Me and Justin:
'Cause maybe it's true, that I can't live without you (Nangiti si Justin.)
Well maybe two is better than one (Hindi ko na rin mapigilang ngumiti. Parang nawala na yung kaba ko at yung nararamdaman ko nalang ay saya sa puso ko.)
There's so much time, to figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two, is better than one
Habang kumakanta, natingin ako kay Jessie. Hindi ko mabasa yung expression niya. Nakatingin lang siya sakin. Biglang parang sumikip yung dibdib ko kaya inalis ko na yung tingin ko sa kanya.
Kinanta na namin ni Justin yung last line...
Two is better than one...
Nagpalakpakan yung mga tao. Si Justin at Kevin man pumalakpak. Bigla tuloy akong nahiya pero ngumiti nalang ako.
“Ang galing mo Luna,” sabi sakin ni Justin.
“Thanks.” Ngumiti ako sa kanya.
Nung bumaba kami sa stage, madaming tumapik sa braso ko at nagcongratulate. Nagustuhan daw nila yung kanta.
Paglingon ng ulo ko, nakita ko ulit si Jessie, nakatingin pa din sakin. Huminga ko ng malalim at umiwas ng tingin.
Ba’t ganun, parang may naramdaman akong kakaiba? Parang ang saya-saya ko. Parang nawala yung lungkot. Nung papalakad kami paalis ni Justin, hinawakan niya ulit yung kamay ko, pero this time, I hold back.
Chapter 37
Luna
Sabay kaming kumain ni Justin kasi iniwan ako ni Steff. Pero I’m sure naman na hindi niya kasama si Kevin kasi umuwi si Kevin. San kaya nagpunta yun at iniwan akong mag-isa dito kay Justin??
“Tubig?” Binigay ni Justin yung mineral niyang hindi pa nabubuksan.
Umiling ako. “Nako, hindi okay lang. Mas kailangan mo yan eh pagod boses mo.”
“Hinde okay lang.”
Inalis niya yung seal at inilagay sa kamay ko yung mineral. Nakaupo kami sa may bench kasi sabi ko napapagod ako.
Ewan ko ba. Ang bilis kong mapagod ngayong mga nakaraang araw. Marahil siguro konti lang yung kinakain ko tapos minsan nalilipasan pa ko ng gutom. Haist, ang hirap naman ng ganito...
“San mo gusto pumunta?” tanong ni Justin.
“Kahit saan...”
“Dun tayo? Okay lang??” Itinuro niya yung isang booth dun sa kanan. Yun yung may dart tapos kailangang tamaan yung lobo na nakadikit sa pader para manalo ng premyo.
“Sige.”
Tumayo na kami at pumunta dun sa booth. May mga babaeng naglalaro dun pero nung makita nila si Justin, ngumiti sila at tumabi.
Nag-thank you naman si Justin at nagbayad ng 20 bilang fee para makakuha ng tatlong darts. Nasa tabi niya ko para manuod.
“Kaya mo ba yan?” asar ko sa kanya.
“Aba oo naman. Dali lang nito eh.”
“Baka sa noo nung tagabantay mo itama yan ah?”
Natawa siya. “Haha! Tingnan nalang natin...”
“Pwede pa ba isang player dito?”
May tumabi sakin, matangkad. Natingin kami ni Justin sa kanya.
“O-Of course,” sabi nung tagabantay at hindi magkanda-ugaga sa pagkuha ng darts.
“Jessie,” yun lang bukod tanging nasabi ko.
“Oh Jess,” sabi ni Justin.
Pamaya-maya, may humila sakin paatras. Napatingin kami ni Justin dun sa babaeng may hawak sa braso ko ngayon.
“Let them play na silang dalawa lang,” sabi ni Sarah at binitawan na ko.
Tss. Ang sarap sabunutan nitong babae na toh. Nag-iinit na naman dugo ko eh.
“Ano ba gusto mo sa prizes Luna?” tanong sakin ni Justin.
“Ha? Uhm..” Tumingin ako dun sa may shelf kung san nakalagay yung prizes. “Yung Stitch.”
Tumingin silang lahat dun.
“Ah sige sige. Ano ba kailangang targetin para dun sa Stitch,” tanong ni Justin.
“Yun pong blue na balloon,” sabi nung tagabantay.
Maliit lang yung balloon na yun kaya mahirap paputukin. Haist, mahihirapan pa ata si Justin ah.
“I also want that one, baby,” sabi ni Sarah kay Jessie.
“Wag na, yung pink na bear nalang. Yun naman yung Grand Prize eh.”
“But I want that!”
Tumalikod na si Jessie at naglaro. Si Justin din nagstart na. Pamaya-maya, kumamot ng ulo si Justin. May ibinigay sa kanya yung tagabantay tapos lumapit siya sakin.
“Sorry Luna, ito lang kinaya ko eh.”
Ibinigay niya yung isang Spongebob na stuff toy. Ngumiti ako. “Okay lang, at least tinry mo di ba? Cute naman siya eh.”
Si Sarah naman natuwa na rin kasi nakuha ni Jessie yung pink bear. Tss. Pati yung gusto kong stuff toy aagawin pa niya. Buti nalang hindi napaputok ni Jessie yung balloon ni Stitch.
Kinabukasan, sa may apartment, nagmamadali kami ni Steff gumayak kasi yung Section 1 yung naka-asign sa isang booth. Eh late na kami. Haaayy...
“Bilisan mo nga sis!” sigaw sakin ni Steff dun sa may pintuan.
“Teka nga lang!” Halos mabulunan na ko dun sa kinakain ko. Ininom ko yung Milo ng biglaan kaya napaso tuloy ako.
“ARAY!”
“Haist! Ano ba! Ang tagal naman eh!”
“Ayan na po! Ayan na po!” Uminom ako ng tubig para mawala yung sakit sa dila ko kahit papano.
As usual, tumakbo kami ni Steff papunta dun sa school. Hingal na hingal kami nung makarating kami dun. Tapos aakyat pa kami hanggang third floor! Waaahh! >_<
Pagdating namin sa room, nag-aayos na yung mga classmate namin. Horror booth kasi yung samin eh. Actually nakakatuwa yung naisip naming horror booth, hindi lang siya yung bastang hahabulin ng multo, meron pang kailangang hanapin na susi yung gamer para makalabas.
Meron din namang hidden na special keys na may instruction kung anong chest ba yung bubuksan nun. Syempre panibagong hanapan na naman yun. Haha. Pero sulit yun kasi may lamang prizes yung mga chest.
Pero every batch hanggang 10 minutes lang. Pag nag-exceed sa time na yun, nako for sure paglabas nila, puro pahid sila ng lipstick at namumuti sa harina. Wahaha!
Ako yung naka-asign sa sounds kaya hindi ko na kailangan pang magmake-up. Pero si Steff, siya yung isa sa mga white lady! Haha! Kaya ayun, heavy make-up kailangan ng lola niyo.
Pero kung si Sarah yun hindi na kailangan ng make-up. Grr!
When everything’s set, pinatay na namin yung ilaw at pinaandar yung sound.
“WOW!” sigaw naming lahat.
Then after a few minutes, nagstart na yung horror booth. Ang dami daw nakapila sa labas. Mukhang patok toh ah. Haha. Nakaka-pitong batch na kami. We decided na last batch na yung susunod para makapag-lunch break na kami.
Enter the last batch.
Mula dito sa kinalalagyan ko rinig na rinig ko yung tilian at sigawan. Lalo ko pang nilakasan yung volume para lalo silang matakot.
Nagulat ako ng biglang may humila sakin. Nasandal ako sa may kurtina. Hindi ko maaninag yung mukha kung sino man yon kasi madilim. Kaya nangapa ako.
Yung una kong nahawakan eh yung leeg, papataas hanggang sa nakalagay na yung kamay ko sa pisngi niya.
Lumakas yung tibok ng puso ko nung bigla nalang din niya kong hinawakan sa pisngi. “Sino ka ba?” tanong ko.
Hindi siya sumagot.
Hinawakan niya yung kamay ko at may inilagay dun na malambot. Ano ba toh, unan??
“Sino ka?” tanong ko ulit.
“Luna.”
*Lub dub lub dub*
Kilala ko yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga toh. Siya toh...
“Jessie?”
Hinawakan niya ulit yung pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako kaya nabitawan ko yung binigay niya sakin. Hindi ko man siya nakikita ngayon, alam ko pa rin kung ano yung itsura niya.
Hinalikan niya ko ng mas madiin na para bang gusto na niya kong kainin. Para na kong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ayaw kumilos ng katawan ko. Para kong isang matigas na bagay na hinahalikan ng malambot niyang mga labi.
Napasinghap ako ng maramdaman ko yung labi niya sa may leeg ko. Shucks! Ano ba toh!
>///<
Nafeel ko na parang bumitaw na siya. “Namimiss na kita,” sabi niya sakin ng mahina.
Lalong lumakas yung tibok ng puso ko. Patuloy ako sa paghinga ng malalim kasi parang natutunaw pa rin ako sa nangyari kanina.
“Jessie...”
“Shh...”
Narinig ko yung mga yapak niya paalis. Kinapa ko siya sa dilim pero puro hangin nalang yung nahahawakan ng kamay ko.
Ano yon?? Ano ibig sabihin non??
Hindi ba’t si Sarah mahal niya? Pero bakit niya ko hinalikan? Tapos sabi pa niya namimiss niya na ko. HAIST!!! ANO BA YAANNN!!! >_<
Yumuko ako at kinuha yung binigay niya sakin. Ang lambot nga talaga nito, ano kaya toh??
Pamaya-maya, may narinig akong sarado ng pinto. Then afterwards, bumukas na yung ilaw. Medyo napipikit pa nga ako kasi nasisilaw ako.
Pero pagtingin ko dun sa kamay ko. Nagulat ako kasi yung hawak-hawak ko ngayon ay yung stuff toy na nagustuhan ko kahapon... si Stitch.
Chapter 38
Luna
Dali-dali kaming nagbihis ni Steff. Kahapon lang samin iniform kasi gusto daw nila kaming masurprise.
Sumakay kami ng bus papunta ng airport. Hindi ko alam pero buong biyahe ata akong nakangiti. Si Steff naman sa sobrang excited buong biyahe tulog. HAHA!!
Pero ako hindi ako makatulog eh. Lalo na ngayong alam kong makikita ko ulit si Mama at si Teena. Tss. Kaya pala bihira nalang akong ichat ni Teena eh tapos si Mama bihira nalang tumawag kasi may pasabog palang ganito! Haha.
Nung nandun na kami sa airport, naghintay pa kami ng mga isang oras at kalahati.
“Luna?”
Napatingin kami ni Steff sa likod. Ngumiti si Mama sakin at tumakbo ko papunta sa kanya. Inakap ko siya ng mahigpit. “Mama! I miss you!”
“Uy ako din!”
“Haha! Halika nga dito Steffie, baka magtampo ka pa eh!” Inakap din ni Mama si Steff. Steffie yung tawag niya sa kanya kasi cute na cute siya kay Steff.
“How about me?”
“Teena!” Inakap ko yung nakababata kong kapatid. “Ang laki mo na ah!”
Ngumuso siya sakin. “Ate! You look so thin na!”
“Aba! Englishera ka na ha makulit na bata!” Kiniliti ni Steff si Teena.
“Ano ka ba ditse! You’re so like a kid talaga!”
“Ako pa kid ngayon ah?!”
Nagtawanan kaming lahat. Ang cute noh? Family talaga kami. Si Teena ditse tawag kay Steff at mas close pa nga sila eh. Hmp. Haha..
“Kumusta na ba kayo?” Tanong ni Mama habang hinihimas-himas yung buhok ko.
“Ayos naman Ma. Namiss talaga kita.” Inakap ko ulit siya. Para kong bumabalik sa pagkabata. Iba pa rin talaga pag magulang mo yung katabi at aakap akap mo. Feeling mo safe ka at laging may magtatanggol sayo.
Kumain muna kami sa restaurant bago tuluyang umuwi. Ilang buwan lang daw sila dito kasi hindi naman daw pwedeng iwan ni Mama yung trabaho niya dun saka may pasok din si Teena. Buti nalang at sembreak nila ngayon kaya nakasama siya sa pag-uwi.
Nung nasa bahay na kami. Tinulungan kong mag-unpack si Mama. Si Steff naman si Teena yung tinulungan. Buti na nga lang at may extra pang room dito sa apartment. Dun kasi minsan tumutuloy sina tita pag bumibisita sila dito.
Inayos din namin yung kwarto na yun kasi matagal na ding hindi nagagamit yun.
“Ma,” tawag ko habang nagpupunas ng vase.
“Hmm?” Nagwawalis si Mama. Si Steff naman inaayos yung kurtina tapos si Teena inaayos yung kama.
“Kumusta na sina Casey dun?”
“Ayun, ang laki na ni Casey. Ang tagal niyo na din di nagkikita di ba?”
“Opo eh, hindi ko nga po alam kung patpatin pa din yun.”
“Ay nako anak! Ibang-iba na si Casey ngayon! Ang gwapo na niya...”
“Oh?” sabay naming sabi ni Steff.
Hay si Steff talaga! Kapag pogi yung pinag-uusapan napakalakas ng pandinig!
Natingin saming dalawa si Mama at tumawa. “Nako kayo ah. Baka mamaya pag umuwi yun pag-agawan niyo pa.”
“Nako hindi po tita. May one and only na po ako eh.”
“Oh sino?”
“Kevin Perillo yung name Ma,” sabi ko.
“Siguro pogi yun. Nagustuhan ni Steff eh.”
Ngumiti ng malaki si Steff. “Syempre naman tita! Papatol ba ko sa uhuging suso??”
Natawa kami. “Uhuging suso?” matawa-tawang tanong ni Mama.
“Nako Ma! Wag mo na ngang pansinin yan!” sabi kay Mama.
Tumingin sakin si Mama. “Eh ikaw ba anak, me boyfriend ka na ba?”
Hala, bigla akong kinabahan. Haya nagpapawis ako! Amp! >_<
“Wala pa Ma eh,” sabi ko.
“NAKO!!!” agad namang ni Steff.
“HOY! Wala naman talaga ah?!”
“Alam mo anak,” sabi ni Mama. “Wala namang kaso sakin kung magka-boyfriend ka eh. Basta ba hindi makakaapekto sa studies mo at yung talagang mamahalin at poprotektahan ka.”
“Oh ayan sis may blessing ka na!”
Tiningnan ko ng masama si Steff. Pero alam niyo ba yung ginawa? Dinilaan pa ko!!! Takte..
Tinuloy ko na yung pagpupunas ko. Tinitingnan ko yung rose dun sa vase. Ang ganda. Sana marunong akong magdrawing ng ganitong rose! Huhuhu...
Napansin kong may nakasulat na parang quote sa ibaba kaya tiningnan ko.
Lumiit yung mata ko. Ano ba yan, hindi ko mabasa. Parang blurred eh. Aya! May astigmatism na ata ako! Ba’t ba kasi naimbento pa yung internet eh! Haha!!
“Dito mo nalang ilagay yang vase sa tabi ng kama Luna,” sabi ni Mama sabay turo dun sa end table.
“Okay.” Pumunta ko dun na hawak yung vase.
*plak!*
Biglang dumulas sa kamay ko yung vase at nabasag. Natingin silang lahat dun sa mga bubog sa sahig.
“B-Bakit nahulog? Mahigpit naman pagkakahawak ko ah?” sabi ko.
“Wag kang kikilos Luna, baka matapakan mo yung bubog.” Winalis na ni Mama yung basag na vase.
“Baka madulas kasi yung kamay mo,” sabi ni Steff.
“Baka nga...”
*Kinabukasan*
“WOW!!!” sigaw ni Steff. Umupo na siya at agad tinikman yung beef steak na niluto ni Mama. “ANG SARAAPP!! Tita wag ka nang umalis!!!”
“Haha, bakit naman? Hindi ba kayo nakakakain ng ganyan dito?”
“Hindi po!” sagot naman ni Steff at sumubo pa ulit.
“Wala kasing magluluto Ma eh.” Umupo na din ako at kumuha ng pagkain.
Itinuro ni Steff yung tinidor niya sakin. “Yan po kasing si Luna eh! Walang alam sa pagluluto!”
“Hoy! Nakakahiya naman sayo noh!! Ang galing mong magluto!!!”
“Siya lang po yung nakakagawa ng adobo na walang lasa! Akalain niyo yun tita? Bukod tanging siya lang yung nakakapag-patabang sa toyo!”
Sumibangot ako sa kanya habang tawa ng tawa naman sina Teena at Mama.
“O siya tama na yan mga anak, kumain na kayo at malelate pa kayo sa school.”
Ang saya! Sana lagi nalang kaming ganito. Nakakamiss talaga sina Mama at Teena. Kahit kami-kami nalang eh masaya pa din kami. I really really do LOVE them...
“Bye Ma!”
“Bye tita! Pasabi na din kay Teena!”
Kumaway kami ni Steff kay Mama. “Ingat kayo ah! Wag papagabi!”
Pagdating namin sa school, busy yung mga estudyante sa pagwawarm-up. Nagpalit na agad kami ni Steff sa may CR ng PE uniform namin. Last day na kasi toh ng School Fest kaya lahat ng estudyante eh kasama sa Fun Run.
Itinali namin yung buhok namin para hindi mainit. Naka white t-shirt kami at shorts. Rubber shoes naman yung suot naming sapatos. Saktong paglabas namin pumito yung PE teacher namin.
Nagtipun-tipon na yung mga estudyante at nag-ready sa pagtakbo.
“Gano kalayo nga ulit yung tatakbuhin natin?” tanong ni Steff habang nakayuko kami.
“Three kilometers.”
“Waaahh!!! Hihilahod na yung dila ko sa kalsada!”
“HAHA! OA ka naman sis!”
“Ready...” bilang nung teacher.
*priiiiiitttt*
Pagpito na pagpito palang eh agad nang nagsitakbuhan yung mga estudyante. Ang sarap talagang mag-exercise. Nakakagaan ng pakiramdam.
Nakakakalahati palang kami pagod na si Steff. “T-Teka lang!” Hingal na hingal siya. “H-Hindi ko na.. k-kaya...”
Huminto na siya at umupo dun sa ilalim ng puno.
Tumatawa ko habang papalapit sa kanya. Ang hina talaga sa takbuhan ni Steff! “Give up ka na?”
“Wag ka na ngang mang-asar dyan! Alam mo naman na hate ko to eh!” Sumibangot siya at humalukipkip.
“Sayang. Kung asaran lang sana yung pagtakbo matagal ka ng champion,” sabi ko sa kanya.
“Mauna ka na nga! Nang-aasar ka pa eh! Susunod nalang ako. Sasakay akong tricycle.”
“Tss. Daya!”
“No choice eh!”
“Sige na nga! Bye!” Kumaway ako sa kanya habang tumatakbo palayo.
2.3 kilometers na yung natatakbo namin. Wew! Napapagod na din ako ah. Pinunasan ko ng yung noo ko. Pawis na pawis na ko at parang nauuhaw na din ako.
“Tubig?”
Nung tumingin ako sa kanan ko, nakita ko si Justin na inaabot sakin yung tubig niya. Kinuha ko yun kasi nauuhaw na din naman ako. “Thanks.”
Lumakad nalang muna kami para magpahinga.
“Si Steff?” tanong niya.
“Ayun, tinabihan yung suso.”
Natawa siya. “Hina talagang tatakbo nun. Mula first year ata ganun na yun eh.”
“Kahit nung kalalabas palang sa tyan ng Mama niya HAHA!!!”
Uminom ulit ako. Hay ang sarap ng malamig na tubig! ^_^
“Takbo na ulit tayo?” yaya ni Justin.
Ngumiti ako. “Sige.”
Kinuha niya yung tubig at nauna nang tumakbo. Humakbang ako para muling tumakbo, pero...
Biglang nanghina yung tuhod ko. Bumagsak yung katawan ko at nakita ko nalang yung sarili ko na nakadapa sa kalsada. Napahiyaw pa yung ibang nakakita. Bigla nalang natigil yung iba at tiningnan ako.
May mga tumulong sakin na umupo. Hala, pagod na pagod na ata ako. Mukhang hindi pa rin sapat yung tatlong araw na bawi ng kain. Hanggang ngayon nanghihina pa din ako.
“Luna!”
Pumunta si Justin sa tabi ko. Alalang-alala siya. “O-Okay na ko Justin.”
Hinawakan niya yung pisngi ko at ngumit ng konti. Pero napansin ko na bigla ding napawi yun. Parang may basa na tumulo sa gilid ng mukha ko.
At pag-alis ng kamay ni Justin sa mukha ko, nakita ko sa kamay niya yung bakas ng dugo ko.
Chapter 39
Luna
“Ayan, okay na.”
Tapos nang lagyan ng band-aid ni Dra. Marquez yung sugat ko sa ulo.
“Bakit ka ba kasi nadapa iha?” tanong niya.
Kinamot ko yung ulo ko. “Ano po?”
“Tinatanong ko kung bakit ka nadapa..”
“Ha? Nadapa po?” nagtataka kong tanong.
Tumitig lang siya sakin. Biglang sumakit yung ulo ko. “Aray!” Sinapo ko ng kamay ko yun.
“Oh...” Inalalayan ako ni Dra. Marquez. “Baka epekto yan ng pagkakatama ng ulo mo. Nagkakaroon ka ng memory lapse. Pero hayaan mo, babalik din yan sa normal pag naghilom na yang sugat mo.”
“Ah, ganun po ba..”
Lumabas na kami dun sa office niya. Nakita ko sina Steff at Justin na nakaupo sa sofa. Tumayo sila nung makita nila ko.
“Luna!” Inakap agad ako ni Steff. Halata sa kanyang nag-alala siya. “Ayos ka na ba?? May masakit pa ba??”
Umiling ako. “Wala na. Okay na ko.”
“Tinakot mo ko! Sabi kasi ni Justin dumugo daw yung ulo mo eh! Alam mo bang mas pinagod mo pa ko sa pagtakbo papunta dito kesa dun sa Fun Run?!”
“Sorry sis. H-Hindi ko naman alam na madadapa ako eh...”
“Tsk! Wag mo nang uulitin yan ah! Kinabahan talaga ko!”
Ngumiti ako at tumango.
Tumingin ako kay Justin. “Thank you Justin ah... Sa paghatid sakin dito. Tapos hinintay mo pa ko dito. Thank you talaga...”
Ngumiti lang siya sakin. “Wala yon. Alam mo naman na lagi lang akong nandito para sayo eh.”
Bigla akong namula. Haist! Ba’t kailangan pang sabihin dito yun?!
“Ahem...” Umubo si Dra. Marquez sa kamao niya. “So Luna, bawal ka munang magpagod ngayon. Alam kong hindi mo maiiwasan yun dahil ikaw yung president ng Student Council, pero you have to know your limitations. Kailangan ingatan mo din yang sarili mo lalo na’t may sugat ka na pinapagaling.”
“Don’t worry Dra! Ako bahala kay Luna!” masayang sabi ni Steff.
Lumabas na kami ng clinic. Pagkasara ng pinto nakita ko si Jessie na parang may hinahanap kasi nagmamadali siya. Nung magtama yung tingin namin, biglang bumilis na naman yung tibok ng puso ko.
Tumakbo siya papunta samin. Naka-PE pa rin siya at pawis na pawis. Humihingal pa siya nung huminto siya sa harapan namin.
Tumingin siya kay Justin sandali tapos sakin ulit.
“Ba’t nandito ka??” matabang na tanong ni Steff.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya sakin.
Huminga ko ng malalim. Parang naputol na naman yung dila ko kasi hindi ako makapagsalita. Buti nalang at si Justin yung nagsalita para sakin.
“Ayos na siya, Jess. Ihahatid na lang namin siya sa bahay para magpahinga.”
Tumingin ulit si Jessie kay Justin. Parang may kakaiba sa kanila ngayon. Para bang tension sa tinginan nilang dalawa...
“Justin, halika na,” yaya ni Steff. Siguro nafi-feel din niya yun kaya nagyaya na siya.
Hinawakan ni Justin si Jessie sa balikat. “Mauna na kami pare.”
Tapos umalis na kami. Nung lumingon ako, nakita kong nakatingin pa rin si Jessie sakin. Ayoko talagang iwan siya dun eh. Ayokong iwan siyang mag-isa ng ganun-ganun lang...
Pero wala akong magagawa. Hindi pa rin naman ayos yung problema namin sa isa’t isa eh. Pero kahit papano, araw-araw akong umaasa na sana ay mayos din namin yun...
Hindi lang kasi ako yung nahihirapan eh... Pati siya nakikita ko na rin na nahihirapan na...
Nung lumalakad kami sa corridor, nagsalita ako. “Sinabi niyo ba kay Mama yung nangyari?”
“Oo,” sabi ni Steff. “Sabi namin maghintay nalang siya sa bahay kasi okay ka na naman.”
Tumango ako. “Thanks. Ayokong mag-alala pa sila ni Teena. Kadadating palang nila eh..”
“Basta wag mo nalang muna papagurin yung sarili mo Luna,” paalala ni Justin.
Pag-uwi namin, sinalubong agad ako ng yakap nina Mama at Teena. Alalang-alala sila.
“Ate okay ka na ba?”
“Masakit pa ba yang sugat mo anak?”
“Okay na ko. Papasok nalang muna ko sa kwarto,” sabi ko sa kanila.
“Mauna na po ako,” paalam ni Justin kay Mama.
“Naku salamat sa pag-aalaga kay Luna ah? Sige, mag-ingat ka sa daan pauwi,” sabi ni Mama at pumunta na sa labas para isarado yung gate.
Pag-alis ni Justin, umakyat na agad ako sa kwarto. Gusto ko nang matulog pero ayaw akong dalawin ng antok.
Naiisip ko kasi si Jessie eh. Hindi ko siya maintindihan. Si Sarah yung girlfriend niya pero he cares for me. Di ba? Nakita ko yung pag-aalala sa mata niya kanina nung inapproach niya ko. Tapos sinasabihan pa niya ko ng namimiss niya raw ako. Tapos yung kiss... Dalawang beses na niya kong hinalikan...
Hindi pa ba pwedeng proof yun? May gusto rin kaya siya sakin? Ano? Meron kaya pero hindi lang niya maamin kasi nakatali siya kay Sarah??
WAAAAHHHHH!!!!
ANO BA JESSIE?!! Ba’t ikaw na naman iniisip ko?!! >_<
Sumasakit na naman yung ulo ko kaya bumaba muna ko at uminom ng gamot. Katulad nga nung sinabi ni Dra. Marquez, sabi din ni Mama na natural lang daw na magkaroon ako ng headaches kasi parang naalog nga yung ulo ko dun sa pagkakabagok.
Pagkainom ko ng gamot, umakyat na ulit ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at kinuha yung laptop. Nag-online ako sa facebook at nag-update ng status.
Luna Reyes
HEADACHES!!! Grrr!!! >_<
Like Comment Few seconds ago
*pop*
May nagpop-out na chat box sa ilalim ng screen.
Jessie Wright: Musta ka na?
Ano toh? Kelan ko pa naging friend si Jessie sa facebook? Baka nai-accept ko dati pero hindi ko lang natatandaan. Haayyy.. Lagi kasing busy eh...
Nireplyan ko siya...
Luna Reyes: ok na
Jessie Wright: Sakit pa rin ba ulo mo?
Luna Reyes: ou kanina. Pero di na gaano ngayon
Jessie Wright: Ah buti naman. Kala ko kung ano na nagyari sau kanina eh...
Ahay ano ba toh! Namimisinterpret ko lang ba tong sinasabi niya??! Subukan ko nga..
Luna Reyes: tsk. nag-alala ka?? :b
*pop*
Jessie Wright: Sobra..
Napatitig lang ako sa screen. Tumalon na naman yung puso ko. Haist! Hindi naman dapat ganito sagot niya eh. Pang-aasar yung sinabi ko eh kaya dapat yung sagot niya eh, “Weh! Itsura mo!” o kaya “Ano ka? Sinuswerte?!!”
Pero...
Pero bakit ganito??
Jessie Wright: Luna? Dyan k p ba?
Dostları ilə paylaş: |