Batch 8T2 chikahan (2006) edition



Yüklə 310,37 Kb.
səhifə1/9
tarix26.08.2018
ölçüsü310,37 Kb.
  1   2   3   4   5   6   7   8   9

BATCH 8T2 CHIKAHAN (2006) EDITION
Mercedes Ayo

Feb 17th, 2006 - 12:13 PM    

Like u Tita Grace i was shocked too!i thought my pc got virus and erased everything...ano na nga po ba ang nangyari Mam Valdez?Baka naman nagpost ako ng censored!?if i did please forgive me but as far as my memory kahit lasing ako carefull pa rin ako ika nga eh "carefull ur on d air"anyway guys and doll halina maglog-in na tayo dont be shy now....Joel talaga nga palang nawala ang ating chikahan.Dory did u get the pics?let me know dahling...till next magme-meditate lang me salute!   Email: ajustmer@aol.com

joy trinidad panlilio-baltazar

Feb 17th, 2006 - 7:48 PM      


"I don't know why you said goodbye...." a line fron the song Boulevard, na parang nangyari sa forum natin, biglang nawala?! What happened? Right, mareng grace, when I called you up yesterday, I was really depressed .... actually, until now. But that will not dampen my spirit for a long time , I am a fighter (for a just cause, not a war-freak!)... we should move on from here ... let us not allow anything to hinder us from seeing each and everyone on our forthcoming reunion ! Let's keep the ball rolling....

Ang worry ko lang yung kiss ko kay Zorro ... baka kasabay ng paglaho ng forum natin, naglaho na rin si Zorro ko at si My Panday... .


I even texted everyone last Valentines Day to visit our forum and they promised me they will ASAP. Laking gulat siguro nila na zero ang forum. Emil texted me also yesterday, asking the same question, well... too much for that, no sense in crying over spilled milk... LOG IN HERE NOW, B8T2!  Email: joybltzr@yahoo.com

 

Dory Ferrer

Feb 18th, 2006 - 3:41 AM     
Hello Everyone!Kala ko na censor na tayo at na erase lahat ng log natin. Buti na lang balik chickahan uli tayo. Kala ko mawawala na communication natin. Mher, I haven't receive the pix from u but Joel sent it to me already. Thanks anyways. Joel, nice shots in LV pero parang missing yung last part yata. Para kang nag around the world sa pics ha, wala akong masabi. Grace and Joy, thanks sa kasipagan sa pagbuhay nitong forum natin. Take care everyone!  

Email: dflacambra@hotmail.com

 

Emil Arnel L. Morales

Feb 18th, 2006 - 9:03 PM      
Hi Everly! Still remember me? Sabi nga ni Aileen Gabo sa "pumanaw nating dating forum" ako yung maliit na mataba. Ikaw yung apple of the eye ng best friend kong nasa tate na today.

Masyado na yatang malalaswa ang pinag uusapan nyo kaya na censored ang ating forum. Wala naman sigurong nainggit sa tin no para i delete forum natin.

Baka naman nabuking na sila zorro at panday kaya binura na nila. he he he

Anyway, hinayang lang ako kasi wala na ang pinanghahawakan kong katibayan para sa "kiss" na pinangako sa mga mag log-on. Wala na. Kahit saang korte daanin hinde ako mananalo. Naglaho na ang ebidensya. He he he.


Bye for now and God Bless you all!

Email: emilarnelmorales@yahoo.com

grace bagorio

Feb 18th, 2006 - 11:09 PM    


Happy Birthday Benjie Aura..
Musta naman ang gimik mo jan sa victoria court...este tennis court? Win naman ba ang lolo sa tournament? Baka naman puro porma ka lang jan. Hehe! Anyway, may you have more victoria court celebration to come. Im sure happy ang day mo with ur wife and daughter Pauline. Enjoy the rest of the day. God bless always.
Emil, di mo na kailangan ng ebidensya, may palabra de honor ako. Tuloy ang kiss ko sa lahat ng maglolog-in. that's a Promise. May bonus pa pag always naglolog-in at di yung pasulpot sulpot lang.

Ms. Bonnette, thank you so much for your time in checking with bravenet.com regarding our lost forum. I hope ma recover pa, para may mabasa yung mga "new arrivals" ng batch82. Regards to u and ur family.

So guys, what are u waiting for? Panahon na para mag log-in, forget nyo na ang problema.. Pa log log para sumigla, mag post na hanggang umaga. Oks ba? See u guys, love u all.

 

gigi

Feb 19th, 2006 - 2:29 AM     
hi everyone!!
so marami ba akong na-miss?? may mga zorro pa at panday?? anyway, i finally did log-in the other day and saw nothing so - shock ako! anyway - whatever i miss - i guess - i missed it!! mher- sorry hindi ako nakapag-reply sa mga email mo but just want to confirm i got it! yes- i got some designs coming up and will be emailing them to you all soon. joel - got the pictures - thanks!! hi dory - bongga ang mga pix ninyo with erwin!! bigla ka bang nainggit, mher? ;-)

got to go now and just want to quickly say hello and my regards to all!! welcome, emil and everly!! smile joy!!

 

 zOrrO



Feb 19th, 2006 - 11:27 AM   
kung sino ka mang talipandas na nagbura sa aming mga pinagahirapan at pingapuyatang mga akda.... mananagot ka sa aking espada!!! (biro lang!)

sa aking mga kaibigan na sumusubaybay sa mga mai-init na yugto ng 'palaisipan' isang mapagpalang araw po ang ipinaabot ng inyong lingkod!

vietnam deases, ano sa wari mo at ikaw ay nagturan na ako si darna at valentina ay iisa? sana nga kaya kong gawin ang dalawang pagkatao! pangarap ko nga yun hayskul pa tayo! pero kun dito matutupad bakit hindi? pero hindi ko planong gawing 'praning' ang mga matitinong tao na sumusubaybay sa yugtong ito... kaya para sa iyo... HOY GISING!!! ha ha ha

bb. grace, bb. ligaya, bb. mher, bb. aileen, g. joel, at sa mga kapatid ko sa hanapbuhay.... panday, darna, valentina, maria magiling, kristala... ako ay ilang araw ding lumbay na lumbay. hindi nga ako makakain dahilan sa pagkawala ng ating 'porum' sa 'ere'

ako nga ay talagang nagulumihan sa mga pangyayari. at muntik pa akong mag-isip ng masama sa mga klasmeyts ng anak ko na nagamit ng aming kompyuter. sabi ko baka sa kakagamit nyo nagambag kayo ng bayrus sa aming kompyuter. (idinaan ko sa biro!) ha ha ha

subalit ngayon masaya na ako at muli ay akin na kayong masisilayan... nawa ay magpatuloy na ito! tuloy ang laban... walang bawi!!!

sa lahat ng narito kayo ay may laang uling isang matamis at maalab na "HALIK"... liban kay g. emil! kay panday ka humingi ng halik! ha ha ha...

abangan ang susunod na kabanata...




joy trinidad panlilio-baltazar

Feb 19th, 2006 - 8:40 PM      

Hi there.... Zorro mi amor! . I got worried that I will lose your promised kiss. Buti na lang we're back on air! So ayan, may kiss pa rin ako, hindi na bale sila... ako na lang, . (Ganid, noh?!)

Yes, mareng gigi, you've missed a lot of kwentuhan here. Cross your finger that Bonette will be able to work on putting back our erased messages so you can read it too.

Hello again Emil, Everly, Grace, Mher, Dorry, Joel & everyone (hah...hah...hahh.. pagod na ako sa pagbati pa lang, everyone na nga lang!)

Belated happy birthday, Benj! Saan tayo, sir?



Email: joybltzr@yahoo.com

 

.-=DARNA=-.

Feb 19th, 2006 - 11:10 PM    
DARNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!there... na released ko na ang sama ng loob ko! grabeeeeee as in super! dis-appear ang byuti ng mga manash kong sister sa air! bakeeeeeeet? chuva! chuvang tsinugi ang ang ating tsikahan?

well by the way, anyway and highway.... kumusta na ang aking giliw na mga tagahanga (again! talagang umaasa ako na mayroon akong tagahanga? hi hi hi)eksena braganza dibinitz!

ayyyy naku sister ligaya... akin na si zorro barako! as in talagang sya ay akin lang! period! hi hi hi i even get rid of valentina! see? kiyeme!(wish ko lang wag na syang lumitaw!)

oo nga pala! anone ang balita sa address ng ating mga classmates nakuha mo na ba my dahlin joy? o siya sige kita kita kitz na lang tayo sa 2007 reunion ha? ang wala dun? kamukha ni babaeng impakta! hi hi hi

till then...

back to earth!

'-=NARDA=-'

lovingly yours,

.-=DARNA=-.

 

 



grace bagorio

Feb 20th, 2006 - 1:21 AM     

glad ur back G. Zorro and darna.So what's taking the rest of our superfriends so long? Di nyo ba knowing kung pano umapir na di kayo mabubuking? Gayahin si Darna, appear muna sya as her true self bago nya nilulon ang mahiwagang bato. Hi G. Zorro, miss ka namin lalo na ni Joy. Halos mangayayat sya sa kakaisip sa yo. buti na lang mabilis umarangkada ang kabayo mo at natunton agad ang muling pagkabuhay ng ating forum.

O ayan mareng joy, masaya ka na, as in,at makakamit mo na ang inaasam asam mong kay G. Zorro. Bahala kayo, kung gusto nyo magsabunutan pa kayo nina Darna at Valentina, basta akin pa rin ang PREMYO! Pati na rin ang espada at kabayo, akin din. So, calling on Panday, valentina, Kristala, forget muna ang mission impossible nyo, log-in muna d2 sa headquarters. The show must go on. Wait namin kayo.

 

gigi

Feb 20th, 2006 - 1:39 AM     


helllloooo??? what's going on? costume party na ba ang theme ng reunion on '07??? hey, i agreed to set aside the idea of "prom night '07" in exchange for a costume ball????? oh no.... all right .... all right...guess i can't always win. hello to all - got to start diggin' in my filipino dictionary... i was pretty intimidated with all the poetic filipino words in this forum. malapit ko ng maibahagi sa inyo ang aking malikhaing kaalaman sa paglikha ng magarang kasuotan. whew!!!

 

grace bagorio

Feb 20th, 2006 - 1:58 AM     

Yes gigi, out na ang prom, in ang costume ball. Tagal mo kasing absent, inabot ka na tuloy ng pagkabura ng forum natin. To update you, magkakaron tayo ng PALAISIPAN sa ating 2007 reunion. Huhulaan natin kung sino-sino sina Zorro, Darna, Valentina, Kristala, at kung may madadagdag pang mga bagong characters. Ofcourse may mga prizes din, sponsored by Zorro himself and Ms. Aileen. Ito na siguro yung isa sa magiging games natin. So, we requested them to wear their costume para mas exciting. Sila lang ang magcocostume, all the rest will wear the agreed maong pants and t-shirt (with ur design). Mind you, dont join the contest kc matatalo ka lang. Ako ang winner d2 kaya akin ang premyo. Maki arbor ka na lang ng kiss kay zorro kung gusto mo.

  

VaLeNtInA

Feb 20th, 2006 - 5:41 AM     


AHA
BUMALIK DIN ANG FORUM.IKINALUMBAY KONG LUBOS ANG PAGKAWALA NITONG UNA AKALA KOY HINDI KO NA MASISILAYAN ANG AKING MGA KAIBIGAN AT KAMAG-ARAL AT ANG AKING MINAMAHAL NA SI G.ZORRO.

KAIBIGAN DARNA ALAM KONG MISS NA MISS MO NA AKO GAYON DIN SA IYO BB GRACE ALAM KONG NA MISS NYO AKO.

WELL IM BACK

SA INYONG LAHAT MAGANDANG GABI

 

Vietnam Rose

Feb 20th, 2006 - 7:10 AM     


Hallller!!Ok din sa akin ang costume ball sa reunion kaya lang ang iba diyan ay baka magsuot ng ibat ibang kasuotan dahil multiple personality kahit nag-iisang tao, 3 ang aliases. Hello Zorro, Darna at Valentina.Walang pikunan Joy!

Panday napano ka na? Hindi ka na nakapagsalita dahil nabuking ka na ba rin? Huwag pupula ang hasang baka maging kagaya ka ni kuwan.Yayayin mo si Kristala at join sa palaisipan ba yun?


Ms. Grace, siyanga pala guaranteed new comer eto kaya lang join na rin ako sa alias, yan yata ang trend pero dapat isa-isa lang. Hi Emil!. Ang sexy xexy mo ngayon Mher. Miss ko na kayo ni Mabel, Dory at Mayumi. Sa lahat kita kits na lang tayo.

 

Ang Pagbabalik ng Panday: Ikalawang Yugto

Feb 20th, 2006 - 9:52 AM     
Diyan ka nagkakamali Vietnam Rose! Dahil ako ay isang maginoong tunay na lalaki kaya dito lamang ako sa tabi-tabi nakikiramdam sa inyong pulong pulong. Tunay na barakong puro ika nga!!!! Di tulad ng inaakala ninyong ako ay isang kamag-aral natin. Pero mabuti na yun para patuloy pa rin ninyong isipin ako ay si Joel pero eto po ay isang malaking HINDI!!!! ipagpaumanhin mo Ginoong Joel o Ms. ba? hayaan na lang nating laruin ng inyong mga isipan ang aking pagkatao sapagkat sa gabi ng pagtitipon ay ilalahad ko sa inyo ang katibayang hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo alam kung sino ako. Ang sino mang magwagi ay ililibre ko ng makabagong Nokia cell hindi na kasama siempre ang load dahil sobra naman. o sa muling pagkikita. ha ha ha ha ha ha ha

 

 .-=DARNA=-.



Feb 20th, 2006 - 10:18 AM    DARNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

dyusku day! luz valdez ang byuti ko sa pag swim noh? para maka join lang dititz. esp d2 na ang aking super friends si valentina. (kiyeme!) actually talagang super saya ako kasi lahat dito na yata! mereseng super busy sila noh? log-in parin ang mga byuti nila.

basta walang aagaw sa costume ko sa July 17, 2007. at kay zorro barako akin lang sya! gigi, wish ko nga na ikaw ang tatahi ng aking "magarang kasuotan" but then hindi ko na iistorbohin ang byuti mo para makapag-concentrate ka sa ating napagkasunduan na isusuot.

mayumi, say hi to miraja and fernando... grace miss na kita! basta sige "deal" sa iyo ang "PREMYO" pero sa akin si zorro barako! hi hi hi at si mama joy... ano true ba talaga na nag loss weight ang byuti mo dahil na off the air ang ating tsikahan blues? hayaan mo chocolate lang ang eksena braganza nyan at balik "siksik" ka uli! hi hi hi.

well, mga sisters and brothers nagparamdam lang po ako!

back to earth...'-=NARDA=-'

lovingly yours,
.-=DARNA=-.

 

Mercedes Ayo

Feb 20th, 2006 - 6:13 PM    
Thanks4d compliment ms.vietnam rose.buti naman at nabuhay uli ang ating forum.i felt so sad nung "na-eject" ang ating forum..but just want to let you know ok lang sa akin ang mag-alias kayo ng marami basta panindigan ang multiple costume sa reunion (bwahahaha)magmultiple din kaya ako Adam at Eva [! Joel kailan ka ba dadaot sa lupa ang tagal mo naman tawagan mo ako agad pagdating mo sa aplaya...i know your having fun sa cruising kaya hindi ka naglalog-in but ur missing a lot of things dahlinggggg ok till next lakwatsa muna ang lola....babushh!  

Email: ajustmer@aol.com

 

 



 

joy trinidad panlilio-baltazar

Feb 21st, 2006 - 1:42 AM      


Wala akong masabi....as in talagang nangayayat ako sa kakaisip kina Zorro Mio at My Panday. Sa isang banda, may naidulot ring mabuti ang pagkakawal ng forum natin, pasumandali akong nanahimik at nagdili-dili ng aking buhay, kasama na doon ang kung sino talaga kina Zorro at Panday ang pipiliin kung habang buhay na mamahalin. Gusto ko na kasing magpakatino ... ayokong mamangka sa dalawang ilog, baka sa gusto ko ang dalawa, pareho silang mawala. Kaya, Darna, huwag kang kasisiguro, dahil hindi pa naman nagsasalita at namimili si Zorro, noh? Kahit magsama pa kayo ni Valentinang best friend mo... si Zorro pa rin ang magpapasya. Kaya ako, kahit gusto ko nang magpakatino, naisip ko, ayaw ko namang may masaktan sa kanilang dalawa, kaya sila na lang dalawa love ko! anong magagawa ko? kung sa talagang mahilig ako sa espadang barako, ehe! sa mga macho!

Welcome to the forum, Vietnam Rose, bagama't feel ko, hindi ka na rin bago dito. Hmmmmm?



Email: joybltzr@yahoo.com

 

.-=DARNA=-.

Feb 21st, 2006 - 4:25 AM      
DARNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!
ayyyyy naku ha? si bb. ligaya nagreact! hi hi hi may the best lady WIN! sa puso ni zorro barako. sa katawan pa lang... win galore! na ang lola noh? pero may suggestion ako... we can share naman! di ba? hi hi hi grabeeee na to baka kung saan na mapunta si zorro? panday samahan mo ng "load" ang prize galore mo at baka mapunta sa iyo ang pagtingin nila... para wla na akong kalaban sa puso ni zorro! hi hi hi nangdamay pa ano?

vietnam rose, sige wellcome din kita noh? pero ano ba yang mga kaek ekan na yan noh? ako si zorro b at valetina ay iisa? sige kong feel mo mag join sa game okay lang. actually, hindi po ako kasama ano? but then, if you think na mas masaya kong join ako sa "palaisipan" sige! okrayan blues na ba? hi hi hi okay ang "prize" na offer ko ay trip to baguio for 4! for 2 nights and 3 days... pede extend pero sagot nyo na noh? ang mga hitad sobra na kung ako pa? hi hi hi O ANO "VR" GAME KA NA BA?

madame grace, asan na ang bayuti mo? ay sus mali "byuti" pala! miss ko na ang tsika blues mo... para mas bonga di ba? sabi mo nga pa-log log para sumigla... pindot pindot hangang umaga! wa na ko sey! hangang sa pagsulat "bonga" pa rin! mher ang character mo ha dapat panindigan! di ba ikaw ang eve character! so, dapat pati costume i potrait mo ha? love u!

finally, my zorro barako where are you now? and syempre special greetings goes to my everdearest friend valentina! eksena braganza ang dating mo ha? nakaisa ka pa lang ng sabi nga nila "akda" ano ba ang pingakakabalahan mo? nag pa pa braid ka na naman ba ng iyung mga ahas sa ulo?

o siya muli paramdam galore lang ang lola darna!

back to earth!

'-=NARDA=-'

lovingly yours,


.-=DARNA=-.

 

Sangre Danaya

Feb 21st, 2006 - 5:27 AM      
hello mga batchmate censya na now lang me naglog kc naman naligaw yata me ng forum ang daming bagong batchmates nandyan na pala c zorro, darna, valentina,etc. Well me rin bago (balik) d2 galing me ENCANTADIA isa lang naman akong SANGRE sa LIREO d kayo hirap hulaan me kc ang sexy sexy to the max me.
mama joy how r u? joel i got ur pixs in email ang ganda mo darling next to mher. bb.grace hows ur business?
til next na lang.

God Bless!

 

grace bagorio

Feb 21st, 2006 - 9:48 AM      


NALILITO, NALILITO, NALILITO NA AKO!! AS IN

Pero Enjoy pa rin ang Mutya. Pasaya ng pasaya ang forum natin.Welcome back valentina, panday. Hello to Vietnam rose, sangre Danaya. Showbiz na showbiz ang dating ng batch82. Wish ko lang mabasa ng ibang batch forum natin para mamatay sila sa inggit. Hehe!


Di ko na tuloy malaman kung sino at kaninong premyo ang aangkinin ko. Lahat Bonggacious!! Pwede bang akin na lang lahat, tutal idea ko naman na gawing pacontest ang palaisipan ni G. Zorro. (Kadamutan grasya!)

Basta, tuloy nyo lang ang pagpaparamdam, kahit new arrival o old stock kayo, ok lang. Ang importante, ay mahalaga! Ngeh!

Valentina, out na ang braid. buti pa iparebond mo yang mga ahas sa ulo mo, at siguraduhing behave sila sa reunion natin ha? Baka anaconda na yang mga yan sa katagalan, eh mahirapan si darna sa pagsasabunutan nyo para kay G. Zorro.

Darna, bakit nga ba nasa noo mo ang pakpak mo at di sa likod? siguraduhin din na di ka macostume malfunction pag inatake ka ni valentina at baka maging x-rated ang reunion natin. kung sa bagay, may "K" naman ang iyong kaseksihan kaya boys... abangan!

ms. Vietnam rose, i appreciate ur effort in joining us. Lalo na ur a guaranteed new arrival. Kaso nga lang, madedepreciate na naman ang kautakan ko kung sino ka. Hay naku! ang wrinkles, nangangalabit na! Nivea creme please...

Sangre Danaya, tungkol sa business ko, pwede ba humingi sa yo ng agimat? Im sure marami ka nyan sa encantadia. gusto ko lang bigyan sana ng kadatungan mga customers ko para makabili sila ng manok/hotdog. Para naman di masayang ang maghapon kong nakatunganga kahihintay sa kanila.

So sino pa ang missing in action? joel, kristala, aileen, maynard, arthur, erwin, mabel, beto, weng, san na kayo? Sugo, pumindot ka na rin, o ikaw si Panday? Palagay ko, bago dumating ang July 2007, puro praning na tayo. At least, MASAYA!!

Til next mail, miss u na, luv u pa.

 

aileen "gabo"

Feb 22nd, 2006 - 5:48 AM     my goodness......


nakakaloka na itish......hindi na kaya ng powers ko itoh...sobrang dami na nila... hala...

oyyy...last week nawala kayo..baka kaya ako ang dahil...anyway..masaya na uli dahil were back in business...

Grace..mukhang dami mo nga prize na makukuha ahhh...hati tayo...sayo na trip akin na lang cell phone...hehehehe...kasi hindi ko naman mahuhulan kung sino ang mga itish eh.....pero balita ko rin..okey lang sayo ang prize.. basta kay JOY ang beso beso de amor ni Zorro..ano ba yan.. sino ba talaga itong si Zorro at nakakintriga na to the max...wala ba man lang clue dyan..dahil far out na ako pag dating dito..

Mher pag dumaong na sa aplaya si Joel..pag pagagan mo muna baka meron naka-ipit na sirena dyan...

To panday...my gosh..tutuo bang meron kang ispada na mahaba dapat sa reunion dala mo yan hmmmpppp

To Darna..Valentina....and Vientman Rose and sino pa ang ibang galing encantadia..hayyyy....hilong hilong na ang beauty ko... my dear..

Joy..nice blog..i always read the poems anyway...tell me where to get the book.....

o sya mga kasama babush....


take off na ko.....lipad dali lipad ...shooooooooooooo

 Email: aileen_jiz@hotmail.com

 

grace bagorio

feb 22nd, 2006 - 8:47 AM      Re: Re: Batch 82 chikahan

Aileen, my dear amiga, welcome back. I got worried, akala ko nagpa rehab ka na at nawala pagka adik mo d2 sa forum. Wish ko wag ka na gumaling at lalo ka pa maging adik. sige, dahil luv kita, ibalato ko na sa yo ang cellfone. Solved na ako sa trip to heaven, trip to jerusalem, Kahit sa likod lang ni darna ako sakay ok na rin basta makalabas lang ako Pinas.

very kontrobersyal talaga ang ating G. Zorro, pinag-aagawan na, nahikayat pa nya ang karamihan na magtago sa mga aliases. Bagay na nagbibigay buhay at kulay sa forum natin. Salamat ulit G. Zorro.

pero mukhang busy ang ating bida, at madalang lang bumisita ngaon sa atin. ano ba gimik mo now a days G. Zorro? Natatakot ka bang mabuking ng iba? Ingat lang sa pangangabayo at baka mahulog ka, eh mag iyakan ang mga nagnanasa sa yo, hehe!Tandaan: sa kanila ang iyong halik... akin ang iyong paPREMYO.

my dear joel, i'm missing u so much. saan lupalop ng mundo ang iyong medical mission at di ka man lang pumipindot ngaon. Wala bang electricity jan? We need u here to grace the show. Balik na pleasssssse!

Warm hello to everybody. They say.. "when it hurts to look back, and ur scared to look ahead, you can look beside you and your BEST FRIEND will be there." Sana ganito ang maging samahan ng batch82.

 

 Kristala



Feb 22nd, 2006 - 9:25 AM    

Ang galing galing mo! kristala.........ang galing galing .....KRISTALA!!!


kumusta na uli at nandito na ako. nabalitaan ko kasing nagkaproblema sa cyber kaya lang naging super busy ako as in super busy. mano ba namang pigilin ko ang landslide sa leyte pero hindi ko nakaya. akalain mo ba namang puro putik yun! hindi pa natatapos ang aking dalamhati sa ultra ay eto na naman ang leyte. naku po nanang! pero bago ang lahat kailangan ko muna ng break para maaliw kaya nag-log in dito. wow super!!!!mareng vietnam rose, kahit kilala na kita dahil fan club ka ni maricel soriano ng sila pa ni william martinez, ay hindi mo pa rin ako kilala. day!!! ang taray mo hanggang ngayon kahit ng high school pa tayo.well, guaranteed newcomer din eto ah.
Panday buking na buking na kita dahil ng linggo nakita ko ang kapatid mo na senior natin sa roxas at nagsabi na panay ang log-in mo sa cyber na gamit ang alias ni Jericho!!!!!bwa ha ha ha ha. tapos hindi ka pa nagpakita ng christmas party. hahahahaha aminin na!!!akin na ang cell fone!!!yehey!!!!!!
Dory ang ganda mo ngayon. hindi na kita makikilala. alam mo bang crush ko ang kuya mo nun kaya lang snub niya beauty ko. siguro pagnagkita kami ngayon tulo laway siya sa akin. lalo na sa mga pata ko. ano na ba ang balita sa kanya? o siya sige lilipad din uli ako. byeeeeeeeeeeeee!!!!!!

 

zOrrO

Feb 22nd, 2006 - 7:50 PM     
Kapayapaan at kaligtasan para sa lahat!
inaanyayahan ko po ang bawat isa na samahan ako pang sumandali para mag alay ng panalangin. sa lahat ng mga nasawi at nakabingit pa sa kamatayan sa bayan ng leyte.

ama naming mapagmahal, bingangit mo sa iyong ebanghelyo na kung may dalawa o higit pa na magtitipon sa iyong pangalan ay naroon ka sa gitna. upang dingin at tugunin ang kanilang panalangin. naway sa mga sumandaling ito ang aming mga kapatid na nahimlay ng buhay sa putik ng kadiliman sila nawa ay iyo pong kupkupin. at ang mga may pag asa pang matagpuan ng buhay. sana po bigyan mo ng senyales ang mga taong tumutupad ng kanilang tunkulin upang sila ay maisalba sa putik ng kadiliman! at sa lahat ng mga nag dadalamhati hipuin mo po ang kanilang puso at basbasan mo po sila na sana maibsan ang pighati na kanilang nadarama. sa pangalan ni hesukristo ito po ang aming mataimtim na dalangin!....

mutya ng pasig, salamat muli! sa pagbibigay mo ng kahalagahan sa "munting bagay" na aking naiambag! ipagpaumahin mo rin ang aking pagliban sa ating munting paraiso. (ipinarehabelteyt ako ng "mrs." ko kasi "adik" na ako sa kompyuter! pero di ako gumaling) ha ha ha sa dami ng naghahantay sa aking mga nag gagandahang "dilag" dito! ngayon pa ako hihinto? NO WAY! ayan! bigla ay natuto akong magsalitype ng "banyaga" ako rin namay aliw na aliw sa pamamaraan mo ng pagsulat... hindi lang pang-pamilya! pang puso't damdamin pa! sabi nga ni kristala... ang galing galing!

sa iyo ligaya, hayaan mo pag napag nilay nilay ko na kung sino sa inyo ang magmamayari ng aking "ginintuang puso" ay agad kong ipa-babatid sa inyo... sa kasalukuyan lahat kayo ay matimbang sa aking "puso"

darna, kamusta ka na? ma-aari ba akong lumahok sa iyong patimpalak? para naman masilayan ko ang lugar na iyong binangit na gantimpla!

valentina, re-bound ba o braid ang style mo ngayun?

kristala at vietnam rose! mayroon din ba kayong planong gumawa ng "patimpalak"? at ano naman ang laan na gantimpala?

at sa lahat! ako ay talagang nasasabik na sa ating nalalapit na "pagtitipon" sana marami pa tayong mga kasamahan na lumahok dito. para lalong sumigla ang ating pagbabalik tanaw! yung parang bang gaya ng pasahan ng "stork"? at magsusuot ka ng medyas na magkaiba ang kulay? o kaya naman ay kakain ka ng "sibuyas". o dili kaya ay mag-bahay bahay para lumikom ng mga lumang pahayagan para sa timpalak ng muta ng skul ayyyy! "mutya" pala... ilan lang yan sa maiinit nating kahapon!

sa lahat.... magparamdam! abangan ang susunod na kabanata.....

 



Yüklə 310,37 Kb.

Dostları ilə paylaş:
  1   2   3   4   5   6   7   8   9




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə