I revenged on a Playboy



Yüklə 2,22 Mb.
səhifə12/22
tarix31.10.2017
ölçüsü2,22 Mb.
1   ...   8   9   10   11   12   13   14   15   ...   22

3rd Person's POV

'Ang boring. Tsk.' sabi ni Zoid sa sarili.

Sya lang kasi ang tao sa loob ng classroom nila. Hindi kasi sya pwedeng mag-PE, dahil may sakit sya.

Tumayo sya para pumuntang Oval. Papanoorin nalang nya si Zailie, kaysa naman isang oras syang nakatunganga sa classroom nila.

"Ni-like ko na din yung fanpage nila. Ang cute talaga nila. Bagay na bagay talaga sila. Ahihi."

Napalingon si Zoid sa dalawang 3rd year students na nag-uusap, Sila Collin at Melody.

'Class hour ngayon ah? Tsk. Ang babata pa, mga nagka-cutting class na.'

Nagsimula na ulit syang maglakad. Pero napatigil ulit sya, nung narinig nya ang mga sumunod na sinabi ni Collin.

"Oo nga eh. Alam mo ba, nakita ko sila Ate Yat, Ate Sophi at Ate Zai sa cafeteria nung pang-second day ng foundation week. Lalapitan ko sana sila para kamustahin, pero napatigil ako nung narinig kong sinabi ni Ate Zai na sinagot nya lang daw si Kuya Zoid bilang boyfriend, kasi maghihiganti lang daw siya."

"Baket naman?"

"Kasi daw, ex pala ni Ate Yat si Kuya Zoid. Eh, diba playboy si Kuya Zoid dati? Niloko lang daw nya si Ate Yat. Nag-suicide nga daw sya nun eh. Kaya ayun, sobrang galit na galit si Ate Zai. Mag-bestfriend kasi sila. Kaya parang kapatid na daw yung turing nya dun. Atsaka, hindi lang daw para kay Ate Yat yung paghihiganting yun, para rin daw sa mga babaeng niloko ni Kuya Zoid."

"Awww.. Nakakalungkot naman. Ang sweet kaya nila. Sobra! Pero kung ako yung niligawan ni Kuya Zoid, hindi ako maghihiganti. Kahit na marami syang nilokong babae. Napaka-gwapo kaya ni Kuya Zoid. Bihira ng makahanap ng ganun ka-gwapong lalaki ngayon, noh!"

Nagdilim ang mga mata ni Zoid at nag-martsa palapit kila Collin at Melody.

"Hi, Kuya Zoid. Ano pong kai----"

Di na sya pinatapos magsalita, agad na sya nitong kinwelyuhan. Nagulat sila at nakaramdam ng takot at the same time.

Mabilis na tumakbo si Melody para humingi ng tulong.

Zai's POV

"GOAL!"

"YES!"

Sigawan yan ng mga ka-team ko.

Ang galing ni Dwayne. Halos sya na yung nagpanalo ng team namin. Kapag may bolang lalapit sa'kin, alert sya at sisipain ito palayo.

"You can now have your lunch break. Goodbye Class, see you tomorrow."

"Goodbye and see you tomorrow din po."

"Tara na, Zai." -yaya sa'kin ni Yat.

"Teka lang! Pasabay din." -VJ

"Wag na! May pag-uusapan kami ni Zai. Girl Talk. So, shooo~"

"Ouch. Pinagtatabuyan ako ng mahal ko." sabi nya na naka-hawak sa chest nya. Umaarte na nahu-hurt.

"Oa, ha? Alis na kasi! May pag-uusapan sabi kami eh!"

"Tch. Oo na! Pa-kiss muna."

"Sapak?"

"I don't like. Haha. Sige na nga. Basta sabay tayo umuwi mamaya, ha?"

"Do I have a choice? Eh, lagi mo akong hinahatak pasakay ng kotse mo eh."

"Hehe. Makapunta na nga sa shower room ng boys. Bye, see you later Zai and Clumsy... este labs. Muah." at nag-flying kiss pa sya kay Yat.

Haist salamat. Natapos din sila \(^o^)/

Naglakad na kami papuntang locker room ng girls, para kumuha ng damit pampalit.

"Zai, mag-usap nga tayo."

Tumigil kami sa paglalakad. Pansin ko rin na walang masyadong students ngayon. Tapos na naman ang class hours. Lunch Break na eh.

"Wala ka na ba talagang balak na itigil yang revenge thingy mo? Kinakabahan kasi talaga ako sa pwedeng maging resulta eh."

"Honestly, hindi ko na nga naiisip yan eh. Kasi, sa inaraw-araw ba naman namin magkasama, unti-unti kong nakikita yung good sides nya. Alam mo yun? Yung... parang unti-unti kong nakikita yung talagang Zoid. Hindi yung Zoid na playboy, yung Zoid na nanakit sa'yo. Tapos, kapag ngumingiti sya, parang nahahawa ako. Ewan ko ba. Ang weird ko na."

"Zai, I have a question."

"Ano?"

"Nung naging kayo ba, puro arte lang yung pinapakita mo sakanya? I mean, umaarte ka lang ba?"

Napaisip ako. Umaarte nga lang ba ako?

"Yat. Parang hindi eh. Ewan ko. Di ko rin alam eh."

"Tss. Ganda ng sagot mo. Ganito nalang, nasabihan mo na ba sya ng 'I love you'?"

"Yes. Isang beses. Nung friday lang."

"Pinagplanuhan mo ba na sabihin sakanya yun?"

"Yun na nga yung nakakainis eh. Ni isang beses di ko naisip na sabihin sakanya yun. Nagulat nalang ako nung biglang lumabas sa bibig ko yung salitang 'I love you too' matapos nya 'kong sabihan ng 'I love you'. Tsk. Hini-hypnotize lang ako ng smile nya kaya ko nasabi yun."

"Gosh! Itigil mo na nga talaga yang plano mo!"

"Oo. Ititigil ko na. Ayoko na rin naman eh."

"Good. Kasi kapag tinuloy mo pa yan, pareho kayong masasaktan....."

"Ah."

".........Kasi inlove ka na din sakanya." She continued.

"Oo nga e------ HUWAAAT? A-ako? Inlove sa playboy na yun? The nerve!"

"Weh? Deny pa you!"

I just rolled my eyes. Di pa 'ko naiinlove and mas lalong HINDI ako inlove kay Playboy, I guess?

"A-ate Zai..."

"Melody, bakit hingal na hingal ka?" I asked her.

"K-kanina ko pa po kayo hinahanap."

"Huh? Bakit naman?"

"S-si Collin po. P-please help her."

"A-ano bang----------" Di na nya ako pinatapos sentence ko, hinila na nya agad ako. Syempre, sumunod si Yat sa'min.

Pagkarating namin sa quadrangle, ang daming students na nakapalibot. Kaya naman pala wala ako masyadong makitang DH Students na naglalakad sa hallway kanina, kasi andito silang lahat. Ano ba'ng meron? May concert ba at nagkukumpulan sila?

"Padaan po. Padaanin nyo po kami, please." Mangiyak-ngiyak na si Melody.

Naguguluhan ako. Ano ba kasi talagang meron? Hindi kami makadaan. Akala mo may concert ang one direction. =___=

"K-kuya Zoid, m-maawa na po kayo s-sa'kin.."

That voice. It's Collin's voice! And wait.......

ZOID?

MAAWA?

O___O

Nagkatingin kami ni Yat, tapos pilit na makadaan. Tinutulak na nga namin yung mga nakaharang para lang makadaan kami. Samu't saring reklamo ang mga naririnig namin. Pero hindi namin yun pinansin.

Wala ba'ng teacher?

Haist. Nakadaan din! Succ----

O___O

Si Collin, iyak ng iyak. Kinwelyuhan kasi sya ni Zoid. (Zoid muna tawag ko sakanya ngayon.) Tapos yung mga paa nya, nakalutang na sa ground. Ang sama ng tingin ni Zoid kay Collin. Nakakatakot >.<

Lumapit agad ako sakanila, tapos pilit kong tinanggal yung pagkakakapit nya sa collar ng uniform ni Collin. Napa-upo sya sa sahig, habang umiiyak. Humihikbi na nga sya eh.

"ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO, HA? GHAD, ZOID! 3RD YEAR STUDENT LANG YAN! TO THINK NA BABAE PA SYA! BA'T KA BA NAGKAKA-GANYAN?" I yelled at him.

"That girl!" He said and was about to reach Collin but I stopped him. I blocked the distance between him and Collin.

Napayuko na nga sa takot si Collin yung akmang lalapitan sya ni Zoid eh. Lumapit si Melody na umiiyak at niyakap nya ito.

"BAKIT KA BA KASI NAGKAKA-GANYAN? MAGSALITA KA NGA!"

"Wala. Let's go. I don't wanna see that girl again. I'm afraid what I might do to her." He grabbed my wrist then kinaladkad ako.

"Teka Zoid, di mo pa sinasabi sa'kin kung bakit ka galit na galit."

He just ignored me.

"Hep! Sa'n kayo pupunta? Baka gusto nyong bigyan yung dalawa ng privacy, para makapag-usap. Ang tsi-tsismosa nyo, ha! Pinag-aaral kayo ng mga magulang nyo, tapos ganyan kayo?" Narinig kong sigaw ni Yat. Siguro magsusunuran pa sila sa'mi. Buti nalangat nandyan si Yat ^__^

Tama sya, kailangan nga namin ng privacy ngayon ni Zoid para makapag-usap na kaming dalawa lang. Di ko talaga sya tatantanan hangga't di nya sinasabi sa'kin kung bakit ganun nalang ang galit nya kanina kay Collin.

"ZOID, ANO BA! MAG-USAP NGA TAYO!" I forcely removed his grip on me.

Andito na pala kami ngayon sa mini park ng academy. Right place. Walang katao-tao. Rinig na rinig ko ang sounds ng fountain. Gusto ko talaga ang sound ng fountain. I find it relaxing kasi. Pero hindi muna ako magre-relax ngayon. May gusto akong malaman ngayon at mainit din ang ulo ko sa ginawa ni Zoid. Kahit wala pa kaming isang taon na magkakilala, kilala ko na sya. At alam kong hindi nya magagawa yun ng basta-basta at walang dahilan.

"Please, explain it to me."

"No big deal."

"No big deal? Ano ba'ng pinagsasabi mo? Nagawa mo nga----"

"Sinisiraan ka nung babaeng yun."

"Huh? S-sinisiraan? Maybe na mis-interpret mo lang. Mabait si Collin and I'm pretty sure na hindi nya magagaw---"

"SINABI NYA NA SINAGOT MO LANG AKO, B'COZ YOU'RE SEEKING FOR A REVENGE."

How did she know that?

"Louise ko, it's not true, right? Sinisiraan ka lang na babaeng yun. Don't worry. It's only you who will I believe. I'm always on your side no matter what." He leaned forward and tried to reach my hand, but I pulled it away. He was surprised on what I did.

"Hindi ako sinisiraan ni Collin." I said glancing coldly straight in his eyes.

"W-what do you mean? Louise ko, binabantaan ka ba ng babaeng yun? Wag kang matakot, I can protect you."

Binabantaan? Protect? Ano ba'ng iniisip nya? Nasa teleserye kami at binigyan ako ng deathly threat ni Collin? Ha! Ayos sya mag-isip, hah.

"Totoo ang mga sinabi ni Collin."

"Haha. I know madalas kitang ginu-good time. Ito na ba yung ganti mo? Haha. Nakakatawa. Tama na 'tong palabas na 'to. Tara na." He stepped forward, but I stepped backward.

Bakit ba ayaw nyang maniwala?

"MANIWALA KA KAY COLLIN! TOTOO ANG MGA PINAGSASASABI NYA. Sinagot lang kita para ipaghiganti si Yat." I brushed away my tears.

Napaluhod sya tapos may nakita rin akong luhang tumutulo sa mga mata nya.

"Ano? Masakit ba? So, nararamdaman mo na ngayon yung pain na pinaramdam mo kay Yat. Hindi lang pala sa bestfriend ko, kundi sa madaming babaeng niloko at pinaglaruan mo. Hindi mo ba alam na nag-commit ng suicide si Yat dahil niloko mo sya? Bihira lang sya ma-inlove, pero ano'ng ginawa mo? NILOKO AT PINAGLARUAN MO LANG SYA! Dahil sa'yo, muntikan nang mawala ang bestfriend ko!" I wiped my tears again using my palm.

"Tapos ka na ba? Salamat, huh? Thank you for hurting me. Thank you kasi pinaramdam mo sa'kin kung pa'no masaktan. So all this time, nagpapanggap ka lang pala. Ang galing mo manloko! Mas magaling ka pa sa'kin."

He laughed bitterly.

"Salamat din kasi kahit nagpapanggap ka lang, naging girlfriend pa rin kita in 1 week. Ang saya noh? Kung sino pa ang nag-iisang babaeng mahal ko, sya pa ang magiging Karma ko. Ayan na... nakapaghiganti mo na yung bestfriend mo pati na rin yung ibang babaeng niloko ko. Wag kang mag-alala, siguradong konting panahon nalang tayong magkikita. May isang bagay ka pang hindi nalalaman sa'kin. For sure, magpapa-party ka pa kapag nalaman mo yun." He continued nang nakahawak sa chest nya at parang hinihingal na naman.

Is it because of his asthma? or because of anger?

I brushed away my tears for the fifth time, no, seventh time? I don't know.

Kahit ano'ng gawin kong pagpunas sa luha ko, may panibago pa ring tumutulo.

Nyeta! Bakit ba ako umiiyak? Eto naman talaga yung gusto ko diba? Yung makita syang umiiyak. Pero, bakit pati ako umiiyak din? Diba dapat mag-celebrate ako, kasi I successed?

Nasaktan ko na sya, pero bakit pati ang sarili ko, nasasaktan din?

Tumayo sya, pero agad din syang natumba.

"ZOID!" Napasigaw ako at akmang lalapit sakanya, pero pinigilan nya ako.

"Don't go near me!" He shouted na nakahawak pa rin sa chest nya at hirap na hirap huminga.

"*sniff* ... Z-Zoid..."

"I SAID, DON'T GO NE-----"

"ZOOOOOIDDD!!!!!"

Bigla nalang syang nawalan ng malay.

[A/N: Kasabay ng sama ng loob ng ZL couple ang pag-init ng ulo ko ngayon. Alam nyo kung bakit? May nag-POST lang naman po sa ibang site ng I’M THE BADDEST BOYFRIEND without my consent! Actually, nilagay nya pa rin yung ‘by: PekengKyoot’, pero kahit na ba noh! Diba dapat nagpaalam muna sya sa’kin? Ako ang author at ako ang gumawa ng oneshot na yun, kaya I have the rights na malaman kung ipo-post nya yun sa ibang site. Nakakainis! Grr >__< Plagiarism yun, right? Kahit oneshot lang yun, pinahirapan ko yun. To think na sad story pa yun! Eh, once in a blue moon lang talaga ako maka-gawa ng sad story. Kaasar talaga! Porket bago palang ako dito sa wattpad at wala pang masyadong nakakakilala sa’kin, di na sya magpapaalam? Oh well, di ko na sasabihin kung sino ka man! Alam mo na kung sino ka! And thanks nga pala sa nag-inform sa’kin nun. I owe you a lot. Kung hindi dahil sa’yo, di ko pa malalaman. Sorry kung ang harsh ng Author’s Note ko. Kaasar talaga eh! And kung hindi nyo pa nababasa yung I’m the baddest boyfriend, hanapin nyo nalang sya sa works ko. Dun sa mga oneshots :DD]

Chapter 25

*BFF*

Yat's POV

"Kasalanan ko 'to."

Ayan na naman sya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang sinabi ang sentence na yan.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Alam kong pareho silang masasaktan.

Masasaktan si Zoid, dahil obvious naman na mahal na mahal nya si Zai, at masasaktan din si Zai, hindi lang dahil mahal nya din si Zoid kahit ayaw man nyang aminin. Kundi dahil kapag nalaman nyang HINDI ASTHMA ang sakit ni Zoid, baka gayahin naman nya ang kabaliwang ginawa ko noon. (Suicide)

NOOOO!! Hindi magagawa yun ni Zai!!

At kung nagtatanong kayo kung alam ko ba ang totoong disease ni Zoid, my answer is a big YES.

Jared told me everything nung nag-dinner kami dun sa tree house. Remember? Our courtship chapter?

He knows everything about Zoid. Kung bakit sya naging playboy, yung first love nya and everything.

Alam kong tinatanong nyo rin kung bakit hindi ko manlang sinabi kay Zai na alam ko ang totoong disease ni Zoid.

Syempre, ayoko naman na sa'kin manggaling yun, noh! Gusto ko mang sabihin kay Zai, pero sabi ni Jared, wag ko daw sabihin. Kaya ayun, nagbibigay nalang ako ng clue kay Zai minsan. Kaso naman itong babaeng 'to, naturingang topnatcher, ANG SLOW! Hindi maka-gets agad!

Tama na nga, ang dami ko nang nasabi. Anyway, andito nga pala kami sa clinic. Pinag-stay ng nurse si Zai dito, kasi hindi sya okay. Iyak sya ng iyak. Tapos na ang lunch break. Nagpaalam ako sa next teacher namin na sasamahan ko si Zai.

At nasaan si Zoid?

Nung dinala kasi sya nila Jared at Dwayne dito sa clinic, chineck-up muna sya ni Ms. Nurse. And sabi nya, "His heartbeat is not normal. Fatal ang condition nya ngayon. So, it's better kung sa hospital nyo na sya dadalhin."

Kaya ayun, dinala sya ng mga school staffs sa hospital kasama si Jared at Dwayne. Gusto nyo ng flashback para malaman nyo kung pa'no namin na-rescue si Zoid? (rescue talaga? Haha)

Ito ang..

*** FlashBack ***

Yat's POV

Kumakain ako mag-isa sa cafeteria. Di ko makita si Sophi eh.

"Labs, asan na si Zai? Himala ata at hindi kayo magkasama." Si Jared yan, kasama si Dwayne.

Pareho silang wet look. Pugeee :">

Well, hindi ko sya pinansin. Kinakabahan ako. Kain lang ako ng kain ng macaroni cheese.

"Baka naman magkasama si Zoid at Zai." - Dwayne

Sabihin ko kaya kay Jared yung nagyari kanina? Hindi nila alam kasi nasa shower room sila.

"Jared, may sasabihin ako sa'yo." I said with hand gesture. Napatingin naman ako kay Dwayne. "Dwayne, takpan mo muna yung tenga mo."

"H-huh? Bakit?"

"Basta. Takpan mo na."

Nagtataka nyang tinakpan yung tenga nya.

"Jared, kanina kasi.. *blah blah blah blah blah....*"

"WHAT??" -Dwayne

"Narinig mo?" Tanong ko sakanya.

"Sorry." Sabi nya.

"Sabi ko takpan mo yung tenga mo eh."

"Tinakpan ko naman eh, Pero narinig ko pa rin eh."

Biglang tumayo si Jared. Seryoso yung face expression nya. I find it hot >////<

"Sa'n sila nagpunta?" - Jared

"Papunta sila sa mini park nung huli ko silang nak---" Di na nya ako pinatapos magsalita, hinila na nya ako.

Hinila ko rin si Dwayne. Ahahaha. No! Stop it, YAT! Wag ka munang tumawa ngayon.

Pagkarating namin sa park, na-shock muna kami ng 5 seconds, bago tumakbo palapit sakanila.

Nakahiga kasi si Zoid sa ground ng walang malay, habang si Zai naman, iyak lang ng iyak at mukhang hindi ata alam ang gagawin. Yakap-yakap nya lang si Zoid habang walang tigil sa pag-iyak.

Lumapit si Jared at Dwayne kay Zoid para buhatin at dalhin sa clinic. Ako naman, niyakap ko muna si Zai bago tulungang tumayo.

Pati ako naiiyak sa itsura ni Zai. Ngayon ko lang sya nakitang ganito umiyak.

*** End of FlashBack ***

"Zai, tama na yan. Let's pray for him nalang instead na sisihin mo yang sarili mo."

"H-hindi, Yat. In the first place ako naman talaga ang may kasalanan eh. Alam ko na ngang may Asthma sya, tinuloy ko pa rin. Dahil sa nagalit sya kanina, sinumpong tuloy sya ng asthma nya."

Asthma pa rin ba, Zai? (_ _)^^

Diba nya na-gets yung sinabi nung nurse kanina? HA? Aish.

"ZAI, WHAT HAPPENED?!" Sigaw ni Sophi.

"Sophi, diba class hour pa ngayon? Buti nakalabas ka?"

"Hehe. Nagpaalam ako sa teacher ko eh. Sabi ko, hihingi ako ng gamot para sa LBM sa clinic."

"Ganun? Humingi ka na dun sa nurse! Baka abutin ka pa dit--- ARAY!"

Binatukan ba naman ako!!

"Gaga! Excuse ko lang yun, para makapunta ako dito. Nabalitaan ko kasi yung nangyari eh."

"Nabalitaan mo na pala, eh bakit sumigaw ka pa kanina ng 'ZAI, WHAT HAPPENED?'"

"Hehe. Wala lang. Trip ko lang. Walang basagan ng trip, Yat."

Sabi ko nga.

Nagkatitigan kami ni Sophi. Para bang nag-uusap kami through glances. Then we faced Zai at the same time.

"Ang s-sakit.. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. *sniff* Pati yung ilong ko. *sniff*"

"Here." Inabutan ko ulit sya ng tissue.

Alam nyo na siguro yung gagawin nya dun. Ayoko ng sabihin. So gross. Haha.

"Yan ang napapala ng mga in-denial queen." I said.

Napatigil sya sa ginagawa nya sa tissue. Kumuha sya ng panibagong tissue tapos pinunas sa nose nya then tinapon sa trash bin na nasa gilid ng table.

"Ano bang sinasabi mo?" -Zai

"Hay nakoo~ Umiyak na't lahat-lahat, di mo pa rin matanggap sa sarili mo na...."

"Ang alin? Pa-suspense pa." -Zai na atat na atat.

"Inlove ka kay Zoid. Baket, HINDI BA?"

Hindi sya nakasagot. Halata sa face expression nya na nag-iisip.

Kataloq: uploads
uploads -> Azərbaycan Respublikası Kənd Təsərrüfatı Nazirliyi Azərbaycan Dövlət Aqrar Universiteti adau-nun 80 illik yubileyinə həsr edilir adau-nun elmi ƏSƏRLƏRİ g əNCƏ 2009, №3
uploads -> Mühaziry riyazi mYntiqin elementlYri
uploads -> AZƏrbaycan respublikasi təHSİl naziRLİYİ azərbaycan döVLƏT İQTİsad universiteti magistratura məRKƏZİ
uploads -> AZƏrbaycan əraziSİNDƏ İBTİDAİ İcma quruluşU
uploads -> АзярбайжАН РЕСПУБЛИКАСЫ ТЯЩСИЛ НАЗИРЛИЙИ азярбайжан дювлят игтисад университети
uploads -> Mövzu Fənnin məqsədi və vəzifələri
uploads -> Marketinq fənni üzrə İŞÇİ TƏDRİs proqrami
uploads -> Asm-nin iqtisadiyyatı və idarə edilməsi
uploads -> Təqdimatların hazırlanması (Powerpoint, Word, Excel)

Yüklə 2,22 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   8   9   10   11   12   13   14   15   ...   22




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2020
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə