magandang mangyayari.

Sana naman wala.

[A/N: Argh. Wala akong maisip na title. Ano bang pwede? Gusto ko sana, 'chloe da sulsulera, kaso ang panget! Haha. Ano ba pwedeng i-title sa chapter na 'to? Suggest naman kayo dyan ^o^]

Chapter 31

*Trying hard to be mean*

"ZAILIE! FOCUS!"

"Ah, B-bakit po?"

"GOSH! Kanina pa kita sinisita! Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?"

Andito kami ngayon sa field. Nagpa-practice ng sayaw. Genie ng SNSD yung sa'ming official dancers at Loving U ng Sistar naman ang sa mga lower batch. (SENIORS ANG MGA OFFICIAL DANCERS)

"S-sorry po, Ma'am."

"What's bothering you?"

"Madami po."

Iniisipi ko kasi kung ano yung nangyari kay Mommy nung nagpunta sya sa Principal's office.

At isa pa, si ZOID!

Ang uniform kasi ng mga boys dito sa DH Academy, is white long sleeve then may black na coat, tapos may grey na necktie.

Pero sya, hindi sya naka-necktie ngayon. Naka-unbotton din yung first-three buttons ng long sleeve nya tapos naka-coat. Gets nyo ba?

Ganun yung itsura nya nung una ko syang nakita. Tapos binalik na nya yung mga gestures nya as a playboy. Yung mga mata nya na kung makatingin ay nang-aakit.

Haist... Bumalik na naman ang dating Playboy.

"Haaayyy... buhay nga naman. Bukas ka nalang kaya sumama sa practice? Hindi ka kasi makapag-focus eh. Pumunta ka nalang sa college compound then papirmahan mo na yung mga dapat pa-pirmahan. After that, go home and take a rest. May practice ulit bukas and PLEASE! PLEASE FOCUS! Kung titignan, simple lang ang dance steps na gagawin natin, pero hindi, kaya kailangan mong mag-concentrate. Maasahan ko ba yun, Zailie?"

"Opo, Ma'am. Sorry po. Bukas po talaga, magko-concentrate na po ako."

"Sige. Ingat ka."

I nodded then naglakad papunta sa mini park. Dun kasi naka-park yung school eco cars eh. Malayo kasi yung compound ng College dito sa highschool, kaya kailangan mo pang sumakay sa school eco car. Gawa pa yang eco car na yan sa Japan. At syempre, ang DH Academy lang ang meron nito sa Pilipinas.

Papapirmahan ko kasi sa adviser ng college dance club yung file para sa college ko, hindi na ko mahirapan sumali sa dance troop. Then, kapag napirmahan na ng adviser ng college dance club, sunod naman ay sa head na ng Dance club.

Nung napapirmahan ko na, naglibot-libot muna ako dito sa college compound. Bukas ko nalang papapirmahan yung file sa head ng dance club. 3:57pm na kasi ngayon eh hanggang 3:00pm lang yun dito sa academy.

Infairness ah! Mas malaki sya kaysa sa compound namin. Nae-excite na tuloy akong mag-college.

*0*

Nang nakaramdam na ko ng pagod, napagpasyahan kong bumalik na sa compound namin para kunin yung mga gamit ko at nang makauwi na.

Habang naglalakad ako sa hallway, nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Zoid.

Hindi pa ba sya umuuwi?

Naka-lean sya sa may railings, tapos may ka-akbay syang dalawang babae na college students. Magkabilaan pa. Playboy attack. >__________<

Hindi nila ako napapansin, kasi busy sila sa business nila. Psh.

"Haha. Malapit ka ng grumaduate. Makakasama ka na namin palagi. Hihi." -landi 1

Hanglandee -.-

Ngumiti lang si Zoid sa kanya.

"Zoid, may girlfriend ka ba?" -landi 2

Hindi ulit sumagot si Zoid. He just smirked and bit his lowerlip.

Gaaa~ Ganung gesture lang, nakaka-inlove na (@___@,)

"Wala na, diba? Niloko lang naman sya nung Zailie na yun eh." -landi1

O_____O

Hanggang dito ba naman, kalat yung issue na yun?

"Sama naman ng ugali ng babaeng yun! Kung ako sya, di kita lolokohin, Zoid."

Nag-killer smile lang ulit si Zoid. Ayaw magsalita?

(_ _)",'

"Zoid, pa-kiss naman!"

O____O

So, babae na ang gumaganyan ngayon, ha? Tsk. Di manlang nalahian ni Maria Clara -____-

Hindi naman sumagot si Zoid. Mukhang gusto ata. Tumingala yung babae, tapos tumingin sa lips ni Zoid.

>//////< mukha nya. Parang gagu.

Nagtip-toe sya, tapos unti-unting nilalapit yung mukha nya kay Zoid.

"Ako next, ah!" Sabi nung isang babae.

PAYAG KA NAMAN, ZOID, HA?

1inch nalang yung pagitan nila, kaya lumapit na ko sakanila at hinila yung buhok nung babae para mailayo sa mukha ni Zoid.

Halatang gulat yung babae. Sasabunutan nya sana ako, kaso inunahan ko na sya. Tinabig ko ng malakas yung kamay nya.

"Subukan mo lang na hawakan yung buhok ko! Kahit matanda ka sa'kin, papatulan kita!" Banta ko sakanya, sabay hila sa kamay ni Zoid.

"ZOOOOOID!" Narinig kong pagmamaktol ng dalawa. Hinihila ko kasi si Zoid.

Kataloq: uploads
uploads -> Azərbaycan Respublikası Kənd Təsərrüfatı Nazirliyi Azərbaycan Dövlət Aqrar Universiteti adau-nun 80 illik yubileyinə həsr edilir adau-nun elmi ƏSƏRLƏRİ g əNCƏ 2009, №3
uploads -> Mühaziry riyazi mYntiqin elementlYri
uploads -> AZƏrbaycan respublikasi təHSİl naziRLİYİ azərbaycan döVLƏT İQTİsad universiteti magistratura məRKƏZİ
uploads -> AZƏrbaycan əraziSİNDƏ İBTİDAİ İcma quruluşU
uploads -> АзярбайжАН РЕСПУБЛИКАСЫ ТЯЩСИЛ НАЗИРЛИЙИ азярбайжан дювлят игтисад университети
uploads -> Mövzu Fənnin məqsədi və vəzifələri
uploads -> Marketinq fənni üzrə İŞÇİ TƏDRİs proqrami
uploads -> Asm-nin iqtisadiyyatı və idarə edilməsi
uploads -> Təqdimatların hazırlanması (Powerpoint, Word, Excel)

Yüklə 2,22 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   12   13   14   15   16   17   18   19   ...   22




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə