I revenged on a Playboy



Yüklə 2,22 Mb.
səhifə2/22
tarix31.10.2017
ölçüsü2,22 Mb.
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   22
"You can come in now." sabi ni Ma'am, tapos pumasok si Zai tapos si...

si ..

ARGH !

Bakit sya pa! Asar naman oh.

Nung napansin nya ko, nag-grin ba naman!? Tsk.

"Iho, introduce yourself now."

"My name is Vince Jared Velasquez. You can call me VJ." he smiled kaya nagtilian yung mga classmates kong babae.

Kalande >L<

"Quiet class! You can seat now, there." tinuro ni ma'am yung vacant chair sa may dulo.

Yes! MALAYO AKO SA KAMALASAN! Haha.

"Tsk. No, ma'am. I want ... .. . . there!"

[O_____O] D-did he just point the chair right next to me?

Ow, well. May nakaupo naman dito eh, so get lost !! hah !

Naglakad sya palapit sa'kin...

Ay mali, sa katabi ko pala.

"Get lost!" he said.

"P-pero, dito ako----"

"I said, get lost!"

Wala namang ibang nagawa tung katabi ko, so lumipat sya. Nag-smirk naman si Gagu tapos umupo sa tabi ko.

Haist. Sunod-sunod na kamalasan na nangyayari sa buhay ko ah?

Karma ko ba 'to sa malaking kasalanang nagawa ko sa sarili ko?

Di ko napansin na nasa harapan na pala si Zai, at mukhang tapos na syang magpakilala.

Yan tuloy, di ko naabutan. Epal kasi 'tong katabi ko eh

"Ms. Alvarez, find a vacant seat and you can seat now."

Nilibot nya yung paningin nya na halatang may hinahanap.

"You know her?"

Napatingin ako sa katabi ko na parang baliw na bigla-bigla nalang nagsasalita.

"Who?" he pointed Zai using his pouty lips.

"Yeah. She's my bestfriend."

"Well, she's pretty."

"That's true. But don't bother to court her or anything."

"Why?"

"'Coz your stu---"

"Maybe b'coz, you're jealous? Don't worry, she's pretty but you're beautiful in my eyes." he winked at me. Err..

"Feeling mo gwapo ka na nyan?"

"Hindi ba?"

"Ang yabang mo! Wag mo nga akong kausapin!"

"Okay. Next time nalang. May period ka ata eh."

Magre-react pa sana ako kaso sa iba na sya nakatingin. I rolled my eyes at him at tumingin na ulit kay Zai.

Nakita kong lumalapit sya sa may vacant chair sa tabi ni Zoid.

Alaa ~ ka Zai!!

Ayaw nyan na may katabi sya. Oo, napaka-babaero ni Zoid. Pero para syang may sayad sa utak na ayaw ng may umuupo sa tabi nya. Lalaki man o babae, hihilahin ka nya sa braso at itutulak paalis.

Pero teka...

parang..

parang ang hapdi ng tuhod ko.

Zai's POV

"Ms. Alvarez, find a vacant chair and you can seat now."

Nilibot ko yung paningin ko para mahanap kung nasaan si Shutang inebels na Playboy.

There, I saw him. Nakaupo sya sa second to the last row sa pinakadulo katabi ng bintana tapos wala syang katabi kahit isa.

Nakatingin din sya sa'kin. Yung ngiting...

ngiting nang-aakit.

Jeez!

Anong feeling mo? Maakit mo ako? Ewwness! Ibahin mo ko sa mga babae mo!

Kahit naka-school uniform sya, playboy na playboy pa rin ang dating. Hindi sya nakasuot ng blazer tapos naka-unbutton yung first three buttons nya. Kita yung hard chest nya.

*gulp*

I mentally slapped my face. Umaarangkada na naman ang kaluluwa ko.

Hindi porket HOT ka... oh men! Forget what I said.

I gave him my sweetest smile then walk towards him without breaking our eye contact. Nararamdaman kong sinusundan nila ako ng tingin.

"Is this already occupied?" Tanong ko habang nakangiti ng ubod ng tamis.

Grabe lang! Ang lagkit nyang tumingin. Parang nanghi-hypnotise.

"No, it isn't." Naka-smirk na sagot nya sa'kin.

I was to about to take a seat when he suddenly pulled me onto his lap.

Argh! The nerve!

Nasaan na ba yung teacher?

PANIC!

PANIC!

Hindi ko naisip ang pangyayaring ito! Hindi ko napaghandaan! Ugh >___<

Yung mga classmates ko naman, nakatingin lang sa'min. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tinging yun!

Tumingin ako sa harapan kung saan nakaupo si Yat.

Langya! Busy sya sa pakikipag-usap... pakikipag-asaran sa katabi nyang si VJ. Nakilala ko sya kanina sa labas ng classroom. Nakausap ko sya bago kami papasukin ni ma'am kanina.

*Inhale*

*Exhale*

At dahil dyan, nilingon ko 'tong playboy na 'to at bibigyan ko sya ng isang napakalakas na suntok.

*PUNCH*

Pero syempre, imagination ko lang yan. Masisira yung plano ko noh!

So as a best actress na hindi naman talaga artista,

I looked back casually with a sweet smile on my face and said, "Sa labas nalang, ok? We're here in school so let's study first."

"I don't care." he placed his arms around my neck. PERVERT! "We kissed on Mall, remember that?"

Oo! Hinding-hindi ko yun makakalimutan, shutang inabels ka! Ninakaw mo ang first kiss ko T^T

Pasimple kong inalis yun at tumayo tapos humarap sakanya. "Laters," syempre isang malaking KASINUNGALINGAN yan! Asa sya na may aasahan syang LATERS mamaya!

"I'm looking forward to it," he then sent me his flirty wink.

Aish! Playboy! What do you hella think, huh? I'll gonna fall under your charm? Duh!

Nginitian ko lang sya at umupo na sa tabi nya.

"Oh my! He let her!"

"How lucky!"

Di ko maintindihan kung ano yung pinagsasasabi ng mga babaeng nasa unahan tapos nakatingin sa'min. He let her? Ano yun?

Tss. Who cares?

Ibinaling ko nalang yung atensyon ko kila Yat. Nakita kong tawa sila ng tawa ni VJ. Well, I'm happy for her. Mukhang may tutulong sakanya para makapag-move on.

"Your name is Zailie Louise, ryt?"

Napatingin ako sa katabi ko saglit tapos kila Yat na ulit. "Yeah. Why?"

"My name is Zoid Louie. We're both ZL. Destiny, huh?"

Destiny your face! It's just a name for Pete's sake!

Well, I just smiled at him. Hindi kaya ng resistensya ko na um-agree sa pinagsasasabi nyang DESTINY daw kami.

"Hey, look at me." Sinunod ko naman sya. Tumingin ako sakanya.

Nakapahalumbaba sya habang nakatingin sa'kin. Still, ngiting nang-aakit.

"You know what? I like you."

I bet, maraming babae na ang nasabihan nya ng ganyan. Playboy eh =___=

I crossed my two fingers beneath my desk, "I like you, too."

PWEH ~

***

KRiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiNG

Haist. Sa wakas at lunch break na din. Kanina pa ko nandidiri sa kalandian ng Playboy kong katabi.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, tumayo ako at lumapit kay Yat na naka-upo pa hanggang ngayon.

Si playboy naman, busy sa mga babaeng pumalibot sakanya. Tss.

"Yat, punta na tayo sa caf--- " Napatigil ako sa pagsasalita nung napansin ko na nakatingin silang pareho sa tuhod ni Yat.

"Luh, nong nangyari sa tuhod mo?" tanong ko.

"Nadapa kasi ako kanina. Ngayon ko lang napansin na nagkasugat pala ako."

"Tara, samahan kitang pumunta sa clinic." yaya ko sakanya.

"Ako nalang ang magsasama sakanya, ako naman ang may dahilan kung bakit sya nagkasugat eh." VJ

Tinignan namin sya ni Yat na nagsasabing, 'what-do-you-mean?'

"I was leaning against the wall kanina sa hallway. Naka-stretch yung binti ko and then you trip over it. That's why..." tumingin sya sa sugat ni Yat.

"How great you are! You even called me clumsy, eh it's your fault naman pala!"

"Not really. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh."

Ang gulo nya -___- Akala ko kanina nung pinapanood ko sila, close na sila. Mali pala ang akala ko =___=

"I hate you!"

"Talagang gwapo ako."

"Sabi ko, I HATE YOU!"

"Gwapo talaga ako."

"Mas gwapo ako."

Sabay-sabay kaming napalingon,

"Insan." sabi ni VJ kay Playboy, tapos nagkamayan sila.

"Hi, Angela!" Playboy, nakatingin sya kay Yat.

"Yat ang pangalan nya, hindi Angela!" Pinandilatan ko sya ng mata.

Bopols pala 'tong mokong na 'to eh. Sa dami siguro ng babae nya kaya napagpapalit-palit na nya yung mga pangalan. Knowing na classmate sila ni Yat, how come na... nevermind na nga lang!

"Sorry... oh!" Tinignan nya si Yat tapos ako ulit. "Bati na kayo? Musta sampal nya sa'yo?"

Masayang-masaya ata sya kapag may mga babaeng nag-aaway dahil sakanya. Sarap nyang itapon sa pinakamabaho at pinakamaduming ilog dito sa pilipinas.

Tumawa sya, VJ laughed along.

Tsk. Pag-umpugin ko kayo eh!

Ang lakas ng loob nyang magsalita ng mga ganitong bagay. Palibhasa, hindi nya alam ang nangyari kay Yat. Yeah, hindi namin pinagsabi sa iba yung nangyari kay Yat. Except kila PekengKyoot, LoveKita335 at Dollstar.

Nakita kong yumuko si Yat, hiding her pain. Don't worry Yat, darating ang araw na itong Playboy na katabi kong tumatawa ang makakaramdam ng sakit na nararamdaman mo. Hindi lang ikaw, pati na rin sa lahat ng babaeng pinaglaruang ng lalaking 'to.

"Magpinsan kayo?" tanong ko para maibsan yung sobra-sobrang galit na nararamdaman ko sakanya.

"Oo, pero mas gwapo talaga ako." Playboy yet arrogant >,<

"Haha. Asa ka dude!"

"Let's go. Sabay-sabay na tayo sa caf."

"Next time nalang. Dadalhin ko pa kasi si Yat sa clinic. Lampa kasi eh."

Magrereklamo pa sana si Yat kaso binuhat na agad sya ni VJ na parang bagong kasal.

"See ya later!" Sabi ni VJ at lumabas na sila ng classroom.

He cleared his throat, "Pa'no ba yan? Tayo nalang ang magsabay. San mo ba gusto? Sa caf o sa... condo ko?" He flashed his evil perverted smirk again.

Wala na ba talagang alam sa buhay ang isang 'to kundi ang maging manyakis?

Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Perhaps, kailangan kong i-ready lagi ang sarili ko sa mga sasabihin ng Playboy na 'to para hindi laging ganito. Hindi ako natatameme.

"Zoid," may babaeng clown ang dumating at minanyak yung chest ni Playboy. "You promised na magsasabay tayong mag-lunch, right?"

"Ahm," napakamot sa batok si Playboy at tumingin sa'kin.

"Bye!" nagwave ako sakanila pati na rin sa tatlo pang babaeng papalapit. Mga taga-iba sila ng section. Dumadayo pa talaga dito para lang sa Playboy. Tsk.

Pero thanks to them anyway. Ayokong makasabay yung mokong na yun.

Chapter 3

*Pool*

Filipino subject

Kasalukuyan kaming nagsusulat ng notes except dito sa katabi kong Playboy.

Binunggo nya yung kaliwa kong kamay gamit yung siko nya. Kabastos talaga ng batang 'to! Nakita ng nagsusulat ako eh.

"Aren't ya going to take down notes? It's really important." pagsegway ko. Alam ko naman kasi na kukulitin na naman nya ko tungkol sa laters na sinabi ko.

Bakit ba kasi lumabas pa sa bibig ko yun eh! Yan tuloy, maya't-maya nangugulit.

"I don't need that. I trust my stock knowledge."

I playfully rolled my eyes at him. "Yabang." I murmured.

After ng class, sinabi ko kay Yat na mauna na syang umuwi kasi may aasikasuhin pa ko. Kailangan ko kasing kunin yung performance ko sa P.E teacher namin or else, baka mababang grades ang makuha ko. Nagpalipat kasi akong section, diba? And because of that, kailangan kong kunin lahat ng mga na-gain kong grades sa mga teacher ko. Imi-merge kasi yun ng mga new teacher ko ngayon sa section na nilipatan ko para sa complete grades ko.

Nakuha ko na lahat, yung sa P.E nalang ang hindi pa. Kaya pupunta ako sa pool area. Nandun daw kasi yun ngayon base sa isang P.E teacher din na napagtanungan ko. Trainer kasi sya ng mga swimmers.

Pero bago ako pumunta dun, dumaan muna ako sa locker room para ilagay yung iba kong libro na hindi ko naman gagamitin mamayang pag-uwi. Paglabas ko, napaatras ako sa gulat.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

Paglabas na paglabas ko kasi ng locker room, mukha nya ang tumambad sa'kin or shall I say, yung chest nya. Ang tangkad nya kasi eh.

"Pauwi ka na ba?" he asked, ignoring my question.

Tinignan ko sya saglit tapos naglakad na, sumunod naman sya. "Kukunin ko pa yung grade ko kay Sir Fred, yung PE teacher ko dun sa dati kong section." sagot ko nang hindi sya tinitignan.

Nasaan na ba yung mga babae nya? Ako tuloy ang nilalandi >O<

"Samahan na kita then sabay na tayong umuwi."

Napatigil ako sa paglalakad, "Thanks nalang. At sa pool area ako pupunta. There's a possibility na mabasa ka. Alam mo naman kung paano lumangoy yung mga swimmers, parang may tsunami ang nagaganap dahil sa pagtampisaw nila sa tubig." Naglakad na ulit ako.

Ayos sya, ha! Never akong sumabay umuwi sa isang lalaki. Swerte nya nalang kung papayag ako.

Napangiti nalang ako kasi hindi na sya sumusunod.

Pagpunta ko sa pool area, napakatahimik. Walang katao-tao. Aish naman oh! Baka break nila. Kaasar!

Maski yung si Sir Fred, wala. Ako lang ang nandito.

Naglakad ako papunta sa edge ng pool at pinagmasdan yung tubig. "Ga'no kaya kalalim 'to?" Tanong ko sa sarili habang tinatanaw yung tubig.

Naglakad pa ko.. pero dahil sa may heels ang schoolshoes ko, nadulas ako at pilit na bina-balance ang sarili ko para hindi mahulog sa pool.

Napapikit nalang ako kasi feeling ko mahuhulog na ko sa tubig.

..

..

..

Hindi ko maramdaman ang tubig sa katawan ko. Ang nararamdaman ko lang, may nakayakap sa'kin mula sa likuran.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Kung hindi lang dahil sa taong nakayakap sa'kin, malamang nasa swimming pool na ko ngayon.

Pero may mali..

parang may mali!

May mali talaga!

Dahan-dahang napababa yung tingin ko sa brasong nakapulupot sa...

sa aking...

(O___O)

Mabilis akong umikot para harapin sya saka sya sinampal ng malakas sa pisngi, "MANYAKIS!"

Nalaman ko nalang na nabitawan nya ako at...

*SPLASH*

Nahulog ako sa malalim na pool. Mabuti nalang at marunong akong lumangoy. Pag-angat ng ulo ko sa tubig, tumambad sa'kin ang nakalahad nyang palad.

"You okay?" tanong ng manyakis na Playboy.

Hinawakan ko yung kamay nya at hinila kaya naman nahulog din sya sa tubig.

Hindi ko na sya inantay pa na makaahon, umalis na ko ng pool. Hinubad ko yung sapatos ko at pinigaan yung skirt at ung blouse ko para hindi masyadong mabigat. Err... basang-basa ako.

"Yah! Why did you do that? I was just trying to help you!" Nilingon ko si Playboy na nasa tubig pa rin hanggang ngayon.

Nag-e-engoy ang mokong (=O=)

Magsasalita pa sana ako kaso nakita kong bumaba yung tingin nya sa....

(O___O)

Pinag-cross ko yung braso ko para takpan yung...

"Nice brassiere." he said, smiling mischievously.

ARGH!

Sa inis ko, binato ko sakanya yung sapatos ko at dahil nasa tubig sya, hirap syang makailag kaya naman sumakto yun sa ulo nya.

"YOU FIRST KICK MY PRECIOUS JEWEL AND THEN NOW YOU HIT MY HEAD!" Sigaw nya habang naghahahampas sa tubig.

Ngumisi nalang ako. Hindi lang yan ang gagawin ko sa'yo, PLAYBOY!

Crap. Minanyak nya yung....

argh!

wala na!

Hindi na ko..

***

"YAAAAAT! Hindi na ko.... hindi na ko virgin." humugot ako ng tissue galing sa tissue box at pinunasan yung ilong ko.

"Ang oa mo naman! Nahawakan lang yung----"

Bago pa nya matapos yung sasabihin nya, tinakpan ko na agad yung bibig nya. Nakakainis talaga!

Tapos pinansin pa nya yung hello kitty kong brassiere kanina >____< Bakit may ganung lalaki sa mundo, ha? First time ko maka-encounter ng playboy na gaya nya.

"Ninakaw nya yung first kiss ko tapos hinawakan pa nya yung... Waaaaah~ I hate him sooooo much!"

Suminga ako sa tissue.

"Kadiri mo naman! Kung ako sa'yo, ititigil ko na yang pina-plano mo sa Playboy na yun. You don't have to do that just to get avenge me. Ninakaw na nga yung first kiss mo tapos hinawakan pa yung 'ano' mo. Baka sa susunod, pati virginity mo nakawin na rin nun."

"Isang malaking NOOOOOO! Over my drop-dead-gorgeous body! Mapapatay ko muna sya bago nya pa magawa yun! Atsaka, anong ititigil? Ngayon pa? Ngayon pang ang dami na nyang kamanyakang nagawa sa'kin? NO WAY HIGHWAY!"

*Knock.. knock*

"Louise, bakit ka sumisigaw?"

Nagkatinginan kami ni Yat. Oh no!

"W-wala po! Nagti-trip lang po kami ni Yat."

Chapter 4

*Don't block my way*

Yat’s POV

*Dismissal*

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, bigla akong nilapitan ni Zai.

"Yat, hindi ako makakasabay sa'yo ngayong umuwi. Kailangan ko pa kasing pumunta sa library para gawin yung report ko sa english."


Kataloq: uploads
uploads -> Azərbaycan Respublikası Kənd Təsərrüfatı Nazirliyi Azərbaycan Dövlət Aqrar Universiteti adau-nun 80 illik yubileyinə həsr edilir adau-nun elmi ƏSƏRLƏRİ g əNCƏ 2009, №3
uploads -> Mühaziry riyazi mYntiqin elementlYri
uploads -> AZƏrbaycan respublikasi təHSİl naziRLİYİ azərbaycan döVLƏT İQTİsad universiteti magistratura məRKƏZİ
uploads -> AZƏrbaycan əraziSİNDƏ İBTİDAİ İcma quruluşU
uploads -> АзярбайжАН РЕСПУБЛИКАСЫ ТЯЩСИЛ НАЗИРЛИЙИ азярбайжан дювлят игтисад университети
uploads -> Mövzu Fənnin məqsədi və vəzifələri
uploads -> Marketinq fənni üzrə İŞÇİ TƏDRİs proqrami
uploads -> Asm-nin iqtisadiyyatı və idarə edilməsi
uploads -> Təqdimatların hazırlanması (Powerpoint, Word, Excel)

Yüklə 2,22 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   22




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə