Copyright April 2012 You Won’t Feel a thing



Yüklə 0,89 Mb.
səhifə2/13
tarix26.08.2018
ölçüsü0,89 Mb.
#74559
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13
“Sheesh! I guess I have to call them.” Magkasalubong na ang kilay ni Yael kaya naman medyo kinabahan si Marc sa kanya.

*****


Napatayo bigla sa tinutulugan niyang bench si Zuriel. Naririnig niya ang ringtone na napapakinggan niya kapag tumatawag sa kanya si Yael. Pinupunasan niya pa yung mata niya tapos nagiistretch-stretch na parang isang bata habang napansin niyang may gumagamit ng open sink sa tapat niya.
Who’s that? A girl?
Anyway, kailangan na niyang sagutin ang kanyang phone. Kinuha niya iyon sa bulsa niya.
“Y-Yeah?” ang sabi niya sa kanyang bagong gising na boses. Medyo nasigawan yata siya kaya inilayo niya sa tenga niya yung phone.
“Orayt, orayt! Coming. Wag ka nang magalit, eto naman oh. Naglalakad na nga ako papunta sa direksyon mo oh. Nakikita na kita. I’m hanging up.” Tapos inend niya na yung tawag.
Nakita niya yung babaeng naghuhugas ng kung ano man doon. Nakasalamin siya at nakangiti habang kitang kita sa pisngi niya ang kanyang malalalim na dimples. Habang medyo nababasa rin yung mahaba niyang buhok sa umaagos na tubig mula sa gripo habang parang batang nakangiti sa hinuhugasan niya. Tumingin ang babae sa kanya at parang… alam niyo na… nastruck yata si Zuriel.
He stepped backward.
Itinaas ng babae ang hinuhugasan niya kaya nakita naman niya na isa iyong Indian Mango. Medyo nagtataka yung babae dahil nagstop yata si Zuriel ng matagal.
“Uh… Hello.” Sabi nung babae na medyo nagulat dahil nandoon si Zuriel. “G-Gusto mo?” tanong nito.
“Uh… Eh… Hi-hin-“
“Hati tayo oh.” Kumuha yung babae ng something sa bag niya. Mayroon siyang maliit na knife doon. Hindi iyon isang kitchen knife. Parang knife iyon na pwedeng gamitin kahit saan, handy ba kumbaga.
“Hi-hindi na. Ok lang.”
“Okay.” Binalatan naman ito nung babae.
“Ngayon lang kita nakita dito.” Sabi ni Zuriel habang pinagmamasdan yung reaction ni Penelope sa pagbabalat.
“Transferee ka siguro… but you don’t look like one.” Nakita niya naman yung suot ni Penelope, simple lang, nakajeans and T-shirt tapos rubbershoes and a bonnet. “Ooops-” sabay takip nung ibig niya. He had never seen a Stranton student dressed like that kaya nagtaka siya. Iba kasi manamit ang mga estudyante doon lalo na kapag babae, papormahan.
“Ah! Baka scholar ka!” tapos medyo nagpause si Zuriel habang nagbabalat pa rin si Penelope at hindi nakatingin sa kanya.
“Scholar?! You must be real awesome!!” sabi niya when he realized what a scholar of Stranton really means.
Stranton is a school for the elites. Kaya posibleng nandoon ang mga matatalino, nandoon ang mga mayayaman, anak ng pulitiko, yung mga taong may mataas na katungkulan sa lipunan be it in music, sports and arts. It is a high school for gifted students with significant backgrounds kaya naman kapag nakapasa ka ng scholarship doon eh you’re big time.
“Scholar ka ba?” By this time nakapagbalat na yung babae ng halos kalahati ng Indian Mango na hawak niya. Nakatingin lang si Zuriel sa kanya habang hinihiwa niya yung part na nabalatan na at kinain ito. Dahil maasim, hindi niya mapigilang maging maasim rin ang mukha niya.
“Asim!” Habang nagmamasid lang si Zuriel sa babae. He found her very charming. Nakatitig lang siya doon hanggang napansin na nung babae na nakatingin na siya ng matagal.
“Umm… As I was saying, you're a scholar?”
Tumango naman yung babae.
“You’re a new face here.” Ang sabi ni Zuriel kahit na hindi naman niya alam ang lahat ng mukha ng estudyante doon para masabing bagong mukha yung kausap niya.
Ngumiti lang si Penelope sabay kagat.
“Crap!” Naalala niya na galit pala sa kanya si Yael. “It’s really really reaaaally nice to meet you, pero kailangan ko nang umalis. Zuriel Van Montero pala.”
“Ah- Okay. Babye.” Tumakbo na si Zuriel at medyo malayo na ang narating niya, nang bigla siyang tumakbo pabalik.
“Anong pangalan mo?”
“Penelope, Penelope Krystinn Morales.”
“Beautiful name.” ang sabi niya at tuluyan na niyang iniwan ang girl na kumakain ng indian mango at habang kumakaway sa kanya.

*________________*


♫ Three ♫
*stretch*
*yawn*
“Rise and shine!” madali siyang bumangon at nagligpit ng hinigaan.
It was a summer morning at kagigising niya lang. Bumaba siya ng hagdan para hanapin ang Mamay niya.
"Mamay? Mamay? Asan ka na po?" hinanap niya ang taong yun while entering inside every room sa first floor ng bahay nila. Nung hindi niya makita ang Mamay niya, umakyat na lang siya ulit sa kwarto niya, inisip na baka lumabas lang iyon at namalengke katulad ng usual na ginagawa nito. And then, pumasok na siya ng banyo at naligo.
Mula sa itaas ng bahay, kung saan siya naliligo, naririnig niya yung pagbukas ng gate. She felt somehow at ease nung narealize niyang tama siya. Na lumabas lang si Mamay, namalengke at umuwi na.
Napatigil siya bigla nang may narinig siyang kumalabog.
Mahina pa naman na daw yung tuhod ni Mamay, baka kung ano nang nangyari dun.
Binilisan niyang maligo at nagbihis naman siya kaagad ng damit at dali-daling bumaba sa first floor. Sa kusina, nakita niya ang kanyang Mamay na nakadapa at hindi na gumagalaw.
Then, she heard a loud noise from the gate as if it was banged shut by someone.
. . .
*gasp*
“Mamay!" nagising bigla si Penelope. Pinunasan niya ng kamay ang mukha niyang pawis na pawis. "P-panaginip na naman." Napahawak naman siya sa chest niya dahil hinahabol niya yung hininga niya.
May kumatok sa pintuan at pumasok ang Tita niya.
"Ti-Tita Agnes, sorry po… Maingay po ba ako?"
"Ano ka ba naman? Bakit ka nagsosorry? Nabahala lang ako kasi baka may problema ka kaya nandito ako." ang sabi ng Tita niya ng may concern.
"Ay Tita, wala po."
"Pawis na pawis ka, anak."
"Ha? Opo. Ang init po eh." Tapos ginalaw niya yung damit niya para maramdaman niya yung hangin.
"Pwede mo namang lakasan ang aircon. Pero more importantly, anong nangyari? Nanaginip ka na naman ba?" medyo matagal na hindi nakapagsalita si Penelope, indicating na tama ang hula ng Tita Agnes niya.
"Is it about her again?" Tumango siya at pagkatapos ay sunud-sunod nang tumulo ang mga luha sa pisngi niya.
Niyakap siya ng Tita Agnes niya. "Alam kong mapayapa na ang Lola mo ngayon doon. Don't think too much about it, anymore. Kahit na alam kong mahirap. Isipin mong okay at masaya na siya sa itaas."
Ang tinatawag na Mamay ni Penelope ay actually Lola niya talaga. Siya na ang nagpalaki kay Penelope. Siya ang nanay ng Dad ni Penelope. Namatay siya dahil sa heart attack at ang palaging napanaginipan ni Penelope ay ang totoong scenario ng huling beses na nakita niya ang Lola niya. Its been 6 months since that incident and lately, madalas na niyang mapanaginipan ang tungkol doon.
*****
Although she was shocked at hindi na alam kung anong dapat gawin, also her eyes are welling up with tears lalo na nung nakita niyang nagkasugat sa noo ang Lola niya dahil sa pagkakabagsak, she composed herself and called for help. Tumawag siya ng ambulansya at pati na rin ibang mga kamag-anak ng Lola niya. Dahil na rin sa kapangyarihan ng adrenaline rush ay naihiga niya ang kanyang Lolang bumagsak sa sahig doon sa kama nito. Habang kinokontak niya ang mga taong iyon, tinawag siya bigla ng Lola niya.
“Tin-tin.” nang mahinang-mahina. Nagmadali siyang lumapit sa Lola niya nun.
“Mamay, huwag ka na pong magsalita. Dadating na po yung ambulansiya.” Hinawakan niya yung kamay nung Lola niya.
“A-anak, k-kunin mo yung wallet k-ko.” ang sabi ng Lola niya with all her remaining strength.
“Po? Mamay, hindi po yan importante ngayon. Magpahinga lang po kayo jan.”
“K-Kunin mo na, mas importante iyon.” Kahit na nagdadalawang-isip siya, pinilit siya nito na kunin niya iyon. Tumakbo siya para hanapin yung wallet at habang nagpupunas ng luha.
“Mamay ito na po oh…” Nakita niya yung Lola niya na ganoon kahina. Medyo matanda na ito pero medyo malakas pa nung mga nakaraan.
“N-Nakikita mo ba yang p-papel na nasa likuran ng litrato m-mo?” Pagkabukas na pagkabukas niya ng wallet ng Lola niya, nakita niya doon yung picture niya. Kinuha naman niya yung piraso ng papel sa likuran nun. Kahit na gustong sabihin ni Penelope na mamaya na lang kapag maayos na ang sitwasyon ng Lola niya, hindi niya iyon magawa.
“Anak.” Umiiyak na yung Lola niya. “Pa-patawarin mo si Mamay.” Nagaalala namang tumingin sa kanya si Penelope. Pagkatapos, binuksan niya ang nakafold na papel na iyon.
Isang sulat na galing sa kanyang Tatay at binasa niya.
Humihingi naman ng tawad ang Lola niya habang umiiyak. “P-patawad, anak. Sorry… T-Tinago ko sa’yo y-yung katotohanang b-buhay p-pa si Victor, ang Papa mo.”
Nagulat si Penelope, ang sinabi sa kanya at pinaniwalaan niya, namatay nang magkasabay ang mga magulang niya noong baby pa siya.
“H-Hindi ko pa pwedeng sabihin sa iyo kung bakit anak, masyadong k-kumplikado. Malalaman mo rin... Basta huwag na huwag mong k-kakalimutang mahal na mahal ka ni Mamay.” Napahawak na si Penelope sa bibig niya at mas lalo siyang napaiyak.
Bigla nang pumasok sa pintuan ang mga emergency personnel. Binuhat nila ang Lola niya at inihiga sa isang stretcher. Agad naman siyang kumuha ng ilang mga damit ng Lola niya at sumunod sa mga iyon.
Ipinasok kaagad ang Lola niya sa operating room. Nasa labas lang si Penelope dahil hindi siya pwede sa loob. Sunud-sunod namang nagsidatingan ang mga kamag-anak ng Lola niya. Tinanong kung ano na ang lagay nito at kumusta rin naman si Penelope. Niyakap siya ng dalawa niyang Tita na mga kapatid ng tatay niya. Tita Agnes isn’t one of them dahil siya ay kapatid ng Mommy ni Penelope. Yung Lolo naman ni Penelope is long gone.
Naghintay sila ng ilang mga oras sa may pinto ng operating room. Then finally the doctor went out.
“We’ve done our best to save her. Pero… mukhang medyo natagalan ang pagbara ng blood sa puso niya…”
“A-Ano pong ibig sabihin nun?” tanong ni Penelope.
Umiling ang Doctor. “ I’m very sorry.” Tapos hinawakan ng doctor ang balikat ni Penelope while she can’t move her body at all.
Hindi na siya pwedeng magstay sa bahay na iyon dahil sa mga certain circumstances katulad ng paghahati-hati ng mana ng Lola niya. Ang lahat ng mga lupain at properties ng Lola niya ay pinaghatian ng dalawa niyang anak na babae, walang natanggap ang nagiisang anak na lalaki nito, instead napunta lahat sa apong babae which is Penelope ang savings ng Lola niya ayon sa Last Will and Testament of her Grandma.
Kahit hindi naman iyon ang gustong iparating ay hindi talaga maiiwasang maging unfair ang paghahati-hati ng mana para sa mga Tita niya. Malaking halaga kasi ang iniwan ng kanyang Lola para sa kanya sa bangko. Anytime pwede siyang kumuha doon, pero mula nang nawala ang Lola niya ay hindi niya ginalaw iyon. Ang mga Tita niya, being jealous and all, ay pinag-agawan siya kung saan siya titira. Alam ni Penelope na ginagawa nila iyon para masabi niya sa kanila yung code sa pagkuha ng pera sa bangko. Pero ayaw talagang sabihin ni Penelope, hindi naman dahil sa nagdadamot siya, kundi dahil sa tingin niya, hindi pa ba sapat sa kanila ang mga lupain ng Lola niya. Napakagreedy naman ng dalawang pamilyang iyon. Kaya naman parang pinagpasapasahan na nila si Penelope nung hindi naman nila makuha yung gusto nila.
Mabuti na lang at natawagan siya kaagad ng Tita Agnes niya. Bumibisita naman kasi ang Tita niyang iyon sa bahay nila noong bata pa siya. Nagkaroon ng mga seryosong usapan sina Tita Agnes at ang Lola niya. Hindi niya alam kung ano iyon since busy siya kakalaro sa pinsan niya at sa kapit-bahay niya. As a five-year old child, wala pa siyang pakialam sa mga ganun.
Pinagpala pa rin naman si Penelope dahil medyo well-off ang both sides ng mga magulang niya. After a lot of paper processing, her Tita Agnes took her in. At binasa niya na rin naman ang sulat ng tatay niya. Upon reading it, it made her decide na hanapin na talaga ang taong yun. No matter how unfair everything may seem to her.
12/21/2010
Dearest Penelope,
I am sure na kapag binabasa mo na ito, anak, malaki ka na.
I don’t know if your Mom named you, Penelope, just as I told her to. Wala kasi ako nung araw na ipinanganak ka ng Mommy mo. Hindi ko rin alam kung nasaan ako o ano bang ginagawa ko noon. I know that it’s no use telling excuses anymore.
I just hope… that you would forgive me because I am unworthy to be called your father. I hope that you would understand why I am not with you right now. Napakarami kong pagkukulang bilang ama sa iyo. Maniwala ka man sa hindi, gusto ko talagang bumawi.
No one wanted me near you kaya naman hindi ko alam ang kalagayan mo, hindi pa kita nakikita simula nung umalis ako sa tinitirhan namin ng Mommy mo noon. I want to see you, anak. Dahil sa mga ginawa ko, nalayo ka sa akin at napagpasyahan ko na ring tanggapin kung anuman ang naging bunga ng mga kagagawan ko noon.
I just want to tell you that I am still alive up to this day. Sana mabasa mo na ito kaagad para hindi ka mahuli. I can’t anymore make a move to find you.
Kung sakaling… gusto mo akong makilala at makita, pumasok ka sa Stranton, anak. That school may lead you to me.

*****


Umalis na si Tita Agnes sa kwarto niya. She decided na matulog na while still thinking about her past. Bigla naman siyang bumangon. At medyo pinalo-palo ang noo niya.
Tama na nga yan! Huwag mo nang isipin pa iyan. Talagang hindi ka makakatulog ngayong gabi. May pasok ka na bukas. Atsaka walang mangyayari kung magmumukmok ka pa rin hanggang ngayon. Nothing will happen if I keep on crying.
She cleared her mind that night at nakatulog naman na siya.
Kinabukasan, ginising siya ng alarm clock niya. Tumingin siya rito at narealize na 7 A.M na. Bumaba naman siya ng hagdan at nakita si Tito Andrew. Nagmano siya rito at nag good morning.
“Magandang umaga rin.” Habang busy itong nagbabasa ng dyaryo. Nakasalubong niya naman si Mikhail (pronounced as Mikyle). Ang pinsan niya. Siya yung palaging nakakalaro ni Penelope noong mga bata pa sila kapag pumupunta si Tita Agnes sa bahay ng Lola nya noon.
“Oh, gising ka na pala.” Nakabihis na ito at papasok na. Mas maaga kasi ang pasok ni Mikhail kaysa sa kanya, dahil nasa ibang eskwelahan siya nagaaral. “Kumain ka na doon. Masarap ang ulam.” Nginitian siya nito.
“Thank You Mikhail.” Super close sila nito. Parang older brother na ang turing niya kay Mikhail.
“Good luck sa bagong school mo. I heard mahirap talagang magaral doon. Masyadong prestihiyoso kasi. Masyadong napapairal ng pera, alam mo na.”

“Kakayanin yan! Ako pa! Hehe.” Ngumiti siya ng malapad kay Mikhail to assure na magiging okay lang siya.


Yun ang palagi niyang ginagawa kapag may nagtatanong sa kanya kung magiging okay lang siya. Mabuti nga at hindi nahahalata ng mga tao sa paligid niya na kinakabahan rin siya. Somehow, kapag ngumingiti siya ng malapad parang nawawala yung mga inaalala niya.
“Kapag may nangaway sa iyo, tawagan mo ako kaagad ha. Alam mo naman yung number ko.” Napangiti na lang sa kanya si Penelope at tumawa naman ng mahina si Mikhail. Naalala rin ni Penelope yung pangalan ni Mikhail sa cellphone niya. AAAMikhail. Si Mikhail mismo ang nagsave ng number niya doon para daw siya ang unang unang matawagan.
“O sige na. Mauna na ako.”
Si Mikhail ay graduating student na, habang siya naman eh hahabol sa current school year ng Stranton. Medyo alanganin na nga rin talaga yung pagpasok niya doon dahil magNo-November na. Pero dahil sa tulong ng tinutuluyan niyang pamilya ngayon at dahil na rin sa sponsor niya, nagawan naman ng paraan.
“Ingat ka!” At dumiretso na siya sa dining room. Nakita niyang nakaserve na yung longganisa at itlog sa hapag. Bigla namang sumulpot ang Tita Agnes niya.
“Good morning! Kumain ka na.”
“Wow! Ang sarap naman ng ulam!”
“Simple nga lang anak eh.”
“Hindi po kaya Tita, sosyal nga po eh, longganisa ang aga-aga. Hehe. Thank You Tita.” Ngumiti na naman siya ng malapad.
Ninenerbyos talaga siya kung magiging okay lang ba siya sa bago niyang school. Although nasanay naman na siya doon sa dati niyang school, Augsbury High School na binubully rin siya, pero… bahala na. Ang importante naman eh makakita siya ng clues about her Dad, Victor Morales.
Nagprepare na rin siya ng sarili niya at pumunta na ng school. Inoffer ng kanyang Tito na idrive siya papuntang school pero tinanggihan niya naman dahil gusto niyang maexperience ang magcommute kahit na hindi naman tutuloy sa trabaho ang Tito at Tita niya.
Ang pamilya ng Tita Agnes niya ay kanya na ring parang sariling pamilya. They took her in for 6 months now. Tinuring siyang anak ng Tito at Tita niya at younger sister naman ng pinsan niya. Pero kahit na ganoon, nagapply siya ng scholarship para hindi maging abala sa pamilyang tumulong sa kanya. Kahit na mayroon naman siyang pera sa bangko, ayaw niya lang talagang gamitin iyon. At walang nakakaalam tungkol doon.
“Okay lang ba na umuwi ka ng maaga ngayon? May sasabihin kasi kaming importante sa iyo.” ang sabi sa kanya ng Tito Andrew niya.
“Okay po.” Kinabahan naman si Penelope.
“Mag-iingat ka.” ang sabi ng Tita niya. She kissed her Tita Agnes goodbye at kumaway naman siya sa Tito niya.
Excited na excited siyang pumasok sa unang period ng klase. Physics. Medyo magaling siya doon pero ang specialty talaga ni Penelope ay Math, to be specific, Calculus. Ipinakilala lang siya sa klase. Tumayo siya sa harapan at sinabi ang buong pangalan niya.
“He-Hello. Nice to meet you. I am P-Penelope Krystinn Morales. I.. uh… just transferred here. ” Ang sabi niya sa buong klase na parang walang pakialam sa mundo. Yung iba tulog, yung iba naman nakatingin sa labas habang ang iba ay nakatingin nga sa kanya pero halata namang iba ang tumatakbo sa isip.
“Any questions about her?” ang sabi ng teacher nila.
May isang estudyanteng attentive at nagtaas pa ng kamay para tanungin si Penelope.
“How old are you?”
“Uh… I'm 17.”
“Oh… I'm older.” tapos ngumiti naman sa kanya ito.
Teka, kilala ko yan ah. Siya yung lalaki kahapon na mukhang hindi naligo. Yung kakaiba makatingin, hidden agenda...
“Wala na?” Nung wala nang sumasagot nagsalita na ulit yung teacher. “You can choose where to sit, Ms. Morales.”
Bumulong ang lalaking nagtanong kanina sa babaeng katabi niya na halos magkapalitan na sila ng mukha. Bigla namang tumayo yung babae tapos umupo sa ibang upuan. Ngumiti yung lalaki kay Penelope.
Pwede akong umupo kahit saan huwag lang sa tabi niya..
Lumakad na siya sa aisle. Eh nakaupo pa naman yung lalaki sa tabi ng aisle, kaya medyo kinabahan siya. Pagdaan niya sa gilid nito, hinawakan siya ng lalaki doon sa braso niya. Inilayo niya naman kaagad ang braso niya.
Kaya nagreact ang ilang mga tao dahil sa ginawa niya. Wala lang pakialam ang teacher dahil kanina pa siya nagsimulang magsulat sa board.
“Who does she think she is?”
“Doing that to Jake.”
“Hindi niya ba alam na halos lahat ng babae ay gustong mahawakan ang bassist ng Ryddim?”
Talaga!? Grabe lang ah!
“Hey, I was just being friendly.” Ang sabi nito sa kanya.
Dahil nga nainis na sa kanya ang mga tao, wala nang may gustong magpaupo sa kanya. Kaya nawalan siya ng choice kundi umupo sa tabi ni Jake.
“Jake Wagner. I am the bassist of our band.” Ang sabi nito sa kanya noong saktong nakaupo na siya. Nagulat siya nung sinabi nitong “Take that glasses off. I bet you’ll be more beautiful.”
“Umm… I do not take them off.”
“Why not?”
“Hindi ako makakitang mabuti eh.”
“I’ll buy you contact lenses… just go out with me.”
Nanlaki yung mata niya. Magsasalita na sana siya na ayaw niya dito at tatayo na rin dapat siya nang biglang nagsalita si Jake.
“Joke lang!” tapos tumawa ng malakas si Jake. “Hahaha! Sana nakita mo yung reaction mo kanina!”

*________________*


♫ Four ♫
Kinabahan talaga ako doon! Ang creepy creepy naman ng lalaking yun. Bukas talaga, hindi na ako tatabi sa kanya.
So far, so good naman ang araw ni Penelope kahit medyo sablay nung umaga. Ginulu-gulo at dinaldal lang siya ni Jake buong period. Naghello lang naman si Gabrielle sa kanya noong nagkasalubong sila that morning break. Masaya naman si Penelope dahil medyo nakapagsimula na rin siyang mag-aral. She doesn’t plan doing anything else besides studying and finding clues about her dad.
Sabi ng tatay ko, ito ang lead ko para makita ko siya. I have to do my best.
Mabuti na lang talaga at maaga ang schedule ng lunch niya. Ibig sabihin, medyo bakante pa ang mga seats. Nakaupo naman siya ngayon. Masaya lang siyang kumakain ng burger sa upuan na medyo malapit sa counter. Nang biglang may taong umupo sa kaharap niyang upuan.
Hmm? Sino siya? Ang cute cute niya naman.
Ang sabi niya sa sarili habang nakatingin lang sa babaeng nakangiti sa kanya.
"Hi! Do you mind if I sit down here?" sabi nung girl sa harapan ni Penelope habang lumunok lang siya.
"Hmm... So this is what a Stranton Scholar looks like."
Bakit ganun? Palaging big deal na scholar ako dito. Eh.. Nagaaral lang naman ako. Hindi naman malaking bagay yun.
"Brianne.” (pronounced as Breeyan) Inabot niya yung kamay niya kay Penelope.
“Penelope.” Kinuha naman iyon ni Penelope at nagshake hands sila. Ngumiti na rin si Penelope sa kanya.
“I am pretty much the same as you. Hindi nga lang ako ganong napapansin.” Medyo ngumiti si Brianne sa kanya. “I love studying.”
“Ako rin!” Napangiti lalo ng mas malapad si Penelope sa babaeng ito at parang medyo nagkaintindihan sila.
Let me describe Brianne. Maganda siya at medyo maliit pagkatapos may maikling buhok. Halos magkasingtangkad lang sila ni Penelope. Ngayong araw na ito, ordinaryong T-Shirt lang ang suot niya paired with a skirt and boots. Si Brianne ay nanggaling sa pamilya ng mga lawyers.
Marami lang silang napagusapan doon. Nalaman nila ang schedule ng isa’t isa. Nalaman rin nilang magkaklase sila sa next period. Social Studies. Finally, nakahanap rin si Penelope ng kaibigan. She felt good about it.
Pero ang tawanan nila ay biglang natigil nang binully sila sa gitna ng hallway. Naglalakad kasi sila papunta sa susunod nilang klase. Mayroon talagang mga estudyanteng natutuwa kapag nakikitang napapahiya ang ibang estudyante.
Pero unlike Penelope, Brianne fights.
“Ano bang mga problema niyo? Ha!?” Basang basa silang dalawa ni Penelope dahil may nambuhos na mga babae sa kanila ng tubig mula sa bottles.
“Oh, you still fight towards us?” nagtawanan ang mga babae doon. “At nagsama pa talaga kayo noh? Mga low-life sa school na ito!” It was the same group of girls na tumulak kay Penelope kahapon.
Lumakad si Brianne papalapit sa mga iyon. At magkasalubong ang kilay na tumingin sa leader ng mga babaeng iyon.
"Alam mo ba Chrissy, matagal ko nang gustong gawin to..." Itinaas niya kasi ang kanyang kanang kamao at parang handang patulan ang babaeng iyon.
“Sa tingin mo matatakot mo ako?” tumawa naman yung babae.
Akmang lalaban na si Brianne nang bigla siyang hinatak ni Penelope.
“What are you doing, Penelope?”
“Sssshh…” eksakto kasing dumadaan ang guidance counselor ng school nila. Si Mrs. Valderama. Napansin rin nito ang mga pangyayari.
“Bakit basang-basa kayo?” habang yung grupo ng mga babae ay dali-daling umalis na.
“Ah!” yan ang naireact ni Brianne dahil gusto niyang habulin ang mga babaeng lumiko na sa may corner.
“Accident lang po. Nag… na... Natapon po kasi yung dala namin tubig nung nagkabanggaan kami.”
“Sa susunod magiingat kayo ah. O sige, magpalit na kayo ng mga damit niyo. May P.E uniform naman kayo diba?” nung sumagot si Penelope na mayroon, umalis na kaagad yung teacher nilang iyon.
“Penelope... Thanks.”
“Ha? Saan?”
“Tinatanong pa ba yan? Siyempre sa paghatak mo sa akin, kung hindi siguro... Nako! Ayoko pa namang magkarecord dun. Pagagalitan ako ng Daddy ko.”
Nagpalit na sila ng damit at dumiretso sa susunod nilang klase.

Yüklə 0,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   13




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©muhaz.org 2025
rəhbərliyinə müraciət

gir | qeydiyyatdan keç
    Ana səhifə


yükləyin