I revenged on a Playboy



Yüklə 2,22 Mb.
səhifə19/22
tarix31.10.2017
ölçüsü2,22 Mb.
1   ...   14   15   16   17   18   19   20   21   22

"Hahanapin namin si Zai. Lasing pa naman yun.." Dwayne

"Hahanapin nyo? Ayun lang sya, oh!" He pointed the stage using his lips.

Napatingin ako dun pati na rin sila.

Nasa stage nga sya

may hawak pang mic..

teka....

kakanta ba sya?

Sinabi nya sa'kin dati na hindi sya kumakanta sa harap ng maraming tao. Yung parents at si Yat lang daw ang nakakarinig ng boses nya kapag kumakanta.

Including me..

Napangiti ako ng maalala ko na kasama ako sa mangilan-ngilang tao na nakakarinig lang ng boses nya.

"WTF! Is she really going to sing?" Narinig kong tanong ni Yat.

Hindi ko makita yung expression ng mga mukha nila kasi nakatingin lang ako sa babaeng nasa stage.

Ang babaeng mahal na mahal ko.

"Hello sa mga kaibigan ko duuuuun~ Hiiiiii!!! Hihihihi"

Narinig ko ang tawanan ng mga nasa paligid.

"Crazy.." Alam kong si Chloe yan. Hinayaan ko nalang sya.

Napansin ko rin na tumigil na yung loud music. Kinausap na naman siguro nya yung DJ =____=

VJ's POV

"Nakikita nyo ba yun?" Tinuro ni Zai si Zoid.

Lahat ng taong nasa bar, napatingin sakanya.

"Mahal ko yan. Kaya akin lang sya. Umagaw sakanya.....

Ipapabugbog ko kay Mikel Cruz.. Ahihihi.."

Nakita kong namula si Zoid. Kahit madilim halatang-halata. Napansin ko rin na ngumiti sya...

Naka ng tokwa!

Kinikilig ang mokong!!!

Ahahahahahaha

~ Hey, boy you never had much game

So I needed to upgradeSo I went and walked away-way-way

Now I seen you been hanging outWith that other girl in town

Looking like a pair of clowns-clowns-clowns ~

"Kumakanta pala si Zai? Ngayon ko lang nalaman." Tanong ko.

"Oo. Matagal na syang kumakanta. Kaso ayaw nyang kumanta in front of the crowd. Di daw sya sanay. Pasayawin mo na yan sa harap ng maraming tao wag lang ang kumanta." Sagot sa'kin ni labs habang pinapanood si Zai na kumakanta sa stage.

"Boy you can say anything you wannaI don't give a sh,

no one else can have youI want you back,

I want you back Want want you, want you backI

broke it off thinking you'd be crying

Now I feel like sh looking at you flyingI want you back, I want you back

Want want you, want you back

Please, this ain't even jealousy

She ain't got a thing on me

Tryna rock them ugly jeans-jeans-jeans

You clearly didn't think this throughIf what I've been told is true

You'll be crawling back like boo-hoo-hoo~"

"Eh, bakit sya kumakanta ngayon?"

"Ewan. May pinanghuhugutan."

"Lasing eh." Dagdag pa ni Sophi na pasimpleng umaatras para matabihan si Dwayne. Pfft.

"Remember all the things that you and I did first

And now you're doing them with her

Remember all the things that you and I did first

You got me got me like this like this

And now you're taking her to every restaurant

And everywhere we went, come on!

And now you're taking her to every restaurant

You got me got me like this.."

Tumingin ako kay pinsan.

Hindi maalis yung tingin nya kay Zai.

Pati ang ngiti nya sa labi, hindi rin maalis.

"Boy you can say anything you wanna

I don't give a sh, no one else can have youI want you back, I want you backWant want you, want you backI broke it off thinking you'd be cryingNow I feel like sh looking at you flyingI want you back, I want yo----"

Read more: CHER LLOYD - WANT U BACK LYRICS

"ZAI!!!" Sabay na napasigaw sila Sophi at Labs ng dahan-dahang matumba si Zai.

Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo si pinsan papunta sakanya. And shooot!!! Nasalo nya.

Napatingin sa'kin si labs. Nginitian ko nalang sya at saka sya inakbayan. Hindi naman sya pumalag kaya AYOS! ^O^

Naglakad kami papunta sakanila.

Nagsimula na naman ang mga party music. Magsisimula na daw kasi yung foam party in 15 minutes.

"Ihatid mo nalang kaya si Zai sa bahay nila, pinsan." Ako na nakaakbay pa rin kay labs ^^

"Hindi nya ihahatid yang girl na yan. Pwede namang iba, ah? Si Dwayne. Right. Si Dwayne ang maghahatid sakanya."

"FCK U!!" Sigaw ni Zoid sa lalaking nakabunggo sakanya. Muntikan na nya kasing mabitawan ang natutulog na si Zai eh. Nasa dance floor kami.

Walang sabi-sabi, inayos ni Zoid ang pagkakabuhat nya kay Zai at nagsimula na syang maglakad palabas ng bar.

"BABE! AYAN KA NA NAMAN, EH!"

"Sayaw tayo." Hinila ko si labs papunta sa gitna ng dance floor.

Hindi nalang namin pinansin si Chloe. Sanay na kami sa pagta-tantrums nyan eh.

Zoid's POV

Nasa tapat na kami ng bahay nila Zai. Saktong kakapatay ko palang ng engine ng kotse ko narinig ko ang boses nya

"Playboy, ikaw ba yan?"

Nilingon ko sya sa passenger's seat. Nakaupo na sya ngayon. Pinahiga ko kasi sya kanina.

Playboy?

Galing =o=

"No, I'm not." Sagot ko sakanya atsaka umayos ng upo. Tinignan ko sya sa rearview mirror.

"Ikaw yan, Zoid eh. Tinatanggi mo na naman!"

"................."

"Ikaw si Maboy.......... si Louie ko..."

Nakayuko syang lumapit sa'kin. Agad ko syang nahawakan sa bewang nung nadapa sya. Nakaluhod na sya ngayon sa gap between the driver and the front seat.

"Zoid.." Malambing nyang sabi at dahan-dahang nilalapit yung mukha nya sa'kin. I was just staring at her eyes until her lips met mine.

Agad naman akong lumayo at tumingin sa windshield.

"Maboy....." Napatingin ulit ako sakanya.

Her sweet voice is like music to my ears.

"Aish!" I scratched my hair. "The hell I can't resist you!"

Dahil nga hawak ko yung waist nya, inalalayan ko syang tuluyang makalapit sa'kin. Pinaupo ko sya sa lap ko.

"I love you...." Sabi nya. She placed her arms at the top of my shoulders.

This is the second time I heard her said that three words eight letters. Hindi ko alam kung sincere ba sya o baka naman lasing lang sya.

But there's only one thing I wanna do...

I want to believe her this time no matter what.

"Saranghaeyo..." I whisphered enough for her to hear it, then closed the distance between my lips and hers.

*knock* *knock*

Napatingin ako sa window sa front seat dun nanggagaling yung katok.

But this naughty girl of mine, cupped my face then made me face her then kissed me again. A kiss that is full of passion.

"Zoid, ijo... ikaw ba yan?"

O____O

Labag sa kalooban kong binreak yung kiss namin ni Zai. Tinitigan nya ko saglit ng masama, then maya-maya nakatulog na sya.

Watta sleepy head (-__-)

Author’s Note

Bibitinin ko muna kayo. Di pa tapos yung scene na ‘to.

Uhmmm.. pagod na kasi ako eh :\ Ang dami kopang gagawin. Dedicated nga pala ‘tong chappie na ‘to kay Arcel Paz na girl classmate ko.

Kinikilig ako masyado kasi talagang nagpupuyat sya para lang mabasa yung mga stories ko. Na-late tuloy sya kanina. Haha. Same kami. Kaya tumambay muna kami sa oval kanina. Hihihi.

Ang sarap nyang kausap ^o^

Crush ko yung bespren nya. Ang gwapo ii. Hihihi..

At sa mga nagtataka...

OPO! Si Mikel po... sya po yung sa my boyfriend is a gangster. Hahahaha.

Chapter 38

*Bitter or better*

"Zoid, kayo na ba yan?" Sabi ulit ni mommy ZJ.

Ayoko man umalis sa posisyon namin, tumayo pa rin ako na todo yuko. Hindi kasi ako kasya kapag tumayo ako sa kotse ko. Tecnically, mauumpog ako. Ang awkward naman kasi kung makita kami ni mommy ZJ na ganun ang position naming dalawa.

Sobra akong nahihirapan. To think na bitbit-bitbit ko pa si Louise ko. Isa pa, dun lang ako dumaan sa space between the driver and passenger's seat.

Matapos ko syang ihiga sa passenger's seat, bumalik na ulit ako sa driver's seat at humarap sa rearview mirror. Inayos ko yung sarili ko.

"Good evening po, mommy Zj." Bati ko sakanya casually, pagkalabas ko sa kotse ko.

Naka-night gown pa sya, pero naka-robe din naman sya at hindi masyadong mahaba ang pagkaka-V line.

"Sabi na aba, ikaw yan. Bakit nga pala ang tagal bago mo lumabas?"

"Ah... eh... K-kasi po..."

"Hmm.. Never mind na nga lang. Mukhang alam ko na. Ahohohohoho^^"

Alam nyo yung tawa ni Ms. Kris Aquino? Ganun sya tumawa =___=

"Nasaan na nga pala yung dalaga ko?" Tanong nya.

"Nasa loob pa po."

"Ganun ba? Teka lang, ha? Gigisingin ko lang yung daddy nya. Lasing ba yung anak ko?"

"Medyo lang po. Atsaka, daddy?"

"Oo. Dumating na yung daddy nya galing Korea. Nung isang araw lang."

Tumango-tango nalang ako. I wonder kung anong itsura ng daddy nya.

"Teka lang, Zoid ah? Gigisingin ko lang yung daddy nya para sya na yung magbuhat kay Zai." Tumalikod na sya at akmang papasok na sa loob ng gate nila, pero pinigilan ko sya.

"Huwag na po, mommy ZJ. Ako na po ang magbubuhat kay Zai papunta sa kwarto nya."

"Sure ka ba, Zoid? Na-kwento sa'kin ni Zai na may sakit ka daw."

"Don't worry po, mommy ZJ. Kaya ko pa naman po."

Wala na syang ibang nagawa kundi ang pumayag.

I lifted her like my bride all the way to her room.

Nung matapos ko syang kumutan, hinalikan ko sya sa noo, then lumabas na ko sa kwarto nya.

Kasabay ko pang bumaba ng hagdan yung mommy nya. Ihahatid nya siguro ako hanggang gate.

Sakto, palabas na kami ng pinto nang bigla kaming nakarinig ng boses ng isang lalaki.

"Ikaw ba si Zoid?" Halos sabay kaming napalingon ni mommy ZJ, at nakita namin ang lalaki na nakatayo at nakapatong pa yung kanang braso sa staircase nila. Naka-white na t-shirt at PJs sya.

"Opo. Ako nga po." Sagot ko na may katamtamang lakas for him to hear it.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryoso nyang tanong.

Napatingin ako kay mommy ZJ. Ngumiti sya at dahan-dahang tumango.

***

Ang sarap ng simoy ng hangin...

ang lamig...

Nandito kami ng daddy ni Zai sa terrace nila. Pansin ko lang, mas kamukha nya ang daddy nya kaysa sa mommy nya.

Louis daw yung name nya.

Kanina pa kami nandito. Nakatingin pareho sa kawalan.

Paputol-putol kasi ang usapan naming dalawa. Halatang nagkakailangan pa kami. Maybe, it's because we met each other just now.

Puro kamustahan lang ang topic namin. Magtatanong sya, sasagutin ko naman.

"About dun sainyo ng anak ko..." He suddenly said out of nowhere.

Napatigil naman ako sa pag-iinspect sa pepsi-in-can na hawak ko at tumingin sakanya. Seryoso lang syang nakatingin sa malayo.

"Alam kong kahit gaano kalaki ang nagawa mong kasalanan sa bestfriend nyang si Yat, she don't have the rights on what she did to you... Pero hindi ko rin naman masisisi ang anak ko. Simula ng umalis si Aldrich, si Yat na ang naging bestfriend nya. Kapatid nga ang turingan ng dalawang yun eh."

Gusto ko sanang malaman kung sino yung Aldrich, pero parang ayaw gumalaw ng bibig ko. Parang mas prefer kong makinig sa story telling ng daddy ni Zai.

"They treat themselves as a Twins. Lagi silang magkapareho sa mga bagay-bagay nung mga bata pa sila. Like headbands, hairpins, ponytails, etc."

"Kaya naiintindihan ko ang anak ko kung bakit ganun nalang ang naging reaction nya nung nag-suicide si Yat."

Everytime na maririnig ko yung last na sinabi nung daddy ni Zai, nakokonsensya ako.

Parang pakiramdam ko nakagawa ako ng isang napakalaking kremen na hindi ko napanagutan.

"Natatakot kasi sya na mawalan ulit ng kaibigan. Tulad ng ginawa sakanya ni Aldrich."

Aldrich! Sino ba yang Aldrich na yun, HA?! Ano ang relasyon nya sa Louise ko?

"But now, I'm so happy na nadagdagan ang bestfriend slash sister nya..... Si Zoe. Mommy nya ang nagki-kwento sa'kin."

Zoe? Sino yun? May iba pa bang kaibigan si Zai na hindi ko kilala?

"May guy friends na rin daw sya. Si Vj at si Dwayne. I actually wanna meet them."

Katahimikan...

"Alam mo bang ayoko sa'yo para sa anak ko?" Hindi manlang nagpaligoy-ligoy. Sinabi talaga ng straight to the point = o =

"Playboy ka kasi, diba? At ayokong masaktan yung anak ko."

Oo nga, playboy ako. Pero hindi ko naman kayang saktan yung anak nyo, eh! Kung mahal nyo sya, MAS MAHAL KO SYA!

I wanna say that to him, but I can't and I don't know why.

"Pero kasi, mahal ka ng anak ko eh. You don't have any idea how desperate she is para lang magkaayos kayo. You are her first boyfriend."

First boyfriend? I'm not her first boyfriend!

'I just remember my ex.' Sinabi nya yan sa'kin the day nung nagpalipat sya ng section.

Kaya daw sya naiyak nung hinalikan ko sya, kasi naaalala daw nya yung ex nya.

LECHENG EX NYA!

Teka nga, wala naman syang naiki-kwento sa'kin about her ex(ex's)

Tch. Common sense!

Syempre, sino ba naman ang magki-kwento sa present nila about their past, diba? Tsk..

Naiinis ako... pinaalala pa kasi yung ex na yun eh!

"Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?"

"H-huh? AH... eh..." Napakamot ako sa batok ko. Ano namang sasabihin ko?

"Hahahahaha. Nan geunyang nongdam-iya!"

(I'm just kidding!)

Nakitawa na lang rin ako sakanya.

"Kahit ayoko sa'yo, gusto pa rin kita."

"Po?"

Ang weird nya -.-

"Nan dangsin-i nae gongjuleul byeongyeong algo issgi ttaemun-e naega dangsin-eul joh-a."

(I like you because I know you changed my princess)

"Maraming nagsasabi na mas kamukha ko ang anak ko. Pero, nakuha naman nya ang 79% ng attitude ng mommy nya. Didn't you know na pareho silang walang pakialam sa mga bagay-bagay? Ang mga binibigyan lang nilang pansin ay yung mga importante sakanya. Basketball captain ako nung college ako. Everybody knows about me except Zail. Sya ang nag-iisang tao na hindi ako kilala despite na kilalang-kilala ako ng mga friends nya. Ganun din si Zai. Everytime na ka-chat ko sya sa skype, lagi ko syang tinatanong about school. Kung sino ang campus heartthrob, prince and princess, etc. Ang lagi nya lang sinasagot sa'kin ay MA at PA."

"Ma at Pa?"

"AHAHAHA. Na-culture shock ka ba? Ma at Pa. MAlay at PAkialam."

Ah... Ma at Pa pala ang blending ng malay at pakialam.

Now I know ^____^

"But one day, kahit na nagsasawa na ako sa kasasagot nya ng ma at pa, tinanong ko pa rin sya. I asked her kung sino ang campus heartthrob. Ang sagot nya lang naman sa'kin ay..

Zoid Louie Lee."

"Tama po. Ako nga po yun." Pagmamalaki ko. Wahahahaha~

"Tinanong ko rin sya kung sino ang pinaka-gwapo at ma-appeal sa campus nyo.."

"Da-eum, geunyeoui daedab-eun mueos ieossseubnikka?" Tanong ko na may halong excitement.

(Then, what was her answer?)

"Sobra pa syang kinikilig nung sinagot nya yung tanong ko." Halatang masaya sya sa kini-kwento nya.

Ang tagal naman sabihin kung sino (>___<)

"As usual, Zoid Louie Lee."

^_______________________^

Lapad ng ngiti ko, oh!

Ahahahahaha.. Dapat lang!

Ako naman talaga ang pinaka-gwapo at pinaka-ma-appeal sa DH Academy eh!

Totoo yun!!!

"Hindi kita kinausap para konsensyahin na makipag-ayos sa anak ko. Ang gusto ko lang, bago ako bumalik sa Korea, makita ko syang masaya. But still, it's still up to you kung ano ang desisyon mo."

"As I can see, mahal mo rin ang anak ko." Tinap nya ko sa balikat, "Usapang lalaki, maganda ang anak ko. Kaya... ikaw... bahala ka kung maagaw sya ng iba."

I smiled at him with full of confidence, "Gyeolko il-eonaji anh-eul geos-ida, Sir" (That will never happen, Sir)

"Naneun algoissda." (I know.)

After a very long man-talk with him, I decided to went back at the bar.

Andun pa naman siguro sila.

Sakto pagkarating ko sa tapat ng bar, nakita ko agad si Yat na may kausap sa phone.

Nung natapos na sya, nilapitan ko sya.

"Yat.."

"AY EPAL!" Natawa ako sa reaction nya. Nakahawak pa talaga sya sa chest nya. "Naman, ZOID! Makapang-gulat wagas, ah?"

"Haha. Di naman kita ginulat eh. By the way, nag-umpisa na ba yung foam party?"

"Yup. Kanina pa. Si Zai nga pala?"

"Okay na naman sya. Tulog na sya nung hinatid ko sya sa bahay nila."

"Okay."

Sumandal din ako sa kotse kung saan sya nakasandal.

"Yat, I'm so sorry."

I know na walang magagawa yung sorry ko sa nagawa ko sakanya, pero magso-sorry pa rin ako.

Tumingin sya sa'kin na parang nagtataka kung bakit ako nag-sorry, pero agad din naman nawala yun. Siguro na-gets na nya kung bakit ko sinabi sakanya yun.

"Para saan? Sa pangloloko mo sa'kin o dahil sa nag-commit akong mag-suicide?" Tanong nya pero walang halong bitterness.

"Both." I answered.

"Kung dahil sa panloloko mo sa'kin, don't worry okay na ako. Atleast, I have learn so much lessons on what you did. At dun naman sa suicide thingy.... it's not your fault. It's mine. Naging mahina ako. And because of that, I've learn na huwag masyadong magpapa-apekto sa emosyon. Matagal na kitang napatawad, baby. Ahahahahaha."

Natawa rin ako. Baby kasi ang endearment namin dati eh. Nakaka-guilty man sabihin, pero hindi ako nagseryoso sakanya. Actually, lahat ng mga naging girlfriends ko. Kahit dun sa first girlfriend ko, hindi ko rin sineryoso.

Kataloq: uploads
uploads -> Azərbaycan Respublikası Kənd Təsərrüfatı Nazirliyi Azərbaycan Dövlət Aqrar Universiteti adau-nun 80 illik yubileyinə həsr edilir adau-nun elmi ƏSƏRLƏRİ g əNCƏ 2009, №3
uploads -> Mühaziry riyazi mYntiqin elementlYri
uploads -> AZƏrbaycan respublikasi təHSİl naziRLİYİ azərbaycan döVLƏT İQTİsad universiteti magistratura məRKƏZİ
uploads -> AZƏrbaycan əraziSİNDƏ İBTİDAİ İcma quruluşU
uploads -> АзярбайжАН РЕСПУБЛИКАСЫ ТЯЩСИЛ НАЗИРЛИЙИ азярбайжан дювлят игтисад университети
uploads -> Mövzu Fənnin məqsədi və vəzifələri
uploads -> Marketinq fənni üzrə İŞÇİ TƏDRİs proqrami
uploads -> Asm-nin iqtisadiyyatı və idarə edilməsi
uploads -> Təqdimatların hazırlanması (Powerpoint, Word, Excel)

Yüklə 2,22 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   14   15   16   17   18   19   20   21   22




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə